You are on page 1of 9

MSU SAGUIARAN COMMUNITY HIGH SCHOOL

Modyul 12
ARALING PANLIPUNAN
Grade 7A
[Grab
PANGALAN: ____________________________________      PETSA: _______ iSKOR: your

I. PANIMULA
Bukod sa mga sibilisasyong umusbong sa Mesopotamia tulad ng Sumer, Akkad, Babylonia, Assyria,
at Chaldea, mayroon pang ibang pangkat ng tao na may mahusay na pamumuhay na umunlad sa
kanlurang Asya. Malaki ang naging papel ng mga pangkat na ito sa paglinang ng kasalukuyang
kabihasnan.
II. KONSEPTO
IBA PANG KABIHASNAN SA KANLURANG ASYA
 Hittite
Ipinalagay na buhat sa tribong Indo-Europeo ang mga Hittite. Sila ay dumayo sa Asya Minor
(Turkey ngayon) at nagtatag ng ilang malayang lungsod, isang malakas na pinuno ang sumakop sa mga
lungsod at itinatag ang kapital sa Hattushah noong 1650 BCE. Mahilig sila sa pakikidigma. Sila ang
kauna-unahang pangkat na malawakang gumamit ng metal na sandata sa pakikipaglaban. Inilihim ng
mga Hittite ang kanilang kaalaman sa paggawa ng metal na bagay.
Chariot- Ito ay tinutulak ng mga kabayo, ginamit ng mga Hittite sa mga digmaan kaya sila ay
nagtagumpay at naging makapangyarihan sa loob ng ilang siglo.
Suppiluliumas – mahusay na pinuno ng mga Hittite noong c1380, itinatag niya ang isang
imperyo at nakipaglaban sa kapangyarihan ng mga Egyptian. Sinakop niya ang Syria at Canaan.
Nagwakas ang kapangyarihan ng mga Hittite nang lumusob ang mga dayuhan mula sa Aegean
Sea noong 1200 BCE.
 Phoenician
Sa mga taong 1100 BCE nanirahan ang mga tinatawag na Phoenician sa timog-silangang bahagi
ng Asia Minor na binubuo ngayon ng mga bansang Syria, Lebanon, at Israel. Nagmula ang
katawagang phoinikes na tumutukoy sa telang kulay lila na tanyag na produktong ito ng mga
Phoenician.
Simula nang bumagsak ang Imperyong Babylonia, wala nang sumikat na imperyo sa Silangan.
Samantala, ang gawing kanluran ng Fertile Cresent ay nahati-hati sa maliliit na estado ng Syria,
Phoenicia, Palestine at iba pang tribo. Noong 1200 BC, binuo ng apat na tribong Semitic ang
rehiyon: Aramean, Phoenician, Philistine at Hebreo.
Isa sa mga tribong Semitic na sumikat sa baybayin ng Dagat Mediterranean ay ang mga
Phoenician. Hindi mataba ang mga lupain ng Phoenicia kaya hindi naging magsasaka ang mga tao
kundi mangangalakal. Ang lungsod ng Tyre, Sidon at Byblos ay naging sentro ng kalakalan sa
Mediterranean. Sumikat ang Carthage sa Hilagang Aprika at ang Cadiz sa Espanya. Maunlad ang
kalakalan ng Phoenician. Nagluluwas sila ng kahoy na cedar sa Babylonia at Ehipto. Mula sa Ehipto
at Mesopotamia dala-dala ng kanilang barko ang kalakal patungong kanlurang Europa kaya nakilala
sila bilang mga mahuhusay na manlalayag sa karagatan.
Carthage – Pinakamahalagang kolonya ng mga Phoenician na naitatag noong 814 BCE at ang
naging sentro ng kalakalan sa Africa, Egypt, at Europa. Ito ay bansang Tunisia sa kasalukuyan.
Dahil sa kahusayan ng mga Phoenician na makipagkalakalan sa iba’t-ibang lupain, hindi
maikakaila na pati ang kaisipan at kulturang taglay ng isang lugar ay naipalaganap nila sa ibang lugar
kung kaya’t tinagurian ang mga Phoenician bilang “tagapagdala ng kabihasnan.” Hindi lamang mga
produkto ang naibahagi nila sa ibang lupain kundi ang pamumuhay din ng ibang taong kalahok sa
kanilang kalakalan.
Ang mga Phoenician din ang nakaimbento ng unang alpabeto. Ang salitang aleph at beth mula
sa mga Phoenician ay naging alpha at beta sa mga Greek.
 Hebreo
Tinagurian ang mga Hebreo bilang “mga taong hinirang ng diyos” sa kadahilanan na si Hesus na
pinaniniwalaang anak ng Diyos ay nagmula sa lahi ng mga Hebreo. Nakabatay ang kasaysayan ng mga
Hebreo sa mga unang aklat ng Bibliya.
Maikling kasaysayan ng mga Hebreo ayon sa mahahalagang tauhan nito:

Anak ni Abraham (IBRAHIM) na ABRAHAM “Ama ng mga Hebreo.” Nagmula siya sa


siyang ipinangako ng Diyos sa timog na bahagi ng Mesopotamia.
kanya ISAAC Pagkaraan ay lumipat sila at kanyang
kasaahan sa Canaan at doo nanirahan.
Dahil sa tagtuyot, lumipat ang JACOB
mga Hebreo sa Egypt,
pinagmalupitan at naging alipin MOSES Anak ni Isaac. Nagkaroon ng 12 anak na
ng mga Egyptian tinawag na 12 tribo ng Israel.

“Tagapagbigay ng batas.” JOSHUA


Nanguna sa paglisan ng mga Nagdala sa mga Hebreo sa Lupang
Hebreo mula Egypt tungo sa Pangako.
SAUL
“Lupang Pangako.” Tawag nito
ay Exodus. Pinagbigyan ng
Diyos ng 10 utos sa Mt. Sinai
DAVID
Nagwagi laban kay Goliath na isang
Unang hari ng Hebreo. Philistine. Naging hari noong 1004 BCE
SOLOMON
Namahal siya noong 1020 BCE. at ginawang kabisera ang Jerusalem.

Pinakamatalinong hari ng mga Hebreo.


Nagpatayo ng unang templo.

Nang mamatay si Solomon, nahati ang kaharian ng mga Hebreo sa dalawa. Tuluyan nang sinakop ni
Nebuchadnezzar ng Chaldea ang kaharian at ang Jerusalem noong 586 BCE. Sinunog ng mga tauhan
ni Nebuchadnessar ang buong kabisera kabilang na ang templo na itinayo ni Solomon at dinakip
ang mga Hebreo at diala sa Babylon.
Kontribusyon ng mga Hebreo sa kasalukuyang kabihasnan:
1. Pag-usbong relihiyong monoteismo, ang Judaism
2. Ang prinsipyo ng moralidad ng tao

 Lydian
Ang mga Lydian ay nagmula sa Balkan Peninsula sa Europe at naglayag patungong Asia Minor at
permanente nang nanirahan sa hilagang bahagi nito. Noong ikaanim na siglo BCE, naging isang
malakas na impero ang Lydia at itinatag ang Sardis bilang kabisera nito.
Naging tanyag sila dahil sila ang kauna-unahang pangkat na gumamit ng coin sa
pakikipagkalakalan. Habang ang ibang pamayanan sa kanlurang Asya ay nasa sitemang barter,
natutunan na ng mga Lydian ang maghugis ng ginto o pilak bilang coin.
Haring Croesus – unang ginamit ang mga coin sa kanyang pamamahala.
Humina ang imperyo ng Lydia nang sakupin ni Haring Cyrus the Great ang Sardis noong 546 BCE at
isinama sa mapa ng Persiya ang Lydia.

 Persiyano
Nanirahan ang ma Persiyano sa silangang bahagi ng Mesopotamia na ngayon ay bansang Iran.
Sila ay kabilang sa pangkat ng mga Aryano mula sa rehiyon ng Caspian Sea.
Achaemenes – nagmula sa kanya ang hari ng mga Persiyano kung kaya’t ang dinastiyang
namahala sa kanila ay tinawag na Dinastiyang Achaemenid.

Haring Cyrus the Great – sa kanyang pamamahala nagin makapangyarihan ang mga Persiyano
noong 557 BCE. Nagtagumpay siya na masakop ang buong Fertile Crescent at Asia Minor kung
kaya’t ang kanyang imperyo ang pinakamalaki at pinakamakapangyarihan sa buong mundo sa
mga panahong iyon.

Haring Darius I – tinagurian niya ang kaniyang sarili bilang hari ng mga hari at may titulo rin
siyang the great tulad ni Haring Cyrus. Pinamahalaan niya ang Persiya mula 521 hanggang 486
BCE. Nakamit ng mga Persiyano ang kadakilaan ng kanilang imperyo sa kanyang pamumuno.

Mga nagawa ni Darius the Great:

 Paglawak ng teritoryo ng Persiya mula India sa silangan hanggang Turkey sa kanluran.


 Paggamit ng mga ginto at pilak na coin sa kalakalan.
 Paggawa ng isang superhighway na nagdurugtong sa mga lungsod ng PErsiya mula Susa,
Iran Hanggang Ephesus sa Turkey. Ito ay may habang 2,400 km na ginawa noong c500 BCE.
 Pagdagdag ng satrapy (rehiyon/lalawigan) sa imperyo na pinamumunuan ng satrap. Ang
mga satrap ang nagsisilbing mata at tainga ng hari sa mga kaganapan sa kanyang imperyo.
 Pagtayo ng mga magagarang na palasyo at gusali sa mga lungsod tulad ng Persepolis.

Xerxes - anak ni haring Darius na pumalit sa kanya. Bilang paghihiganti sa nabigong pananakop ng
kanyang ama sa Greece, muling nagsagawa ng ekspedisyon si Xerxes upang salakayin ang Greece
ngunit siya ay hindi nagtagumpay.
Bumagsak ang imperyong Persiano noong 331 BCE nang magapi ni Alexander the Great ang hari
ng PErsiya na si Darius III. Dito nagwakas ang imperyong minsang tinaguriang pinakamalawak sa
buong mundo.
Kontribusyon ng mga Persiyano sa kasalukuyang daigdig:
1. Relihiyong Zoroastrianism - Sinaunang elihiyon ng mga Persiyano na nakabatay sa mga aral at
katuruan ni Zoroaster, isang propetang Persiyano.

Doktrina ng Zoroastrianism: ang bawat tao ay binigyan ng pagkakataong pumili sa pagitan ng


mabuti at di-mabuti.
 Ahura Mazda – diyos ng kabutihan
 Ahriman – diyos ng kasamaan.
Zend-Avesta – nakatala sa aklat na ito ang katuruan ng relihiyong Zoroastrianism.
2. Sistema ng Pamahalang Panlalawigan – ang paghahati-hati ng buong imperyo sa ma rehiyon o
lalawigan na tinawag na satrapy ay naging mabisa sa maayos na pamamahala ng PErsiya sa
kabila ng pagiging malawak na teritoryo nito. Ang sistemang ito ay naging kapaki-pakinabang sa
kasalukuyang panahon.
ARPAN 7A (Week 11)
Pangalan: ____________________________________ Petsa: ____ Iskor: _________

Gawain 1: PAGTATAPAT-TAPAT
Panuto: Ang mga saliva sa kolum A ay may kaugnayan sa Kolum B. Tukuyin ang kaugnayan nito sa
pamamagitan ng pagsulat ng titik sa patlang.
____1. Hattushash A. Pinagbigyan ng 10 Utos
____2. Persepolis B. Pinakadakilang hari ng Persiya
____3. Carthage C. kabisera ng Persiya
____4. Moses D. Kbisera ng Imperyong Hittite
____5. Darius the Great E. Tagapagtatag ng PErsiya
____6. Croesus F. Kolonya ng mga Phoenician
____7. Cyrus the Great G. Unang hari ng mga Hebreo
____8. Saul H. Banal na aklat ng Zoroastrianism
____9. Zend-Avesta I. Banal na aklat ng Zoroastrianism
____10. Torah J. Dakilang hari ng Lydia

Gawain 2: Pag-isipan Mo!


Panuto: Sagutin ang bawat katanungan o ang tinutukoy sa bawat pangungusap gamit ang mga hinalong
titik.
1. Pumalit kay Cyrus the Great at kinilala bilang RDSAUI
pinakadakilang emperor ng Imperyong Persia. ______
2. Ito ang tawag sa mga lalawigang bahagi ng YPARSTAH
Imperyong Persia. ________
3. Ito ang relihiyon ng mga Taga-Persia noong OSITOARIZOSRANM
unang panahon. _______________
4. Pinunong lumusob sa Gresya, ngunit natalo EXEXRS
at naging simula ng pagbagsak ng Persia. ______
5. Kilalang pinuno ng mga Griyego na tumalo sa RDAXLAENE
malakas na Imperyo ng Persia. _________
Gawain 3: Pagkumpleto ng Tsart
Panuto: Isulat s kahon ang mga nagig kontribusyon ng pangkat ng tao sa kanlurang Asya.
Kabihasnan ng Asyano

Persiyano Lydian Hebreo

Kabihasnan ng Asyano Kabihasnan ng Asyano


Prepared by,
RASMIA M. UNDAC
0999-569-4445
MSU SAGUIARAN COMMUNITY HIGH SCHOOL
Modyul 12
ARALING PANLIPUNAN
Grade 7A
[Grab
PANGALAN: ____________________________________      PETSA: _______ iSKOR: your

III. PANIMULA
Bukod sa mga sibilisasyong umusbong sa Mesopotamia tulad ng Sumer, Akkad, Babylonia, Assyria,
at Chaldea, mayroon pang ibang pangkat ng tao na may mahusay na pamumuhay na umunlad sa
kanlurang Asya. Malaki ang naging papel ng mga pangkat na ito sa paglinang ng kasalukuyang
kabihasnan.
IV. KONSEPTO
IBA PANG KABIHASNAN SA KANLURANG ASYA
 Hittite
Ipinalagay na buhat sa tribong Indo-Europeo ang mga Hittite. Sila ay dumayo sa Asya Minor
(Turkey ngayon) at nagtatag ng ilang malayang lungsod, isang malakas na pinuno ang sumakop sa mga
lungsod at itinatag ang kapital sa Hattushah noong 1650 BCE. Mahilig sila sa pakikidigma. Sila ang
kauna-unahang pangkat na malawakang gumamit ng metal na sandata sa pakikipaglaban. Inilihim ng
mga Hittite ang kanilang kaalaman sa paggawa ng metal na bagay.
Chariot- Ito ay tinutulak ng mga kabayo, ginamit ng mga Hittite sa mga digmaan kaya sila ay
nagtagumpay at naging makapangyarihan sa loob ng ilang siglo.
Suppiluliumas – mahusay na pinuno ng mga Hittite noong c1380, itinatag niya ang isang
imperyo at nakipaglaban sa kapangyarihan ng mga Egyptian. Sinakop niya ang Syria at Canaan.
Nagwakas ang kapangyarihan ng mga Hittite nang lumusob ang mga dayuhan mula sa Aegean
Sea noong 1200 BCE.
 Phoenician
Sa mga taong 1100 BCE nanirahan ang mga tinatawag na Phoenician sa timog-silangang bahagi
ng Asia Minor na binubuo ngayon ng mga bansang Syria, Lebanon, at Israel. Nagmula ang
katawagang phoinikes na tumutukoy sa telang kulay lila na tanyag na produktong ito ng mga
Phoenician.
Simula nang bumagsak ang Imperyong Babylonia, wala nang sumikat na imperyo sa Silangan.
Samantala, ang gawing kanluran ng Fertile Cresent ay nahati-hati sa maliliit na estado ng Syria,
Phoenicia, Palestine at iba pang tribo. Noong 1200 BC, binuo ng apat na tribong Semitic ang
rehiyon: Aramean, Phoenician, Philistine at Hebreo.
Isa sa mga tribong Semitic na sumikat sa baybayin ng Dagat Mediterranean ay ang mga
Phoenician. Hindi mataba ang mga lupain ng Phoenicia kaya hindi naging magsasaka ang mga tao
kundi mangangalakal. Ang lungsod ng Tyre, Sidon at Byblos ay naging sentro ng kalakalan sa
Mediterranean. Sumikat ang Carthage sa Hilagang Aprika at ang Cadiz sa Espanya. Maunlad ang
kalakalan ng Phoenician. Nagluluwas sila ng kahoy na cedar sa Babylonia at Ehipto. Mula sa Ehipto
at Mesopotamia dala-dala ng kanilang barko ang kalakal patungong kanlurang Europa kaya nakilala
sila bilang mga mahuhusay na manlalayag sa karagatan.
Carthage – Pinakamahalagang kolonya ng mga Phoenician na naitatag noong 814 BCE at ang
naging sentro ng kalakalan sa Africa, Egypt, at Europa. Ito ay bansang Tunisia sa kasalukuyan.
Dahil sa kahusayan ng mga Phoenician na makipagkalakalan sa iba’t-ibang lupain, hindi
maikakaila na pati ang kaisipan at kulturang taglay ng isang lugar ay naipalaganap nila sa ibang lugar
kung kaya’t tinagurian ang mga Phoenician bilang “tagapagdala ng kabihasnan.” Hindi lamang mga
produkto ang naibahagi nila sa ibang lupain kundi ang pamumuhay din ng ibang taong kalahok sa
kanilang kalakalan.
Ang mga Phoenician din ang nakaimbento ng unang alpabeto. Ang salitang aleph at beth mula
sa mga Phoenician ay naging alpha at beta sa mga Greek.
 Hebreo
Tinagurian ang mga Hebreo bilang “mga taong hinirang ng diyos” sa kadahilanan na si Hesus na
pinaniniwalaang anak ng Diyos ay nagmula sa lahi ng mga Hebreo. Nakabatay ang kasaysayan ng mga
Hebreo sa mga unang aklat ng Bibliya.
Maikling kasaysayan ng mga Hebreo ayon sa mahahalagang tauhan nito:

Anak ni Abraham (IBRAHIM) na ABRAHAM “Ama ng mga Hebreo.” Nagmula siya sa


siyang ipinangako ng Diyos sa timog na bahagi ng Mesopotamia.
kanya ISAAC Pagkaraan ay lumipat sila at kanyang
kasaahan sa Canaan at doo nanirahan.
Dahil sa tagtuyot, lumipat ang JACOB
mga Hebreo sa Egypt,
pinagmalupitan at naging alipin MOSES Anak ni Isaac. Nagkaroon ng 12 anak na
ng mga Egyptian tinawag na 12 tribo ng Israel.

“Tagapagbigay ng batas.” JOSHUA


Nanguna sa paglisan ng mga Nagdala sa mga Hebreo sa Lupang
Hebreo mula Egypt tungo sa Pangako.
SAUL
“Lupang Pangako.” Tawag nito
ay Exodus. Pinagbigyan ng
Diyos ng 10 utos sa Mt. Sinai
DAVID
Nagwagi laban kay Goliath na isang
Unang hari ng Hebreo. Philistine. Naging hari noong 1004 BCE
SOLOMON
Namahal siya noong 1020 BCE. at ginawang kabisera ang Jerusalem.

Pinakamatalinong hari ng mga Hebreo.


Nagpatayo ng unang templo.

Nang mamatay si Solomon, nahati ang kaharian ng mga Hebreo sa dalawa. Tuluyan nang sinakop ni
Nebuchadnezzar ng Chaldea ang kaharian at ang Jerusalem noong 586 BCE. Sinunog ng mga tauhan
ni Nebuchadnessar ang buong kabisera kabilang na ang templo na itinayo ni Solomon at dinakip
ang mga Hebreo at diala sa Babylon.
Kontribusyon ng mga Hebreo sa kasalukuyang kabihasnan:
3. Pag-usbong relihiyong monoteismo, ang Judaism
4. Ang prinsipyo ng moralidad ng tao

 Lydian
Ang mga Lydian ay nagmula sa Balkan Peninsula sa Europe at naglayag patungong Asia Minor at
permanente nang nanirahan sa hilagang bahagi nito. Noong ikaanim na siglo BCE, naging isang
malakas na impero ang Lydia at itinatag ang Sardis bilang kabisera nito.
Naging tanyag sila dahil sila ang kauna-unahang pangkat na gumamit ng coin sa
pakikipagkalakalan. Habang ang ibang pamayanan sa kanlurang Asya ay nasa sitemang barter,
natutunan na ng mga Lydian ang maghugis ng ginto o pilak bilang coin.
Haring Croesus – unang ginamit ang mga coin sa kanyang pamamahala.
Humina ang imperyo ng Lydia nang sakupin ni Haring Cyrus the Great ang Sardis noong 546 BCE at
isinama sa mapa ng Persiya ang Lydia.

 Persiyano
Nanirahan ang ma Persiyano sa silangang bahagi ng Mesopotamia na ngayon ay bansang Iran.
Sila ay kabilang sa pangkat ng mga Aryano mula sa rehiyon ng Caspian Sea.
Achaemenes – nagmula sa kanya ang hari ng mga Persiyano kung kaya’t ang dinastiyang
namahala sa kanila ay tinawag na Dinastiyang Achaemenid.

Haring Cyrus the Great – sa kanyang pamamahala nagin makapangyarihan ang mga Persiyano
noong 557 BCE. Nagtagumpay siya na masakop ang buong Fertile Crescent at Asia Minor kung
kaya’t ang kanyang imperyo ang pinakamalaki at pinakamakapangyarihan sa buong mundo sa
mga panahong iyon.

Haring Darius I – tinagurian niya ang kaniyang sarili bilang hari ng mga hari at may titulo rin
siyang the great tulad ni Haring Cyrus. Pinamahalaan niya ang Persiya mula 521 hanggang 486
BCE. Nakamit ng mga Persiyano ang kadakilaan ng kanilang imperyo sa kanyang pamumuno.

Mga nagawa ni Darius the Great:

 Paglawak ng teritoryo ng Persiya mula India sa silangan hanggang Turkey sa kanluran.


 Paggamit ng mga ginto at pilak na coin sa kalakalan.
 Paggawa ng isang superhighway na nagdurugtong sa mga lungsod ng PErsiya mula Susa,
Iran Hanggang Ephesus sa Turkey. Ito ay may habang 2,400 km na ginawa noong c500 BCE.
 Pagdagdag ng satrapy (rehiyon/lalawigan) sa imperyo na pinamumunuan ng satrap. Ang
mga satrap ang nagsisilbing mata at tainga ng hari sa mga kaganapan sa kanyang imperyo.
 Pagtayo ng mga magagarang na palasyo at gusali sa mga lungsod tulad ng Persepolis.

Xerxes - anak ni haring Darius na pumalit sa kanya. Bilang paghihiganti sa nabigong pananakop ng
kanyang ama sa Greece, muling nagsagawa ng ekspedisyon si Xerxes upang salakayin ang Greece
ngunit siya ay hindi nagtagumpay.
Bumagsak ang imperyong Persiano noong 331 BCE nang magapi ni Alexander the Great ang hari
ng PErsiya na si Darius III. Dito nagwakas ang imperyong minsang tinaguriang pinakamalawak sa
buong mundo.
Kontribusyon ng mga Persiyano sa kasalukuyang daigdig:
3. Relihiyong Zoroastrianism - Sinaunang elihiyon ng mga Persiyano na nakabatay sa mga aral at
katuruan ni Zoroaster, isang propetang Persiyano.

Doktrina ng Zoroastrianism: ang bawat tao ay binigyan ng pagkakataong pumili sa pagitan ng


mabuti at di-mabuti.
 Ahura Mazda – diyos ng kabutihan
 Ahriman – diyos ng kasamaan.
Zend-Avesta – nakatala sa aklat na ito ang katuruan ng relihiyong Zoroastrianism.
4. Sistema ng Pamahalang Panlalawigan – ang paghahati-hati ng buong imperyo sa ma rehiyon o
lalawigan na tinawag na satrapy ay naging mabisa sa maayos na pamamahala ng PErsiya sa
kabila ng pagiging malawak na teritoryo nito. Ang sistemang ito ay naging kapaki-pakinabang sa
kasalukuyang panahon.
ARPAN 7A (Week 11)
Pangalan: ____________________________________ Petsa: ____ Iskor: _________

Gawain 1: PAGTATAPAT-TAPAT
Panuto: Ang mga saliva sa kolum A ay may kaugnayan sa Kolum B. Tukuyin ang kaugnayan nito sa
pamamagitan ng pagsulat ng titik sa patlang.
____1. Hattushash A. Pinagbigyan ng 10 Utos
____2. Persepolis B. Pinakadakilang hari ng Persiya
____3. Carthage C. kabisera ng Persiya
____4. Moses D. Kbisera ng Imperyong Hittite
____5. Darius the Great E. Tagapagtatag ng PErsiya
____6. Croesus F. Kolonya ng mga Phoenician
____7. Cyrus the Great G. Unang hari ng mga Hebreo
____8. Saul H. Banal na aklat ng Zoroastrianism
____9. Zend-Avesta I. Banal na aklat ng Zoroastrianism
____10. Torah J. Dakilang hari ng Lydia

Gawain 2: Pag-isipan Mo!


Panuto: Sagutin ang bawat katanungan o ang tinutukoy sa bawat pangungusap gamit ang mga hinalong
titik.
1. Pumalit kay Cyrus the Great at kinilala bilang RDSAUI
pinakadakilang emperor ng Imperyong Persia. ______
2. Ito ang tawag sa mga lalawigang bahagi ng YPARSTAH
Imperyong Persia. ________
3. Ito ang relihiyon ng mga Taga-Persia noong OSITOARIZOSRANM
unang panahon. _______________
4. Pinunong lumusob sa Gresya, ngunit natalo EXEXRS
at naging simula ng pagbagsak ng Persia. ______
5. Kilalang pinuno ng mga Griyego na tumalo sa RDAXLAENE
malakas na Imperyo ng Persia. _________
Gawain 3: Pagkumpleto ng Tsart
Panuto: Isulat s kahon ang mga nagig kontribusyon ng pangkat ng tao sa kanlurang Asya.
Kabihasnan ng Asyano

Persiyano Lydian Hebreo

Kabihasnan ng Asyano Kabihasnan ng Asyano


Prepared by,
RASMIA M. UNDAC
0999-569-4445

You might also like