Professional Documents
Culture Documents
Modyul 1 Edited
Modyul 1 Edited
Ang Modyul na ito ay binuo at sinuri ng mga guro, punongguro at mga tagamasid ng
Kagawaran ng Edukasyon Sangay ng _________ upang makabalikat kayo sa pagtulong sa ating
mga mag-aaral na maabot ang mga pamantayan ng Kurikulum ng K to 12. Ito ay sama-sama
nating itataguyod sa kabila ng mga hadlang sa normal na pag-aaral nakinakaharap ng mga mag-
aaral sa kasalukuyan.
ALAMIN
Ang Modyul na ito ay ginawa upang higit na malinang ang antas ng inyong kaalaman
sa bahaging ginagampanan ng mga bumubuo sa paikot na daloy ng ekonomiya.
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:
Subukin Subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit upang matukoy ang
lawak ng iyong kaalaman tungkol sa paksang tatalakayin.
Panuto: Piliin mo ang titik ng wastong sagot at isulat ang mga sagot sa sagutang papel.
1. Kung ikaw ay nagbabalak magtayo ng negosyo, ang larangan ng ekonomiks ang iyong pag-
aaralan upang makita ang gawi ng kabuuan ng ekonomiya ay ang pag-aaral tungkol sa:
A. pamilihan B. ekonomiya C. maykroekonomiks D. makroekonomiks
9. Kung ikaw ay kumikita ng Php 20, 000 bawat buwan, ang bahagi ng iyong kinita na hindi
ginagastos ay itinatabi mo at ilalaan sa :
A. allowance B. pag-aaral C. kinabukasan D. insentibo sa sarili
Balikan
Panuto: May apat na bumubuo sa pamilihang may hindi ganap na kompetisyon na nasa
kahon sa ibaba. Isulat sa sagutang papel ang katangiang naglalarawan sa mga ito.
MONOPOLISTIKONG OLIGOPOLYO
KOMPETISYON
MONOPOLYO MONOPSONYO
Pamprosesong Tanong:
Tuklasin
Ang pag-aaral ng makroekonomiks ay sumasaklaw sa kabuuang ekonomiya ng isang bansa. Hindi
lamang isa o dalawang institusyon ang kumakatawan sa paggalaw na ito kundi ang lahat ng tao at
mga pangkat ng tao na matatagpuan sa isang lipunan.
Bilang panimula, nais kong sagutin mo ang mga sumusunod na mga katanungan bilang bahagi ng
pagtuklas sa ating aralin.
Suriin
May iba’t ibang modelo ang pambansang ekonomiya. Ito ay nagbibigay ng konteksto
sa pagsusuri ng pambansang ekonomiya sa makroekonomiks. Ang modelo ng pambansang
ekonomiya ay naglalarawan ng interdependence ng lahat ng sektor sa isang ekonomiya. Sa
pamamagitan nito, naipakikita nang simple ang reyalidad. Ang pagtataya sa buong gawi ng
lipunan ay isang malawak na gawain. Upang mailarawan ang galaw ng pambansang
ekonomiya sa isang simpleng kalagayan maipakikita ito sa pamamagitan ng Paikot na Daloy
ng Ekonomiya.
Ikaw ay bibisita sa iyong kamag-anak sa Visayas. Habang nasa laot, inabutan kayo ng
bagyo at nasira ang inyong sinasakyang barko. Dinala ka ng alon sa pampang at napagtanto
mong mag-isa kang nakaligtas, walang kasama at hindi kaagad agad makakaalis sa lugar.Ano
ang gagawin mo upang makuha ang iyong pangangailangan? Hindi ba’t gagawa ka ng paraan
para makuha ang iyong pangangailangan? Hahanap ka ng makakain, mga bagay na
kakailanganin mo upang ikaw ay mabuhay. Ikaw ang gagawa ng paraan upang makaalis ka sa
iyong kinalalagyan sapagkat walang ibang gagawa nito para sa iyo.
Ikatlong Modelo. Pamilihang Pinansyal. Makikita sa modelong ito kung paano nagdudulot
ng pagkakaroon ng palabas at paloob sa daloy ng ekonomiya. Ipinakikita sa Pigura 3 na
ginugugol ng sambahayan ang kanilang kita sa pagbili ng mga produkto at serbisyo. Ngunit
hindi lahat ng kanilang mga kita ay kanilang ibinibili ng mga produkto at serbisyo, ilang
bahagi nito ay kanilang itinatabi sa mga bangko bilang pag-iimpok.
Pigura 3
Ikaapat na Modelo. Ang Pamahalaan. Sa modelong ito makikita kung paanong ang
pamahalaan ay lumalahok sa sistema ng pamilihan. Isa sa mga mahahalagang gawain ng
Pigura 5
Pagyamanin
A. Panuto: Isulat ang TAMA kung ang mga sumusunod ay wasto kung mali ay palitan ang
pahayag upang maging tama. Isulat ang sagot sa malinis na papel.
1. Ang makroekonomiks ay sumasaklaw sa mga gawain ng kabuuang ekonomiya ng isang
bansa.
2. Ang Paikot na Daloy ng Ekonomiya ay ang simpleng modelo ng ekonomiya na may
dalawang sektor; ang sambahayan at bahay-kalakal.
3. Ang bahay-kalakal ay may tunguhin na paunlarin ang kanilang produksiyon.
4. Ang panlabas na sektor ay may gawaing pag-aangkat at pagluluwas ng mga produkto at
serbisyo sa loob ng bansa.
5. Ang paglago ng ekonomiya ang tanging tunguhin ng pag-aaral ng ekonomiks.
6. Ang pag-iimpok ay isang palabas na daloy sa paikot na daloy ng ekonomiya.
7. Ang halaga ng lahat ng gastusin ng mga sektor ng ekonomiya sa kanilang kinita ay parehas.
8. Mahalagang gastusin ng sambahayan ay ang pamumuhunan.
9. Isa sa mahalagang gawain ng pamahalaan ay ang pangongolekta ng buwis sa mga kinita
ng sambahayan at bahay-kalakal.
10.Ang paikot na daloy ng ekonomiya ay nasa ekwilibriyo.
B. Panuto: Tukuyin kung kaninong gampanin sa paikot na daloy ang mga sumusunod.
Isulat ang mga sagot sa sagutang papel.
Sambahayan Bahay-Kalakal Pamilihan ng Salik ng Produksiyon Bangko Panlabas na Sektor
Pamahalaan Pamilihan ng mga Produkto at serbisyo
1. Nagmamay-ari ng mga salik ng produksiyon.
2. Nagbebenta ng mga produkto at serbisyo sa labas ng bansa.
3. Nagpoproseso ng mga salik ng produksiyon upang maging mga yaring produkto at
serbisyo.
4. Halimbawa nito ay ang ahensiyang nagsasanay ng lakas-paggawa.
5. Dito mabibili nang tingi ang mga produktong kailangan ng sambahayan.
6. Nagbabayad ng buwis mula sa sahod.
7. Nagbibigay ng mga serbisyong pampubliko.
8. Nagbabayad ng buwis mula sa kita ng negosyo.
9. Itinatabi ang salapi ng sambahayan.
10. Nagpapautang sa mga bahay-kalakal upang mapaunlad ang kanilang
produksiyon.
11. Nangongolekta ng buwis.
12. Nagpapanatili ng kaayusan sa daloy ng ekonomiya.
13. Pangunahing tagabili ng lupa, lakas-paggawa, kapital at entreprenyur.
14. Tumatanggap ng upa, sahod, interes at tubo.
15. Sumusunod sa mga pandaigdigang regulasyon sa kalakalan.
Hanay A Hanay B
1. Lumalahok ang pamahalaan sa Sistema ng A. Unang modelo
pamilihan
2. Pagkakaroon ng relasyon ng panlabas na B. Ikalawang modelo
kalakalan sa paikot na daloy ng ekonomiya
3. Ang gumagawa ng produkto ay siya ring C. Ikatlong modelo
kumukonsumo
4. Dito pumapasok ang pag-iimpok D.Ikaapat na modelo
5. Nahahati ang ekonomiya sa dalawang sektor: ang E. Ikalimang model
sambahayan at bahay-kalakal
6. Dito nagbebenta at bumibili ng kalakal at F. Bahay-kalakal
serbisyo
7. Ginagamit ang kanilang salapi sa pagbili ng mga G. Sambahayan
produkto at serbisyo
8. Ginagamit ang kanilang kinikitang salapi sa H. Pamilihan
pagbabayad ng paggamit nila ng mga salik ng
produksiyon
9. May kinalaman sa pag-aangkat at pagluluwas I. Pamahalaan
ng mga produkto at serbisyo
10. Gumagastos sa mga pampasahod ng mga kawani J. Kalakalang Panlabas
at bumibili ng iba’t ibang produktong kailangan
upang patakbuhin ang gobyerno.
PAGMAMARKA NG COLLAGE