You are on page 1of 1

KOPYA NG GURO

LEVEL: GRADE 2 - FILIPINO

Itanong ang mga sumusunod:


Pagganyak:
Ano ang ginagawa mo paggising mo?

Pagtakda ng layunin:
Alamin kung ano ang ginawa ni Nilo pagkagising niya.
Ipabasa ang kuwento

PAPASOK NA SI NILO
Araw ng Lunes. Maagang gumising si Nilo.
Matapos maihanda ang sarili, nagpaalam siyang papasok na.
“Sandali lang, Nilo. Sumilip ka kaya muna sa salamin.
Masdan mo ang buo mong kasuotan,” utos ng ate.
“Naku, marumi pala ang aking sapatos,” wika ni Nilo.
Kumuha siya ng basahan at pinunasan ang sapatos.
“Ate, aalis na po ako,” paalam ni Nilo.
“O, sige. Mag-ingat ka,” tugon ng ate.
Bilang ng Salita: 63

Ipasagot ang mga sumusunod na tanong.


1. Sino ang nagsabing, “Sandali. Tumingin ka muna sa salamin?”
a. si Ate
b. si Nilo
c. si Nanay
2. Ano ang ibang salita para sumilip?
a. dumaan
b. tumingin
c. lumingon
3. Saan pupunta si Nilo? Pupunta si Nilo sa ________
a. handaan
b. paaralan
c. simbahan
4. Ano ang salitang naglalarawan tungkol kay Nilo?
a. malinis
b. masipag
c. magalang
5. Alin sa mga sumusunod ang maganda pang pamagat sa kuwento?
a. Ang Sapatos ni Nilo
b. Ang Maruming Sapatos
c. Handa na Pumasok si Nilo

You might also like