You are on page 1of 1

Mga Batayang Kaalaman sa Pananaliksik

Ayon kay Neuman (binanggit nina Evasco et al., 2011) ang pananaliksik ay
paraan ng pagtuklas ng mga kasagutan sa mga partikukar na katanungan ng tao
tungkol sa kaniyang lipunan o kapaligiran.
Patuloy ang pananaliksik sa iba’t ibang paksa at penomenon dahil patuloy na
inuunawa ng tao ang mga pangyayari at pagbabago sa kaniyang kapaligiran. Kasabay
ng pag-unawa, tumutuklas ang tao ng iba’t ibang paraan kung paano mapabubuti ang
kaniyang pamumuhay sa pamamagitan ng iba’t ibang imbensyon at kaalaman.
Bukod sa sentral na layunin ng pananaliksik na tumuklas ng mga bagong
kaalaman na magagamit ng tao, malaki rin ang pakinabang ng isang mananaliksik mula
sa mismong proseso ng pagtuklas. Sa pamamagitan ng pananaliksik, lumalawak at
lumalalim ang kaniyang karanasan, hindi lang tungkol sa partikular na paksang pinag-
aaralan niya, kundi sa lipunang nagsisilbing konteksto ng kaniyang pananaliksik.
Nagkakaroon siya ng pagkakataong makasalamuha ang kapuwa at makita ang bisa ng
pananaliksik upang mapabuti, hindi lamang kaniyang sarili, kundi maging ang iba.

Mga Kasanayan sa Pananaliksik


Ang pagsasagawa ng pananaliksik ay binubuo ng iba’t ibang yugto at proseso.
Kinapapalooban ito ng iba’t ibang kognitibong kasanayan tulad ng pagbasa at pagsulat.
Mahalaga ang paghahasa ng iba’t ibang kasanayan upang mapagtagumpayan ang
pananaliksik.
Karagdagan:
May limang makrong kasanayan at ito ay ang mga: pagbasa, pagsulat,
pagsasalita, pakikinig, at panonood. Sa limang makrong kasanayan na ito ang
pinakaginagamit ng isang mananaliks ay ang kognitibong kasanayan na pagbasa at
pagsulat.

You might also like