You are on page 1of 2

Shaina Marie R.

Firmalan BSCE II-5


September 10, 2019
Repleksyong Papel
Bilang paunang pormal na diskusyon sa kursong ‘Buhay at Mga Sinulat ni Rizal’ ang
unang pagtatalakay ay sinimulan sa pag analisa sa librong “Rizal Without the Overcoat” ni
Ambeth Ocampo. Ito ay naglalaman ng mga koleksiyong artikulo sa Philippine Daily Inquirer na
isinulat ni Ambeth Ocampo na pinagtipon tipon para makabuo ng isang libro. Si Ambeth Ocampo
ay tanyag bilang isang public historian, kadalasan siyang nakikita sa mga television para ipaalam
sa mga tao ang makulay nating kasaysayan. Isa rin siya sa mga taong nakatanggap ng Honorary
Doctorate galing sa ating sintang paaralan. Kilala din siya dahil sa mga kalipunan na kanyang
pinamunuan, kabilang na dito ang National Commission for Culture and the Arts (NCCA), National
Historical Commission of the Philippines (NHCP) at Philippine Historical Association (PHA).
Ang librong ‘Rizal Without the Overcoat ‘ni Ambeth Ocampo ay nagpapatungkol kay Rizal
na hindi kabilang ang mga ‘overcoated’ na papuri, katuringan, kalidad at kwento. Dahil kung ating
mapapansin sa mga nababasa nating mga libro na tungkol kay Rizal masyado siyang hinahangan
dahil sa mga abilidad na kaya nya na sa katunayan ay hindi na rin naman masyadong iba noong
panahon nila. Napakataas ng tingin natin sa kanya na nilalagay na natin siya sa pedestal na halos
wala ng pwedeng maging katulad niya, ngunit ang paniniwala nating ito ay napakamali dahil dapat
mas lumapit ang imahe ni Rizal bilang isang bayani, bilang isang magandang ehemplo sa isang
tao. Maisasabuhay lamang natin siya bilang isang imahe na dapat tularan kung ang mga
katangian niya ay katulad lamang ng sa atin.
Ilan sa mga artikulong nakapaloob sa librong ito ay ang ‘Rizal Father of Hitler? Jack the
Ripper?’. Nagkaroon daw ng usap usapan noon na si Rizal ang ama ni Hitler sa kadahilanang
nag-aral si Rizal sa Heidelberg, Gemany. Nagkaroon din siya ng karanasan na pumunta ng club
at doon ay may nakilala siyang babae na ayon nga sa kanyang kaibigan ng sandaling yon ay
‘hindi umakto si Rizal na katulad ng kanyang pangalan’ dahil sa insedenteng ito nagkaroon ng
paghihinuha na ang babaeng nakilala ni Rizal ay ang ina ni Hitler. Ngunit agad namang
napabulaanan ang ideyang ito dahil umalis si Rizal sa Alemanya noong 1887 at pinanganak
lamang si Hitler noong 1889. Sa isyung si Rizal daw ay si Jack the Ripper ang mga ebidensya
naman ay ang pananatili ni Rizal sa London noong kasagsagan ng pagpatay ni Jack the Ripper
na sa katunayan ay nandoon lamang siya sa London dahil may sinusulat siyang libro na tungkol
sa kasaysayan ng Pilipinas. Naging basehan rin nila ang pangalan ni Jose Rizal na ang initial ay
“JR” na katulad ng iniiwang tanda ni Jack the Ripper sa mga napapatay nya, pati ang pagiging
doctor ni Rizal ay nadawit rin sa isyu.
Isa rin sa artikulong nakapaloob sa librong ito ay ang ‘Rizal did not write Sa Aking Mga
Kabata’, pinatunayan na hindi siya ang nagsulat ng akdang Sa Aking Mga Kabata dahil nag-aaral
pa lamang siya ng mga panahong ito at kapansin pansin rin ang pag-gamit niya ng ‘k’ imbes ‘c’
dahil noong mga panahong yun hindi pa napapakilala ang ‘k’ sa ating alpabeto. Isa pang basehan
kung bakit nasabi na hindi siya ang may akda ng libro dahil sa ginamit niyang salita na ‘kalayaan’
na malalaman niya lamang ng isinalin ni Marcelo del Pilar ang kanyang El Amor Patrio noong
1886.
Sa isang artikulo ni Ambeth Ocampo nabanggit niya na si Rizal ay isang ‘conscious hero’,
na parang alam niya na kung ano ang magiging epekto niya sa pangkasalukuyang panahon.
Halimbawa na lamang dito ang palagi niyang pagbanggit na hindi siya aabot ng 30 at ang pagsabi
niya na balang araw ay magkakaroon rin siya ng monumento na katulad ng mga inuukit niya.
Kahiit na alam niyang may banta sa kanyang buhay kapag umuwi siya ng pilipinas pinagpatuloy
pa rin niya ang kanyang pag uwi at ang pag iwan niya ng liham ilang araw lamang bago siya
mamatay sa kanyang kaibigan na ibibigay lamang nito kapag siya ay namatay.
Hinangaan rin natin si Rizal sa kanyang taglay na katalinuhan sa mga librong Rizal
pinupuri siya dahil sa mga matataas na markang nakukuha niya sa klase. Ngunit ayon kay
Ambeth Ocampo sa isa niyang artikulo, magaling naman talaga si Rizal sa klase ngunit halos
lahat naman sa klaseng kinapapalooban niya ay katulad niya rin ng grado kung baga normal sa
kanila noong panahong iyon na maging mahusay sa larangang pang akademiko maging sa ibang
mga bagay. Dagdag niya pa hindi dapat nating tawaging ‘Dr.’ si Rizal dahil hindi naman talaga
siya lehitimong doctor dahil hindi niya naman natapos ang kanyang kurso.
Madaming nakakapukaw interes na mga artikulo ang nakasaad sa librong ito ni Ambeth
Ocampo ang aking mga nabanggit ay ilan lamang sa mga artikulong natalakay sa nakaraang
diskusyon. May mga kamalian man ang may akda sa gawa niyang ito hindi naman maitatanggi
na ang kanyang dahilan kung bakit nya nagawa ang koleksiyon ng mga artikulong ito ay para
maging mas malapit ang tinuturing nating bayani sa atin. Dahil siya ginawang huwarang modelo
hindi lamang para ilagay sa pedestal kundi para tularan at isabuhay ang mga ginawa niyang
pagpapakabayani. Hindi man siya humawak ng itak at nakipaglaban ng pisikal para patunayan
na siya ay makabayan naging mas mabisa naman ang paggamit niya ng papel at panulat para
mapukaw ang isip ng ating mga kababayan.

You might also like