You are on page 1of 9

COMPOSTELA VALLEY STATE COLLEGE

Montevista Branch
Purok 4, San Jose, Montevista, Davao de Oro
School Year 2019-2020
MASUSING BANGHAY ARALIN PANLIPUNAN VI
First Quarter
March 11, 2021

I. LAYUNIN: Sa pagtatapos ng talakayan ang mga bata ay inaasahang:


1. Nakikilala ang mga pinunong katipunan.
2. Napapahalagahan ang mga layunin ng Katipunan.
3. Naipaliwanag kung bakit itinatag at ipinalaganap ang kilusang katipunan.
PAKSANG ARALIN:
A. Paksa: Ang Pagkakatatag at Paglaganap ng Katipunan
B. Sanggunian: Araling Panlipunan Pilipinas 6:Pinagpalang Bayang
Sinilangan
C. Kagamitan: Cartolina, Litrato, Manila Paper, Laptop
D. Kowd: AP6PMK-Ic-5
E. Pagpapahalaga: Pagiging Mulat sa mga Pangyayari sa Paligid

II. PAMAMARAAN
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A.Panimulang Gawain
1. Panalangin
Magsitayo ang lahat para Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Diyos Espiritu
Santo. Amen.
manalangin.
2. Pagbati
Magandang umaga sa inyong lahat Magandang umaga po Sir!
mga bata!
3. Atendans
Sabihin ang “Narito po” kapag Opo.
tinawag ang iyong pangalan.
4. Paunang Gawain
Ngayon ay magkakaroon tayo ng
isang laro. Hahatiin ko kayo sa
tatlong pangkat. Ang gagawin ninyo
ay paunahan kayo sa pagsagot.
Hanapin ninyo ang mga
sumusunod na salita sa loob ng
puzzle box.

S K A A L R A R E S K
K A P A R E N E S A I S K A A L R A R E S K
A T M U O N T B T T L K A P A R E N E S A I
A I L A W Q S O B T U A T M U O N T B T T L
N P U L H E A L I T S A I L A W Q S O B T U
I U U M I A R U T X A N P U L H E A L I T S
B N E W A Y N S U Y N I U U M I A R U T X A
Y E A R S A D Y A R S B N E W A Y N S U Y N
E R O P L A N O M E E Y E A R S A D Y A R S
S O R R O W S N E A T E R O P L A N O M E E
S O R R O W S N E A T
Samahan Katipunero Puwersa
Kaanib
Kilusan Rebolusyon

5. Balik-aral
(5.1) Ano ang ating tinalakay
kahapon? (5.1) Ang ating tinalakay kahapon ay tungkol sa
Kontribusyon ng kilusang propaganda sa
pagpukaw ng damdaming makabayan ng mga
Pilipino.
(5.2) Ano-ano ang mga kontribusyon
ng kilusang propaganda sa pagpukaw
(5.2) Ang mga kontribusyon ng kilusang
ng damdaming makabayan ng mga propaganda sa pagpukaw ng damdaming
Pilipino? Makabayan ng mga Pilipino ay ang
maipagtanggol ang anumang pang-aabuso at
pang-aapi lalo na ng mga dayuhang Espanyol at
ang pagpapalakas ng loob ng mga Pilipino upang
makapagpahayag para sakalayaan.
B.Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
(1.1) Sino sa ba sa inyo ang
mahilig magbasa ng mga librong (1.1) Kami Sir!
patungkol sa mga bayani ng ating bansa?

Magaling!
Ngayon, mayroon akong
ipapakitang mga larawan sa inyo. Hulaan
ninyo kung sino ang nasa larawan.

(1.2) Sino-sino ang mga nasa larawan?

(1.2) Ang nasa mga larawan ay sina Andres


Bonifacio at Emilio Jacinto.
2. Pag-alis ng mga Sagabal

Ating tuklasin ang mga mahahalagang


salitang may kaugnayan sa ating aralin.

Katipunan - Ang Kataas-taasang,


Kagalang-galangang Katipunan ng
mga Anak ng Bayan o mas kilala
bilang Katipunan at KKK ay isang
lihim na samahan na itinatag sa
Pilipinas ni Andres Bonifacio na
may layuning palayain ang bansa
sa ilalim na ng mga mananakop na
Espanyol. 
Kartilya- ay mithiin at hangarin ng
katipunan
Cedula - ay isang uri ng
dokumento ng identipikasyon o
pagkakakilanlan, o pambuwis.
Martyr - Ang martir ay isang tao na
dumanas ng kahirapan dahil sa
pag-uusig at kamatayan dahil sa
pagtanggi upang talikuran, o
tanggapin, ang isang
pananampalataya o layunin, na
karaniwang panrelihiyon. 

3. Presentasyon
Ngayon ay may ipapakita akong
maikling video tungkol sa pagkatatag at
paglaganap ng Katipunan.

4. Mga Pamantayan
(4.1) Anu-ano nga ba ang dapat
gawin tuwing tayo ay nagkakaroon
ng leksyon? (4.1)
Umupo ng maayos.
Huwag pong mag-ingay.
Magaling! Makinig po ng maayos.
(4.2) Maasahan ko ba yan sa inyo Huwag pong makipag-usap sa katabi.
mga bata?
(4.2) Opo sir!
5. Gawain

1. Panonood ng maikling video tungkol


sa Katipunan.

2. Pagtatalakay

(2.1) Tungkol saan ang video


presentation na napanood
ninyo?
(2.1) tungkol sa pagtatag at paglaganap
(2.2) Sino ang nagtatag ng po ng Katipunan ma’am.
Katipunan?

(2.3) Ano ba ang naambag ng (2.2) Si Andres Bonifacio po ma’am.


Katipunan sa ating bayan?

(2.3) Marami silang naambag sa ating bayan


ma’am gaya ng pakikipaglaban para sa ating
(2.4) Gusto niyo bang malaman Kalayaan.
kung sino-sino ang mga
taong bumuo ng Katipunan at
bakit ito natatag?
6. Pagsusuri (2.4) Opo alam

Tatalakayin natin ngayon ang


pagkatatag ng Katipunan at
kilalanin din natin ang mga taong
bumuo at nagtatag ng nito.

Matapos madakip si Rizal noong Hulyo


6,1892, inisip ng mga Pilipino na hindi na
nila makakamit ang hinihinging
pagbabago sa mapayapang paraan.
Para sa kanila, ang tanging paraan na
Iamang upang mabago ang pamumuhay
ng mga Pilipino ay ang pagpapaalis ang
mga Espanyol sa pamamagitan ng
rebolusyon.

Dahil sa pagkabigo ng Kilusang


Propaganda at La Liga Filipina sa kanilang
mga layunin ay inisip ng maraming
Pilipinong hindi nila makakamit ang
kalayaan sa pamamagitan ng mapayapang
paraan.
Sa Pangunguna ni Andres Bonifacio ay
naitatag ang Katipunan o Kataas-taasan,
Kagalang-galangang Katipunan ng mga
Anak ng Bayan (KKK).

Kasama rin dito sina Deodato Arellano,


Ladislao Diwa, Teodoro Plata, Valentin
Diaz, at iba pa.
1.
Andres Bonifacio
Binansagang “Ama ng Katipunan”. Siya
ang nagtatag at lumaon naging Supremo
ng kilusang Katipunan.

2.
Si Emilio Jacinto, ang “Utak ng
Katipunan“, ay pinagkakatiwalaang
kaibigan ni Bonifacio. Tinagurian siyang
“Utak ng Kalayaan ng Katipunan”.
Isinulat niya ang "Kartilya ng Katipunan"
na nagsilbing gabay, mithiin at hangarin
ng katipunan.

3.

Si Arellano ang naihalal na unang pangulo


ng Kataastaasang Konsehong Katipunan.

4.
Ladislao Diwa
Isa sa mga nagtatag ng Katipunan na
nakilala sa tawag na “Balite”. Siya ay
kabilang sa unang trianggulo kasama si
Andres Bonifacio at Teodoro Plata.
5.
Si Valentin Diaz ay isa sa mga tumulong
sa pagbuo ng mga batas ng lihim na
lipunan. Noong nabuo ang unang
kataastaasang konseho, siya ay nahalal
bilang tagapag-ingat-yaman.

Layunin ng KKK na pag - isahin ang mga


Pilipino na makamit ang Kalayaan ng
bansa sa pamamagitan ng isang
himagsikan laban sa mga Kastila Ang mga
sumapi sa samahan ay tinawag na mga
Katipunero.

Kalayaan•Ang opisyal na
pahayagan ng Katipunan.

Ang mga Katipunero o kasapi sa


Katipunan ay nagmula sa ibat ibang sektor
ng lipunan tulad ng mga manggagawa,
mga magsasaka, mga kawani, mga guro,
o mga negosyante.

Dumami ang kaanib ng samahan sa iba't


ibang bahagi ng Luzon. Ang mga kasapi
ng samahan ay gumamit ng iba‘t ibang
sagisag upang maproteksiyuhan ang mga
sarili laban sa mga guwardiya sibil.

May tatlong antas na kinabibilangan ang


mga kaanib ng Katipunan.
1. Bayani - Kilalang pinakamataas sa
samahan at may hudyat (password) na
Rizal.
2. Kawal (may hudyat na Gomburza) —
Tumutukoy sa isang kasapi o miyembro
ng panglupang kumponente 0 bahagi ng
sandatahang Iakas o puwersa.
3. Katipon (na may hudyat ng Anak ng
bayan) - Ay hirang na tagapagtaguyod
pandangal ng wikang Filipino.

Sigaw sa Pugad Lawin


Pagkatapos mabunyag ang lihim ng
Katipunan, tinipon ni Bonifacio ang mga
Katipunero sa Balintawak noong Agosto
23, 1896. Dito napagkasunduan na
simulan agad ang Rebolusyon.

Maraming Pilipino ang pinaghinalaang


kasapi ang hinuli at ikinulong.

Nagitla ang noo’y Gobernador Heneral na


si Ramon Blanco nang makitang nagaalsa
ang buong Katagalugan kasama ang
Kapampangan at Tarlac. Kinabibilangan
ito ng walong lalawigan: Batangas, Cavite,
Laguna, Maynila, Bulacan, Nueva Ecija,
Tarlac at Pampanga. Ang mga lalawigang
ito ang bumubuo ng walong sinag ng araw
sa ating pambansang bandila.

Upang mapigil ang paglaganap ng


rebolusyon, inilagay ng mga Kastila ang
walong lalawigang ito sa ilalim ng batas
militar Ang “paghahasik ng lagim” na
ipinatupad ni Gobernor Heneral Ramon
Blanco ay hindi nagpahina ng loob ng
mga Pilipino. Bagkus pinalakas pa nito
ang pwersa ng rebolusyon. Sumali na rin
kalaunan sa pag-aaklas ang Bataan,
Zambales, Camarines Sur at Camarines
Norte. Ang rebolusyon ay nakarating
hangang Puerto Princesa sa Palawan at
lumaganap sa buong kapuluan.

7. Paghahalaw

(7.1) Mayroon ba kayong natutunan


tungkol sa pagtatag at
paglaganap ng Katipunan?

(7.2) Bakit natatag ang


Katipunan?
(7.1) Opo Sir!

(7.3) Ano ang layunin ng


(7.2) Matapos madakip at pinatay si Rizal, inisip
Katipunan?
ng mga Pilipino na hindi na nila makakamit ang
hinihinging pagbabago sa mapayapang paraan.

(7.4) Bakit mahalaga ang mga (7.3) pag-isahin ang mga


layunin ng Katipunan? Pilipino na makamit ang Kalayaan ng
Bansa sa pamamagitan ng isang himagsikan
laban sa mga Kastila.

8. Paglalapat (7.4) Mahalaga ang mga layunin ng katipunan


Hahatiin sa tatlong grupo ang sapagkat nagbibigay ito ng pag-aasa sa mga
boung klase. Isulat at basahin sa kapwa Pilipino na makamtan ang minimithing
harapan ang gawain. Kalayaan.

Pumili ng isang kasapi o ang


bumuo ng katipunan at isalaysay
ang kanyang mga nagawa sa
kilusan.

III. Pagtataya
Panuto: Ibigay ang tamang sagot sa mga sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa
isang pirasong papel.

1. Siya ang kinikilalang “Utak ng Himagsikan”.


2. Ano ang ibig sabihin ng walong sinag ng araw sa ating pambansang bandila.
3. Siya ang naging supremo ng kilusang Katipunan.
4. Siya ang naihalal na unang pangulo ng Kataastaasang Konsehong Katipunan.
5. Kilala sa pangalang “Balite”.

IV. Takdang Aralin.


Panuto: Sagutin mo sa iyong kwaderno ang sumusunod na mga tanong:
1. Ano ang ibig sabihin ng pagpunit ng cedula ng mga katipunero?
2. Makatarungan bang daanin ng mga katipunero sa rebolusyon ang kanilang
paghahangad ng kalayaan?
3. Ano ang epekto sa mga Pilipino ng pagbaril kay Jose Rizal sa Bagumbayan?

Inihanda ni:
MELCHIZEDEC S. MENDEZ BEED 4E
Pre-service Teacher

Iniwasto ni:
MICHAEL C. MORRE Jr. (For FS and Practicum)
Cooperating Teacher

__________________________ (For In-house Demonstration)


Subject Area

__________________________ (For In-house Demonstration)


Program Head

You might also like