You are on page 1of 11

IDOLO ni Armela Maninggo

Nabuhay sa henerasyong maka bago


Kung saan ang gadget ay nauuso
Mobile phones, Internet, Facebook at kung ano-ano
Mapa- TV man o mapa Radyo

Nakilala ko sila noong ako’y kinse anyos pa lamang


Sa kanila ako ay lubos na tinamaan
Unang kita ko pa nga lang
Sigurado na akong, sila na ang THE ONE

BRGY. GINEBRA ang kanilang team


Sa PBA hanip, walang kasing galing
Mga manonood ay napapailing
Lalo pa’t bola ay naipasok na sa RING

Team na marami nang pinagsamahan


Team na marami nang pinagdaanan
Samahang patuloy paring lumalaban
Solid Ginebra kanilang paninindigan

CROWD FAVORITE kung sila’y turingan


Ang bawat laro nila ay inaabangan
Mga tao ay malakas na naghihiyawan
Lalo pa’t score nila ay lamang na sa kalaban
Hayaan niyong paglalarawan ay akin nang masimulan
Nawa’y ang boses ko ay inyong mapakinggan
Sa aking unang hinahangaan
Hindi niyo sana siya agad na mahusgahan

Hinangaan hindi sa pisikal na kaanyuan


Hinangaan hindi dahil may taglay na kagwapuhan
Hinahangan dahil sa pagmamahal sa ating bayan
At nagtataglay ng malinis na kalooban

Hindi naman siya yung tipong kumakanta


Hindi naman siya yung tipong pang artista
Siya naman ay isang magaling na atleta
Isang atletang basketbolista

Mga kaibigan ko ako’y pinagsasabihan


Ako’y lagi nilang pinag-uusapan
Bakit daw sa dami ng dapat hangaan
Bakit siya pa ang aking natipuan

Sa kanilng ibinabatong katanungan


Simple lang ang aking naging kasagutan
Ako ay isang DIE HARD FAN
At yon ang hinding hindi niyo maiintindihan
Hindi man siya purong Pilipino
Hindi man siya yung tipong pang modelo
Hindi ko man masasabing siya’y perpekto
Siya lang ang bukod tanging nagpapasaya ng araw ko

Isang idolong banyaga


Isang idolong mapagkumbaba
Ang puso niya ay totoong makabansa
Kung kaya’t sa kanya ako ay lubos na humahanga

Siya ay kilalang Mr. HUMBLE ng Pambansang Liga


Naging inspirasyon ng koponang Ginebra
Siya ay import na minahal ng masa
Dahil sa pinakita niyang puso sa Liga

Sa kanyang galing sa paaghawak sa Bola


Tunay na sandigan ng mga kasama
Hindi sya na takot maipakita
“NEVER SAY DIE” kanilang paniniwala

Siya ay may pusong Banyaga


Ngunit mas malinis maglaro sa pinoy sa diwa
Karamihan sa mga HATER’S pagkatao niya’y binababa
Ngunit di siya pumapatol sa mga ugaling DUKHA
Sabi ng iba GINEBRA sa kanya lang umaasa
Nakamit ang kampeonatong siya lang daw ang nagdala
Kung wala siya kang kong parin sila
Yon ang lumalabas sa bibig ng mga taong pabida

Sa laro siya ay umaarangkada


Saludo lagi sa kanya ang mga kasama
Sa mga tao sila’y lubos na nagpapasaya
Sila ang dahilan kung ba’t puno lagi ang ARANETA

Sa basketbol hindi siya nagpapahuli


Ang paglalaro niya’y hindi rin madumi
Sa mga manlalaro siya ay katangi-tangi
Award na BEST IMPORT siya dapat ang mag may-ari

Sa kanyang simpleng katauhan


Siya ay aking sinasaluduhan
At kung nais niyong malaman
JUSTIN BROWNLEE ang kanyang pangalan

Dumako naman tayo sa sunod na pagkatao


Siya namn ay isang purong Pilipino
Tunay na maaasahan ng kanilang grupo
Sa REBOUND hindi siya nagpapatalo
Hindi man siya yung tipong katangkaran
Asahan mo ang bola ay di niya pababayaan
Sa mga SEVEN FOOTER siya’y nakikipagsabayan
Makuha lang ang bolang kanilang pinag-aagawan

SCOTTIE THOMPSON ang buo niyang pangalan


Manlalarong dika mag aalangan
Sa kanyang taglay na kagalingan
Mapapa SANA ALL ka na lang

Ang sumunod nama’y tinaguriang TINYENTE ng grupo


Ang pangalan niya ay L.A. TENORIO
Damit na suot ay numero singko
Siya’y manlalarong napakaliksi at napakabibo

Sa THREE POINT SHOT di siya nagpapatalo


Lalo pa’t dito di siya dehado
Mga kasamahan niya siya ay suportado
Sa PAMBANSANG REVERSE kami ay sumasaludo

Nakilala din sa kanyang REVERSE LAY-UP


Mga galawan niya ay kagulat gulat
Sa kanyang bilis na parang kidlat
Napapanganga at natitigilan ang lahat
Tinagurian mang pinakamaliit sa grupo
Hindi naman siya basta basta na sumusuko
Galing nya ay nag-uumapaw ng todo
Gagawin lahat upang laro ay maipanalo

Ang sumunod ay tinaguriang CENTER ng kanilang koponan


JAPETH AGUILAR ang kanyang pangalan
Sa kanyang taglay na katangkaran
Siya’y tinitingala ng karamihan

Pinabibilib ka sa kanyang mga galawan


Isang manlalarong mala-SUPER MAN
Hindi siya nagpapatalo sa DAKDAKAN
Bola siguradong pasok na pasok na yan

Sa mga import siya ay nakikipagsabayan


Sa pagkuha ng bola di yan pa-iiwan
Siguradong CROWD ay magsisigawan
Pag bola ay kanya nang nahawakan

Numero BENTI naman ang kanyang kasuotan


Sa REBOUND di na siya nag aalangan
Ang pagtalon ay di na niya kailangan
Lalo pa’t height niya ay pang dalawahan
SEVEN FOOTER kung tinagurian
GREG SLAUGHTER ang kanyang pangalan
At sa taglay niyang kagwapuhan
Mukha niya ay dimo makakalimutan

Isa sa TWIN TOWER kung siya ay bansagan


Hinding hindi mo siya malalamangan
Kung pataasan lang at patangkaran
Tiyak na panalo na yan.

Sila naman ang TANDEM na minahal ng masa


Pares na pasok na pasok sa yung panlasa
Sila yung FAST at FURIOUS kumbaga
Si JAYJAY HELTERBRAND at si MARK CAGUIAO

Dami’t na trisi at kuwarenta y siyete


Numerong para sa kanila ay napaka swerte
Manlalarong laging kampante
Lalo pa’t dalawa silang laging magkakampi

Sa matagal na nilang pagsasama


Manlalarong may koneksiyon sa isa’t isa
chemistry nila ay kakaiba
Sa laro nila ikaw ay mapapanganga
Sa pormahan di yan patatalo
Daig pa nila mga sikat na modelo
Manlalarong laging bigay todo
Katangian nila talagang kabibiliban mo

Sa LIGA sila ay napakatagal


LEGEND ng nga kung turingan ng iba
Ngunit galawan nila’y di pa naluluma
Daig pa nila ang sa kanila’y mas bata

Siya naman ay bago palang sa samahan


” STAN THE MAN “ kung siya’y bansagan
Kahit sino pang kalaban di niya inuurungan
Maliit man o matangkad kaya niyang sabayan

STANLY PRINGLE ang buo niyang pangalan


Siya’y nanggaling sa ibang bayan
Hindi man Pilipinas ang lugar na pinagmulan
Dugong pinoy at buong puso siya kung lumaban

Mabilis din siya pagdating sa takbuhan


Sa DRIBBLING at SHOOTING di rin yan paiiwan
Mga kalaban niya ay nilulusutan lang
Sa kanyang bilis at liksi di siya nababantayan
Tinaguriang Haligi ng koponan
Coach TIM CONE ang kanyang pangalan
Tatay ng buong samahan
BRGY. GINEBRA tinuring niyang tahanan

Coach na marami ng nagawa


May pusong pinoy kahit dugong banyaga
Sa team nila siya ang taga pag- alaga
Gumagabay at itinuturo lagi kung ano ang tama

Coach na masasabing BETERANO


Sa CHAMPIONSHIP GAME marami na silang tinalo
Bawat laro nila pinaghahandaan ng todo
Makamit lang ang inaasam na kampeonato

Siya ay walang inuurungan


Titulong marami nang napatunayan
Hindi siya pumapayag na ikaw ay maiwanan
Sa kanyang pangaral marami kang matutunan

Sa lahat ng naging parte nitong koponan


Kayo’y lubos kong pinasasalamatan
Inaalis niyo ang lungkot na nararamdaman
Pinapalitan niyo ng walang humpay na kasiyahan
GINEBRA na ang aking una’t huli
Sila na ang sa puso’y mananatili
Sa paghahanap ng libangan sila lang ang napili
Sa pusong nananabik sila na nga ang susi

Sa aking maikling katha


Sana kayo ay matuwa
Itong aking ginawang tula
Ay ina alay sa lahat ng tagahanga

Samahang solid kasama


Sumasaludo sa koponang Ginebra
Mapa PBA ALL STAR man o ano pa mang LIGA
Ginebra players laging umaarangkada

Binibigyan nila ako ng dahilan para sumaya


Binibigyan nila ako ng dahilan para tumawa
Grupong hinding hindi ako mag sasawa
Dahil sa kanilang ngiting nakakahawa

Ang kanilang pangalan ay tumatak na nga sa aking puso’t isipan


Sila ay aking tunay na hinahangaan
At kung nais ninyong malaman
Sa Ginebra niyo lang sila matatagpuan

You might also like