You are on page 1of 2

QUIZ 2- FILIPINO- 5

MODULE 3-4 SECOND QUARTER

PANGALAN: ___________________________________________________

Isulat kung naganap, nagaganap o magaganap ang mga salitang may salungguhit.

__________ 1. Kaliligo lamang ni Ate Adela nang mag-brownout.


__________ 2. Hinabol ni Katrina ang Aleng nagtitinda ng mangga dahil bibili siya.
__________ 3. Pinagtawanan ni Marvin ang pamangkin dahil tabingi ang pagka-kasuot nito ng sunglasses.
__________ 4. Magluluto si Aling Inday ng paborito nitong paksiw na bangus.
__________ 5. Kumakatok si Aling Edith at nanghihiram ng plantsa.

Bilugan ang pandiwang makikita mo sa bawat pangungusap at isulat sa patlang ang panahunan nito.
___________6. Nagdulot ng malaking baha ang ulan sa buong magdamag.
___________7. Lumutang sa tubig baha ang mga plastik at iba pang basura.
___________8. Ang mga kabahayan ay nalubog sa tubig ulan.
___________9. Ang mga sasakyan ay naiwan sa lansangan.
___________10. Itinutulak ng mga tao ang mga tumitirik na sasakyan upang hindi makaabala sa lansangan.
___________11. Isinasakay sa bangka ang mga pangunahing kakailanganin ng mga tao.
___________12. Isinasakay ang mga taong may bahay na nalubog sa tubig-baha.
___________13. Ang pamahalaang-bayan ay maghahanap ng lugar na pagdadalhan sa mga tao.
___________14. Maghahandog ng tulong ang Red Cross.
___________15.Ang iba’t ibang organisasyon ay mangangalap ng pondo upang makatulong sa mga biktima.

KEY TO CORRECTION
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11.
12.
13.
14.
15.

You might also like