You are on page 1of 263

Pagbasa at Pagsusuri

SHS sa Ibat Ibang Teksto

Tungo sa Pananaliksik
Pagbasa at Pagsusuri sa Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Pagkilala sa Iba’t ibang Uri ng Teksto
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Lilibeth Lubiano
Editor: Maria Leilane E. Bernabe
Tagasuri: Juana Macalangay
Tagaguhit: Mary Laila Jane Paras
Tagalapat: Nolan Severino R. Jusayan
Tagapamahala: Wilfredo E. Cabral, Regional Director
Job S. Zape Jr., CLMD Chief
Elaine T. Balaogan, Regional ADM Coordinator
Fe M. Ong-ongowan, Regional Librarian

Department of Education – Region IV-A CALABARZON

Office Address: Gate 2 Karangalan Village, Barangay San Isidro

Cainta, Rizal 1800
Telefax: 02-8682-5773/8684-4914/8647-7487
E-mail Address: region4a@deped.gov.ph
Pagbasa at Pagsusuri sa
Iba’t ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik
Pagkilala sa Iba’t ibang
Uri ng Teksto
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri sa Iba’t ibang Teksto

Tungo sa Pananaliksik ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling
Pagkilala sa Iba’t ibang Uri ng Teksto.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang, at sinuri ng mga edukador
mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy, na matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan,
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at

malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis, at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pang-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong

ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro

Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral

kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

1
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri sa Iba’t ibang Teksto

Tungo sa Pananaliksik ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Pagkilala
sa Iba’t ibang Uri ng Teksto.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksiyon, at layunin. Sa

pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga

dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung

ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral

upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay

ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling

pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa

malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

2
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong

sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o

masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat

ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa

Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng

makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

3
Week

1
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at dinisenyo para sa iyo. Ito ay nabuo upang
lubos mong maunawaan ang asignaturang Pagbasa at Pagsusuri sa Iba’t ibang
Teksto Tungo sa Pananaliksik. Ang kabuuan ng modyul na ito ay makatutulong
upang maibigay sa iyo ang mahahalagang kaalaman at impormasyon na tiyak na
makatutulong sa iyong pag-unlad. Ang wikang ginamit ay kinikilala ang
pagkakaibang antas ng bokabularyo ng mga mag-aaral. Ang aralin ay isinaayos
upang sundin ang batayang pagkakasunod-sunod ng kurso. Subalit ang
pagkakasunod-sunod ng iyong binasa ay maaaring magbago upang tumugma sa
aklat na ginagamit mo ngayon.

Ang modyul na ito ay patungkol sa paksang:

 Aralin 1 - Pagkilala sa Iba’t ibang Uri ng Teksto

Matapos mong pagdaanan ang modyul na ito, inaasahan na ikaw ay:

Pamantayang Pangnilalaman:

 Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugnayan nito
sa sarili, pamilya, komunidad, bansa, at daigdig

Pamantayan sa Pagganap:

 Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang

kultural at panlipunan sa bansa

Kasanayang Pampagkatuto:

 Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa

(F11PB – IIIa – 98)

Layunin:

1. Nasusuri ang binasang teksto batay sa uri nito

2. Nailalapat ang mga tiyak na karanasan at kaalaman kaugnay sa paksa
3. Nalilinang ang kahusayan sa pagsusuri ng tekstong binabasa

4
Subukin

Panuto: Basahing mabuti at unawain ang mga pahayag. Piliin at isulat ang titik ng
tamang sagot sa iyong sagutang kuwaderno.

Para sa bilang 1-5 tukuyin kung anong uri ng teksto ang iyong binabasa.

1. Ang pagtatapos ng Masidlawin class ang una sa loob ng halos 100 taong
kasaysayan ng PMA kung saan sarado ang pagtitipon sa publiko, kahit sa
kanilang mga magulang at mahal sa buhay dahil ipinagbabawal ang "mass
gatherings" ngayong may coronavirus disease (COVID-19).
(Relativo, James. et.al.(2020, May 23) Babaeng kadete mula Isabela 2020 PMA topnotcher. Nakuha noong Mayo
23, 2020. Mula sa https://www.philstar.com/pilipinostarngayon/bansa/2020/05/22/2015772/ babaeng-
kadete mulaisabela-2020-pma-topnotcher)
A. Argumentatib C. Impormatib
B. Deskriptib D. Persuweysib

2. Imadyinin natin ang isang bata, tumatakbo sa kalsada, pipi siya, at tabingi ang
mukha, pinagtatawanan ng ibang bata, kaya lagi siyang umiiyak at tumatakbo.
(Lee, Ricky. (2018)Bahay ni Marta, Quezon City: Triprint Corporation)
A. Argumentatib C. Impormatib
B. Deskriptib D. Persuweysib

3. Ngayon, tuluy-tuloy ang digital technology sa bansa. Lumalakas ang digital

economy kaya dapat umarangkada rin ang digital taxation. Maganda ang
hangarin ng panukala ni Salceda lalo ngayong nangangailangan ng pondo.
Panahon na rin para sumabay ang digital economy ng bansa. Kaya lang, babalik
ako sa punto ni Locsin. Bakit di unahin ang mga nasa Philippine Offshore
Gaming Operators (POGO) na kumakamal nang malaking pera sa pagsusugal?
(Tulfo, Ben. (2020, May 22) Digital taxation sa digital economy. Nakuha noong Mayo 22, 2020. Mula
sa:https://www.philstar.com/pilipino star ngayon/opinyon /2020/05/ 22/2015605/digital-taxation-sa-
digital-economy)
A. Argumentatib C. Persuweysib
B. Deskriptib D. Prosidyural
4. Mga hakbang sa pagtatanim:
Una, ihanda ng binhi o punlang gagamitin.
Pangalawa, ihanda ng lupang pagtataniman o plotting.
Ikatlo, itanim na ang binhi ng may 0.6 cm ang lalim.
Ikaapat, siguraduhing may sapat na tubig at katamtamang sikat ng araw.
A. Argumentatib C. Persuweysib
B. Deskriptib D. Prosidyural

5
5. Ayon pa sa SWS, 16.7% ang nakaranas ng moderate hunger na tinatayang nasa
3.5 milyong pamilya samantalang nasa 2.8% o 699,000 pamilya ang nakaranas
ng severe hunger
(Escudero, Malou. (2020, May 23) Bilang ng nagugutom na Pinoy Dumoble. Nakuha noong Mayo 23, 2020.
Mula sa https://www.philstar.com/ pilipino-star-ngayon/bansa/2020/05/23/2015947/bilang- ng
nagugutom-na-pinoy-dumoble0
A. Deskriptib Impresyunistik C. Deskriptib Teknikal
B. Obhektibo D. Subhektibo

6. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng tekstong impormatib maliban sa:

A. Paglalahad ng totoong pangyayari o kasaysayan
B. Pag-uulat ng impormasyon
C. Pagpapaliwanag
D. Pagbibigay ng hakbang na kronolohikal

7. Naglalahad ng mga bagong kaalaman, bagong pangyayari, bagong paniniwala, at

mga bagong impormasyon. Ang mga kaalaman ay nakaayos ng sekwensiyal at
inilalahad nang buong linaw at kaisahan.
A. Argumentatib C. Impormatib
B. Deskriptib D. Persuweysib

8. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi wasto hinggil sa tekstong

impormatib?
A. Iisa lamang ang sinusunod na estruktura ng mga tekstong
impormatib.
B. Mahalaga ang malawak na bokabularyo ng mambabasa sa
komprehensiyon ng mga tekstong impormatib.
C. Hindi sinasagot ng tekstong impormatib ang tanong na bakit.
D. Lahat ng nabanggit.

9. Nagtataglay ng impormasyong may kinalaman sa pisikal na katangian ng isang

tao, lugar, at bagay. Madali itong makilala sapagkat ito ay tumutugon sa tanong
na ano.
A. Argumentatib C. Impormatib
B. Deskriptib D. Persuweysib

10. Isang pamamaraan ang photo essay o paggamit ng larawan o litrato sa

pagsasalaysay o paglalahad ng anomang bagay at pangyayari. Anong uri ng
teksto ang photo essay?
A. Deskriptib C. Persuweysib
B. Impormatib D. Prosidyural

6
11. Hinahangaan ko ang aking guro na si Gng. Laderas. Bukod sa dedikasyon niya
sa pagtuturo ay binibigyan din niya ako ng lakas ng loob at tiwala sa sarili upang
mapagtagumpayan ko ang hamon sa aking buhay. Anong uri ng paglalarawan
ang ginamit sa pahayag?
A. Deskriptib Impresyunistik C. Deskriptib Teknikal
B. Obhektibo D. Subhektibo

12. Ito ay nagpapakita ng mga impormasyon tungkol sa mga tiyak na pangyayari,

kilos, at galaw sa mga tiyak na panahon. Nakapokus ito sa kronolohikal o
pagkakasunod-sunod.
A. Argumentatib C. Naratib
B. Deskriptib D. Persuweysib

13. Isang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay impormasyon at instruksiyon

kung paanong isinasagawa ang isang tiyak na bagay.
A. Deskriptib C. Persweysib
B. . Impormatib D. Prosidyural

14. Pangunahing layunin ng tekstong impormatib ang magpaliwanag sa mga

mambabasa tungkol sa anomang paksa na matatagpuan sa tunay na daigdig.
Alin sa mga sumusunod na salita ang hindi kabilang sa tekstong impormatib?
A. Biyograpiya C. Maikling Kuwento
B. Encyclopedia D. Papel Pananaliksik

15. Ito ay matalinong paghula ng maaaring kahulugan ng isang bahagi na hindi

direkta o tahasang ipinaliwanag sa teksto.
A. Pagpapagana ng imbak na kaalaman
B. Pagbuo ng hinuha
C. Pagkakaroon ng mayamang karanasan
D. Wala sa nabanggit

7
Aralin
Filipino: Pagbasa at Pagsusuri
sa Iba’t ibang Teksto Tungo
1
sa Pananaliksik
Ang araling ito ay naglalaman ng mga pag-aaral sa pagtukoy ng iba’t ibang paksa
at pagkilala sa iba’t ibang uri ng teksto.

Balikan

Bagong aralin ang hatid ng modyul na ito. Madaragdagan ang iyong kaalaman sa
pagtukoy sa paksa ng iba’t ibang tekstong iyong nababasa. Makatutulong ito upang
mabigyan ka ng idea sa araling tatalakayin at higit pang makilala ang mga uri ng
teksto. Basahin mong mabuti ang mga sumusunod na pahayag at unawain ito. Isulat
sa sagutang kuwaderno ang iyong kasagutan.

Panuto: Isulat sa patlang kung anong uri ng teksto ang tinutukoy sa pahayag.

___________ 1. Ang tekstong ito ay may layuning kumbinsihin ang mga mambabasa
hinggil sa isang isyu.

___________ 2. Layunin nito na ipinta sa imahinasyon ng mga mambabasa ang isang

bagay, tao, lugar, pangyayari, karanasan atbp.

____________3. Naglalahad ito ng proseso kung paano ginagawa ang isang bagay o
paano ito binubuo.

____________4. Ang uri ng teksto na ito ay nagkukuwento ng mga yugto ng

pangyayari na maaaring piksiyon o di-piksyon.

___________ 5. Isang uri ng teksto na nagpapahayag ng katwiran sa isang

napapanahong isyu.

8
Tuklasin

Pagkilala sa Iba’t ibang Uri ng Teksto

Tekstong Impormatib

Ang tekstong impormatib ay naglalahad ng mga bagong kaalaman, pangyayari,

paniniwala, at mga impormasyon. Ang mga kaalaman ay sistematikong nakaayos at
inilalahad nang buong linaw upang lubos na maunawaan. Kadalasang sinasagot nito
ang mga batayang tanong na ano, kailan, saan, sino, at paano.

Layunin nito na maging daluyan ng makatotohanang impormasyon para sa mga

mambabasa, sapagkat marami ang nagtitiwala na may katiyakan ang mga
impormasyon sa mga ganitong uri ng teksto. Naniniwala ang mga mambabasa na
ang tekstong kanilang binabasa ay nakapagbibigay liwanag sa mga katanungan sa
kanilang isipan. Naglalahad ito ng mga pangyayari at karanasan ng mga tao.
Nakapagpapaliwanag din ito ng mga konseptong nakabatay sa mga tunay na
pangyayari at kapakipakinabang ang mga impormasyong inilalahad nito.

Mahalaga ang pagbabasa ng mga tekstong nagbibigay ng impormasyon sapagkat

napauunlad nito ang iba pang kasanayang pangwika gaya ng pagbabasa, pagtatala,
pagtukoy ng mga mahahalagang detalye, at pagpapakahulugan ng impormasyon.
Halimbawa nito ay pagbabasa ng peryodiko, pakikinig at panonood ng balita, mga
kasaysayan, adbertismo atbp.

Tekstong Deskriptib

Ang tekstong Deskriptib ay isang uri ng paglalahad at naisasagawa sa pamamagitan

ng mahusay na paglalarawan. Ang uri ng sulating ito ay naglalayon na
makapagpinta ng imahe sa hiraya ng mambabasa gamit ang limang pandama:
paningin, pandinig, panlasa, pang-amoy, at pandama. Dito maipapamalas ng
manunulat ang kaniyang husay at kakayahan sa paglikha ng isang masining na
paglalarawan. Mainam kung mapukaw nito ang atensiyon at maikintal sa isipan ng
mga mambabasa ang paglalarawan ng isang pangyayari, karanasan, bagay, lugar,
tao atbp. Halimbawa nito ay mga lathalain at mga akdang pampanitikan.

Uri ng tekstong Deskriptib

1. Deskriptib Impresyunistik ay uri ng tekstong naglalarawan na nanagpapakita

lamang ng pansariling pananaw o opinyon at personal na pakiramdam ng
sumulat.
2. Deskriptib Teknikal ay uri ng tekstong naglalarawan na nagpapakita ng
obhetibong pananaw sa tulong ng mga tiyak na datos, mga ilustrasyon, at
dayagram.

9
Tekstong Persuweysib
Ang tekstong nanghihikayat o tekstong persuweysib ay naglalahad ng mga mga
payahag upang makapanghikayat o makapangumbinsi sa mga tagapakinig o
mambabasa. Ito ay may layunin na maglahad ng opinyon upang ang manunulat o
tagapagsalita ay makahihikayat ng mga mambabasa o tagapakinig na maniwala sa
kanyang posisyon o punto de vista hinggil sa isang paksa. Kailangang sapat ang
katibayan o patunay upang suportahan ang isang isyu, paksa, o kaisipan nang sa
gayon ito ay maging kapanipaniwala. Ang mga halimbawa nito ay ang mga
patalastas, talumpati, editoryal, at sanaysay.

Ito ay nahahati sa tatlong elemento ayon kay Aristotle:

1. Ethos hango sa salitang Griyego na nauugnay sa salitang Etika. Ito ay

tumutukoy sa kredibilidad o personalidad ng manunulat o nagsasalita. Ang
mga mambabasa ang magpapasya kung kapani-paniwala o karapat-dapat na
panigan ang tagapanghikayat.

2. Logos salitang Griyego na Logos ay tumutukoy sa pangangatwiran o lohika na

pagmamatuwid ng manunulat o tagapagsalita.

3. Pathos tumutukoy sa emosyon o nararamdaman o saloobin ng mambabasa o

tagapakinig.

Tekstong Naratib

Ang pagsulat nito ay maaaring batay sa obserbasyon o nakita ng may akda, maaari
din namang ito ay nanggaling mula sa sarili niyang karanasan. Ito ay maaaring
hinango sa totoong pangyayari sa daigdig (di-piksyon), o nanggaling lamang sa
kathang-isip ng manunulat (piksyon).

Ang tekstong naratib ay isang uri ng tekstong naglalayong magkuwento o

magsalaysay. Ito ay nagpapakita ng mga impormasyon tungkol sa mga tiyak na
pangyayari na maaaring nakita, hango sa sariling karanasan, totoong kaganapan o
di-piksyon, maaari ding likhang isip lamang ng manunulat o piksyon. Layunin nito
ay makapagbigay–aliw o manlibang sa mga mambabasa. Ang halimbawa ng tekstong
naratib ay ang maikling kuwento, alamat, at nobela.

Mga bahagi ng Tekstong Naratib:

1. Ekposisyon o impormasyon tungkol sa pangunahing tauhan at tagpuan.

2. Mga komplikasyon o kadena ng kaganapan, dito nakikita ang

pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa kuwento, ang papataas na aksiyon,
rurok, at pababang aksiyon.

3. Resulusyon o denouement ay ang katapusan o huling bahagi ng kuwento

dito nabibigyang solusyon ang tunggalian o suliranin.

10
Tekstong Prosidyural

Ang tekstong prosidyural ay nagpapaliwanag kung paano ginagawa o binubuo ang

isang bagay. Naglalahad ito ng wastong pagkakasunod-sunod ng mga hakbangin,
proseso o paraan sa paggawa. Layunin nito na makapagbigay ng malinaw na
instruksiyon o direksiyon upang maisakatuparan nang maayos at
mapagtagumpayan ang isang makabuluhang gawain. Ang halimbawa nito ay mga
paraan sa pag-aasemble ng bagay o kagamitan, resipi sa pagluluto atbp.

Tekstong Argumentatib

Tekstong argumentatib ay naglalayong manghikayat, naglalahad ito ng mga

oposisyong umiiral na kaugnayan ng mga proposisyon na nangangailangang
pagtalunan o pagpapaliwanagan. Ang ganitong uri ng teksto ay tumutugon sa tanong
na bakit.

Gabay sa Pagbasa at Pagsusuri ng mga Teksto

Mahalaga ang pagsusuri sa anomang babasahin upang makilala ang uri ng tekstong
ating babasahin. Mainam na magamit natin ang ating kaalaman sa pagsusuri ng
teksto ayon sa kabuuan nito. Maaari nating gamitin ang mga pamamaraan sa
pagbasa na ating natutuhan gaya ng iskiming, iskaning, kaswal, komprehensibo,
atbp.

Karaniwan na sa isang mambabasa na sinusubukang paraanan o iiskan ang

kabuuan ng isang akda upang tayo ay makakuha ng idea bago natin ito tuluyang
basahin. Kumokonsulta din tayo sa mga talaan ng nilalaman upang mabatid kung
ang akdang ating babahasin ay may kaugnayan sa mga katanungang hinahanapan
natin ng kasagutan, Mainam din na mabatid muna kung ang nilalaman ng isang
teksto ay angkop o akma sa uri o antas ng mambabasa nito. Mahalaga din na
mabatid ang layunin, nilalaman, at maging kung sino ang sumulat ng teksto upang
matukoy ang kapakinabangang hatid nito.

Sa pagbabasa o pakikinig mainam na masuri ng mambabasa o tagapakinig kung

ano at paano isinulat o iniulat ang isang teksto. Kung ang isang teksto ay kakikitaan
ng mahalagang impormasyon mainam na ito ay hanapan ng katibayan ng konsepto
sa paglalahad ng akda. Gayundin ang pag-unawa o pagpapakahulugan ng mga
salitang ginamit, ang pagsasaalang-alang sa paraan ng pagkakasulat ng akda, at
pag-unawa sa nilalaman ng teksto, maging ang katuturan ng akda sa disiplinang
kinabibilangan nito.

11
Suriin

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong batay sa naunawaan sa tinalakay na

aralin. Isulat ito sa iyong kuwaderno.

1. Ano-ano ang mga layunin ng mga uri ng teksto?

____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________

2. Bakit mahalagang mabatid ng isang mambabasa

ang uri ng tekstong binabasa?
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________

3. Sa iyong palagay makatutulong ba sa iyo ang

pagtukoy sa uri ng binabasang teksto? Bakit?
Pangatwiranan.
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________

12
Pagyamanin

Gawain 1

Panuto: Tukuyin kung anong uri ng teksto ang mga sumusunod na pahayag.
Isulat sa kuwarderno ang sagot.

____________ 1. Dahil sa pagpapatupad ng gobyerno ng Enhance Community

Quarantine (ECQ) sa bansa inerekomenda ng Energy Regulatory
Commission (ERC) na baguhin ng mga power distributors ang singilin
sa kuryente.

____________ 2. Pagkailangan ng gamot, ‘wag mahihiyang magtanong. Kung may

Right Med ba nito?

____________ 3. Puno ng sapot at agiw, puno ng alikabok ang mga muwebles na

natatakpan ng puting kumot.

____________ 4. “O pagsinang labis ng kapangyarihan

sampung mag-aama’y iyong nasasaklaw!
Pag ikaw ang nasok sa puso ninuman,
hahamaking lahat masunod ka lamang.”

____________ 5. Adobong manok at baboy

A. Hiwain ang manok at baboy ayon sa nais na laki nito.
B. Ihanda ang mantika, bawang, at sibuyas
C. Gisahin ang bawang hanggang sa lumabas ang lasa at amoy nito.
D. Ihalo ang manok at baboy at hayaan muna itong magisa ng mga
hanggang tatlong minuto.
E. Maaari mo nang ilagay ang mga natitirang sangkap: suka, toyo,
dahon ng laurel, paminta, asin, at tubig para makatulong sa
pagpapalambot ng mga karne.
F. Maaari ninyong tikman ang adobo para malaman kung sakto na
ang alat at asim nito. Maaari rin maglagay ng asukal para sa mga
nais na manamis-namis ang kanilang adobo.
G. Ang iba ay naglalagay ng patatas o pinya sa kanilang adobo,
depende rin ito sa inyong panlasa.

13
Gawain 2

Panuto: Tukuyin kung saan nabibilang ang mga pahayag. Isulat sa kuwaderno ang
letra ng tamang sagot.
A. Apelang Emosyonal (pathos) C. Apelang Lohikal (logos)
B. Apelang Etikal (ethos) D. Wala sa nabanggit

1. Gumagamit ng lohika upang makumbinsi ang mambabasa.

2. Gumagamit ng damdamin upang mahikayat ang mga mambabasa.
3. Tumutukoy sa kredibilidad ng isang manunulat upang makumbinsi ang mga
mambabasa.
4. Gumagamit ng mga impormasyon at datos na kaniyang inilalatag upang
paniwalaan ang kaniyang pananaw o punto.
5. Pagsasalaysay ng mga kuwentong nakaaantig ng galit o awa upang
mangumbinsi.

Gawain 3

Panuto: Basahin at unawain. Tukuyin kung tama o mali ang mga pahayag. Isulat
ang TIK kung tama at TOK kung mali. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

1. Ang tekstong impormatib ay paglalahad ng mga pangyayari at karanasan ng

mga tao.
2. Mahalaga ang pagsusuri sa anomang babasahin upang makilala ang uri ng
teksto hindi na mahalagang isaalang–alang pa ang pinagkunan nito.
3. Ang tekstong persuweysib ay may layunin na maglahad ng opinyon upang
makunbinsi ang mga mambabasa.
4. Ang tekstong prosidyural ay isang uri ng paglalahad na kadalasang
nagbibigay ng instruksiyon kung paano isasagawa ang isang tiyak na bagay.
5. Isa sa katangian ng tekstong impormatib ay ang pagtataglay nito ng iisa
lamang na estraktura.
6. Laganap sa bansa ang karamdaman o sakit na COVID-19. Tinatayang
umaabot na sa 15,588 katao ang nagkaroon nito, 3,598 ang tala ng
gumaling, 921 ang nasawi at 11,069 ang aktibo. Ang pahayag ay halimbawa
ng tekstong argumentatib.
7. Halimbawa ng tekstong prosidyural. Paano mag-apply sa balik probinsiya?
Una, magtungo sa website http://balikprobinsya.ph at i-click ang apply
button. Pangalawa, kumpletuhin ang enrolment form at i-submit. At hintayin
ang verification at tawag sa iyo.
8. Isa sa mahalagang konteksto upang maging epektibo ang pangungumbinsi ay
ang mahusay na paggamit ng wika sa pagpapahayag.
9. Ang tekstong naratib ay paglalahad ng mga pangyayari na pawang
katotohanan lamang.
10. Mahalaga ang malinaw na pagbibigay ng intruksiyon sa paggawa ng tekstong
prosidyural.

14
Isaisip

1. Ang tekstong impormatib ay naglalahad ng mga bagong kaalaman,

pangyayari, paniniwala, at mga impormasyon.
2. Tekstong Deskriptib ay isang uri ng paglalahad at naisasagawa sa
pamamagitan ng mahusay na paglalarawan.
3. Ang tekstong nanghihikayat o tekstong persuweysib ay naglalahad ng mga
payahag upang makapanghikayat o makapangumbinsi sa mga
tagapakinig o mambabasa.
4. Tatlong elemento ayon kay Aristotle: Ethos (etika), Logos (lohika), at Pathos
(emosyon).
5. Ang tekstong naratib ay isang uri ng tekstong naglalayong magkuwento o
magsalaysay.
6. Mga bahagi ng tekstong naratib: Ekposisyon, Mga komplikasyon o kadena
ng kaganapan, Resolusyon o denouement.
7. Ang tekstong prosidyural ay nagpapaliwanag kung paano ginagawa o
binubuo ang isang bagay.
8. Tekstong argumentatib ay naglalayong manghikayat, naglalahad ito ng
mga oposisyong umiiral na kaugnayan ng mga proposisyon na
nangangailangang pagtalunan o pagpapaliwanagan.
9. Ang iba’t ibang uri ng teksto ay may iba-iba ring paraan ng pagpapahayag
na naayon sa layunin nito.

15
Isagawa

Gawain 1:

Panuto: Pumili ng tatlo sa mga uri ng teksto. Ipakita ang kaibahan ng bawat isa sa
pamamagitan ng pagbibigay ng sariling pakahulugan sa mga uri nito.
Magbigay ng isang halimbawa na maaaring nabasa o napakinggan. Huwag
kalimutang itala ang mga pinagkunan ng impormasyon. Gawin ito sa
nakabukod na malinis na papel.

Uri ng Teksto

Kahulugan

Halimbawa

Sanggunian

Uri ng Teksto

Kahulugan

Halimbawa

Sanggunian

16
Uri ng Teksto

Kahulugan

Halimbawa

Sanggunian

Batayan ng Pagmamarka Puntos Marka

Nabibigyan nang malinaw na kahulugan ang uri ng
5
tekstong napili
Tumpak ang halimbawang naibigay sa uri ng
5
tekstong binigyan ng kahulugan
Naitatala nang maayos ang sangguniang pinagkunan
5
ng impormasyon
KABUOAN 15

Gawain 2

Panuto: Basahin at unawain. Suriing mabuti ang nilalaman ng balita. Tukuyin kung
anong uri ng teksto ang makikita sa iyong binasa. Isulat ang bahagi ng
tekstong nagpapatunay sa uri nito. Ipaliwanag kung bakit ito naging bahagi
ng gayong uri ng teksto. Isulat sa sagutang kuwaderno ang sagot.

Pangamba sa Second Wave

MARAMI ang nangamba sa sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III
noong Miyerkules na nananalasa na raw ang second wave ng COVID-19 sa
bansa. Noong Marso pa raw ito nag-umpisa kung saan biglang dumami ang
mga nagpositibo sa virus. Ayon kay Duque, ang first wave umano ay
nangyari noong Enero kung saan isang turistang Chinese mula sa Wuhan

17
ang nagpositibo at sunod-sunod na ang pagdami ng kaso. Sa kasalukuyan,
13,597 na ang positibo sa COVID-19 sa bansa at 857 na ang namamatay.

Ang pahayag ng Health secretary ay sinansala naman ng Malacañang

at sinabing first wave pa lang ang nararanasan ng bansa sa kasalukuyan.
Wala raw katotohanan ang ipinahayag ng DOH na second wave. Kaniya-
kaniya raw kasi ng interpretasyon ang mga tao. Sabi ni Presidential
Spokeperson Harry Roque, para ring abogado ang mga doktor na may
kaniya-kaniyang opinyon o interpretasyon.

Ang pahayag ni Duque na nasa second wave na ang bansa ay eksaktong

isang linggo makaraang isailalim sa modified enhanced community
quarantine (MECQ) ang Metro Manila at Laguna. Sa ilalim ng MECQ, maaari
nang magbukas ang ilang malls, establisimento at pabrika pero mahigpit pa
ring ipatutupad ang social distancing at pagsusuot ng face mask. Sa
pagluwag, biglang nagdagsaan sa mall ang mga tao na sabik na sabik dahil
sa dalawang buwan na lockdown. Nagkaroon din ng trapik sa EDSA at iba
pang malalaking kalsada nang dumagsa ang mga motorista.

Nagpaumanhin si Roque sa mamamayan sa idinulot na pangamba bunga ng

sinabing second wave. Wala raw intensiyon ang pamahalaan na maghatid
ng takot sa sambayanan.

Wala namang dapat ipangamba sa sinabi ng DOH. First wave o second wave
man ang nararanasan ngayon, ang mahalaga ay ipagpatuloy ng
mamamayan ang pag-iingat at pagiging alerto. Mahigpit na ipatupad ang
social distancing. Huwag papasukin sa mall, groceries at iba pang
establisimento ang walang face mask. Ipagbawal ang pagkumpol-kumpol ng
mga tao. Malalabanan ang virus na ito kung susunod sa mga ipinag-uutos
at makababalik na sa normal ang pamumuhay at gugulong ang negosyo.
Huwag mangamba.

Pangamba sa second wave (2020, May 23) Pilipino Star Ngayon

https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon
/2020/05/23/2015861/editoryal-pangamba-sa-second-wave

18
Gawain 3
Panuto: Pumili ng napapanahong balita. Sumulat ng isang sanaysay na maiuugnay
mo ang balita sa iyong sarili, iyong pamilya, iyong pamayanan, iyong
bansa o sa daigdig. Pumili ng tekstong nais gamitin sa paglalahad.
(Impormatib, Persuweysib, Argumentatib, Deskriptib, Naratib,
Prosidyural). Isulat ito sa isang buong papel.

Batayan ng Pagmamarka Puntos Marka

Napapanahon ang napiling paksa at mahusay na 20
naiugnay ito sa sarili, pamilya, pamayanan, bansa o
sa daigdig
Maayos at malinaw na nailahad ang mga 10
impormasyon
Tumpak ang datos na ibinahagi at naayon sa uri ng 10
tekstong napili
Malinaw ang pagkakahanay ng mga ideyang 10
ibinabahagi sa teksto
50

Tayahin

Panuto: Basahing mabuti at unawain ang mga aytem. Piliin at isulat ang titik ng
tamang sagot sa iyong sagutang kuwaderno.

Para sa bilang 1-5 tukuyin kung anong uri ng teksto ang iyong binabasa.

1. “Baka makipag-away ka na naman, Impen,” tinig iyon ng kaniyang ina.

Nangangaral na naman. Mula sa kinatatalungkuang giray na batalan, saglit
siyang napatigil sa paghuhugas ng mumo sa kamay. ( simula ng “Impeng
Negro” ni Rogelio Sikat)
(Baisa, AileneG. At Dayag, Alma M. (2004) Pluma: Wika at Panitikan para sa Mataas na Paaralan.
Quezon City: Phoenix Publishing House.)
A. Impormatib C. Persuweysib
B. Naratib D. Prosidyural

2. “Maliwanag na sinusubukan na naman sa halalang ito ang luma nang taktikang

divide and rule na pamana ng diktadurang US sa kaniyang mga puppet regimes.
Nakasalalay din sa Batasang election ang pang-militar at pang-ekonomiyang
katatagan sa atin ng Amerika… na ang pananatili dito’y higit namang
naglulublob sa kahirapan sa mga mamamayang Pilipino. Pero hindi na tayo
palilinlang. Hindi natin isusuko ang pakikipaglaban natin para sa ating mga
karapatan! Boykotin natin ang election “84!”

19
( Bautista, Lualhati. (1983) Bata,bata… Pa’no Ka Ginawa?.Mandaluyong: Carmelo & Bauermann Printing
Corp., 1988 at ng Cacho Publishing House, 1991.)
A. Argumentatib C. Impormatib
B. Deskriptib D. Persuweysib

3. Nagising ako kanina, humihingal at pawis na pawis. Nakataas ang kaliwa kong
kamay, naninigas, hindi ko maibaba. Sa panaginip ko, may malaking babae,
nakasuot ng itim pero hindi ko kita ang mukha, hindi ko alam kung bakit pero
hindi ko mailingon ang ulo ko. Madiin at masakit ang pagkakahawak nya sa
‘kin. Napansin ko na itim ang mga kuko nya, graya ang kulay ng balat.
Nakakatakot. Parang ganito rin ang panaginip ko nung isang linggo.
(Ong, Bob. (2010) Ang Mga Kaibigan Ni Mama Susan. Pasay City: Visprint, Inc.)
A. Argumentatib C. Impormatib
B. Deskriptib D. Persuweysib

4. Hinahangaan ko ang aking guro na si Gng. Laderas. Bukod sa dedikasyon niya

sa pagtuturo ay binibigyan din niya ako ng lakas ng loob at tiwala sa sarili
upang mapagtagumpayan ko ang hamon sa aking buhay. Anong uri ng
paglalarawan ang ginamit sa pahayag?
A. Deskriptib Impresyunistik C. Deskriptib Teknikal
B. Obhektibo D. Subhektibo

5. National ID System sa Pilipinas: Pabor ka ba?

A. Argumentatib C. Impormatib
B. Deskriptib D. Persuweysib
6. May iba’t ibang estruktura ang paglalahad ng tekstong impormatib. Ang
pahayag na “Bumaba ang insedente ng mga napahamak sa pagdiriwang ng
Bagong Taon (2020) kumpara sa nakalipas na limang taon,” ay
A. Pagbibigay Depenisyon C. Paglilista ng Klasipikasyon
B. Paghahambing D. Sanhi at Bunga

7. Naglalahad ng mga bagong kaalaman, bagong pangyayari, bagong paniniwala,

at mga bagong impormasyon. Ang mga kaalaman ay nakaayos ng sekwensyal
at inilalahad nang buong linaw at kaisahan.
A. Argumentatib C. Impormatib
B. Deskriptib D. Persuweysib

8. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi wasto hinggil sa tekstong

impormatib?
A. Iisa lamang ang sinusunod na estruktura ng mga tekstong impormatib.
B. Mahalaga ang malawak na bokabularyo ng mambabasa sa
komprehensiyon ng mga tekstong impormatib.
C. Hindi sinasagot ng tekstong impormatib ang tanong na bakit.
D. Lahat ng nabanggit.

20
9. Nagtataglay ng impormasyong may kinalaman sa pisikal na katangian ng isang
tao, lugar, at bagay. Madali itong makilala sapagkat ito ay tumutugon sa
tanong na ano.
A. Argumentatib C. Impormatib
B. Deskriptib D. Persuweysib

10. Isang pamamaraan ang photo essay o paggamit ng larawan o litrato sa

pagsasalaysay o paglalahad ng anomang bagay at pangyayari. Anong uri ng
teksto ang photo essay?
A. Deskriptib C. Persuweysib
B. Impormatib D. Prosidyural

11. Gumagamit ang may-akda ng argumento. Ang argumento ay binubuo ng

batayan at ng kongklusyon. Ang batayan ay resulta ng obserbasyon. Ang
kongklusyon naman ay nagmumula sa obserbasyon.
A. Apelang Emosyonal C. Apelang Lohikal
B. Apelang Etikal D. Wala sa nabanggit

12. Ito ay nagpapakita ng mga impormasyon tungkol sa mga tiyak na pangyayari

na maaaring nakita, hango sa sariling karanasan, totoong kaganapan o di-
piksyon, maaari ding likhang-isip lamang ng manunulat o piksyon.
A. Argumentatib C. Naratib
B. Deskriptib D. Persuweysib

13. Isang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay impormasyon at

instruksiyon kung paano isinasagawa ang isang tiyak na bagay.
A. Deskriptib C. Persweysib
B. Impormatib D. Prosidyural

14. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi katangian at nilalaman ng

mahusay na tekstong argumentatib?
A. Maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa tesis sa unang
talata ng teksto.
B. Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng mga bahagi ng teksto.
C. Kinahahantungan ng tunggalian o komplikasyon
D. Matibay na ebidensiya para sa argumento

15. Ito ay matalinong paghula ng maaaring kahulugan ng isang bahagi na hindi

direkta o tahasang ipinaliwanag sa teksto.
A. Pagpapagana ng imbak na kaalaman
B. Pagbuo ng hinuha
C. Pagkakaroon ng mayamang karanasan
D. Wala sa nabanggit

21
Karagdagang Gawain

Panuto: Pumili ng limang akda o teksto. Maaaring kumuha sa aklat o internet.

Pumili ng bahagi ng akda at suriin kung sa anong uri ng teksto ito
nabibilang. Tukuyin ang tekstong kinabibilangan nito. Itala ang
sangguniang pinagkuhaan ng impormasyon.

1. _____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. _____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. _____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

22
4. _____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

5. _____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Batayan ng Pagmamarka Puntos Marka

Malinaw na nasusuri ang halimbawa ng tekstong 10
napili
Natutukoy ang uri ng teksto 5
Naitatala nang maayos ang sangguniang pinagkunan 5
ng impormasyon
Kabuoan 20

23
Susi sa Pagwawasto

24
Isagawa

Gawain 2
( Paalala: Sa bahaging pagpapaliwanag mahalagang maibigay ang sariling punto
de vista upang mapangatwiranan ang bahagi ng tekstong napili)

Impormatib-
Marami ang nangamba sa sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III
noong Miyerkules na nananalasa na raw ang second wave ng COVID-19 sa bansa.
Noong Marso pa raw ito nag-umpisa kung saan biglang dumami ang mga
nagpositibo sa virus. Ayon kay Duque, ang first wave umano ay nangyari noong
Enero kung saan isang turistang Chinese mula sa Wuhan ang nagpositibo at
sunud-sunod na ang pagdami ng kaso. Sa kasalukuyan, 13,597 na ang positibo
sa COVID-19 sa bansa at 857 na ang namamatay.

Paliwanag:
Sa bahaging ito ay inilahad ang mga kasagutan sa mga katanungang sino,
ano, saan, kailan, at paano.

Argumentatib
Ang pahayag ng Health secretary ay sinansala naman ng Malacañang at
sinabing first wave pa lang ang nararanasan ng bansa sa kasalukuyan. Wala raw
katotohanan ang ipinahayag ng DOH na second wave. Kanya-kanya raw kasi ng
interpretasyon ang mga tao. Sabi ni Presidential Spokeperson Harry Roque, para
ring abogado ang mga doktor na may kaniya-kaniyang opinyon o interpretasyon.

Paliwanag:
Ang bahaging ito ay nagpapakita ng disposisyon kung saan ang paglalahad
ng ideya ay sa paraang lohikal na nagpapakita ng paraang paghahambing.

Deskriptib
Sa ilalim ng MECQ, maaari nang magbukas ang ilang malls, establisimento
at pabrika pero mahigpit pa ring ipatutupad ang social distancing at pagsusuot ng
face mask. Sa pagluwag, biglang nagdagsaan sa mall ang mga tao na sabik na

25
sabik dahil sa dalawang buwan na lockdown. Nagkaroon din ng trapik sa EDSA at
iba pang malalaking kalsada nang dumagsa ang mga motorista.

Paliwanag:
Nagpapakita ang bahaging ito ng paglalarawan sa sitwasyong nararanasan
na bunsod ng MECQ.

Persuweysib:
Wala namang dapat ipangamba sa sinabi ng DOH. First wave o second wave
man ang nararanasan ngayon, ang mahalaga ay ipagpatuloy ng mamamayan ang
pag-iingat at pagiging alerto. Mahigpit na ipatupad ang social distancing. Huwag
papasukin sa mall, groceries at iba pang establisimento ang walang face mask.
Ipagbawal ang pagkumpul-kumpol ng mga tao. Malalabanan ang virus na ito kung
susunod sa mga ipinag-uutos at makababalik na sa normal ang pamumuhay at
gugulong ang negosyo. Huwag mangamba.

Paliwanag:
Sa bahaging ito, malinaw na ipinakita ng may akda ang kaniyang layunin
na mahikayat at makiisa ang mga mambabasa sa pagsunod sa mga alituntuning
itinakda.

26
Sanggunian

Aklat

Ailene G. Baisa, at Alma M. Dayag, Pluma: Wika at Panitikan para sa Mataas na

Paaralan. Quezon City: Phoenix Publishing House, 2004, 402-422.

Bob Ong, Ang Mga Kaibigan Ni Mama Susan. Pasay City: Visprint, Inc., 2010, 7.

Brigida Mondragon, Florante at Laura ni Francisco “Balagtas” Baltazar. Caloocan

City: Aklat ANI Publishing and Educational Trading Center. 2004, 58.

Crizel Sicat-De Las, Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa

Pananaliksik. Manila: Rex Book Store. 2016, 2-100.

Del Rosario, Mary Grace G. at Dayag, Alma M. Pinagyamang Pluma:Pagbasa at

Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Quezon City: Phoenix
Publishing House. 2016.

Lualhati Bautista, Bata,bata… Pa’no Ka Ginawa?.Mandaluyong: Carmelo &

Bauermann Printing Corp., 1988 at ng Cacho Publishing House, 1991, 226.

Lakandupil C. Garcia, et.al., Paradaym:Pananaliksik sa Wikang Filipino

(Intelektwalisasyon, Disiplina at Konsepto), Malabon City: Jimcsy Publishing
House. 2012. 29-66.

Ricky Lee, Bahay ni Marta, Quezon City: Triprint Corporation, 2018, 1.

Teresita M. Anastaco, Richard de Leon, Vivencio M. Talegon, Jr. Daloy ng Wika:

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Quezon
City: Brilliant Creations Publishing Inc.,2016.2-77.

Website

Pilipino Star Ngayon.”Bilang ng nagugutom na Pinoy Dumoble.” Nakuha noong Mayo

23, 2020. Mula sa https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa

Pilipino Star Ngayon.“Pangamba sa second wave.” Nakuha noong Mayo 23, 2020.
https://www.philstar.com/pilipinostarngayon/opinyon

Pilipino Star Ngayon.“Babaeng kadete mula Isabela 2020 PMA topnotcher.” Nakuha
noong Mayo 23, 2020. https://www.philstar.com/pilipinostarngayon/bansa

Pilipino Star Ngayon.“Digital taxation sa digital economy.” Nakuha noong Mayo 22,
2020.https://www.philstar.com/pilipinostarngayon/opinyon

27
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex

Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

28
Pagbasa at Pagsusuri
SHS sa Ibat Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik

29
Pagbasa at Pagsusuri ng Ibat Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Pagtukoy ng Kahulugan at Katangian ng Mahahalagang Salitang Ginamit ng Iba’t
Ibang Uri ng Tekstong Binasa
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa

anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Niňo T. Cansicio
Editor: Maria Leilane E. Bernabe
Tagasuri: Juana Macalangay
Tagaguhit: Mary Laila Jane Paras
Tagalapat: Nolan Severino R. Jusayan
Tagapamahala: Wilfredo E. Cabral, Regional Director
Job S. Zape Jr., CLMD Chief
Elaine T. Balaogan, Regional ADM Coordinator
Fe M. Ong-ongowan, Regional Librarian

Department of Education – Region IV-A CALABARZON

Office Address: Gate 2 Karangalan Village, Barangay San Isidro
Cainta, Rizal 1800
Telefax: 02-8682-5773/8684-4914/8647-7487
E-mail Address: region4a@deped.gov.ph

30
Pagbasa at Pagsusuri
ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik
Pagtukoy ng Kahulugan at
Katangian ng Mahahalagang
Salitang Ginamit ng Iba’t Ibang
Uri ng Tekstong Binasa

31
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto

Tungo sa Pananaliksik -FILIPINO 11 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para
sa araling pagtukoy ng kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng iba’t
ibang uri ng tekstong binasa.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang, at sinuri ng mga edukador

mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy, na matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan,
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at

malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis, at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pang-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong

ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro

Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral

kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

32
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa

Pananaliksik -FILIPINO 11 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa
pagtukoy ng kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng iba’t ibang uri ng
tekstong binasa.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon, at layunin. Sa

pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga

dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung

ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral

upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay

ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling

pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa

malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

33
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong

sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o

masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat

ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa

Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng

makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

34
Week

1
Alamin

Ang Modyul na ito ay sadyang inihanda para sa mga mag-aaral ng Baitang Labing-
isa ng Senior High School sa Taong Panuruan 2020-2021. Ito ay kinapapalooban ng
Alamin, Subukin, Balikan, Tuklasin, Suriin, Pagyamanin, Isaisip, Isagawa, Tayahin,
at Karagdagang Gawain na lilinang sa mga kasanayang inaasahan ng mga mag-
aaral. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng Modyul na ito, inaasahang malilinang ang
kasanayan sa pagtukoy ng kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang
ginamit ng iba’t ibang uri ng tekstong binasa.

Kasanayang Pampagkatuto:

Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng iba’t

ibang uri ng tekstong binasa (F11PT-IIIa-88)

Inaasahang pagkatapos ng pag-aaral sa modyul na ito ang mga mag-aaral ay:

1. Natutukoy ang kahulugan ng mahahalagang salitang ginamit sa iba’t ibang

uri ng tekstong binasa
2. Natutukoy ang katangian ng mahahalagang salitang ginamit sa iba’t ibang uri
ng tekstong binasa
3. Nasusuri ang mga mahahalagang salitang ginamit sa ibat’t ibang uri ng
tekstong binasa

Ako si Titser O na iyong makakasama. Naríto ako upang

tumulong sa iyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga
mahahalagang kaalaman at impormasyon na tiyak na
makatutulong sa iyong pag-unlad.

35
Subukin

Panuto: Hanapin sa CROSSWORD PUZZLE ang mga salita na may kinalaman sa

COVID-19 sa tulong ng mga kahulugan na nasa ibaba. Isulat ang inyong
sagot sa sagutang papel.

___________ 1. Unang kawal

___________ 2. Pangkaraniwan

___________ 3. Daglat ng General Community Quarantine

___________ 4. Paglayo-layo ng mga tao

___________ 5. Bago sa pangkaraniwan

___________ 6. Pananatili sa isang lugar

___________ 7. Paghuhugas ng kamay

___________ 8. Daglat ng Personal Protecting Equipment

___________ 9. Likidong panlaban sa COVID-19

___________ 10. Mabilisang pagkahawa ng mga tao sa isang sakit

___________ 11.Pagtulong ng walang inaasahang kapalit

___________ 12.Pinansiyal na tulong mula sa gobyerno

___________ 13.Daglat ng Modified Community Quarantine

___________ 14.Proteksyon o pantakip sa ilong at bibig

___________ 15.Paglakas ng katawan galing sa sakit

B F R O N T L I N E R A N P
A E P E D E M Y A C O Y C A
Y N O R M A L M C Q S U K G
A D R O P L E T D U Q D S G
N S O C I A L M A Y C A A A
I D I S T A N C I N G M M L
H H A N D W A S H F E C E I
A N E W N O R M A L P Q C N
N A L C O H O L H K P N A G
G Q U A R A N T I N E T F T

36
Pagtukoy ng Kahulugan at
Aralin Katangian ng Mahahalagang
2 Salitang Ginamit ng Iba’t
Ibang Uri ng Tekstong Binasa

Hindi naman sa Iahat ng pagkakataon ay kailangang sumangguni sa

diksiyunaryo tuwing may mababasang salitang mahirap unawain. Maaaring
pansamantalang lagyan ng marka ang salita, gamit ang lapis at ipagpatuloy ang
pagbabasa. Maaaring gumawa ng tentatibong paghihinuha sa maaaring kahulugan
ng salita sa pamamagitan ng gamit nito sa pangungusap.

Una, BIGKASIN ang salita. Madalas ay nagkakaroon tayo ng ideya o

nakikilala natin ang kahulugan ng salita kapag narinig natin itong binigkas. Sa isang
banda, kapag mali ang bigkas ng salita, nagkakaroon din ito ng ibang
pagpapakahulugan. Ikalawa, suriin ang ESTRUKTURA ng salita. Pag-aralan kung
ito ba ay salitang-ugat, maylapi, inuulit, o tambalan. Tukuyin ang mga bahagi ng
salita upang magkaroon ng ideya sa kahulugan nito. Tukuyin din kung sa anong
bahagi ng pananalita ito kabilang, halimbawa, kung ito ay pangngalan, pandiwa,
pang-uri, at iba pa. Tukuyin din kung pormal at di pormal ang katangian ng salita.
Pagkatapos, pag-aralan ang KONTEKSTO. Hulaan ang kahulugan ng salita batay
sa kung paano ito ginamit sa loob ng pangungusap, sa sinundang pahayag, o sa
susunod na pahayag. Kapag hindi pa rin makuha ang kahulugan, kumonsulta na
sa diksiyunaryo. Maaari ding tumingin sa glosari ng aklat kung mayroon ito.

Itala ang salita at kabisahin ang kahulugan nito upang maidagdag sa

kaalaman sa talasalitaan. Kung pag-aari ang aklat, isulat ang kasingkahulugan o
anumang karagdagang impormasyon sa gilid ng aklat gamit ang lapis. Kung hindi
sariling pag-aari ang aklat, gumawa ng sariling talaan ng mahihirap na salitang
nabasa.

May hindi ka ba naintindihan?

Magbigay ng mensahe sa iyong guro upang sa gayon matulungan ka
niya!

37
Balikan

Panuto: Tukuyin ang paksa ng mga pahayag. Piliin at isulat ang titik ng wastong
sagot sa inyong sagutang papel.
1. Ang uri ng tekstong naglalahad ng mga impormasyon tungkol sa maraming
bagay na may pinagbabatayan.
A. Impormativ
A. Narativ
B. Persweysiv
C. Prosijural

2. Ang uri ng tekstong ito na tumutukoy sa pagsasalaysay na isinulat o ikinuwento

ang mga tiyak na pangyayari, kilos, at galaw sa isang tiyak na panahon.
A. Impormativ
B. Narativ
C. Persweysiv
D. Prosijural

3. Ang uri ng teksto na nagbibigay kung paano gumawa ng isang bagay o kaya’y
maisakatuparan ang mga hakbangin.
A. Impormativ
B. Narativ
C. Persweysiv
D. Prosijural

4. Ang uri ng tekstong gumagamit ng mga salitang naglalarawan. Binubuhay nito

ang imahinasyon ng sinomang babasa ng teksto.
A. Impormativ
B. Narativ
C. Deskriptiv
D. Prosijural

5. Ang uri ng tekstong ito na ang layunin ay mangatwiran.

A. Impormativ
B. Argyumenteytiv
C. Deskriptiv
D. Prosijural

Mahusay! Natukoy mo ang mga paksa. Ngayon, iyong tuklasin at

basahin ang isang tula na ginawa ko. Para sa iyo yan!

38
Tuklasin

TEKSTONG IMPORMATIV

NEW NORMAL
ni Niňo T. Cansicio

Binago ng COVID-19 ang ating buhay,

Dati rati’y hindi sanay maghugas ng kamay,

Ngunit ngayo’y napaisip na ito’y kailangan,

Isang kaugalian na resulta ng New Normal.

New Normal na nakasentro sa kalusugan,

Prayoridad ang pagpapalakas ng katawan,

Upang matiyak na kayang labanan,

Ang anomang uri ng virus na di natin namamalayan .

Kahit edukasyon malaki ang pinagbago,

Maraming nagsulputan sa pagkatuto,
Nariyan ang distance learning na modular,

Na tiyak lahat ay makikinabang.

Kahit magwakas ang pandemyang ito,

Leksiyong naiwan, hindi malilimutan,

Pinasingkad ang kamalayan sa kalusugan,

Nagkaroon ng bagong kultura at kagawian.

39
Gabay na Tanong:
Panuto: Sagutin ang mga tanong bilang pag-unawa sa tekstong binasa. Kopyahin
ang tanong at sagutan sa inyong sagutang papel.

1. Ano-anong mga salita sa loob ng teksto ang hindi mo masyadong naunawaan?

__________________________________________________________________________________

2. Ano-ano ang mga estruktura ng salitang napili mo?

__________________________________________________________________________________

3. Bigyang kahulugan ang mga salitang di naunawaan sa binasang teksto?

__________________________________________________________________________________
4. Ano-anong paraan sa pagbibigay kahulugan ang ginamit mo upang mabigyan
mo ito ng kahulugan?

__________________________________________________________________________________
5. Anong katangian ng salita ang natukoy mo sa mga salitang di mo masyadong
naunawaan?

__________________________________________________________________________________

Kumusta ka na? Natapos mo ba ang mga gawaing inilaan ko

para sa iyo? Kung hindi pa, tapusin na ‘yan para
makamove- on ka na!
Masaya akong natapos mo ito kaya simulan mo na itong
kasunod!

40
Suriin

Pagpapakahulugan ng Salita
Ang malawak na pagpapakahulugan sa mga salita ay kinakailangan ng tao
upang higit na maging mahusay at epektibo ang pakikipagkomunikasyon. Narito ang
mga paraan kung paano mabibigyang kahulugan ang mga salita o pangungusap.
1. Pagbibigay-kahulugan — ito ang pagbibigay ng kahulugan na mula sa taong may
sapat na kabatiran tungkol sa salita/pangungusap na nais bigyang kahulugan o
kaya'y maaaring mula sa mga diksyunaryo, aklat, ensayklopedya, magasin o
pahayagan.
Halimbawa :
pambihira - katangi-tangi
2.Pagbibigay ng iba pang kahulugan o barayti ng salita — ito ang pagbibigay ng
magkatulad na kahulugan
Halimbawa :
Paghanga- pagmamahal
3. Pagbibigay ng mga halimbawa — ito ang pagbibigay ng kahulugan ng isang salita
sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga halimbawa.
Halimbawa :
Ang buhay ng tao ay parang isang gulong. Minsan nasa ibabaw,
minsan nasa ilalim. Minsan ay nakararanas tayo ng hirap at minsan narnan
ay nakararanas ng ginhawa.
4. Paglalapi at pagsasama ng salita sa pangungusap — ito ang pagkakaroon ng iba't
ibang pagpapakahulugan sa salita kapag nilalapian.
Halimbawa :
Mata lamang ang walang latay. (sobra ang natanggap na pananakit)
Lagi na lamang akong minamata ni Nene. (nang-aapi o mababa ang
pagtingin sa kapwa)
Matalas ang mata ni Totoy. (bahagi ng katawan)
5. Paggamit ng mga idyomatikong pahayag at pagtatayutay — ito ang pagbibigay ng
kahulugan sa mga salitang matalinhaga sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga
salitang ginamit.
Halimbawa :
Di-maliparang uwak – malawak

41
Kaantasan ng Wika
Ang wika ay nahahati sa iba’t ibang kategorya sa antas na ginagamit ng tao batay
sa kaniyang pagkatao, sa lipunang kanyang ginagalawan, lugar na tinitirhan,
panahon, katayuan, at okasyong dinadaluhan. Kaya mahalagang kilalanin ang mga
salita upang maging pamilyar sa katangiang tinataglay nito.

A. Pormal na Wika - Ito ay antas ng wika na istandard at kinikilala o ginagamit

ng nakararami.

1. Pambansa- Ito ay ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat at

pambalarila para sa paaralan at pamahalaan.
Halimbawa:

asawa, anak, tahanan

2. Pampanitikan o Panretorika- Ito ay ginagamit ng mga malikhaing

manunulat. Ang mga salita ay karaniwang malalalim, makulay, at masining.

Halimbawa:

Kabiyak ng puso, Bunga ng pag-ibig, Pusod ng Pagmamahalan

B. Impormal na Wika - Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, at pang-
araw-araw. Madalas itong gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan.

1. Lalawigan- Ito ay gamitin ng mga tao sa partikular na pook o lalawigan,

makikilala ito sa kakaibang tono o punto.

Halimbawa:

Papanaw ka na? (Aalis ka na)

Nakain ka na? (Kumain ka na)

Buang! (Baliw)

2. Kolokyal- Pang-araw-araw na salita, maaring may kagaspangan nang

kaunti, maaari rin itong refinado ayon sa kung sino ang nagsasalita. Ang
pagpapaikli ng isa, dalawa, o higit pang titik sa salita.

Halimbawa:
Meron - Mayroon

Nasan - Nasaan

Sakin - sa akin
3. Balbal- Sa Ingles ito ay Slang. Nagkaroon ng sariling codes, mababa ang
antas na ito, ikalawa sa antas bulgar.
Halimbawa:

Chicks (dalagang bata pa)

Orange (bente pesos)

Pinoy (Pilipino)

42
Karaniwang paraan ng pagbubuo ng salitang balbal:

1. Paghango sa mga salitang katutubo

Halimbawa:

Gurang (matanda)

Bayot (bakla)
Barat (kuripot)

2. Panghihiram sa mga wikang banyaga

Halimbawa:
Epek (effect)

Futbol (naalis)
Tong (wheels)
3. Pagbibigay ng kahulugan ng salitang tagalog

Halimbawa:

Buwaya (Crocodile)

Bata (Child/Girlfriend)
Durog (powdered/high in addiction)

Papa (father/lover)

4. Pagpapaikli
Halimbawa:

Pakialam - paki

Malay ko at pakialam ko -ma at pa

Anong sinabi -ansabe

Anong nangyari -anyare

5. Pagbabaliktad
Halimbawa:

Etneb- bente

Kita- atik
Ngetpa- panget

Dehin- hindi

43
6. Paggamit ng Akronim

Halimbawa:
PUI -Pasyenteng Uusisain at Ipapa-confine

PUM-Pasyenteng Uuwi at Mamalagi sa bahay

AWIT- AW ang sakIT

7. Pagpapalit ng Pantig

Halimbawa:

Lagpak / palpak -Bigo

Torpe / Tyope /Torpe -naduwag

8. Paghahalo ng Salita
Halimbawa:
Bow na lang ng Bow

Mag-MU

Mag-jr (joy riding)

9. Paggamit ng Bilang

Halimbawa:

45-Baril
143- I love you

50/50- naghihingalo

10. Pagdaragdag
Halimbawa:

Puti - isputing

Kulang -kulongbisi
11. Kumbinasyon (Pagbabaligtad at Pagdaragdag)

Halimbawa:

Hiya-yahi-Dyahi
12. Pagpapaikli at pag-Pilipino

Halimbawa:

Pino -Pinoy
Mestiso-Tiso-Tisoy

44
13. Pagpapaikli at pagbabaligtad

Halimbawa:
Pantalon-Talon-Lonta

Sigarilyo-Siyo-Yosi

14. Panghihiram at pagpapaikli

Halimbawa:

Security -Sikyo

Brain Damage - Brenda

15. Panghihiram at Pagdaragdag

Halimbawa:
Get -Gets/Getsing

Cry -Crayola

Tandaan na may mga paraan kung paano

mabibigyang kahulugan ang mga salita o pangungusap.

45
Pagyamanin

Panuto: Basahin ang tekstong Prosijural. Bigyang kahulugan at katangian ang

mahahalagang salitang ginamit sa teksto.

Pitong simpleng hakbang upang maprotektahan ang sarili at ang iba laban sa
COVID-19

Ang coronavirus disease (COVID-19) ay isang nakahahawang sakit na dulot ng

bagong coronavirus. Karamihan sa mga taong magkakaroon ng impeksyon ay
makararanas ng hindi malalang sintomas at gagaling. Ngunit ang iba ay
makararanas ng malubhang sakit, lalo na sa mga matatanda at mga may dati nang
karamdaman. Narito ang ilang mga simpleng hakbang na maaari mong gawin upang
maprotektahan ang kalusugan mo at ng iba.

Ang mga payong ito ay maaaring sundin ng lahat, ngunit napakahalaga ng

mga ito kung ikaw ay nakatira sa lugar na may COVID-19.

1. Hugasan nang madalas ang iyong mga kamay

Ugaliin ang puspusang paglinis ng mga kamay gamit

ang hand sanitizer na may alkohol o hugasan gamit ang sabon
at tubig.

Bakit? Lagi nating ginagamit ang ating mga kamay upang

hawakan ang mga bagay na maaaring kontaminado. Maaaring
hindi natin namamalayan na sa paghawak natin ng ating mukha, nailipat na ang
virus sa mata, ilong, at bibig at nahawahan na tayo. Namamatay ang mga virus na
maaaring nasa iyong kontaminadong kamay, kasama na ang bagong coronavirus, sa
pamamagitan ng paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig o paggamit ng
hand sanitizer na may alkohol.

46
2. Iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig

Madalas nating hinahawakan ang ating kamay nang

hindi namamalayan. Maging mapagmatyag tungkol dito, at
iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig.

Bakit? Maraming hinahawakan ang mga kamay at maaari itong

makakuha ng mga virus. Kapag kontaminado na ang kamay,
naililipat ang virus sa mata, ilong, at bibig at maaaring pumasok sa katawan at
magdulot ng sakit.

3. Takpan ang iyong pag-ubo at pagbahing

Siguraduhing ikaw, at ang mga tao sa paligid mo, ay

sumusunod sa tamang respiratory hygiene. Ibig sabihin nito
ay ang pagtakip ng bibig at ilong gamit ang loob ng siko o
tisyu kapag uubo o babahing. Agad na itapon ang gamit na
tisyu sa basurahang may takip at maghugas ng kamay.

Bakit? Kung ang isang tao ay uubo o babahing,

tumatalsik ang maliit na droplet mula sa ilong at bibig na
maaaring may virus. Sa pagtakip ng iyong ubo o bahing, naiiiwasan ang pagkalat ng
mga virus at mikrobyo sa iba. Sa paggamit ng loob ng siko o tisyu – at hindi iyong
kamay – sa pag-ubo o pagbahing, naiiwasan ang paglipat ng kontaminadong droplet
sa iyong kamay. Dahil dito, napipigilan ang paglipat ng virus sa tao o bagay.

4. Iwasan ang matatao na lugar at malapit na pakikipagsalamuha sa taong may

lagnat o ubo

Iwasan ang matataong lugar, lalo na kung ang iyong

edad ay 60 pataas o may dati nang karamdaman gaya ng
altapresyon, diyabetis, sakit sa puso at baga o kanser.
Panatilihin ang hindi bababa sa 1 metrong pagitan mula sa
iyo at sa kung sinomang may lagnat o ubo.

47
Bakit? Pangunahing kumakalat ang COVID-19 sa pamamagitan ng droplet na
lumabas mula sa bibig o ilong kapag umubo o bumahing ang isang tao. Sa pag-iwas
sa mga matataong lugar, nilalayo mo ang iyong sarili (ng hindi bababa sa 1 metro)
mula sa mga taong maaaring may COVID-19 o sinomang may iba pang may sakit.

5. Manatili sa bahay kung ikaw ay may sakit

Manatili sa bahay kung ikaw ay may nararamdamang
sakit, kahit sinat at ubo lang.

Bakit? Sa pagpanatili sa loob ng bahay at hindi pagpunta sa

trabaho o iba pang lugar, gagaling ka ng mas mabilis at maiiwasan ang pagkalat ng
sakit sa ibang tao.

6. Kung ikaw ay may lagnat, ubo, at hirap sa pag-hinga, magpakonsulta agad

ngunit tawagan mo muna ang health facility

Kung ikaw ay may lagnat, ubo, at hirap sa pag-hinga,

magpakonsulta ng maaga – kung kakayanin, tumawag muna
sa ospital o health center para masabihan ka kung saan ka
pupunta.

Bakit? Makatutulong ito upang masiguro na tama ang

payong mabibigay sayo, ikaw ay maituro sa tamang health facility, at maiwasan
mong makahawa sa iba.

7. Kumuha ng impormasyon sa mapagkakatiwalaang awtoridad

Alamin ang pinakabagong impormasyon tungkol sa
COVID-19 mula sa mapagkakatiwalaang awtoridad.
Siguraduhing ang impormasyon ay mula sa maaasahang
mga tagapagsalita – ang Department of Health, World Health
Organization (WHO), o iyong lokal na health worker. Dapat ay
alam ng lahat ang sintomas – sa karamihan ay nagsisimula
ang COVID-19 sa lagnat at tuyong ubo.

48
Bakit? Ang lokal at pambansang awtoridad ang may alam tungkol sa pinakabagong
impormasyon kung kumakalat na ba ang COVID-19 sa iyong lugar. Sila ang mas
nakakaalam kung anong tamang payo na dapat ibigay sa iyong lugar, upang
maprotektahan ng mga tao ang kanilang sarili.

Sanggunian: “Pitong simpleng hakbang upang maprotektahan ang sarili at

ang iba laban sa COVID19,” World Health Organization, nakuha noong Mayo
25, 2020, https://www.who.int/philippines/news/feature-stories/detail/
pitong-simpleng-hakbang-upang-maprotektahan-ang-sarili-at-ang-iba-laban-
sa-covid-19

Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng mahahalagang salitang ginamit sa binasang

teksto. Piliin at isulat sa iyong sagutang papel ang wastong sagot.
1. Ugaliin ang puspusang paglinis ng mga kamay gamit ang hand sanitizer na may
alkohol o hugasan gamit ang sabon at tubig.
A. Palagian
B. Malimit
C. Mabilisan
D. Lahat ng ito

2. Madalas nating hinahawakan ang ating kamay nang hindi namamalayan.

A. Hindi alam
B. Wala sa katinuan
C. Hindi apektado
D. Wala sa nabanggit

3. Siguraduhing ikaw, at ang mga tao sa paligid mo, ay sumusunod sa tamang

respiratory hygiene.
A. Pagtakip ng ilog at bibig
B. Paghuhugas ng paa
C. Pagpapahinga
D. Pagpapapawis

4. Pangunahing kumakalat ang COVID-19 sa pamamagitan ng droplet na lumabas

mula sa bibig o ilong kapag umubo o bumahing ang isang tao.
A. Talsik na likido na nagmula sa ilong at bibig
B. Talamsik ng tubig sa kanal
C. Tulo ng tubig sa gripo
D. Patak ng ulan sa bubong

5. Manatili sa bahay kung ikaw ay may nararamdamang sakit, kahit sinat at ubo
lang.
A. Pagtigil C. A at B
B. Pagpirmi D. Paghinto

49
Panuto: Tukuyin ang katangian ng mahahalagang salitang nakaitim na ginamit sa
teksto. Piliin at isulat sa inyong sagutang papel ang wastong sagot.
1. Makatutulong ito upang masiguro na tama ang payong maibibigay sa ’yo, ikaw ay
maituturo sa tamang health facility, at maiwawasan mong makahawa sa iba.
A. Pambansa
B. Pampanitikan
C. Lalawiganin
D. Balbal

2. Alamin ang pinakabagong impormasyon tungkol sa COVID-19 mula sa

mapagkakatiwalaang awtoridad.
A. Pambansa
B. Pampanitikan
C. Lalawiganin
D. Balbal

3. Karamihan sa mga taong magkakaroon ng impeksyon ay makararanas ng hindi

malalang sintomas at gagaling.
A. Pambansa
B. Pampanitikan
C. Lalawiganin
D. Balbal

4. Namamatay ang mga virus na maaaring nasa iyong kontaminadong kamay,

kasama na ang bagong coronavirus, sa pamamagitan ng paghuhugas ng kamay
gamit ang sabon at tubig o paggamit ng hand sanitizer na may alkohol.
A. Pambansa
B. Pampanitikan
C. Lalawiganin
D. Balbal

5. Dapat ay alam ng lahat ang sintomas – sa karamihan ay nagsisimula ang COVID-

19 sa lagnat at tuyong ubo.
A. Pambansa
B. Pampanitikan
C. Lalawiganin
D. Balbal

Mahusay!
Nalampasan mo ang mga gawain na ibinigay ko.
Binabati Kita!

50
Isaisip

Panuto: Kumpletuhin ang mga patlang sa ibaba upang makabuo ng isang

makabuluhang pahayag ukol sa pagpapatukoy ng kahulugan at katangian ng isang
salita sa loob ng pangungusap. Piliin ang mga mahahalagang salita na maaaring
gamitin sa loob ng pangungusap. Isulat ang sagot sa nakahiwalay na papel.

Hindi sa Iahat ng pagkakataon ay kailangang sumangguni sa

1.__________ tuwing may mababasang salitang mahirap unawain. Maaaring
gumawa ng tentatibong 2.___________sa maaaring kahulugan ng salita sa
pamamagitan ng gamit nito sa pangungusap. Tukuyin din kung ano ang
3.__________ ng salita halimbawa kung ito ay pormal at di pormal. 4.__________
ang kahulugan ng salita batay sa kung paano ito ginamit sa loob ng
pangungusap, sa sinundang pahayag, o sa susunod na pahayag. Kapag hindi
pa rin makuha ang 5.__________, kumonsulta na sa diksiyunaryo. Maaari ding
tumingin sa 6__________ ng aklat kung mayroon ito. Ang malawak na
pagpapakahulugan sa mga salita ay kinakailangan ng tao upang higit na
maging mahusay at 7.__________ ang pakikipagkomunikasyon. Ang
kaantasan ng wika ay nahahati sa dalawa, ang pormal at 8.___________. Ang
mga uri ng pormal na wika ay 9__________at Pampanitikan. Samantala ang
impormal na wika ay Lalawiganin, Kolokyal at 10.__________.

Mga Mahahalagang Salita

balbal
diksyunaryo
di pormal
hulaan
epektibo
kahulugan
glosari
katangian
pambansa
paghihinuha

51
Isagawa

Panuto: Sumulat ng isang tekstong impormativ tungkol sa iyong sarili, pamilya,

komunidad, bansa, at daigdig na kinakaharap ang problema kaugnay ng
pandemyang COVID-19. Salungguhitan ang mahahalagang salita na ginamit sa loob
ng teksto, Tukuyin ang kahulugan at katangian nito. Gawin ito sa isang malinis na
papel.
Rubrik sa Pagsulat
Pamantayan Mahusay Katamtaman Di Gaanong Dapat
(4) (3) mahusay Pagbutihin
(2) (1)
Pagpili ng Napakahalaga Napakahalaga Di gaanong Walang halaga
Pamagat sa sarili, sa sarili, mahalaga sa sa sarili,
pamilya, pamilya, sarili, pamilya, pamilya,
komunidad, komunidad, komunidad, komunidad,
bansa, at bansa, at bansa, at daigdig bansa, at
daigdig ng daigdig ng ang napiling daigdig ang
napiling paksa napiling paksa paksa at hindi napiling paksa
at tunay itong at rin gaanong at hindi rin
napapanahon napapanahon napapanahon napapanahon
Nilalaman Napakamakab Makabuluhan Di gaanong Walang
u-luhan ang ang mga makabuluhan kabuluhan
mga salitang salitang ang mga salitang ang mga
ginamit sa loob ginamit sa ginamit sa loob salitang
ng sulatin, loob ng ng sulatin. ginamit sa
Natukoy ang sulatin. Walang natukoy loob ng
kahulugan at Natukoy ang na kahulugan at sulatin. Hindi
katangian. kahulugan katangian. natukoy ang
ngunit hindi kahulugan at
ang katangian. katangian.
Organisasyon Napakalinaw at Malinaw at Di gaanong Hindi malinaw
ng kaisipan napakalohikal lohikal ang malinaw at at walang
ng ugnayan ng ugnayan ng lohikal ang ugnayan ang
mga kaisipan. mga kaisipan. ugnayan ng mga mga kaisipan
kaisipan. at kulang sa
paliwanag.

52
Kawastuang Walang maling May ilang Di-gaanong Maraming
panggramatik baybay ng mga maling baybay maraming maling baybay
a salita, bantas, ng mga salita, maling baybay ng mga salita,
at bantas, at ng mga salita, bantas, at
kapitalisasyon kapitalisasyon bantas, at kapitalisasyon
at atbp. at atbp. kapitalisasyon at at atbp.
atbp.
Gamit ang Gumamit ng Gumamit ng Di-gaanong Walang
mga pahayag maraming sapat na gumamit ng ginamit na
na nagbibigay pahayag sa pahayag sa pahayag sa pahayag sa
impormasyon pagbibigay pagbibigay pagbibigay pagbibigay
impormasyon impormasyon impormasyon impormasyon
Bisa sa mga Napanghahawa Napanghahaw Di gaanong Walang
mambabasa -kan ang a-kan ang napanghawakan napanghawak
interes ng interes ng ang interes ng an na interes
mambabasa sa mambabasa mambabasa ng
buong sulatin sa malaking mambabasa
bahagi ng
sulatin

Mabuhay!
Ikaw ba ay nahihirapan? Alamin ang paraan ng pagkakabuo o
estruktura ng salita upang makuha mo ang tiyak na kahulugan
nito.
Kaya mo ‘yan…

53
Tayahin

Panuto: Tukuyin ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salita na ginamit sa

iba’t ibang tekstong binasa. Gawin ito sa isang malinis na papel.

1. Lahat tayo ay apektado ng krisis na ito ngunit may mga itinuturo din itong aral
sa atin.

2. Buhay pa rin ang Bayanihan sa ating bansa ngunit digital na sa tulong ng mga
apps at fund transfers.

3. Epektibo ito lalo na sa panahong hindi tayo makalabas sa ating bahay.

4. Ine-encourage ding gamitin ang cashless payment options via QR code sa mga
groceries bilang contactless way of payment ngayong may epidemya.

5. Updated digitally na ang halos lahat ng bagay pati ang pagtulong sa ating kapwa
ngayong panahon ng enhanced community quarantine (ECQ) kung saan
kailangan sundin ang physical/social distancing.

6. Nakabubuti din sa atin ang pagiging social media savvy dahil maaari nating
gamitin ito sa paggawa ng mabubuting hangarin o mga advocacies.

7. Epektibo din ito upang maengganyong lumahok ang ibang tao sa inyong pag-
momobilized.

8. Pagkatapos ng krisis na ito, hindi na tayo babalik sa normal nating

pamumuhay.

9. Marami ang magbabago at iyon ang magiging “new normal” para sa ating
lahat.

10. Nawa’y kasabay ng mga pagbabagong iyon, hindi mawawala ang ating
kagustuhang makatulong at tumulong sa ating kapwang nangangailangan.
A. Bago sa pangkaraniwan F. Paggamit ng teknolohiya
B. Hangarin G. Paggawa nang mabuti
C. Kasama H. Paglayo-layo ng mga tao
D. Mabilisang pagkahawa ng mga tao sa I. Pagtulong ng walang inaasahang
isang sakit kapalit
E. Mabisa J. Panahon ng kagipitan o peligro
K. Pangkaraniwan

54
Panuto: Tukuyin ang katangian ng mahahalagang salitang ginamit sa iba’t ibang
tekstong binasa. Tukuyin kung pambansa, pampanitikan, lalawiganin, kolokyal, at
balbal. Isulat sa wastong sagot sa inyong sagutang papel.
1. Daayud -____________________

2. Pamalit -_____________________

3. Tulong-Pinansiyal -____________________

4. Ayuda -____________________

5. Soc. Ame.-___________________

Karagdagang Gawain

Gumawa ng sariling talaan ng mahihirap na salitang nabasa. Itala ang mga

salita, kabisahin ang kahulugan nito at gamitin sa sariling pangungusap ang
salitang binigyang kahulugan upang maidagdag sa kaalaman sa talasalitan.

Maaaring gumamit ng mga lumang kuwaderno upang doon itala ang lahat ng
mga salita na binigyang kahulugan. Maaaring magtala araw- araw ng limang salita
na binigyan ng kahulugan at gamitin sa sariling pangungusap. Ito ay sisiyasatin ng
guro sa oras na magkita kayo.

Salita Kahulugan Sariling pangungusap

55
Oras na upang balikan ang mga gawaing iyong sinagutan. Nasa
kasunod na pahina ang mga kasagutan sa mga gawaing iyong
ginawa.
Alam mo ba kung ano ang tawag dito?
SUSI SA PAGWAWASTO
Kaya’t ano pa ang ginagawa mo…
IWASTO MO NA!

56
57
Isaisip Tuklasin Balikan
1. diksunaryo 1.New Normal 1.A
2. paghihinuha 2.Payak, Maylapi, 2.B
Inuulit, Tambalan
3. katangian 3.D
3.New Normal -
4. hulaan 4.C
Bagong
5. kahulugan Pangkaraniwan 5.B
6. glosari 4.Batay sa
pagkakagamit
7. epekto nito sa loob ng
8. di pormal teksto
9. pambansa 5.Pagbibigay
kahulugan
10. balbal
6.Hiram na salita
Subukin
Pagyamanin Tayahin
1. FROTLINER
2. NORMAL Gawain 1 1. J
3. GCQ 1.D 2. I
4. SOCIAL 2.A 3. E
DISTANCING 3.A 4. D
5. NEW NORMAL 4.A 5. H
6. QURANTINE 5.C 6. G
7. HAND WASH 6.A 7. B
8. PPE 7.A 8. K
9. ALCOHOL 8.A 9. A
10. EPEDEMYA 9.A 10.C
11. BAYANIHAN 10.A 11.BALBAL
12.AYUDA 12.LALAWIGANIN
13.MCQ 13.PAMPANITIKAN
14. FACE MASK 14.PAMBANSA
15. PAGGALING . 15.KOLOKYAL
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

AKLAT

Aladeza, Edgar P. at Reina M. Alazeda. Filipino_H.S.Com. Quezon City: Bookman Inc.,

2005.

Anatacio Heidi.C., Yolanda S. Lungat, at Rita D. Morales. Pagbasa at Pagsusuri ng

Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Quezon City: C&E
Publishing Inc., 2016.

Macalagay, Juana.T. Sibol ng Karunungan:Unang Taon.Valenzuela City:Gabay

Eskwela, 2009.

San Juan, Aquilina, Angelina Sevilla, Flor Veniegas, at Glipo Protacio. Sanayang
Aklat sa Filipino: Unang Taon. Lipa City: Eferza Academic Publication, w.p.

SANGGUNIANG ELEKTRONIKO

World Health Organization. “Pitong simpleng hakbang upang maprotektahan

ang sarili at ang iba laban sa COVID19.” Nakuha noong Mayo 25, 2020.
https://www.who.int/philippines/news/feature-stories/detail/pitong-
simpleng-hakbang-upang-maprotektahan-ang-sarili-at-ang-iba-laban-sa-
covid-19.

58
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex

Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

59
Pagbasa at Pagsusuri
SHS sa Ibat Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik

60
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Katangian at Kalikasan ng Iba’t Ibang Uri ng Teksto
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa

anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Glaiza B. De la Peña
Editor: Maria Leilane E. Bernabe
Tagasuri: Juana Macalangay
Tagaguhit: Mary Laila Jane Paras
Tagalapat: Nolan Severino R. Jusayan
Tagapamahala: Wilfredo E. Cabral, Regional Director
Job S. Zape Jr., CLMD Chief
Elaine T. Balaogan, Regional ADM Coordinator
Fe M. Ong-ongowan, Regional Librarian

Department of Education – Region IV-A CALABARZON

Office Address: Gate 2 Karangalan Village, Barangay San Isidro
Cainta, Rizal 1800
Telefax: 02-8682-5773/8684-4914/8647-7487
E-mail Address: region4a@deped.gov.ph

61
Pagbasa at Pagsusuri sa
Iba’t ibang Teksto
Katangian at Kalikasan ng Iba’t
Ibang Uri ng Teksto

62
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang

Teksto Tungo sa Pananaliksik – Baitang 11 ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul para sa araling Katangian at Kalikasan ng Iba’t Ibang Uri ng Teksto.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang, at sinuri ng mga

edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy, na matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan, at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at

malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis, at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pang-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong

ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro

Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-

aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

63
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa

Pananaliksik – Baitang 11 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa
Katangian at Kalikasan ng Iba’t Ibang Uri ng Teksto.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksiyon, at layunin. Sa

pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin

nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga

dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung

ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral

upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay

ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling

pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa

malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

64
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong

sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o

masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa

lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa

Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng

makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

65
Week

2
Alamin

Ang modyul na ito ay naglalaman ng pagtalakay sa mga katangian at kalikasan ng

iba’t ibang tekstong iyong napag-aralan na sa mga naunang modyul. Makatutulong
ito sa iyo upang lumawak pa ang iyong kaalaman sa iba’t ibang uri ng teksto.

Naglalaman ang modyul na ito ng paksang:

 Katangian at Kalikasan ng Iba’t Ibang Uri ng Teksto

Kasanayang Pampagkatuto:
 Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang tekstong binasa
(F11PS-IIIb-91)

Layunin:

1. Natutukoy ang mga katangian at kalikasan ng iba’t ibang uri ng teksto,

2. Nakasusuri ng iba’t ibang teksto batay sa katangian at kalikasan nito, at
3. Naibabahagi ang sariling pananaw batay sa napag-aralan sa pamamagitan
ng isang graphic organizer

Subukin

Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng wastong sagot at isulat
sa sagutang papel.

1. Anong katangian ng tekstong impormatibo ang pagkuha ng

makatotohanang datos o impormasyon mula sa mapagkakatiwalaang
batayan?
A. Obhetibo
B. Subhetibo

2. Anong uri ng paglalarawan ang nakabatay sa mayamang imahinasyon

ng manunulat at hindi sa katotohanan?
A. Obhetibo
B. Subhetibo

66
3. Isa sa katangian ng tekstong naratibo ang pagkakaroon nito ng
elemento, ano ang tawag sa elemento kung saan may maayos na daloy o
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa teksto upang mabigyang-
linaw ang temang taglay ng akda?
A. Tagpuan
B. Banghay

4. Isa sa katangian ng tekstong naratibo ang pagkakaroon nito ng iba’t

ibang pananaw, saan nabibilang ang pagsasalaysay ng pangunahing
tauhan sa mga bagay na kaniyang nararanasan, naaalala, o naririnig sa
kuwento?
A. Unang Panauhan
B. Ikalawang Panauhan

5. Anong uri ng tauhan ang nagtataglay ng iisa o dadalawang katangiang

madaling matukoy?
A. Tauhang Bilog
B. Tauhang Lapad

6. Anong katangian ng tekstong persuweysib ang nagpapakita ng personal

na opinyon at paniniwala ng may akda?
A. Obhetibo
B. Subhetibo

7. Isa sa mga katangian ng ganitong uri ng teksto ang pangungumbinsi

batay sa datos o impormasyong nakalap.
A. Argumentatibo
B. Persuweysib

8. Anong uri ng teksto ang may katangiang kagaya ng larawang ipininta

kung saan kapag nakita ito ng iba ay parang nakita na rin nila ang
orihinal na pinagmulan ng larawan?
A. Impormatibo
B. Deskriptibo

9. Isa sa mga katangian ng ganitong uri ng teksto ang makatotohanang

pagpapaliwanag sa mga paksang tulad ng isports, kasaysayan,
siyensiya, panahon, heograpiya, at iba pa.
A. Impormatibo
B. Deskriptibo

10. Anong uri ng teksto ang maaaring maging subhetibo at obhetibong

paglalarawan?
A. Naratibo
B. Deskriptibo

67
11. Anong katangian ng teksto ang ipinapakita sa pahayag na “Siya ay
balat-sibuyas”?
A. Obhetibo
B. Subhetibo

12. Anong uri ng teksto ang may layuning patunayan ang isang pahayag sa
pamamagitan ng matibay na pangangatwiran batay sa lohika at
katotohanan?
A. Argumentatibo
B. Persuweysib

13. Ano ang isang halimbawa ng tekstong persuweysib?

A. Debate
B. Patalastas

14. Anong damdamin ang nakapaloob sa pahayag na “Para akong

sinukluban ng langit at lupa”?
A. Kalungkutan
B. Kalituhan

15. Anong uri ng teksto ang may layuning magsalaysay o magkuwento?

A. Impormatibo
B. Naratibo

68
Aralin Katangian at Kalikasan ng
3 Iba’t Ibang Uri ng Teksto
Sa modyul na ito ay tatalakayin ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang uri ng
teksto. Dito ay pagtutuunang-pansin ang mga katangian ng teksto sa tulong ng
mga gawain upang lalo pang lumawak ang iyong kaalaman ukol dito.

Balikan

Bago natin simulan ang iyong magiging paglalakbay sa modyul na ito, muli mong
balikan ang iyong natutuhan sa naunang aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa
katanungang ito:

- Masasabi mo bang mahalagang pag-aralan ang iba’t ibang uri ng teksto?

Bakit?

Halina at ipagpatuloy ang iyong pag-aaral. Tuklasin

mo na ang katangian at kalikasan ng mga tekstong
iyong napag-aralan sa pamamagitan ng pagsusuri ng
iba’t ibang tekstong iyong mababasa.

69
Tuklasin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang maikling kuwentong “Mabangis

na Lungsod”. Ilista sa papel ang mahahalagang detalye na iyong
mababasa upang makatulong sa pagsagot sa mga katanungan.

MABANGIS NA LUNGSOD
(ni Efren R. Abueg)
Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa malalaki’t
maliliit na lansangan, dumantay sa mukha ng mga taong pagal, sa mga taong
araw-araw ay may bagong lunas na walang bisa. Ngunit ang gabi ay waring
manipis na sutla lamang ng dilim na walang lawak mula sa lupa hanggang sa mga
unang palapag ng mga gusali. Ang gabi sa kalupaan ay ukol lamang sa dilim sa
kalangitan sapagkat ang gabi sa kalupaan ay hinahamig lamang ng mabangis na
liwanag ng mga ilaw-dagitab.

Ang gabi ay hindi napapansin ng lalabindalawahing taong gulang na si

Adong. Ang gabi ay tulad lamang ng pagiging Quiapo ng pook na iyon. Kay Adong,
ang gabi’y naroroon, hindi dahil sa may layunin sa pagiging naroroon, kundi dahil
sa naroroon katulad ng Quiapo. Sa walang muwang na isipan ni Adong, walang
kabuluhan sa kaniya kung naroon man o wala ang gabi- at ang Quiapo.

Ngunit isang bagay ang may kabuluhan kay Adong sa Quiapo. Alisin na ang
nagtatayugang gusali roon, alisin na ang bagong lagusan sa ilalim ng lupa, alisin
na ang mga tindahang hanggang sa mga huling oras ng gabi’y mailaw at
mabawasan ang mga taong pumapasok at lumalabas doon, dahil sa isang bagay na
hinahanap sa isang marikit na altar. Sapagkat ang simbahan ay buhay ni Adong.

Kung ilang hanay ang mga pulubing naroroon at mga nagtitinda ng tiket ng
suwipistek, ng kandila, ng kung ano-anong ugat ng punongkahoy at halaman. At
sa mga hanay na iyon ay nakatunghay ang simbahan, naawa, nahahabag. At
nakatingala naman ang mga hanay na iyon, kabilang si Adong. Hindi sa simbahan
kundi sa mga taong may puso pa upang dumukot sa bulsa at maglapag ng konting
barya sa maruruming palad.

Mapapaiyak na si Adong. Ang tingin niya tuloy sa mga ilaw-dagitab ay

parang mga piraso ng apoy na ikinakalat sa kalawakan. Kangina pa siyang
tanghali sa loob ng marusing na bakuran ng simbahan, nagsawa na ang kaniyang
mga bisig sa wala pang tunog ng katuwaan. Bagkus ang naroon ay bahaw na
tunog ng babala. Babalang ipinararamdam ng pangangalam ng kaniyang sikmura
at sinasapian pa ng takot na waring higad na gumagapang sa kaniyang katawan.

“Mama... Ale, palimos na po.”

Ang maraming mukhang nagdaraan ay malalamig na parang bato, ang

imbay ng mga kamay at hiwatig ng pagwawalang-bahala, ang hakbang ay
pagpapahalata ng pagmamadali - pag-iwas.

70
“Palimos na po, ale... hindi pa po ako nanananghali!” Kung may
pumapansin man sa panawagan ni Adong, ang nakikita niya ay irap, pandidiri,
pagkasuklam.

“Pinaghahanapbuhay ‘yan ng mga magulang para maisugal,” madalas

naririnig ni Adong. Nasasaktan siya, sapagkat ang bahagi ng pangungusap na iyon
ay untag sa kaniya ni Aling Ebeng, ang matandang pilay na kaniyang katabi sa
dakong liwasan ng simbahan. At halos araw-araw, lagi siyang napapaiyak, hindi
lamang niya ipinahahalata kay Aling Ebeng, ni kanino man sa naroroong
nagpapalimos. Alam niyang hindi maiiwasan ang paghindi sa kaniya ng limang
piso, sa lahat. Walang bawas.

“May reklamo?” ang nakasisindak na tinig ni Bruno. Ang mga mata nito’y
nanlilisik kapag nagpatumpik-tumpik siya sa pagbibigay. At ang mga kamay ni
Adong ay manginginig pa habang inilalagay niya sa masakim na palad ni Bruno
ang salapi, mga baryang matagal ding kumalansing sa kaniyang bulsa, ngunit
kailanman ay hindi nakarating sa kaniyang bituka.

“Maawa na po kayo, Mama... Ale... gutom na gutom na ako!” Ang mga daing
ay walang halaga, waring mga patak ng ulan sa malalaking bitak ng lupa. Ang mga
tao’y naghihikahos na rin. Ang panahon ay patuloy na ibinuburol ng karukhaan.

Ang kampana ay tumutugtog at sa loob ng simbahan, pagkaraan ng

maikling sandali, narinig ni Adong ang pagkilos ng mga taong papalabas, waring
nagmamadali na tila ba sa wala pang isang oras na pagkakatigil sa simbahan ay
napapaso, nakararamdam ng hapdi, hindi sa katawan, kundi sa kaluluwa. Natuwa
si Adong. Pinagbuti niya ang paglalahad ng kaniyang palad at pagtawag sa mga
taong papalapit sa kaniyang kinaroroonan.

“Malapit nang dumating si Bruno...” ani Aling Ebeng na walang sino mang
pinatutungkulan. Manapa’y para sa lahat na maaaring makarinig. Biglang-bigla,
napawi ang katuwaan ni Adong. Nilagom ng kaniyang bituka ang nararamdamang
gutom. Ang pangambang sumisigid na kilabot sa kaniyang mga laman at
nagpapantindig sa kaniyang mga balahibo ay waring dinaklot at itinapon sa
malayo ng isang mahiwagang kamay.

Habang nagdaraan sa kaniyang harap ang mga taong malamig, walang awa,
walang pakiramdam-nakadarama siya ng kung anong bagay na apoy sa kaniyang
kalooban. Aywan niya kung bakit gayon ang nararamdaman niya matapos mapawi
ang kaniyang gutom at pangamba. Kung ilang araw na niyang nadarama iyon, at
hanggang sa ngayon ay naroroon pa’t waring umuuntag sa kaniya na gumawa ng
isang marahas na bagay. Ilang barya ang nalaglag sa kaniyang palad, hindi
inilagay kung inilaglag, sapagkat ang mga palad na nagbibigay ay nandidiring
mapadikit sa marurusing na palad na wari bang mga kamay lamang na maninipis
ang malinis. Dali-daling inilagay ni Adong ang mga barya sa kaniyang lukbutan.
Ilan pang barya ang nalaglag sa kaniyang palad. At sa kaabalahan niya’y hindi na
napansing kakaunti na ang mga taong lumalabas mula sa simbahan. Nakita na
naman ni Adong ang mga mukhang malamig, ang imbay ng mga kamay na
nagpapahiwatig ng pagwawalang bahala, ang mga hakbang ng nagmamadaling
pag-iwas.

“Adong... ayun na si Bruno,” narinig niyang wika ni Aling Ebeng. Tinanaw ni

Adong ang ininguso sa kaniya ni Aling Ebeng. Si Bruno nga. Ang malapad na
katawan, ang namumutok na mga bisig. Ang maliit na ulong pinapangit ng suot na

71
gora. Napadukot si Adong sa kaniyang bulsa. Dinama niya ang mga barya roon.
Malamig. At ang lamig na iyon ay waring dugong biglang umagos sa kaniyang mga
ugat. Ngunit ang lamig na iyon ay hindi nakasapat upang ang apoy na
nararamdaman niya kangina pa ay mamamatay. Mahigpit niyang kinulong sa
kaniyang palad ang mga baryang napagpalimusan. “Diyan na kayo, Aling Ebeng...
sabihin ninyo kay Bruno na wala ako!” mabilis niyang sinabi sa matanda.

“Ano? Naloloko ka na ba, Adong? Sasaktan ka ni Bruno. Nakita ka na ni

Bruno!”

Narinig man ni Adong ang sinabi ng matanda, nagpatuloy pa rin sa

paglalakad, sa simula’y marahan, ngunit nang makubli siya sa kabila ng bakod ng
simbahan ay pumulas siya ng takbo. Lumusot siya sa pagitan ng mga dyipni na
mabagal sa pagtakbo. Sumiksik siya sa kakapalan ng mga taong salu-salubong sa
paglalakad. At akala niya’y nawala na siya sa loob ng sinuot niyang mumunting
iskinita.

Sumandal siya sa poste ng ilaw-dagitab. Dinama niya ang tigas niyon sa

pamamagitan ng kaniyang likod. At sa murang isipang iyon ni Adong ay tumindig
ang tagumpay ng isang musmos na paghihimagsik ng paglayo kay Bruno, ng
paglayo sa Quiapo, ng paglayo sa gutom, sa malalamig na mukha, sa nakatunghay
na simbahan, sa kabangisang sa mula’t pa’y nakilala niya at kinasusuklaman.
Muling dinama niya ang mga barya sa kaniyang bulsa. At iyon ay matagal din
niyang ipinakalansing.

“Adong!” Sinundan iyon ng papalapit na mga yabag. Napahindik si Adong.

Ang basag na tinig ay naghatid sa kaniya ng lagim. Ibig niyang tumakbo. Ibig
niyang ipagpatuloy ang kaniyang paglayo. Ngunit ang mga kamay ni Bruno ay
parang bakal na nakahawak na sa kaniyang bisig, niluluray ang munting lakas na
nagkakaroon ng kapangyarihang maghimagsik laban sa gutom, sa pangamba at
kabangisan.

“Bitiwan mo ako! Bitiwan mo ako!” naisigaw na lamang ni Adong. Ngunit

hindi na niya muling narinig ang basag na tinig. Naramdaman na lamang niya ang
malupit na palad ni Bruno. Natulig siya. Nahilo. At pagkaraan ng ilang sandali,
hindi na niya naramdaman ang kabangisan sa kapayapaang biglang kumandong
sa kaniya.

Sanggunian: Khadija L. Sarael, “Mabangis na Lungsod ni Efren R. Abueg,” G7Fil Ira

& Khads, Pebrero 2013, http://filipinoeinsteinirakhads.blogspot.com/

72
Suriin

PAGSASANAY 1

Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan batay sa binasang tekstong

naratibong ang “Mabangis na Lungsod”. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

1. Sino ang tagapagsalaysay sa binasang teksto? Sa anong pananaw o paningin ito

isinasalaysay?_________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
2. Sino ang pangunahing tauhan sa teksto? Siya ba’y isang tauhang bilog o lapad?
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
3. Sino naman ang katunggaling tauhan sa teksto? Siya ba’y isang tauhang bilog o
lapad?_________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
4. May kasamang tauhan ba sa akda? Kung mayroon, sino siya? Siya ba’y tauhang
bilog o lapad?_________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
5. Anong pangunahing kaisipan ang nakapaloob sa binasang teksto?______________
_______________________________________________________________________________

PAGSASANAY 2

Panuto: Suriin ang sumusunod na mga pahayag mula sa tekstong “Mabangis na

Lungsod”. Isulat sa sagutang papel kung ito ay paglalarawang Subhetibo
o Obhetibo.

___________1. Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa malalaki’t

maliliit na lansangan, dumantay sa mukha ng mga taong pagal, sa
mga taong araw-araw ay may bagong lunas na walang bisa.
___________2. Mapapaiyak na si Adong. Ang tingin niya tuloy sa mga ilaw-dagitab
ay parang mga piraso ng apoy na ikinakalat sa kalawakan.
___________3. Ang kampana ay tumutugtog at sa loob ng simbahan, pagkaraan ng
maikling sandali, narinig ni Adong ang pagkilos ng mga taong
papalabas.
___________4. Muling dinama niya ang mga barya sa kaniyang bulsa. At iyon ay
matagal din niyang ipinakalansing.
___________5. Ang maraming mukhang nagdaraan ay malalamig na parang bato,
ang imbay ng mga kamay at hiwatig ng pagwawalang-bahala, ang
hakbang ay pagpapahalata ng pagmamadali - pag-iwas.

73
Pagyamanin

PAGSASANAY 1

Panuto: Basahin ang talatang nasa ibaba at tukuyin ang mga salitang
naglalarawan na iyong makikita. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

“Ang mundo ay napakaganda, ang simoy ng hangin ay maipadarama

tulad sa bango ng mga bulaklak, ang magandang tanawin tulad sa
kagandahang loob, ang dalisdis ng tubig sa banayad na haplos at ang init ng
araw tulad ng init ng aking pagmamahal.”

PAGSASANAY 2

Panuto: Bigyan ng subhetibo at obhetibong paglalarawan ang sumusunod na

mga salita. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Subhetibong
Mga Salita Obhetibong Paglalarawan
Paglalarawan
1. Aklat
2. Pag-ibig
3. Paaralan
4. Kayamanan
5. Liwanag

PAGSASANAY 3
Makinig! Manood! Umawit!

Panuto: Pakinggan ang awiting “Bulag, Pipi’t Bingi” ni Freddie Aguilar at

sagutin ang sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

1. Saan tungkol ang awiting Bulag Pipi’t Bingi ni Freddie Aguilar?

2. Ano-anong mga paglalarawan ang inyong natatandaan sa awitin?
3. Paano mo mailalarawan ang kagandahan ng mundo sa mga bulag, pipi, at
bingi na bata?
4. Ano ang pangkalahatang mensahe ng awitin?
5. Ano-anong katangian ng tekstong deskriptibo ang makikita sa awitin?

74
Isaisip

Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong at isulat ito sa sagutang

papel.

1. Sa iyong palagay, bakit kailangang pag-aralan ang mga katangian at

kalikasan ng iba’t ibang teksto?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Paano makatutulong sa iyo bilang mag-aaral ang pag-alam sa mga
katangiang ito?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Masasabi mo bang naging makabuluhan ang panahong ginamit mo sa pag-
aaral ng iba’t ibang uri ng teksto? Ipaliwanag ang sagot.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

75
Isagawa

Panuto: Balikan ang iba’t ibang uri ng tekstong tinalakay sa mga naunang aralin.
Ibigay ang mga katangian nito sa pamamagitan ng graphic organizer sa
ibaba. Isulat ang sagot sa isang buong papel.

Uri ng Teksto Katangian ng uri ng teksto

Tekstong Impormatibo

Tekstong Deskriptibo

Tekstong Naratibo

Tekstong Prosidyural

Tekstong Persuweysib

Tekstong Argumentatibo

76
Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Tukuyin kung ito ay Tama o Mali.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

____________1. Isang halimbawa ng tekstong impormatibo ang balita kung saan

naglalaman ito ng mga makatotohanang impormasyon na maingat
na sinaliksik at tinaya.

____________2. Nais ng tekstong persuweysib na mabago ang takbo ng isip ng

mambabasa at tanggapin ang posisyon ng may-akda.

____________3. Ang tekstong naratibo ay may katangiang manghikayat o

mangumbinsi ng mambabasa.

____________4. Lahat ng tekstong naratibo ay nagtataglay ng mga tauhan.

____________5. Ang paglalarawan sa tekstong deskriptibo ay maaaring subhetibo at

obhetibo.

____________6. Obhetibo ang paglalarawan kung ito ay nakabatay sa mayamang

imahinasyon ng manunulat at hindi sa katotohanan.

____________7. Isa sa mga katangian ng tekstong impormatibo ang

makatotohanang pagpapaliwanag sa mga paksang tulad ng
isports, kasaysayan, siyensiya, panahon, heograpiya, at iba pa.

____________8. Isa sa katangian ng tekstong persuweysib ang pagiging

subhetibo kung saan nagpapakita ng personal na opinyon at
paniniwala ang may akda.

____________9. Ang tauhang lapad ay tauhang may multidimensiyonal o

maraming saklaw ang personalidad.

____________10. Impormatibo ang isang teksto kung ito ay di-piksiyon.

____________11. Layunin ng tekstong naratibo ang magsalaysay o magkuwento.

77
____________12. Ang mga tekstong argumentatibo at persuweysib ay parehong
may layuning manghikayat sa mambabasa.

____________13. Ang tekstong impormatibo ay maaaring maging bahagi ng

tekstong naratibo.

____________14. Ang salitang “balat-sibuyas” ay isang halimbawa ng obhetibong

paglalarawan.

____________15. Isang halimbawa ng tekstong argumentatibo ang debate kung

saan ay layunin nitong manghikayat ng mambabasa batay sa
mga katotohanan at lohika.

78
Karagdagang Gawain

PAGSASANAY 1

Panuto: Isang halimbawa ng tekstong impormatibo ang balita. Basahin at suriin

ang balitang nasa ibaba at tukuyin ang mga katangian nito sa
pamamagitan ng pagsulat ng isang talata. Isulat ito sa sagutang papel.

Lalaking gumagamit daw ng frontliner ID para magbenta

ng shabu sa Maynila, arestado
Sinulat ni: Anna Felicia Bajo, GMA News

Timbog sa mga awtoridad ang isang barangay volunteer na ginagamit umano ang
kaniyang frontliner ID upang makapagbenta ng iligal na droga sa lungsod ng
Maynila.

Sa impormasyong ibinigay ni Police Captain Philipp Ines, tagapagsalita ng Manila

Police District Station 4, kinilala ang suspek bilang si Hajib Cayandatu, 24, isang
tricycle driver na residente ng Quiapo.

Naaresto siya ng mga awtoridad sa Barangay 445, Zone 44 sa Sampaloc nitong

Martes.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nakatanggap ng impormasyon ang mga

awtoridad tungkol umano sa talamak na bentahan ng shabu sa Sampaloc.

Ginagamit umano ni Cayandatu ang kaniyang ID para malayang makapunta sa

Sampaloc at magbenta ng iligal na droga, ayon sa pulisya.

Sa isinagawang operasyon, nakuha sa suspek ang walong pakete na naglalaman

ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P272,000, isang black pouch, at buy-
bust money na P500.

Sasampahan ang suspek ng kaso dahil umano sa paglabag ng Section 5 (Selling of

Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Art II ng Republic
Act No. 9165.

Nasa kustodiya ng MPD Station 4 ngayon si Cayandatu. --KBK, GMA News

Sanggunian: Anna Felicia Bajo, “Lalaking gumagamit daw ng frontliner ID para

magbenta ng shabu sa Maynila, arestado,” Balitambayan, Mayo 13, 2020,
https://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/balita

79
PAGSASANAY 2

Panuto: Tukuyin kung sa anong uri ng produkto ginagamit ang mga tagline na
nasa ibaba. Suriin ang mga katangian nito bilang tekstong persuweysib.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Tagline Uri ng Produkto Katangian

1.“Hindi umaatras ang may

tunay na lakas.”

2.“Hindi lang pampamilya,

pang-isports pa!”

3. “Pambansang Litsong
Manok.”

4. “Tatak barko. Tatak sariwa!”

5. “Sarap ng filling mo.”

80
81
PAGYAMAN TAYAHI KARAGDAGA
SUBUKI SURIIN PAGYAMANIN IN ISAGAWA
N NG GAWAIN
N Pagsasanay
3
1. A. Pagsasanay 1 Pagsasanay 1 1.Tungkol 1.May 1. Tama Pagsasanay 1
2. B. 1. Ang 1.Napakaganda sa mga katangiang 2. Tama
3. B. pangyayari sa 2.Bango/Maba taong may obhetibo, 3. Mali (Sariling
4. A. kuwento ay ngo kapansana naglalaman 4. Tama sagot)
5. B. isinalaysay ng 3.Banayad no ng 5. Tama
6. B. isang taong 4.Init kapintasan. makatotohan 6. Mali
7. A. walang 2.Mapalad, ang 7. Tama
8. B. relasyon sa napakainga impormasyon. 8. Tama Pagsasanay 2
Pagsasanay 2
9. A. tauhan kaya y, walang 2. Maaaring 9. Mali 1.Cobra
1.Obhetibo-
10. B. ang panghalip daing, Subhetibo at 10.Tam Energy Drink
naglalaman ng
11. B. na ginamit ay walang obhetibong a 2. Family
mga
12. A. siya. Ito ay gulo, paglalarawan. 11. Rubbing
nakalimbag na
13. B. nasa ikatlong marami, 3. May mga Tama Alcohol
makatotohana
14. A. panauhan. dakila, elemento, 12. 3. Andok’s
ng
15. B. 2.Si Adong. atbp. mga paraan Tama Litson
impormasyon.
Siya ay 3.Sa ng 13. Mali 4. Mega
Subhetibo-
tauhang lapad pamamagit pagpapahaya 14. Mali Sardines
yaman ng
dahil di an ng iba’t g, at may iba’t 15. 5. Rebisco
buhay, susi sa
nagbago ang tagumpay ibang ibang Tama
katangian niya paglalarawa pananaw o KATANGIAN:
2.Obhetibo-
hanggang sa n punto de Paggamit ng
emosyong
matapos ang 4. Hindi bista. mga tagline
nararamdaman
kuwento. hadlang 4. upang
para sa isang
3.Si Bruno. ang Nagpapakita mahikayat
partikular na
Siya ay kapansana ng ang mamimili
tao
tauhang lapad. n upang pagkakasuno na tangkilikin
Subhetibo-
4. Si Aleng maranasan d-sunod ng ang isang
pagsasakripisy
Ebeng. Siya ay o makita mga gawain. produkto.
o,
tauhang lapad. pagmamalasaki ang 5. Maaaring
5. Hindi lahat t, pagtulong, kagandaha maging
ng tao ay atbp. n ng subhetibo o
pantay-pantay 3.Obhetibo- mundo. obhetibong
sa ating lugar kung 5. Ang panghihikaya
lipunan. saan paglalarawa t.
Mayroong tinuturuan ang ng May layuning
mahirap na mga mag-aaral subhetibo manghikayat
patuloy na ng mga at obhetibo sa mga
humihirap at kaalaman. mambabasa
mayaman na Subhetibo-susi upang
patuloy pang sa pag-abot sa paniwalaan
yumayaman. mga pangarap ISAISIP ang panig ng
Dahil dito, 4.Obhetibo- 1.Sariling manunulat.
maraming mga pang materyal sagot 6.Ito ay
tao ang na kasaganaan 2.Sariling obhetibong
gumagamit na Subhetibo- sagot panghihikaya
lamang ng bagay o taong 3.Sariling t. Naglalaman
dahas upang pinakaiingatan sagot ng
makamit ang 5.Obhetibo- katotohanan
ninanais. sikat ng araw, at may
liwanag mula pinagbatayan
sa ilaw g mga
Pagsasanay 2 Subhetibo- pahayag
1. Subhet kagandahan ng upang
ibo buhay, makumbinsi
2. Subhet positibong ang
ibo mambabasa.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

A. Aklat

Dayag, Alma. M. at Mary Grace G. del Rosario. Pinagyamang Pluma 11 (Pagbasa at

Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik). Quezon City: Phoenix

Publishing House, 2017.
B. Sangguniang Elektroniko

Bajo, Anna Felicia. “Lalaking gumagamit daw ng frontliner ID para magbenta ng

shabu sa Maynila, arestado,” Balitambayan, Mayo 13, 2020, https://www.
gmanetwork.com/news/balitambayan/balita

BusinessTips.ph. “List of Famous Filipino Brand Names and Slogans.” Nakuha

noong Mayo 22, 2020. https://businesstips.ph/list-of-famous-filipino-
brand-names-and-slogans/

Sarael, Khadija L.. G7Fil Ira & Khads. Pebrero 2013.http://filipinoeinsteinirakhads.

blogspot.com/

82
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex

Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

83
Pagbasa at Pagsusuri
SHS sa Ibat Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik

84
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Pagsulat ng Halimbawa ng Iba’t ibang Uri ng Teksto
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa

anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Lina M. Munar
Editor: Maria Leilane E. Bernabe
Tagasuri: Juana Macalangay
Tagaguhit: Mary Laila Jane Paras
Tagalapat: Nolan Severino R. Jusayan
Tagapamahala: Wilfredo E. Cabral, Regional Director
Job S. Zape Jr., CLMD Chief
Elaine T. Balaogan, Regional ADM Coordinator
Fe M. Ong-ongowan, Regional Librarian

Department of Education – Region IV-A CALABARZON

Office Address: Gate 2 Karangalan Village, Barangay San Isidro
Cainta, Rizal 1800
Telefax: 02-8682-5773/8684-4914/8647-7487
E-mail Address: region4a@deped.gov.ph

85
Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba’t ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik
Ang Pagsulat ng Halimbawa ng
Iba’t ibang Uri ng Teksto

86
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang

Teksto Tungo sa Pananaliksik / Baitang 11/12 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul para sa araling Ang Pagsulat ng Halimbawa ng Iba’t ibang Uri ng
Teksto!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang, at sinuri ng mga

edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy, na matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan, at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at

malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis, at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pang-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong

ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro

Ang guro ay maaaring magpabasa ng ilang mga
halimbawang tekstong impormatibo. Maaari
ding magtanong ang guro sa mga mag-aaral
tungkol sa mga napapanahong isyu sa bansa o
sa lipunan. (brainstorming) malaking bagay ito
upang makapili ang mga mag-aaral ng paksa
nila sa susulating tekstong impormatibo.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-

aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

87
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa

Pananaliksik, Baitang 11 / 12 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol
sa Pagsulat ng Halimbawa ng Iba’t ibang Uri ng Teksto.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksiyon, at layunin. Sa

pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin

nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga

dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung

ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral

upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay

ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling

pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa

malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

88
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong

sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o

masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa

lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa

Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng

makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

89
Week

2
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisensyo at isinulat para sa iyo. Makatutulong ito sa iyo
upang lubos na maunawaan ang tungkol sa pagsulat ng ilang halimbawa ng iba’t
ibang Uri ng teksto. Ang saklaw ng modyul na ito ay ang mahahalagang aralin na
magagamit mo sa iyong pag-aaral at sa pang-araw-araw na buhay. Ang mga
pananalitang ginamit ay tumutugon sa kakayahang abot ng mga mag-aaral. Ang
pagkakaayos ng mga aralin ay naaayon sa pamantayan ng pagkakasunod-sunod
ng kurso subalit maaari din itong mabago na tutugon sa kasalukuyang aklat na
ginagamit mo

Kasanayang Pampagkatuto:
 Nakasusulat ng ilang halimbawa ng iba’t ibang uri ng teksto. (F11PU – IIIb –
89)

Layunin ng modyul na ito na matamo mo ang mga sumusunod na kasanayan:

1. natutukoy ang mga elemento sa pagsulat ng tekstong impormatib,
deskriptib, at prosidyural
2. nagagamit ang mga katangian ng isang mahusay na pagsulat ng tekstong
impormatib, deskriptib, at prosidyural
3. nakasusulat ng halimbawang tekstong impormatib, deskriptib, at
prosidyural

90
Subukin

Piliin ang tamang sagot. Isulat ang napiling sagot sa isang hiwalay na papel.

1. Ito ay paraan ng pagpapahayag na may layuning magpalutang ng mga

katangian ng isang tao, bagay, hayop, o lugar.
A. tekstong deskriptib
B. tekstong impormatib
C. tekstong persweysib
D. tekstong prosidyural

2. May layunin itong magbigay ng impormasyon, magpaliwanag nang malinaw

at walang pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa.
A. tekstong deskriptib
B. tekstong impormatib
C. tekstong persweysib
D. tekstong prosidyural

3. Isang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay ng impormasyon at

instruksiyon kung paano isinasagawa ang isang tiyak na bagay.
A. tekstong deskriptib
B. tekstong impormatib
C. tekstong persweysib
D. tekstong prosidyural

4. Kailangan ito dahil hindi mauunawaan ng bumabasa ang anumang pahayag

kung hindi malinaw ang paliwanag. Dapat isaisip na ang kakulangan nito sa
pagsulat ay maaaring magbunga ng di pagkakaunawaan.
A. diin
B. kalinawan
C. katiyakan
D. kaugnayan

5. Ang ______________ ay matatamo kung malalaman ng nagpapaliwanag ang

kaniyang layunin sa pagpapaliwanag.
A. diin
B. kalinawan
C. katiyakan
D. kaugnayan

91
6. May __________ ang isang akda o talumpati kung naaakit ang nakikinig o
bumabasa na ipagpatuloy ang pakikinig o pagbasa. Ito’y kinakikitaan ng
diwang mahalaga.
A. diin
B. kalinawan
C. katiyakan
D. kaugnayan

7. Dapat na magkakaugnay ang diwa ng lahat ng sangkap ng pangungusap at

talata sa loob ng isang akda upang maging mabisa ang pagpapahayag.
A. diin
B. kalinawan
C. katiyakan
D. kaugnayan

8. Higit na dapat bigyang-pansin ang _____________ sapagkat ito ang

magpapasya kung ipagpapatuloy ng bumabasa ang pagbasa sa isang
sulatin. Dapat ito’y makaakit sa kawilihan ng bumabasa.
A. katawan o pinakagitna
B. kongklusyon
C. simula
D. wakas

9. Sa bahaging ito natitipon ang lahat ng ibig sabihin ng sumusulat ng

paglalahad. Dapat magkaroon ng kaugnayan at kaisahan ang mga kaisipang
ipinahahayag upang hindi malito ang bumabasa.
A. katawan o pinakagitna
B. kongklusyon
C. simula
D. wakas

10. Ito ang bahagi ng paglalahad na nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip ng

bumabasa. Katulad ng simula, ito ay maaaring isang parirala, isang
pangungusap, o isang talata.
A. katawan o pinakagitna
B. kongklusyon
C. simula
D. wakas

11. Ginagamit ang pananaw na ito sapagkat marapat na may lubos na

kaalaman ang mga mag-aaral sa paksa at ito’y palagi nilang nakikita at may
kaugnayan sa kanilang karanasan.
A. Pagbuo ng pangunahing larawan
B. Pagpili ng paksa
C. Pagpili ng sariling pananaw
D. Wastong pagpili ng sangkap

92
12. Tinutukoy nito ang pagtingin ng isang naglalarawan sa paksang kaniyang
inilalarawan.
A. Pagbuo ng pangunahing larawan
B. Pagpili ng paksa
C. Pagpili ng sariling pananaw
D. Wastong pagpili ng sangkap

13. Ito’y nangangailangan nang maingat at masusing pagmamasid. Ito ang

unang kakintalan ng paksang inilalarawan.
A. Pagbuo ng pangunahing larawan
B. Pagpili ng paksa
C. Pagpili ng sariling pananaw
D. Wastong pagpili ng sangkap

14. Dito ang mga sangkap na isasama ay tiyaking makatutulong sa

pagpapakilala ng kaibahan o katangian ng inilalarawan. Hindi dapat isama
ang napakaraming sangkap na walang kaugnayan sa inilalarawan.
A. Pagbuo ng pangunahing larawan
B. Pagpili ng paksa
C. Pagpili ng sariling pananaw
D. Wastong pagpili ng mga sangkap

15. Ang pangunahing larawan ay dapat mapalitaw sa pamamagitan ng

_____________________. Naiiba ang paglalarawan sa pagsasalaysay na
kailangang sunod-sunod ang pangyayari.
A. Maingat na pagsasaayos ng paksa
B. Pagpili ng paksa
C. Pagpili ng sariling pananaw
D. Wastong pagpili ng sangkap

93
Aralin
Ang Pagsulat ng Ilang
Halimbawa ng Iba’t ibang uri
4 ng Teksto
Sa mga nakaraang modyul na iyong pinag-aralan ay natutuhan mo ang mga
batayang kaalaman tungkol sa tekstong impormatib, deskriptib, at persweysib.
Nakapagbasa at nakapagsuri ka din ng ilang mga halimbawang teksto na nasa
mga uring ito. Sa araling ito, tiyak na matutuwa ka sa iyong bagong matutuhan.

Balikan

Tiyak kong may kasanayan ka na sa pagsulat. Bagaman pagsulat ang binibigyan

natin ng pokus sa modyul na ito, may mga bago akong babasahin na inihanda
para sa iyo upang lubos pang malinang ang iyong kasanayan sa pagsulat. Halina’t
basahin at unawaing mabuti ang tekstong pinili ko para sa iyo.

Ang Tugtugin o Musika Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensayklopedya

Ang tugtugin o musika ay uri ng sining na gumagamit ng tunog. Karaniwan, ang

kanta ay tinuturing na pinakamaliit na gawang musika, lalo na tuwing mayroon
itong kasamang pag-awit. Ang karaniwang sangkap ng musika ay pitch (na
gumagabay sa melodiya at harmoniya), ritmo (at ang kaugnay nitong tempo, metro,
at artikulasyon), dynamics, at lahat ng sonic na katangian ng timbre at tekstura.
Ang salita ay hango sa salitang Griyego (mousike; "sining ng mga Musa"). Sa
kaniyang karaniwang anyo ang mga gawaing naglalarawan sa musika bilang isang
uri ng sining ay binubuo ng paggawa ng mga piyesa ng musika, ang kritisismo ng
musika, ang pag-aral ng kasaysayan ng musika, at ang estetikang diseminasyon
ng musika.
Ang paglikha, pagganap, kabuluhan, at pati na rin ang kahulugan ng musika ay
iba-iba depende sa kultura at panlipunang konteksto. Ang saklaw nito ay mula sa
estriktong organisadong komposisyon (at ang pang-aliw na pagganap nito), sa
pamamagitan ng improbisasyonal na musika, hanggang sa pormang aleatoric. Ang
musika ay puwedeng hatiin sa mga genre at subgenre, pero ang mga dibisyon at
relasyon sa pagitan ng mga kategorya ng musika ay madalas pino, minsan bukas
sa pansariling interpretasiyon, at paminsan-minsan kontrobersyal. Sa sining, ang
musika ay puwedeng iuri bilang isang sining na itinatanghal, fine arts, at
awditoryong sining. Ang musika ay puwedeng tugtugin at marinig ng
pangkasalukuyan, at puwedeng maging bahagi ng isang dulaan o pelikula, at
maaari ding i-record.
Sa maraming tao sa iba’t ibang kultura, ang musika ay mahalagang bahagi ng
pamumuhay. Ang musika para sa mga sinaunang Griyego at pilosopong Indiyano,

94
ay mga tono na nakaayos pahalang ay melodiya, at patayo ay harmoniya. Mga
pangkaraniwan na kasabihan katulad ng “ang kaayusan ng mga sphere” at “ito’y
musika sa aking mga tainga” ay nagsasabi na ang musika ay kadalasang maayos
at magandang pakinggan. Gayunman, ang ikadalawampung siglo na kompositor
na si John Cage ay may ideya na ang kahit anong tunog ay maaaring maging
musika, sa pagsabi niya ng “walang ingay, kundi tunog.”

Sagutin sa iyong sagutang papel:

1. Ano ang paksa ng tekstong iyong binasa?
A. awit
B. musika
C. pagguhit
D. sayaw

2. Ano kaya sa iyong palagay ang layunin ng manunulat sa pagsulat nito?

A. awitan ang mambabasa bilang sining
B. gumuhit ng larawan bilang sining
C. magbigay nang malinaw na kaalaman tungkol sa musika bilang sining
D. magpakita ng mga kakaibang sayaw bilang sining

3. Saan nakuha ang ang mga tala o impormasyon sa teksto?

A. almanac
B. diksyunaryo
C. magasin
D. esayklopidya

4. Ang teksto ay _______________.

A. nagbibigay-impormasyon
B. naglalarawan
C. nagpapaliwanag
D. lahat ng nabanggit ay tama

5. Paano inilahad ang mga datos na nakalap upang maging higit na makahulugan
ang paksa?
A. Ipinaliwanag
B. Inilarawan
C. Inisa-isa
D. Lahat ng nabanggit ay tama

95
Mga Tala para sa Guro
Kinakailangang sikapin ng guro na maiproseso ang mga
katugunan ng mga mag-aaral. Ang sagot ng mga mag-aaral ay
magsisilbing gabay niya sa pagsulat ng teksto.

Tuklasin

Marahil ay pamilyar ka sa 4 Pics 1 Word. Tuklasin sa mga larawan sa ibaba ang

mga salitang tinutukoy nito. Ang bawat bilang ay tumutukoy sa iba’t ibang uri ng
pagsulat.

1.

96
2.

3.

4.

97
5.

Suriin

Sa pagbuo ng tekstong impormatib, mahalagang isaalang-alang ang katumpakan

ng nilalaman. Ang mga sumusulat nito ay kinakailangang may sapat na kaalaman
sa paksa, kung kaya’t dapat sila ay may mga sangguniang pinagbabasehan.
Dagdag pa, ang sanggunian o pinagkukunan nila ng datos ay kailangang
mapapagkatiwalaan at may kredibilidad. Makabubuti rin kung ang paksa ay
napapanahon sapagkat ito ay maaaring makatulong upang maunawaan ng
mambabasa ang mga isyu sa lipunan.

Ang ilan sa mga halimbawa ng tekstong impormatib ay diksyunaryo,

ensayklopedya, almanac, pamanahong papel o pananaliksik, siyentipikong ulat, at
mga balita sa pahayagan.

Narito naman ang mga katangian ng isang mahusay na pagsulat ng tekstong

impormatib:
Kalinawan: Hindi mauunawaan ng nakikinig o bumabasa ang anumang pahayag
kung hindi malinaw ang paliwanag. Dapat isaisip na ang kakulangan ng kalinawan
ay maaaring magbunga ng di pagkakaunawaan.
Katiyakan: Ang katiyakan ay matatamo kung malalaman ng nagpapaliwanag ang
kaniyang layunin sa pagpapaliwanag.

Diin: May diin ang isang akda o talumpati kung naaakit ang nakikinig o bumabasa
na ipagpatuloy ang pakikinig o pagbasa. Ito’y kinakikitaan ng diwang mahalaga.

Kaugnayan: Dapat na magkakaugnay ang diwa ng lahat ng sangkap ng

pangungusap at talata sa loob ng isang akda upang maging mabisa ang
pagpapahayag.

98
Ano-ano ang mga bahagi ng tekstong impormatib?

Ang SIMULA higit na dapat bigyang pansin sapagkat ito ang magpapasya kung
ipagpapatuloy ng bumabasa ang pagbasa isang katha. Dapat ito’y makaakit sa
kawilihan ng bumabasa.

Sa bahaging KATAWAN O PINAKAGITNA naman ay natitipon ang lahat ng ibig

sabihin ng sumusulat ng paglalahad. Dapat magkaroon ng kaugnayan at kaisahan
ang mga kaisipang ipinahahayag upang hindi malito ang bumabasa.

Ang WAKAS ay ang bahagi ng paglalahad na nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip

ng bumabasa. Katulad ng simula, ang wakas ay maaaring isang parirala, isang
pangungusap, o isang talata.

Ang paglalarawan o ang tekstong deskriptib ay ang pagpapahayag ng ating

nakikita, naririnig, at nadarama.

Pangunahing layunin ng paglalarawan ay ang pagbuo ng isang malinaw na

larawan sa isip ng mga mambabasa o tagapakinig.
Ang sumusulat ng isang paglalarawan ay maihahambing sa isang pintor na
gumuguhit ng mga tanawin at mga larawan; kung ang pintor ay pinsel at pintura
ang ginagamit, ang isang manunulat ng tekstong deskriptib naman na
nagpapahayag ng pasulat o pasalitang paraan ay salita ang ginagamit upang
ilarawan ang kaniyang paksa na maaaring masining o karaniwan.

Upang maging mabisa ang paglalarawan, ang mga sumusunod ay dapat isaalang-
alang

Maingat na pagpili ng paksa: Piliin ang paksang may lubos na kaalaman ang mga
mag-aaral sapagkat ito’y palagi nilang nakikita at may kaugnayan sa kanilang
karanasan.
Pagpili ng sariling pananaw: tinutukoy nito ang pagtingin ng isang naglalarawan
sa paksang kaniyang inilalarawan.
Pagbuo ng isang pangunahing larawan: Ito’y nangangailangan nang maingat at
masusing pagmamasid. Ito ang unang kakintalan ng paksang inilalarawan.

Ang tao at bagay, kakayahan, at ang naturang kakayahang ikinaiiba nito ay dapat
na bigyang-diin na batay sa pagmamasid ng naglalarawan.

Wastong pagpili ng mga sangkap: Ang mga sangkap na isasama ay tiyaking

makatutulong sa pagpapakilala ng kaibahan o katangian ng inilalarawan. Hindi
dapat isama ang napakaraming sangkap na walang kaugnayan sa inilalarawan.

Maingat na pagsasaayos ng mga sangkap: Ang pangunahing larawan ay dapat

mapalitaw sa pamamagitan nang maingat na pagsasama-sama ng mga sangkap.

Naiiba ang paglalarawan sa pagsasalaysay na kailangang sunod-sunod ang

pangyayari kaya ang isang naglalarawan ay malayang pumili ng paraang sa
palagay nya’y magiging mabisa sa pagbuo ng kakintalang nais niyang mapalitaw sa
kaisipan ng bumabasa o nakikinig.
Piliin lamang ang mga sangkap na magiging kapansin-pansin at makapagbibigay
nang malinaw na larawan.

99
Ang pagsulat ng paglalarawan ay nauuri sa dalawa;

Unang uri ay maaaring maging pangkaraniwan - ang uring ito’y nagbibigay

lamang ng kabatiran sa inilalarawan, hindi ito naglalaman ng damdamin at kuro-
kuro ng naglalarawan. Ang ibinibigay lamang nito ay ang karaniwang anyo ng
inilalarawan ayon sa pangmalas na panlahat.
Sa halimbawang ito pansinin ang mga salitang matitingkad at may
salungguhit:

“Noong huli akong dumalaw sa tahanan ni Tiya Pilar sa lalawigan ay ganito rin ang
ayos ng bakuran nila. Sariwa at malago ang mga halaman, naghuhunihan ang
mga ibon sa sanga ng punong kahoy at nalalanghap sa hangin ang mabangong
halimuyak ng bulaklak. Ang kanilang bahay sa loob ng bakod na mga alambreng
may tinik ay halos wala pa ring ipinagbago. Naroon din ang mga hawla ng kanaryo
na nagsabit sa bintana. Naroon din ang mga puno na may malalagong halamang
nakahalayhay sa may pagpanhik ng hagdanan. Kaytulin ng mga araw! Isang buong
taon na ang nakalipas ay parang hindi ko napansin.”

Mula sa: Amado V. Hernandez, Panata ni Pilar Quezon City: Ateneo de Manila
University Press, 1969.

Hindi ba’t ang mga salitang sariwa, malago, mabango, may tinik, halos wala,
malalago ay kay dali mong naunawaan? Dahil ang mga ito ay may mababaw
lamang na pakahulugan at tiyak ko na madalas mo din itong ginagamit sa iyong
pakikipagtalastasan.

Ang ikalawang uri naman ng paglalarawan ay ang masining na paglalarawan:

dito ang guniguni ng bumabasa ay pinagagalaw upang makita ang isang buhay na
buhay na larawan. Naglalaman ito ng damdamin at pananaw ng sumulat.
Ibinibigay niya ang isang buhay na larawan ayon sa kaniyang namalas at nadama.
Sa halimbawang ito:

“Si Ina ay hindi palakibo: siya ay babaeng bilang at sukat ang

pangungusap. Hindi niya ako inuutusan. Bihira siyang magalit sa akin at kung
magkakaganyon ay maikli ang kaniyang pananalita: Lumigpit ka!... at kailangang
di na niya ako makita. Kailangang di ko na masaksihan ang kikislap na poot sa
kaniyang mga mata. Kailangang di ko na mamalas ang pagkagat niya sa kaniyang
labi. Kailangang di ko na makita ang panginginig ng kaniyang mga daliri. Ito rin
ang katumbas ng kaniyang mariing huwag kung mayroon siyang ipinagbabawal.
Mula sa: Liwayway Arceo, Uhaw ang Tigang na Lupa at Iba Pang Katha.
Manila: Pioneer Press,1968.

“Ang ngiti ni Ina ay patak ng ulan kung tag-araw: ang bata kong puso ay
tigang na lupang uhaw na uhaw…”

Sa halimbawang ito mauunawaan sa kaisipang nakapaloob sa teksto na ang ina ay

inilarawan bilang isang tahimik at hindi palakibo na kung magalit ay tiyak na
nakatatakot ang kaniyang nagiging itsura. Masasalamin sa teksto ang pananabik
ng bata sa pagmamahal ng kaniyang ina. Mapapansin na ang mga salitang
matingkad at may salungguhit ay may higit na malalim na kahulugan kaysa sa
karaniwang kahulugan nito.

100
Ang tekstong prosidyural ay isang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay ng
impormasyon at instruksiyon kung paano isinasagawa ang isang tiyak na bagay.

May layunin itong makapagbigay ng sunod-sunod na direksiyon at impormasyon

sa mga tao upang matagumpay na maisagawa ang mga gawain nang ligtas,
episyente at angkop sa paraan.
Ang pagsulat ng tekstong ito ay binubuo ng apat na bahagi, tulad ng mga
sumusunod:

1. Inaasahan o Target na Awtput – tumutukoy sa kung ano ang kalalabasan

o kahahantungan ng proyekto ng prosidyur.

2. Mga Kagamitan - Maaaring ilarawan sa bahaging ito ang mga tiyak na

katangian ng isang bagay o kaya ay ang katangian ng isang uri ng trabaho o
ugaling inaasahan sa isang mag-aaral kung susundin ang gabay. Nakalista ito sa
pamamagitan ng pagkasunod-sunod kung alin ang gagamitin. Maaaring hindi
Makita ang bahaging ito sa mga uri ng tekstong prosidyural na hindi gagamit ng
anomang kagamitan.
3. Metodo – ito ay nagsasaad ng serye ng mga hakbang na isinasagawa upang
mabuo ang proyekto.
4. Ebalwasyon - Naglalaman ng mga pamamaraan kung paano masusukat ang
tagumpay ng prosidyur na isinagawa.

Ito ay sa pamamagitan nang mahusay na paggana ng isang bagay, kagamitan o

makina o di kaya ay mga pagtataya kung nakamit ang kaayusan ng layunin ng
prosidyur.

Mahalaga ang paggamit ng heading, subheading, numero, dayagram, at mga

larawan upang maging mas malinaw ang pagpapahayag ng instruksiyon.
Mahalagang alamin at unawain kung sino ang nakikinig o nagbabasa ng teksto
upang mapagdesisyunan kung anong uri at antas ng wika ang gagamitin.

May mga tiyak na katangian ng wikang madalas gamitin sa tekstong prosidyural.

1. Nasusulat sa kasalukuyang panahunan.
2. Nakapokus sa pangkalahatang mambabasa at hindi sa iisang tao lamang.
3. Gumamit nang tiyak na pandiwa para sa instruksiyon.
4. Gumamit nang malinaw na pang-ugnay at cohesive device upang ipakita ang
pagkasunod-sunod at ugnayan ng mga bahagi ng teksto.

Mahalaga ang detalyado at tiyak na deskripsiyon tulad ng hugis, laki, kulay, dami,
atbp.
Pag-aralan ang teksto sa ibaba na naglalaman ng isang plano para sa
pagpapaunlad ng isang negosyo.

101
Hakbang sa Pagpaplano:

Una, isipin mo kung paano mo ito sisimulan, pababa o pataas? O gusto mong
simulan ito sa itaas kaagad.

Ikalawa, ano ba ang layunin mo sa itatayo mong negosyo? Layun mo ba agad na

kumita at mabawi ang iyong ipinuhunan o nais mo munang mapalago ito
hanggang sa tuluyan na itong makilala.

Ikatlo, sino ang makakatuwang mo sa iyong planong negosyo? Napagpasyahan mo

ba kung ikaw lang ang mamamahala o may iba ka pang nais makasama sa iyong
plano. Kaya mo bang mag-isa o kinakailangan mo ang tulong ng iyong kamag-
anak bilang sekretarya, manananggol, at iba pang sasalo sa ibang tungkulin sa
negosyo mo? Sa iyong palagay, kakayanin mo bang magtagumpay mag-isa sa
negosyo o talagang kakailanganin mo ang tulong nila?

Ikaapat, napagpasyahan mo na rin ba kung ano ang iyong nais unahin o dapat
pagtuunan ng pokus sa iyong negosyo. Ang pangangailangan ng kostumer, ang
lokasyon ng iyong negosyo, ang iyong kasanayan o kahusayan, ang iyong kapital.

Ikalima, isipin mo ang paghahanap ng mga taong puwede mong pagkatiwalaan,

may kakayahan at karunungan, at may responsibilidad habang ikaw ay
namamahala ng ibang trabaho? Iayos mo ang mga patakarang dapat sundin ng
iyong tauhan upang maging matagumpay ang operasyon ng iyong negosyo.

Pagsasaayos ng mga Talatakdaan sa Planong Negosyo

1. Magsagawa ng iskedyul maikling panahon (6-10 buwan) at mahabang

panahon (1-2 taon).
2. Maging tiyak at detalyado.
3. Ipakita mo ang iyong produkto sa mga napili mong pahayagan, radyo,
telebisyon, at midya.
4. Magbigay ng araw at oras kahit na ito’y pansamantala lamang
5. Magbigay rin ng mga calling cards o mga taong dapat lapitan kasama na rito
ang mga numero ng telepono, pagers, cellphones, value message at e-mail.
6. Magkaroon ng mga promo para makaiwas sa mga hindi inaasahang
pagkakataon.
7. Isaayos ang perang nakalaang gugugulin. Magpasya ka kung magkano ang
gugugulin sa mga promosyon. Kung ikaw ay nababahala sa pag-aanunsiyo,
mabuti pang itigil ang iyong negosyo. Sabi nga nila “no gain no risk.”
8. Iwasan mo ang manggaya sa iba. Pag-aralan ang mga istratehiya ng iyong
kakumpetensiya.
9. Upang makatipid sa badyet, palitan ang mga istratehiyang hindi
nagpapakita ng magandang resulta.
10. Simulan mo na ang iyong plano.

102
Pagyamanin

Pagsasanay Bilang 1:

Batid kong alam na alam mo na ang tungkol sa Coronavirus Disease 2019

(COVID-19). Ito ay tumutukoy sa kumpol ng mga kaso ng viral pneumonia na
naganap sa Wuhan, Lalawigan ng Hubei, simula noong Disyembre 2019. Ayon
sa imbestigasyon ng mga awtoridad at eksperto sa kalusugan ng Mainland,
China ang isang novel coronavirus ay napag-alamang mikrobyong sanhi ng sakit
na sa kasalukuyan ay lumaganap na hindi lang sa ating bansa kundi sa buong
mundo kaya naman tinagurian itong isang pandemya.

Basahin mong mabuti ang susunod na teksto upang lubos mo pa itong

maunawaan.

Ang Corona Virus na nagmula sa bansang Tsina at lumalaganap na sa

buong mundo. Noong umpisa ay tinawag itong novel dahil ito ay itinuturing na
pinakabagong sakit sa pamilya ng virus na kinabibilangan MERS at SARS.
Hanggang sa kasalukuyan ay wala pang natutuklasan na gamot upang
magsilbing lunas ng sakit na ito. Dahil dito hinihikayat ang publiko na manatili
sa loob ng kanilang tahanan, subalit kung hindi maiiwasan ang paglabas ay
kinakailangang magsuot ng mask. Ang Virus ay pinaniniwalaang may
inkubasyon na tinatayang sumasaklaw na mula 1 hanggang 14 na araw, na
kadalasan ay humigit-kumulang sa 5 araw. Upang maproteksiyunan ang sarili,
ang pamilya, at kapwa sa sakit na dulot ng corona virus kung uubo ay
kinakailangang magtakip ng bibig o kaya naman umiwas sa taong bumabahing
o umuubo dahil sa mga nauna nang ulat na ang taong kinakapitan ng sakit na
ito ay maaaring wala o hindi kakikitaan ng anomang sintomas ng
nakababahalang sakit.

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa sagutang papel.

1. Ang teksto ay tungkol sa __________.

A. AIDS
B. MERS
C. SARS
D. CORONA

2. Ang corona virus ay nagmula sa _____________.

A. America
B. Bangkok
C. Pilipinas
D. Tsina

103
3. Pinaniniwalaang ang virus ay may inkubasyon na sumasaklaw mula ______.
A. 1 – 7 araw
B. 1- 10 araw
C. 1-14 na araw
D. 1-30 araw

4. Ang novel ay nangangahulugang ____________ sa pamilya ng mga virus na

MERS at SARS
A. Bago
B. Dati na
C. Napapanahon
D. Luma na

5. Ang teksto ay isang halimbawa ng tekstong ____________

A. Deskriptib
B. Impormatib
C. Persweysib
D. Prosidyural

Pagsasanay Bilang 2:

Basahing mabuti ang mga sumusunod na talata at kilalanin kung pangkaraniwan

o masining ang paglalarawan na ginamit sa mga talata. Kung masining, isulat ang
MP at KP naman kung pangkaraniwan ang paglalarawang ginamit sa bawat bilang.

1. Ang bata ay nakapantalon ng maruming maong na sa kahabaan ay pina-

ilang lilis ang laylayan. Nakasuot ito ng libaging kamiseta, punit mula sa
balikat hanggang pusod na ikinalitaw ng kaniyang butuhan at maruming
dibdib. Mula sa: Ang Kalupi (ni: Benjamin P. Pascual)
Pinagkunan: Consolacion P. Sauco, Iluminada C. Santos, and Remedios S. Rodriguez,
Masining na Pagpapahayag: Pang-antas Tersyaryo Las Piñas City: Booktime
Publication, 2014. 103.

2. Ang ningning ay nakasisilaw at nakasisira ng paningin. Ang liwanag ay

kinakailangan ng mga mata upang mapagwari ang buong katunayan ng mga
bagay -bagay. Mula sa: Liwanag at Dilim (ni: Emilio Jacinto)

Pinagkunan: Consolacion P. Sauco, Iluminada C. Santos, and Remedios S. Rodriguez,

Masining na Pagpapahayag: Pang-antas Tersyaryo Las Piñas City: Booktime
Publication, 2014. 104.

3. Nabaling ang kaniyang paningin sa nahihimbing niyang mga mahal sa

buhay. Namasdan niyang mabuti sa liwanag ng ilawan ang ayos ng mga
yaon. Sa katauhan ng kaniyang panganay ay nakakintal ang ugat ng
katotohanan kung bakit dapat na mabuhay. Ang pasusuhin ay tila pinilas
na larawan ng kaniyang ina. Hindi nakaila kay Mang Milyo ang maganda pa
ring hubog ng katawan ng kaniyang asawa. Mula sa: Biyaya ng Tag-ulan (ni:
Anacleto L. Dizon)

Pinagkunan: Consolacion P. Sauco, Iluminada C. Santos, and Remedios S. Rodriguez,

Masining na Pagpapahayag: Pang-antas Tersyaryo Las Piñas City: Booktime
Publication, 2014. 100.

104
4. Ang silid na pinagmumulan ng liwanag ay maluwang at maliwalas.
Dalawang malaking pinto ang nagdurugtong ng silid na ito sa mga karatig
na silid. Ang isa sa mga pinto ay nakapinid; ang isa ay nakabukas nang
bahagya; ang pintong ito ang nagdurugtong sa silid sa tulugang walang ilaw.
Ang bintana ay mahahaba at makikitid maliban sa is ana pinaglalagusan ng
liwanag na nagmumula sa loob. Mula sa Bahay sa Dilim (ni: Alfredo S.
Enriquez
Pinagkunan: Consolacion P. Sauco, Iluminada C. Santos, and Remedios S. Rodriguez,
Masining na Pagpapahayag: Pang-antas Tersyaryo Las Piñas City: Booktime
Publication, 2014. 97.

5. Nang bumaba ka sa sinakyan mong kalesa ay palubog na ang araw at ang

maputlang silahis nito’y malungkot na ring nagpapaalam. Mahahabang
anino na rin ang nakikita sa maruming lansangan. Mula sa: May Gunita Pa
ang Bulaklak (ni: Jose Flores Sibal)

Pinagkunan: Consolacion P. Sauco, Iluminada C. Santos, and Remedios S. Rodriguez,

Masining na Pagpapahayag: Pang-antas Tersyaryo Las Piñas City: Booktime
Publication, 2014. 96.

Pagsasanay Bilang 3:

Piliin ang tamang sagot. Isulat ang A kung tama ang pahayag at B naman kung
mali. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Ang tekstong prosidyural ay isang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay

ng impormasyon at instruksiyon kung paano isinasagawa ang isang tiyak na
bagay.
2. Hindi na kailangang alamin kung sino ang nagbabasa ng teksto upang
mapagdesisyunan kung anong uri at antas ng wika ang gagamitin.
3. Nakapokus sa pangkalahatang mambabasa at hindi sa iisang tao lamang.
4. Gumamit ng malinaw na pang-ugnay at cohesive device upang ipakita ang
pagkasunod-sunod at ugnayan ng mga bahagi ng teksto.
5. Hindi mahalaga ang tiyak na deskripsyon tulad ng hugis, laki, kulay, at dami
sa paglalahad ng tekstong prosidyural.

105
Isaisip

Sa pagsulat ng anomang uri ng teksto, narito ang mga batayang tanong na

mahalagang masagot mo sa paghahanda nito.

1. Ano ang paksa ng tekstong aking isusulat?

2. Ano ang aking layunin sa pagsulat nito?
3. Saan at paano ako makakukuha ng sapat na datos kaugnay ng aking paksa?
4. Paano ko ilalahad ang mga datos na aking nakalap upang maging higit na
makahulugan ang aking paksa?
5. Sino ang babasa ng aking teksto? Para kanino ito?
6. Paano ko maibabahagi sa aking mambabasa ang nalalaman ko sa aking paksa?
7. Ilang oras ang aking gugugulin sa pagsusulat? Kailan ko ito dapat ipasa?
8. Paano ko pa mapagbubuti ang aking teksto? Ano-ano ang mga dapat ko pang
gawin para sa layuning ito?

Isagawa

Pagsasanay Bilang 1:
Dahil alam mo na ang pagkuha ng mga impormasyon, ngayon ay simulan mo nang
bumuo ng tekstong impormatib. Sundin ang mga sumusunod na paalala:

a. Sumulat gamit ang iyong sariling pangungusap

b. Alalahanin ang mga elemento at bahagi sa pagbubuo ng isang mahusay
na tekstong impormatib
c. Isulat ito sa malinis na papel.

106
Pagsasanay Bilang 2:
Narito ang ilang mga larawan. Pumili ka ng isa sa mga larawan sa ibaba na nais
mong gawan ng sulating deskriptib. Isulat ito sa malinis na papel.
iyong matalik na kaibigan iyong ama/ina

Lugar sa Pilipinas na minsan mo na napuntahan

Pagsasanay Bilang 3:
Sumulat ng isang tekstong prosidyural.
1. Pumili ng dalawa sa sumusunod na mga paksa.
2. Gamitin ang unang paksa na iyong napili sa pagsulat ng tekstong
prosidyural sa anyong may bilang.
3. Ang isa pang paksa naman na iyong mapipili ay ilahad sa anyong patalata.
4. Isulat ito sa malinis na papel.
Mga Pagpipiliang Paksa:
1. Paglalaro ng basketbol
2. Pagkukumpuni ng sirang electric fan
3. Pagbubuo ng bisikleta
4. Pagbuburda ng isang placemat
5. Paggawa ng isang email account

107
Tayahin ang mga sulatin gamit ang rubrik sa ibaba:
KATEGORYA NAPAKAHUSAY MAHUSAY NA BAHAGYANG HINDI NAKAMIT WALANG TARGET NATAMONG
NA NAKAMIT NAKAMIT ANG NAKAMIT ANG ANG NAPATUNAYAN ISKOR ISKOR
ANG INAAASAHAN INAASAHAN INAASAHAN (5)
INAASAHAN (18) (15) (10)
(20)
PANIMULA Ang panimula Ang Sinubukan ng Hindi Nakasulat ng 20
ng teksto ay panimulang manunulat na makatawag- simula subalit
nakatatawag ng bahagi ay lapatan ng pansin ang hindi kinakitaan
pansin at ginamitan ng mahusay na panimula at ng kahusayan at
angkop sa mahusay na panimula walang kalinawan
paksa. panimula ngunit walang kaugnayan sa
Ginamitan ng subalit hindi koneksiyong sa paksa.
isang mahusay makatawag- paksa.
na panimula. pansin.
KAUGNAYAN Malinaw ang Hindi gaanong Hindi maayos Nakalilito at Nakasulat ng
NG MGA pagkakasunod- mahusay ang ang walang simula subalit 20
KAISIPAN sunod ng pagkakasunod- pagkakasunod- pagkakaugnayan hindi kinakitaan
kaisipan. Ang sunod ng sunod ng mga ang mga nang maayos na
paliwanang ay kaisipan. kaisipan na kaisipan. ugnayan ng
madaling halos hindi mga kaisipan
maunawaan at maunawaan
nakalilibang ang puntong
basahin. ipinababatid.
KAANGKUPAN Lahat ng Karamihan sa May isa lamang Lahat ng Nakasulat 20
NG PALIWANAG paliwanag ay mga paliwanag na paliwanag paliwanag ay subalit walang
SA PAKSA angkop at at na hindi angkop sa kaangkupan sa
mahusay na halimbawang sumusuporta paksang paksa.
nailahad ang inilhad ay sa paksang tinalakay
mga angkop at tinalakay
pansuportang mahalaga sa
kaisipan upang paksang
maipaliwanag tinalakay
ang paksa
KAYARIAN NG Lahat ng Karamihan sa Maraming Lahat ng Nakasulat 20
PANGUNGUSAP, pangungusap mga pangungusap pangungusap ay subalit walang
BAYBAY, GAMIT ay mahusay na pangungusap na hindi hindi maayos pagsasaalang-
NG MALAKING nabuo gamit ay maayos na mahusay o ang alang sa
TITIK, AT ang iba’t ibang nabuo, may maayos ang pagkakabuo, paggamit ng
BANTAS anyo at uri ng maayos na pagkakabuo, hindi tama ang iba’t ibang anyo
pangungusap. paggamit ng paggamit ng gamit ng at uri ng
Wasto ang malaking titik, malaking titik, malaking titik, pangungusap,
pagkakagamit bantas, at bantas, at bantas, at gayundin ang
ng malalaking baybay ng mga baybay ng mga baybay ng mga wastong
titik, bantas at salita. salita. salita. paggamit ng
baybay ng mga malaking titik,
salita. bantas, at
baybay ng mga
salita.
WAKAS Ang pangwakas Ang Sinubukan ng Hindi Nakasulat ng 20
ng teksto ay pangwakas na manunulat na makatawag- pangwakas na
nakatatawag ng bahagi ay lapatan ng pansin ang bahagi subalit
pansin at ginamitan ng mahusay na pangwakas na hindi kinakitaan
angkop sa mahusay na pangwakas bahagi at ng kahusayan,
paksa. wakas subalit ngunit walang walang kalinawan, at
Ginamitan ng hindi koneksyong sa kaugnayan sa kaugnayan sa
isang mahusay makatawag- paksa. paksa. paksa.
na pagwawakas pansin.

KABUOANG ISKOR 100

108
Tayahin

I. Panuto: Punan ng angkop na salita ang bawat patlang upang mabuo ang
kaisapan sa talata. Pumili ng sagot sa ibaba. Titik lamang ang isulat.

Sa pagsulat ng tekstong ____(1)______ mahalagang isaalang-alang ang

katumpakan ng_____(2)______ nito. Ang mga sumusulat nito ay
kinakailangang may sapat na kaalaman sa _____(3)______, kung kaya’t dapat
sila ay may mga ____(4)____ pinagbabasehan. Dagdag pa, ang sanggunian o
pinagkukunan nila ng _____(5)_____ ay kailangang mapapagkatiwalaan at
may kredibilidad.

A. Datos
B. Impormatib
C. Nilalaman
D. Paksa
E. Sanggunian

II. Panuto: Piliin ang hinihingi sa bawat pangungusap. Isulat sa sagutang papel
ang napiling sagot.

1. Ang uring ito ng paglalarawan ay nagbibigay lamang ng kabatiran sa

inilalarawan, hindi ito naglalaman ng damdamin at kuro-kuro ng
naglalarawan.
A. Kakaibang paglalarawan
B. Madulang paglalarawan
C. Masining na paglalarawan
D. Pangkaraniwang paglalarawan

2. Ang guniguni ng bumabasa ay pinagagalaw upang makita ang isang

buhay na buhay na larawan. Dito ay ibinibigay ng manunulat ang
isang buhay na larawan ayon sa kanyang namalas at nadama.
A. Kakaibang paglalarawan
B. Madulang paglalarawan
C. Masining na paglalarawan
D. Pangkaraniwang paglalarawan

3. Ang ____________________ ay ang pagpapahayag ng ating nakikita,

naririnig, at nadarama. Ang pangunahing layunin ng pagpapahayag
na ito ay ang pagbuo ng isang malinaw na larawan sa isip ng mga
mambabasa o tagapakinig.
A. Pangangatuwiran
B. Paglalahad
C. Paglalarawan
D. Pagsasalaysay

109
4. Ginagamit ang pananaw na ito sapagkat marapat na may lubos na
kaalaman ang mga mag-aaral sa paksa at ito’y palagi nilang nakikita
at may kaugnayan sa kanilang karanasan.
A. Pagbuo ng pangunahing larawan
B. Pagpili ng paksa
C. Pagpili ng sariling pananaw
D. Wastong pagpili ng sangkap

5. Tinutukoy nito ang pagtingin ng isang naglalarawan sa paksang

kaniyang inilalarawan.
A. Pagbuo ng pangunahing larawan
B. Pagpili ng paksa
C. Pagpili ng sariling pananaw
D. Wastong pagpili ng sangkap

III. Panuto: Tukuyin kung anong bahagi ang hinihingi sa bawat aytem. Pumili
ng sagot sa ibaba:
A. Inaasahan o Target na Awtput
B. Mga Kagamitan
C. Metodo
D. Ebalwasyon

1. Nais kong makabuo ng isang magarang kabinet na may apat na

hanay upang magamit ng aking nanay sa pagsasaayos niya ng mga
gamit namin sa kusina.
2. Salamat at nabuo ko na ang kabinet, tama lang ang sukat,
nakatutuwa dahil nagustuhan ni nanay ang aking disenyo.
3. Kakailanganin ko ng martilyo, pako at mga kahoy na may sukat na
2x2 sa pagbubuo ko ng kabinet.
4. Kukulayan ko ng kulay tsokolate ang kabinet upang ito ay umayon sa
pintura ng aming kusina kung kaya bibili rin ako ng kulay puti at
kulay tsokolateng pinturang pangkahoy.
5. Una, bibili na ako ng mga sapat na kagamitan para sa pagbubuo ko
ng kabinet.

110
Karagdagang Gawain

Upang mas lalo ka pang masanay sa pagsulat, subukan mong gumawa ng isang
sanaysay na naglalarawan. Gawin ito sa malinis na puting papel. Sundin ang
isinasaad sa bawat bilang. Maghanap ng isang paksa na ayon sa iyong interes.

1. Magsagawa ng pananaliksik bago isagawa ang sanaysay na naglalarawan.

2. Isipin mo ang “tunay na kuwento” ayon sa mga larawang matitipon mo.
Matapos ang pananaliksik, maaari mo nang matukoy ang anggulo na gusto
mong dalhin sa iyong kuwento kahit na ang bawat idea ng kuwento ay
pareho.
3. Ang pangunahing mga dahilan ng bawat larawan ay nararapat na lumikha
ng isang kapani-paniwala at natatanging paglalarawan.
4. Ang paglalarawan ay binuo upang gisingin ang damdamin ng mambabasa.
5. Pinakamahusay na paraan upang ikonekta ang iyong sanaysay na larawan
sa madla ay ang mga damdaming nakapaloob dito at gamitin ito sa mga
larawan.
6. Pagpasyahan ang mga kukunang larawan.
7. Magsimula sa paglikha ng isang listahan ng mga kuha para sa
paglalarawan.
8. Ang bawat shot ay tulad ng isang pangungusap sa isang kuwento sa isang
talata.
9. Maaari kang magsimula sa 10 shots.
10. Ang bawat shot ay dapat bigyang-diin ang iba’t ibang mga konsepto o
emosyon na maaaring pinagtagpi kasama ng iba pang mga larawan.

111
RUBRIK SA PAGTATAYA NG SULATIN:
KATEGORYA NAPAKAHUSAY NA MAHUSAY NA BAHAGYANG HINDI NAKAMIT WALANG TARGET NATAMONG
NAKAMIT ANG NAKAMIT ANG NAKAMIT ANG ANG INAASAHAN NAPATUNAYAN ISKOR ISKOR
INAASAHAN INAAASAHAN INAASAHAN
(10) (5)
(20) (18) (15)

PAGKAMALIK- Ang manunulat ay May ilang May kaakit-akit na Hindi kinakitaan Nakasulat ng 20
HAIN naglaan ng natatangi natatanging elemento subalit hindi ng natatangi at simula subalit
at kaakit-akit na aspekto kaugnay ito natatangi. kaakit-akit na hindi kinakitaan
pagtalakay sa paksa ng paksa. elemento. ng kahusayan at
sa mga larawan, kalinawan
pagsulat, at kuwento
sa mga mensahe sa
larawan.

PAGLALAHAD NG Ang lahat ng elemento May ilang elemento Gumamit ng ilang Kinakitaan ng Nakasulat ng
PAGLALARA-WAN ng pagsulat ay lamang ang elemento subalit ilang elemento simula subalit
nagamit nagamit kaugnay walang kaugnayan sa subalit hindi hindi kinakitaan 20
ng paksa. paksa sumusuporta sa nang maayos na
paksa. ugnayan ng mga
kaisipan

PAGSULAT Lahat ng Karamihan sa mga Maraming Lahat ng Nakasulat subalit 20

pangungusap ay pangungu-sap ay pangungusap na pangungusap ay walang
mahusay na nabuo maayos na nabuo, hindi mahusay o hindi maayos ang pagsasaalang-
gamit ang iba’t ibang may maayos na maayos ang pagkakabuo, hindi alang sa paggamit
anyo at uri ng paggamit ng pagkakabuo, tama ang gamit ng ng iba’t ibang
pangungusap. Wasto malaking titik, paggamit ng malaking malaking titik, at anyo at uri ng
ang pagkakagamit ng bantas, at baybay titik, bantas, at bantas, baybay ng pangungusap,
malalaking titik, ng mga salita. baybay ng mga salita. mga salita. gayundin ang
bantas, at baybay ng wastong paggamit
mga salita. ng malaking titik,
bantas, at baybay
ng mga salita.

PAGKUHA NG Lahat ng larawang - Karamihan sa Maraming larawang - Lahat ng larawang Nakasulat subalit 20
LARAWAN kuha at ginamit ay larawang -kuha at kuha at ginamit ay -kuha at ginamit walang
sumusuporta sa ginamit ay hindi sumusuporta sa ay hindi pagsasaalang-
kuwento sumusupor-ta sa kuwento. sumusuporta sa alang sa larawang
kuwento at baybay kuwento. -kuha at ginamit
ng mga salita.

WAKAS Ang pangwakas ng Ang pangwakas na Sinubukan ng Hindi makatawag- Nakasulat ng 20

teksto ay nakatatawag bahagi ay manunulat na pansin ang pangwakas na
ng pansin at angkop ginamitan ng lapatan ng mahusay pangwakas na bahagi subalit
sa paksa. Ginamitan mahusay na wakas na pangwakas ngunit bahagi at walang hindi kinakitaan
ng isang mahusay na subalit hindi walang koneksiyon sa kaugnayan sa ng kahusayan,
pagwawakas makatawag- paksa. paksa. kalinawan, at
pansin. kaugnayan sa
paksa.

KABUOANG ISKOR 100

112
113
Balikan Subukin Pagyamanin Tayahin
1. B 1. A Pagsasanay Bilang 1: I.
2. C 2. B 1. B
3. D 1. D 2. C
3. D 2. D
4. D 3. D
4. B 3. C
5. D 4. E
5. C 4. A 5. A
6. A 5. B II.
Tuklasin
7. D Pagsasanay Bilang 2:
1.PERSONAL 8. C 1. D
1. KP 2. C
9. A
2. MALIKHAIN 10.D 3. C
2. KP
4. B
3. 11.B
3. MP 5. C
MAPANGHIKAY 12.C III.
AT 13.A 4. KP
14.D
4. 15.A 5. MP 1. A
IMPORMATIB 2. D
Pagsasanay Bilang 3: 3. B
5. TEKNIKAL 4. C
1. A
5. C
2. B
3. A
4. A
5. B
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Arceo, Liwayway A. Uhaw Ang Tigang Na Lupa at Iba Pang Katha. Manila: Pioneer
Press,1968.

Hernandez, Amado V. Panata ni Pilar Quezon City: Ateneo de Manila University

Press, 1969.
Munar, Lina. M., Salvador, Joel S., Victoria, Vasil A., and Abejar, Nelia G. Filipino 2
sa Kolehiyo: Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Capas, Tarlac:
Hisgophil Publishing Inc. 2014.
Salvador, Joel S., Munar, Lina. M., and Victoria, Vasil A., Filipino 1 sa Kolehiyo:
Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Capas, Tarlac: Hisgophil Publishing
Inc. 2013.
Sauco, Consolacion P., Santos, Iluminada C., and Rodriguez, Remedios S. Masining
na Pagpapahayag: Pang-antas Tersyaryo Las Piñas City: Booktime
Publication, 2014.

114
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex

Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

115
Pagbasa at Pagsusuri
SHS sa Ibat Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik

116
Pagbasa at Pagsusuri sa Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Nagagamit ang Cohesive Devices sa Pagsulat ng Sariling Halimbawang Teksto
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Judith A. Calivara
Editor: Maria Leilane E. Bernabe
Tagasuri: Juana Macalangay
Tagaguhit: Mary Laila Jane Paras
Tagalapat: Nolan Severino R. Jusayan
Tagapamahala: Wilfredo E. Cabral, Regional Director
Job S. Zape Jr., CLMD Chief
Elaine T. Balaogan, Regional ADM Coordinator
Fe M. Ong-ongowan, Regional Librarian

Department of Education – Region IV-A CALABARZON

Office Address: Gate 2 Karangalan Village, Barangay San Isidro
Cainta, Rizal 1800
Telefax: 02-8682-5773/8684-4914/8647-7487
E-mail Address: region4a@deped.gov.ph

117
Pagbasa at Pagsusuri sa
Iba’t ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik
Nagagamit ang Cohesive Devices
sa Pagsulat ng Sariling
Halimbawang Teksto

118
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto

Tungo sa Pananaliksik – Baitang 11 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para
sa araling Nagagamit ang Cohesive Devices sa Pagsulat ng Sariling Halimbawang
Teksto.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang, at sinuri ng mga edukador

mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy, na matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan,
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at

malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis, at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pang-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong

ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro

Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral

kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

119
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa

Pananaliksik – Baitang 11 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa
Paggamit ang Cohesive Devices sa Pagsulat ng Sariling Halimbawang Teksto.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksiyon, at layunin. Sa

pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong

matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang

kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang

matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa

iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay

sa aralin. Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang

pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang
susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

120
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo

upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan
sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang

antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong
Gawain gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga
Pagwawasto gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha

Sanggunian
o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng

makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

121
Week

3
Alamin

Naranasan mo na bang sumulat ng tekstong deskriptibo o kahit anong teksto

na ito? Ano-ano ang mga isinasaalang-alang mo sa tuwing ikaw ay nagsusulat ng
awtput bilang pagsasanay sa makrong kasanayang pagsulat? Maaaring alam mo ang
mga angkop na salitang gagamitin sa paglalarawan maging sa panghihikayat at iba
pa, ang tanong sapat na ba ito upang makabuo ka ng maayos na sulatin?
Sa bahaging ito ng modyul, matutulungan ka nito para mapahusay at
mapaganda pa lalo ang kakayahan mo sa pagsulat sa paggamit ng mga cohesive
devices. Pamilyar na ba ito sa iyo? Maaaring naituro na ito sa iyo at upang
manumbalik sa iyong alaala ang tungkol dito sasamahan kitang alamin.

Pamantayang Pangnilalaman:

 Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugnayan nito sa
sarili, pamilya, komunidad, bansa, at daigdig.

Pamantayan sa Pagganap:

 Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang

kultural at panlipunan sa bansa.

Kasanayan sa Pampagkatuto

 Nagagamit ang cohesive device sa pagsulat ng sariling halimbawang teksto

F11WG-IIIc-90

Layunin:
Pagkatapos ng modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:
1. natutukoy ang gampanin ng cohesive devices sa pagsulat:
2. nagagamit sa pagbuo ng sariling teksto: at
3. nakasusulat ng tektong deskriptibo gamit ang mga cohesive devices.

122
Subukin

PAUNANG PAGTATAYA:

Panuto: Basahin at sagutin ang bawat aytem. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang sa iyong sagutang papel.
___ 1. Ang mga panghalip ay inihahalili maliban sa __________.
A. pangngalan C. hayop
B. bagay D. lugar

___ 2. Alin sa mga sumusunod ang nakatutulong upang maging malinaw at

maayos ang kaisipan ng isang teksto?
A. cohesive devices C. istruktura
B. talasalitaan D. talata

___ 3. Sa paggamit ng reperensiyang anapora, saan ito makikita sa pangungusap?

A. gitna C. unahan
B. hulihan D. kabilaan

___ 4. Ito ay isang uri ng kohesyong gramatikal na ang paggamit ng ibang salitang
ipapalit sa halip na muling ulitin ang salita.
A. Leksikal C. Pang-ugnay
B. Reperensiya D. Substitusyon

___ 5. Sa kohesyong gramatikal, may binabawas na bahagi ng pangungusap subalit

inaasahang magiging malinaw pa rin sa mambabasa ang nais ipahiwatig sa
nawawalang salita.
A. Substitusyon C. Leksikal
B. Pang-ugnay D. Elipsis

___ 6. Ito ay inihahalili sa ngalan ng tao, pook, bagay o hayop. Anong bahagi ng
pananalita ang tinutukoy nito?
A. Pandiwa C. Panghalip
B. Pangatnig D. Pangngalan

___ 7. Alin sa mga pahayag ang gampanin ng cohesive devices sa pagsulat?

A. Nagiging mas malinaw at maayos ang daloy ng kaisipan ng isinusulat.
B. Nagiging maganda ang nilalaman gamit ang mga ito sa pagsulat.
C. Nagiging malawak ang paglalahad sa paksa.
D. Nakaaakit basahin ang isang teksto.

123
___ 8. Sa paggamit ng reperensiyang katapora, saan ito makikita sa pangungusap?
A. gitna C. unahan
B. hulihan D. kabilaan

___ 9. Ang paggamit ng cohesive devices ay upang maiwasan ang pag-uulit ng:
A. pangungusap C. mensahe
B. parirala D. salita

___ 10. Anong bahagi ng pananalita nabibilang ang anapora at katapora?

A. Pangngalan C. Panghalip
B. Pang-abay D. Pandiwa

___ 11. Si Teodoro ay isang binata na may edad labingwalo. Siya ay payat, mahilig
mag-basketball at nais niyang may aksiyon sa lahat ng kaniyang ginagawa.
A. Katapora C. Anapora
B. Leksikal D. Elipsis

___ 12. Ang “at” sa tambalang pangungusap ay nagsisilbing:

A. Pang-ugnay C. Panghalip
B. Pangatnig D. Pandiwa

___ 13. Sa panahon ng ECQ lahat ng mamayang Pilipino ay abala sa paghahanda

ng pagkain, gamot, alchohol, sanitizer, at mapanatili ang kalinisan ng loob at
labas ng bahay.
A. Pag-uulit C. Pag-iisa-isa
B. Kolokasyon D. Pagbibigay kahulugan

___ 14. Ipaglaban mo ang karapatan mo, sumulat ka ng kuwento, at yakapin mo

ang iyong mga magulang. Napagod silang lahat para makatapos kayo.
A. Anapora C. Kahulugan
B. Katapora D. Pag-iisa-isa

___ 15. Sa gitna ng pandemya, dapat lamang na pag-ingatan ang kalusugan sa lahat
ng oras dahil ito ay walang pinipili, mayaman man o mahirap, may pinag-aralan o
wala, at bata man o matanda.
A. Elipsis C. Pang-ugnay
B. Kolokasyon D. Substitusyon

124
Aralin
Pagsulat: Cohesive Devices
5
Ang modyul na ito ay inihanda para sa mga mag-aaral ng SHS upang malinang ang
makrong kasanayan sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng teksto gamit ang mga cohesive
devices at paghahanda rin sa pagsulat ng pananaliksik hinggil sa mga isyung
panlipunan sa kasalukuyang panahon. Magagamit din ito bilang instrumento sa
mabisang komunikasyon, pasalita at pasulat man, na nagpapamalas ng kahusayan
sa pagpoproseso ng iba’t ibang impormasyon at pagbabagong teknolohikal na
nagaganap sa bagong henerasyon.

Balikan

Alam na alam mo na ba ang iba’t ibang uri ng teksto tulad ng tekstong

impormatibo, naratibo, persweysib, deskriptibo, argumentatibo, at prosidyural?
Tukoy na tukoy mo na ba ang pagkakaiba-iba at mga katangian ng mga ito? Tingnan
nga natin kung hanggang saan ang kaalaman mo dito.
Magbalik tanaw nga tayo sa tekstong deskriptibo. Ang layunin ng ganitong
teksto ay mapalutang ang katangian ng tao, bagay, lugar o hayop. Paano ang
paglalarawan?
May tinatawag tayong subjektibong paglalarawan mula sa mayamang
imahinasyon ng manunulat samantalang ang objektibo ay may pinagbabatayang
katotohanan. Mayroon tayong karaniwang paglalarawan gamit ang limang
pandama, ito ay ang paningin, pandinig, panlasa, pang-amoy at pandama (5 senses).
Teknikal na Paglalarawan na kalimitang gumagamit ang manunulat ng mga
ilustrasyong teknikal na sulatin upang makita ng mambabasa ang larawan o hitsura
ng inilalarawan. Masining, di literal ang paglalarawan at ginagamitan ng
matalinhaga o idyomatikong pagpapahayag gaya ng tayutay. Siguro naman bumalik
na sa iyong isipan at makukuha mo ng gawin ang inihanda kung gawain para sa iyo.
Mayroong dalawang larawan sa ibaba. Ilarawan ang mga sumusunod sa isang talata
lamang. Gumamit ng hiwalay na papel sa paglalarawan at gawain.

Paglalarawan ng Pangulo ng Pilipinas

_____________________________________________________

125
Paglalarawan ng damdamin

_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________

Itala ang iyong mga isaalang-alang sa paglalarawan ng pangyayari, tauhan, at

damdamin na ginamit mo sa paglalarawan sa itaas.

1. ________________________________________________________________________

2. ________________________________________________________________________

3. ________________________________________________________________________
4. ________________________________________________________________________

5. ________________________________________________________________________

Pag-usapan natin ang natapos mong gawain. Ang bahaging ito ng modyul ay
iyong magiging gabay o tulong sa sandaling ikaw ay magsusulat na ng sariling
halimbawang tekstong deskripitibo kasama ng matutuklasan mo sa kasalukuyang
aralin sa mga susunod na bahagi ng modyul na ito.

126
Tuklasin

Basahin at suriin ang konteksto. Sagutan sa hiwalay na papel ang mga katanungang
nasa ibaba ng konteksto.

Pumunta ako sa Maynila na kung saan ang Maynila ang kabisera ng

Pilipinas. Nadatnan ko si Diego sa Quiapo Church. Pagkatapos magdasal si
Diego ay nakita na ako sa labas ni Diego.Nilibot namin ang Luneta. Ang
Luneta ay lugar na kung saan naganap ang pagkamartir ni Rizal. Nilibot
namin ang Intramuros gamit ang kabayo. Pero ang kabayo ay napagod kaya
pinainom muna ang kabayo. Higit sa lahat, nakita na namin ang Fort
Santiago. Ang Fort Santigo ay isang makasaysayang pook sa Maynila.

Analisis:
1. Malinaw at maayos ba ang daloy ng konteksto? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Ano ano ang napansin mo sa pagkakabuo ng konteksto?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Kung ikaw ang sumulat ng kontekstong ito, paano mo ito isusulat ng malinaw at
maayos ang kaisipan?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Pag-usapan natin ang kinalabasan ng iyong pag-aanalisa at rebisyon sa
nasabing konteksto. Unti-unti ng hinahasa ka sa kasanayang pagsulat at mas lalong
malilinang ito sa kaalamang matutunghayan mo sa susunod na bahagi ng modyul
na ito.

127
Suriin

Ang ginawa mo kanina ay may kaugnayan sa pagsulat ng mga pangugusap

na bumubuo sa mga talata kaya kailangan ng mga salitang mag-uugnay sa mga ito.
Dito makikita ang halaga ng cohesive devices. Upang higit na maging malinaw sa iyo
ang gamit ng cohesive devices sa anumang gawaing pagsulat, basahin mo na ang
konseptong ito!
Gamit ng Cohesive Devices
Kung ang mga pangungusap, idea, at detalye ay malinaw na
nagkakaugnay sa isang konteksto, madali na itong maunawaan ng mambabasa.
Malaking tulong ang tamang paggamit ng mga cohesive devices para makabuo ng
makabuluhang teksto. Kung ang isinulat ng awtor ay malinaw na naunawaan at
naisabuhay ng mambabasa, nangangahulugang nagtagumpay ang awtor sa
kaniyang isinulat.

1. Reperensiya (Reference) Ito ang paggamit ng mga salitang maaaring tumukoy

o maging reperensiya ng paksang pinag-uusapan sa pangungusap.Tinutukoy nito
ang anapora at katapora.

Anapora- tumutukoy sa mga panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pananda

sa pinalitang pangalan na binanggit sa pangungusap o talata.

Halimbawa:

Hindi baleng mabigo ka na ipaglaban ang mga pangarap mo, kesa nabigo
ka nang hindi man lamang dahil sa mga ito.

Halaw mula sa talumpati ni Ricky Lee Sa PUP nang gawaran siya ng

Doctorate in Humanities Honoris Causa noong ika-8 ng Mayo, 2019

Katapora- tumutukoy sa mga panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda

sa pinalitang pangalan na binanggit sa hulihan ng pangungusap o talata.

Halimbawa:

Kagaya ng karangalang itong ibinibigay n’yo sa akin. Di ko alam kung anong

nagawa kong kabutihan sa PUP para maibigay ninyo sa akin ito.

Halaw mula sa talumpati ni Ricky Lee Sa PUP nang gawaran siya ng Doctorate in
Humanities Honoris Causa noong ika-8 ng Mayo, 2019

128
2. Substitusyon-Paggamit ng ibang salitang ipinapalit sa halip na muling ulitin
ang salita.
Halimbawa:

Bumigay na ang aking laptop kaya bumili ako

ng bago.

Ang salitang laptop ay napalitan ng bago.

3. Elipsis- May ibinabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang

maiintindihan o magiging malinaw pa rin sa mambabasa ang pangungusap dahil
makatutulong ang naunang pahayag para matukoy ang nais ipahiwatig ng
nawalang salita.

Halimbawa:

Nagpunta si Nadine sa mall at namili si

Nadine sa mall.

Nagpunta si Nadine sa mall at namili.

4. Pang-ugnay- Nagagamit ang mga pang-ugnay tulad ng “at” sa pag-uugnay ng

sugnay sa sugnay, parirala sa parirala, at pangungusap sa pangungusap. Sa
pamamagitan nito, higit na nauunawaan ng mambabasa o tagapakinig ang
relasyon sa pagitan ng mga pinag-uugnay.

Halimbawa:

Ang mabuting magulang ay

nagsasakripisyo para sa mga anak at ang
mga anak naman ay dapat magbalik ng
pagmamahal sa kanilang mga magulang.

5. Kohesyong Leksikal- Mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang

magkaroon ito ng kohesyon. May dalawang uri ito.
1. Reiterasyon kung ang ginagawa o sinasabi ay nauulit ng ilang beses.

a. Pag-uulit o repetisyon

Halimbawa:
Maraming bata ang hindi nakapapasok sa paaralan. Ang mga
batang ito ay nagtatrabaho na sa murang gulang pa lamang.

129
b. Pag-iisa-isa

Halimbawa:

Nagtanim sila ng mga gulay sa bakuran. Ang mga gulay na ito

ay talong, sitaw, kalabasa, at ampalaya.

c. Pagbibigay Kahulugan
Halimbaw:

Marami sa mga batang mangagawa ay nagmula sa mga

pamilyang dukha. Mahirap sila kaya ang pag-aaral ay
naisasantabi kapalit ng ilang baryang naiaakyat nila para sa
hapag-kainan.

2. Kolokasyon- mga salitang magkapareha o magkasalungat.

Halimbawa:

nanay-tatay guro-mag-aaral
doktor-pasyente hilaga-timog

puti-itim maliit-malaki mayaman-mahirap

Pagyamanin

Pagsasanay 1.
Natutukoy ang cohesive devices na ginamit sa teksto. Isulat sa patlang kung
Anapora o Katapora ang tinutukoy ng mga panghalip na nakasulat nang madiin
(bold). Isulat ang sagot sa hiwalay na sagutang papel.
__________1. “Dalhin natin siya sa ospital dali!” ang sigaw ng maliksing si Doris
habang pangko ang matandang lupaypay at tila wala ng buhay. Isinakay
siya sa huling bahagi ng kotse at saka mabilis nitong pinaandar ang
sasakyan patungo sa pinakamalapit na ospital. Subalit hindi na umabot
nang buhay si Lolo Jose sa pagamutan.

130
__________2. Bayani ang mga taong handang tumulong sa nangangailangan kahit
walang hinihintay na kapalit o magbuwis ng buhay para sa bayan kung
kinakailangan. Sila ay mga karaniwang taong nakagagawa ng hindi
pangkaraniwang kabutihan para sa iba.
__________3. Matamis na maasim ito. Ang may katigasan at kulay lilang balat ay
nagtataglay ng mapuputing hilis na paborito ng marami hindi lang
dahil sa lasa nito kundi maging sa taglay na sustansiya. Hindi
pangkaraniwang prutas ang mangosteen.
__________4. Grab taxi na nga ba ang solusyong dala ng makabagong teknolohiya
para mapadali ang paghahanap ng masasakyan? Ito ay alternatibo sa
nakasanayang de-metrong taxi.
__________5. Malinis at sariwang hangin, isa na nga lang ba itong alaala sa ating
malalaking lungsod?
Pagsasanay 2.

Tukuyin kung substitusyon, elipsis, pang-ugnay o leksikal ang ginamit na

cohesive devices sa mga sumusunod. Gawing gabay ang mga salitang nakasulat
nang madiin (bold) at isulat sa patlang ang sagot.
__________1. Nagbigay ng limang kilong bigas si Jhun. Si Ronnie naman ay tatlo.
__________2. Naubos ko ang masarap mong baon. Ibibili na lang kita ng kapalit.
__________3. Nabasa ng mga mag-aaral ang akda. Ang mga mag-aaral na ito ay
natuto sa binasa.
__________4. Nagkasama sa paglalakbay ang magkaibigan. Lalo nilang nakilala ang
isa’t isa sa biyaheng ito.
__________5. Ang mahusay na pagpapaliwanag at pagsasalita ang dahilan kung
bakit nahihikayat makinig ang mga tao sa kaniya.

Pagsasanay 3.
Obserbahan kung paano ginamit ang mga panghalip sa mga hinalaw na
talata mula sa isang tekstong pinamagatang “Propesyonalismo” ni Joselito
D. Delos Reyes.

131
Suriin ang mga ito sa ibabang talahanayan:

Tukuyin at isulat dito kung

anong panghalip ang ginamit sa
Bahagi ng Teksto talatang nasa kabilang hanay at
isaad
kung Anapora o Katapora ang
panghalip.
Halimbawa: siya-katapora
1. Sa ating bansa, may dalawang popular na
paraan para matawag na propesyonal. Una,
magtapos ng kursong kapag natapos,
kukuha ka ng pagsusulit na ibinibigay ng
Professional Regulation Commission (PRC).
Dapat kang pumasa sa pagsusulit na ito na
tumatagal ng isa hanggang apat na araw.
2. Hindi dahil sa winawalang bahala ko ang
propesyonal o lisensiyado. Napakahalaga
nito.
3. Sa mga pagawaan at estruktura,
propesyonal dapat. Lisensiyadong inhinyero
dapat. Dahil dumaan sila sa proseso ng pag-
aaral, pagtatapos, at pagpasa sa pagsusulit
para matawag na propesyonal na inhinyero.
4. Kaya lamang, may nakababahalang balita
nitong mga nagdaang araw. Itong usapin
hinggil sa kinatawan ng party list na
pangkabataan.
5. Shortcut, palakasan, pagbaluktot sa batas,
pagkalunod sa kapangyarihan para lang
makalusot sa Kongreso. Matapos ito,
tatawaging representative siya ng mga
propesyonal.

Pag-usapan natin anoman ang iyong kasagutan dito.

Ipagpalagay na hindi gumamit ng mga panghalip na ito ang may-akda, madali pa
rin kaya nating maunawaan ang teksto?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Paano nakatulong ang mga panghalip na ito para mabuo ang talata?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

132
Isaisip

Inaasahan kong naging malinaw na sa iyo ang tungkol sa araling tinalakay natin
ngayon. Upang malaman ko na may naunawaan ka sa Cohesive devices may gawain
akong inihanda para sa iyo. Tayo na! Ituloy na natin ito.

Dugtungang Gawain: Ipahayag nang malinaw ang anomang pagkatuto at

kahalagahang nakuha sa tinalakay na aralin. Isulat sa hiwalay na papel ang
kasagutan.

Bakit kaya mahalagang pag-

aralan pa ng mga kabataang
tulad ko ang cohesive devices
at sa anong aspekto ito
makatutulong sa akin bilang
mag-aaral? Alam ko na…

Nalaman ko sa araling ito na _____________________________________________________

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
at natutuhan ko na ______________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

133
Isagawa

Panuto: Sumulat ng isang tektong deskriptibo gamit ang mga cohesive devices sa
pamamagitan ng isang Travel Brochure. Lapatan ng pamagat. Gawing gabay ang
rubrik sa ibaba sa iyong susulating tekstong deskriptibo. Gawin at isulat sa isang
oslo paper o short bond paper.
Batayan sa pagsulat ng teksto:
1. Ang mga larawan ng mga lugar ay matatagpuan sa rehiyon. Halimbawa: Mga lugar
sa CALABARZON na iyong napuntahan
2. Ang layunin sa pagbuo at pagsulat mo ng travel brochure.
3. Kinakailangang Obhetibo at Subhetibo ang katangian ng paglalarawan. Muling
silipin ang bahagi ng BALIKAN ng modyul na ito.

Pamantayan 4 3 2 1

Husay ng pagsulat Napakahusay at Nakagamit ng mga May kakulangan Kulang na kulang

at paglalarawan lubhang nakaaakit salitang ang pagkaka-gamit at hindi angkop ang
ang pagkakagamit mahuhusay at ng mahu-husay na mga salitang
ng mga salita sa nakaaakit sa mga salita sa ginamit sa
pagsulat ng pagsulat ng pagsulat kaya paglalarawan
paglalarawan. paglalarawan. naman hindi kaya’t hindi ito
gaanong nakaaakit nakaaakit sa
ang paglalarawan. sinomang
makababasa.

Paggamit ng Nakagamit nang Nakagamit ng mga Kakaunting datos Walang nasaliksik

angkop na datos angkop na mga datos na mula sa na nasaliksik lang na datos ang
tungkol sa lugar datos na lalong pananaliksik. ang nagamit at naisama at pawang
nakapagbigay rikit karamihan sa opinyon lang ng
sa paglalarawan. nakalahad ay manunulat ang
opinyon lang ng nailahad.
manunulat.

Paggamit ng Nakagagamit ng Nakagamit ng Nakagamit ng ilang Hindi gumamit ng

angkop na angkop na cohesive devices o cohesive devices o cohesive devices o
cohesive devices o cohesive devices o kohesyong kohesyong kohesyong
kohesyong kohesyong gramatikal sa gramatikal subalit gramatikal kaya’t
gramatikal gramatikal na pagbuo ng hindi ito sapat para walang kaayusan
lalong nagbigay paglalarawan. sa maayos na ang daloy ng
nang maayos na daloy ng paglalarawan.
daloy ng paglalarawan.
paglalarawan.

134
Tayahin

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang ginamit na cohesive device (Panghalip) sa

bawat pangungusap at tukuyin kung ito ay anapora o katapora. Dalawa (2) ang
sagot sa bawat bilang.
__________1. Nasa bagong milenyo na tayo, kasabay ang mabilis na pagbabago sa
larangan ng paggawa ng pelikula.
__________2. Tayo ngayon ay nasa panahon ng impormasyon, kaalinsabay ang
paggamit ng bagong teknolohiya sa paggawa ng pelikula.
__________3. Hindi nag-shooting ang mga artista, bagkus dumalo sila sa isang rally.
__________4. At kahit mabigo ka, huwag kang mag-aalala. Hindi iyan ang sukatan
ng worth mo bilang tao.
__________5. Ipaglaban mo ang karapatan mo, write a story, hug your parents.
Napagod silang lahat para mapa-graduate kayo.

Panuto: Basahin at sagutin ang bawat aytem. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.
___ 6. Sa bahagi ng pananalita, ang siya, tayo, iyan, ito, doon, at sila ay mga
halimbawa ng ___________.
A. Pandiwa C. Panghalip
B. Pangatnig D. Pangngalan
___ 7. Alin sa mga pahayag ang gampanin ng cohesive devices sa pagsulat?
A. Nagiging mas malinaw at maayos ang daloy ng kaisipan ng isinusulat.
B. Nagiging maganda ang nilalaman gamit ang mga ito sa pagsulat.
C. Nagiging malawak ang paglalahad sa paksa.
D. Nakaaakit basahin ang isang teksto.
___ 8. Ang paggamit ng cohesive devices ay upang maiwasan ang pag-uulit ng:
A. salita C. mensahe
B. parirala D. pangungusap
___ 9. Sa mga cohesive devices, saan nabibilang ang anapora at katapora?
A. Substitusyon C. Reperensya
B. Pang-ugnay D. Elipsis
___ 10. Alin sa mga sumusunod ang nakatutulong upang maging malinaw at
maayos ang kaisipan ng isang teksto?
A. talata C. talasalitaan
B. estruktura D. cohesive devices
___ 11. Anong bahagi ng pananalita nabibilang ang anapora at katapora?
A. Pandiwa C. Pang-abay
B. Panghalip D. Pangngalan
___ 12. Nasira ko ang portfolio mo. Tutulungan na lang kitang gumawa.
A. Elipsis C. Pang-ugnay
B. Leksikal D. Substitusyon

135
___ 13. Ang magkapitbahay ay nag-uusap kung ano ang puwede nilang ibigay
nadonasyon sa barangay. Nagbigay si Lenie ng limang kabang bigas at si Lorry
nama’y apat.
A. Elipsis C. Pang-ugnay
B. Leksikal D. Substitusyon
___ 14. Ang pamahaang lokal ay ginawa ang lahat para makaiwas sa sakit na
nakamamatay at ang mga mamamayan naman ay dapat sumunod sa mga
patakarang ipinatutupad ng pamahalaan.
A. Substitusyon C. Leksikal
B. Pang-ugnay D. Elipsis
___ 15. Sa gitna ng pandemya higit na apektado ang maralitang pamilya.
Naghihirap sila kaya kailangang magtiis at magtipid sa ayudang kanilang
natatanggap.
A. Substitusyon C. Leksikal
B. Pang-ugnay D. Elipsis

Karagdagang Gawain

Muli binabati kita dahil matagumpay mong natapos ang mga pagsubok sa
modyul na ito. Dahil diyan, bibigyan pa kita ng isa pang pagsubok kaugnay sa
katatapos na aralin. Kinakailangan lamang na maging malinaw at maayos ang
daloy ng kaisipan sa isusulat mo upang mapagtagumpayan mo rin ang gawaing
ito.
Bumuo ng sariling halimbawa ng bawat cohesive devices. Dalawang (2)
puntos sa bawat bilang. Isang puntos kapag mali ang pagkakagamit ng cohesive
device at dalawang puntos kung tama ang paggamit ng ng cohesive device.

1. Anapora ____________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
2. Katapora____________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
3. Substitusyon________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
4. Elipsis_______________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
5. Pang-ugnay__________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
6. Leksikal_____________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

136
137
Tayahin Pagyamanin Subukin
Pagsasanay 1
1. tayo-katapora 1. Katapora 1. A
2. tayo-katapora 2. Anapora 2. A
3. sila-anapora 3. Anapora
3. B
4. iyan-anapora 4. D
4. Anapora
5. silang-anpora 5. D
5. Anapora
6. C 6. C
Pagsasanay 2
7. A 7. A
1. Elipsis
8. A 8. C
9. C 2. Substitusyon 9. D
10.C 3. Leksikal 10.C
11.B 4. Substitusyon 11.C
12.D 5. Pang-ugnay 12.A
13.B Pagsasanay 3 13.C
14.B 1. ito-Anapora 14.A
15.C 2. nito-Anapora 15.B
3 sila-Anapora
4 Itong-Anapora
5. Ito-Anapora
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Alma M. Dayag, Mary Grace G. Del Rosario, Pluma: Pagbasa at Pagsusuri sa Iba’t
Ibang Teksto sa Pananaliksik (Quezon City: Phoenix Publishing House,
2016)p.19-36.
Crizel S. De Laza, Pagbasa at Pagsusuri sa Iba’t Ibang Teksto sa Pananaliksik
(Sampaloc Manila: Rex Book Store, Inc., 2016)p.49-53.

Lolita T. Bandril, Voltaire M. Villanueva, Alma T. Bautista, Diana F. Palmes, Pagbasa

at Pagsusuri sa Iba’t Ibang Teksto sa Pananaliksik (Quezon City: Vibal Group,
Inc.2016)p.16-20.
Steve Graham, Effective Writing Instruction of all Students. Winconsin Rapids:
Renaissance Learning, Inc., 2008.

138
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex

Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

139
Pagbasa at Pagsusuri
SHS sa Ibat Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik

140
Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto Tungo sa Pananaliksik
Pangangalap ng Datos
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang bahagi ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Kris Hofileña Herrera
Editor: Pilita A. Villanueva
Tagasuri: Elma H. Ilagan
Helen G. Magnaye
Tagaguhit: Agnes Manaig
Tagalapat: Reden M. Cruzado
Tagapamahala: Wilfredo E. Cabral, Regional Director
Job S. Zape Jr., CLMD Chief
Elaine T. Balaogan, Regional ADM Coordinator
Fe M. Ong-ongowan, Regional Librarian

Department of Education – Region IV-A CALABARZON

Office Address: Gate 2 Karangalan Village, Barangay San Isidro

Cainta, Rizal 1800
Telefax: 02-8682-5773/8684-4914/8647-7487
E-mail Address: region4a@deped.gov.ph

141
Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba’t ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik
Pangangalap ng Datos

142
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Grado 11 Pagbasa at Pagsusuri Tungo sa

Pananaliksik ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling
Pangangalap ng Datos.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador

mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka at matulungang
makamit ng mag-aaral mo ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong
hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at

malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong

ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro

ito’y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral

kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto tungo sa

Pananaliksik -Baitang 11 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa
Pangangalap ng Datos!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa

pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga

143
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong mabigyan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga

dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung

ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral

upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay

ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling

pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa

malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o

pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong

sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman

144
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o

masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat

ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa

Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang

marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng

makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

145
Week

4
Alamin

Bilang isang manlalakbay, ikaw ay may mga pagdaraanang pagsubok na huhubog

sa iyong kakayahan upang iyong matamo ang sumusunod na kasanayan pagkatapos
ng aralin.

Kasanayang Pampagkatuto: Nakakukuha ng angkop na datos upang mapaunlad ang

sariling tekstong isinulat. F11 EP IIId-36

Layunin:
A. Naipaliliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng pangangalap ng datos;
B. Nasusuri ang iba’t-ibang paraan ng panangalap ng datos;
C. Naiisa-isa ang pinaghanguan ng datos at;
D. Nakakukuha ng angkop na datos para sa pagsulat.

146
Subukin

Basahin at unawain ang sumusunod. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa
iyong malinis na sagutang papel.

1. Ito ay uri ng datos na tuwiran o di tuwiran na nagmula sa isipan ng isang

indibidwal.
A. panayam B. paper trail C. people trail D. sarbey

2. Ito ay isang panayam kung saan malaya ang estilo ng pagtatanong nang
walang kopya o listahan nang mga itatanong.
A. binalangkas B. di binalangkas C. di-malaya D. malaya

3. Ito ay katanungang nabuo habang isinasagawa ang panayam at higit na

mahalaga kaysa sa nakahandang katanungan.
A. follow-up B.observation C. open-ended D. stuructured

4. Tumutukoy sa impormasyong nakukuha mula sa digital storage, media at

mobile platforms.
A. e-trail B.paper trail
C.people trail D.text-trail

5. Ito ay isang uri ng pagtatanong na maaaring sagutin ng oo at hindi o isang

ispesipikong sagot.
A. follow-up B.open-ended
C.structured D.unstructured

6. Pinakamahalagang bahagi ng pananaliksik, narito ang sustansiya, diwa at

nilalaman ng buong saliksik.

A. datos B. interbyu C.sanggunian D. sarbey

147
7. Ang nag-iinterbyu ay nagtatanong ng walang labis at walang kulang ayon sa
pagkakasunod-sunod nito sa kanyang listahan.
A. di-tuwiran B. tuwiran C.structured D. unstructured

8. Ito ang tawag kung ang impormasyon ay nakuha mula sa mga opisyal na
dokumentong pampubliko man o pampribado.
A. e-trail B. paper trail C. people trail D.text trail

9. Ito ay inilalagay sa baba ng teksto sa pahinang kinasusulatan ng lagom o sipi.

A. awtor B. bibliograpi C. paksa D. talaan ng nilalaman

10. Ang mga sumusunod ay makikita sa sanggunian maliban sa?

A. larawan ng may-akda
B. pamagat ng aklat
C.pangalan ng may-akda
D.taon ng paglathala

11. Ito ay isa sa kinakailangan sa pananaliksik sa aklatan.

A. kard ng awtor B.kard katalog
C.kard ng paksa D.kard ng pamagat

12. Ano ang kagamitang kailangang ihanda ng tagapanayam?

A. cellphone B.papel at ballpen
C.recorder D.lahat ng nabanggit

13.Ito ang pinakamadaling paraan ng pagkalap ng datos.

A.pag-iinterbyu B.pagsasarbey C. pagtatanong D. pananaliksik

148
14.Ito ay pakikipanayam sa sikat na tao na may malaking karanasan tungkol sa
paksa ng iyong pananaliksik.

A. feature interview B.non-feature interview

C.formal interview D.structured interview

15.Ang mga nabanggit sa ibaba ay mga dapat isaalang-alang sa araw ng panayam

maliban sa;

A. ipakilala ang sarili nang may paggalang

B. ihanda na ang mga katanungan sa papel
C.magtakda lamang ng oras ng panayam
D.hayaang maunang dumating ang kakapanayamin

149
Aralin
Pangangalap ng Datos
6

Sa iyong nakaraang aralin ay natutuhan mo ang angkop na gamit ng mga cohesive

devices sa pagbuo ng pahayag. Ngayon ay inaanyayahan kitang sagutin ang maikling
pagsasanay upang matukoy natin ang iyong naging kasanayan sa nakaraang aralin.

Balikan

Piliin ang ginamit na cohesive device sa bawat pangungusap. Isulat ang tamang
sagot sa sagutang papel.

1. Nasa bagong milenyo na tayo, kasabay nito ay ang mabilis na pagbabago

sa larangan ng paggawa ng pelikula.

A. bagong milenyo B. kasabay nito

C.mabilis D.sa larangan

2. Hindi nag-shooting ang mga artista, bagkus dumalo sila sa isang rally.

A. artista B. bagkus

C.nag-shooting D. rally

3. Bilang kongklusyon, marapat na tangkilikin ang pelikulang Pilipino.

A. bilang kongklusyon B. pelikula
C. Pilipino D. tangkilikin

150
4. Mahusay na manonood ang mga Pilipino, patunay nito mahusay rin ang
pagkikritiko nila.

A. mahusay B. manonood C. pagkikritiko D. patunay nito

5. Marahil, higit na uunlad ang pelikulang Pilipino kung maisasabatas ang

karapatan ng mga nasa industriyang ito.

A. karapatan B. maisabatas C. marahil D. uunlad

151
Tuklasin

Basahin ang bahagi ng panayam sa ibaba:

(Bahagi ng isang panayam)

Si Thea ay nakatakdang magsagawa ng isang panayam sa kanilang Barangay

Chairman tungkol sa kanilang pagkapanalo bilang “Pinakamahusay na Gulayan sa
buong Distrito ng Masipag.

(Isang umaga, humahangos na dumating sa barangay hall si Thea dahil siya ay huli
sa oras na pinag-usapan para sa isang panayam) Gusot ang kaniyang damit, hindi
man lang nakuhang magsuklay ng buhok at tila doon pa lamang magbabalangkas
ng kaniyang mga itatanong. Hindi nakahanda subalit pinilit niyang humarap upang
makakuha ng datos na kaniyang kinakailangan.

Thea: Magandang umaga po Brgy.Chairman!

Brgy.Chairman: Magandang umaga rin naman sa iyo Bb. Thea Alonzo.Kanina pa po

kami nag-aantay sa inyo. Ang akala po namin ay hindi na kayo makararating sa
sinabing oras. Kung maaari po sana ay bukas na tayo magsagawa nitong panayam.

Thea: Paumanhin po Kapitan!

Brgy. Chairman: Ikinalulungkot ko po ngunit nahuli po kasi kayo sa oras na ating

napag-usapan.

Nakaalis si Thea sa lugar nang malungkot at naghihinayang sa nasayang na oras at

pagkakataon.

Sagutin ang mga tanong:

1.Ano ang nangyari sa isinagawang panayam?

2.Bakit hindi nagawang makakuha ng tagapanayam ng kinakailangang datos?

152
Suriin

Kahulugan ng Reaksyong Papel

Alam mo ba na ang reaksyong papel ay maituturing na isang uri ng sulatin kung

saan ang may akda ay makakapagbigay ng sariling ideya at opinion patungkol sa
binasang teksto. https://www.bestessays.com/glossary/reaction_paper.php

Ano nga ba ang kaibahan ng pagsulat ng reaksyong papel sa ibang sulatin? Ang
isang reaksyong papel ay naglalahad ng sariling opinyon at mga natutunan ng isang
manunulat patungo sa isang teksto o pangyayari. https://kingessays.com/reaction-
paper.php

At mula rin sa coursehero.com sa pagsulat ng reaksyong papel mahalaga ring

isaalang-alang ang sarili at ang mga maaring makabasa ng isinulat. Maaring ang
mismong pamilya, komunidad, bansa at maging ang daigdig ay maabot ng iyong
isinulat, lalo pa sa panahon ngayon na napakabilis ng teknolohiya. Laging tandaan
na ang bawat isa ay mayroong responsibilidad sa sarili at sa kapwa.

Apat na bahagi ng Reaksyong Papel

1. Introduksiyon- ito ang pupukaw sa interest ng mga nagbabasa. Sa parteng

ito, kailangang ilarawan ang papel at may-akda na iyong pinag-aaralan.
Kailangang maglagay ng mga tatlo hanggang apat na mga pangungusap mula
sa orihinal na papel na iyong pinag-aaralan. Kailangan ding maglagay ng
iyong maikling thesis statement ukol sa papel.

2. Katawan - Ang katawan ay kung saan nakasaad ang iyong mga sariling
kaisipan ukol sa mga pangunahing ideya ng papel na iyong pinag-aaralan.
Dito sinusuri ang orihinal na papel.

153
3. Konklusyon - Ang konklusyon ay maikli lamang ngunit naglalaman ng
impormasyon ukol sa thesis at mga pangunahing ideya na nasaad sa
reaksyong papel.

4. Pagsipi at pinagmulan ng mga impormasyon - Ito ay ang bahagi kung saan

nakalagay ang maikling impormasyon ukol sa pagsipi at pinagmulan ng mga
impormasyon na iyong nailahad.
https://kingessays.com/reaction-paper.php

Pagyamanin

Ngayong alam mo na ang iba’t-ibang paraan ng pagkuha ng datos subukin natin

kung kaya mo ng paunlarin ang iyong kasanayan.

Sagutin ang mga tanong sa ibaba ayon sa iyong pagka-unawa sa ating naging
talakayan.

1. Ano-ano ang tatlong paraan na maaaring maging batayan sa pagkuha ng

datos? Isa-isahin at ipaliwanag.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Bakit sinasabing ang pagsasarbey ang pinakamadaling paraan sa pagkuha ng

datos? Ipaliwanag.
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

154
3. Ihambing ang pagkakaiba ng binalangkas at di-binalangkas na uri ng
panayam?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

4. Kung ikaw ay magsasagawa ng pananaliksik, alin sa tatlong paraan ng

pagkuha ng datos ang iyong pinakamalimit na magagamit? Ipaliwanag.
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

5. Paano mo masasabing naging matagumpay ang isang panayam?

Ilarawan.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Isaisip

Sa yugtong ito, marahil ay naunawaan mo na kung paano magkaroon ng mabisang

teksto mula sa makabuluhang pagkalap ng datos o impormasyon.

Masasagot mo na kung;

1.Ano-ano ang mga kailangang materyales sa pagkuha ng datos?

_________________________________________________________________________________

2.Ano ang mga paraan upang makakuha ng datos mula sa people trail, paper trail
at e-trail.

_________________________________________________________________________________

155
3.Paano makatutulong ang angkop na pagkalap ng datos sa pagsulat ng teksto?

_________________________________________________________________________________

4. Bakit mahalaga ang mga kasanayan sa pagkalap ng datos?

__________________________________________________________________________________

5. Paano isinasagawa ang panayam, pagkuha ng impormasyon sa pamamagitan ng

papel at ng elektronikong tala?

__________________________________________________________________________________

Isagawa

Ngayong nalaman mo na ang iba’t ibang paraan ng pangangalap ng datos, maaari

mo na itong subukang ilapat.

I-sarbey Mo!

1.Bumuo ng 5 katanungan tungkol sa opinyon ng ilang indibidwal pagbubukas ng

klase sa gitna ng Covid 19.

2.Magsagawa ng interbyu sa limang (5) magulang hinggil sa kanilang opinyon sa

pagbubukas ng klase sa kabila ng kinakaharap na pandemya. Maaaring
makipanayam sa kanila sa pamamagitan ng virtual o pakikipanayam gamit ang
telepono o cellular phone.

156
3.Magtala ng apat (4) na sanggunian na maaari mong gamitin upang makakuha ka
ng impormasyon para sa pananaliksik tungkol sa “Epekto ng Pandemya sa
Edukasyon.”

Tayahin

Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa isang malinis na sagutang papel.

1. Ito ay isa sa kinakailangan sa pananaliksik sa aklatan.

A. kard ng awtor B.kard katalog
C.kard ng paksa D.kard ng pamagat

2. Ano ang kagamitang kailangang ihanda ng tagapanayam?

A. cellphone B.papel at ballpen
C.recorder D.lahat ng nabanggit

3.Ito ang pinakamadaling paraan ng pagkalap ng datos.

A.pag-iinterbyu B.pagsasarbey C. pagtatanong D. pananaliksik

4 Ito ay pakikipanayam sa sikat na tao na may malaking karanasan tungkol sa

paksa ng iyong pananaliksik.

A. feature interview B.non-feature interview

C.formal interview D.structured interview

157
5.Ang mga nabanggit sa ibaba ay mga dapat isaalang-alang sa araw ng panayam
maliban sa;

A. ipakilala ang sarili nang may paggalang

B. ihanda na ang mga katanungan sa papel
C.magtakda lamang ng oras ng panayam
D.hayaang maunang dumating ang kakapanayamin

6.Ito ay uri ng datos na tuwiran o di tuwiran na nagmula sa isipan ng isang

indibidwal

A. panayam B. paper trail C. people trail D.sarbey

7.Ito ay isang panayam kung saan malaya ang estilo ng pagtatanong nang walang
kopya o listahan ng mga itatanong

A. binalangkas B. di binalangkas C. di-malaya D.malaya

8.Ito ay katanungang nabuo habang isinasagawa ang panayam at higit na

mahalaga kaysa sa inihandang katanungan

A. follow-up B.observation C. open-ended D.stuructured

9.Tumutukoy sa impormasyong nakukuha mula sa digital storage, media at

mobile platforms.

A. e-trail B.paper trail

C.people trail D.text-trail

10.Ito ay isang uri ng pagtatanong na maaaring sagutin ng oo at hindi o isang

espisikpikong sagot.

A. follow-up B.open-ended
C.structured D.unstructured

158
11.Pinakamahalagang bahagi ng pananaliksik, narito ang sustansiya, diwa at
nilalaman ng buong saliksik.

A. datos B. interbyu C.sanggunian D. sarbey

12.Ang nag-iinterbyu ay nagtatanong ng walang labis at walang kulang ayon sa

pagkakasunod-sunod nito sa kanyang listahan.

A. di-tuwiran B.tuwiran C. structured D. unstructured

13. Ito ang tawag kung ang impormasyon ay nakuha mula sa mga opisyal na
dokumento pampubliko man o pampribado.
A. e-trail B. paper trail C. people trail D.text trail

14. Ito ay inilalagay sa baba ng teksto sa pahinang kinasusulatan ng lagom o sipi.

A. awtor B. bibliograpi C. paksa D. talaan ng nilalaman

15. Ang mga sumusunod ay makikita sa sanggunian maliban sa?

A. larawan ng may-akda B.pamagat ng aklat
C.pangalan ng may-akda D.taon ng paglathala

Karagdagang Gawain

Ngayong alam mo na ang iba’t-ibang paraan ng pangangalap ng datos maaari mo

pang paunlarin ang iyong kasanayan bilang paghahanda sa iyong pananaliksik.

Kumalap ng datos tungkol sa epekto ng teknolohiya sa gitna ng Covid-pandemic

2019 sa pamamagitan ng sumusunod na pamamaraan na nakatala sa ibaba.
Pagkatapos ay sumulat ng maikling talata kaugnay sa nakalap na mga
impormasyon:
a. Paper Trail

b.E-Trail

159
160
Subukin Pagyamanin Tayahin
1. A 1. B 1. B
2. B 2. B 2. D
3. A 3. A 3. B
4. A 4. D 4. A
5. B 5. C 5. D
6. A 6. A
7. C 7. B
8. B 8. A
9. B 9. A
10. A 10. B
11. B 11. A
12. D 12. C
13. B 13. B
14. A 14. B
15. D 15. A
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Online Supplementary Reading Materials

https://www.academia.edu/30277619/PANGANGALAP_NG_DATOS_new

https://www.slideshare.net/RainierAmparado/kabanata-3-pamamaraan-
atpinagkunan-ng-mga-datos

Online Instructional Materials

https://www.youtube.com/watch?v=F5-1eVF1OGU

https://www.youtube.com/watch?v=jfzSmMH2c4Q

https://www.youtube.com/watch?v=cLIFeS4Igtg

https://www.youtube.com/watch?v=s4hAGpEH2kE

161
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex

Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

162
Pagbasa at Pagsusuri
SHS sa Ibat Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik

163
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Pag-uugnay ng Kaisipang Nakapaloob sa Binasang Teksto
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring

magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa

anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: William Camara
Editor: Pilita A. Villanueva
Tagasuri: Elma H. Ilagan
Helen G. Magnaye
Tagaguhit: Agnes Manaig
Tagalapat: Reden M. Cruzado
Tagapamahala: Wilfredo E. Cabral, Regional Director
Job S. Zape Jr., CLMD Chief
Elaine T. Balaogan, Regional ADM Coordinator
Fe M. Ong-ongowan, Regional Librarian

Department of Education – Region IV-A CALABARZON

Office Address: Gate 2 Karangalan Village, Barangay San Isidro, Cainta, Rizal 1800
Telefax: 02-8682-5773/8684-4914/8647-7487
E-mail Address: region4a@deped.gov.ph

164
Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik
Pag-uugnay ng Kaisipang
Nakapaloob sa Binasang Teksto

165
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto

Tungo sa Pananaliksik – Baitang 11 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
para sa araling Pag-uugnay ng Kaisipang Nakapaloob sa Binasang Teksto!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador

mula sa pampubulikong paaralan upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy
upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at

malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong

ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro

Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral

kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

166
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa

Pananaliksik – Baitang 11 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Pag-
uugnay ng Kaisipang Nakapaloob sa Binasang Teksto!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa

pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga

dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung

ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral

upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay

ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling

pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa

malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

167
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong

sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o

masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat

ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa

Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng

makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

168
Week

4
Alamin

Ang modyul na ito ay naglalaman ng pagtalakay sa mga kaisipang nakapaloob sa

binasang teksto na nag-uugnay sa sarili, pamilya, komunidad, bansa, at daigdig. Ito
rin ay magdadala sa iyo upang maiugnay ang iyong napag-aralan sa mga naunang
modyul, na makakatulong upang lumawak at mapalalim ang iyong kaalaman sa
kaisipang nakapaloob sa isang teksto.

Kasanayang Pampagkatuto:
 Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa sarili,
pamilya, komunidad, bansa, at daigdig
F11PB – IIId – 99

Layunin:

 Natatalakay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto

 Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa sarili,
pamilya, komunidad, bansa, at daigdig at
 Naibabahagi ang sariling ideya batay sa kaisipang nakapaloob sa binasang
teksto.

169
Subukin

Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin lamang ang titik ng wastong sagot at
isulat sa sagutang papel.

1. Ang sumusunod ay mga uri ng tekstong impormatibo maliban sa isa?

A. Paglalahad ng totoong pangyayari B. Pagpapakilala
C. Pagpapaliwanag D. Pag-uulat Pang-impormasyon

2. Ano ang tekstong naglalayong magbigay ng impormasyong malinaw at walang

halong pagkiling sa iba’t ibang paksa?
A. Deskriptibo B. Impormatibo C. Naratibo D. Prosidyural

3. Alin sa sumusunod na elemento ng tekstong impormatibo ang nagsasabing,

mapalawak pa ang kaalaman ukol sa isang paksa at maunawaan ang mga
pangyayaring mahirap ipaliwanag?
A. Layunin ng may akda B. Pangunahing Ideya
C. Pantulong ng kaisipan D. Pagsulat ng mga talasanggunian

4. Nabasa mo sa isang pahayagan na lumolobo na ang bilang ng mga tinamaan

ng sakit na COVID 19 sa Pilipinas. Anong uri ng teksto nakapaloob ang iyong
nabasa?
A. Deskriptibo B. Impormatibo C. Naratibo D. Persuweysib

5. Isa sa kailangan sa iyong pananaliksik ay ang pag lalagay ng mga larawan,

dayagram at tsart. Anong elemento ng tekstong impormatibo ito?
A. Layunin ng may akda
B. Pagbibigay-diin sa mahalagang salita sa teksto
C. Paggamit ng mga nakalarawang representasyon
D. Pagsulat ng mga talasanggunian

6. Tinanong ka ng iyong guro kung ano ang tekstong maihahalintulad sa isang

larawang ipininta o iginuhit.
A. Deskriptibo B. Impormatibo C. Naratibo D. Persuweysib

7. Ito ay katangian ng tekstong impormatibo na may pinagbabatayang katotohanan?

A. Kathang-isip B. Obhetibo C. Prosidyural D. Subhetibo

8. Bilang isang manunulat naglarawan ka sa isang akda ng nakabatay lamang

sa iyong mayamang imahinasyon. Anong uri ng paglalarawan ito?
A. Kathang-isip B. Obhetibo
C. Pagsulat ng mga talasanggunian D. Subhetibo

170
9. Anong uri ng teksto kung ang isang tao ay may mga pangyayaring
naibabahagi o naikukuwento sa kapwa?
A. Deskriptibo B. Impormatibo C. Naratibo D. Persuweysib

10. Anong elemento ng tekstong naratibo ang nagsasaad sa maayos na daloy o

pagkasunod-sunod ng mga pangyayari?
A. Banghay B. Paksa o tema
C Tagpuan at panahon D. Tauhan

11. Sa bahaging ito nakapaloob ang sentral ng ideya kung saan umiikot ang mga
pangyayari sa tekstong naratibo?
A. Banghay B. Paksa o tema
C. Tagpuan at panahon D. Tauhan

12. Anong uri ng teksto ang naglalahad ng serye o mga hakbang sa pagbuo ng
isang gawain upang matamo ang inaasahan?
A. Deskriptibo B. Impormatibo C. Persuweysib D. Prosidural

13. Ang sumusonod ay mga halimbawa ng tekstong prosidyural maliban sa isa?

A. Hakbang sa paggawa ng parol B. Pagbabasa
C. Pag-aaplay ng Lisensiya sa pagmamaneho D. Resipi ng Kare-Kare

14. Ito ay tekstong nanghihikayat o nangungumbinsi sa mga mambabasa?

A. Deskriptibo B. Impormatibo C. Persuweysib D. Prosidural

15. Alin sa sumusunod ang pahayag na naiiba?

A. Gumamit nang sabong brand Y. Para sa linis-kinis na walang katulad.
B. Mapapanood ang Rated K tuwing Linggo ng gabi.
C. Patuloy na tumataas ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
D. Si Catriona Grey ang itinanghal na Miss Universe 2018.

171
Aralin Pag-uugnay ng Kaisipang
7 Nakapaloob sa Binasang Teksto

Sa modyul na ito ay tatalakayin ang pag-uugnay ng kaisipan sa binasang teksto sa

sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig batay sa sariling obserbasyon at mga
pangyayari sa paligid.

Balikan

Bago natin simulan ang iyong magiging paglalakbay sa modyul na ito, muli mong
balikan ang iyong natutuhan sa naunang aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa
katanungang ito:

- Ano ang kahalagahan ng pagkuha ng tamang datos upang mapaunlad

ang sariling tekstong isinulat?

Halina at ipagpatuloy ang iyong pag-aaral. Tuklasin mo na

ang mga kaisipang nkapaloob sa binasang teksto sa pamamagitan
ng pagsusuri ng kaugnayan nito sa sa sarili, pamilya, komunidad,
bansa, at daigdig.

172
Tuklasin

Halina’t basahin ang teksto at alamin ang kaisipang hatid

nito.
“Ako ay Laking Lungsod ng Angeles, Pampanga”
By RESIDENTPATRIOT

Lokasyon ng Angeles sa Pampanga

Sinasabi ng iba na ang aming lalawigan ang pinakamalayong i-byahe sa buong
Pilipinas dahil ang itlog na dala mo mula sa iyong bayan ay magiging “ebun”
pagdating sa amin. Ang kapampangan kasi ng itlog ay “ebun” na katunog ng “ibon”.
Ang korni ano? Hindi ko inimbento ‘yan ha?

Naging kilala dati ang aking lungsod bilang bagsakan ng mga PX goods, kuta ng mga
sundalong Amerkano at pugad ng mga panggabing bahay aliwan.
Malaki na ang ipinagbago ng aking lungsod mula ng pumutok ang bulkang Pinatubo
at tuluyang lisanin ng mga sundalong Amerkano ang kanilang base militar sa aming
bayan. Dahil sa pangyayaring ito, natagpuan ng aming bayan ang mga bagong
oportunidad para sa ibang uri ng hanapbuhay na hindi umaasa sa mga banyagang
sundalo.

Ang aking lungsod ngayon ay mas marami ng maihahandog sa mga nais bumisita
rito. Dayuhan man o kababayan ay pawang matatagpuan ang mga bagong
karanasan na maihahandog ng aming bayan.

Nayong Pilipino Clark

Ilang mga sikat na pasyalang maaaring puntahan sa aming bayan ay matatagpuan

sa loob ng Clark (ang dating base militar ng Amerika sa Pampanga) gaya ng: Nayong
Pilipino, sanktuwaryo ng mga ibon, paligsahan ng mga makukulay na lobo (hot air
balloon) na ginaganap taun-taon, ang mga resort, palaruan ng golf, piknikan, at
kung mahilig ka sa sugal, meron ding Casino na matatagpuan sa loob ng Clark.
Siyempre, meron ding mga mapapasyalan na wala sa loob ng Clark.

Lumang Mansyon ng mga Pamintuan

Ang iba pang mga matatandang gusali ay ang Bale Herencia (ginawa: 1860), Camalig
(ginawa: 1840), Bale Matua (ginawa: 1824) at ang isa mga pinakamatandang
simbahang Katoliko sa Pilipinas, ang Simbahan ng Santo Rosario na ginawa mula
nuong 1877 hanggang 1896.

173
Meron din kaming museo, ang Museo ng Angeles kung saan makikita ang mga
lumang larawan, mga dayorama na naglalahad ng sinaunang buhay sa Pampanga
at iba pang mga pagpapamalas (exhibit) tungkol sa kasaysayan ng Angeles.

Hindi tinaguriang Kapital ng Pagluluto sa Pilipinas ang aming lalawigan ng walang

dahilan. Kaya nga maraming matatagpuang masasarap na kainan sa aming lungsod.
Gusto mo ba ng inihaw, pagkaing dagat o katutubong lutong Pilipino at
Kapampangan? O ‘di naman kaya ay mga pagkaing Intsik, Koreyano, Mongolyan,
Hapon, Amerkano, Italyano at iba pang putaheng banyaga? Kahit ano pa ang trip
mong pagkain (basta totoong “pagkain” ha?), malamang meron kami n’yan.

Mga nagpipinetensya tuwing Mahal na Araw

Makikita din sa aming bayan at sa kalakhan ng Pampanga yaong mga nagpapahirap
sa kanilang mga sarili tuwing sumasapit ang Mahal na Araw. Kung tawagin sila ay
mga nagpipinetensya.
Madalas dayuin ‘di lang ng mga karatig-bayan kundi pati ng mga dayuhan mula sa
ibang bansa ang taunang pagpapahirap sa sarili na ito, ngunit sana nga ay mahinto
na ang tradisyong ito balang araw dahil nagiging idolo sila ng ilang mga kabataan.

Halimbawa ng isang Koreyano

Dumami na rin ang mga Koreyanong naninirahan sa aming bayan. May mga ilan na
panandalian lamang ang pananatili at meron din namang mga pangmatagalan.

Sa dami ng mga Koreyano ay nakagawa na sila ng sarili nilang komunidad sa aming

bayan. Nakapagtayo na sila ng mga pamilihan, kainan, paaralan at pook sambahan
sa napakaliit naming bayan. Marami sa mga kabataang Koreyano sa amin ay mga
estudyanteng nag-aaral ng Inggles.

Daan papuntang Clark

Ang pagpapabuti sa Paliparan ng Diosdado Macapagal ay maghahatid ng ibayong

interes sa komersyo sa aming bayan na maghahatid ng bagong mga oportunidad sa
negosyo at lilikha ng mga bagong trabaho na mag-aangat naman sa kaledad ng
buhay ng mga mamamayan sa aming bayan. Plano pa lang lahat ‘yan subalit marami
ang naghahangad na ang mga ito ay matupad.

Halimbawa ng sikat na Kapampangan

Hindi rin kami nagpapahuli sa mga sikat kagaya nina Lea Salonga, Apl d Ap, Efren
Bata Reyes, Donita Rose at Baron Geisler (sikat pa ba si Baron?). Marami pang ibang
mga sikat na Angelenyo subalit tinatamad na akong mag-saliksik ng iba pa.

Malapit lang ang Angeles sa mga lalawigang may dagat at iba pang pook pasyalan
gaya ng Bundok Arayat, mga dagat ng Zambales at Pangasinan, Baguio, Olongapo,
Maynila at ang bulkang Pinatubo.

174
Nang sumabog ang bulkan

Isang ‘di ‘ko makakalimutang karanasan sa aking buhay sa Angeles ay ang pagputok
ng bulkang Pinatubo. Pininsala nito ang napakaraming buhay, bahay, ari-arian at
lupain. Subalit tinuruan ako nito kung paano lumaban para mabuhay (survival).
Kung paanong mabuhay sa isang kalagayan na walang mabibiling pagkain, walang
agarang maiinom na tubig at walang kuryenteng magagamit.

Ito ang aking lungsod, ito ang tahanan ng aking mga magulang at ng aking mag-ina.
Dito ako ipinanganak, dito ako nagtapos ng pag-aaral, dito ako nakahanap ng
trabaho at malamang ay dito na rin ako sasapitin ng katandaan.

https://thepinoysite.com/2012/09/19/ako-ay-laking-lungsod-ng-angeles-
pampanga/

Matapos mong mabasa ang tekstong may pamagat na “Ako laking Lungsod ng
Angeles, Pampanga ay masasagot mo ba ang mga katanungan inihanda?

1. Ano-anong kaisipan ang natalakay sa tekstong binasa?

2. Maliwanag ba ang pagkakaulat ng bawat kaisipan nais ihatid ng nagpapahayag?

3. Paano kaya maiuugnay ang mga kaisipan hatid ng teksto sa sarili? pamilya?
komunidad? bansa? daigdig?

175
Suriin

Alam ba ninyo na mayroon iba’t ibang uri ng teksto na maaaring maghatid ng mga
kaisipan na makatutulong sa dagdag na kaalaman, batayan at malawak na pananaw
sa ating buhay. Isa-isa natin silang tatalakayin.

Iba’t ibang Uri ng Teksto

1. Tekstong Impormatibo – ito naglalayong magpaliwanag at magbigay ng

impormasyon.
Halimbawa: “Mamamayan pinayuhan ng Kagawaran ng Kalusugan na
manatili sa bahay upang maiwasan ang paglaganap ng sakit na COVID-19”.

2. Tekstong Deskriptibo – naglalarawan ito sa bagay, tao, lugar, karanasan,

sitwasyon at iba pa.
Halimbawa: “Magandang puntahan ang bayan ng Angeles, Pampanga dahil
sa magagandang pasyalan”

3. Tekstong Persuweysib - isang uri ng di-piksyon na pagsulat upang

kumbinsihin ang mga mambabasa na aumang-ayon sa manunulat hinggil sa
isang isyu.
Halimbawa: “Mainam na gamitin ang Brand Y Plus dahil mas
nakapagpapaputi ito ng mga damit kaysa sa Brand X. Kaya’t gamitin ang
Brand Y Plus. Para sa puting walang katulad”

4. Tekstong Naratibo - layunin nito ang magsalaysay o magkwento batay sa

isang tiyak na pangyayari totoo man o kathang-isip.
Halimbawa: “Ipinalabas noong Hulyo 31, 2019 ang pelikulang Hello, Love,
Goodbye na pinagbibidahan nina Alden Richard at Kathryn Bernardo. Ito rin
ang itinanghal na pinakapinanood na pelikulang Pilipino sa kasaysayan”.

5. Tekstong Argumentatibo – ito ay ang tekstong nangngailangang ipagtangol

ng manunulat ang posisyon sa isang paksa o uspin gamitn ang mga ebidensya
mula sa pesonal na karanasan, kaugnay na literatura at pag-aaral,
ebidensyang kasaysayan at resulta ng empirikal na pananaliksik. Ito ay my
dalawang elemento.

1. Proposisyon - pahayag na inilalan upang pagtalunan

2. Argumento - paglalatag ng mga dahilan at ebidensya upang maging

katwiran
Halimbawa: “Hindi totoo ang mga nanghuhula sa Quiapo dahil lumabas sa
pag-aaral ng mga eksperto na raket o modus lamang ito ng mga manloloko”

176
6. Tekstong Prosidyural - isang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay ng
impormasyon at instruksyon kung paanong isasagawa ang isang tiyak na
bagay

Halibawa: Upang mapabilang ang establisyemento at mga empleyado sa

programang CAMP (COVID-19 ADJUSTMENT MEASURES PROGRAM (CAMP)
at TUPAD (Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/ Displaced
Workers, sundin ang mga sumusunod na hakbang:

1. Pumunta sa website ng Department of Labor and Employment

(DOLE)
2. Hanapin ang downloadable forms.
3. I-click ito at i-download
4. Punan ang mga patlang at ipadala sa e-mail ng DOLE

177
Pagyamanin

PAGSASANAY 1

Sagutin ang mga tanong ukol sa tekstong iyong binasa.

1. Ano-anong kaisipan sa teksto na maaring maiugnay sa iyong sarili bilang isang

Angeleňos? Ipaliwanag

_______________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________
2. Ano-anong mga kaisipan sa teksto ang nakikitaan mo ng katulad na kaugaliang

Angeleňos sa iyong pamilya?

_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

3. Ano-anong mga kaisipan sa teksto ang nagpapakita ng mga kaganapang

nangyayari sa buong komunidad ng Angeles na nararapat bigyang

pansin? _______________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________

4. Ano-anong mga kaisipan sa teksto na sa iyong tingin ay tumatak sa lipunang

Pilipino na batid na ng nakararami tungkol sa Angeleňos?

_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

5. Ano-anong mga kaisipan sa teksto na nagpapakita ng kagalingan ng mga

Angelenos sa buong mundo?

_______________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________

178
PAGSASANAY 2

Tukuyin kung tama o mali ang sumusunod na pahayag. Isulat ang sagot sa
inyong kuwaderno.

___________1. Hindi apektado ang Lungsod ng Angeles nang pumutok ang bulkang
Pinatubo at tuluyang lisanin ng mga sundalong Amerikano ang Base

Militar na ditto nakahimpil.

___________2. Layunin ng tekstong deskriptibo na maialok ang produktong

itinitinda.

___________3. “Ang Museo ng Angeles kung saan makikita ang mga lumang

larawan, mga dayorama na naglalahad ng sinaunang buhay sa

Pampanga” ay halimbawa ng tekstong naratibo.

___________4. Ang tekstong deskriptibo ay walang pinagkaiba sa tekstong

impormatibo.
___________5. Matatamo ang kaisahan ng paglalarawan sa pagpili ng malalaking

bahaging maaaring makita lamang sa pananaw ng naglalarawan.

179
Isaisip

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Bakit mahalagang malaman ang kaisipang nakapaloob sa binasang teksto?

_______________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________

2. Anong estratehiya ang ginamit mo upang maiugnay ang kaisipang nakapaloob

sa nabasang teksto Sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig?

________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________
3. Anong uri ng teksto ang maaari mong gamitin kung nais mong isulat ang

tungkol sa kagandahan ng isang lugar? Ipaliwanag.

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

4. Anong pagkakaiba ng tekstong deskriptibo sa tekstong impormatibo?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

5. Bakit natin kailangang malaman ang kaisipang nakapaloob sa bawat tekstong

ating binasa?

_____________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________

180
Isagawa

Sumulat ng tekstong deskriptibong maglalarawan sa ambag mo bilang

indibidwal sa iyong sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig.

1. Sa iyong sarili
_______________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________
2. Sa iyong pamilya

3. Sa iyong komunidad

4. Sa ating bansa

5. Sa ating mundo

181
Tayahin

Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin lamang ang letra ng wastong sagot at
isulat sa sagutang papel.

1. Isa sa kailangan sa iyong pananaliksik ay ang pag lalagay ng mga larawan,

dayagram at tsart. Anong elemento ng tekstong impormatibo ito?
A. Layunin ng may akda
B. Pagbibigay-diin sa mahalagang salita sa teksto
C. Paggamit ng mga nakalarawang representasyon
D. Pagsulat ng mga talasanggunian

2. Nabasa mo sa isang pahayagan na lumolobo na ang bilang ng mga tinamaan

ng sakit na COVID 19 sa Pilipinas. Anong uri ng teksto nakapaloob ang iyong
nabasa?
A. Deskriptibo B. Impormatibo C. Naratibo D. Persuweysib

3. Ano ang tekstong naglalayong magbigay ng impormasyong malinaw at walang

halong pagkiling sa iba’t ibang paksa?
A. Deskriptibo B. Impormatibo C. Naratibo D. Prosidyural

4. Tinanong ka ng iyong guro kung ano ang tekstong maihahalintulad sa isang

larawang ipininta o iginuhit?
A. Deskriptibo B. Impormatibo C. Naratibo D. Persuweysib

5. Ito ay katangian ng tekstong impormatibo na may pinagbabatayang

katotohanan?
A. Kathang-isip B. Obhetibo C. Prosidyural D. Subhetibo

6. Ang sumusunod ay mga uri ng tekstong impormatibo maliban sa isa?

A. Paglalahad ng totoong pangyayari B. Pagpapakilala
C. Pagpapaliwanag D. Pag-uulat Pang-impormasyon

7. Alin sa sumusunod na elemento ng tekstong impormatibo ang nagsasabing,

mapalawak pa ang kaalaman ukol sa isang paksa at maunawaan ang mga
pangyayaring mahirap ipaliwanag?
A. Layunin ng may akda B. Pangunahing Ideya
C. Pantulong ng kaisipan D. Pagsulat ng mga talasanggunian

8. Anong uri ng teksto kung ang isang tao ay may mga pangyayaring
naibabahagi o naikukuwento sa kapwa?
A. Deskriptibo B. Impormatibo C. Naratibo D. Persuweysib

182
9. Bilang isang manunulat naglarawan ka sa isang akda ng nakabatay lamang
sa iyong mayamang imahinasyon. Anong uri ng paglalarawan ito?
A. Kathang-isip B. Obhetibo
C. Pagsulat ng mga talasanggunian D. Subhetibo

10. Sa bahaging ito nakapaloob ang sentral ng ideya kung saan umiikot ang mga
pangyayari sa tekstong naratibo?
A. Banghay B. Paksa o tema
C. Tagpuan at panahon D. Tauhan

11. Anong elemento ng tekstong naratibo ang nagsasaad sa maayos na daloy o

pagkasunod-sunod ng mga pangyayari?
A. Banghay B. Paksa o tema
C. Tagpuan at panahon D. Tauhan

12. Ang sumusonod ay mga halimbawa ng tekstong prosidyural maliban sa isa?

A. Hakbang sa paggawa ng parol B. Pagbabasa
C. Pag-aaplay ng Lisensiya sa pagmamaneho D. Resipi ng Kare-Kare

13. Anong uri ng teksto ang naglalahad ng serye o mga hakbang sa pagbuo ng
isang gawain upang matamo ang inaasahan?
A. Deskriptibo B. Impormatibo C. Persuweysib D. Prosidural

14. Alin sa sumusunod ang pahayag na naiiba?

A. Gumamit nang sabong brand Y. Para sa linis-kinis na walang katulad.
B. Mapapanood ang Rated K tuwing Linggo ng gabi.
C. Patuloy na tumataas ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
D. Si Catriona Grey ang itinanghal na Miss Universe 2018.

15. Ito ay tekstong nanghihikayat o nangungumbinsi sa mga mambabasa?

A. Deskriptibo B. Impormatibo C. Persuweysib D. Prosidural

183
Karagdagang gawain

PAGSASANAY 1

Ano-anong mga hakbang ang gagawin mo upang makatulong sa pagsugpo ng

kumakalat na sakit dulot ng COVID 19. Isulat ang sagot sa kahon.

Sarili

Pamilyang Pilipino

Komunidad

Bansa

Daigdig

184
185
Suriin
Subukin Tiyanin
Pagsasanay 1
1. Prosidyural
1. B 1. C
2. Impormatibo
2. B 2. B
3. Naratibo
3. A 3. B
4. Deskriptibo
4. B 4. C
5. Persuweysib
5. C 5. B
6. C 6. B
7. B Pagyamanin 7. A
8. D Pagsasanay 2 8. D
9. D 1. Mali 9. D
10. A 2. Mali 10. B
11. B 3. Mali 11. A
12. D 4. Mali 12. B
13. B 5. Mali 13. D
14. C 14. A
15. A 15. C
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Dayag, A. M. & MG. G. del Rosario (2017) Pinagyamang Pluma 11 (Pagbasa at

Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik). Quezon City: Phoenix
Publishing House.

https://thepinoysite.com/2012/09/19/ako-ay-laking-lungsod-ng-angeles-
pampanga/

186
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex

Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

187
Pagbasa at Pagsusuri
SHS sa Ibat Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik

188
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Mga Kaisipang Nakapaloob sa Tekstong Binasa
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang ano mang bahagi ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Mary Joy B. Elvira
Editor: Pilita A. Villanueva
Tagasuri: Elma H. Ilagan
Helen G. Magnaye
Tagaguhit: Agnes Manaig
Tagalapat: Reden M. Cruzado
Tagapamahala: Wilfredo E. Cabral, Regional Director
Job S. Zape Jr., CLMD Chief
Elaine T. Balaogan, Regional ADM Coordinator
Fe M. Ong-ongowan, Regional Librarian

Department of Education – Region IV-A CALABARZON

Office Address: Gate 2 Karangalan Village, Barangay San Isidro
Cainta, Rizal 1800
Telefax: 02-8682-5773/8684-4914/8647-7487
E-mail Address: region4a@deped.gov.ph

189
Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba’t ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik
Mga Kaisipang Nakapaloob sa
Tekstong Binasa

190
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto

Tungo sa Pananaliksik – Baitang 11 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para
sa araling Mga Kaisipang Nakapaloob sa Tekstong Binasa!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador

mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka at matulungang
makamit ng mag-aaral mo ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong
hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at

malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong

ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro

Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral

kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

191
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa

Pananaliksik – Baitang 11 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Mga
Kaisipang Nakapaloob sa Tektong Binasa!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa

pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga

dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung

ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral

upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay

ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling

pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa

malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

192
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong

sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o

masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat

ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa

Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng

makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

193
Week

5
Alamin

Ang modyul na ito ay naglalaman ng pagtalakay sa kung paano matutukoy ang

kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa. Ito ay may kaugnayan din sa napag-
aralan mo sa naunang modyul. Makatutulong ito sa iyo upang lumawak pa ang
iyong kaalaman iba’t ibang teksto.

Kasanayang Pampagkatuto:
 Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa (F11PS –
IIIf – 92)

Layunin:
 Natutukoy ang mga pangunahin at pantulong na kaisipang nakapaloob sa
tekstong binasa.
 Nakapagbabahagi ng sariling saloobin ukol sa tekstong binasa, at
 Nakabubuo ng pangunahin at mga pantulong na kaisipan gamit ang mga
larawan.

Subukin

Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat
ito sa iyong sagutang papel.

1. Sino sa sumusunod na manunulat ang may-akda ng tekstong “Bunga ng

Kasalanan”?
A. Cirio H. Panganiban B. Liwayway Arceo
C. Lualhati Bautista D. Severino Reyes

2. Ang mga taong mahilig magbasa ay nakakukuha ng iba’t ibang kaalaman.

Maaari nilang gamitin ang kaalaman na ito sa kanilang mga buhay.
Nalilinang din nito ang bokabularyo ng mambabasa. Ano ang pangunahing
kaisipan na maaaring mahinuha mula sa pahayag?
A. Marami kang natututuhan na salita.
B. Mahalaga sa kalusugan ang pagbabasa.
C. Kawili-wiling gawain ang pagbabasa araw-araw.
D. Mayaman sa kaalaman ang taong mahilig magbasa.

194
3. Ito ay tumutukoy sa mensaheng nais ipabatid ng awtor.
A. kaisipan
B. pananaw
C. saloobin
D. tema

4. Bakit mahalaga ang pagtukoy sa mga kaisipang nakapaloob sa isang teksto?

A. upang lumawak ang ating kaalaman
B. upang makapulot ng magagandang aral
C. upang mabatid ang kahalagahan ng akdang binasa
D. upang malaman ang nais iparating na mensahe ng teksto

5. Maraming kapangyarihan ng musika ang natuklasan ng mga siyentipiko. Alin

sa sumusunod na pansuportang kaisipan ang hindi angkop sa pahayag?
A. Kayang magpaalis ng stress sa isang tao ang pakikinig nito.
B. Nakapagpapagaan ito ng utak tulad ng memorya, emosyon at iba
pa.
C. Nakatutulong ito upang mapalawak ang kaalaman sa iba’t ibang
larangan.
D. Nakagagamot ito ng problema sa puso, depresyon at insomnia o di
pagkatulog.

6. Alin sa mga pahayag ang pangunahing kaisipan?

A. Napakabait na bata ni Julius.
B. Madaling utusan ang batang iyan.
C. Magalang siyang makipag-usap sa tao.
D. Masunurin siya sa kaniyang magulang.

7. Ito ay karaniwang matatagpuan sa unahang bahagi o pamaksang

pangungusap ng teksto.
A. paksang pangungusap B. pangunahing kaisipan
C. pantulong na kaisipan D. sumusuportang detalye

8. Alin sa sumusunod na pahayag ang angkop na pantulong na kaisipan sa

pahayag na ito? “Ang mabait kong mga magulang ay kayamanang ibinigay
sa akin.”
A. Ginagabayan nila ako sa lahat ng desisyon na aking ginagawa.
B. Hindi matatawaran ang kanilang sakripisyo para sa kanilang anak.
C. Ang magulang ay isa sa pinakamagandang regalo na ipinagkaloob
sa mga anak.
D. Lubos na pagmamahal ang ipinadarama sa atin ng ating mga
magulang.

195
9. Ang sumusunod na pahayag ay tumutukoy sa pantulong na kaisipan,
maliban sa _______________________.
A. ito ay itinuturing na sentrong bahagi ng akda.
B. ito ay nakatutulong upang mapalitaw ang pangunahing kaisipan.
C. sa tulong nito ay mas nauunawaan ng mambabasa ang diwa ng
teksto.
D. maaaring bumuo ng mga tanong na may kaugnayan sa pangunahing
kaisipan upang matukoy ang mga ito.

10. Ito ay nagtataglay ng mga mahahalagang impormasyon tulad ng pangalan,

lugar, paglalarawan, datos at iba pa upang pagtibayin ang pangunahing
kaisipan.
A. paksang pangungusap B. pangunahing ideya
C. pansuportang detalye D. pantulong na kaisipan

11. Ang kamatis na napagkakamalang gulay ay isa palang masustansiyang

prutas na nagtataglay ng Bitamina A at C. Ayon sa mga dalubhasa, ang
madalas na pagkain ng kamatis ay nakatutulong upang makaiwas sa kanser
sa bituka (colon cancer). Ano ang pangunahing kaisipan ng pahayag?
A. Ang kamatis ay isang uri ng prutas.
B. Ang kamatis ay nagtataglay ng mga bitamina.
C. Mahalaga sa kalusugan ng tao ang pagkain ng kamatis.
D. Makatutulong ito upang maiwasan ang kanser sa bituka (colon cancer).

12. Alin sa sumusunod na salita ang hindi ginagamit bilang pantukoy ng

pantulong na kaisipan?
A. Ano B. bakit C. ilan D. sino

13. Ang mga pahayag ay ukol sa pangunahing kaisipan, maliban sa __________.

A. may mga pagkakataong hindi ito lantad sa teksto.
B. ito ay nagtataglay ng mga mahahalagang impormasyon.
C. karaniwan itong matatagpuan sa unahang bahagi ng akda.
D. ito ay ang mensahe na nais ipahiwatig ng awtor sa mga mambabasa.

14. Ito ay tumutukoy sa kung tungkol saan ang teksto.

A. detalye B. ideya C. opinyon D. paksa

15. Ang sampaguita ay mabangong bulaklak. Gustong-gusto ko ang amoy nito.

Tuwing Linggo ay bumibili nito ang nanay ko sa labas ng simbahan. Ang
sampaguita ay paborito kong bulaklak. Ano ang pangunahing kaisipan ng
pahayag?
A. Paborito ko ang amoy ng sampaguita.
B. Mabangong bulaklak ang sampaguita.
C. Laging bumibili ng sampaguita ang nanay ko.
D. Natatangi ang sampaguita sa lahat ng uri ng bulaklak.

196
Aralin Mga Kaisipang Nakapaloob
8 sa Tekstong Binasa
Sa modyul na ito ay tatalakayin ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa.
Dito ay pagtutuunan mo ng pansin ang mga paksa at ideya ng teksto. Sa tulong ng
mga gawain ang iyong kaalaman at pananaw ay lalo pang palalawakin.

Balikan

Bago natin simulan ang iyong magiging paglalakbay sa modyul na ito, muli mong
balikan ang iyong natutuhan sa naunang aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa
katanungang ito:

1. Ano ang kahalagahan ng mga kaisipang nakapaloob sa iba’t ibang teksto?

2. Paano ito nakatutulong sa pagpapaunlad ng ating sarili, pamilya, komunidad,
bansa at daigdig?

Mga Tala para sa Guro

Halina at ipagpatuloy ang iyong pag-aaral. Alamin mo ang

mga kaisipang nakapaloob sa teksto sa pamamagitan ng
pagsusuri ng tekstong iyong mababasa.

197
Tuklasin

Gawin Natin!
1. Ano-anong mga salita ang maaaring maiugnay sa salitang “SISTEMA”? Isulat
sa bilog ang mga salitang iyong naiisip.

SISTEMA

2. Matapos punan ang bilog, pumili lamang ng apat na salita na maaaring

gamitin sa isang makabuluhang pangungusap.

3. Ano ang kaisipang iyong nakuha mula sa binuong pangungusap?

198
Suriin

Sa pagbasa at pag-aaral ng teksto, inaalam natin kung ano ang kaisipan o

mensaheng nais ipahatid ng awtor. Ang kaisipan ng teksto ay binubuo ng
pangunahing kaisipan at pantulong na kaisipan.

Ang pangunahing kaisipan ay ang mensahe na nakapaloob sa isang larawan o

teksto. Ito ang nais ipaunawa ng manunulat sa kaniyang mambabasa. Karaniwan
itong matatagpuan sa unahang bahagi o pamaksang pangungusap ng teksto ngunit
may ilang istilo ang manunulat na ang pamaksang pangungusap ay nasa hulihan,
kung kaya ang pangunahing kaisipan ay maaaring matagpuan sa hulihan ng teksto.
Tandaan! May pagkakataong hindi lantad sa teksto ang pangunahing kaisipan. Ang
pantulong na kaisipan naman ay nagbibigay-linaw sa pangunahing kaisipan.
Nagtataglay ito ng mga mahahalagang impormasyon na nakatutulong sa
mambabasa upang higit na maunawaan ang teksto. Ito ay nagtataglay ng mga
mahahalagang impormasyon tulad ng pangalan, lugar, paglalarawan, datos o
istadistika at iba pa upang pagtibayin ang pangunahing kaisipan.

Basahin ang talata sa ibaba.

Mahilig akong kumain ng gulay. Naniniwala ako na ito’y nakatutulong

upang lumakas ang ating katawan. Ito rin ay nakapagpapalinaw ng mata at
nakapagpapakinis ng kutis. Nakatutulong din ito upang ilayo tayo sa sakit. Kung
kaya, ang pagkain ng gulay ay mahalaga sa tao.

Ano ang pangunahing kaisipan sa talata? Kung sinabi mong “ang pagiging mahalaga
ng gulay sa katawan ng tao,” tama ka! Saan ito makikita? Ito ay nasa katapusan ng
talata. Ang mga unang binanggit na pangungusap ay itinuturing na pantulong na
kaisipan. Makukuha natin ang mga pantulong na kaisipan sa pamamagitan ng
pagbuo ng mga tanong na maaaring mag-ugnay sa naisip mong pangunahing
kaisipan tulad ng ano, sino, saan, kailan, bakit, at paano.

Ang pagtamo ng mga kaisipang nakapaloob sa isang akda ay isang kasanayang

magandang taglayin ng sino mang indibidwal. Kapag natutukoy natin ang kaisipang
nakapaloob mula sa tekstong ating binabasa ay lubos nating nauunawaan ang nais
iparating na mensahe nito.

199
Maaari nating gamitin ang dayagram sa ibaba upang mahimay-himay ang kaisipan
sa tekstong ating binabasa.

PAKSA/PAMAGAT
(Tungkol saan o kanino ang teksto?)

PANGUNAHING KAISIPAN
(Ano ang gustong ipaalam o nais ipaunawa ng sumulat tungkol sa paksa?)

MGA PANTULONG NA KAISIPAN

(Sumasagot sa mga tanong na…)

Ano? Sino? Saan? Kailan? Bakit? Paano?

Pagyamanin

Basahin at unawaing mabuti ang halimbawa ng tekstong naratibo na nasa

ibaba. Pagkatapos ay isagawa ang mga pagsasanay.

BUNGA NG KASALANAN
(ni Cirio H. Panganiban)

Si Virginia, ang babaing madasalin, palasimba at mapagluhod sa mga tabi ng

“Confesionario” ay may 10 taon nang kasal kay Rodin.

Sampung taon. At sa ganyang kahabang panahong kanilang ipinagsama nang

buong tahimik at pagsusunuran, nang buong pag-ibig at katapatang-loob ay hindi
man lamang nag-ugat sa tigang na halaman ni Virginia ang masaganang punla ng
sangkatauhan.

Wala silang anak. Si Virginia ay hindi man lamang nakaramdam kahit minsan
ng matamis na kaligayahan ng pagiging ina.

200
Nasunod nila ang lahat ng layaw sa daigdig: Mayaman si Virginia, may
pangalan si Rodin, at silang dalawa ay nabubuhay sa kasaganaan. Subali’t
katanghalian na ng kanilang pag-ibig ay hindi pa dumadalaw sa kanilang tahanan
ang anghel, ang magiging mutya ng kanilang tahanan at ang magmamana ng
dakilang pangalan ni Rodin.

Ang panalangin ni Virginia sa Mahal na Birhen na sinasalitan ni Rodin ng

taimtim na pagtawag sa Diyos, ang kanilang ginawang pamimintakasi sa Ubando
alang-alang sa kamahal-mahalang San Pascual at sa kapinu-pinuhang Santa Klara
ay hindi rin nagbigay sa kanila ng minimithing anak.

At sa puso ng nalulungkot na mag-asawa ay nawala na ang pananalig sa

huling kaligayahan.

Nguni’t, ang malaking pagkasulong ng matandang karunungan sa

panggagamot, ay nagbigay ng panibagong pag-asa kay Virginia at kay Rodin.

Nahuhulog na ang Araw ng kanilang pagmamahalan sa kanluran at ang mga

ulap sa dapit-hapon ng buhay ay unti-unti nang nagpapalamlam sa ilaw ng kanilang
pag-ibig. Higit kailanman ay noon naramdaman ng ulilang mag-asawa ang lalong
malaking pananabik na magbunga ang kanilang malinis at kabanal-banalang
pagsisintahan.

Parang hiwaga, matapos ang matiyagang pagpapagamot ang karunungan ng

isang doktor ay lumunas sa sala ng katalagahan. Si Virginia ay nagdalang-tao at
pagkaraan ng mahabang buwan ng kanyang paghihirap, ay sumilang sa liwanag ang
isang maliit na kaluluwang wagas na nagtataglay ng pangalan ni Rodin at ng
pangalan ng kanilang angkan.

O, ang tuwa ni Rodin! Nang sabihin sa kanya na siya ay ama ng isang batang
lalaki ay napalundag siya sa malaking kagalakan; tuluy-tuloy siya sa silid ng mag-
ina at dala palibhasa ng malaking uhaw sa kaluwalhatian matapos mapagbalingan
ng isang tinging punung-puno ng paggiliw ang lanta at maputlang mukha ni
Virginia, ay nilapitan ang kanyang panganay na anak at sa noo ng walang malay na
sanggol ay ikinintal ang kauna-unahang halik ng kanyang pangalawang pag-ibig.

Si Virginia, palibhasa’y madasalin, marupok ang puso at natatakot sa Diyos;

palibhasa’y mahinang-mahina noon ang katawan at mahina rin ang pag-iisip ay
unti-unti nang nag-aalinlangan sa kalinisan ng kanyang pagiging Ina.

Ibig na niyang maniwala na siya’y makasalanan, na ang lalong mabigat na

parusa ng langit ay lalagpak sa kanya, sapagka’t nilabag niya ang katalagahan at
ang kalooban ng Diyos. Sampung taong singkad na ang katalagahan ay nagkait sa
kanila ng anak at 10 taon ding inibig ng Diyos na siya’y huwag maging Ina. At sa
harap ng Diyos at ng katalagahan, para kay Virginia ay kasalanang mabigat ang
dahil sa kasakiman nila sa kaligayahan, dahiIan sa panghihinayang nila sa kanilang

201
kayamanang walang magmamana, ay papangyarihin pa ang karunungan ng isang
hamak na doktor.

Dahil sa ganyang paniniwala ay hinawi na ni Virginia ang pag-ibig sa kanyang

anak. Ang maliit na kaluluwang yaon na larawang ganap ng kanyang kaluluwa at
kapilas ng kanyang puso ay minsan na niyang pinagkaitan ng matamis na katas ng
kanyang dibdib, pinagtiklupan ng duyan sa bisig ng kanyang mga kamay at kusang
pinagdamutan sa halik ang kanyang labi.

At hindi riyan lamang humangga ang kalupitan ng pag-iisip ni Virginia nang

ganap na siyang nahuhulog sa paniniwalang ang kanilang anak ay hindi laman ng
kanilang laman, kundi bula lamang ng mga gamot na pinaghalu-halo ng
karunungan ay nilimot niyang siya ay Ina at wala nang ginawa kundi manalangin
na lamang an altar ng Birhen at humingi ng tawad sa Diyos. At minsan, nang makita
niyang iniiwi ni Rodin ang kanilang anak, ay pinag-apuyan siya ng mata, umigting
ang kanyang mga bagang at matapos sabukayin ang kanyang nalugay na buhok ay
pasisid na inagaw sa mga bisig ni Rodin ang bungang yaon ng kanilang pag-ibig at
ang sabing sinundan ng isang mahabang halakhak na tumataginting.

“Bunga ng kasalanan! Ito ay hindi natin anak...."

Hindi nila anak ang pinaglalaanan ni Rodin ng lahat ng paggiliw, ang hindi
miminsang ipinaghele nito sa kanyang sariling kandungan at inawitan ng matatamis
na kundiman ng kabataan, ang halos gabi-gabi ay pinagpuyatan sa pag-aalaga at
inalo niya ng maraming halik! . . .

Iyan ang sabi ng baliw . . . ni Virginia.

At kinaumagahan noon, si Rodin, matapos magdanas ng isang gabing walang

tulog, balisa ang puso at lumuluha ang kaluluwa, ay sinikatan ng araw sa piling ng
kanyang anak.

Nasa higaan pa si Virginia at sa mga sandaling iyon ay nakita niyang parang

sisiw na sinambilat ni Rodin ang kanilang anak, bukas ang nagsisipanginig na daliri
ng mabangis na amang yaon at ang kanyang mga kukong ganid ay ibinaon sa
malalambot na laman ng sanggol; pagkatapos ay pinapanlisik ang mga matang may
apoy, pinapagngalit ang mga ngiping halimaw at saka walang habag na binigyan ng
isang mariing sakal ang kaawa-awang “bunga ng kasalanan”. Napasigaw nang
malakas si Virginia, tumahip ang dibdib na nagising, at nang imulat niya ang
kanyang mga mata at tuluyan siyang magbangon nagisnan na niyang nakangiti sa
kanya at naglalaro sa mga bisig ni Rodin ang napanaginip niyang anak.

202
At sa walang malay na ngiti ng sanggol na yaon na parang nakipagngitian sa
kaluluwa ng kanyang Ina ay nagliwanag ang pag-iisip ni Virginia. Sa kanyang puso
ang dating pag-ibig, at Ina palibhasa, ay lumuluha ang dalawang mata sa
kaligayahan na kinandong ang kanyang anak, iniyapos sa kanyang dibdib saka
pinupog ng maraming halik, ng isang libong halik.

“Ito’y aking anak!” nang pagkuwan ay nasabi ni Virginia nang buong paggiliw.

“Oo”. .ang punung-puno ng pananalig na sagot naman ni Rodin, “At ako ang
ama ng batang iyan.” .

At ang mga pisngi nilang mag-asawa ay nagkadampi nang buong init,

samantalang iniuugoy nila sa kanilang mga bisig ang panganay na supling ng
kanilang malinis na pag-ibigan, yaong sa kabaliwan ni Virginia ay tinawag na bunga
ng kasalanan.
Panitikang Pilipino (Interaktibo at Integratibong Talakay), pp. 95-98

Gawain 1
Mula sa binasang teksto, anong pangunahing kaisipan ang nakuha mo mula rito?
Ipaliwanag.

Gawain 2
Ibigay ang mga impormasyon tungkol sa tekstong binasa gamit ang Doughnut
Diagram. Ang pangunahing kaisipan ay isusulat sa butas ng doughnut. Maaaring
magbigay ng pantulong na kaisipan sa pamamagitan ng tanong na ano, sino, saan,
kailan, bakit, at paano.

Pansuportang kaisipan

Pangunahing kaisipan

203
Gawain 3
Mula sa binasang teksto, gamitin ang Modelong ORAS. Ilahad ang iyong opinyon o
reaksyon sa binasang akda. Tukuyin kung anong mga aral ang napulot mo rito at
iugnay mo ang mga ito sa sarili mong kaisipan o karanasan.

Opinyon ay ilahad…

Reaksyon sa paksa ng teksto…

Aral na nakuha…

Sariling kaisipan…

Isaisip

Dugtungan ang pahayag mula sa iyong natutuhan sa aralin.

Natutuhan ko mula sa tekstong binasa ko na

204
Kailangang alamin ang mga kaisipang nakapaloob sa teksto
sapagkat

Isagawa

Bumuo ng pangunahin at mga pantulong na kaisipang mahihinuha mula sa

mga larawan sa ibaba.

Pangunahing Kaisipan:
______________________________________
______________________________________
______________________________________
Mga Pantulong na Kaisipan:
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
Pangunahing Kaisipan:
______________________________________
______________________________________
______________________________________
Mga Pantulong na Kaisipan:
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________

205
Tayahin

Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat
ito sa iyong sagutang papel.

1. Ito ay nagtataglay ng mga mahahalagang impormasyon tulad ng pangalan,

lugar, paglalarawan, datos at iba pa upang pagtibayin ang pangunahing
kaisipan.
A. paksang pangungusap B. pangunahing ideya
C. pansuportang detalye D. pantulong na kaisipan

2. Ito ay tumutukoy sa kung tungkol saan ang teksto.

A. detalye B. ideya C. opinion D. paksa

3. Alin sa sumusunod na salita ang hindi ginagamit bilang pantukoy ng

pantulong na kaisipan?
A. ano B. bakit C. ilan D. sino

4. Ito ay karaniwang matatagpuan sa unahang bahagi o pamaksang

pangungusap ng teksto.
A. paksang pangungusap B. pangunahing kaisipan
C. pantulong na kaisipan D. sumusuportang detalye

5. Alin sa mga pahayag ang pangunahing kaisipan?

A. Napakabait na bata ni Julius.
B. Madaling utusan ang batang iyan.
C. Magalang siyang makipag-usap sa tao.
D. Masunurin siya sa kaniyang magulang.

6. Ito ay tumutukoy sa mensaheng nais ipahatid ng awtor.

A. kaisipan B. pananaw C. saloobin D. tema

7. Sino sa sumusunod na manunulat ang may-akda ng tekstong “Bunga ng

Kasalanan”?
A. Cirio H. Panganiban B. Liwayway Arceo
C. Lualhati Bautista D. Severino Reyes

206
8. Alin sa sumusunod na pahayag ang angkop na pantulong na kaisipan sa
pahayag na ito? “Ang mabait kong mga magulang ay kayamanang ibinigay sa
akin.”
A. Ginagabayan nila ako sa lahat ng desisyon na aking ginagawa.
B. Hindi matatawaran ang kanilang sakripisyo para sa kanilang anak.
C. Lubos na pagmamahal ang ipinadarama sa atin ng ating mga
magulang.
D. Ang magulang ay isa sa pinakamagandang regalo na ipinagkaloob sa
mga anak.

9. Ang sumusunod na pahayag ay tumutukoy sa pantulong na kaisipan,

maliban sa
A. Ito ay itinuturing na sentrong bahagi ng akda.
B. Ito ay nakatutulong upang mapalitaw ang pangunahing kaisipan.
C. Sa tulong nito ay mas nauunawaan ng mambabasa ang diwa ng
teksto.
D. Maaaring bumuo ng mga tanong na may kaugnayan sa pangunahing
kaisipan upang matukoy ang mga ito.

10. Ang sampaguita ay mabangong bulaklak. Gustong-gusto ko ang amoy nito.

Tuwing Linggo ay bumibili nito ang nanay ko sa labas ng simbahan. Ang
sampaguita ay paborito kong bulaklak. Ano ang pangunahing kaisipan ng
pahayag?
A. Paborito ko ang amoy ng sampaguita.
B. Mabangong bulaklak ang sampaguita.
C. Laging bumibili ng sampaguita ang nanay ko.
D. Natatangi ang sampaguita sa lahat ng uri ng bulaklak.

11. Ang mga pahayag ay ukol sa pangunahing kaisipan, maliban sa

A. May mga pagkakataong hindi ito lantad sa teksto.
B. Ito ay nagtataglay ng mga mahahalagang impormasyon.
C. Karaniwan itong matatagpuan sa unahang bahagi ng akda.
D. Ito ay ang mensahe na nais ipahiwatig ng awtor sa mga
mambabasa.

12. Ang mga taong mahilig magbasa ay nakakukuha ng iba’t ibang kaalaman.
Maaari nilang gamitin ang kaalaman na ito sa kanilang mga buhay.
Nalilinang din nito ang bokabularyo ng mambabasa. Ano ang pangunahing
kaisipan na maaaring mahinuha mula sa pahayag?
A. Marami kang natututuhan na salita.
B. Mahalaga sa kalusugan ang pagbabasa.
C. Kawili-wiling gawain ang pagbabasa araw-araw.
D. Mayaman sa kaalaman ang taong mahilig magbasa.

207
13. Maraming kapangyarihan ng musika ang natuklasan ng mga siyentipiko. Alin
sa sumusunod na pansuportang kaisipan ang hindi angkop sa pahayag?
A. Kayang magpaalis ng stress sa isang tao ang pakikinig nito.
B. Nakapagpapagaan rin ito ng utak tulad ng memorya, emosyon at iba
pa.
C. Nakatutulong ito upang mapalawak ang kaalaman sa iba’t ibang
larangan.
D. Nakagagamot ito ng problema sa puso, depresyon at insomnia o di
pagkatulog.

14. Ang kamatis na napagkakamalang gulay ay isa palang masustansiyang

prutas na nagtataglay ng Bitamina A at C. Ayon sa mga dalubhasa, ang
madalas na pagkain ng kamatis ay nakatutulong upang makaiwas sa kanser
sa bituka (colon cancer). Ano ang pangunahing kaisipan ng pahayag?
A. Ang kamatis ay isang uri ng prutas.
B. Ang kamatis ay nagtataglay ng mga bitamina.
C. Mahalaga sa kalusugan ng tao ang pagkain ng kamatis.
D. Makatutulong ito upang maiwasan ang kanser sa bituka (colon
cancer).

15. Bakit mahalaga ang pagtukoy sa mga kaisipang nakapaloob sa isang teksto?
A. upang lumawak ang ating kaalaman
B. upang makapulot ng magagandang aral
C. upang mabatid ang kahalagahan ng akdang binasa
D. upang malaman ang nais iparating na mensahe ng teksto

Karagdagang Gawain

Kung ikaw ay magiging awtor ng isang teksto, ano-anong mga magagandang paksa
ang nais mong gamitin sa gagawin mong akda? Itala mo ito sa iyong sagutang papel.
Pumili ng isang paksa na nais mong gamitin sa pagbuo ng isang maikling talata.

1.
2.
3.

208
209
Subukin Tayahin
1. A 1. D
2. D 2. D
3. A 3. C
4. D 4. B
5. C 5. A
6. A 6. A
7. B 7. A
8. A 8. A
9. A 9. A
10. D 10. B
11. C 11. B
12. C 12. D
13. B 13. C
14. D 14. C
15. B 15. D
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

https://modules.arvicbabol.com/files/FILI112/Lesson%2011%20Paraan%20ng%2
0PagpapahayagKaisipan%20ng%20Teksto.pdf

https://www.google.com/url?sa=i&url=http%3A%2F%2Fisyungnapaguusapan.blog
spot.com%2F2015%2F10%2Fisyu-tungkol-sa-
trapiko.html&psig=AOvVaw3IB08ZcTOZc_bMYFp7fz8C&ust=1590669993109000&
source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCKjRtISK1OkCFQAAAAAdAAAAABAD

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.al-
fanarmedia.org%2F2020%2F03%2Fcoronavirus-universities-are-shifting-classes-
online-but-its-not-as-easy-as-it-
sounds%2F&psig=AOvVaw3foPrJn4R18nFRFFkShQOU&ust=1590670387152000&
source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCNCD35GL1OkCFQAAAAAdAAAAABA
I

210
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex

Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

211
Pagbasa at Pagsusuri
SHS sa Ibat Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik

212
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Paggamit ng Mabisang Paraan ng Pagpapahayag sa Reaksyong Papel
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Princess R. Penueco
Editor: Pilita A. Villanueva
Tagasuri: Elma H. Ilagan
Helen G. Magnaye
Tagaguhit: Agnes Manaig
Tagalapat: Reden M. Cruzado
Tagapamahala: Wilfredo E. Cabral, Regional Director
Job S. Zape Jr., CLMD Chief
Elaine T. Balaogan, Regional ADM Coordinator
Fe M. Ong-ongowan, Regional Librarian

Department of Education – Region IV-A CALABARZON

Office Address: Gate 2 Karangalan Village, Barangay San Isidro
Cainta, Rizal 1800
Telefax: 02-8682-5773/8684-4914/8647-7487
E-mail Address: region4a@deped.gov.ph

213
Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba’t ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik
Paggamit ng Mabisang Paraan ng
Pagpapahayag sa Reaksyong
Papel

214
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto

Tungo sa Pananaliksik – Baitang 11 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para
sa araling Paggamit ng Mabisang Paraan ng Pagpapahayag sa Reaksyong Papel

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador

mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka at matulungang
makamit ng mag-aaral mo ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong
hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at

malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong

ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro

Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral

kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

215
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa

Pananaliksik – Baitang 11 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa
Paggamit ng Mabisang Paraan ng Pagpapahayag sa Reaksyong Papel!
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa
pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga

dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung

ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral

upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay

ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling

pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa

malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

216
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong

sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o

masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat

ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa

Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng

makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

217
Alamin

Ang modyul na ito ay naglalaman ng pagtalakay sa mga Paggamit ng Mabisang

Paraan ng Pagpapahayag na may kalinawan, kaugnayan at bisa sa Pagsulat ng
Reaksyong Papel na iyong napag-aralan na sa mga naunang modyul. Makatutulong
ito sa iyo upang lumawak pa ang iyong kaalaman sa iba’t ibang uri ng teksto.

Kasanayang Pampagkatuto:
Nagagamit ang mabisang paraan ng pagpapahayag:
a. Kalinawan
b. Kaugnayan
c. Bisa sa reaksyong papel na isinulat
( F11PU – IIIfg – 90)

Layunin:
 Naiisa-isa ang iba’t ibang uri ng pagpapahayag.
 Nakasusuri ng teksto batay sa kung anong uri ito ng pagpapahayag,
 Nakasusulat ng reaksyong papel batay sa video na pinanood.

218
Subukin

Basahing mabuti ang bawat pahayag. Tukuyin kung anong uri ng pagpapahayag
ang sumusunod. Isulat sa iyong sagutang papel kung PAGSASALAYSAY,
PAGLALARAWAN, PANGANGATWIRAN, o PAGLALAHAD.

1. Sa takot ni Pilato na maalis siya sa tungkulin bilang gobernadora, nagpakuha siya

ng tubig at sa harap ng mga tao ay nagsabing “Wala akong kasalanan sa dugo ng
banal na taong iyan. Kayo ang bahala”.

2. Ang pagmamatuwid na kaya hindi nakapasa sa pagsusulit ang mag-aaral ay

sapagkat hindi siya nagbalik-aral.

3. Nakipagsiksikan ako sa pawisan, at ngayo’y amoy-suka’t amoy-anghit ng mga

taong nakapaligid sa kung anong kasiya-siyang tanawin.

4. Noong una talaga, nagdadalawang isip ako kung paniniwalaam ko ba ang mga
naririnig ko, ngunit nang makita ko kung ano ang naging epekto ng apoy na galing
sa espada ng mga anghel, naiintindihan ko na ang lahat dahil ito ay pagpapakita ng
pakikipaglaban sa kasamaan.

5. Ang ibig sabihin ng paglalakbay ay pag-alis at pagpunta sa isang lugar upang

maranasan ang mga kultura rito.

6. Ayon sa Department of Social Welfare and Development, mahigit sa apat na milyong

mga bata ang napipilitang magtrabaho sa halip na mag-aral at maglaro.

7. Kaming nga bantay-kanto ay kinatutuyuan daw nila ng dugo dahil mababaw raw
ang aming kaligayahan.

8. Ang tagumpay ng mga anak sa kinabukasan ay nakasalalay sa pagpapalaki sa

kanila ng kanilang magulang.

9. Pasyahan na ang kababaihan ay dapat magkaroon ng pantay na Karapatan o

ekwalidad sa kalalakihan sa lahat ng aspekto sa buhay.

10. Nakatulala na lamang ang mga tao, nagbubulungang tila hindi malaman ang
mainam na gagawin maliban sa mandilat, umismid at manuro kay Indong.

11. Sa ilalim ng demokrasya, ang ating pakahulugan sa tunay na kalayaan ay dapat

malinaw. Ang kalayaan ay hindi kasarinlan.

12. Ang dambuhalang makinang iyon ay waring isang kapangyarihang nalalamon.

219
13. Bakit mo ako pipilitin na kumain ng gulay? Kung ikaw nga ay hindi rin
kumakain ng gulay!

14. May mga bagay sa ating buhay na mahirap at hindi maipaliliwanag kung bakit
ito nangyayari. Maaring ito’y isang trahedyang iniiwasan nating mangyari o isang
pangyayaring ating tinatawag na ‘hulog ng langit’.

15. Kailangang ipasa ang lahat ng mahihirap na mag-aaral sapagkat lalo silang
magiging kaawa-awa kung sila ay lalagpak.

Aralin
Paggamit ng Mabisang
Paraan ng Pagpapahayag sa
9 Reaksyong Papel
Sa modyul na ito ay tatalakayin ang paggamit ng mabisang paraan ng pagpapahayag
na may kalinawan, kaugnayan at bisa sa pagsulat ng reaksyong papel. Dito ay
pagtutuunan mo ng pansin ang mga paraan upang makabuo at makasulat ng isang
reaksyong papel.

Balikan

Bago natin simulan ang iyong magiging paglalakbay sa modyul na ito, muli mong
balikan ang iyong natutuhan sa mga naunang aralin sa pamamagitan ng pagsagot
sa katanungang ito:

- Masasabi mo bang mahalagang pag-aralan ang iba’t ibang uri ng

teksto? Bakit?

Mga Tala para sa Guro

Halina at ipagpatuloy ang iyong pag-aaral.

Tuklasin mo ang mga pamamaraan sa
mabisang paggamit ng pagpapahayag upang
makabuo ng isang reaksyong papel.

220
Tuklasin

Narito ang ilang mga popular na linya na ginampanan ng mga sikat na aktor.
Pansinin ang mga sumusunod na linya na binanggit ng popular na aktor at aktres
na gumanap sa pelikula.

1. “Siguro kaya tayo iniiwanan ng mga mahal natin dahil may darating pang ibang
mas magmamahal sa’tin – ‘yung hindi tayo sasaktan at paasahin…’yung magtatama
ng lahat ng mali sa buhay natin”
-John Lloyd “One More Chance 2007”

2. "I know what you're doing here. Just be careful with them, hindi lahat ng puso
kasing tibay ng sa 'kin."
- Clarisse (Andi Eigenman), Camp Sawi

3. “Oh yes kaibigan mo ako, kaibigan mo lang ako… And I’m so stupid to make the
biggest mistake of falling in love with my bestfriend!!!”
-Jollina Magdangal “Labas Kita Okey Lang 1998”

4. “May mga maswerteng tao na nahanap na yung taong para sa kanila. May mga
taong patuloy na naghahanap at may iba na sumuko na. Pero yung
pinakamasaklap, e yung na sa’yo na pinakawalan mo pa.”
-Toni Gonzaga “Starting Over Again 2014”

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano ang napuna mo sa bawat pahayag?

2. Mayroon bang pagkakatulad o pagkakaiba sa mga ito?

3. Anong uri ng pahayag ang mga nabanggit?

4. Bakit mahalagang malaman ang uri ng mga pahayag?

221
Suriin

Upang mas maging maliwanag sa iyo ang ang iba’t ibang uri ng pahayag, tara na’t
basahin at unawaing mabuti ang kahulugan ng mga ito at ang kalakip na
halimbawa. Makatutulong ito upang makapagsuri at makapagbigay ka ng iyong
reaksyon na mula sa binasang teksto o pinanood na pelikula.

Iba’t ibang Uri ng Pahayag

Paglalahad

Ayon kay Arrogante (1994), ang paglalahad ay isang pagpapaliwanag na

obhetibo o walang pagkampi na may sapat na detalye at pawang pampalawak ng
kaalaman sa paksang binibigyang-linaw nang lubos upang maunawaan nang may
interes.

Halimbawa:

Ang Sakit na Coronavirus 2019 (COVID-19, Coronavirus Disease 2019) ay

isang sakit sa paghinga sa mga tao na sanhi ng bagong virus. Maaari itong kumalat
mula sa bawat tao. Dahil ito ay bagong virus, mayroon pang hindi natin alam, ngunit
natututo pa tayo tungkol sa COVID19 bawat araw. Ang pampublikong kalusugan sa
komunidad ng Minnesota ay nagsisikap upang mapabagal ang pagkalat ng COVID-
19 sa ating estado, at umaasa kami sa tulong ng bawat isa. Iwasan ang mga
pagpapalagay tungkol sa kung sino sa tingin mo ang may sakit. Hindi namimili ang
virus.
https://www.health.state.mn.us/diseases/coronavirus/materi
als/basicstagalog.pdf

Pagsasalaysay

Ito ay nagsasaad ng mga pangyayari o karanasang magkaugnay. Katulad ito

ng pagkukuwento ng mga kawil-kawil na pangyayari, pasulat man o pasalita.
Itinuturing ito na pinakamasining, pinakatanyag at tampok na paraan ng
pagpapahayag. Ito rin ang sinasabing pinakamatandang uri ng pagpapahayag
sapagkat dito nagsimula ang alamat, epiko at mga kuwentong bayan.

222
Halimbawa:

Tuwing umagang mananaog siya upang umigib, pinagpapaalalahanan siya

ng ina. Huwag daw siyang makikipagbabag. Huwag daw niyang papansinin si
Ogor. Talaga raw gayon ito, basagulero. Lagi niyang isinasaisip ang mga biling ito
ngunit sadya yatang hindi siya makapagtitimpi kapag naririnig niya ang masasakit
na panunukso sa kanya sa gripo, lalung-lalo na mula kay Ogor.

http://magbasanatayo.blogspot.com/2010/06/impeng-
negro-ni-rogelio-sikat.html

Pangangatwiran

Ang pangangatwiran o pagmamatuwid ay isang anyo o paraan ng

pagpapahayag na ang isang katotohanan ay pinagtitibay o pinatutunayan sa
pamamagitan ng katwiran o rason. Ang pangangatwiran ay kasingkahulugan ng
pagbiibigay-palagay, paghuhulo, pag-aakala, pagsasapantaha o paghihinuha.

Halimbawa:

Ano ang mapapala ninyo kung iboto ang aking katunggali gayong hindi siya
naging pinuno ng kanyang klase o ng kanyang barangay kaya? Balita ko’y under de
saya pa yata!

Paglalarawan
Ang paglalarawan ay isang anyo o paraan ng pagpapahayag ng mga kaisipan
o pala-palagay tungkol sa isang tao, isang hayop, sa isang bagay, isang lugar o sa
isang pangyayari sa pamamagitan ng makukulay, mahuhugis o maanyo at iba
pang pandama.

Halimbawa:
Pinagtaasan siya ng kilay ng kanyang kaibigan nang ipagtapat niyang
umiibig siya sa isang kahig isang tukang binata.

223
Pagyamanin

PAGSASANAY 1

Gamit ang mga larawang nakikita, pumili ng isa at ipaliwanag batay sa kung
ito ba ay pagsasalaysay, pangangatwiran, paglalarawan at paglalahad na
pahayag.

PAGSASANAY 2

Subukan mo naman na ikaw ang magbigay ng sariling reaksyon sa napapanahong

isyu sa inyong komunidad. Ano ang iyong opinyon/reaksyon sa iyong naging
karanasan o maging karanasan ng ibang tao.

1. Pagiging ilaw ng tahanan ng isang ama:

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

224
2. Pagpili ng matalik na kaibigan:

3. Kahalagahan ng takdang-aralin:

4. Pagiging masunurin na mamamayan:

5. Pagiging tapat sa kasintahan:

225
Isaisip

Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

1. Sa iyong palagay, bakit mahalagang alamin ang iba’t ibang uri ng pahayag?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Paano nakaaapekto sa araw-araw na pakikipagkomunikasyon ang di
pagtukoy sa tamang paggamit ng pahayag?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Bilang isang mag-aaral, naging makabuluhan ba sa iyo ang pag-aaral ng uri

ng mga pahayag?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Isagawa

PAGSASANAY 1

Mula sa mga paksang nakalahad, bumuo ng sariling reaksyon batay sa hinihinging

uri ng pagpapahayag.

1. Karanasan habang nasa ilalim ng ECQ/GCQ inyong baranggay ( Pagsasalaysay )

2. Balik- Eskwela sa Kabila ng Pandemya ( Pangangatwiran )

3. Pansamantalng pagtigil sa pag-ere ng ABS-CBN. ( Paglalahad )

4. Middle Class: Dapat bang bigyan din ng ayuda ng ating gobyerno?

( Pangangatwiran )

5. Frontliners: Sa Panahon ng Pandemya ( Pagsasalaysay )

226
Pamantayan sa pagmamarka

Nilalaman / mensahe---------------------------------10 puntos

Orihinalidad---------------------------------------------10 puntos

Pagiging mabisa ng pagpapahayag------------------30 puntos

Kabuoan-------------------------------------------------50 puntos

PAGSASANAY 2

Gamit ang mga pahayag sa loob ng kahon, tukuyin kung anong uri ng
pahayag ang isinasaad.

1. Si Basilio, isang mahusay na mag-aaral ng medisina, maganda ang tindig

ng katawan at natatangi ang pagiging maginoo, Siya ang mabait na kasintahan ni
Huli. Naging matagumpay si Basilio sa kanyang buhay dahil na rin sa kanyang
pagsisikap, nagsilbi siyang kasama ni Kapitan sa kanyang bahay, kaya naman
siya ay nakapag-aral dahil na rin sa kanyang sipag.

Sagot: ________________

2. “Patay na ang ilaw sa kabahayan maliban sa isang maliit na

lampshade na bahagyang tumatanglaw sa kuwarto. Inakala ni Carmen na
tulog na si Orpha kaya hindi na siya nagtawag pang ipagbukas siya ng
pinto. Duplikado naman ang susi at tig-isa pa sila ni Rosita. Gaya ng
nakaugalian na ng dalawa, may uwi silang pumpon ng mga rosas at mga
kuwintas na sampagita. Pagkalapag na pagkalapag ng mga karga-karga sa
sofa, na sinabayan ni Carmen ng bagsak-upong pasandal, agad tinungo ni
Rosita ang altar kinuha ang Kristal na flower vase na nilaglagan na nga mga
talulot ng dating nalalanta nang mga rosas, pinalitan ito ng tubig, at inilagay
ang dalang rosas.
Mga Huwad na Birhen Ni Joey A. Arogante

Sagot: ________________

227
3. Limusan natin ang mga kapuspalad na taong ito sa lansangan. Hindi ba
natin nakikita ang marurumi nilang damit, payat na pangangatawan at
nanlalalim na mga mata? Ano na lamang ba ang magbigay ng ilang limos
bilang pantawid-gutom?

Sagot: ________________

4. Masangsang ang hangin…waring kumunoy na humihigop sa mga sapatos

ko ang maitim, marumi, malapot at malagkit na putik nang dumako ako sa lugar
na iyon na tinatawag na kadiwa. Maingay ang daloy ng trapiko. Sumasabay sa tila
gumagapang na mga sasakyan ang tagaktak ng ulan na parang butil ng yelo sa
lamig ang pagbugsu-bugsong buhos sa malawak ngunit karima-rimarim na paligid.
Oo nasa palengke ako na sa bawat hakbang ko tulad ng ibang bago lamang dito,
hindi maiwasang bumakas sa mukha ang nandidiring ekspresyon.

Mula sa “Musmos” Ni Leah V. Capillanes

Sagot: _______________

5. Anumang bagay na magpapatunay sa aking pagkatao ay maipapaliwanag

ng aking butihing maybahay. Tiyak ko namang paniniwalaan ninyo siya sapagkat
naging mabuti siyang ina ng aking mga anak, kahit tanungin pa ninyo sa ngayon.

Sagot: ________________

6. Ang mga babae ay higit na masisipag magtrabaho kaysa mga lalaki,

kung gayon, sila ay may higit na karapatang magreklamo sa trabaho.

Sagot: ________________

228
7. Ang kapayapaan ng bukid ay tila kamay ng isang inang humahaplos sa
nag-iinit na noo ni Danding. Humihinga siya nang malalim, umupo sa lupa, at
ipinikit ang mga mata. Dahan-dahang iniunat niya ang kanyang mga paa,
itinutukod sa lupa ang mga palad, tumingala at binayaang maglaro sa ligalig
niyang mukha ang banayad na hangin. Kay lamig at kay bango ng hanging iyon.

-- Lupang Tinubuan ni Narciso G. Reyes

Sagot: ________________

8. Gabundok ang kanyang huhugasang pinggan matapos ang pagdidiwang

ng kaarawan ng kanyang ina.

Sagot: ________________

9. Sa pagkamatay ng kaniyang ina, lalong naging mahirap ang buhay ng

batang si Canuto. Lungkot, gutom, hirap at sakit. Subalit kailangan nilang
mabuhay kaya’t nagsikap siya.

Sagot: ________________

10. Maliit siyang babae, siguro mga apat na piye at labing isang pulgada
lamang ang taas niya. Medyo bilugan ang kanyang katawan pero hindi mataba.
Maputi ang kanyang balat at itim ang maikli niyang buhok.

Sagot: ________________

229
Tayahin

Basahing mabuti ang bawat pahayag. Tukuyin kung anong uri ng pagpapahayag
ang sumusunod. Isulat sa iyong sagutang papel kung PAGSASALAYSAY,
PAGLALARAWAN, PANGANGATWIRAN, o PAGLALAHAD.

1. Ang tagumpay ng mga anak sa kinabukasan ay nakasalalay sa pagpapalaki sa

kanila ng kanilang magulang.

2. Bakit mo ako pipilitin na kumain ng gulay? Kung ikaw nga ay hindi rin kumakain
ng gulay!
3. Nakatulala na lamang ang mga tao, nagbubulangang tila hindi malaman abf
mainam na gagawin maliban sa mandilat, umismid at manuro kay Indong.

4. Sa ilalim ng demokrasya ang ating pakahulugan sa tunay na kalayaan ay dapat

malinaw. Ang kalayaan ay hindi kasarinlan.

5.Kaming nga bantay-kanto ay kinatutuyuan daw nila ng dugo dahil mababaw raw
ang aming kaligayahan.

6. Pasyahan na ang kababaihan ay dapat magkaroon ng pantay na Karapatan o

ekwalidad sa kalalakihan sa lahat ng aspekto sa buhay.

7. Noong una talaga, nagdadalawang isip ako kung paniniwalaam ko ba ang mga
naririnig ko, ngunit nang Makita ko kung ano ang naging epekto ng apoy na galling
sa espada ng mga anghel, naiintindihan ko na lahat dahil ito ay pagpapakita ng
pakikipaglaban sa kasamaan.

8. Ang ibig sabihin nang paglalakbay ay pag-alis at pagpunta sa isang lugar upang
maranasan ang mga kultura rito.

9. Sa takot ni Pilato na maalis siya sa tungkulin bilang gobernadora, nagpakuha siya

ng tubig at sa harap ng mga tao ay nagsabing “Wala akong kasalanan sa dugo ng
banal na tao iyan. Kayo ang bahala”.

10. Ang pagmamatuwid na kaya hindi nakapasa sa pagsusulit ang mag-aaral ay

sapagkat hindi siya nagbalik-aral.

11. Nakipagsiksikan ako sa pawisan, at ngayo’y amoy-suka’t amoy-anghit ng mga

taong nakapaligid sa kung anong kasiya-siyang tanawin.

12. Ang dambuhalang makinang iyon ay waring isang kapangyarihang nalalamon.

230
13. May mga bagay sa ating buhay na mahirap at hindi maipapaliwanag kung bakit
ito nangyayari. Maaring ito’y isnang trahedyang iniiwasan nating mangyari o isang
pangyayaring ating tinatawag na ‘hulog ng langit’.

14. Kailangang ipasa ang lahat ng mahihirap na mag-aaral sapagkat lalo silang
magiging kaawa-awa kung sila ay lalagpak.

15. Ayon sa Department of Social Welfare and Development, mahigit sa 4 milyong mga
bata ang napipilitang magtrabaho sa halip na mag-aral at maglaro.

231
Karagdagang Gawain

PAGSASANAY 1

Pagbibigay ng argumento sa isang balita o isyu

Humanap ng anomang kliping sa diyaryo na naglalaman ng balita, editorial,

o iba pang uri artikulo na tumatalakay sa mga napapanahong lokal, pambansa, o
pandaigdigang isyu. Pumili lamang ng isang artikulo na may paksang mahalaga
sa iyo at gamitin mo ang uri ng pagpapahayag.

Tatayahin ang presentasyon batay sa sumusunod na batayan.

Batayan ng Grado Kaukulang Grado

Puntos

Tumpak ang mga datos at impormasyong 10

ginagamit sa pagtalakay

Napapanahon at kapaki-pakinabang ang 10

napiling paksa

Maayos ang sistema at malinaw ang 10

paglalahad ng mga bahagi ng presentasyon

Matalas ang paraan ng argumentsayon at 10

gumamit ng mahalagang ebidensya

Sumunod sa mga panuntunan ng maayos 10

na pagbibigay ng argumentasyon

KABOUAN 50

232
233
Subukin Tuklasin Tayahin
1. Paglalahad 1. Pasalaysay 1. Paglalarawan
2. Pangangatwiran 2. Paglalarawan 2. Paglalarawan
3. Paglalarawan 3. Pangangatwiran 3. Paglalahad
4. Pangangatwiran 4. Paglalahad 4. Paglalarawan
5. Pagsasalaysay 5. Pangangatwiran
6. Paglalahad Isagawa 6. Pangangatwiran
7. Paglalarawan Pagsasanay 2 7. Pagsasalaysay
8. Pangangatwiran 1. Paglalarawan 8. Paglalahad
9. Paglalarawan 2. Pagsasalaysay 9. Paglalarawan
10. Paglalarawan 3. Pangangatwiran 10. Paglalarawan
11. Paglalahad 4. Paglalarawan 11. Pangangatwiran
12. Palalarawan 5. Pangangatwiran 12. Paglalahad
13. Pangangatwiran 6. Pangangatwiran 13. Pangangatwiran
14. Pagsasalaysay 7. Paglalarawan 14. Pangangatwiran
15. Pangangatwiran 8. Paglalarawan 15. Pagsasalaysay
9. Pagsasalaysay
10. Paglalarawan
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Crizel Sicat-De Laza, & A. E. Batnag (2016) Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang
Teksto Tungo sa Pananaliksik Manila, Philippines: Rex Book Store

https://www.slideshare.net/michiperez/mga-aralin-sa-masining-na-pagpapahayag

https://modules.arvicbabol.com/files/FILI112/Lesson%2012%20Pagpapahayag%2
0na%20PasulatPaglalarawanPaglalahadPasalaysayPangangatwiran.pdf

https://www.health.state.mn.us/diseases/coronavirus/materials/basicstagalog.pd
f

234
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex

Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

235
Pagbasa at Pagsusuri
SHS sa Ibat Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik

236
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Pagsulat ng Reaksyong Papel :

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Liway A. Derla
Editor: Pilita A. Villanueva
Tagasuri: Elma H. Ilagan
Helen G. Magnaye
Tagaguhit: Agnes Manaig
Tagalapat: Reden M. Cruzado
Tagapamahala: Wilfredo E. Cabral, Regional Director
Job S. Zape Jr., CLMD Chief
Elaine T. Balaogan, Regional ADM Coordinator
Fe M. Ong-ongowan, Regional Librarian

Department of Education – Region IV-A CALABARZON

Office Address: Gate 2 Karangalan Village, Barangay San Isidro

Cainta, Rizal 1800
Telefax: 02-8682-5773/8684-4914/8647-7487
E-mail Address: region4a@deped.gov.ph

237
Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba’t ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik
Pagsulat ng Reaksyong Papel

238
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto

tungo sa Pananaliksik Baitang 11 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para
sa araling Pagsulat ng Reaksyong Papel!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang buuin, idisenyo at matamang sinuri ng mga

piling guro sa Filipino mulas sa pambulikong paaralan upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at

malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong

ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro

Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral

kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

239
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa

Pananaliksik Baitang 11 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa
Pagsulat ng Reaksyong Papel!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa

pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga

dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung

ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral

upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay

ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling

pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa

malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

240
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong

sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o

masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat

ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa

Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng

makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

241
Week

8
Alamin

Handa ka na bang maglakbay? Kung handa ka na, sundin lamang ang isinasaad ng
akrostik na PAGBASA.
P-animulang Pagtataya ay sagutan
A-lamin ang bawat bahagi ng modyul
G-awin ang mga aktibiting nakalaan sa bawat bahagi
B-awat bahagi ay may nakalaang icon bilang representasyon
A-t habang nagsasagot ng modyul, kinakailangang basahin at unawain ang
mga teksto upang makapagbigay ka ng iyong opinyon at reaksyon
S-agutan ang pangwakas na pagtataya at iwasto ito upang malaman mo ang
lebel ng iyong kakayahan
A-t sa huli, binabati kita sa matagumpay mong paglalakabay, maaari ka ng
magtungo sa susunod na modyul.

Kasanayang Pampagkatuto:
Nakasusulat ng mga reaksyong papel batay sa binasang teksto ayon sa
katangian at kabuluhan nito sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig.

Layunin:
A. Nakasusulat ng reaksyong papel batay sa binasang teksto ayon sa katangian
at kabuluhan nito sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig.
B. Nakasusulat ng reaksyong papel batay sa binasang teksto.
C. Maibahagi ang sariling impresyon tungkol sa binasang teksto.

242
Subukin

Basahin at unawain ang bawat aytem. Piliin lamang ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay tumutukoy sa pagbibigay o paglalahad ng isang opinion o kaisipan na
maaring sumang-ayon o sumasalungat sa mga sitwasyong may kinalaman sa
gawi ng mga tao, bagay, pook at pangyayari.
A. Liham C. Tekstong Naratibo
B. Reaksyong Papel D. Pagsulat ng Pananaliksik

2. Alin sa mga pahayag ang nagsasaad ng kaibahan ng reaksyong papel sa iba

pang sulatin?
A. Ito ay naglalahad ng mga impormasyon.
B. Ito ay naglalahad ng mga argumentong paksa.
C. Ito ay naglalahad ng mga sulating may proseso.
D. Ito ay naglalahad ng mga opinion at sariling ideya tungkol sa
binasa.

3. Anong bahagi ng reaksyong papel ang pumupukaw sa interes ng mga

mambabasa?
A. Wakas B. Katawan C. Kongklusyon D. Introduksyon

4. Bakit kinakailangang suriin ng manunulat ang kanyang akda bago ito

ipamahagi sa mga mambabasa?
A.Upang hindi malito ang mambabasa
B. Upang magkaroon ng maayos na daloy ng ideya.
C. Upang maisabuhay ng mambabasa ang binasang akda
D. Upang matugunan ng may-akda ang kawilihan ng mambabasa.

5. Nabasa mo sa isang teksto ang tungkol sa busilak na pagmamahal ng isang

babae sa kaniyang kasintahang lalaki na kahit sa kamatayan ay hindi niya
siya iniwan. Alin sa sumusunod na reaksyon ang posibleng maibigay mo?
A. Lalaban ang pag-ibig kung kinakailangan.
B. Ang tunay nap ag-ibig ay dapat pahalagahan.
C. Hindi nagtatagal ang tunay nap ag-ibig sa mundo.
D. Masakit Makita na mamatay na lamang ang isang pag-ibig.

6. Ito ay bahagi ng reaksyong papel kung saan nakasaad ang iyong sariling
kaisipan ukol sa pangunahing ideya.
A. Wakas B. Katawan C. Kongklusyon D. Introduksyon

243
7. Nagkaroon kayo ng isang Gawain kung saan susulat kayo ng reaksyong papel.
Nang maipasa mo ito sa iyong guro, ibinalik niya ito sapagkat kailangan mo
itong iwasto batay sa ibinigay niyang komento dito. Ano ang dapat mong
maging tugon?
A. Hindi ko papansinin ang mga komento niya.
B. Uunawain ko ang aking guro para hindi siya magalit.
C. Tatawanan ko na lamang ang komento ng aking guro.
D. Susundin ko ang komento ng aking ng aking guro upang maging
maayos ang aking sulatin.

8. “Masayang umuwi ang mag-anak dahil kumpleto na ang kanilang pamilya.

Totoo nga ang kasabihan na “Kung mahal ka, babalikan ka.” Minsan talaga
dumarating ang pagkakataon na nakakaranas tayo ng mga pagsubok sa
buhay. Mga pagsubok na nagpapatatag upang mas lumalim pa ang relasyon
ng isang nagkaka-isang pamilya.”
Ito ay mula sa reaksyong papel na may pinamagatang Sandigan ito ay
tumutukoy sa pamilya. Sa anong bahagi ng reaksyong papel
napapaloob ang talata?

A. Wakas B. Katawan C. Kongklusyon D. Introduksyon

9. Kinukondisyon ng nalalapit na eleksyon sa Mayo ang ating kolektibong pag-

iisip bilang mamamayan ng Pilipinas. Bahagyang hinuhubog nito ang ating
kilos at salita na siyang kumakatawan sa ating pag-asa at mga pangarap para
sa ating sarili at para sa ating bansa. Dahil nakatuon ang atensyon natin sa
nalalapit na eleksyon at dahil hindi maiwasang pag-usapan ang mga
pambansang isyu na kadalasa’y mga pambansang suliranin (tulad ng
kurapsyon at kahirapan), nagkakaroon tayo ng natatangi at mas malawak na
pag-mumuni-muni sa ating sosyolohikal at political na sitwasyon, na tila
naming nambubuyo sa ating pakiramdam ng kaibigan.
Ito ay mula sa isang reaksyon sa “Ang Demokratikong Sistema at ang mga
Modelo ng pamumuno sa Pilipinas” mula kay Paolo A. Bolanos. Sa anong
bahagi ng reaksyong papel napaploob ang talata?

A. Wakas B. Katawan C. Kongklusyon D. Introduksyon

10. “Sigaw ni Juan ang salitang Pagkakaisa ang kailangan, pero hindi alam ni
Juan kung ano at paano gagawin ang pagkakaisa kung ang bawat Juan ay
nahahati sa kani-kanilang partido at sumisigaw ng kanya-kanyang
pagkakaisa.
Kung kailangan natin ng pagbabago, at pagkakaisa tungo sa makabagong
Pilipinas na walang kurapsyon, sinimulan natin sa pagtigil ng pagpuna at
batikos ng bibig.

Kung ano man ang susunod, ikaw Juan ang nakakaalam.”

Ito ay mula sa isang reaksyon na “kurapsyon sa bansa” mula kay Tani

Michaels. Sa anong bahagi ng reaksyong papel napapaloob ang talata?

B. Wakas B. Katawan C. Kongklusyon D. Introduksyon

244
11-13 Ano ang tinatalakay sa reaksyong papel ng sumusunod?

11. Lahat ng tao sa mundo ay may mga karanasan o naranasan na hindi

malilimutan. Sa tekstong ito napakaraming tanong ang nabuo sa aking
isipan. Una aanhin ko nga naman ang maraming salapi kung hindi ko naman
kasama ang mga mahal ko sa buhay. Masarap mabuhay sa mundong ito ng
may kasama ka sa lungkot at saya ng iyong buhay. Naantig ang aking puso
sa mga pahayag ng may akda dahil sa mga pangyayari sa kanyang buhay.
Nagbigay ito ng inspirasyon sa akin para mas lalo ko pang mahalin ang aking
mga magulang at pamilya.
A. bansa B. daigdig C. komunidad D. pamilya

12. Sino ba ang ating pambansang bayani? Ikaw, kilala mo ba siya? Siya lang
naman si Dr. Jose P. Rizal ang isa sa hinahangaan kong bayani ng ating
bansa. Pero bakit parang nawalan na ng pagpapahalaga ang mga taong nasa
likod ng pagpapatayo ng Torre de Manila? Dahil ba sa pera? Dahil alam nila
na malaki ang kikitain nila sa pagtatayo nito. Kung ako ang tatanungin hindi
ako sang-ayon sa pagtayo nito. Naging pambansang photoboomer tuloy siya.
Nasan na ang kahalagahan ng ating pambansang bayani? Sana nabigyan ito
ng hustiya. Nasaan na ang ganda ng monumento ni Dr. Jose Rizal.
A. bansa b. sarili C. komunidad D. pamilya

13. Ang tekstong ito ay nagbibigay ng mga paalaala sa mga taong magkakaroon
ng panayam para sa inaapplayang trabaho. Napakahusay ng may akda nito
dahil marami akong naunawaan at natutunan sa kanya. Paniguradong
magiging maayos ang aking pananamit at maging ang aking itsura para sa
panayam. Dapat lagi tayong maghanda at mag insayo sa harap ng salamin.
Dapat maging simple lamang tayo sa ating pananamit.
A. bansa B. sarili C. komunidad D. pamilya
14. Sa pagsasagawa ng isang reaksyong papel, lahat ay inaasahan maliban sa
____________.

A. mga pangungusap na naglalahad ng panunudyo o pambubuska sa

kapuwa.
B. isang panimula na nagtataglay ng pagganyak sa mambabasa.
C. pangungusap na nagtataglay ng magandang bagay na mapupulot
sa paksa.
D. pagtalakay na nagpapakita ng makabuluhang pananaw tungkol sa
paksa.

245
15. Isa sa mga salitang napag-aralan natin sa wikang Pilipino ay ang salitang
“nabansot”. Kapag ang isang bagay raw ay dapat pang lumaki ngunit itoý tumigil
na sa paglaki, ang bagay na ito raw ay nabansot. Marami raw uri ng pagkabansot,
ngunit ang pinakamalungkot na uri raw ay ang pagkabansot ng isipan, ng puso,
at ng diwa. Anong reaksyong ang ipinahihiwatig ng manunulat?

A. matinding galit B. panghihinayang C. kalungkutan D. kasiyahan

Aralin
10 Reaksyong Papel
“Bago mo simulan ang mga gawain. Hayaan mo munang ilibot kita sa iba’t ibang lugar
sa pamamagitan ng mga pahayag mula sa iba’t ibang bansa. Subalit
kailangang bigyan mo ng maikling reaksyon ang bawat kasabihan.”
. 1. Pagkatapos ng ulan, hindi na kakailanganin ang payong. (Bulgaria)
2. Ang aklat ang nagbibigay ng kaalaman ngunit ang buhay ang nagbibigay
ng pag-unawa. (Hebreo)
3. Mas mainam na ang bumalik kaysa maligaw. (Russia)
4. Mapapaamo ang anomang uri ng hayop ngunit ang hindi ang dila ng tao
(Pilipinas)

Balikan

Ngayon tayo namang magbalik –aral. Handa ka na ba? Ating balikan ang mga
nakaraang aralin na ating napag-aralan.

Maaari mo bang sagutin ang mga katanungan para sa ating balik aral?

1. Ano ano ang mga pamamaraan sa pagbuo ng reaksyong papel?

2. Sa pagsusuri ng isang maikling kwento ano ba ang mga dapat isaalang
alang para maisagawa ito?

Magaling! Iyong naunawaan ang nakaraang aralin. Ngayon naman ating aralin ang
Pagsulat ng Reaskyong Papel. Halika ka na at ating simulan ang aralin.

246
Mga Tala para sa Guro

“Alam kong makatutulong ito sa iyo upang magkaroon ka ng gabay at

mapadali sa iyo ang daloy ng modyul na ito.”

Basahin ang sumusunod na pangungusap.

1. Sa panahon ngayon, marami na sa atin ang nakakagamit na ng mga

gadgets na produkto ng makabagong teknolohiya. Sa tulong ng mga gadgets
gaya ng cellphone, laptop, smartphone at iba pa, malaya tayong
nakakapagpahayag ng ating saloobin o damdamin at makapagbigay ng
reaksyon sa pamamagitan ng facebook, instagram, tweeter, blog/vlogsites,
youtube at iba pa.

2. Sa panahon ngayon, marami na sa atin ang nakakagamit na ng mga

gadgets na produkto ng makabagong teknolohiya. Sa tulong ng mga gadgets.
3. Ngunit ano nga ba ang tamang pagbibigay ng reaksyon sa isang pahayag
o babasahin.

4. Maari bang lagi ka nalamang sasaangyon dahil iyon ang gusto ng

nakakarami? O sasalungat ka dahil iyon ang nais mo?

5. Sa araling ito matutunan mong maunawaan paano ba ang tamang

pagbibigay at pagsulat ng isang reaksyon. Sa pamamagitan ng mga tamang
proseso sa pagsulat nito.

Handa ka na bang matuto? Halika ating umpisahan ang sesyon na ito.

247
Kahit nasa bingit ng kamatayan
Usal na dasal makaligtas sana.

Gapiin ang kamandag ni Corona

Tuklasin Huwag magwagi bagsik ni Corona

Naririnig namin usal ninyong hiling

Tara na’t simulan natin ang sesyon. Taimtim na panalangin
T-ulang alay sa mga frontliners sa Covid- Matapos na sana, salot ni Corona
19 ating basahin Matigil na ang mga palahaw ng mga
U-pang kabayanihan nila ay kilalanin naulila
L-inya ng mga tula ay ating namnamin
At marapat na isapuso at isaisip natin Matigil na ang salot na dulot
Matigil na bumabalot na lungkot!
Naririnig namin, taimtim nyong
TULA: panalangin
Mailigtas ang buhay, di na madagdagan
dumaragsang bangkay…
Alay sa mga Frontliners sa COVID-19 Naririnig namin taimtim
By MALOU TIANGCO nyong panalangin

-APRIL 6, 2020 12:44 AM

Matapos na
Magapi na
(Para sa kawani sa kalusugan, Kamandag ni Corona
lansangan, basurero, panadero/a, taga Upang makauwi naman
palengke, boluntaryo, tagapagpaganap Makapiling mga mahal sa buhay!
sa barangay, social workers, taga gawa
ng batas, nagpapatupad ng batas,
bumubutas sa batas, pamilya ng mga Dalangin nyo, tumatagos sa hangin
pumanaw at lumalaban na wag Dalangin nyo, aming naririnig
pumanaw, tagadasal, nagsusulat at Sinasabayan namin inyong panalangin
naglalathala, nagugutom at namatay sa Sana’y makamtan nga inyong
gutom dahil sa lockdown, atbp) hinihiling…

Sa inyo aming alay Matapos na

Kayong nagliligtas ng buhay Magapi na
Meron din kayong pangamba Kamandag ni Corona
Bagsik na dala ni Corona Matigil na bumabalot na lungkot
Matigil na takot na dulot
Matigil na…!
Kayong humaharap sa nakaambang
panganib
Nanaig ang katapatan sa sinumpaang https://www.mindanews.com/arts-
katungkulan culture/2020/04/tula-alay-sa-mga-
frontliners-sa-covid-19/
Gabay na tanong:

 Ano ang iyong saloobin tungkol sa tula na Alay sa mga Frontliners sa

COVID19 ni Malou Tiangco?
 Anong kaisipan o damdamin ang napukaw sa iyo habang binabasa mo
ito?

248
Suriin

Kahulugan ng Reaksyong Papel

Alam mo ba na ang reaksyong papel ay maituturing na isang uri ng sulatin kung
saan ang may akda ay makakapagbigay ng sariling ideya at opinion patungkol sa
binasang teksto. https://www.bestessays.com/glossary/reaction_paper.php

Ano nga ba ang kaibahan ng pagsulat ng reaksyong papel sa ibang sulatin? Ang
isang reaksyong papel ay naglalahad ng sariling opinyon at mga natutunan ng isang
manunulat patungo sa isang teksto o pangyayari.
https://kingessays.com/reaction-paper.php

At mula rin sa coursehero.com sa pagsulat ng reaksyong papel mahalaga ring

isaalang-alang ang sarili at ang mga maaring makabasa ng isinulat. Maaring ang
mismong pamilya, komunidad, bansa at maging ang daigdig ay maabot ng iyong
isinulat, lalo pa sa panahon ngayon na napakabilis ng teknolohiya. Laging tandaan
na ang bawat isa ay mayroong responsibilidad sa sarili at sa kapwa.

Apat na bahagi ng Reaksyong Papel

1. Introduksiyon- ito ang pupukaw sa interest ng mga nagbabasa. Sa parteng

ito, kailangang ilarawan ang papel at may-akda na iyong pinag-aaralan.
Kailangang maglagay ng mga tatlo hanggang apat na mga pangungusap mula
sa orihinal na papel na iyong pinag-aaralan. Kailangan ding maglagay ng
iyong maikling thesis statement ukol sa papel.

2. Katawan - Ang katawan ay kung saan nakasaad ang iyong mga sariling
kaisipan ukol sa mga pangunahing ideya ng papel na iyong pinag-aaralan.
Dito sinusuri ang orihinal na papel.

3. Konklusyon - Ang konklusyon ay maikli lamang ngunit naglalaman ng

impormasyon ukol sa thesis at mga pangunahing ideya na nasaad sa
reaksyong papel.

4. Pagsipi at pinagmulan ng mga impormasyon - Ito ay ang bahagi kung saan

nakalagay ang maikling impormasyon ukol sa pagsipi at pinagmulan ng mga
impormasyon na iyong nailahad.
https://kingessays.com/reaction-paper.php

249
Pagyamanin

Basahin Natin Ito…

Ang babasahin nating teksto na may pinamagatang “Istranded” na akda ni Niel
Ambion ng Pinoy weekly noong Mayo 1, 2020
Panuto: Bumuo ng maikling reaksyong papel para sa tekstong iyong binasa. Gamitin
ang mga gabay na tanong sa pagbuo ng reaksyon. Alalahanin ang tinalakay na
saligan sa pagsulat ng akademikong papel at gumamit ng iba’t ibang uri ng teksto
sa pagbuo ng suliranin. Isulat ang reaksyong papel sa iyong kwaderno.
 Ano-anong katanungan ang lumitaw sa aking binasa?
 Anong kaisipan o damdamin ang napukaw sa akin habang binabasa
ang teksto?
 Kawili-wili ba ito para sa akin?
 Naniniwala, sumasang-ayon, o nahikayat ba ako sa layunin ng teksto?
 Paano ko maiuugnay sa aking sarili ang mga kaisipan o damdaming
ito?
 Paano sinasalamin ng paksa o tema ng teksto ang lipunan o
kasalukuyang mga pangyayari?

Istranded
Dobleng dagok naman ang nararanasan ng OFWs na istranded sa National
Capital Region mula nang ipatupad ang enhanced community quarantine (ECQ).
Bukod pa kasi sa libu-libo nang narepatriate na OFWs mula sa iba’t ibang bansa na
istranded ngayon sa quarantine facilities, mahigit 30,000 pang istranded sa
Kamaynilaan na seafarers at land-based OFWs na nagsasanay o nag-aayos pa lang
ng papeles at mga kontrata nang abutan ng ECQ. Daing nila, hindi na nga sila
makapagtrabaho, wala pa silang natatanggap na tulong mula sa gobyerno. Hindi
kasi kasama sa prayoridad na bigyang ayuda ang mga gaya nilang hindi pa
nakakaalis o paalis pa lang. Dahil mga OFWs, hindi rin isinasama ang pamilya nila
sa Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and
Development (DSWD). Kuwento ng seaman na si Jevy Garsilva, isa sa libu-libong
nag-aplay para sa AKAP, naka-ilang balik na sila sa OWWA para humingi ng tulong.
Nilalakad lang nila mula sa boarding house sa Maynilapapunta sa tanggapan ng
ahensiya sa Pasay pero ipinapasa lang sila sa Maritime Industry Authority (Marina)
na ipapasa lang din sila sa kani-kanilang manning agency. “Pagpunta namin sa
OWWA ituturo kami sa Marina tapos sasabihing hindi mandatory (ang pagbigay ng
tulong), kasi wala pang badyet. Nasaan ’yung pondo namin? Ang tulong kailangan
namin ngayon, hindi pagkatapos pa ng lockdown,” ani Jevy. Lampas isang buwan
nang stranded si Jevy sa Maynila. Kakatapos niya lang magsanay dito at pasampa
na sana ng barko nang abutan ng lockdown. Dahil hindi nakaalis, problema niya
ngayon kung saan kukuha ng panggastos sa araw-araw at ang ipapadala sa pamilya
sa probinsiya na hindi rin makapaghanap-buhay dahil sa ECQ. Ang naipon niya
kasi, naubos na sa training at pagaayos ng mga papeles. “Buti yung mga nakaalis,
kahit papaano may maiuuwi pa. Eh, paano naman kaming mga istranded? Dapat
bigyan din kaming prayoridad,” giit ni Jevy.

250
Isaisip

Panuto: Punan ng angkop na salita ang patlang upang mabuo ang diwa ng talata

1. Ang isang reaksyong papel ay naglalahad ng ______, ________ at mga

natutunan ng isang manunulat patungo sa isang teksto o pangyayari.
2. Sa pagsulat ng reaksyong papel mahalaga ring isaalang-alang ang _____at
ang mga maaring makabasa ng isinulat. Maaring ang mismong ______,
________, _______ at maging ang daigdig ay maabot ng iyong isinulat, lalo pa
sa panahon ngayon na napakabilis ng _________.
3. Sa bahagi ng reaksyong papel, ang __________ ay ang pumupukaw sa interest
ng mga nagbabasa. Sa parting ito kailangang ilarawan ang papel at may-akda
ng iyong pinag-aralan.
4. Ang ________ naman ay maikli lamang ngunit naglalaman ito ng impormasyon
ukol sa binasa.
5. Sa proseso naman ng pagsulat ng reaksyong papel ang ____________ sa
bahaging ito ay kailangang mangalap ng mga ideya o imporamsyon tungkol
sa pkasa na nais isulat.

Isagawa

Subukan mo naman na ikaw ang magbigay ng sariling reaksyon sa napapanahong

isyu sa inyong komunidad. Ano ang iyong opinyon/reaksyon sa iyong naging
karanasan o maging karanasan ng ibang tao.

___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

251
Tayahin

Panuto: Basahin at unawain ang bawat aytem. Itiman ang bilog ng napiling sagot.

1. Ito ay tumutukoy sa pagbibigay o paglalahad ng isang opinion o kaisipan na

maaring sumang-ayon o sumasalungat sa mga sitwasyong may kinalaman
sa gawi ng mga tao, bagay, pook at pangyayari.
A. Liham C. Tekstong Naratibo
B. Reaksyong Papel D. Pagsulat ng Pananaliksik

2. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng kaibahan ng reaksyong

papel sa iba pang sulatin?
A. Ito ay naglalahad ng mga impormasyon.
B. Ito ay naglalahad ng mga argumentong paksa.
C. Ito ay naglalahad ng mga sulating may proseso.
D. Ito ay naglalahad ng mga opinyon at sariling ideya tungkol sa binasa

3. Anong bahagi ng reaksyong papel ang pumupukaw sa interes ng mga

mambabasa?
A. Wakas B. Katawan C. Kongklusyon D. Introduksyon

4. Bakit kinakailangang suriin ng manunulat ang kanyang akda bago ito

ipamahagi sa mga mambabasa?
A. Upang hindi malito ang mambabasa
B. Upang magkaroon ng maayos na daloy ng ideya.
C. Upang maisabuhay ng mambabasa ang binasang akda
D. Upang matugunan ng may-akda ang kawilihan ng mambabasa.

5. Nabasa mo sa isang teksto ang tungkol sa busilak na pagmamahal ng isang

babae sa kaniyang kasintahang lalaki na kahit sa kamatayan ay hindi niya
siya iniwan. Alin sa sumusunod na reaksyon ang posibleng maibigay mo?
A. Lalaban ang pag-ibig kung kinakailangan.
B. Ang tunay nap ag-ibig ay dapat pahalagahan.
C. Hindi nagtatagal ang tunay nap ag-ibig sa mundo.
D. Masakit makita na mamatay na lamang ang isang pag-ibig.

6. Ito ay bahagi ng reaksyong papel kung saan nakasaad ang iyong sariling
kaisipan ukol sa pangunahing ideya.
A. Wakas B. Katawan C. Kongklusyon D. Introduksyon

252
7. Nagkaroon kayo ng isang Gawain kung saan susulat kayo ng reaksyong papel.
Nang maipasa mo ito sa iyong guro, ibinalik niya ito sapagkat kailangan mo
itong iwasto batay sa ibinigay niyang komento dito. Ano ang dapat mong
maging tugon?
A. Tatawanan ko na lamang ang komento ng aking guro.
B. Hindi ko papansinin ang mga komento niya.
C. Pag-aaralan ko ang mga komento at isasagawa.
D. Uunawain ko ang mga ito para para hindi siya magalit.
8. “Masayang umuwi ang mag-anak dahil kumpleto na ang kanilang pamilya.
Totoo nga ang kasabihan na “Kung mahal ka, babalikan ka.” Minsan talaga
dumarating ang pagkakataon na nakakaranas tayo ng mga pagsubok sa
buhay. Mga pagsubok na nagpapatatag upang mas lumalim pa ang relasyon
ng isang nagkaka-isang pamilya.”
Ito ay mula sa reaksyong papel na may pinamagatang Sandigan ito ay
tumutukoy sa pamilya. Sa anong bahagi ng reaksyong papel
napapaloob ang talata?

A. Wakas B. Katawan C. Kongklusyon D. Introduksyon

9. Kinukondisyon ng nalalapit na eleksyon sa Mayo ang ating kolektibong pag-

iisip bilang mamamayan ng Pilipinas. Bahagyang hinuhubog nito ang ating
kilos at salita na siyang kumakatawan sa ating pag-asa at mga pangarap para
sa ating sarili at para sa ating bansa. Dahil nakatuon ang atensyon natin sa
nalalapit na eleksyon at dahil hindi maiwasang pag-usapan ang mga
pambansang isyu na kadalasa’y mga pambansang suliranin (tulad ng
kurapsyon at kahirapan), nagkakaroon tayo ng natatangi at mas malawak
nap ag-mumuni-muni sa ating sosyolohikal at political na sitwasyon, na tila
naming nambubuyo sa ating pakiramdam ng kaibigan.
Ito ay mula sa isang reaksyon sa “Ang Demokratikong Sistema at ang
mga Modelo ng pamumuno sa Pilipinas” mula kay Paolo A. Bolanos. Sa
anong bahagi ng reaksyong papel napaploob ang talata?
A. Wakas B. Katawan C. Kongklusyon D. Introduksyon

10. “Sigaw ni Juan ang salitang Pagkakaisa ang kailangan, pero hindi alam ni
Juan kung ano at paano gagawin ang pagkakaisa kung ang bawat Juan ay
nahahati sa kani-kanilang partido at sumisigaw ng kanya-kanyang
pagkakaisa.
Kung kailangan natin ng pagbabago, at pagkakaisa tungo sa
makabagong Pilipinas na walang kurapsyon, sinimulan natin sa pagtigil ng
pagpuna at batikos ng bibig.

Kung ano man ang susunod, ikaw Juan ang nakakaalam.”

Ito ay mula sa isang reaksyon na “kurapsyon sa bansa” mula kay Tani
Michaels. Sa anong bahagi ng reaksyong papel napapaloob ang talata?

A. Wakas B. Katawan C. Kongklusyon D. Introduksyon

253
11-13. Ano ang tinatalakay sa reaksyong papel ng sumusunod?

11. Lahat ng tao sa mundo ay may mga karanasan o naranasan na hindi

malilimutan. Sa tekstong ito napakaraming tanong ang nabuo sa aking
isipan. Una aanhin ko nga naman ang maraming salapi kung hindi ko naman
kasama ang mga mahal ko sa buhay. Masarap mabuhay sa mundong ito ng
may kasama ka sa lungkot at saya ng iyong buhay. Naantig ang aking puso
sa mga pahayag ng may akda dahil sa mga pangyayari sa kanyang buhay.
Nagbigay ito ng inspirasyon sa akin para mas lalo ko pang mahalin ang aking
mga magulang at pamilya.
A. bansa B. daigdig C. komunidad D. pamilya

12. Sino ba ang ating pambansang bayani? Ikaw, kilala mo ba siya? Siya lang
naman si Dr. Jose P. Rizal ang isa sa hinahangaan kong bayani ng ating
bansa. Pero bakit parang nawalan na ng pagpapahalaga ang mga taong nasa
likod ng pagpapatayo ng Torre de Manila? Dahil ba sa pera? Dahil alam nila
na malaki ang kikitain nila sa pagtatayo nito. Kung ako ang tatanungin hindi
ako sang-ayon sa pagtayo nito. Naging pambansang photoboomer tuloy siya.
Nasan na ang kahalagahan ng ating pambansang bayani? Sana nabigyan ito
ng hustiya. Nasaan na ang ganda ng monumento ni Dr. Jose Rizal.
A. bansa B. sarili C. komunidad D. pamilya

13. Ang tekstong ito ay nagbibigay ng mga paalaala sa mga taong magkakaroon
ng panayam para sa inaapplayang trabaho. Napakahusay ng may akda nito
dahil marami akong naunawaan at natutunan sa kanya. Paniguradong
magiging maayos ang aking pananamit at maging ang aking itsura para sa
panayam. Dapat lagi tayong maghanda at mag insayo sa harap ng salamin.
Dapat maging simple lamang tayo sa ating pananamit.
A. bansa B. sarili C. komunidad D. pamilya

14. Sa pagsasagawa ng isang reaksyong papel, lahat ay inaasahan maliban sa

__________________.

A. pangungusap na naglalahad ng personal na pag-atake o pagtuligsa.

B. isang panimula na nagtataglay ng isang pagganyak para sa
mambabasa.
C. pagbibigay at pag-iiwan ng isang magandang bagay na mapupulot
sa paksa.
D. pagtalakay na nagpapakita ng iyong malalim at makabuluhang
pananaw sa paksang tinatalakay

15. Isa sa mga salitang napag-aralan natin sa wikang Pilipino ay ang salitang
“nabansot”. Kapag ang isang bagay raw ay dapat pang lumaki ngunit itoý
tumigil na sa paglaki, ang bagay na ito raw ay nabansot. Marami raw uri ng
pagkabansot, ngunit ang pinakamalungkot na uri raw ay ang pagkabansot ng
isipan, ng puso, at ng diwa. Ano ang damdamin ang ipinakikita ng manunulat
sa reaksyong papel na ito?
A. matinding galit B. panghihinayang C. kalungkutan D. kasiyahan

254
Karagdagang Gawain

Ang babasahin nating teksto na may pinamagatang “Sa Aking Pagtanda (Sulat ni
Nanay at Tatay)” na akda ni Rev. Fr. Ariel F. Robles, CWL.

Si Rev. Fr. Ariel F. Robles ay ang CWLSpiritual Director ng St. Augustine

Parish sa Baliuag, Bulacan. Napakaganda ng kanyang isinulat na talaga namang
nakakurot sa mga taong makakabasa nito. Sana sa iyong pagbabasa iyo mo ring
mabigyan ng kahalagahan ang mensahe ng tesktong ito. Atin ng umpisahan ang
pagbabasa, Handa ka na ba?

Panuto: Bumuo ng maikling reaksyong papel para sa tekstong iyong binasa. Gamitin
ang mga gabay na tanong sa pagbuo ng reaksyon. Alalahanin ang tinalakay na
saligan sa pagsulat ng akademikong papel at gumamit ng iba’t ibang uri ng teksto
sa pagbuo ng suliranin. Isulat ang reaksyong papel sa iyong kwaderno.
 Naging kawili-wili ba para sa akin ang binasang sanaysay?
 Ano-anong katanungan ang sumagi sa akin matapos basahin ang
sanaysay?
 Anong kaisipan o damdamin ang napukaw sa akin habang binabasa
ko ang sanaysay?
 Paano ko maiuugnay sa aking sarili ang mga kaisipan o damdaming
ito?
 Naniniwala, sumang-ayon, o nahikayat ba ako sa layunin ng binasang
sanaysay?
 Mayrooon, na ba akong nabasa, napanood, napakinggan, nalalaman,
o naranasan na tulad nito? Paano sila nagkatulad o nagkaiba?
 Paano sinasalamin ang paksa o tema ng binasa ang lipunan o
kasalukuyang mga pangyayari? Ano ang maaring ibunga nito sa akin?

255
Tekstong Babasahin

Sa Aking Pagtanda (Sulat ni Nanay at Tatay)

Rev. Fr. Ariel F. Robles, CWL

Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan. Kapag dala ng

kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag
kainan, huwag mo sana akong kagagalitan. Maramdamin ang isang matanda.
Nagse-self-pity ako sa tuwing sinisigawan mo ako. Kapag mahina na ang tenga ko at
hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan ng
"binge!" paki-ulit nalang ang sinabi mo o pakisulat nalang. Pasensya ka na, anak.
Matanda na talaga ako. Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong
tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang
lumakad.

Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit-

ulit na parang sirang plaka. Basta pakinggan mo nalang ako. Huwag mo sana akong
Pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan. Natatandaan mo anak noong bata ka pa?
Kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo 'yong sasabihin, maghapon kang
mangungulit hangga't hindi mo nakukuha ang gusto mo.

Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo. Pagpasensyahan mo na rin sana ang

aking amoy. Amoy matanda, amoy lupa. Huwag mo sana akong piliting maligo.
Mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana
akong pandirihan. Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinagtyagaan kitang habulin
Sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.

Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako'y masungit, Dala na marahil ito

ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin.

Kapag may konti kang panahon, magkwentuhan naman tayo, kahit sandali
lang. Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap. Alam kong busy
ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik na akong
makakuwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka
interesado sa mga kwento ko.

256
Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtyagaan kong pakinggan at
intindihin ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy bear. At kapag
dumating ang sandali na ako'y magkakasakit at maratay sa banig ng karamdaman,
huwag mo sana akong pagsawaang alagaan. Pagpasensyahan mo na sana kung ako
man ay maihi o madumi sa higaan, Pagtyagaan mo sana akong alagaan sa mga
huling sandali ng aking buhay. Tutal hindi na naman ako magtatagal.

Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking
kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan. At huwag kang
mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha, ibubulong ko sa kanya na
pagpalain ka sana ...Dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama't ina...

Pamantayan para sa pagsulat ng Reaksiyong Papel

Pamantayan Puntos Natamong puntos

Mabisa ang ginamit na panimula ng sanaysay upang
makuha ang atensiyon at interes ng mambabasa.
7
Malinaw ang argumento ng teksto sa pamamagitan ng
mahusay na pagkakalahad ng tesis o pananaw ng may-
akda.

Nasagot ang karamihan sa mga gabay na tanong at

nakapagbibigay ng matibay na suportang detalye.

Gumamit ng iba-ibang uri ng teksto upang palawakin 10

ang mga suportang detalye ng sanaysay.

Nagtataglay ng kaisahan at kaayusan ang paghahanay

ng mga kaisipan.

Nakahanay sa isang makatwirang pagkakasunod –sunod

ang mga ideya.

Nagbigay ng makabuluhang reaksiyon tungkol sa

nabasang teksto.

Nagbigay ng sapat na patunay o suportang detalye upang

pagtibayin ang pananaw ng may-akda.
Maayos na nailagom ang nilalaman ng buong teksto.
Napagtahi-tahi ang lahat ng ebidensyang tinalakay at 3
argumentong isinasaas ng tesis
Nakaramdam ng pag-sang-ayon o pakikiisa sa layunin ng
teksto.
Sumunod sa wastong balarila at baybay, at mga
panuntunan sa pagsulat ng sanaysay. 5
Angkop at wasto ang mga ginamit na salita.
Mahusay ang paggamit ng wika.

Kabuoan 25 pts.

257
258
Subukin Isaisip Tayahin
1. B 1. opinion, at pakiramdam 1. B
2. D 2. sarili, pamilya, 2. D
3. D komunidad, bansa at 3. D
4. C teknolohiya 4. C
5. B 3. Introduksiyon 5. B
6. B 4. Konklusyon 6. B
7. C 5. Bago magsulat 7. C
8. B 8. B
9. D 9. D
10. C 10. C
11. D 11. D
12. A 12. A
13. B 13. B
14. A 14. A
15. C 15. C
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Atanacio, Heidi C. et al., (2016). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t-ibang Teksto tungo sa

Pananaliksik, Quezon city, C & E Publishing Inc.

Rhoderick V. Nuncio, Ph.D et al., (2016), SIDHAYA 12 Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t-

ibang Teksto tungo sa Pananaliksik, Quezon city, C & E Publishing Inc.
Kahulugan ng mga salita , https:// www.Brainly.ph , https:// www.coursehero.com
at https://www.scribd.com

Tesktong binasa Sa Aking Pagtanda (Sulat ni Nanay at Tatay) ni Rev. Fr. Ariel F.
Robles, CWL ;https://www.pinoyexchange.com/discussion/327174/sulat-ni-tatay-
at-nanay-sa-atin ( Tekstong binasa )

Istranded ( sulat ni Niel Ambion ) https://www.pinoyweekly.com

259
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex

Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

260

You might also like