You are on page 1of 8

Taon 34 Blg.

55 Bihilya ng Pasko ng Pagkabuhay (B) — White Abril 3, 2021

N ang minsa’y nakauwi ako


sa probinsya namin noong
bata pa ako, isa sa kinagiliwan
Ang karanasan nating lahat ng
pandemya at lockdown ay isang
pakikiisa rin natin sa cocoon ng
kong masaksihan ang mabagal na libingan ni Kristo. Nakulong tayo at
paghulagpos ng isang paruparo mula
sa animo’y kumpol ng maliliit na BANYUHAY nahirapan, at nahilo sa sunud-sunod
na mga pagkabigla, pagkabahala,
dahon. Biglang lumitaw ang akala paluluksa, lungkot, takot, galit,
ko noo’y alien na maliit at pangit, sakit, pagtitiis, at paghihinagpis.
na biglang umunat at nanggulat sa Anupa’t inaasam-asam nating lahat
bagwis niyang makulay at marikit. na matapos na ang pandemya at
Natutunan ko sa eskwela na lockdown. Huwag tayong mawalan
metamorphosis o banyuhay pala P. Joseph Don Zaldivar ng pag-asa. Ang pagkabuhay ni
ang tawag sa prosesong ito. Ang Hesus ang patunay na matibay ang
mga nilalang katulad ng paruparo pangako ng Diyos. Iaahon Niya
Pa n g i n o o n g H e s u s ay h i n d i
ay hindi nagsimulang paru-paro tayo mula sa pagkalugmok natin sa
pagpapanumbalik lamang ng
agad. Nanggaling sila sa pagka- karamdaman at kahirapan.
hininga. Ang pagbangon mula sa
itlog at pagka-uod. At pagdating libingan ay hindi pagpapanauli ng Subalit, huwag tayong mangarap
ng takdang panahon, titigilan muna dating buhay, o pagbabalik-buhay. na bumalik sa dati. Huwag nating
nila ang matakaw at maligalig na Kung nagbalik lang si Hesus sa hayaang ang “new normal” ay
panginginain, susuot sa madilim dating kaanyuan, ang pagkabuhay maging “back-to-normal.” Sa
at masikip na supot ng sarili ay paru-parong kumawala sa cocoon halip, pagsumikapan natin ang
nilang sapot, hihimlay, animo’y pero lumabas bilang uod pa rin. isang “better normal.” Huwag na
mamamatay. Ngunit sa paglao’y tayong bumalik sa dati nating gawi
Sa Pasko ng Muling Pagkabuhay,
lilitaw ang isang bagong anyo ng ng pagkakanya-kanya. Tinuruan na
nadaig ng Diyos ang kasamaan
buhay. Magbabanyuhay! Hindi tayo ng pandemya na kailangan
at lumaya na si Hesus mula sa
na gumagapang kundi lumilipad; nating magdamayan dahil walang
anumang paniniil ng kamatayan;
hindi na panlupa, kundi panlangit; ligtas kung hindi lahat ligtas. Huwag
sa kanya’y nahayag nang ganap
hindi na matakaw na kumakain at na tayong bumalik sa pagpapasasa
ang buong lakas at liwanag ng
umaagaw ng buhay, kundi handa at pagpapaagos sa kamunduhan.
mabathalang kaluwalhatian ng
nang magsalin at magbigay ng Ipinamulat na sa atin ng pandemya
Anak ng Diyos. Marahil, hindi siya
buhay. Yung dating uod, siya pa kung anong tunay na mahalaga sa
kaagad nakilala ni Maria Magdalena
rin naman itong paruparo; parehong buhay: pananampalataya sa Diyos,
(Juan 20:14) o ng mga alagad na
DNA, parehong genetic material. malalim na ugnayan ng pamilya,
tumatakas pa-Emaus (Lucas 24:16)
Hindi naman pinalitan pero nagbago pagtulong sa nangangailangan.
dahil, alalaong baga, “bagong”
na ng kaanyuan. Mas buhay, mas Huwag na tayong bumalik sa buhay
Hesus na ang napakilala sa atin sa
malaya, mas maluwalhati, mas totoo na papatay-patay. Ang handog sa
bukang-liwayway ng Pagkabuhay.
sa pagiging paru-paro. atin ni Hesus ay kaganapan ng
Wala nang pangil ang kamatayan
Halos ganito ang karanasan ng buhay. Ang dulot ng pagkabuhay
at kamunduhan laban sa kanya.
muling pagkabuhay. Sa katuruan ng ay pagbabagong-buhay.
Nagbanyuhay; nagbagong-anyo
ating Kristiyanong pananampalataya, ng buhay! Buhay na buhay, mas Aleluya! Tara na’t magpabanyuhay
ang muling pagkabuhay ng ating marikit, at tunay na makalangit. kay Hesus!

PANGKALAHATANG TAGUBILIN SA PAGDIRIWANG NG BIHILYA NG PASKO NG PAGKABUHAY SA PANAHON NG PANDEMYA


1. Ang lahat ng mga liturhiya ng mga Mahal na Araw at lahat na magdala ng kandila sa misa. Ang Pagpaparangal
Banal na Triduong Pampaskwa ay ipagdiriwang katuwang sa Ilaw ay gaganapin sa payak na paraan. Sisindihan ang
ang ilang lingkod lamang. Sa panahon ng community Kandilang Pampaskuwa at aawitin ang Exsultet.
quarantine, pinapayagan lamang ang nakatakdang bilang 4. Para sa Liturhiya ng Binyag, babasbasan ang tubig. Ilulukob
ng mga magsisimba ayon sa utos ng Inter-Agency Task ng pari ang kanyang mga kamay. Isusunod ang Pagsasariwa
Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ng mga Pangako sa Binyag. Hihimukin ang mga pamilya sa
(IATF). Hinihikayat na ang mga pagdiriwang ay ilathala kanilang tahanan na makiisa. Maaari silang gumamit ng kandila.
online bilang live stream upang masubaybayan ng mga tao.
5. Pagtapos ng pagdiriwang, dahil sa ipinagbabawal ang
2. Ayon sa mga mungkahing panuntunan mula sa CBCP,
prusisyon, maaaring ilibot sa buong parokya sa isang motorcade
ang Magdamagang Pagdiriwang ay maaaring simula ng
ang imahen ng Panginoong Muling Nabuhay. Kung ito’y
ika-pito ng gabi.
gagawin, kinakailangan ang masusing pakikipag-ugnayan sa
3. Walang sindi ang mga ilaw ng simbahan habang lokal na pamahalaan at barangay officials.
ginaganap ang pagpaparangal sa ilaw. Hinihikayat ang
(Hindi muna sisindihan ang mga apoy, ang kandila ng muling pagkabuhay 7. (Sa pagguhit ng ikatlong bilang ng
ilaw ng simbahan. Isang sigâ ang ay dadalhin sa pari. Ito ay guguhitan ng taon, sa ibabang kaliwang sulok ng krus),
nakahanda sa paanan ng dambana. pari ng krus sa pamamagitan ng pang-
Kay Kristo ang karangalan lahat
Ang Kandila ng Pagkabuhay ay ukit o pansulat. Iguguhit din dito ang
mga titik na Griego:
ng kapangyarihan. Panginoong
dadalhin ng isang tagapaglingkod.) dinarangal: Si Hesukristo’y na-
L — Ang Kandila ng Pagkabuhay ay buhay S’ya’y ating kaliwanagan.
sumasagisag kay Kristong muli nang
I. ANG MARINGAL NA nabuhay. Siyang sumasagisag sa kan- 8. (Sa pagguhit ng ikaapat na bilang ng
PASIMULA dila ang makabagong “haliging apoy” taon sa ibabang kanang sulok ng krus),
na siyang gagabay at magpapalaya sa Kay Kristo ang kapurihan ng
Pagpaparangal sa Bagong Ilaw simbahan mula sa pagkamakasalanan buong sangkatauhan ngayon at
(Gawin dito ang tanda ng krus) magpakailanman. Si Hesukristo’y
patungo sa bagong buhay.
P — Ang pagpapala ng ating nabuhay S’ya’y ating kaliwanagan.
Panginoong Hesukristo, ang (Kapag nagughit na ang krus, itutusok
pag-ibig ng Diyos Ama, at ang ng pari ang limang butil ng insenso sa
pakikipagkaisa ng Espiritu Santo kandila habang ipinahahayag:)
nawa’y sumainyong lahat.
B — At sumaiyo rin.
P — Mga kapatid, sa kabanal-
banalang gabing ito na
pinangyayarihan ng pagtawid
ng ating Panginoong Hesukristo
mula sa pagkamatay patungo sa P—
pagkabuhay, ang Sambayanan 1— Sa sugat na lubhang banal ni
niya ay nag-aanyaya sa lahat Hesus sa tagiliran lubhang dugo’t
ng mga anak na nasa iba’t tubig ay lumitaw. Si Hesukristo’y
ibang panig ng daigdig upang nabuhay S’ya’y ating kaliwanagan.
P—
magtipun-tipon sa pagganap
1.(Sa pagguhit sa krus mula sa ita- 2 — May sugat sa paang kanan
ng magdamagang pagdiriwang.
as hanggang ibaba), Si Kristo ang si Hesus na nabayubay sa krus na
Sa pagganap natin sa ala-
nagmamahal noon sa bayang kinamatayan. Si Hesukristo’y nabu-
ala ng Pasko ng Panginoong hinirang ngayon pa ri’y s’yang hay S’ya’y ating kaliwanangan.
nagtagumpay sa pakikinig ng patnubay: Si Hesukristo’y nabuhay
Salita at paghahain ng kanyang 3 — Ang kaliwang paa naman
S’ya’y ating kaliwanagan. ni Hesus din ay sugatan pako’y
buhay, maaasahan nating tayo’y
makakapakinabang sa kanyang 2. (Sa pagguhit sa bisig ng krus mula naglagos na tunay: Si Hesukristo’y
pananaig sa kamatayan at sa kaliwa hanggang sa kanan), Si nabuhay
S’ya’y ating kaliwanagan.
pamumuhay sa piling niya at Kristo ang nagmamahal simula 4 — At sa kanan niyang kamay
ng Amang Maykapal. pa noong araw, wakas natin Si Hesus di’y pinakuan kaya’t may
s’ya’t hantungan: Si Hesukristo’y sugat na taglay: Si Hesukristo’y na-
Pagbabasbas ng Sigâ nabuhay S’ya’y ating kaliwanagan. buhay S’ya’y ating kaliwanagan.
[ L — Ang pagtawid ng Panginoon 3. (Sa pagguhit ng alpha sa ulunan ng 5 — Sa kanyang kaliwang kamay
mula sa kamatayan patungo sa krus), Si Kristo ang pinagmulan: si Hesus ay pinakuan noong
pagkabuhay ay inilalarawan ng buhay n’ya’y ialay. Si Hesukristo’y
apoy na nagbibigay liwanag sa Alpha’y sagisag n’yang tunay.
S’ya’y ating pinanggalingan: Si nabuhay S’ya’y ating kaliwanagan.
kadiliman ng gabi.]
Hesukristo’y nabuhay, S’ya’y (Ang kandila ng Pasko ng Pagkabuhay ay
P — Manalangin Tayo. (Tumahimik) ating kaliwanagan. sisindihan mula sa bagong basbas na apoy.)
Ama naming makapangyari-
han, sa pamamagitan ng iyong 4. (Sa pagguhit ng omega sa paanan L — Ang ilaw ng kandila ang suma-
Anak kami’y iyong dinulutan ng ng krus), Si Kristo ang s’yang sagisag kay Kristong muli nang nabu-
ningas ng iyong kaliwanagan. hantungan: Omega’y kanyang lara- hay, si Kristong nagniningning sa
Ang bagong ningas na ito wan, S’ya ang ating patunguhan: Si kadiliman at nagdudulot ng liwanag
ay iyong gawing banal (†) Hesukristo’y nabuhay S’ya’y ang ng pag-asa sa ating lahat.
at ipagkaloob mong kami’y ating kaliwanagan.
P — Mapawi nawang tuluyan ang
pagningasin nitong aming 5. (Sa pagguhit ng unang bilang ng taon, dilim ng kasalanan sa puso nati’t
pagdiriwang upang makasapit sa itaas na kaliwang sulok ng krus), Kay isipan: Si Hesukristo’y nabuhay,
kaming may dalisay na Kristo ay nabibilang lahat ng siya’y ating kaliwanagan.
kalooban sa walang maliw na panaho’t araw, bawa’t yugto ng
kaliwanagan sa pamamagitan ni pag-iral: Si Hesukristo’y nabuhay (Ang pari o diyakono ang siyang mag-
Hesukristo kasama ng Espiritu dadala sa kandila ng Pasko ng Pagka-
S’ya’y ating kaliwanagan.
Santo magpasawalang hanggan. buhay sa gitna ng dambana o kaya sa
B — Amen. 6. (Sa pagguhit ng ikalawang bilang harapan ng altar. Ito ay itataas niya
ng taon, sa itaas na kanang sulok ng habang umaawit.)
Paghahanda at Pagsisindi ng krus), Kay Kristo ay nabibilang P — Tayo nang magbigay-
Kandila ng Pagkabuhay mga taong daan-daan, Hari s’ya dangal kay Hesus na ating
ng kasaysayan: Si Hesukristo’y ilaw sa diwa nati’t isipan. Si
(Pagkatapos na mabasbasan ang bagong nabuhay S’ya’y ating kaliwanagan. Hesukristo’y nabu­h ay, siya’y
ating kaliwanagan. P — Mga kapatid, ngayong nasi- nitong aking kaluluwa/ ikaw
mulan na natin ang Magdama- Panginoong Diyos ko, kay dakila
B — Salamat po, Poong banal, sa gang Pagdiriwang ng Muling mong talaga!/ Ang taglay mong
ilaw na iyong bigay, upang kami Pagkabuhay, makinig tayong kasuota’y dakila ri’t marangal pa./
ay tanglawan. Si Hesukristo’y mabuti sa Salita ng Diyos, isaloob Nababatbat ka, Poong Diyos, ng
nabuhay, siya’y ating kaliwa­nagan. natin kung paano niyang gina- liwanag na kay ganda. (T)
(Ang pagpapahayag na ito ay isang ganap sa iba’t ibang yugto ng 2. Ikaw na rin ang nagtayo ng
ulit lamang gagawin sapagkat kasaysayan ang pagliligtas niya sa saligan nitong lupa,/ matatag na
mga hinirang na tao. Noon ngang ginawa mo’t hindi ito mauuga./ Ang
walang pr usisyon ng kandila
sumapit ang itinakda niyang ibabaw ng saliga’y ginawa mong
ng Pasko ng Pagkabuhay na
panahon, ang kanyang sariling karagatan,/ at tubig din ang bumalot
magaganap.
Anak ang kanyang sinugo upang sa lahat ng kabundukan. (T)
Ilalagay ang kandila sa
patungan o kandelero nito na nasa maging ating Tagapagligtas. 3. Lumilikha ka ng ilog na patu-
gitnang dako ng dambana o malapit Hilingin natin sa Diyos ang kaga- ngong kapatagan,/ sa gilid ng mga
sa mataas na dakong nakalaan napan ng kaligtasan na nangyayari burol, umaagos na marahan./ Sa
para sa mga pagbasa. ngayon sa pagdiriwang ng Pasko naroong kakahuya’y umaawit ng
Ang mga ilaw sa simbahan ay ng pagtubos sa tanan. masaya,/ mga ibo’y nagpupugad
sisindihan maliban sa mga kandila
sa malabay nilang sanga. (T)
Unang Pagbasa (Gn 1:1, 26–31a)
sa altar.) 4. Magmula sa kalangitan, mga
(Umupo)
bundok ay nadilig,/ ibinuhos ang
Maringal na Pagpapahayag ng Maririnig natin ang simula ng ating biyaya’t lumaganap sa daigdig./
Pasko ng Muling Pagkabuhay pagkakalalang. Nilikha ng Diyos ang Tumubo ang mga damong pagkain
(Exsultet, Maikling Paraan) lahat ayon sa kanyang kabutihan at ng mga baka./ Nagkaroon ng
nilikha niya ang tao ayon sa kanyang halamang masaganang namu-
sariling wangis at larawan. munga;/ anupa’t ang mga tao’y
(Tatayo at sisindihan ang kandila.)
Pagbasa mula sa aklat ng Genesis may pagkaing nakukuha. (T)
P — Magalak ngayo’t magdiwang,/ (D - Diyos, T - Tagapagsalaysay) 5. Sa daigdig, Panginoon, kay
mga anghel na kinapal,/ lahat rami ng iyong likha/ pagkat ikaw
tayo’y mag-awitan:/ Si Hesu­kristo’y T - Nang simulang likhain ng ay marunong kaya ito ay nagawa,/
nabuhay/ siya’y ating kaliwanagan. Diyos ang lupa at ang langit, ang dami ng nilikha mong naka-
Tambuli ng kaligtasan/ mag­ sinabi ng Diyos: laganap sa lupa/ Panginoo’y
hudyat ng kagalakan/ magsaya D - Ngayon, lalangin natin ang purihin mo, purihin mo, kalu-
ang sanlibutan./ Si Hesukristo’y tao. Ating gagawin siyang kalara- luwa!/ Purihin ang Panginoon, O
nabuhay/ siya’y ating kaliwa­nagan. wan natin. Siya ang mamamahala purihin mo nga siya! (T)
Hinirang na sambayanan/ sa mga isda, mga ibon, at lahat ng
bumubuo ng Simbahan/ magsaya hayop, maging maamo o mailap, Panalangin (Tumayo)
sa kaningningan./ Si Hesukristo’y malaki o maliit.
nabuhay/ siya’y ating kaliwa­nagan. T - Nilalang nga ng Diyos ang P — Manalangin Tayo. (Tumahimik)
Ang puso nati’t isipan/ itaas tao ayon sa kanyang larawan. Ama naming makapangyari-
sa kalangitan/ ang Ama’y pasala­ Luma-lang siya ng isang lalaki at han, lahat ng iyong mga nilikha
matan./ Si Hesukristo’y nabuhay/ isang babae, at sila’y pinagpala. ay ikaw ang itinatampok. Nawa’y
siya’y ating kaliwanagan. Wika niya: maisaloob ng iyong mga tinubos
Ngayon nga ang kapistahan/ ng D - Magpakarami kayo at punuin na ang daigdig sa pasimula ay lalo
Panginoong namatay/ ukol sa ‘ting ng inyong mga supling ang buong mo pang pinadakila sa mga huling
kalayaan./ Si Hesukristo’y nabuhay/ daigdig, at pamahalaan ito. Bini- panahon ng pagsagip ni Kristo
siya’y ating kaliwa­nagan. na siyang inihaing Korderong
bigyan ko kayo ng kapangyarihan
Ngayon nga ang pagdiriwang/ pamasko na kasama ng Espiritu
sa mga isda, sa mga ibon, at sa
ng muli nating pagsilang/ sa tubig Santo magpasawalang hanggan.
lahat ng maiilap na hayop, maging B — Amen.
ng kaligtasan./ Si Hesukristo’y nabu­ malalaki o maliliit. Bibigyan ko
hay/ siya’y ating kaliwa­nagan. rin kayo ng lahat ng uri ng butil Ikalawang Pagbasa (Gn 22:1-2, 9a,
Diyos Ama ng sanlibutan,/ at mga bungangkahoy na inyong 10-13, 15-18) (Umupo)
pag-ibig mo’t katapatan/ patawad makakain. Ang lahat ng halamang
sa ami’y bigay./ Si Hesukristo’y Sinubok ng Diyos ang pananam-
luntian ay ibibigay ko naman sa palataya ni Abraham. Inatasan niya
nabuhay/ siya’y ating kaliwa­nagan. maiilap na hayop, malaki man o si Abraham na ialay si Isaac, ang
Hain namin itong ilaw/ sagisag maliit, at sa lahat ng mga ibon. minamahal at nag-iisa niyang anak.
ng matagumpay/ na Anak mong T - At ito nga ang nangyari. Pinag-
minamahal./ Si Hesukristo’y nabu­ Pagbasa mula sa aklat ng Genesis
masdan ng Diyos ang lahat niyang (D - Diyos, T - Tagapagsalaysay)
hay/ siya’y ating kaliwanagan. ginawa, at lubos siyang nasiyahan.
B — Amen. T - Noong mga araw na iyon:
— Ang Salita ng Diyos. Sinubok ng Diyos si Abraham.
B — Salamat sa Diyos.
ii. Pagpapahayag ng Tinawag siya ng Diyos at tumu-
salita ng diyos Salmong Tugunan I (Slm 103) gon naman siya. Sinabi sa kanya:
D - Isama mo ang pinakamamahal
T — Espiritu mo’y suguin Poon, mong anak na si Isaac, at magpunta
L — Ngayo’y sisimulan natin ang
tana’y ’yong baguhin. kayo sa lupain ng Moria. Umakyat
ikalawang bahagi ng pagdiriwang:
ang pagpapahayag ng Salita ng Diyos. 1. Pinupuri ka, Poong Diyos, kayo sa bundok na ituturo ko sa
iyo, at ihandog mo siya sa akin. butan ang mga anak na sa ulap. Nalubog ang gulong ng mga
T - Pagsapit nila sa dakong itinuro pangako mo’y sumilang bunga karwahe at hindi na sila makatugis
ng Diyos, gumawa ng dambana si ng paglawak ng saklaw ng iyong nang matulin. Kaya sinabi nila,
Abraham. Inayos niya sa ibabaw paghirang. Sa pagbibinyag, “Umalis na tayo rito sapagkat ang
nito ang panggatong. Nang sasak- ginagawa mong matupad ang Panginoon na ang kalaban natin.”
sakin na niya ang bata, tinawag iyong pangakong si Abraham ay Sinabi ng Panginoon kay Moises:
siya ng anghel ng Panginoon at maging ama ng lahat. Ipagkaloob D - Itapat mo ang iyong tungkod
mula sa langit ay sinabi: mong ang iyong sambayanan ay sa ibabaw ng dagat at tatabunan
D - Abraham, Abraham! Huwag marapat na makatugon sa iyong ng tubig ang mga Egipcio pati ng
mong patayin ang bata. Huwag panawagan sa pamamagitan ni kanilang karwahe.
mo siyang saktan! Naipakita mo Hesukristo kasama ng Espiritu T - Ganoon nga ang ginawa ni
nang handa kang sumunod sa Santo magpasawalang hanggan. Moises, at pagbubukang-liway-way,
Diyos, sapagkat hindi mo ipinag- B — Amen. nanumbalik sa dati ang dagat. Ang
kait sa kanya ang kaisa-isa at Ikatlong Pagbasa (Ex 14:15-15:1) mga Egipcio’y nag-sikap makatakas
pinakamamahal mong anak. ngunit pinalakas ng Panginoon
(Umupo)
T - Paglingon niya’y may nakita ang dating ng tubig kaya’t sila’y
siyang isang lalaking tupa na ang Tumakas ang mga Israelita sa pagka- nalunod na lahat. Nang manauli
mga sungay ay napasabit sa mga alipin sa bayan ng Egipto. Dahil ang dagat, natabunan ang mga
hinabol sila ng Egipcio, niloob ng Diyos karwahe’t kabayo ng Faraon, pati
sanga ng kahoy. Ito ang kinuha
na patawirin ang bayang Israel sa ng kanyang mga kawal at walang
ni Abraham at inihandog kapalit dagat habang nalunod naman ang mga
ng kanyang anak. Mula sa langit, natira isa man. Ngunit ang mga
Egipcio. Ang pagkakaligtas na ito sa Israelita’y nakatawid sa dagat, na
nagsalitang muli kay Abraham ang pamamagitan ng tubig ng karagatan ay
anghel ng Panginoon. Wika nito: tuyo ang dinaanan, sa pagitan ng
siyang sagisag ng ating pagkakaligtas
D - Akong Panginoon ang nanga- animo’y pader na tubig.
mula sa kasalanan at kamatayan sa
ngako sa iyo: yamang hindi mo Nang araw na yaon ang mga
pamamagitan ng tubig ng binyag.
Israelita’y iniligtas ng Panginoon
ipinagkait sa akin ang kaisaisa Pagbasa mula sa aklat ng Exodo sa mga Egipcio; nakita nila
mong anak, pagpapalain kita. (D - Diyos, T - Tagapagsalaysay) ang bangkay ng mga Egipcio,
Ang lahi mo’y magiging sindami
T - Noong mga araw na iyon: Sinabi nagkalat sa baybay-dagat. Dahil
ng bituin sa langit at ng buhangin
ng Panginoon kay Moises: sa kapangyarihang ipinakita ng
sa dagat. Lulupigin nila ang mga Panginoon laban sa mga Egipcio,
lungsod ng kanilang mga kaaway. D - Bakit mo ako tinatawag?
Palakarin mo ang mga Israelita. nagkaroon sila ng takot sa kanya
Sa pamamagitan ng iyong lahi, at sumampalataya sila sa kanya at
pagpapalain ang lahat ng bansa Itapat mo sa ibabaw ng dagat ang
iyong tungkod; mahahati ang tubig sa alagad niyang si Moises.
sa daigdig sapagkat ikaw ay tuma- Ito ang inawit ni Moises at ng
lima sa akin. at matutuyo ang lalakaran ninyo.
Lalo kong pagmamatigasin ang mga mga Israelita para sa Panginoon:
— Ang Salita ng Diyos. Egipcio at pasusundan ko kayo sa “Ang Panginoo’y atin ngayong
B — Salamat sa Diyos. kanila, ngunit doon sila lilipulin: awitan sa kanyang kinamtang
Salmong Tugunan II (Slm 15) ang mga Egipcio, ang mga kawal dakilang tagumpay; ang mga
ng Faraon, pati ang kanilang mga kabayo’t kawal ng kaaway sa pusod
T — Diyos ko, ang aking dala- ng dagat, lahat natabunan.”
ngi’y ako’y iyong tangkilikin. karwahe. Ipakikita ko sa kanila ang
aking kapangyarihan. Sa gayon, — Ang Salita ng Diyos.
1. Ikaw lamang, Panginoon, ang malalaman ng mga Egipciong iyan B — Salamat sa Diyos.
lahat sa aking buhay,/ ako’y iyong na ako ang Panginoon.”
tinutugon sa lahat kong kaila- T - Ang anghel ng Diyos na puma- Salmong Tugunan III (Ex 15)
ngan;/ ang biyayang kaloob mo ay patnubay sa paglalakbay ng mga T — Poon ay ating awitan sa
kahanga-hangang tunay./ Nababa- Israelita ay nagpatihuli sa kanila, kinamtan n’yang tagumpay.
tid ko na ika’y kasama ko oras- gayon din ang haliging ulap. Ang
oras,/ sa piling mo kailanma’y ulap ay lumagay sa pagitan ng 1. Ang Panginoo’y atin ngayong
hindi ako matitinag. (T) mga Israelita at ng mga Egipcio at awitan/ sa kanyang kinamtang
2. Kaya’t ako’y nagdiriwang, ang lumatag ang kadiliman. Dumating Dakilang tagumpay;/ ang mga
diwa ko’y nagagalak,/ ang lagi kong ang gabi at ang mga Egipcio ay di kabayo’t kawal ng kaaway/ sa
nadarama’y hindi ako matitinag./ makalapit sa mga Israelita. pusod ng dagat, lahat natabunan./
Pagkat di mo tutulutang ang mahal Itinapat ni Moises ang kanyang Ako’y pinalakas niya’t pinatatag,/
mo ay malagak,/ sa balon ng mga tungkod sa ibabaw ng dagat. siya ang sa aki’y nagkupkop,
patay upang doon ay maagnas. (T) Magdamag na pinaihip ng Pangi- nag-ingat,/ Diyos ng magulang
noon ang isang malakas na hangin ko, aking manliligtas. (T)
3. Ituturo mo ang landas na buhay mula sa silangan at nahati ang
ang hahantungan,/ sa piling mo’y 2. Siya’y mandirigma na walang
tubig. Ang mga Israelita’y bumag- kapantay,/ Panginoo’y kanyang
madarama ang lubos na kagala- tas sa dagat na ang nilakara’y
kan;/ ang tulong mo’y nagdudulot pangalan./ Nang ang mga kawal
tuyong lupa, sa pagitan ng ani- ng Faraon/ sa Dagat ng mga Tambo
ng ligayang walang hanggan. (T) mo’y pader na tubig. Hinabol sila ay mangagsilusong,/ ang lahat ng
Panalangin (Tumayo) ng mga Egipcio, ng mga kawal, ito ay kanyang nilunod/ pati na
karwahe at kabayuhan ng Faraon. sasakya’y kanyang pinalubog. (T)
P — Manalangin Tayo. (Tumahimik) Nang magbubukang-liwayway
Ama naming makapangyari- na, ang mga Egipcio’y ginulo ng 3. Sila’y natabunan ng alon
han, pinararami mo sa sanli- Panginoon mula sa haliging apoy at ng dagat/ tulad nila’y batong
lumubog kaagad./ Ang mga bisig kita parurusahan uli. Maguguho Ngayong ang iyong paghirang ay
mo ay walang katulad,/ wala ang mga bundok at ang mga sanlibutan na ang saklaw ang
ngang katulad, walang kasin- burol, ngunit ang pag-ibig ko’y matibay na pinanaligan ng mga
lakas./ Sa isang hampas mo, hindi maglalaho, at mananatili ninuno naming banal ay matanto
kaaway nangalat,/ nangadurog ang kapayapaang aking pangako.” nawa naming nagkaroon na ng ma-
mandin sa ’yong mga palad. (T) Iyan ang sinasabi ng Diyos na laking katuparan sa pamamagitan
4. Sila’y dadalhin mo sa pinili Panginoon, na nagmamahal sa iyo. ni Hesukristo kasama ng Espiritu
mong bundok./ Sa lugar na Sinabi ng Panginoon, “O Jeru- Santo magpasawalang hanggan.
itinangi mo, para maging iyong salem, nagdurusang lungsod na B — Amen.
lubos/ at sa santwaryong natayo walang umaliw sa kapighatian,
muling itatayo ang mga pundas- Gloria
ayon sa iyong loob./ Ikaw, Poon,
maghahari magpakailanman. (T) yon mo, ang gagamitin ko’y (Sisindihan ang lahat ng ilaw ng
mamahaling bato. Gagamiti’y rubi simbahan, at patutunugin ang lahat
Panalangin (Tumayo) sa mga tore mo, batong maningning ng kampana ng simbahan.)
ang iyong pintuan, at sa mga pader Papuri sa Diyos sa kaitaasan at
P — Manalangin Tayo. (Tumahimik) ay mga hiyas na makinang. Ako
Ama naming makapangyari- sa lupa’y kapayapaan sa mga
ang magtuturo sa iyong mga
han, noong unang panahon ay iyo taong kinalulugdan niya. Pinu­
anak. Sila’y magiging payapa at
nang idinulot na mabanaag ang puri ka namin, dinarangal ka
buhay ay uunlad. Patatatagin ka ng
himala ng Bagong Tipan sa pagtawid katarungan at katuwiran, magiging namin, sina­s amba ka namin,
sa dagat bilang tagapahiwatig ng malayo sa mananakop at sa takot.” ipinagbu­bunyi ka namin, pina­
nagaganap sa pagbibinyag na siyang sasalamatan ka namin dahil sa
paglaya ng iyong sambayanan sa — Ang Salita ng Diyos. dakila mong angking kapuri­han.
pagkabihag. Ipagkaloob mong ang B — Salamat sa Diyos. Panginoong Diyos, Hari ng langit,
lahat ng mga bansa ay makaranas Diyos Amang makapang­yarihan
Salmong Tugunan IV (Slm 29)
ng muling pagsilang na dulot ng sa lahat. Panginoong Hesukristo,
Espiritung tinatanggap ng mga may T — Poong sa aki’y nagligtas, ang Bugtong na Anak, Pangino­ong
pananampalataya na Israel ang dangal mo’y aking galak. Diyos, Kordero ng Diyos, Anak
unang nagpamalas sa pamamagitan ng Ama. Ikaw ang nag-aalis ng
1. O Panginoon ko, sa iyong
ni Hesukristo kasama ng Espiritu mga kasalanan ng sanlibutan,
ginawa, kita’y pinupuri’t ako’y
Santo magpasawalang hanggan. maawa ka sa amin. Ikaw ang
iniligtas,/ kaya ang kaaway ay di
B — Amen. na nakuhang matuwa’t magalak./ nag-aalis ng mga kasalanan
Mula sa libingang daigdig ng ng sanlibutan, tang­g apin mo
Ikaapat na Pagbasa (Is 54:5–14) ang aming kahilingan. Ikaw na
patay, hinango mo ako at muling
(Umupo) naluluklok sa kanan ng Ama,
binuhay;/ ako, na kasama nilang
Ang Diyos ay tulad ng isang kabiyak at napabaon sa kailaliman. (T) maawa ka sa amin. Sapagkat ikaw
tagapagligtas. Dahil sa patuloy nilang lamang ang banal, ikaw lamang
pagkakasala, pansamantalang iniwan 2. Purihin ang Poon, siya ay ang Pangi­noon, ikaw lamang, O
ng Diyos ang sambayanan. Subalit dala awitan ng lahat ng tapat na mga Hesukristo, ang Kataas-taasan,
ng dakilang pag-ibig ng Diyos, bumalik hinirang./ Iyong gunitain ang mga kasama ng Espiritu Santo sa
siya at iniligtas ang kanyang bayan. ginawa ng Diyos na Banal,/ ang kadakilaan ng Diyos Ama. Amen.
kanyang ginawa ay alalahanin at
Pagbasa mula sa aklat ni Propeta pasalamatan!/ Hindi nagtatagal
Isaias Pambungad na Panalangin
yaong kanyang galit, at ang
ANG IYONG naging kasintaha’y kabutihan niya’y walang wakas./ P — Manalangin Tayo. (Tumahimik)
ang may likha sa iyo, siya ang Ang abang may hapis at tigmak Ama naming makapangyarihan,
Makapangyarihang Panginoon; sa luha sa buong magdamag,/ sa ang kabanal-banalang gabing
ililigtas ka ng Diyos ng Israel, siya bukang-liwayway ay wala nang ito ay pinagliliwanag mo sa
ang hari ng lahat ng bansa. Israel, lungkot, kapalit ay galak. (T) kadakilaan ng pagkabuhay ni
ang katulad mo ay babaing bagong Kristo. Antigin mo ang Espiritu
3. Kaya’t ako’y dinggin, ikaw
kasal, iniwan ng asawa, batbat ng ng pagkupkop mo upang sa pag-
ay mahabag sa akin, O Poon,
kalungkutan. Ngunit tinawag kang babago ng aming buong pagkatao
ako ay pakinggan,/ mahabag ka,
muli ng Panginoon sa kanyang kami’y wagas na makapaglingkod
Poon! Ako ay dinggin mo at iyong
piling at sinabi: “Sandaling tulungan./ Nadama ko’y galak sa iyo sa pamamagitan ni
panahong kita’y iniwanan ngunit nang iyong hubarin ang aking Hesukristo kasama ng Espiritu
dahil sa tapat kong pag-ibig, muli panluksa./ Sa pasasalamat sa iyo, Santo magpasawalang hanggan.
kitang kukupkupin. Sa tindi ng galit O Poon, ay di magsasawa. (T) B — Amen.
nilisan kita sandali, ngunit habang
panahon kong ipadarama sa iyo Sulat (Rom 6:3–11) (Umupo)
Panalangin (Tumayo)
ang tapat kong pagmamahal.” Hinahamon ni Pablo ang mga bagong
Iyan ang sabi ng Panginoon na P — Manalangin Tayo. (Tumahimik) binyag na mga Kristiyano na mag-
nagligtas sa iyo. Ama naming makapangyari- pakatatag, talikuran ang kasalanan,
“Nang panahon ni Noe, ako ay han, sa ikadarakila ng iyong at simulang magbagong-buhay.
sumumpang di na mauulit na ang ngalan paramihin mo ang mga
nakikinabang sa iyong pagpapalang Pagbasa mula sa sulat ni Apostol
mundong ito’y gunawin sa tubig.
bigay sa mga ninuno namin sa San Pablo sa mga taga-Roma
Gayon din sa ngayon, iiwasan ko
nang sa iyo’y magalit at hindi na pagsampalataya sa iyong katapatan. MGA KAPATID: Hindi ba ninyo
nalalaman na tayong lahat na 2. Ang lakas ng Poon,/ ang siyang [L — Sa pamamagitan ng binyag,
nabinyagan kay Kristo Hesus ay nagdulot ng ating tagumpay/ tayo’y naging kabahagi ni Kristo
nabinyagan sa kanyang kamata- sa pakikibaka sa ating kaaway./ sa kanyang kamatayan at Muling
yan? Samakatwid, tayo’y namatay Aking sinasabing di ako papanaw,/ Pagkabuhay. Sa bahaging ito,
at nalibing na kasama niya sa mabubuhay ako/ upang isalaysay pagtitibayin at sasariwaan natin
pamamagitan ng binyag upang ang gawa ng Diyos na Panginoon ang mga pangako natin noong
ko. (T) tayo’y binyagan.]
kung paanong binuhay na muli
si Kristo sa pamamagitan ng daki- 3. Ang batong natakwil/ ng Pagbabasbas sa Tubig (Tumayo.
lang kapangyarihan ng Ama, tayo nangagtatayo ng tirahang- Gaganapin ito kung walang pagbibinyag)
nama’y mabuhay sa isang bagong bahay,/ sa lahat ng bato’y higit
pamumuhay. na mahusay./ Ang lahat ng ito/ ang P — Mga kapatid kong
Sapagkat kung nakaisa tayo nagpamalas ay ang Panginoong minamahal, hilingin natin sa
ni Kristo sa isang kamatayang Diyos./ Kung iyong mamasdan Ama nating makapangyarihan
tulad ng kanyang kamatayan, ay kalugud-lugod. (T) na marapatin niyang basbasan
tiyak na makakaisa niya tayo sa itong tubig na iwiwisik nga-
isang muling pagkabuhay tulad Mabuting Balita (Mc 16:1–7) yo n b i l a n g p a g g u n i t a s a
ng kanyang pagkabuhay. Alam tinanggap nating binyag noon.
P — Ang Mabuting Balita ng Pagkalooban nawa niya tayo ng
natin na ang dati nating pagkatao Panginoon ayon kay San Marcos
ay ipinakong kasama niya upang panibagong lakas para sa pama­
B — Papuri sa iyo, Panginoon. malaging matapat sa Espiritu
mamatay ang makasalanang kata-
wan at nang hindi na tayo maali- PAGKARAAN ng Araw ng Pama- Santo na ating tinanggap.
pin pa ng kasalanan. Sapagkat mahinga, si Maria Magdalena, (Tumahimik ang lahat)
ang namatay na ay pinalaya mula si Mariang ina ni Santiago, at si Ama naming makapang-
sa kapangyarihan ng kasalanan. Salome ay bumili ng pabango yarihan, ipahayag mong ikaw ay
Ngunit tayo’y naniniwalang mabu- upang ipahid sa bangkay ni kapiling ng iyong sambayanan
buhay tayong kasama ni Kristo kung Hesus. At nang Linggo ng umaga, sa pagdiri­wang na ito ng gabi
namatay tayong kasama niya. Alam pagsikat ng araw, sila’y nagpunta ng pagka­b uhay. Ginugunita
nating si Kristo na muling binuhay sa libingan. Naguusap-usap sila namin ang iyong paglikha na
ay hindi na muling mamamatay. habang daan: “Sino kaya ang ating talaga namang kahanga-hanga
Wala nang kapangyarihan sa kanya mapakikiusapang magpagulong at gayundin ang iyong pagtubos
ang kamatayan. Nang siya’y mama- ng batong nakatakip sa pintuan ng sa amin na lalo pang pambihira
tay, namatay siya nang minsanan libingan?” Napaka-laki ng batong at walang kaham­bing. Basbasan
para sa kasalanan, at ang buhay iyon kaya gayon ang sabi nila. mo itong tubig na iyong ginawa
niya ngayo’y para sa Diyos. Kaya Ngunit nang tanawin nila ang upang aming maga­m it para
dapat ninyong ibilang ang inyong libingan, nakita nilang naigulong ang mga tanim ay madi­lig, para
sarili na patay na sa kasalanan na ang bato. Pagpasok nila sa makapawi sa uhaw at init, at
datapwa’t buhay naman para sa libingan, nakita nilang nakaupo para maganap namin ang pag­
Diyos sa inyong pakikipag-isa kay sa gawing kanan ang isang lilinis. Ito rin ay iyong itinalagang
Kristo Hesus. binatang nararamtan ng mahaba gamitin sa pagbibigay ng iyong
at puting damit. At sila’y natakot. kagandahang-loob sa tanán.
— Ang Salita ng Diyos.
B — Salamat sa Diyos. “Huwag kayong matakot,” sabi Ginamit mo ito sa pagpapalaya sa
ng lalaki. “Hinahanap ninyo kaalipinan ng iyong hinirang na
Aleluya (Slm 117) (Tumayo) si Hesus, ang taga-Nazaret na sambayanan. Habang sa disyerto
ipinako sa krus. Wala na siya sila’y naglalakbay, tubig ang
(Maringal na pasisimulan ng pari ang pumawi sa kanilang pagkauhaw.
rito—siya’y muling nabuhay!
pag-awit ng Aleluya na uulitin naman Tubig din ang ginamit ng
Tingnan ninyo ang pinaglagyan
ng lahat.) iyong mga propeta upang ang
sa kanya. Kaya, humayo kayo
T — Aleluya! Aleluya! Aleluya! at sabihin ninyo sa mga alagad, sisimulan mong pakikipagtipan
lalo na kay Pedro, na mauuna sa tao ay maipahayag nila.
siya sa inyo sa Galilea. Makikita Sa pamamagitan ng tubig na
ninyo siya roon, gaya ng sinabi itinalagang maging banal ng
niya sa inyo.” Anak mong mahal noong
— Ang Mabuting Balita ng siya’y lumusong sa Ilog-Jordan,
Panginoon. pinagbabago mo kaming mga
All — Pinupuri ka namin, makasalanan. Ito nawang tubig
Panginoong Hesukristo. na ngayo’y iwiwisik sa amin
Homiliya (Umupo) upang ang pagbibinyag ay
aming guni­tain ay magpahiwatig
din nawa ng aming pakikigalak
1. O pasalamatan/ ang D’yos iiI. ANG pagdiriwang sa kaligayahan ng aming mga
PARTngIII: pagbibinyag
na Panginoon, pagkat siya’y kapatid na tatang­gap ng binyag
mabuti;/ ang kanyang pag-ibig (Kung may binyag, tingnan ang sa Paskong ito ng Pagkabuhay
ay napakatatag at mananatili./ sakramentaryo. Kung walang bibinyagan ng iyong Anak na namamagitan
Ang taga-Israel,/ bayaang sabihi’t at hindi magbabasbas ng tubig
pambinyag, lalaktawan ang pagtawag kasama ng Espiritu Santo magpa­
kanilang ihayag,/ “Ang pag-ibig sa mga banal at gagawin kaagad ang sawalang hanggan.
ng Diyos ay hindi kukupas.” (T) pagbabasbas ng tubig na iwiwisik.) B - Amen.
Pagsariwa sa Pangako sa lahat alinsunod sa kanyang Simbahan ang pag-asa para sa
sa Pagbibinyag pagmamahal, pakisagot ninyo sansinukob habang hinihintay
(Sisindihan ang mga kandila) ang katanungang ito: nito ang lubos na kaganapan ng
Sa iisang Anak ng Diyos, ang kaligtasan. Manala­ngin tayo: (T)
P — Mga kapatid, sa misteryo ng ating Panginoong Hesukristo, L — Nawa’y ang mga
Pasko ng Pagkamatay at Pagka­ na ipinanganak ni Santa mananampalataya’y talikdan
buhay ni Kristo, tayo’y nalibing Mariang Birhen, ipinako ang mga maling gawain at
kasama niya noong tayo’y sa krus, namatay, inili­b ing, pagkamakasarili upang maging
binya­gan upang kasama rin niya muling nabuhay at naluluk­lok karapat-dapat sa bagong buhay
tayo’y makabangon at maka­ sa kanan ng Ama kayo ba ay na ipinagkaloob ni Kristo.
pag­b agong-buhay. Naganap sumasampalataya? Manalangin tayo: (T)
na natin ang Apatnapung Araw B — Opo, sumasampalataya
na Pagha­handa, kaya’t sariwain L — N awa ’ y m a k a m i t a t
kami.
natin nga­yon ang ating pangako maranasan ng mga kapatid
sa pagbi­binyag. Talikdan natin P — Ku n g k ayo ’ y m a k a - naming patuloy na inaalipin
ang kasa­m aan at kasalanan. panganga­k ong susunod sa ng kahirapan, kamangmangan,
Harapin natin ang matapat na patnubay ng Espiritu Santo at imoralidad ang ganap na
paglilingkod sa Diyos bilang at kung sisikapin ninyong kalayaan ng isang tunay na
mga maaasahang kaanib ng mapaunlad ang kaloob anak ng Diyos. Manalangin
kanyang banal na Sim­bahang niyang buhay at pagmamahal tayo: (T)
Katolika. Kung kayo’y maka­ upang maging mga maipag­
mamalaking anak ng Diyos L — Nawa’y basbasan ng Diyos
pangangakong tatalikod sa ang lahat ng manggagawang
lahat ng hadlang sa katuparan Ama at kapatid ng Panginoong
Hesus, pakisagot ninyo ang nagpapagod para sa ikauunlad
ng panukala ng Diyos upang ng bansa. Basbasan nawa ng
kayo’y makapamuhay bilang katanungang ito:
Sa Espiritu Santo, sa Banal Diyos ang lahat ng kanilang
matapat at maaasahang kaanib pagsisikap at iadya sila sa lahat
ng kanyang angkan, pakisagot na Simbahang Katolika, sa
kasama­han ng mga banal, sa ng kapahamakan. Manalangin
ninyo itong tatlong katanungan. tayo: (T)
kapatawaran ng mga kasalanan,
P — Si Satanas ay itinatakwil sa muling pagkabuhay ng L – Nawa tuluyan nang matapos
ba ninyo? mga namatay, at sa buhay na ang salot na dulot ng CoViD-19
B — Opo, itinatakwil namin. walang hanggan kayo ba ay na nagpapahirap sa marami.
P — Ang mga gawain ni Satanas sumasampalataya? Bigyan nawa ng sapat na
ay itinatakwil ba ninyo? B — Opo, sumasampalataya lakas ang mga kumakalinga
B — Opo, itinatakwil namin. kami. sa mga may sakit sa ating
P — Ang mga pang-akit ni bansa at sa buong mundo at
P — Bunga ng pagmamahal ng tulungan tayong magsumikap sa
Satanas upang sumuway ang Diyos na makapangyarihang
tao sa Diyos ay itinatakwil ba pananampalataya. Manalangin
Ama ng ating Panginoong tayo: (T)
ninyo? Hesu­kristo, tayo ay pinatawad
B — Opo, itinatakwil namin. sa ating kasalanan noong L — Nawa‘y patuluyin ng Diyos
P — Ngayon nama’y ating tayo’y muling isilang sa tubig at sa kaluwalhatian ng kanyang
harapin ang ating pana- Espiritu Santo. Tulungan nawa kaharian ang mga mahal
nampalataya. Kung kayo’y niya tayong mamalaging tapat namin sa buhay na yumao na.
makapangangakong mag­ sa ating Panginoong Hesukristo Manalangin tayo: (T)
sisikap mamuhay bilang mga ngayon at magpasawalang P — Ama naming mapagmahal,
ikinararangal na anak ng Diyos hanggan. ipagkaloob mo ang aming mga
Ama, kung tutularan ninyo B — Amen. kahilingan at panatilihin mo
siya sa kanyang kabutihan, (Papatayin ang sindi ng mga kandi- kaming mapagkumbaba upang
pagmamahal sa lahat, at la matapos ang pagwiwisik ng banal maging karapat-dapat kami sa
pagmamalasakit para sa pang- na tubig.) kaligtasang kaloob ni Kristong
kalahatang kapakanan, pakisagot aming Panginoon.
ninyo ang katanungang ito: Panalangin ng Bayan
B — Amen.
Sa Diyos Amang makapang­ P — Taglay ang galak na dulot
yarihan sa lahat at Lumikha ng
langit at lupa kayo ba ay suma­-
ng muling pagkabuhay ni Kristo, Pagdiriwang
sampalataya?
manalangin tayo sa ating Amang
nasa langit. Sa pamamagitan
ng huling hapunan
B — Opo, sumasampalataya ng binyag, tayo ay kanyang Paghahain ng mga Alay
kami. inampon bilang mga tunay (Tumayo)
P — Kung kayo’y makapanga­ niyang minamahal na anak. P — Manalangin kayo...
ngakong magsisikap mamuhay Buong puso tayong manalangin: B — Tanggapin nawa ng Pangi­
bilang mga tunay na kapatid T — Ama ng muling nabuhay noon itong paghahain sa iyong
ng Panginoong Hesus, kung naming Panginoon, dinggin mga kamay sa kapurihan
gagawin ninyong simulain sa mo kami. niya at karangalan sa ating
buhay ang kanyang katwiran, kapaki­nabangan at sa buong
katarungan, at paglilingkod L — Nawa’y maipahayag ng Sambayanan niyang banal.
Panalangin ukol sa mga Alay
P — Ama naming Lumikha, tang-
gapin mo ang aming mga panala-
ngin na sumasaliw sa aming
paghahain upang sa nagsimulang
Pasko ng Pagkabuhay kami’y
itaguyod nito sa kagalingang
walang katapusan sa pamama-
gitan ni Hesukristo kasama ng
Espiritu Santo magpasawalang
hanggan.
B — Amen.
Prepasyo (Pagkabuhay I)

P — Sumainyo ang Panginoon.


B — At sumaiyo rin.
P — Itaas sa Diyos ang inyong
puso at diwa.
B – Itinaas na namin sa Pangi­
noon.
P — Pasalamatan natin ang
Panginoong ating Diyos.
B — Marapat na siya ay pasala­ B — Ama namin... P — Sumainyo ang Panginoon.
matan. P — Hinihiling naming... B — At sumaiyo rin.
P — Ama naming makapangyari- B — Sapagkat iyo ang kaharian at Pagbabasbas
han tunay ngang marapat na ang kapangyarihan at ang kapu­­
ikaw ay aming pasalamatan rihan magpakailanman! Amen. P — Magsiyuko tayo habang
ngayong gabing ipinagdiriwang iginagawad ang pagbabasbas
Pagbati ng Kapayapaan (Tumahimik)
ang paghahain ng Mesiyas, ang
maamong tupa na tumubos sa Paanyaya sa Pakikinabang Sa dakilang kapistahang ito ng
aming lahat. (Lumuhod) Pasko ng Muling Pagkabuhay ni
Ang iyong Anak na minama- P — Ito ang Kordero ng Diyos. Hesukristo kayo nawa’y pagpalain
hal ay naghain ng sarili niyang Ito ang nag-aalis ng kasalanan ng makapangyarihang Diyos at
buhay. Siya ang tupang maamong ng sanlibutan. Mapalad ang mga sa tanang kasalanan ay kanya
umako sa kaparusahan upang inaanyayahan sa kanyang piging. nawang ipagsanggalang ngayon
mapatawad ang kasalanan ng B — Panginoon, hindi ako at magpasawalang hanggan.
sanlibutan. Sa pagkamatay niya karapat-dapat na magpatulóy B — Amen.
sa banal na krus ang kamatayan sa iyo ngunit sa isang salita mo P — Sa pamamagitan ng muling
namin ay kanyang nilupig. Sa lamang ay gagaling na ako. pagkabuhay ni Hesukristo
pagkabuhay niya bilang Manu-
napasainyo ang kagalingan at
nubos pag-asa’t pagkabuhay ay Antipona sa Komunyon kaligtasan. Pagkalooban nawa
aming nakamit. (1 Cor 5:7-8) niya kayo ng buhay na walang
Kaya kaisa ng mga anghel na
B — Si Kristo’y inialay na, hanggan.
nagsisiawit ng papuri sa iyo nang
pamaskong maamong tupa. B — Amen.
walang humpay sa kalangitan,
kami’y nagbubunyi sa iyong Magsalo tayong masaya sa P — Matapos ipagdalamhati ang
kadakilaan: tinapay na pamista bago’t wagas, pagpapakasakit ni Hesukristo,
B — Santo, Santo, Santo Aleluya! ipinagdiriwang ngayon ang mali-
Panginoong Diyos ng mga gayang Pasko ng Pagkabuhay.
hukbo! Napupuno ang langit Panalangin Pagkapakinabang Pasapitin nawa niya kayo
at lupa ng kadakilaan mo! (Tumayo) sa kaganapan ng kanyang
Osana sa kaitaasan! Pinagpala kapistahan sa kalangitan.
ang naparirito sa ngalan ng P — Manalangin tayo. (Tumahimik) B — Amen.
Panginoon! Osana sa Kaitaasan! Ama naming mapagmahal,
padaluyin mo sa amin ang batis P — Pagpalain kayo ng maka-
(Lumuhod)
ng Espiritu ng iyong pag-ibig, pangyarihang Diyos, Ama at
Pagbubunyi (Tumayo) Anak (†) at Espiritu Santo.
upang kaming pinapagsalo mo sa
piging ng Pasko ng Pagkabuhay B — Amen.
B — Sa krus mo at pagkabuhay
kami’y natubos mong tunay, ni Kristo ay magkaisa sa pana- Pangwakas
Poong Hesus naming mahal, nalig sa iyo sa pamamagitan P — Humayo kayong taglay
iligtas mo kaming tanan ngayon niya kasama ng Espiritu Santo ang kapayapaan upang ang
at magpakailanman. magpa-sawalang hanggan. Panginoon ay mahalin at
pakikinabang B — Amen. paglingkuran, Aleluya! Aleluya!
B — Salamat sa Diyos, Aleluya!
Ama Namin pagtatapos Aleluya!

You might also like