You are on page 1of 2

Wikang Filipino, Daan sa Pambansang Kaunlaran

Biyernes, Oktubre 7, 2016

Wikang Filipino, Instrumento at Daluyan sa Pambansang Kaunlaran

        Tunay na ang wikang Filipino ay may taglay na malalim, malawak at natatanging kaalaman at
karunungan. Mula rito, kung mahusay nating magagamit ang wikang Filipino sa ating buhay at iba-iba
pang mga aspeto nito ay masasabi ngang magbubunga ito ng kaunlaran. Ang wikang ito na mahiwaga na
nagpababatid ng mga kaalaman ay lalong mabisang maikakasangkapan sa ating pambansang kaunlaran
kung ito'y lubos at puspusang pinapairal sa iba't-ibang larangan, disiplina at sa mga kapuluan ng
Pilipinas.
        Ang ating wikang Pambansa ang nagdudulot ng pagkakabuklod-buklod at pagkakaisa ng mga tao sa
bansa at isa itong mahalagang salik sa ating pambansang pagkakakilanlan. Ang masusing paraan upang
itaguyod ito ay nananatiling isang pangunahing hamon, 'di lamang sa mga sektor at sa mga grupong
naglalayon sa pagpapayabong ng wikang Filipino kundi sa buong bansa at sa lahat ng mga tao rito. Dahil
sa tayo ang gumagamit, tayo ang lumilikha at tumatanggap kung gayon ay tayo rin mismo ang
nakikinabang kung kaya't mas mabuti kung hahangarin natin ang higit na ikayayaman ng karunungang
nakapaloob sa wika nating pambansa. Isa sa mga problema ang tila mas pagtangkilik sa wikang Ingles
kaysa sarili nating wika, Filipino. Mas gusto pang gamitin ang wikang Ingles sapagkat ito ang kinikilalang
wikang  pandaigdig at ugnay na rin dito ang maraming kapuluan ng Pilipinas, maraming katutubong wika
ang nagpapatid sa tuluyan at ganap na pagkakaisa ng bansa bagaman mayroon namang wikang pambansa
sa kabila nito'y mas umiigting ang pagtangkilik sa mga wikang panrehiyon at wikang pandaigdig marahil
mas madali ang komunikasyon at transaksyon sa pamamagitan ng mga wikang ito.
        Ayon kay Gat. Jose Rizal, "Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at
malansang isda.'' Kung susuriing mabuti, nais lamang ipabatid ng pahayag na ito ukol sa ating sariling
wika ay ang hindi pagmahal at ang pagtalikod dito ay ang salik na magpapakilala sa tao bilang taksil sa
bansa. Kaya't layon naman ng mga salitang ito na buksan ang kaisipan ng mga tao kung paano tatanawin
ang sariling  wika, kung paano ito ituturing.
        Isipin na lamang natin ang kahalagahan ng wika sa ating buhay, sa ating kapwa, sa bansa at buong
daigdig. Tanungin din natin ang ating sarili na paano na lang kung wala ni isang wika. Paano makikipag-
ugnayan ang tao sa kaniyang kapwa? Paano ilalahad ang saloobin at kaisipan ng isa? Hindi ba't mahirap
bigyan ng nararapat na paliwanag kung paano na lamang ang buhay ng tao kung walang wika? Ngunit ang
kaisipan natin ay maglalaro sa sagot na kung walang wika, maaring wala tayo ngayon sa mund0ng ating
ginagalawan sapagkat posibleng maging bunga na nga ito ng kawalan ng komunikasyon sa pagitan ng
mga tao. Mula rito, mauunawaan natin kung gaano kahalaga ang wika, ang pangkalahatang dulot at
ambag nito sa mga tao. At kung naunawaan natin ito ng mabuti ay maiisip natin na dapat umaksyon at
makibahagi ang bawat isa upang lalong umunlad ang wikang Filipino, mas maging mabisa pa ang
paggamit dito, mas yumaman pa ang karunungang taglay nito at mas makilala ng tao sa Pilipinas at
lalung-lalo na sa buong daigdig. Dagdag pa rito ay ang ating kamangmangan, na tinanggal ng
karunungang taglay ng wika. Kung walang wika, walang sagot sa ating kamangmangan. Itong wikang
Filipino, wikang pambansa ang tatanglaw sa tao sa mundong magulo, para hindi na mangamba pa, upang
hindi na matakot pa.
        Filipino, wika ng Pilipinas, wika ng karunungan. Ang nagsusulong sa pagbabago at pag-uunlad sa
lipunan at sa bayan. Ang instrumento ng ating pakikipagtalastasan at ang nagdudulot ng mabuting
pakikipag-ugnayan, ito na rin nga ang magbubunga ng pambansang pagkakaisa na daan sa kaunlaran.
        Palawigin at pagyamanin pa ang wikang Filipino, ibabad ang sarili sa wikang  ito. Tumanggap pa tayo
ng wika, makinig, sumangguni at magtanong upang lumawak ang sariling kaalaman. Lumikha tayo ng
wika, magsulat, magpahayag at magpaliwanag upang humusay sa paggamit ng wika at makatulong sa
bansa sa pagpapalaganap ng kaalaman. Pairalin ang wikang Filipino sa lahat ng larangan at disiplina,
institusyon at sistema. Palaging gamitin upang makilala pa, palaging ikasangkapan para lumawig pa.
Kung ang salita na mula sa wikang banyaga ay walang katumbas na salita sa ating sariling wika ay
tumbasan nang umunlad pa. Sa lahat ng gawain, komunikasyon at transaksyong pambansa ay itatag natin
ang wikang Filipino nang lalo pang magamit. Mas tangkilikin at gamitin kaysa wikang banyaga.
Makibahagi tayo sa layuning pagpapaunlad, manaliksik pa sa wikang Filipino upang palaganapin ang
karunungan at ibahagi ang hiwaga nitong kaalaman. Magbigay pugay tayo sa mga taong naunang
nagbahagi sa higit na ikauunlad ng wika. 
        Samakatuwid, napakahalaga ng wikang pambansa sapagkat ito ang nagbibigay buhay, diwa at ang
nagpapakilala sa bansa, ito ang sumasalamin sa kultura, kaugalian, paniniwala, kaalaman at karunungan
ng mga mamayan, ang nagbabatid ng kakayahan ng mga tao, ito ang daluyan ng ating komunikasyon, ito
ang larawan na nagpapakita ng ating pagkakakilanlan, kung paano tayo tatanawin at ituturing ng mga tao
sa labas ng bansa. Wika ang ating tubig na papawi sa uhaw nating kaalaman, ang tinapay na bubusog sa
ating pag-iisip at karunungan, ang ilaw na magbibigay liwanag sa kadiliman, ang paliwanag sa
kabagabagan, ang sagot sa maraming katanungan, ang sandata ng ating katalinuhan, ang kalasag ng
katuwiran at ang lunas sa ating kamangmangan. Wikang Filipino ang kaluluwa ng Pilipinas, ang
karunungan nito ang susi sa pambansang pag-unlad sa iba't-ibang aspeto para sa iisang minitmithing
tagumpay.

You might also like