You are on page 1of 8

COMPOSTELA VALLEY STATE COLLEGE

Montevista Branch
Purok 4, San Jose, Montevista, Davao de Oro
School Year 2019-2020
MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VI
Third Quarter
February 4, 2020

I. LAYUNIN: Sa pagtatapos ng talakayan ang mga bata ay inaasahang:


1. Nakikilala ang iba’t ibang bahagi ng pahayagan.
2. Nagagamit ang dyaryo o pahayagan nang maayos.
3. Nabibigyang halaga ang mga pangyayari sa paligid.
II. PAKSANG ARALIN:
A. Paksa: IBA’T IBANG BAHAGI NG PAHAYAGAN
B. Sanggunian: PELC, Pagbasa 25 p.5
Alab ng Wikang Filipino p. 318
Hiyas sa Pagbasa VI pahina 218-220
C. Kagamitan: Dyaryo, tsart, Day Light Projector(DLP)
D. Kowd:
E. Pagpapahalaga: Pagiging Mulat sa mga Pangyayari sa Paligid

III. PAMAMARAAN
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
Tayo ang manalangin. Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng
Diyos Espiritu Santo. Amen.
2. Pagbati
Magandang araw sa inyong lahat Magandang araw po!
mga bata!
3. Atendans
Sabihin ang “present” kapag Opo.
tinawag ang inyong pangalan.
4. Paunang Gawain
Ngayon ay magkakaroon tayo ng isang
laro.
Hahatiin ko kayo sa limang pangkat.
Ang gagawin ninyo ay paunahan kayo
sa pagsagot.
Hanapin ninyo ang mga salita sa loob
ng puzzle box ayon sa kahulugan nito.

Pahalang
 Kasingkahulugan ng salitang
Karamdaman
 Ito ay ang nagbibigay liwanag sa
ating mundo
Pababa
 Madalas itong mapanood at
maririnig sa telebisyon araw-araw.
 Ito ay isang uri ng babasahin na
naglalaman ng balita araw-araw.
Pahilis
 Ito ay tubig na galing sa ulap.

b m e u r d l w x
a x o k l y u s d
l b r b s a k l t
i a w d w r n r o
t g o i x y w l w
a r a w l o d z j
Sakit, Balita, Araw, Dyaryo, Ulan

5. Balik-aral
Anong bahagi ng aklat ang
tinutukoy o nilalarawan?
Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

a. Pamagat
b. Talahulugan
c. Paunang Salita
1. Naglalaan
d. Talaanitongng mga nilalaman ng
Nilalaman
seleksiyon at pahina ng mga
babasahin.
2. Makikita ang pangalan ng aklat at
ng may akda.
3. Makikita ang kahulugan ng mga
salita.
4. Nagsasabi tungkol sa katangian at
nilalaman ng buong aklat.

Anu-ano ang iba’t ibang bahagi ng aklat?


Mahusay!
Ang iba’t ibang bahagi po ng aklat ay
pabalat, pamagat, karapatang sipi,
paunang salita, talaan ng mga
nilalaman, talasalitaan at talahulugan.
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak:

(1.1) Sino sa inyo ang mahilig


manood ng balita sa telebisyon? (1.1) Kami Sir!

Magaling!
Ngayon, mayroon akong
ipapakitang larawan sa inyo.
Hulaan ninyo kung sino ang nasa
larawan.
1. Noli De Castro
2. Korina Sanchez
3. Mike Enriquez
4. Jessica Soho

(1.2) Sino- sino ang nasa larawan?


(1.2) Ang nasa larawan po ay sina Noli
de Castro, Korina Sanchez, Mike
Eniquez at Jessica Soho
2. Pag-alis ng mga Sagabal
Ating tuklasin ang mga
mahahalagang salita sa ating
aralin.
 MERS-Cov
- Middle East respiratory
syndrome coronavirus
3. Presentasyon
Mayroon akong inihandang isang
balita. Pakinggan natin at panoorin
ang balita.

4. Mga Pamantayan
(4.1) Anu-ano nga ba ang dapat
gawin tuwing tayo ay nagkakaroon (4.1)
ng leksyon? Umupo ng maayos.
Huwag pong mag-ingay.
Magaling! Makinig po ng maayos.
(4.2) Maasahan ko ba yan sa inyo Huwag pong makipag-usap sa katabi.
mga bata?

5. Gawain (4.2) Opo Sir!

1. Pakikinig/Panonod ng Balita.
(Audio- Visual Presentation)
Pinay Nurse na may MERS-Cov.

2. Pagtatalakay
(2.1) Tungkol saan ang balitang
napanood ninyo? (2.1) Ang balita na napanood namin
ay tungkol po sa isang pinay na
Mahusay! nagkasakit.

(2.2) Anong sakit ang naramdaman


ng pinay? (2.2) Ito po ay isang sakit na tinatawag
na MERS-Cov.
(2.3) Saan nanggaling ang sakit na
ito? (2.3) Nanggaling po ang sakit na ito sa
Midde East.
Mahusay!

(2.4) Mahilig ba kayong magbasa


ng dyaryo, makinig sa radyo o (2.4) Opo Sir!
manood ng telebisyon upang
malaman ang mga balita?

6. Pagsusuri
(6.1) Alam ba ninyo na ang
pahayagan ay may iba’t ibang (6.1) Anu-ano po ang mga bahagi,
bahagi? Sir?

Narito ang mga bahagi ng


pahayagan at katuturan at
kahalagahan ng bawat isa.

1. Ulo ng Balita o pang


mukhang balita
Makikita rito ang pangalan ng
pahayagan at ang mga
pangunahin o mahahalagang
balita.

2. Balitang Pandaigdig
Mababasa sa pahinang ito ang
mga balitang nagaganap sa
iba’t ibang bahagi ng mundo.

3. Pangulong Tudling o
Editoryal
Dito mababasa ang kuro-kuro
o punang isinulat ng patnugot
hinggil sa isang
napapanahong paksa o isyu.

4. Balitang Panlalawigan o
Pampamayanan
Mababasa rito ang mga balita
mula sa lalawigan sa ating
bansa.

5. Lifestyle o Pitak Pantahanan


Mababasa dito ang mga
artikulong may kinalaman sa
pamumuhay, tahanan,
pagkain, paghahalamanan.
6. Panlibangan
Dito makikita ang tungkol sa
artista, pelikula, telebisyon at
iba pang sining.

7. Obitwaryo o Patalastas sa
Pagkamatay
Anunsyo para sa mga taong
namatay na. Nakasaad dito
kung saan nakaburol at kung
kailan ililibing ang namatay.

8. Anunsiyo Klasipikado
Makikita rito ang mga
anunsiyo para sa iba’t ibang
uri ng hanapbuhay,bahay,
lupa, sasakyan at iba pang
kagamitang ipinagbibili.

9. Palakasan o Isports
Naglalaman ang bahaging ito
ng mga balitang may
kinalaman sa larangan ng
isports sa loob at labas ng
bansa.

7. Paghahalaw
(7.1) Mayroon ba kayong natutunan
ngayon tungkol sa panonod o
pagbabasa ng pahayagan? (7.1) Opo Sir!
(7.2) Mahalaga ba ito?
(7.2) Opo Sir!
Ano ang tawag sa bahaging ito
Ano ang mahalagang impormasyon
ang makukuha natin dito?
(itanong ang lahat ng bahagi ng
pahayagan)

(7.3) Anu-ano ang iba’t ibang bahagi


ng pahayagan? (7.3) Ang iba’t ibang bahagi po ng
pahayagan ay ang pangmukhang
balita o pangunahing balita, Editoryal
o Pangulong tudling, Balitang
Pandaigdig/Pambansa, Balitang
Pampamayanan, Pitak Pantahanan,
Panlibangan, Patalastas sa
Pagkamatay o Orbitwaryo, Anunsyo
klasipikado at Palakasan.
(7.4) Bakit Mahalaga ang bawat bahagi
nito? (7.4) Mahalaga po para kumpleto ang
balitang mababasa natin araw-araw.
Magaling!

 Pagpapahalaga

(7.5) Ano ang kahalagahan ng dyaryo


sa atin? (7.5) Ang kahalagahan po ng dyaryo o
pahayagan ay nagdadala ng balita
araw-araw.
(7.6) Paano kayo mamulat sa mga
pangyayari sa ating paligid araw-araw? (7.6) Sa pamamagitan po ng panonod
ng balita sa telebisyon araw-araw.
8. Paglalapat

(Pangkatang Gawain)
Ngayon, magkakaroon tayo ng
pangkatang gawain. Hahatiin ko kayo
sa pitong pangkat. Sa bawat pangkat
ay bibigyan ko ng tig-iisang dyaryo o
pahayagan. Gupitin ang mga katumbas
na bahagi ng pahayagang nakasulat sa
cartolina ng bawat pangkat.
Pagkatapos ay idikit ito sa pisara.

Unang Pangkat- Pangmukhang Balita


Pangalawang Pangkat- Balitang
Pandaigdig
Pangatlong Pangkat- Editoryal
Pangulong Tudling
Pang-apat na Pangkat- Panlibangan
Pang- limang Pangkat- Balitang
Pampamayanan
Pang-anim na Pangkat- Anunsiyo
Klasipikado
Pampitong Pangkat- Palakasan

Matapos kayong gumawa ay linisin ang


inyong paligid at ibalik sa ayos ang
mga upuan.

IV. Pagtataya
A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Isang babasahin na naglalaman ng pang-araw-araw na balita o impormasyon.


a. Aklat b. Pahayagan c. telebisyon
2. Mga balitang nagmula sa iba’t ibang bansa.
a. Mukha ng Pahayagan b. Pahinang Panlibangan c. Balitang Pandaigdig
3. Nakikita ang talatakdaan ng palabas sa telebisyon, sinehan at paboritong
komiks, palaisipan at iba pang nakakaaliw na gawain.
a. Palakasan b. panlibangan c. anunsyo klasipikado
4. Ang mga balitang tungkol sa basketbol, boksing at iba pang isports
a. Palakasan b. Mukha ng Pahayagan c. Balitang Pandaigdig
5. Opinyol tungkol sa “ The Fallen 44”.
a. Pitak Pantahanan b. Editoryal c. anunsiyo klasipikado

B. Pagtapatin ang salitang nasa Column A at B.


Alin sa mga ito ang naiuugnay sa bahagi ng isang pahayagan. Isulat sa patlang
ang titik ng tamang sagot.

6. Pangunahing Balita a. Wanted Yaya


7. Anunsiyo Klasipikado b. Resipeng gulay
8. Pitak Pantahanan c. Marwan, patay na!
9. Palakasan d. Basketball-PBA
10. Balitang Pampamayanan e. Pagsabog ng World Trade Center
f. Babae, nasagasaan Patay!

I. Takdang Aralin
1. Maghanap kayo ng lumang dyaryo
2. Gupitin ninyo ang bahagi na pinakamahalaga para para sa inyo.
3. Idikit ito sa sagutang papel.
4. Ipaliwanag kung bakit ang bahaging ito ang napili ninyo.
Inihanda ni:
__________________________
Pre-service Teacher

Iniwasto ni:
__________________________ (For FS and Practicum)
Cooperating Teacher

__________________________ (For In-house Demonstration)


Subject Area

__________________________ (For In-house Demonstration)


Program Head

You might also like