You are on page 1of 24

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division of Ilocos Norte
PASUQUIN HIGH SCHOOL OF ILOCOS NORTE INC.
(formerly: Pasuquin Academy)

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 9


Yunit 2

Aralin 7
Inspirasyon Mula sa Kalikasan
Tema:
Panitikan: Salamin ng Kultura ng Silangang Asya

Pamantayang Pangnilalaman: 
Naipamamalas ang pag-unawa sa mga piling akdang tradisyonal ng Silangang Asya

Pamantayan sa Pagganap: 
Nakasusulat ng sariling akda na nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagiging isang Asyano

Paksang Aralin
     Panitikan: Haiku at Tanka: Mga Natatanging Tula Mula sa Bansang Hapon
     Gramatika: Suprasegmental: Gabay sa Mabisang Pakikipagtalastasan

Mga Layunin
Natutukoy ang pagkakaiba at pagkakatulad ng haiku at tanka
Nakapagsasaliksik ng kultura ng mga Hapones at kulturang nakapaloob sa haiku at tanka
Nakikinig nang mabuti at may layuning matukoy ang damdaming nakapaloob sa mga salita at/o mensaheng
narinig
Nakasusulat ng haiku, tanka, at maikling iskrip

Kagamitan
batayang aklat na Bulwagan 9 Kamalayan sa Gramatika at Panitikan, mga pahina 90–98
recording o video ng sumusunod na mga awit: 
"Anak ng Pasig" ni Geneva Cruz 
  "Masdan Mo ang Kapaligiran" ng Asin 
  "Magkaugnay" ni Joey Ayala 
  "Awit para sa Kalikasan (Awit ng Maralita)" ni Christine Joy Razon

Bilang ng Sesyon: 4 (isang oras sa bawat sesyon)

Mahahalagang Tanong
Masasalamin ba sa mga tula ng isang bansa ang kultura nito?
Paano nababago ng pagtaas o pagbaba ng tinig ang mensaheng nais ipaabot sa tagapakinig?

Pamamaraan
Panimula at Pagganyak
1. Iparinig sa mga estudyante ang alinman sa sumusunod na mga awitin tungkol sa
kalikasan mula sa YouTube o ibang katulad na sanggunian. 
Isang Banghay-Aralin sa Filipino 9 Yunit 2
FSSaladino2019
-     "Anak ng Pasig" ni Geneva Cruz mula sa www.youtube.com/watch?v=vgZ8yDYjDYA
-     "Masdan Mo ang Kapaligiran" ng Asin mula sa www.youtube.com/watch?v=wINpYbATXjM
-     "Magkaugnay" ni Joey Ayala mula sa www.youtube.com/watch?v=_y_nQheGGXg
-    "Awit para sa Kalikasan (Awit ng Maralita)" ni Christine Joy Razon mula sa www.youtube.com/watch?
v=oLQo1DnWRms
2. Mas mabuti kung mabibigyan o maipakikita sa mga estudyante ang liriko ng awit.
Sabihin sa kanila na habang pinakikinggan ang awit, suriin nila ang nilalaman nito at tukuyin kung saan hinango ng
may-akda ang paksa nito.
3. Pag-usapan sa klase ang kanilang pagsusuri at tukuyin kung saan hinango ang paksa ng
awit.
4. Ipasagot sa mga estudyante ang mga tanong sa panimulang gawain ng Pagsusuring
Pampanitikan sa pahina 91 ng batayang aklat. 

Pagpapayaman ng Talasalitaan
1. Ipagawa ang nakasaad sa Talasik sa pahina 93 tungkol sa pagpapaliwanag ng matatalinghagang pahayag.
2. Magkaroon ng pagpapalitan ng kuro-kuro tungkol sa mga paliwanag na ibinigay ng mga estudyante at
ipabahagi ang kanilang naging batayan sa pagbibigay ng gayong paliwanag.  

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipabasa nang tahimik ang sanaysay na "Haiku at Tanka: Mga Natatanging Tula Mula sa Bansang
Hapon" sa mga pahina 91 hanggang 93.
2. Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa binasa. Gawing gabay ang mga tanong sa Muling Pag-
isipan sa pahina 93.

Pagsasanay 
1. Ipagawa ang mga pagsasanay sa Masusing Gampanan sa pahina 94. Para sa gawain A, gamitin ang
sumusunod na pamantayan sa pagmamarka ng haiku o tanka na kanilang isusulat.

2. Gamitin ang sumusunod na pamantayan sa pagmamarka ng leaflet na gagawin ng mga estudyante sa gawain B.

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 9 Yunit 2


FSSaladino2019
3. Markahan ang maikling iskrip at pagsasadula ng mga estudyante sa gawain C gamit ang sumusunod na
pamantayan.

Paglalahat
1. Matapos ang talakayan at mga gawain sa Pagsusuring Pampanitikan, tanungin ang mga estudyante kung
anong mahahalagang aral ang napulot nila mula rito.
2. Lagumin ang aralin batay sa sagot ng mga estudyante at ayon sa mga layuning pampanitikan ng aralin.

Takdang-aralin
Ipabasa ang artikulo at aralin sa Pagsusuring Panggramatika sa mga pahina 94 hanggang 97. 

Integrasyon sa Gramatika

Pagbabalik-aral at Pagganyak
Isang Banghay-Aralin sa Filipino 9 Yunit 2
FSSaladino2019
1. Ipabasa sa mga estudyante ang mga piling haiku at tanka na nasaliksik nila sa gawain B sa Masusing
Gampanan. Hikayatin ang mga nakikinig na magbigay ng komento sa mga napakinggang haiku at tanka.
2. Magbalik-aral tungkol sa mga tinalakay noong nakaraang pagkikita at iugnay ito sa aralin. 

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipabasa nang tahimik ang artikulo sa Alamin Natin sa pahina 94. Pagkatapos, magkaroon ng pagpapalitan
ng kuro-kuro gamit ang mga tanong sa pahina 95.
2. Talakayin ang tungkol sa wastong paggamit ng mga ponemang suprasegmental sa pagbigkas o pagsasalita
ayon sa nakasaad sa Talakayin Natin sa mga pahina 95 hanggang 97. Hayaan ang mga estudyante na magbigay ng
iba't ibang halimbawa tungkol sa paksa. 

Pagsasanay at Paglalahat
1. Ipagawa ang mga pagsasanay sa Himayin Natin sa mga pahina 97 at 98. Talakayin ang mga tamang sagot
sa mga gawain A at B.
2. Para sa gawain C, pumili ng mga estudyante na magbabasa ng kanilang isinulat na tula sa
gawain A sa Masusing Gampanan. Gabayan sila sa wastong paggamit ng mga ponemang suprasegmental sa
kanilang pagbigkas. 

Pagbubuod
1. Ipagawa ang mga gawain sa Pagtibayin Natin at Lagumin Natin sa pahina 98.
2. Tumawag ng mga estudyante upang bigkasin ang kanilang isinulat na haiku at tanka at upang lagumin ang
mga natutuhan nila sa klase. 

Takdang-aralin
1. Ipabasa ang kuwentong "Ang Palaka sa Mababaw na Balon" sa pahina 101.
2. Sabihin sa mga estudyante na magsaliksik tungkol sa kahulugan at katangian ng pabula.

Karagdagang Pagsasanay
Manood mula sa Youtube ng spoken words ni Juan Miguel Severo. Suriin ang paraan ng kaniyang
pagbigkas.

Republic of the Philippines


DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division of Ilocos Norte
PASUQUIN HIGH SCHOOL OF ILOCOS NORTE INC.
(formerly: Pasuquin Academy)

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 9 Yunit 2


FSSaladino2019
Isang Banghay-Aralin sa Filipino 9
Yunit 2

Aralin 8
Ang Halaga ng Kababaang-loob
Tema:
Panitikan: Salamin ng Kultura ng Silangang Asya

Pamantayang Pangnilalaman: 
Naipamamalas ang pag-unawa sa mga piling akdang tradisyonal ng Silangang Asya

Pamantayan sa Pagganap: 
Nakasusulat ng sariling akda na nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagiging isang Asyano

Paksang Aralin
     Panitikan: "Ang Palaka sa Mababaw na Balon" (Pabula mula sa Tsina)
     Gramatika: Iba’t Ibang Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Damdamin

Mga Layunin
Nabibigyang-puna ang kabisaan ng paggamit ng mga hayop bilang mga tauhan sa akda
Nakatatamo ng kasiyahan sa panonood ng pagtatanghal kaugnay ng pabula
Nakagagamit ng iba’t ibang ekspresyon sa pagpapahayag ng damdamin
Kagamitan
batayang aklat na Bulwagan 9 Kamalayan sa Gramatika at Panitikan, mga pahina 99–109
larawan ng iba’t ibang pabalat ng aklat ng pabula
recording o video ng awit na "Let It Go" 

Bilang ng Sesyon: 4 (isang oras sa bawat sesyon)

Mahahalagang Tanong
Mabisa ba ang paggamit ng mga hayop bilang mga tauhan sa isang akda? Bakit?
Ano-anong ekspresyon ang angkop gamitin sa pagpapahayag ng damdamin?

Pamamaraan
Panimula at Pagganyak
1. Ipakita ang iba’t ibang pabalat ng mga aklat ng pabula. Itanong sa mga estudyante kung nabasa na nila ang
mga aklat na ito. Itanong din ang kanilang naging damdamin sa pagbasa ng mga gayong kuwento.
2. Pasagutan sa mga estudyante ang krosword at ang dalawang tanong na kaugnay nito sa panimulang gawain
sa pahina 100 ng batayang aklat.
3. Magsagawa ng Think-Pair-Square para sa pagbabahaginan ng sagot. Pagkatapos, pumili ng kinatawan sa
bawat pangkat upang ibahagi ang kanilang sagot sa klase. 

Pagpapayaman ng Talasalitaan
Ipasagot ang gawain sa Talasik sa mga pahina 102 at 103 tungkol pag-aantas ng mga salita. 

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipabasa nang tahimik ang pabulang "Ang Palaka sa Mababaw na Balon" sa pahina 101.
2. Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa binasang pabula. Gawing gabay ang mga tanong sa Muling
Pag-isipan sa pahina 103. Idagdag sa talakayan ang sumusunod na mga tanong:

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 9 Yunit 2


FSSaladino2019
a. May nabasa ka bang pabula na hawig sa "Ang Palaka sa Mababaw na Balon"? Paano ito nagkahawig?
b. May katotohanan ba sa alinmang bahagi ng pabula? Patunayan.

Pagsasanay 
1. Ipagawa sa mga estudyante ang mga pagsasanay sa Masusing Gampanan sa pahina 104. Maaaring ibigay
ang ibang bahagi ng mga gawain, gaya ng pagsasaliksik, bilang takdang-gawain. Ipalahad sa klase ang mga detalye
ng kanilang masasaliksik na mga pabula sa gawain A.
2. Suriin ang ginawa ng mga estudyante sa gawain B batay sa sumusunod na checklist.
______ Malikhain ang muling pagkakasulat ng nasaliksik na pabula.
______ Walang mali sa gramatika at/o baybay.
______ Gumamit ng iba’t ibang pangungusap sa muling pagsulat ng pabula.
______ Nabago ang karakter ng isang tauhan nito:
              ____ pisikal
              ____ emosyonal
              ____ intelektuwal
3. Sa pagtatanghal sa gawain C, hikayatin ang mga tagapakinig na suriin ang ginawang pagtatanghal ng
kanilang kamag-aaral. Magbigay rin ng sariling komento sa ipinakita ng mga estudyante.  

Paglalahat
1. Matapos ang talakayan at mga gawain sa Pagsusuring Pampanitikan, tanungin ang mga estudyante kung
anong mahahalagang aral ang napulot nila mula rito.
2. Lagumin ang aralin batay sa sagot ng mga estudyante at ayon sa mga layuning pampanitikan ng aralin.

Takdang-aralin
Ipabasa ang artikulo at aralin sa Pagsusuring Panggramatika sa mga pahina 105 at 106.

Integrasyon sa Gramatika

Pagbabalik-aral at Pagganyak
1. Iparinig sa klase ang awit na "Let It Go" mula sa pelikulang Frozen. Maaaring makita ang video nito
sa www.youtube.com/watch?v=moSFlvxnbgk o ibang katulad na sanggunian. 
2. Pag-usapan sa klase ang mensahe ng awit at iugnay ito sa tatalakaying aralin.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipabasa nang tahimik ang artikulo sa Alamin Natin sa pahina 105. Pagkatapos, magkaroon ng pagpapalitan
ng kuro-kuro gamit ang mga tanong na kasunod nito.
2. Talakayin ang iba’t ibang ekspresyon sa pagpapahayag ng damdamin ayon sa nakasaad sa Talakayin
Natin sa pahina 106. Ipaisa-isa sa mga estudyante ang mga salitang kaugnay ng paksa. 
3. Hayaan din silang magbigay ng sariling pangungusap gamit ang mga salita sa pagpapahayag ng
damdamin. 

Pagsasanay at Paglalahat
1. Ipagawa ang mga pagsasanay sa Himayin Natin sa mga pahina 107 hanggang 109. Pag-usapan ang
kanilang mga sagot sa mga gawain A at B. 
2. Gamitin ang sumusunod na pamantayan sa pagmamarka ng talata na susulatin nila sa gawain C.

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 9 Yunit 2


FSSaladino2019
Pagbubuod
1. Ipagawa ang mga gawain sa Pagtibayin Natin at Lagumin Natin sa mga pahina 109 at 110.
2. Tumawag ng mga estudyante upang ibahagi ang kanilang mga sagot at upang lagumin ang mga natutuhan
sa klase.

Takdang-aralin
1. Ipabasa ang sanaysay na "Kagandahan: Sa Pamamaraang Koreano" sa mga pahina 112 hanggang 117.
2. Ipasaliksik sa mga estudyante ang kultura sa Korea. Sabihin din na magsaliksik sila tungkol sa K-Pop at sa
impluwensiya nito sa mga kabataang Pilipino. Ipasulat ang kanilang saloobin tungkol dito gamit ang iba’t ibang
ekspresyon sa pagpapahayag ng damdamin.

Republic of the Philippines


DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division of Ilocos Norte
PASUQUIN HIGH SCHOOL OF ILOCOS NORTE INC.
(formerly: Pasuquin Academy)

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 9


Yunit 2

Aralin 9
Ang Kahulugan ng Kagandahan

Tema:
Panitikan: Salamin ng Kultura ng Silangang Asya

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 9 Yunit 2


FSSaladino2019
Pamantayang Pangnilalaman: 
Naipamamalas ang pag-unawa sa mga piling akdang tradisyonal ng Silangang Asya
Pamantayan sa Pagganap: 
Nakasusulat ng sariling akda na nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagiging isang Asyano

Paksang Aralin
     Panitikan: "Kagandahan: Sa Pamamaraang Koreano" (Sanaysay ni Julia Yoo)
     Gramatika: Pagtatalumpati: Pagpapahayag ng Paninindigan at Mungkahi   

Mga Layunin
Naipaliliwanag ang mga kaisipan, layunin, paksa, at paraan ng pagkakabuo ng sanaysay
Nabibigyang-puna ang paraan ng pagsasalita ng taong nagpapahayag ng kaniyang paninindigan
Nakatatamo ng kasiyahan sa pakikinig ng talumpati
Naipahahayag ang pananaw tungkol sa napapanahong isyu sa pamamagitan ng talumpati
Kagamitan
batayang aklat na Bulwagan 9 Kamalayan sa Gramatika at Panitikan, mga pahina 111–125
larawan ng iba’t ibang artista

Bilang ng Sesyon: 4 (isang oras sa bawat sesyon)

Mahahalagang Tanong
Maaari bang magbago ang kultura ng isang bansa sa paglipas ng panahon?
Paano mabisang maipahahayag ang sariling paninindigan at mungkahi?

Pamamaraan

Panimula at Pagganyak
1. Ipakita sa mga estudyante ang larawan ng iba’t ibang artista, lokal man o banyaga. Itanong kung ano ang
tingin nila sa mga artistang ito.
2. Papunan sa kanila ang semantic map sa panimulang gawain sa pahina 112 ng batayang aklat at pagkatapos
ay pasagutan ang dalawang tanong na kaugnay nito.
3. Magsagawa ng dalawahang pagbabahaginan ng sagot. Pagkatapos, pumili ng ilang estudyante upang
ibahagi sa klase ang kanilang sagot.

Pagpapayaman ng Talasalitaan
Ipagawa ang nakasaad sa Talasik sa pahina 118. Iwasto ang mga sagot pagkatapos. 

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipabasa nang tahimik ang sanaysay na "Kagandahan: Sa Pamamaraang Koreano" sa mga pahina 112
hanggang 117.
2. Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa binasang sanaysay. Gawing gabay ang mga tanong
sa Muling Pag-isipan sa pahina 118.

Pagsasanay at Paglalahat
Ipagawa ang mga pagsasanay sa Masusing Gampanan sa mga pahina 119 at 120. Talakayin ang mga sagot
ng mga estudyante sa bawat gawain.

Paglalahat
1. Matapos ang talakayan at mga gawain sa Pagsusuring Pampanitikan, tanungin ang mga estudyante kung
anong mahahalagang aral ang napulot nila mula rito.
2. Lagumin ang aralin batay sa sagot ng mga estudyante at ayon sa mga layuning pampanitikan ng aralin.

Takdang-aralin
Isang Banghay-Aralin sa Filipino 9 Yunit 2
FSSaladino2019
Ipabasa ang talumpati at aralin sa Pagsusuring Panggramatika sa mga pahina 121 hanggang 123.

Integrasyon sa Gramatika

Pagbabalik-aral at Pagganyak
1. Itanong sa mga estudyante kung ano-ano ang mga bentaha at desbentaha ng teknolohiya. Isulat ang
kanilang sagot sa pisara sa anyong tsart. 
2. Pag-usapan sa klase ang mga sagot. Maaaring sa bahaging ito ay magkaroon ng debate ang mga estudyante
sa inisa-isang bentaha at desbentaha ng teknolohiya. 

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipabasa nang tahimik ang talumpati sa Alamin Natin sa mga pahina 121 at 122. Pagkatapos, magkaroon ng
pagpapalitan ng kuro-kuro gamit ang mga tanong na kasunod nito.
2. Talakayin ang tungkol sa pagpapahayag ng paninindigan at mungkahi sa pamamagitan ng pagtatalumpati.
Ipaisa-isa sa mga estudyante ang mga paraan o gabay sa pagpapahayag ng paninindigan o mungkahi, gayundin ang
mga salita o ekspresyong ginagamit para dito. Hayaan silang magbigay ng sariling pangungusap gamit ang mga
salita sa pagpapahayag ng paninindigan at mungkahi.
3. Pag-usapan ang mga hakbang para sa mabisang pagtatalumpati. Isa-isahin din ang mga paghahandang
dapat tandaan bago magtalumpati.

Pagsasanay at Paglalahat
1. Ipagawa ang mga pagsasanay sa Himayin Natin sa mga pahina 124 at 125. Gamitin ang sumusunod na
pamantayan sa pagmamarka ng sanaysay na isusulat nila sa gawain A.

2. Markahan ang pagtatalumpating gagawin ng mga estudyante sa gawain C gamit ang sumusunod na


pamantayan.

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 9 Yunit 2


FSSaladino2019
Isang Banghay-Aralin sa Filipino 9 Yunit 2
FSSaladino2019
Pagbubuod
1. Ipagawa ang mga gawain sa Pagtibayin Natin at Lagumin Natin sa pahina 125.
2. Tumawag ng mga estudyante upang ibahagi ang kanilang mga sagot at upang lagumin ang mga natutuhan
sa klase.

Takdang-aralin
Ipabasa ang maikling kuwentong "Rashomon" sa mga pahina 127 hanggang 133. 

Karagdagang Pagsasanay
Manood ng mga talumpati ng mga pangulo ng Pilipinas. Paghambingin ang kanilang mga estilo sa
pagbigkas.

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 9 Yunit 2


FSSaladino2019
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division of Ilocos Norte
PASUQUIN HIGH SCHOOL OF ILOCOS NORTE INC.
(formerly: Pasuquin Academy)

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 9


Yunit 2

Aralin 10
Ang Dignidad at Kahirapan
Tema:
Panitikan: Salamin ng Kultura ng Silangang Asya
Pamantayang Pangnilalaman: 
Naipamamalas ang pag-unawa sa mga piling akdang tradisyonal ng Silangang Asya
Pamantayan sa Pagganap: 
Nakasusulat ng sariling akda na nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagiging isang Asyano

Paksang Aralin
     Panitikan: "Rashomon" (Maikling kuwento mula sa Hapon)
     Gramatika: Masining na Pagsasalaysay

Mga Layunin
Nahihinuha ang kulturang nakapaloob sa binasang maikling kuwento
Napahahalagahan ang sariling kultura 
Nailalarawan ang sariling kultura sa maikling salaysay 

Kagamitan
batayang aklat na Bulwagan 9 Kamalayan sa Gramatika at Panitikan, mga pahina 126–137
video ng trailer ng pelikulang "Attack on Titan" 
larawan ng iba’t ibang lugar sa Pilipinas o sa ibang bansa

Bilang ng Sesyon: 4 (isang oras sa bawat sesyon)

Mahahalagang Tanong 
Paano nagagamit ang tagpuan sa maikling kuwento sa paglalahad ng kultura ng isang bansa?
Paano gagawing masining ang pagsasalaysay ng isang kuwento?

Pamamaraan

Panimula at Pagganyak
1. Ipanood sa klase ang trailer ng pelikulang "Attack on Titan" mula sa www.youtube.com/watch?
v=TD20XEAP4jc o ibang katulad na sanggunian. 
2. Pasagutan ang mga tanong sa panimulang gawain sa pahina 127 ng batayang aklat.
3. Magsagawa ng Think-Pair-Square para sa pagbabahaginan ng sagot. Pagkatapos, pumili ng kinatawan
mula sa bawat pangkat upang ibahagi sa klase ang kanilang sagot. 

Pagpapayaman ng Talasalitaan

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 9 Yunit 2


FSSaladino2019
1. Ipasagot ang nakasaad sa Talasik sa pahina 133 tungkol sa pagbibigay-kahulugan sa mga imahen at
simbolo. Tanggapin ang anumang sagot ng mga estudyante.
2. Pasagutan itong muli at saka talakayin matapos basahin ang kuwento. 

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipabasa nang tahimik ang maikling kuwentong "Rashomon" sa mga pahina 127 hanggang 133.
2. Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa binasang maikling kuwento. Gawing gabay ang mga tanong
sa Muling Pag-isipan sa pahina 133.

Pagsasanay 
1. Ipagawa ang mga pagsasanay sa Masusing Gampanan sa mga pahina 134 at 135. Talakayin ang mga sagot
sa gawain A.
2. Ibigay bilang takdang-gawain ang ibang bahagi gaya ng panonood sa YouTube o pagsasaliksik ng maikling
kuwento. Para sa gawain B, maaari din namang magpanood sa klase ng mga bahagi ng teleserye o pelikula na siyang
paghahambingin ng mga estudyante. 

Paglalahat
1. Matapos ang talakayan at mga gawain sa Pagsusuring Pampanitikan, tanungin ang mga estudyante kung
anong mahahalagang aral ang napulot nila mula rito.
2. Lagumin ang aralin batay sa sagot ng mga estudyante at ayon sa mga layuning pampanitikan ng aralin.

Takdang-aralin
Ipabasa ang seleksiyon at aralin sa Pagsusuring Panggramatika sa mga pahina 135 at 136.

Integrasyon sa Gramatika

Pagbabalik-aral at Pagganyak
1. Ipakita sa mga estudyante ang mga larawan ng iba’t ibang lugar sa Pilipinas at/o sa
ibang bansa. Itanong sa kanila kung saang pelikula at/o teleserye ito ginamit. Tingnan ang ilang halimbawa sa ibaba:
a. Bohol – "Dolce Amore" (teleserye ng ABS-CBN, 2016)
b. Milan, Italya – "Milan" (pelikula ng Star Cinema, 2004)         
c. Palawan – "Ningning" (teleserye ng ABS-CBN, 2015)
d. United Kingdom – "Caregiver" (pelikula ng Star Cinema, 2008)
e. Dubai, UAE – "Dubai" (pelikula ng Star Cinema, 2005)  
2. Pag-usapan sa klase ang ginagampanan ng tagpuan sa pelikula o sa anumang akdang
pampanitikan.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipabasa nang tahimik ang bahagi ng kuwentong "Suyuan sa Tubigan" sa Alamin Natin sa mga pahina 135
at 136. Pagkatapos, magkaroon ng pagpapalitan ng kuro-kuro gamit ang mga tanong na kasunod nito. Iugnay ito sa
tatalakaying paksa.  
2. Talakayin ang tungkol sa masining na pagsasalaysay ayon sa nakasaad sa Talakayin Natin sa pahina 136. 
3. Ipaisa-isa sa mga estudyante ang dapat isaalang-alang upang maging masining ang pagsasalaysay. Maaari
silang pangkatin upang gumawa ng isang talaan na may pamagat na "Resipi sa Masining na Pagsasalaysay." 

Pagsasanay at Paglalahat
1. Ipagawa ang mga pagsasanay sa Himayin Natin sa pahina 137. Talakayin ang kanilang mga sagot sa mga
gawain A at B.
2. Gamitin ang sumusunod na pamantayan sa pagmamarka ng maikling salaysay na isusulat nila sa gawain C.

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 9 Yunit 2


FSSaladino2019
Pagbubuod
1. Ipagawa ang mga gawain sa Pagtibayin Natin at Lagumin Natin  sa pahina 137.
2. Tumawag ng mga estudyante upang ibahagi ang kanilang mga sagot at upang lagumin ang mga natutuhan
sa klase.

Takdang-aralin
Ipabasa ang dulang "Prinsesa ng Buwan" sa mga pahina 139 hanggang 142.  

Karagdagang Pagsasanay
      Magsagawa ng “Umpukan ng mga Estudyante.” Ilarawan sa inyong kamag-aaral ang tipikal na maghapon
sa buhay ng isang estudyante. Magkuwento tungkol sa mga ginagawa ninyo o ng mga estudyanteng katulad
ninyo sa pamamagitan ng masining na pagsasalaysay.

Republic of the Philippines


DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division of Ilocos Norte
PASUQUIN HIGH SCHOOL OF ILOCOS NORTE INC.
(formerly: Pasuquin Academy)

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 9


Yunit 2

Aralin 11

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 9 Yunit 2


FSSaladino2019
Wagas na Pagmamahal
Tema:
Panitikan: Salamin ng Kultura ng Silangang Asya
Pamantayang Pangnilalaman: 
Naipamamalas ang pag-unawa sa mga piling akdang tradisyonal ng Silangang Asya
Pamantayan sa Pagganap: 
Nakasusulat ng sariling akda na nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagiging isang Asyano

Paksang Aralin
     Panitikan: "Prinsesa ng Buwan" (Halaw sa Dulang Kaguya-Hime na mula sa Hapon)
     Gramatika: Gamit ng mga Pangatnig sa Malikhaing Pagsulat at Iba’t Ibang Uri ng Pangatnig

Mga Layunin
Nasusuri ang binasang dula batay sa pagkakabuo at mga elemento nito
Napaghahambing ang mga napanood na dula batay sa mga katangian at elemento ng bawat isa 
Nakasusulat ng isang maikling dula tungkol sa karaniwang buhay ng mga tao sa isang bansa sa Silangang
Asya
Kagamitan
batayang aklat na Bulwagan 9 Kamalayan sa Gramatika at Panitikan, mga pahina 138–149
recording o video ng alinman sa sumusunod na mga awit:
-     "Hulog ng Langit" ni Donna Cruz 
-     "Anak" ni Freddie Aguilar
-     "Sa Ugoy ng Duyan" ni Aiza Seguerra
-     "Iingatan Ka" ni Carol Banawa
-     "Sirena" ni Gloc 9 
mga papel na hugis puso
larawan ng mga miyembro ng pamilya na nasa isang larangan

Bilang ng Sesyon: 4 (isang oras sa bawat sesyon)

Mahahalagang Tanong
Paano naiiba ang dula sa iba pang akdang pampanitikan?
Paano nagagamit ang mga pangatnig sa malikhaing pagsulat ng mga akda?

Pamamaraan
Panimula at Pagganyak
1. Iparinig sa mga estudyante ang alinman sa sumusunod na mungkahing awit mula sa YouTube o ibang
katulad na sanggunian.
-     "Hulog ng Langit" ni Donna Cruz mula sa www.youtube.com/watch?v=ucyeMeUBfQk
-     "Anak" ni Freddie Aguilar mula sa www.youtube.com/watch?v=ibmh64itn1M
-     "Sa Ugoy ng Duyan" ni Aiza Seguerra mula sa www.youtube.com/watch?v=j6keYp0VWR8
-     "Iingatan Ka" ni Carol Banawa mula sa www.youtube.com/watch?v=7zHrw56DtJk
-     "Sirena" ni Gloc 9 mula sa www.youtube.com/watch?v=3nKmv5oDzBw
2. Pag-usapan ang mensahe ng pinakinggang awit.
3. Ipagawa ang panimulang gawain sa pahina 139 at pasagutan ang mga tanong na kasunod nito.
4. Magsagawa ng dalawahang pagbabahaginan ng sagot. Ipasulat sa mga papel na hugis puso ang
magkakatulad nilang sagot, saka idikit ang mga ito sa pisara o dingding. Balikan ang mga ito sa talakayan matapos
basahin ang dula. 

Pagpapayaman ng Talasalitaan

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 9 Yunit 2


FSSaladino2019
1. Ipasagot ang nakasaad sa Talasik sa mga pahina 143 at 144 tungkol sa salitang may higit sa isang
kahulugan. Iwasto ang mga sagot.
2. Tumawag ng ilang estudyante upang ibahagi sa klase ang pangungusap na kanilang nabuo.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Pumili ng mga estudyante upang basahin ang mga diyalogo sa dulang "Prinsesa ng Buwan" sa mga pahina
139 hanggang 142.
2. Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa binasang dula. Gawing gabay ang mga tanong sa Muling
Pag-isipan sa pahina 144. Idagdag sa talakayan ang sumusunod na mga tanong:
a. Alin sa mga sagot ninyo (sa panimulang gawain) ang katangian ng magulang sa dula?
b. Paano nakatutulong ang mga katangiang ito sa pagpapalaki ng mga magulang sa kani-kanilang mga anak?

Pagsasanay 
1. Ipagawa ang mga pagsasanay sa Masusing Gampanan sa mga pahina 144 at 145. Tumawag ng mga
estudyante upang ipakita sa klase ang ginawa nilang pictomap sa gawain A.
2. Ibigay bilang takdang-gawain ang panonood at pagsasaliksik ng dula sa mga gawain B at C. Ipabahagi sa
klase ang detalye ng mga napanood o nasaliksik na dula. 

Paglalahat
1. Matapos ang talakayan at mga gawain sa Pagsusuring Pampanitikan, tanungin ang mga estudyante kung
anong mahahalagang aral ang napulot nila mula rito.
2. Lagumin ang aralin batay sa sagot ng mga estudyante at ayon sa mga layuning pampanitikan ng aralin.
Takdang-aralin
Ipabasa ang artikulo at aralin sa Pagsusuring Panggramatika sa mga pahina 146 hanggang 148.

Integrasyon sa Gramatika

Pagbabalik-aral at Pagganyak
1. Ipakita ang larawan ng pamilya, mag-ama, o mag-ina na nasa parehong larangan [halimbawa: mag-amang
Benjie at Kobe Paras (basketbol), mag-inang Corazon at Noynoy Aquino (politika), mag-inang Jenine Desiderio at
Janella Salvador (pag-awit), at iba pa.]
2. Itanong sa mga estudyante kung ano ang pagkakatulad ng mga tao sa larawang kanilang nakita.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipabasa nang tahimik ang artikulo sa Alamin Natin sa pahina 146. Pagkatapos, magkaroon ng pagpapalitan
ng kuro-kuro gamit ang mga tanong na kasunod nito.
2. Talakayin ang iba’t ibang uri ng pangatnig at ang gamit ng mga ito. Tingnan ang nakasaad sa Talakayin
Natin sa mga pahina 146 hanggang 148.
3. Pangkatin ang mga estudyante upang bumuo ng diyalogo gamit ang iba’t ibang pangatnig. Maaaring pumili
ng alinman sa sumusunod na mga paksa para sa gagawing diyalogo.
a. Pagmamahalan sa pamilya
b. Pag-aaral nang mabuti
c. Talentong angkin ng pamilya 

Pagsasanay at Paglalahat
1. Ipagawa ang mga pagsasanay sa Himayin Natin sa mga pahina 148 at 149. Talakayin ang mga sagot sa
mga gawain A at B.

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 9 Yunit 2


FSSaladino2019
2. Gamitin ang sumusunod na pamantayan para sa pagmamarka ng maikling dulang isusulat nila sa
gawain C. 

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 9 Yunit 2


FSSaladino2019
Pagbubuod
1. Ipagawa ang mga gawain sa Pagtibayin Natin at Lagumin Natin sa pahina 149.
2. Tumawag ng mga estudyante upang ibahagi ang kanilang mga sagot at upang lagumin ang mga natutuhan
sa klase.

Takdang-aralin
Ipabasa ang "Ang Alamat ng Lawa ng Araw-Buwan" sa mga pahina  150 hanggang 156.

Karagdagang Pagsasanay
Magsulat ng isang liham ng pasasalamat para sa iyong magulang.

Republic of the Philippines


Isang Banghay-Aralin sa Filipino 9 Yunit 2
FSSaladino2019
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division of Ilocos Norte
PASUQUIN HIGH SCHOOL OF ILOCOS NORTE INC.
(formerly: Pasuquin Academy)

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 9


Yunit 2
Aralin 12
Dakilang Pagmamahal sa Bayan

Tema:
Panitikan: Salamin ng Kultura ng Silangang Asya
Pamantayang Pangnilalaman: 
Naipamamalas ang pag-unawa sa mga piling akdang tradisyonal ng Silangang Asya
Pamantayan sa Pagganap: 
Nakasusulat ng sariling akda na nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagiging isang Asyano

Paksang Aralin
     Panitikan: "Ang Alamat ng Lawa ng Araw-Buwan" (Alamat mula sa Taiwan)
     Gramatika:  Mga Pang-ukol

Mga Layunin
Naihahambing ang binasang alamat sa iba pang kaugnay na alamat
Nasusuri ang ugnayan o relasyon ng mga miyembro ng pamilya at pamayanang Asyano 
Nakatatamo ng kasiyahan sa pagbasa at paghahambing ng iba’t ibang alamat

Kagamitan
batayang aklat na Bulwagan 9 Kamalayan sa Gramatika at Panitikan, mga pahina 150–162
recording o video ng sumusunod na mga awit:
-     "Kalesa" ni Levi Celerio 
-     "Magtanim ay Di Biro" 
-     "Mamang Sorbetero" ni Celeste Legaspi 
-     "Fiesta" ng Mabuhay Singers 

Bilang ng Sesyon: 4 (isang oras sa bawat sesyon)

Mahahalagang Tanong
Paano nagagamit ang mga alamat sa pagbabahagi ng kultura ng isang bansa?
Bakit mahalagang pag-aralan ang wastong gamit ng iba’t ibang pang-ukol?

Pamamaraan
Panimula at Pagganyak
1. Sabihin sa mga estudyante na may mga awiting nagpapakita o naglalarawan ng mga gawain sa isang
komunidad. Iparinig ang alinman sa sumusunod na awitin na maaaring marinig/mapanood sa YouTube o ibang
katulad na sanggunian.
-     "Kalesa" ni Levi Celerio mula sa www.youtube.com/watch?v=Dho5YmdQbNo
-     "Magtanim ay Di Biro" mula sa www.youtube.com/watch?v=H0YmcCj_htM
-     "Mamang Sorbetero" ni Celeste Legaspi mula sa www.youtube.com/watch?v=slMZQ7MG9Ps
-     "Fiesta" ng Mabuhay Singers mula sa www.youtube.com/watch?v=Dbs6gmqukMQ
2. Pag-usapan kung anong gawain sa komunidad ang paksa sa bawat awit.

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 9 Yunit 2


FSSaladino2019
3. Ipagawa at pasagutan ang mga tanong sa panimulang gawain sa pahina 151 ng batayang aklat. Tumawag
ng mga estudyante upang ibahagi ang kanilang sagot.

Pagpapayaman ng Talasalitaan
Ipagawa ang gawain sa Talasik sa mga pahina 156 at 157 tungkol sa pagbibigay ng salitang kaugnay o
kasingkahulugan ng mga salita. Iwasto ang sagot ng mga estudyante.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipabasa nang tahimik ang "Ang Alamat ng Lawa ng Araw-Buwan" sa mga pahina 151 hanggang 156.
2. Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa binasang alamat. Gawing gabay ang mga tanong sa Muling
Pag-isipan sa mga pahina 157 at 158. Idagdag sa talakayan ang sumusunod na mga tanong: 
a. Mayroon din bang alamat ang Pilipinas tungkol sa mga lawa? 
b. Paano ito natutulad o naiiba sa binasang alamat?

Pagsasanay 
1. Ipagawa ang mga pagsasanay sa Masusing Gampanan sa mga pahina 158 at 159. Talakayin ang mga sagot
sa gawain A.
2. Ibigay bilang takdang-gawain ang pagsasaliksik sa gawain B.

Paglalahat
1. Matapos ang talakayan at mga gawain sa Pagsusuring Pampanitikan, tanungin ang mga estudyante kung
anong mahahalagang aral ang napulot nila mula rito.
2. Lagumin ang aralin batay sa sagot ng mga estudyante at ayon sa mga layuning pampanitikan ng aralin.

Takdang-aralin
Ipabasa ang artikulo at aralin sa Pagsusuring Panggramatika sa mga pahina 160 at 161. 

Integrasyon sa Gramatika

Pagbabalik-aral at Pagganyak
1. Magbalik-aral tungkol sa tinalakay noong nakaraang pagkikita. Itanong kung sino ang mga pangunahing
tauhan sa binasang alamat.
2. Itanong: Para sa inyo, ano ang mga katangian ng isang bayani?

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipabasa nang tahimik ang artikulo sa Alamin Natin sa pahina 160. Pagkatapos, pasagutan ang dalawang
tanong na kasunod nito.
2. Talakayin ang tungkol sa mga pang-ukol ayon sa nakasaad sa Talakayin Natin sa mga pahina 160 at
161. Ipaisa-isa sa mga estudyante ang mga pang-ukol at ang gamit ng bawat isa. Hayaan din silang magbigay ng
sariling pangungusap gamit ang mga ito. 

Pagsasanay at Paglalahat
1. Ipagawa ang mga pagsasanay sa Himayin Natin sa mga pahina 161 at 162. Ipabasa ang mga nabuong
pangungusap sa gawain A at iwasto naman ang mga sagot sa gawain B.
2. Gamitin ang sumusunod na pamantayan sa pagmamarka ng bukas na liham na isusulat sa gawain C.

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 9 Yunit 2


FSSaladino2019
Pagbubuod
1. Ipagawa ang mga gawain sa Pagtibayin Natin at Lagumin Natin sa pahina 162.
2. Tumawag ng mga estudyante upang ibahagi ang kanilang mga sagot at upang lagumin ang mga natutuhan
sa klase.

Takdang-aralin
Ipabasa ang nakasaad sa Pagtalakay sa mga pahina 163 at 164.

Karagdagang Pagsasanay
Panoorin mula sa Internet ang video na pinamagatang "Bangkarunungan" mula sa
www.youtube.com/watch?v=rAp_t_XGvns. Ilahad ang layunin ng proyektong ipinakita sa video 

Republic of the Philippines


DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division of Ilocos Norte
PASUQUIN HIGH SCHOOL OF ILOCOS NORTE INC.
(formerly: Pasuquin Academy)

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 8


Yunit 2

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 9 Yunit 2


FSSaladino2019
Panapos na Gawain Para sa Yunit 2
Paksang Aralin
     Pagsulat ng Akda

Layunin
Nakasusulat ng sariling akda na nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagiging Asyano
Naibabahagi sa isang klase ang isinulat na akda
Nakagagamit ng iba’t ibang kaalaman sa gramatika na natutuhan sa yunit sa pagsulat ng akda
Nakapagsusuri at nakapagtataya ng mahusay na kuwento at tagapagkuwento
Nakikilahok nang aktibo sa paggawa ng proyekto

Kagamitan
batayang aklat na Bulwagan 9 Kamalayan sa Gramatika at Panitikan, mga pahina 163–166
halimbawa ng tekstong eksposisyon, naratibo, deskripsyon, at argumentasyon

Bilang ng Sesyon: 6 (isang oras sa bawat sesyon)

Pamamaraan
Panimula at Pagganyak
1. Ipaisa-isa sa mga estudyante ang mga bansa sa Silangang Asya. Isulat sa pisara ang kanilang sagot.
2. Ipagawa ang panimulang gawain sa pahina 163 at ipasagot ang mga tanong na kasunod nito. Pag-usapan
ang kanilang sagot.

Pagpapayaman ng Talasalitaan
Ipasagot ang nakasaad sa Talasik sa pahina 164 tungkol sa pagbibigay ng kaugnay na mga
salita. Magkaroon ng pagbabahaginan ng sagot para sa gawaing ito.   

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipabasa nang tahimik ang nakasaad sa Pagtalakay sa mga pahina 163 at 164 tungkol sa pagsulat ng akda.
2. Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa binasang teksto. Gawing gabay ang mga tanong sa Muling
Pag-isipan sa pahina 165. Idagdag sa talakayan ang tanong na "Anong paksa o tema ang nais mong bigyan ng
pansin sa iyong isusulat na akda? Bakit?"
3. Pangkatin sa apat ang klase. Bigyan ang bawat pangkat ng tekstong babasahin at susuriin. Ipasuri sa kanila
kung anong uri ng akda ang kanilang binasa. Kailangan nilang bigyan ng patunay ang kanilang sagot.
a. Unang pangkat – Eksposisyon
b. Ikalawang pangkat – Naratibo
c. Ikatlong pangkat – Deskripsiyon
d. Ikaapat na pangkat – Argumentasyon

Pagsasanay at Paglalahat
1. Ipagawa ang mga pagsasanay sa Masusing Gampanan sa pahina 165. Tumawag ng mga estudyante upang
ilahad sa klase ang kanilang awtput sa mga gawain A at C.
2. Gamitin ang sumusunod na pamantayan sa pagmamarka ng salaysay na isusulat sa gawain B.

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 9 Yunit 2


FSSaladino2019
Integrasyon sa Pagsasagawa ng Proyekto

 Pagbabalik-aral at Pagganyak
1. Balikan ang sagot ng mga estudyante sa tanong na "Anong paksa o tema ang nais mong bigyan ng pansin
sa iyong isusulat na akda? Bakit?" Isulat ang kanilang sagot sa pisara sa anyong semantic map.
2. Itanong din sa kanila, "Anong paraan ang gagamitin ninyo upang basahin ng mga tao ang inyong isusulat
na akda?"

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipabasa nang tahimik ang nakasaad sa Proyekto sa pahina 165 bilang paghahanda sa paggawa nila ng
proyektong magsisilbing aplikasyon ng lahat ng natutuhan sa yunit na ito.
2. Ipaliwanag sa mga estudyante ang pamantayan sa isasagawang proyekto na nakasaad sa pahina 166. (Para
sa huling pamantayan, pakipalitan ang Mahusay na naisalaysay ang nabuong akda sa
isang kumperensiya ng Mahusay na naisalaysay ang nabuong akda sa isang klase sa elementarya).
3. Magkasundo sa araw ng pagtatanghal at ihanda ang mga estudyante sa gagawing proyekto.
4. Papiliin sila ng paksa para sa isusulat na kuwento at ipasulat sa kanila ang balangkas at unang burador
nito. Basahin at bigyan ng puna ang burador ng mga estudyante. Ibalik ito sa kanila upang mairebisa. 
5. Ipasulat sa mga estudyante ang pinal na kuwento. Sabihin sa kanila na gumawa ng mga visual aid upang
mas maging kawili-wili ang pagtuturo at pagbabasa ng kuwento.
6. Maghanda para sa isasagawang pagtuturo. Maaaring gawin ito sa klase; maaari din namang bigyan ng
pagkakataon ang mga estudyante na aktuwal na makapagturo sa mga mag-aaral sa elementarya. 
7. Sa araw ng pagtatanghal, sabihin sa mga estudyante na pipili sila ng pinakamahusay na kuwento at
tagapagkuwento gamit ang rubrik sa pahina 166.
8. Bigyan ng komento ang isinagawang pagtatanghal ng mga estudyante. Ang paghirang sa pinakamahusay na
kuwento at tagapagkuwento ay maaaring ianunsiyo sa susunod na pagkikita.

Pagbubuod
1. Pasagutan sa mga estudyante ang gawain A sa Pagtatapos ng Yunit sa pahina 167. Tumawag ng ilang
estudyante para ibahagi sa klase ang kanilang sagot sa mahahalagang tanong sa buong yunit.
2. Bilang pangwakas na pagsusulit para sa yunit, idikta sa mga estudyante ang mga tanong sa Panimulang
Pagtataya para sa Yunit sa mga pahina 86 hanggang 89. Maaari ding gumawa ng panibagong pangwakas na
pagsusulit na katulad nito. Sabihin sa kanila na ang kanilang makukuhang iskor ay isasama na sa pagmamarka.
3. Ipagawa ang gawain C at lagumin ang yunit batay sa mga mahahalagang konseptong natutuhan ng mga
estudyante.

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 9 Yunit 2


FSSaladino2019
Isang Banghay-Aralin sa Filipino 9 Yunit 2
FSSaladino2019

You might also like