You are on page 1of 19

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD – MAYNILA
Sentrong Edukasyon ng Maynila, Luntiang Parke ng Arroceros
Daang Antonio J. Villegas. Ermita, Maynila
TeleFax: 5272315 / 5275184 / 5275180
manila_deped@yahoo.com

Filipino 7
Nilubid na Abo
Unang Markahan
Unang Linggo
Modyul 1
Kasanayang Pampagkatuto:
1. Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng
kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng tauhan

2.Nagagamit nang wasto ang mga pahayag sa pagbibigay ng mga patunay


PAANO GAMITIN ANG MODYUL

Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat ng
inyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing pag-
aaral gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa ibaba
para makamit ang layunin sa paggamit nito.

1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul na ito.


2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali mong
matatandaan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman ang
antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may
kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang
aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.

BAHAGI NG MODYUL

1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan pagkatapos


makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong
kaalaman at konseptona kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating
kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang ideya
ng aralin
5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may
kapareha.
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin
7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo ang
bagong aralin
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng pagkatuto
sa bagong aralin
Aralin

1
MGA KAUGALIAN AT KALAGAYANG
PANLIPUNAN NA PINAGMULAN NG
KUWENTONG BAYAN

Inaasahan
Sa modyul na ito inaasahan na maipamamalas mo ang pag-unawa at
pagpapahalaga sa kuwentong-bayan batay sa kaugalian at kalagayang panlipunan
na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga
tauhan.
Upang magabayan ka sa pagsagot sa mga gawain sa modyul, ginamitan ito ng
iba’t ibang istratehiya katulad ng kolaboratibong gawain, pagkamalikhain , at
mapanuring pag-iisip.
Sa pagtatapos ng aralin na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:
● Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan n
batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan

Unang Pagsubok
Panuto: Basahin at unawain ang talata. Isulat sa kuwarderno ang sagot.

Si Catalino ay hinahangaan ng kanyang mga kanayon dahil sa


kanyang katalinuhan. Sadyang walang lumapit sa kanya na hindi niya nabigyang
ng magandang payo. Ito ang naging dahilan upang mangamba ang hari. Totoong
nabahala siya sa kasikatan ni Catalino. Pinadaan niya sa isang pagsubok si
Catalino na nalagpasan naman nito. Tunay na hinangaan ng hari si Catalino kaya
kinuha niya itong tagapayo.

1. Si Catalino ay hinahangaan ng kanyang mga kanayon dahil sa kanyang


katalinuhan. Ito rin ang naging dahilan para kunin siyang tagapayo ng hari.
Mahihinuhang si Catalino ay __________.
A. bantog C. iniidolo
B. kilala D. matalino

2. Marami ang lumalapit kay Catalino upang humingi ng payo. Mahihinuhang


si Catalino ay _______.
A. mapagkumbaba C. maunawain
B. mabait D. madaling lapitan

3. Ang mga tao sa kanilang nayon ay sumusunod sa sinasabi ng hari.


Pinatutunayan nito na isa sa kanilang kultura ay ________.

A. igalang ang namumuno sa lugar


B. manatiling payapa ang buhay
C. tahimik na maghanap-buhay
D. makinig sa matatanda

4. Hinahangaan ng kanyang mga kanayon si Catalino dahil sa kanyang


katalinuhan. Ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit ay ____.
A. iniidolo C. iginagalang
B. ikinatutuwa D. pinag-uusapan

5. Totoong nabahala ang hari dahil sa kasikatan ni Catalino. Ang


kasingkahulugan ng salitang may salungguhit ay ____.
A. kaabalahan C. kabutihan
B. kahusayan D. katanyagan

Balik-tanaw

Panuto: Kilalanin ang tradisyon at kulturang ipinakikita ng mga larawan. Isulat


sa iyong kuwaderno ang sagot.

https://www.google.com/search?q=bayanihan+picture https://pinoy-
https://medium.com/@jendyros
s++sa+panahon+ng+covid+philippines&rlz=1C1ZKTG_e culture.tumblr.com/post/34370237995/asea
nPH904PH904&sxsrf=ALe n2015-asean-community-pagmamano enabus97/6-practices-1-country-
________________ _____________ ______________

Maikling Pagpapakilala ng Aralin

Ang Pilipinas ay mayaman sa kultura at iba’t ibang panitikan. Ito ay dahil sa


ating kasaysayan na bunga ng pananakop, relihiyon at iba’t ibang pangkat na
naninirahan sa ating bansa. Sa pamamagitan ng modyul na ito mapahahalagahan
ng mga mag-aaral ang kultura, tradisyon at paniniwala ng ating bayan batay sa
mababasang kuwentong-bayan.
Pagbasa sa akda:
Nilubid na Abo
Kuwentong-bayan

Sa isang kaharian ay bantog ang katalinuhan ng isang binatilyo. Siya si


Catalino, na nakagawian nang tawagin ng kanyang mga kanayon na Talino.
Totoong akmang-akma naman sa kanyang angking katalinuhan ang kanyang
palayaw. Palabasa si Catalino. Silang mag-anak ay mahirap lamang at ang tanging
yamang itinuturing ni Catalino ay ang ubod ng dami niyang mga aklat at iba’t
ibang babasahin. Wala siyang libangan kundi ang magbasa pagkatapos ng
kanyang mga gawain.
Sadyang nakatutulong nang malaki si Catalino sa kanyang mga kanayon.
Dahil sa marami siyang kaalaman na nakukuha niya sa pagbabasa, maraming
mabubuti at matatalinong mga payo ang naibibigay niya sa kanila. Nabibigyan niya
ng payo ang mga kanayon tungkol sa pagsasaka, pagtatanim at paghahalaman,
pag-aalaga ng mga hayop, pagpapagawa ng bahay, pagpapahukay ng balon at mga
poso, paglilipat ng bahay, pati ang panggagamot sa mga di-kabigatang
karamdaman. Kaya naman mahal na mahal siya ng kanyang mga kanayon. Maging
ang mga taga-ibang nayon, malapit man o malayo, ay nakikilala na si Catalino at
alam na ng marami ang kanyang katalinuhan.
Ang lahat ng mga balita tungkol sa matalinong binatilyo ay nakararating sa
kabatiran ng hari. Higit na sikat pa raw si Catalino kaysa sa hari. Ayaw ng hari ng
ganitong pangyayari. Baka dumating ang araw na makuha ni Catalino sa hari ang
pamumuno sa kanyang kaharian. Nabahala ang hari.
“Maaari nga pong mangyari ang kinatatakutan ninyo, Mahal na Hari,” ang sabi pa
ng isang taga-payo.
“Ang lalong mabuti ay ipakulong natin siya,” anang isang tagapayo naman.
“Ngunit hindi natin maaaring ipakulong nang basta-basta ang isang taong wala
namang ginagawang pagkakasala,” sagot ng isa pang tagapayo. Marami pang mga
usapan hanggang sa ang nabuong balak ay pagawain si Catalino ng isang bagay na
tiyak na hindi niya magagawa. At ito ay ipagagawa sa plasa sa harap ng maraming
tao at kanyang mga tagahanga. Kapag hindi nagawa ni Catalino ang ipagagawa sa
kanya, pagtatawanan siya ng mga tao.
Ipinatawag si Catalino sa palasyo. Sa harap ng mga tagapayo ay kinausap
siya ng hari.
“Nabalitaan ko ang iyong maraming kaalaman. Ikaw raw ay matalino.
Nakagagawa ka ng maraming matatalinong bagay. Nabibigyan mo raw ng
matalinong payo ang mga tao. Totoo ba ito?” ang tanong ng hari.
“Ang mga tao po ang nagsasabi niyan. Hindi po ako,” sagot ni Catalino. “At ang
ibinibigay ko po sa kanilang payo ay hindi sa sarili ko galing. Nakukuha ko po ito
sa aking mga pagbabasa.”
“Saan mo nakukuha ang mga karunungang iyan?” ulit ng hari.
“Sa mga aklat po at sa paaralan ng buhay,” sagot ni Catalino. Nag-ungulan
ang mga tagapayo.
Waring pati ang hari ay napapaniwala na ni Catalino. Bumulong ang punong
tagapayo sa hari.
“Catalino!” ang malakas na sabi ng hari. “Ako’y may ipagagawa sa iyo.
Huwag mo akong bibiguin. Masama akong hindi sundin,” sabi pa ng hari.
“Naiintindihan mo ba?”
“Opo, Mahal na Hari,” sagot ni Catalino. “Sa abot po ng kaunti kong
kaalaman ay sisikapin kong masunod ang inyong utos.”
Hinintay ni Catalino ang ipag-uutos ng hari. Binasa ng isang alagad ng hari
ang kautusan.
“Bukas ng umaga, magdala ka rito ng nilubid na abo. Kapag hindi mo ito
nagawa, nangangahulugang hindi ka pala sadyang matalino at niloloko mo lamang
ang mga tao.
Nagkasala ka sa bayan kaya kailangang pugutan ka ng ulo,” anang
tagabasa.
Umuwi si Catalino sa kanilang nayon. Kanyang pinag-isipan ang
ipinagagawa ng hari. Alalang-alala ang kanyang ama’t ina. Labis na nag-aalala rin
ang kanyang mga kanayon. Wala naman silang maitulong kay Catalino.
Ipinagdasal nila na sana ay magawa nito kung anuman ang ipinagagawa ng hari.
Kinabukasan, maagang nagising ang mga tao. Pumunta ang marami sa
plasa. Doon ibibigay ni Catalino sa hari ang nilubid na abo. Maingat na dinala ni
Catalino ang natatakpang kahon.
Marahang inilapag sa harap ng hari ang bandehadong malapad. Naroon ang
nilubid na abo.
Nagulat ang hari. Hindi akalain ng hari at ng kanyang mga tagapayo na
magagawa ni Catalino ang nilubid na abo.
“Nilubid na abo!” ang wika ng lahat.
Magalang na yumukod sa hari si Catalino. Wala itong pagmamalaki o
anumang bahid ng yabang. Ang naroo’y kababaang-loob. Nilubid pala ni Catalino
ang abaka at saka niya marahang sinunog hanggang sa maging abo na hindi
natatanggal ang pagkakalubid.
Lalong humanga ang mga tao kay Catalino. Pati na ang hari ay humanga rin
hindi lamang sa talino kundi sa kabaitan at kababaang-loob ni Catalino.
Dahil dito, kinuha siya ng hari bilang tagapayo sa palasyo. Nabigyan ni
Catalino ng mabubuting payo ang hari tungkol sa pamamalakad kaya’t naging
maunlad ang kaharian.
Hango sa Aragon, Angelita L. Mga Alamat at iba pang mga Kwento (Legends and other Stories). Quezon City: Tru-
Copy Printing Press, 1986, pp.80-81

Mga Gawain

Gawain 1.Paglinang ng Talasalitaan:

Panuto: Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit at gamitin


sa pangungusap. Isulat sa iyong kuwaderno ang sagot.

1. Kilala siya sa kanilang lugar dahil sa kanyang katalinuhan.


Kasingkahulugan ____________________________________
Pangungusap ________________________________________

2. Bantog ang binatilyo sa kanilang nayon.


Kasingkahulugan _____________________________________
Pangungusap _________________________________________
3. Bumulong ang punong tagapayo sa hari hinggil sa kanyang kahusayan
sa pagpapayo.
Kasingkahulugan _____________________________________
Pangungusap _________________________________________

4. Pawang kababaang-loob ang ipinakita ni Catalino sa harapan ng hari.


Kasingkahulugan ______________________________________
Pangungusap __________________________________________

5. Lalong humanga ang kanyang mga kanayon sa ipinakitang kababaang-


loob ni Catalino.
Kasingkahulugan ______________________________________
Pangungusap __________________________________________

Gawain 2:.Pagtalakay sa akda:


Sagutin ang mga sumunod na katanungan: Isulat sa kuwaderno ang iyong
sagot.

1. Ipakilala ang mga tauhan sa akda batay sa kanilang


katangian.

_________________________________________________________________________

2. Paano ipinakita ng mga tauhan sa akda ang kanilang pagmamalasakit sa


kapwa?

3. Isa-isahin ang mga kaugaliang makikita sa lugar na pinagmulan ng


kuwentong-bayang binasa?
___________________________________________________________________________

Tandaan

Kuwentong-bayan- mga salaysay na likhang-isip lamang. Lumaganap


at nagpasalin-salin ang mga ito sa iba't ibang henerasyon sa
pamamagitan ng pasalindila.

Elemento ng Kuwentong-bayan
1. Tauhan- gumaganap sa mga papel sa kuwento.
(pangunahin at pantulong na tauhan)
2.Tagpuan- tumutukoy sa lugar ng pangyayari sa kuwento,
oras,panahon at kapaligiran.
3.Banghay- pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari upang
malutas ang mga suliranin ng mga tahan.
Pag-alam sa mga Natutuhan

Gawain 1: Pagkilala sa Tauhan.


Kilalanin ang mga tauhan, papel sa akda at ang kanilang kalagayang
panlipunan. Isulat sa iyong kuwaderno ang sagot.

Tauhan Papel sa Akda Kalagayang Panlipunan

Gawain 2: TEXT-Reality Connection


1.Magtala ng mga pangyayari sa akdang binasa na maaaring iugnay sa
mga pangyayari na nagaganap sa kasalukuyan. Isulat sa iyong
kuwaderno ang sagot.

Pangyayari sa akda Pag-uugnay sa kasalukuyan

2. Ano -ano ang mga tradisyong mahihinuha sa akda na patuloy na


isinasabuhay sa kasalukuyan?

___________________________________________________________________________
Pangwakas na Pagsusulit

Panuto: Basahin at unawain ang talata. Isulat sa kuwarderno ang sagot.

Si Catalino ay hinahangaan ng kanyang mga kanayon dahil sa


kanyang katalinuhan. Sadyang walang lumapit sa kanya na hindi niya nabigyang
ng magandang payo. Ito ang naging dahilan upang mangamba ang hari. Totoong
nabahala siya sa kasikatan ni Catalino. Pinadaan niya sa isang pagsubok si
Catalino na nalagpasan naman nito. Tunay na hinangaan ng hari si Catalino
kaya kinuha niya itong tagapayo.

1.Si Catalino ay hinahangaan ng kanyang mga kanayon dahil sa kanyang


katalinuhan. Ito rin ang naging dahilan para kunin siyang tagapayo ng hari.
Mahihinuhang si Catalino ay __________.
A.mabait C. matalino
B.kilala D. kinagigiliwan

2.Marami ang lumalapit kay Catalino upang humingi ng payo. Mahihinuhang ang
mga tao sa kanilang nayon ay_________.
A.iginagalang siya C. iniidolo siya
B.kilala siya D. naniniwala sa kanyang talino

3.Dahil sa kanyang matalinong pagpapasya ay nabahala ang hari na maagaw niya


ang trono nito ngunit sa bandang huli ay kinuha siyang tagapayo. Mahihinuhang
ang hari ay _______________.
A. Humanga sa katalinuhan ni Catalino.
B. Iginalang ang kagustuhan ng kanyang nasasakupan.
C. Natakot maagaw sa kanya ang kanyang pamumuno.
D. Nais na maging tagapayo si Catalino.

4.Ang mga tao sa kanilang nayon ay sumusunod sa sinasabi ng hari.


Pinatutunayan nito na isa sa kanilang kultura ay ________.
A. igalang ang namumuno sa lugar
B. manatiling payapa ang buhay
C. tahimik na maghanap-buhay
D. makinig sa matatanda

5.Kahit mahirap ay mahilig magbasa ng mga libro si Catalino na naging dahilan


upang siya ay makakuha nang maraming kaalaman. Anong paniniwala ang
ipinakikilala nito?
A. Mahilig magbasa ang mga Pilipino.
B. Pinahahalagahan ng mga Pilipino ang mga aklat.
C. Naniniwala ang mga Pilipino na mahalaga ang kaalaman sa isang tao.
D. Likas na matalino ang mga Pilipino.
6. Ang kasikatan ni Catalino ay naging dahilan upang mangamba ang hari.
Ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit ay ____.
A.mapanatag C. mabahala
B.matuwa D. mag-isip

7.Kahit nagawa ni Catalino ang ipinag-uutos ng hari, walang pagmamalaki na


yumukod siya sa harapan nito. Ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit
ay ____.
A. pagkatuwa C. pagkalumbay
B.pagmamalabis D. pagyayabang

8. Kilala sa katalinuhan si Catalino sa kanilang lugar. Ang kasingkahulugan ng


salitang may salungguhit ay ____.
A. abala C. lapitin
B. tanyag D. Katuwang

9.Ito ay akdang pampanitikan na likhang-isip lamang. Lumaganap at nagpasalin-


salin ang mga ito sa iba't ibang henerasyon sa pamamagitan ng pasalindila.
A. Kuwentong-bayan C. Sanaysay
B. Alamat D. Mito

10. Elemento ng kuwentong-bayan na tumutukoy sa lugar ng pangyayari sa


kuwento, oras,panahon at kapaligiran.
A. Tauhan C. Tagpuan
B. Banghay D. Tema

Papel sa Replektibong Pagkatuto

Pumili ng isa sa mga tauhan sa akda na nagkaroon ng malalim na


epekto sa iyo. Ibigay ang mga natutuhan mo sa kanya na maaaring ilapat sa buhay
at lipunan. Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot.
Aralin

2
MGA SALITANG NAGBIBIGAY PATUNAY

Inaasahan
Sa pagtatapos ng aralin na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:
● Nagagamit nang wasto ang mga pahayag sa pagbibigay ng mga patunay

Unang Pagsubok
Panuto: Basahin at unawain ang talata. Isulat sa iyong kuwaderno ang sagot.
Bantog si Catalino sa kanilang nayon dahil sa kanyang katalinuhan.
Hindi naging hadlang ang kahirapan upang siya ay maging matalino. Tunay na
ang pagtamo ng kaalaman ay hindi nakabatay sa estado ng buhay. Totoong nasa
pagsusumikap ang pagtamo ng kaaalaman. Sadyang pinatuyanan ni Catalino na
dapat siyang ikarangal ng kanyang mga magulang.

1. Sadyang iginagalang ng kanilang mga kanayon si Catalino dahil sa kanyang


husay sa pagbibigay ng payo. Alin sa mga salita ang kabilang sa mga salitang
nagbibigay patunay?
A. sadyang C. kanayon
B. iginagalang D. Catalino

2.Totoong nabahala ang hari dahil sa kasikatan ni Catalino. Alin sa mga salita ang
kabilang sa mga salitang nagbibigay patunay?
A.Catalino C. kasikatan
B.hari D. Totoong

3. Humanga ang hari sa katalinuhan ni Catalino. Sa katunayan, kinuha niya ito


bilang tagapayo. Alin sa mga salita ang kabilang sa mga salitang nagbibigay
patunay?
A. humanga C. katalinuhan
b. katunayan D. Tagapayo

4.Sadyang walang lumapit sa kanya na hindi niya nabigyang ng magandang payo.


Alin sa mga salita ang kabilang sa mga salitang nagbibigay patunay?
A.lumapit C. payo
B.magandang D. Sadyang

5. Tunay na kahanga-hanga ang mga frontliners sa pagsasakripisyo sa panahon ng


pandemya. Alin sa mga salita ang kabilang sa mga salitang nagbibigay
A. tunay C. Hari
B. tagapayo D. Kinuha
Balik-tanaw
Panuto: Lagyan ng tamang salita ang patlang upang mabuo ang diwa ng
pangungusap. Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot.

1. _____________ kahanga-hanga ang dedikasyong ipinakikita ng mga


guro upang matuto ang kabataan.
2. ______________ nakatataba ng puso ang paglilingkod na ipinakikita ng mga
kapulisan sa panahon ng matinding pandemya ng ating bansa.
3. ______________nakadudurog ng pusong makita ang paghihirap na
pinagdaraanan ng mga frontliner upang masagip ang buhay ng mga biktima
ng pandemya.

Maikling Pagpapakilala ng Aralin


A. Basahin at unawain ang talataan.

Bantog sa kanilang nayon si Catalino dahil sa kanyang katalinuhan.


Totoong marami ang humahanga sa kanya sapagkat magaling siyang magpayo
na naging dahilan upang matakot ang hari na maagaw niya ang posisyon nito.
Nagbigay ang hari ng isang pagsubok kay Catalino na buhay ang kapalit kapag
hindi niya nalubid ang abo. Ngunit sadyang matalino si Catalino kaya
nalagpasan niya ang pagsubok ng hari. Tunay na kahanga-hanga si Catalino
hindi lamang sa kanyang katalinuhan kundi maging sa kababaang-loob kaya
kinuha siyang tagapayo ng hari.

Mga Gawain
Gawain 1: Sagutin ang mga sumusunod batay sa binasang akda.
Panuto: Suriin ang mga salitang may salungguhit sa talataan.

1.Isulat ang mga pangungusap na ginamitan ng mga salitang may salungguhit na


makikita at mababsa sa talataan.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
2. Ano ang naging tungkulin ng mga salitang may salungguhit sa pagbuo ng
pangungusap.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Gawain 2: Sa kasalukuyang kalagayan ng ating bansa, paano hinaharap ng ating


mga pinuno ng pamahalaan ang mga suliraning ito. Gamit ang mga cue
words sa loob ng kahon. Bumuo ng isang konsepto na ginagamitan ng
salitang nagbibigay-patunay. Isulat sa iyong kuwaderno ang sagot.

sakit pananatili pamahalaan pag iwas


ospital sa bahay doktor baranggay ayuda
lalamunan lagnat masustansiyang pagkain

Tandaan

Ang talaga, sadya, totoo, tunay at iba pang kauri nito ay mga
pahayag/salitang nagbibigay ng patunay. Karaniwang ang mga ito ay
sinasamahan ng ebidensya o batayan. Maaaring gamitin ang mga
katagang gaya, kahit pa, sapagkat, kasi dahil at iba pa.
Mga Halimbawa:
1. Tunay ngang nakalulungkot ang mag-isa gaya ng naranasan ni
Ina nang ang kaniyang mmga anak ay umalis na sa kaniyang
piling.
2. Talagang nakababahala ang lagay ni Ina kahit pa makalabas siya
ng ospital ngayon sapagkat matanda na siya.
3. Sadyang hindi maipinta ang lungkot sa mukha ni Ina sapagkat
tila nakalimutan na siya ng kaniyang mga anak.
Pag-alam sa mga Natutuhan
Gawain 1: Bilugan sa pangungusap ang ginamit na salitang nagbibigay patunay.
Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot.
1. Tunay ngang ulirang pinuno ang Hari kaya maraming humanga sa kanya.
2. Ang taong masipag ay sadyang hinahangaan ng lahat.
3. Ang biyaya ay ipinagkaloob sa mga taong sadyang masunurin sapagkat
naniniwala ang pinuno sa kanilang tapat na paglilingkod.
4. Talagang pinatunayan ni Catalino ang taglay niya ang katalinuhan nang
malagpasan ang pagsubok ng hari.
5. Totoong napakabuting pinuno ng Hari nang kunin niyang tagapayo si
Catalino.

Gawain 2: Katulad ni Catalino na hindi naging hadlang ang kahirapan upang


magtamo ng kaalaman, Paano mo mapauunlad ang iyong kaalaman
sa panahon ng matinding pagbabago sa sistema ng pag-aaral sa
kasalukuyan? Gumamit ng mga salitang nagbibigay patunay
patunay. Isulat sa iyong kuwaderno ang sagot.

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Pangwakas na Pagsusulit
Panuto: Basahin at unawain ang talata. Isulat sa iyong kuwaderno ang sagot.
Ang pagbabasa ng iba’t ibang aklat ang nakahiligang basahin ni
Catalinong na siyang naging dahilan upang makakuha siya nang sapat na
kaalaman at talino sa mga bagay- bagay.. Tunay na ang pagtamo ng kaalaman ay
hindi nakabatay sa estado ng buhay. Totoong nasa pag unawa at pagsusumikap
na maunawaan ang kanyang mga binabasa upang lalong mapalawak at
mapalalim ang kanyang mga kalalaman . Sadyang pinatuyanan ni Catalino na
dapat siyang ikarangal ng kanyang mga magulang.

1.Sadyang walang lumapit sa kanya na hindi niya nabigyang ng magandang payo.


Alin sa mga salita ang kabilang sa mga salitang nagbibigay patunay?
A. lumapit C. payo
B. magandang D. Sadyang

2.Totoong nabahala ang hari dahil sa kasikatan ni Catalino. Alin sa mga salita ang
kabilang sa mga salitang nagbibigay patunay?
A.Catalino C. kasikatan
B.hari D. Totoong
3.Tunay na hinahangaan ng hari si Catalino kaya kinuha niya itong tagapayo. Alin
sa mga salita ang kabilang sa mga salitang nagbibigay patunay?
A. tunay C. hari
B. tagapayo D. kinuha

4.Sadyang iginagalang ng kanilang mga kanayon si Catalino dahil sa kanyang


husay sa pagbibigay ng payo. Alin sa mga salita ang kabilang sa mga salitang
nagbibigay patunay?
A. sadyang C. kanayon
B. iginagalang D. Catalino

5.Humanga ang hari sa katalinuhan ni Catalino. Sa katunayan, kinuha niya ito


bilang tagapayo. Alin sa mga salita ang kabilang sa mga salitang nagbibigay
patunay?
A. humanga C. katalinuhan
B. katunayan D. tagapayo

6.Sa totoo lang, ang pagiging matalino ni Catalino ang naging dahilan upang
hangaan siya ng buong nayon sa kanilang lugar. Alin sa mga salita ang kabilang sa
mga salitang nagbibigay patunay?
A. Sa totoo lang C. naging dahilan
B. pagiging matalino D. buong nayon

7.Ipinakita ni Catalino ang kababaang –loob sa kabilang ng kanyang hindi


matatawarang katalihuhan. Sadyang mapalad ang kanyang mga magulang sa
pagkakaroon ng anak na kagaya niya. Alin sa mga salita ang kabilang sa mga
salitang nagbibigay patunay?
A. kababaang-loob C. mapalad
B. sadyang D. matatawaran

8. Tunay na ang pagtamo ng kaalaman ay hindi nakabatay sa estado ng buhay.


Alin sa mga salita ang kabilang sa mga salitang nagbibigay patunay?
A. Tunay C. kaalaman
B. Pagtamo D. estado

9. Totoong nasa pagsusumikap ang pagtamo ng kaaalaman. Alin sa mga salita ang
kabilang sa mga salitang nagbibigay patunay?
A. Totoong C. pagsusumikap
B. pagtamo D. kaalaman

10. Sadyang pinatuyan ng mga frontliners na karapat- dapat silang ikarangal ng


bayan. Alin sa mga salita ang kabilang sa mga salitang nagbibigay patunay?
A. ikarangal C. Catalino
B. pinatunayan D. Sadyang
Papel sa Replektibong Pagkatuto

Bilang isang kabataang katulad ni Catalino, na nagpakita ng matinding


pagmamalasakit sa kapwa at bayan, paano ka makatutulong upang maging
karangalan ka sa panahong ito na nararanasan natin ang matinding suliranin ng
ating bayan, ang “Pandemya”? Gumamit ng mga salitang nagbibigay patunay sa
pagbuo ng talataan. Isulat sa iyong kuwaderno ang sagot.

Ako bilang isang kabataan


_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
Sanggunian
MGA AKLAT:
Hufana, Nerissa Lozarito et al. 2001. Mga Piling Kuwentong Bayan ng Mga
Maguindanao at Maranao, Marawi City: Univerity Book Center.

Panganiban, Jose Villa et al. 1992. Panitikan ng Pilipinas, Quezon City: Bede’s
Publishing House, Inc.

Tumangan, Alcomtiser Sr. P et al. 1996. Panitikan ng Pilipinas, Quezon City:


Grandwater Publications.

WEBSITE:
https://www.google.com/search?q=bayanihan+pictures++sa+panahon+ng+covid+p
hilippines&rlz=1C1ZKTG_enPH904PH904&sxsrf=ALeKk02V_UjWpqokMBRiL2-
zjnzXMWNkFA:1591796579693&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjTj7
tsPfpAhVBa94KHaqxBKQQ_AUoAXoECAsQAw&biw=1280&bih=578&dpr=1.5#imgr
c=2i7Zxs7aQFqMaM

https://pinoy-culture.tumblr.com/post/34370237995/asean2015-asean-
community-pagmamano

https://medium.com/@jendyrosenabus97/6-practices-1-country-94cb9100b6b7

https://www.google.com/search?q=picture+of+filipino+teachers&sxsrf=ALeKk02cQ
4TJYlMr7zcCS19bqwL8fpDIQ:1591242470470&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=B
jCBol_elCdNaM%253A%2

https://www.google.com/search?q=philippine+police+during+pandemic&tbm=isch
&ved=2ahUKEwiJv8ffoOfpAhXczYsBHWBBPwQ2cCegQIABAA&oq=philippine+police
+during+pandemic&gs_lcp=CgNpbWcQAzoCCAA6BAgAEEM6Bgg

https://www.google.com/search?q=philippine+doctors+during+pandemic&tbm=isc
h&ved=2ahUKEwiS7NXPoefpAhXLxosBHXz_A0YQ2cCegQIABAA&oq=philippine+do
ctors+during+pandemic&gs_lcp=CgNpbWcQA1C6YVj8hwFg2Z8BaAJwAHgAgAHqAY
gBgw-
Bumubuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Liezel M. Evangelista

Editor: Edwin Remo Mabilin,, EPS

Tagasuri: Museta Delos Reyes Dantes, PSDS

Tagapamahala: Maria Magdalena M. Lim, CESO V,

Tagapamanihalang Pansangay ng mga

Paaralang Panlungsod;

Aida H. Rondilla, Puno ng CID; at,

Lucky S. Carpio, EPS na nakatalaga sa LRM

at Tagapag-ugnay sa ADM
Susi sa Pagwawasto
Aralin 1: MGA KAUGALIAN AT KALAGAYANG PANLIPUNAN NA
PINAGMULAN NG KUWENTONG BAYAN

Unang Pagsubok Pangwakas na Pagsusulit

1. D 1. C

2. D 2. D

3. A 3. A

4. A 4. A

5. D 5. C

6. C

7. D

8. B

9. A

10. A

Aralin 2: MGA SALITANG NAGBIBIGAY PATUNAY

Unang Pagsubok Pangwakas na Pagsusulit


1. A 1. D 9. A

2. D 2. D 10. D

3. B 3. A

4. D 4. A

5. A 5. B

6. A

7. B

8. A

You might also like