You are on page 1of 3

FILIPINO 1

th
4 Summative Test
2nd Quarter

Pangalan: ________________________________ Iskor: ___________

I. Sa patnubay ng tagapagdaloy, basahin ang maikling kwento. Sagutan ang mga


sumusunod na tanong.

Ang Batang Masipag

Si Toto ay pitong taong gulang, sa murang edad tinutulungan na niya ang kanyang
mga magulang sa gawaing bahay, marunong syang magluto ng kanin, magluto ng ulam at
maglinis ng bahay. Masipag din si Toto na magbasa at magsulat, mabait din syang bata
inaalagaan niya din ang kanyang nakababatang kapatid. Marami ring kaibigan si Toto.
Madalas siyang makipaglaro kung tapos na ang gawaing bahay at ang kanyang takdang
aralin . Tunay ngang kagiliw-giliw si Toto dahil sa kanyang kasipagan.

Panuto: Sa patnubay ng tagapagdaloy, basahin ang mga


tanong, piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

______1. Sino ang batang masipag?


a. Toto b. Kiko c. Pikoy
______2. Ano-ano ang mga ginagawa ng bata?
a. magbasa at magsulat b. magluto c. Lahat ng nabanggit
______3. Kailan naglalaro si Toto?
a. Bago siya gumawa ng takdang aralin.
b. Habang siya ay nagluluto.
c. Kung tapos na ang kanyang gawaing bahay at takdang aralin.
______4. Bakit kinagigiliwan si Toto?
a. Dahil siya ay mabait na bata.
b. Dahil siya ay masipag na bata.
c. Lahat ng nabanggit.
______5. Ikaw bilang bata gagawin mo rin ba ang ginagawa ni Toto? Bakit?
a. Hindi po, dahil mas gusto ko ang maglaro.
b. Opo, dahil matutuwa ang aking mga magulang kung ako ay
magiging masipag at may oras lagi sa pag-aaral.
c. Hindi po, dahil kung gagawin ko ang gawaing bahay ako ay
mapapagod.

II. Pantigin ang mga sumusunod at isulat ang bilang ng sagot sa sagutang papel.

6. paso - ______
7. kabayo - ______
8. watawat - ______
9. sapatos - ______
10. laso - _______

File created by DepEd Click.

ANSWER KEY:

1. a
2. c
3. c
4. c
5. b
6. 2
7. 3
8. 3
9. 3
10. 2

You might also like