You are on page 1of 2

Gawain 1 Lagyan ng √ ang larawan na nagpapakita ng magandang kaugaliang

Pilipino at X kung hindi.


Gawain 1.2 Lagyan ng puso ang patlang kung tama ang ipinakita
ng bawat sitwasyon at ekis kung hindi.

________1. Bumibili ka sa tindahan. Nakita mo ang iyong Tiyo na


bumibili rin. Binati mo siya at ikaw ay nagmano.

_______2. Biglang dumating ang matalik na kaibigan ng iyong


nanay. Ikaw lang ang nadatnan sa bahay. Nagmano ka at siya ay
iyong pinatuloy.

______ 3. Inutusan ka ng iyong tatay na pumunta sa iyong lolo


para maghatid ng ulam. Kumatok ka sa kaniyang pintuan, at
sinabing “Magandang tanghali po lolo. Narito po ang ulam na
ipinabibigay ni tatay.”

______4. Isang gabi, nakadungaw si Lisa sa kanilang bintana.


Dumaan sa tapat ng kanilang bahay si Aling Susan, ang nanay ng
kaniyang kaibigan. Binati niya si Aling Susan nang pasigaw na
parang galit.

______5. Si Linda ay isang batang matalino. Pagdating sa bahay


galing sa paaralan, magalang siyang nagsabi sa kaniyang nanay
na gusto na niyang kumain dahil mag-aaral pa siya ng kaniyang
mga aralin.

You might also like