You are on page 1of 4

Gianne Xeniah I.

Nivera Oktubre 4, 2020


ANI12-C
Inaasahang Pagganap 2

Anime
Haikyuu!!

Isa sa mga popular na isports sa Pilipinas ay ang Volleyball—bata man


o matanda, lahat sila ay masayang nakikisali sa larong ito kung saan ang
pangunahing layunin ay panatilihing nasa itaas ang bola. Dalawa ang pangkat
na naglalaban, at upang manalo, kailangan ay maibagsak mo ang bola sa
panig ng korte ng iyong kalaban, kaakibat naman nito ang iba’t ibang paraan
upang mapigilan ang pagpanalo ng isang pangkat—sa pamamagitan man ng
pag-block nito o pag-receive ng bola. Sa laro ng Volleyball, ang matatangkad
ang naghahari.
Sa halip ng lahat ng mga matatangkad na kalaban, patuloy pa din na
naglalaro ang mga Pilipino. Dahil dito, gusto ko ipakilala ang anime na
nagpapakita ng pagiging mapagkumpitensya ng mga manlalaro, o sa
partikular, ng mga atletang Pilipino. Ang pangalan ng anime na ito ay
Haikyuu!!, kung saan ang bida ay si Hinata Shouyou—isang high school
student na nais lamang makapaglaro sa isang
malaking volleyball court, at malaman kung ano ang
pakiramdam na manalo kasama ng isang buong
grupo. Ito ay dahil noong bata pa
lamang siya at nasa middle
school, matagal na siyang
minamaliit ng kanyang mga
kababata dahil kulang siya sa
tangkad. Ngunit isang
araw, habang siya
ay nasa kanyang
bisikleta,
napadaan siya sa isang volleyball
match sa isang telebisyon sa
kanyang bayan. Nagulat siya
noong nakita niya na ang naglalaro
at nananalo ay mas maliit pa sa
kanyang mga kalaban—ang tawag
sa atleta, The Little Giant. Mula noon,
nagkaroon ng pag-asa sa puso ni Hinata na
siya ay makakapaglaro din katulad ng
Little Giant, kung kaya’t dahil dito, siya ay
nagkaroon ng interest sa volleyball.
Ang nakakalungkot lang, ay wala
masyadong naglalaro ng volleyball sa kanyang
bayan, kung kaya’t palagi siyang mag-isa na
nag-eensayo at nanonood na lamang sa
kanyang ibang mga kaibigan na naglalaro ng
ibang isports. Sa kabila ng lahat ng ito, malakas
pa din ang kanyang loob at hindi niya hinayaan ang
kanyang sarili na tumigil sa pag-abot sa kanyang
pangarap. Hindi siya napanghinaan ng loob, at dahil dito,
pagkatapos ng lahat ng kanyang mga pinagdaanan na
pagkatalo sa madaming mga matatangkad na atleta,
pagkatapos ng iilang taon na pag-eensayo at paghihirap, sa
wakas, siya din ay nakatungtong sa isang malaking
volleyball court kasama ng ibang mga atleta na kanyang
mga nakilala sa loob ng iilang mga taon.
Sa aking paningin, katulad ni Hinata Shouyou, ang
mga Pilipino ay hindi rin basta-basta nagpapadala sa mga pisikal na
anyo. Hindi sila nawawalan ng lakas ng loob kahit ibang-iba ang antas at
kasanayan ng mga dayuhan na atleta kaysa sa mga Pilipinong atleta—lalo na’t
kung alam nila na para sa sariling kaunlaran din nila ang nakasalalay. Katulad
ni Hinata Shouyou, ang kanilang pagkakaiba ay hindi nagging hadlang upang
tumigil sa pagsisikap, ngunit naging kalamangan pa nila ito upang mas
galingan pa nila ang pagsasanay kaysa sa ibang atleta na nag-aakalang
mananalo sila kahit hindi nag-eensayo. Naniniwala ako, na katulad ni Hinata,
ang bawat pagbagsak at pagtayo sa paglalakbay ay dinadamdam ng buong
puso at kaluluwa ng mga Pilipino.

Teleserye
Encantadia

Sa tingin ko, ang pinakamagandang halimbawa ng teleserye


na nagpapakita ng pamumuhay ng mga Pilipino ay ang
Encantadia. Hindi lamang ang kultura at kasaysayan ng mga
pamilyang Pilipino ang ipinapakita, ngunit ang halaga din mga
mitolohiya at mga kwentong Pilipino na madalas ay hindi na
nakikilala ng mga bagong henerasyon.
Simulan natin sa pagpapakita nila ng isang Pilipinong pamilya; sa
partikular, ang pamilya ni Reyna Minea at ang kanyang mga anak na sila
Pirena, Amihan, Alena, at Danaya. Sa simula ng kwento, sila
ay namumuhay ng mapayapa at nag-eensayo upang maging
malalakas at mabubuting mga sang'gre. Katulad ng mga
karaniwang pamilyang Pilipino, ang mga anak ay
magkakapatid ay pinag-aaral ng kanilang mga magulang at
nangingibabaw sa kanya-kanyang talento. Makikita ito sa mga panimulang
yugto ng teleserye, kasama na ng pagrerepresenta ng mga sang’gre sa mga
Pilipinong mga magkakapatid sa pamamagitan ng mga interaksyon nila bilang
mga magkakadugo.
Naipakita din sa teleseryeng ito ang inggit at kasamaan ng
loob sa pagitan ng mga magkakapatid tuwing nakikita nila na
mas pabor ang kanilang magulang sa isa nilang kapatid
imbis na pantay lamang sa lahat. Noong ang mga
sang’gre ay tumanda at dumating sa tamang edad
kung saan mamimili na ang kanilang ina ng susunod
na tagapagmana, nagsimula na ang pagbuo ng inggit at galit
ng pinakamatanda nilang kapatid na si Pirena, lalo na’t
nung napapansin niya na mas malapit ang kanyang ina
sa mas bata niyang kapatid na si Amihan. Bilang
pinakamatandang kapatid, naniniwala siya na sa
kanya dapat mapunta ang trono at hindi sa kanyang
mas batang kapatid, at noong ibinigay kay Amihan
ang trono, nagalit si Pirena. Tulad ng lahat ng mga
malalang away sa pagitan ng mga magkakapatid
na Pilipino, nakapagsabi si Pirena ng matatalim
na salita, lumayas sa kanilang tahanan, at
nasaktan ang kanyang buong pamilya sa proseso
ng lahat ng ito.
Sa kabila ng lahat ng pagtataksil at
digmaan sa gitna ng mga magkakapatid, at kung
nahirapan man patawarin ng magkakapatid ang
kanilang nakatatanda, sila ay
magkakapatid pa din sa dulo.
Nauna pa din ang puso at natuto
din sila magpakawala ng
nakaraan, dahil dito,
nakapagsimula sila ng panibago at
nabuhay muli ng mapayapa.

Novelty Songs
1) Otso Otso
2) Pamela One
3) Totoy Bibo
4) Beep Beep Ang Sabi ng Jeep
5) Hindi Ako Bakla
Pick-up Line
Gatas ka ba? Kasi, simula pa lang, ikaw na ang hinahanap-hanap ko.

Hugot
Buti pa yung deadline hinahabol, ako, iniiwanan lang.

Textula

Isang kasinungalingan
Pagbagsak ng kaharian
Kanyang pinangunahan
Sumpa ng kasamaan

Bumitaw sa pangako
Mga mata’y lumabo
Naliligaw ang puso
‘Di alam ‘san dadapo

Ang ngiting kinagisnan


‘Di na kayang matingnan
Mag-isa na iniwan
Sumpa ng kasamaan

Ngunit sa bawat pako


Puso ay ‘di naglaho
Pagkatapos matalo
Naghintay hanggang dulo

You might also like