You are on page 1of 1

MALAYA KA NA PILIPINO

I
Sandaang taon kasaysayan ang lumipas
Kalayaang pinaglaban bukambibig mong binibigkas
Kasarinla’y nakamtan dahil sa dugong ibinuwis
Kasama ng mga luha, taghoy, pagod at hinagpis
Nahan ka na sa iyong kinalalagyan
Sa gitna ng makabuluha’t makulay mong kasaysayan
Ipadama’t ipagbunyi at panatilihing laging gising
Gabay ang mithiin ng puso, diwa’t damdamin

Refrain:
Malaya ka na, Pilipino! Kagitingan mo’y isisigaw
Sa buong mundo, sa buong mundo!
Kasarinlan at kalayaan hinding-hindi pababayaan
Taglay ang bagong anyo ng pag-asa
Pilipino, aking kapatid, mabuhay ka!

II
Kaharap mo ngayo’y samu’t-saring pakikipaglaban
Ang kapayapaan ay makamtan at magapi ang kahirapan
Susulong kang ‘di papipigil, ‘di iiwas
Sa hamon ng kaunlaran lalo kang lumalakas..

Refrain 2:
Malaya ka na, Pilipino! Kagitingan mo’y isisigaw
Sa buong mundo, sa buong mundo!
Kasarinlan at kalayaan patuloy kong ipaglalaban
Taglay ang bagong anyo ng pag-asa
Pilipino, aking kaibigan, mabuhay ka!

Bridge:

Mula noon, hanggang ngayon sa Mindanao, Visayas at Luzon


Kabayaniha’y mo’y nanaig pagkat inang baya’y iniibig! Iniibig…..

Refrain 2:
Malaya ka na, Pilipino! Kagitingan mo’y isisigaw
Sa buong mundo, sa buong mundo!
Kasarinlan at kalayaan hinding-hindi pababayaan
Taglay ang bagong anyo ng pag-asa
Pilipino, aking kababayan mabuhay ka!
Mabuhay ka! Mabuhay ka! Mabuhay ka!
Mabuhay ka!

You might also like