You are on page 1of 2

___________________________________________________________________________________________________________

ANSWER SHEET
BY GROUP: PANUTO. Bumuo ng malinaw na konseptong Panukalang Proyekto patungkol sa proyektong nais ninyong gawin.
Isaalang-alang ang mga bagay na napag-aralan para sa epektibong sulatin. Gamiting format ang halimbawang panukala na nilikha
nuong nakaraang aktibiti. Dapat din na naisaalang-alang ang mga mekaniks sa ibaba.
MEKANIKS sa Panukalang Proyekto:
Haba: 1 taon na paglikha
Suliranin: Krimen (anytime)
Badjet: 2 million

PANUKALA SA PAGPAPAGAWA NG MGA STREET LIGHTS PARA SA LUNGSOD NG GENERAL SANTOS.

Elpedia St. Carmenville Calumpang


General Santos City
Ika-11 ng Marso 2021
Haba ng Panahong Gugulin: 1 taon

I. Pagpapahayag ng Suliranin
Ang General Santos ang isa sa mabilis na umuunald na lungsod sa Pilipinas. Ito ay naging kilala bilang
"Tuna Capital of the Philippines" dahil sa yaman nito sa agrikultura at pangingisda, na kung saan ay pinagkukunan ng
hanapbuhay ng mga mamamayan.
Isa sa mga suliraning nararansan ng lungsod sa kasalukuyan ay ang kakulangan sa mga ilaw sa kalye o street
lights. Ito ay nagdudulot ng malaking problema sa mga mamamayan, dahil narin sa mga aksidente at krimen tulad ng
patayan, hit and run, carnapping, kidnapping at iba't ibang panganib na maaaring maenkwentro ng mamamayan sa mga
Baranggay na kung saan ay walang ilaw ang mga kalye, ang mga nasabing barangay na nakakaranas ng nasabing
suliranin ay ang Brgy. Apopong, Brgy. Fatima, Brgy. Tambler, Brgy. Conel, at Brgy. Mabuhay
Dahil dito nangangailangan ang mga nasabing barangay na magpatayo ng mga street lights. Kung ito
maipapatupad tiyak na magkakaroon ng kasiguraduhan ang kaligtasan ng bawat mamamayan. Higit sa lahat, maiiwasan
din ang patuloy na pagtaas ng krimen at aksidente sa lungsod. Kailangang maisagawa na ang proyektong ito sa
madaling panahon para sa kapakanan at kaligtasan ng mga mamamayan.
II. Layunin
Nakapagpagawa ng mga ilaw sa kalye o street lights sa mga Baranggay sa lungsod ng General Santos na
makatutulong upang maiwasan ang mga aksidente at krimen na nararanasan ng mga mamamayan at mabigyang
kasiguraduhan ang kaligtasan ng bawat isa.

III. Plano ng Dapat Gawin

• Pagpapasa ng proposal, pag-aaproba sa nasabing plano, at paglabas ng maaring maging badyet (1 buwan).
• Pagsasagawa ng bidding mula sa mga contractor o mangongontrata sa pagpapagawa ng mga street lights (2 buwan).
Ang mga contractor ay inaasahang magsusumite ng kani-kanilang tawad para sa pagpapatayo ng stress lights
kasama ang pagsasagawa ng plano para rito.
• Pagpupulong sa mga konseho ng mga nasabing barangay para sa pagpili ng contractor na gagawa ng mga street lights
(2 linggo)
• Opisyan na pagpupulong sa mga contractor at konsehal para sa pag aapruba at plano sa ipapatayong mga street lights
(1 buwan)
• Pagpapatayo ng mga stress lights sa ilalim ng pamamahala ng mga knoseho ng nasabing mga Baranga (5 Buwan)
• Pagpapasinaya at pagsubok upang masigurado ang kalidad, performance at realibilidad ng mga naisagawang mga
street lights.(3 buwan)

IV. Badyet

Mga Gastusin Halaga

Halaga ng pagpapagawa ng mga street lights batay sa Php 1,500,000.00


isinumite ng napiling contractor (kasama na rito ang lahat
ng materyales) (50 street lights ang maaring maipapatayo)

Halaga ng sweldo para sa mga trabahador Php 400,000.00

Kabuoang halaga Php 1,900,000.00

Ang pagpapatayo ng Street lights sa mga iba't ibang barangay sa General Santos City ay
magiging kapaki-pakinabang sa mga mamamayan ng mga nasabing barangay. Ang kakulangan ng street lights
sa mga barangay na ito ay nagiging sanhi ng pagtaas ng bilang ng krimen tulad ng holdap, rape, pag patay at iba
pa, tumataas rin ang bilang ng mga aksidente tulad ng banggaan. Ang pagpapatayo ng mga ito ay makakatulong
sa pag bawas ng krimen na nangyayari at pati na rin ng mga aksidente, at higit sa lahat, magkakaroon ng
mapayapang komunidad ang General Santos City dahil magiging mas mapanatag ang loob ng mga tao na
naninirahan dito.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
Pamantayan Puntos
Organisado, malikhain at kapani-paniwala 50
Makatotohanan at katanggap-tanggap 30
Maingat at wastong paggamit ng wika 20
Kabuuang Puntos: 100/70

You might also like