You are on page 1of 34

BUGHAW

Conrado Jaeden Salamat


4-Sumakwel
Gng. Noemi M. Blanco
Tagapag-ugnay ng Gawaing Pang-mag-aaral

Isang mahirap ngunit masayang gawain ang pagsusulat.

Mahirap ito dahil may prosesong dapat pagdaanan bago mabuo


ang anumang akda. Minsan, kinakailangan pa nating magsaliksik.
May mga pagkakataong hindi rin natin agad maisip kung ano ang
angkop na salitang gagamitin. Kailangang maging maingat sa
pagpili ng mga salita dahil maaari tayong makasakit sa iba.
Dagdag pa rito, kailangan nating balikan ang ating isinulat para
maitama ang mga mali sa gramatika, mekaniks o nilalaman.

Ngunit, may hatid ding saya ang pagsusulat. May kakaibang


biyaheng tinatahak ang ating utak. Nagiging hitik na hitik sa bunga
ang iyong imahinasyon. Hindi ka man marunong magpinta, ang
mga salita ay nakalilikha ng napakaraming larawan. Kaya mong
tapatan ang isang imbentor sa dami ng maaaring likhain.
Naipahahayag mo ang sari-saring damdamin ng pagkatuwa,
pagkabigla, pagkalungkot, pagkatakot o pagkagalit. Daig mo pa
ang direktor sa pelikula sa dami ng eksenang kaya mong buhayin.

Kaya naman, malugod kong binabati ang mga mag-aaral na nag-


ambag ng kanilang likha para sa isyung ito ng Bughaw. Hindi ninyo
hinayaang pigilan kayo ng COVID para maibahagi ang inyong mga
karanasan. Mabuhay kayong lahat na nagsisikap mahalin ang
wikang Filipino. Patuloy sana ninyong tuklasin at yakapin ang
mahirap ngunit masayang daigdig ng pagsusulat!
MGA
NILALAMAN
17 Ang Kamangha-manghang Paglalakbay
Ko sa Panahon ng Pandemya
MGA GURO: Bayaning Prashant Lim Ramnani
1 Frontliners sa Aming Paaralan 6-Xavier
18 Labanan ang Pandemya,
Ang Tangi Kong Alay Pangalagaan ang Sarili!
2 Alistaire Cullen S. Mau
Brian Earl Elijah A. Bulaklak
5- Kalinga
6-De Britto
19 Buhay-Bata Sa Harap ng
3 Likhang Larawan Pandemya Dulot ng Covid-19
Nico Samaniego Marco Luis D. Martires
6 - Gonzaga
6 - St. Paul Miki
4 Likhang Larawan
Kung Paano Manatiling Ligtas sa
Ethan Mendiola 20
6 - Gonzaga Panahon ng Pandemya
Alexander Diego B.Edillon
5 Likhang Larawan 6 - Campion
Jan Constance Baclig
Mga Gagawin Ko Pagkatapos
6-St. Paul Miki 21 ng Pandemya
Yuan Marcus C. Geronimo
Pag-ibig… Pag-ibig…
6 Sa Puso Ninuman!
5-Dumagat
22 Pandemya... Sa Positibo Ako
Brian Earl Elijah A. Bulaklak
7 Araw ng mga Puso 6-De Britto
Adrian Jury S. Dela Rosa
5- Mangyan 23 Likhang Larawan
Sam Kedric Battung
8 Heto na si Kupido 6 - Gonzaga
Yoca Noah V. Paranada
24 Likhang Larawan
Pagninilay sa Panahon ng Matt Cabral
9 Semana Santa 6 - Gonzaga

25 Likhang Larawan
10 Araw ng Pagninilay Joaquin Canlas
Zion Skye Earl Carmelo C. Uy 6 - Gonzaga
6 - Campion Likhang Komiks
26 Gabriel Nixon S. Tanazana
Bata... Bata... Kumusta ka sa 6 - Gonzaga
11 Panahon ng Pandemya?
27-28 Likhang Komiks
Johann Clemente
Aral ng Pandemya 6 - Gonzaga
12
Aristotle Dg. Ramos II 29 Paano Maging Pangulo ng Klase sa
6 - St. Paul Miki Panahon ng Pandemya
13 Pandemya Gavin Zachary Cayton
Sebastine Lim 5-T’boli
6 - Xavier Paano Maging Pangulo ng Klase sa
30
14 Ang COVID-19 Panahon ng Pandemya
Jayden Melvin V. Poblete Matthan Hernandez
6 - Gonzaga 5 - Tagbanwa

15 Quaranteam Abram Karlisle R. Santos


Elijah Paulo T. Elauria 5 - Manobo
6 - St. Francis Xavier
Ang Aking Saloobin Ukol sa 31 Mga Tagapamahala
16 Bb. Ariette L. Pacle
COVID-19
Ephraim John Santiago G. Allan Rey M. Te
6-Berchmans Layout ni: Gng Ruby N. Punay
PAHINA 1

Bayaning Frontliners

sa Aming Paaralan
PAHINA 2

Ang Tangi Kong Alay

BRIAN EARL ELIJAH A. BULAKLAK


6-DE BRITTO

Salamat po Panginoon, mga biyaya Mo,


hindi ko po mabibilang.
Salamat Ateneo, ipinagmamalaki ko ang
iyong katangian at pangalan.
Salamat sa mga naging guro ko, sa leksyon at
asal, sa inyong pang-unawa, at gabay na lubos
kong kailangan.
Salamat sa mga gurong kilala lang ako,
ngunit nagmamalasakit, kahit hindi ako naturuan.
Salamat sa mga empleyadong tumutulong
sa marami kong pangangailangan.
Salamat sa aking mga kaibigan at naging kamag-aral,
na sa hirap at saya, hindi tayo nag-iwanan.
Salamat sa lahat ng dito ay nag-aaral, na sa araw-araw,
ay nagbibigay kulay sa kapaligiran.
Salamat din sa mga kapamilya at magulang ko,
sa walang pasubaling pagmamahal.
At sa iyo, babasahing Bughaw,
na naging daan ko sa pagpapahayag, salamat.
Kayo pong lahat ay bahagi na ng aking buhay,
na hindi ko malilimutan.
Sa inyo pong lahat...walang hanggang pasasalamat…
Ang Tangi Kong Alay!...
PAHINA 3

Likhang Larawan
NICO SAMANIEGO
6-GONZAGA
PAHINA 4

Likhang Larawan
ETHAN MENDIOLA
6-GONZAGA
PAHINA 5

Likhang Larawan
JAN CONSTANCE BACLIG
6- ST. PAUL MIKI
PAHINA 6

Pa g - i b i g . . .
Pa g - i b i g . . .
Sa P u s o
N i n u m a n !
PAHINA 7

ADRIAN JURY S. DELA ROSA


5- MANGYAN

Ako ay nasasabik
Tuwing ito ay sasapit
Ang araw ng pag-ibig
Sa puso natin ay malapit.

Hindi lamang ito sa magsing-irog


Kundi sa atin na may pamilyang ipinagkaloob
Ito ay para sa ating lahat
Na nagmamahalan nang tapat.

Umaga pa lamang sa aking paggising


Pagbati ni Inay ang bumungad sa akin
“Happy Valentine’s Day”
Iyan ang sambit niya sa akin .

Munting regalo ay kanyang inabot


Tsokolate na aking paborito ay kanya pang
ibinalot
Nakatutuwa ang disenyo na pulang laso
Tunay na espesyal ang Araw ng Mga Puso.

Simpleng selebrasyon man aming pinaghandaan


Tunay na mahalaga ang pagsasama-sama
Pagmamahalan na ating natatamo
Lalo kapag dumarating ang Araw ng Mga Puso.
PAHINA 8

HETO NA
SI KUPIDO
YOCA NOAH V. PARANADA

Ang Araw ng mga Puso ay isang


selebrasyon na talaga namang inaabangan at
pinaghahandaan ng mga Pilipino.

Tuwing sasapit ang araw na ito, maaamoy


mo ang mababangong bulaklak at makikita
mo ang makukulay na lobo na itinitinda sa
kalsada. Mabenta rin ang matatamis na
tsokolate at malalambot na “stuffed toys” sa
pamilihan. Puno rin ang mga kainan ng
masasayang magkasintahang kumakain ng
masasarap na pagkain. Mayroon din namang
iba na mas pinipiling maghanda at magluto sa
kani-kanilang mga bahay para isorpresa ang
kanilang minamahal. Ang iba naman ay
namamasyal sa ibang lugar upang makapag-
relax at makapagbakasyon kasama ang
minamahal. Mayroon din namang nagsusulat
ng tula o “love letter” at gumagawa ng
“scrapbook” para sa kanilang iniibig. Ilan
lamang ito sa mga ginagawa ng mga Pilipino
tuwing Araw ng mga Puso.

Pero kung ako ang tatanungin, hindi lamang


tuwing Araw ng mga Puso ginagawa ang mga
bagay na ito. Dapat ay araw-araw mong
pinararamdam at ipinapakita sa taong mahal
mo ang iyong pagmamahal.
PAHINA 9
PAHINA 10

ARAW NG
PAGNINILAY
ZION SKYE EARL CARMELO C. UY
6- CAMPION
Ang abo ay sagisag na tayo'y makasalanan,
Banal Niyang Wika, ating isabuhay at pag-aralan…
Upang matamo, katotohanan at kasagutan.

Sino ba tayo? Ano ang ating pinanggalingan?


Saan patungo, landas na dapat nating daanan?

Ang Semana Santa, panahong pagbabalik-loob


Daan sa buhay na walang hanggan, Kanyang kaloob.
Panahon ng disiplina sa atin, pairalin,
Paghingi ng tawad, at pagiging tapat ay tupdin.

Pagpapalang siksik-liglig sa buhay, aanihin.


Ang hugis ng krus ay kaligtasan ng sanlibutan.
Pinakadakilang pag-ibig, satin, inihain,
Pagmamahal ang kapalit sa ating karanasan.

Mahalin tayong lahat, ang Kanyang tanging hangarin.


Kaya't magbalik-loob. Talikdan ang nakaraan.
PAHINA 11

Bata...
Bata...
Kumusta Ka
sa Panahon
ng
Pandemya?
PAHINA 12

ARAL NG
PANDEMYA
ARISTOTLE DG. RAMOS II
6-ST. PAUL MIKI

Ang mundo ay may kakaibang naranasan.


Covid 19 ang nagdala sa amin ng kakaibang karanasan
Isang pandemya ang gumulantang sa aming murang kaisipan
Kay daming pagbabago ang naganap na nagdulot ng palaisipan.

Lumipas na ang Hunyo, Hulyo na wala pang klase ang paaralan


Pagdating ng Agosto, umpisa na ng kakaibang pakikipagsapalaran
Ngunit ‘di pa alam kung ano ang pagbabago na aming mararanasan
Tanong dito, tanong doon, tunay na nakalilito, kung saan uumpisahan.

Nahirapan kami sa umpisa ng aming pag-aaral sa bahay


Ngunit ang aming mga guro at magulang ay walang sawang gumagabay
Kakaibang karanasan na sa aming henerasyon lamang naganap
Pag-aaral ay parang kulang at kay dami pang hinahanap.

Pag-aaral sa harap ng kompyuter ng mga mag-aaral at guro


Kaya kami’y naninibago sa bagong paraan ng pagtuturo
Pisara, yeso,papel at lapis ay naitago
Keyboard, mouse at headset ang tunay na makabago.

Isang pagpapala ang aming naranasan


Na sa aming henerasyon lamang maitatala sa kasaysayan
Makabagong paraan ng pag-aaral, ating natagpuan
Tunay na marami kaming bagong natutuhan.
PAHINA 13

PANDEMYA
SEBASTINE LIM
6-XAVIER

Pandemya... Pasakit!
Bayrus sa iyo ay kakapit
Naghihirap ang tao dahil sa sakit
Maraming buhay ang naging kapalit.

Pandemya... Pagbabago!
Marami ang nawalan ng trabaho
Sa bahay nanatili ang mga tao
Mga frontliners ay nagsasakripisyo.

Pandemya... Pag-asa!
Kahit ang buong mundo ay nababahala
Panalangin ko, lahat ng tao ay magkaisa
Nang magandang kinabukasan ay matamasa.
PAHINA 14

ANG
COVID-19
JAYDEN MELVIN V. POBLETE
6-GONZAGA
Nagsimula ang lahat ng ito sa Tsina,
ang may pinakamalaking populasyon sa Nagtulung-tulong din ang mga ibat-
buong mundo. Ang COVID-19 ay isang ibang bansa upang mabawasan ang
respiratory illness na nakamamatay. mga kaso ng Covid sa pamamagitan ng
Maraming nagsasabi na nangyari ito lockdown at mga safety protocols.
dulot ng nuclear testing ng Tsina. May Lahat ng LGU’s sa ating bansa ay
iba namang nagsasabi na ang Estados sumunod dito, kaya bumagal at
Unidos ang may gawa. Gayon pa man, nabawasan ang pagkalat ng virus.
lahat tayo ay nagulat dahil hindi tayo Pagkatapos ng halos isang taon,
handa sa ganitong pangyayari. nakagawa na ang ilang bansa ng
Maraming tao ang namatay dahil sa bakuna. Maraming natuwa sa balitang
naging kakulangan ng atensyong ito. At noong March 1, 2021 lamang ay
medikal. Marami rin ang hindi nakapag- dumating na dito sa Pilipinas ang
imbak ng mga gamot, pagkain, at PPE’s Sinovac vaccines na donasyon galing sa
dahil naubusan ang mga botika at Tsina. Naturukan ang ilang opisyal ng
supermarket. Ang iba ay nagdasal na gobyerno tulad nina Presidential
lamang at nanatili sa kanilang mga Spokesperson Harry Roque at DOH
bahay upang hindi sila mahawa sa mga Secretary Francisco Duque III.
taong may COVID-19. Kahit hindi pa rin tuluyang napipigil
Akala natin, wala nang pag-asa, ang pagkalat ng COVID-19 sa buong
ngunit lumaban tayo at patuloy na mundo, tandaan na mayroon laging
lumalaban. Nagsimulang gumawa ng pag-asa sa lahat ng bagay. Basta
bakuna kontra COVID-19 ang mga manalangin sa Panginoong Diyos at
malalaking bansa tulad ng Estados huwag kalimutan na lagi Niya tayong
Unidos, Tsina, Russia, at UK. kasama, anuman ang problema.
PAHINA 15

QUARANTEAM
ELIJAH PAULO T. ELAURIA
6-ST. FRANCIS XAVIER

Novel Corona Virus ang tawag nung panimula


Nung naglao’y COVID-19 ang bumulaga
Mahigit isang taon na tayong wala sa paaralan
Buti silang mga nakatira sa subdibisyon,

“Sanaol” may swimming pool!

Mahirap nang umpisa, ‘di nagtagal nasanay na


Online, lalo na’t asynchronous, mamaya na!
Magkaganoon man, marami rin namang natutuhan
Bawal nga lang ang lumabas at ang kasiyahan!

Kaarawan ko na! Nanay, Tatay at ako lang!

Hindi ko namalayan, ika-4 na kapat na pala


Isang hinga na lang, sa paaralan ay magpapaalam na
Pagtatapos ngayong taon ay hindi sa Ateneo
Saan ba puwede? Dito ba sa bahay kong kuwadrado?

Malamang sa kusina kasama ng kaldero!

Isang mahalagang bagay ang aking natutuhan,


Ang halaga ng aking mga kaibigan
Kahit internet ay humihina’t napuputulan
Magkagayon ma’y sila’y aking maaasahan.

Walang hanggang pasasalamat, mga kaibigan!

Pagtanda natin, may kuwento tayo sa ating apo


Ang lolo ko, kuwento’y panahon ng Amerikano
Tayo naman, sa mga apo’y ating ibibida
Nagtapos sa elementarya, guro’y ‘di nakita!

Hooray! Quaranteam!
PAHINA 16

Maliban sa lockdown, ang pandemya ay isang mas

malaking problema. Maraming tao ang nahahawa

ng COVID bawat araw at ang mga frontliners

katulad ng mga nars at doktor lamang ang

makatutulong na mapagaan ang pandemyang ito.

Nakalulungkot din na makita na may mga taong

namamatay dahil sa COVID-19. Hindi ko lubos maisip

ang hirap na pinagdaraanan ng mga frontliners,

kumpara sa atin.

Maraming tao ang nagtatrabaho pa rin sa gitna

ng pandemyang ito tulad ng mga nangangalap ng

basura, mga manggagawa sa grocery,

parmasyutiko, pulis, at mga sundalo. Dapat natin

silang pasalamatan dahil sila ang tumutulong sa atin

upang mabuhay tayo nang normal hangga't maaari.

Kung wala sila, paano na tayo at ang ating bansa?

Kaya, gawin natin ang ating bahagi upang

malabanan ang pagkalat ng COVID-19 Virus. Tayo

ay magtulungan bilang mabubuti at responsableng


EPHRAIM JOHN SANTIAGO mamamayan ng Pilipinas.

6 - BERCHMANS

Ang COVID-19 ay nagsimula noong huling bahagi

ng Disyembre 2019. Ang gobyerno ay nagpatupad

ng mga hakbang upang maihinto ang pagkalat ng

coronavirus. Tayo ay inaasahang manatili sa ating

mga bahay hanggang matapos ang community

quarantine para sa ating seguridad. Ngayon, ang

mga paaralan ay nagkakaroon ng online na klase.

Kung tutuusin, masuwerte tayo na mayroon pa

tayong oportunidad na mag-aral sa magandang

paaralan tulad ng Ateneo. Kahit online, nakakausap

ko pa rin ang aking mga kaibigan at hindi naman

ako nalulungkot na wala akong pisikal na kalaro.

Sa quarantine na ito, ang aking pamilya ay hindi

na nakapagbabakasyon. Hindi na kami nakapupunta

sa tabing-dagat o sa ibang lugar na dati’y aming

pinapasyalan. Subalit, may ilang mga

magagandang bagay pa rin na naidulot ang

quarantine. Nakakikita ako ng mga ibon na

napakaganda dahil nagiging mas malinis ang

hangin. Hindi na nagbibiyahe para sa trabaho ang

aking nanay. At ang aking pamilya ay madalas na

manalangin nang sama-sama.


PAHINA 17

Kinailangan ng aming pamilya na mag-swab test


upang kami ay makalabas at makapamasyal sa ibang
lugar. Siyempre, ang resulta nito ay dapat na negatibo.
Mayroon akong takot na naramdaman dahil ipinapasok
nila sa dalawang butas ng ilong at sa lalamunan ang
napakahabang “cotton swab.” Pagkatapos naming ma-
swab, naghintay kami ng dalawang araw para sa
resulta.

NEGATIBO! Sobra ang saya ko dahil sa wakas ay


makapapasyal na kami ng aking pamilya sa labas ng
Maynila! Halos tatlong taon na ang nakalipas nang huli
akong sumakay ng eroplano kaya sobra ang pagkasabik
ko sa pagpunta namin sa Boracay! Tila isang paraiso
ang Boracay sa ganda. Parang pulbos ang buhangin sa
dalampasigan. Sa umaga kapag mababa ang tubig,
makikita ang mahaba at malawak na pulong buhangin.

Dahil napakalinis na ng Boracay, buhay na buhay ito.


Sa katunayan, maraming hayop na matatagpuan sa
dagat tulad ng mga dikya at mga gumagapang na puting
alimango. Ang tubig sa dalampasigan ay sinlinaw ng
“swimming pool” kaya nakikita ko ang mga isdang
lumalangoy na paikot-ikot sa aking mga binti. Mayroon
ding mga suso na matatagpuan sa tabing-dagat.

Base sa aking karanasan, babalik ako sa Boracay


dahil pakiramdam ko at ng aking pamilya ay malaya
kaming nakapapasyal sa islang ito.
PAHINA 18

LABANAN ANG
PANDEMYA,
PANGALAGAAN
ANG SARILI!
ALISTAIRE CULLEN S. MAU
5-KALINGA
Araw-araw kong masusing
pinangangalagaan ang aking sarili ngayong
pandemya para hindi mahawa ng
nakakatakot na COVID-19 virus. Mistulang
bilanggo ako sa bahay mula nang matapos
ang klase noong Marso hanggang ngayon.
Umalis lang ako ng tatlong beses para Bukod dito ay araw-araw akong naliligo,
magpabakuna ng flu noong Hunyo, para sa naghihilamos, naghuhugas ng kamay at
kaarawan ni Nanay Clarisse noong Setyembre, gumagamit ng alkohol para hindi kapitan
at para sa maiksing salu-salo noong Pasko. Sa ng virus at kung ano pang bacteria.
tatlong beses na iyon ay gumamit ako ng N95 Kumakain din ako ng masusustansiya at
face mask at face shield para ligtas ako. balanseng pagkain, at saka, puspusang
nag-eehersisyo para manatiling aktibo.
Abala rin ako sa klase kahit online para sa
patuloy pa ring mahasa ang aking
kaisipan. Pagkatapos, parati rin akong
masayang nakikipagkwentuhan sa aking
mga magulang at nakikipaglaro nang
online sa aking mga kaibigan para
makapaglibang at para sa kalusugang
pangkaisipan. Sa pangangailangang
espiritwal naman, mataimtim akong
nagdarasal kay Hesus para magpasalamat
sa regalong buhay, maayos na kalusugan
at pagbigay ng sapat na pangangailangan
para sa aking pamilya.
Sa panahon ngayon, dapat akong
maging malusog sa lahat ng aspeto ng
buhay. Natutuhan ko ring mabuhay nang
mas simple, pahalagahan ang kalusugan,
at igugol ang panahon sa aking pamilya at
mga kaibigan. Kaya ang pakiusap ko sa
inyo mga kaibigan, pangalagaan ang sarili
at sama-sama nating labanan ang
pandemya!
PAHINA 19

Buhay-Bata Sa
Harap ng Pandemya
Dulot ng Covid-19
MARCO LUIS D. MARTIRES
6 - ST. PAUL MIKI

Paano ba naapektuhan ang inihayag ng AGS na Sobra-sobra rin ang aming


pamayanan ng Ateneo De magkakaroon kami ng “online pasasalamat sa aming mga
Manila Grade School at kaming classes” at ililipat ang simula ng magulang dahil tinutukan pa rin
mga estudyante mula sa klase sa buwan ng Agosto. kami sa aming pag-aaral sa
malubhang pandemyang dulot Malaki at mabigat ang balitang kabila ng pagiging abala nila sa
ng Covid-19? Paano din namin ito para sa mga mag-aaral at kanilang mga trabaho, kasama
nai-angkop ang aming pang mga guro dahil kailangan nating pa ang maya’t mayang pag-
araw-araw na buhay tuwing umangkop sa ating bagong aalala sa epekto ng pandemya.
kami ay gigising sa umaga? kapaligiran sa loob ng maikling
panahon. Tunay na maraming Sa wakas, may magandang
Bago pa matapos ang taon ng problema ang aming naranasan balita na darating na ang mga
pag-aaral noong 2020, hindi ngunit kinailangang makibagay nilikha at pinag-aralang mga
namin nagawa ang ilang sa mga pagbabago upang bakuna tulad ng Pfizer,
mahabang pagsusulit para sa manatili kaming ligtas at Moderna, Astra Zeneca at
ika-apat na kapat. Lumala ang maiwasan na magkasakit. Sinovac ngayong 2021. Eto na
dami ng mga kaso ng Covid-19 kaya ang ilaw ng ating pag-asa?
dito sa Pilipinas at sa iba’t ibang Eto na ang Agosto! Sabik na May pag-asa kaya na makasama
bahagi ng mundo. Dahil dito, sabik ako na makita ang aking kaming mga bata sa mga
lubos na pag-iingat ang ginawa mga bagong kaklase at guro sa babakunahan upang makabalik
ng lahat ng mga paaralan at pamamagitan ng Google Meet. na kami sa aming mahal na
napilitang isara ang mga ito Tinukoy at inaral rin namin ang paaralang Ateneo? Sa aking
kahit hindi pa tapos ang mga bagong apps tulad ng palagay, kailangan nating
semestre. Nagbakasyon kami Google Classroom, docs, slides magdasal pa nang taimtim, pag-
nang maaga ngunit ito ay at marami pang iba na aralang mabuti ang mga
kakaiba. Nanatili lang kami sa kinakailangan naming mga solusyon sa pandemya, matuto
loob ng aming mga bahay estudyante at ng aming mga sa mga pangyayari at patuloy na
upang maging ligtas. Kanya- guro sa iba’t ibang asignatura. pangalagaan ang ating mga
kanya din kaming mga bata ng Makalipas ang ilang buwan, sa sariling katawan at kalusugan.
imbento ng mga laro at wakas ay naging komportable Huwag nating kakalimutan na
aktibidad upang malibang. Ako na kami sa “new normal” at sa walang imposible kay Hesus at
man ay natuto ng iba’t ibang aming bagong iskedyul. Sa ang lahat ng problema ay may
klase ng ehersisyo at pati na din kasamaang palad, may maliliit solusyon… ayon sa tamang oras
ang pagmasa at paghurno ng pa ring problema tulad ng at panahon.
pandesal. Wala munang pasyal mabagal o nawawalang
sa dagat, theme parks at sa “internet connection” ngunit
ibang bansa. Noong malapit binibigyan naman ito ng
nang matapos ang mahabang konsiderasyon ng aming mga
bakasyon ng mga estudyante at guro.
guro,
PAHINA 20

ALEXANDER DIEGO B.EDILLON


6-CAMPION

Lahat tayo ay nasa “quarantine” dahil sa Covid-19 na kasalukuyang sumasakop sa iba’t


ibang bahagi ng mundo. Bilang mag-aaral, narito ang apat na paraan na sa palagay ko ay
makatutulong upang maprotektahan ang inyong mga sarili mula sa virus.

1
LAGING MAGHUGAS NG KAMAY.
Ang wastong paghugas ng mga kamay ay mahalaga dahil natatanggal
nito ang mga mikrobyo sa kamay. Sa pamamagitan nito, naiiwasan ang
pagkalat ng mga mikrobyo sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

2
LAGING MAGSUOT NG FACE MASK AT FACE
SHIELD KUNG LUMALABAS NG BAHAY.
Ang pagsuot ng face mask at face shield ay mahalaga upang hindi mo
malanghap ang mga mikrobyo mula sa labas na maaaring magdala ng
virus. Kailangan mong isuot nang maayos ang iyong face mask at face
shiels lalo na kung nasa matao kang lugar.

3
KASANAYAN ANG “SOCIAL DISTANCING”.
Ang “Social Distancing” ay mahalaga dahil nababawasan nito ang mabilis
na pagkalat ng virus. Mabilis magkahawahan kung lapit-lapit ang mga tao
kung kaya dapat kasanayan ang social distancing.

4
IWASANG HAWAKAN ANG MUKHA MO
Ginagawa ito dahil ang Covid-19 ay maaaring nasa mga lugar na iyong
hinawakan at kung maihahawak mo ang iyong nga kamay sa iyong mukha
ay maaari mong makuha ang virus at magkaroon ka nito.

Ito ang apat na mga simpleng hakbang na kailangan mong sundin upang maprotektahan
ang iyong sarili mula sa virus. Kung susundin mo ang mga ito, wala kang dapat ipag-alala.
Manatiling ligtas!
PAHINA 21

MGA
GAGAWIN KO
PAGKATAPOS
NG
PANDEMYA
YUAN MARCUS C. GERONIMO
5-DUMAGAT
Sa darating na tag-araw, sana
ay tapos na ang pandemya para
makapunta na ako sa iba't ibang
lugar kasama ang aking buong
pamilya. Una, pupunta muli kami
sa paborito naming simbahan,
ang Christ the King. Doon, kami
ay magsisimba at
magpapasalamat kami sa Diyos.
Pagkatapos, maglalakbay kami
papunta sa dagat na
matatagpuan sa Morong, Bataan.
Doon kami lalangoy at maglalaro
sa buhangin kasama ang aking
mga pinsan. Sasakay kami sa
bangka at susubukan din namin
ang "snorkeling" dahil hindi pa
namin ito nagagawa. Siguradong
magiging masaya kami kapag
naisagawa namin ang lahat ng
ito pagkatapos ng pandemya.
PAHINA 22

Pandemya...
Sa Positibo Ako
BRIAN EARL ELIJAH A. BULAKLAK
6-DE BRITTO

“Wow, isa na lang! Salamat sa Diyos! Huling Maraming bawal, isa na rito ang bawal
araw na ng aking final exam bukas, Marso 10, lumabas lalo na ang bata, at matanda na,
2020...” Iyan ang sinabi ko kay Mama may kaukulang parusa sa mga lalabag.
pagkakita ko sa kanya sa sunduan sa may Tumigil ang masaya at malayang buhay ng
cafeteria noong tanghaling iyon ng Lunes. mga tao. Biglang-bigla, naging pantay-
Kalahating araw lang talaga tuwing may Final pantay ang lahat, mahirap man o mayaman,
Exam upang makapag balik-aral para sa walang pasyal-pasyal. Nakalulungkot,
susunod na araw, kaya nasa isip ko, huli na, nakaiinip! Huh, di ba nga, tayong mga mag-
pagbubutihin ko. Siyempre, sabik na rin ako sa aaral, hanap lagi ay bakasyon? Walang
maha-aaa-bang bakasyon. Halos alas-otso na pasok! Walang pasok! Walang pasoooook!
nang humiga ako noong gabing iyon ng Marso Ay, ang hirap pala…
9, 2020. Tandang-tanda ko pa ang lahat. Araw- Pandemya, apektado lahat.
araw, alas-cuatro cuarenta y cinco ako Isa...Dalawa...Tatlo...Apat...Limang buwan.
gumigising para makapag-serve pa ako sa At sa unang pagkakataon, nagsagawa ng
Banal na Misa bago magsimula ang klase. “online learning” dahil mas dumarami pa
Pagbangon ko, sabi ni Mama, anak, ibinalita sa ang mga nagkakasakit ng COVID-19, mas
TV kaninang alas-cuatro nang madaling-araw marami ang namamatay kaysa sa
na kanseldo na raw ang klase sa mga paaralan. gumagaling. Marami ang nagsarang
Pero, noong huli kong tiningnan, wala pang kumpanya at hanapbuhay kaya marami ang
opisyal na anunsyo ang Ateneo. Ha! Matagal nawalan ng trabaho. Naging mas mahirap
akong nag-aral tapos walang pasok! “Dahil na ang buhay. Madalas ko ngang makita, na
nga anak sa virus, pinag-iingat ang lahat.” malalim ang iniisip ng mga magulang ko.
Paliwanag ng aking nanay. Marami kasi silang tauhan, ngunit kailangan
Ang daming nangyari, biglang-biglang pa ring ipasara ang mga tindahan, sa takot
nagbago ang lahat. Kami sa bahay ay laging na pag-uwi nila sa amin, isa sa mga ito ay
nakatutok sa mga balita sa TV. Halos lahat sa may dalang pumapatay na virus.
mga sinasabi roon, lahat masama. Hindi na Pandemya...COVID-19...lungkot, takot,
malaman kung sino ang paniniwalaan. Iba-iba at paghihirap. Ito lang ba ang dulot nito sa
ang aming pakiramdam. Takot, na baka kami ay atin? Hindi ba’t sa pananatili natin sa ating
maapektuhan din...awa sa mga nagkasakit at mga tahanan, unang-una, naging ligtas
namatay...at inis at galit, dahil maraming tayo. Naging mas buo rin ang ating pamilya.
dumadaing, kahit ang dami namang tumutulong Sama-sama sa ”Online Mass” at sa
at naging laman ng balita ang bilyong halaga pagdarasal. Sa hapag-kainan, pamilya ang
para ito ay masolusyonan. Ah, totoo na nga, kakuwentuhan. Nakita rin natin ang mga
heto na ang COVID-19 na pumapatay! Buong gawain at paghihirap ng ating mga
mundo talaga! Pandemya...narinig ko at magulang. Natuto tayong tumulong,
nalaman ang mga ginawang alituntunin para sa magtipid, at magbigay sa mas
kaligtasan ng lahat. nangangailangan. Natuto rin tayong
sumunod at magpahalaga sa mga
patakaran o “protocol”.
PAHINA 23

Likhang Larawan
SAM KEDRIC BATTUNG
6-GONZAGA
PAHINA 24

Likhang Larawan
MATT CABRAL
6-GONZAGA
PAHINA 25

Likhang Larawan
JOAQUIN CANLAS
6-GONZAGA
PAHINA 26

Likhang Komiks
GABRIEL NIXON S. TANAZANA
6-GONZAGA
PAHINA 27

Likhang
JOHANN CALE
6-GON
PAHINA 28

g Komiks
EB CLEMENTE
NZAGA
PAHINA 29

Sa panahon ngayon ng
pandemya, masaya ako na ako
ang napili ng aking klase na
magsilbi bilang presidente ng
T’boli. Ito man ay hindi
kasinghirap ng trabaho tulad
noong kami ay pumapasok sa
paaralan, alam ko na malaki pa
rin ang responsibilidad ko para sa
aking klase.

Ngayong tayo ay may mga GAVIN ZACHARY CAYTON


online classes, nag-iisip kami sa 5- T’BOLI
klase ng mga maaaring gawin
para maging masaya sa bawat
araw. Gumagawa kami ng mga laro at nagkukuwentuhan
kami. Lagi ko ring tinitingnan kung tama at nararapat ang
mga paksang pinag-uusapan sa aming chat box. At tuwing
umaga inihahanda ko ang aking sarili sa kung anuman ang
ibibilin sa akin ng aking gurong-tagapayo para makatulong
sa kanya.

Ganito man ulit ang maging sitwasyon sa susunod na


pasukan, alam kong gagawin lahat ng ating paaralan ang
kanilang makakaya upang maramdaman pa rin ng bawat
mag-aaral ang “school spirit” ng Ateneo.
PAHINA 30

Ngayong pandemya, ginagawa ko


ang bahagi ko bilang presidente ng
aking klase sa pamamagitan ng
pagiging masipag at matiyaga.
Sinisigurado ko na walang nag-aaway
sa aming klase upang hindi sila
tuluyang magalit sa isat-isa.
Ipinaaalala ko rin sa kanila sa aming
mga gawain para hindi nila ito
makalimutang sagutan o gawin. Ako
ay nagpapakita rin ng magandang asal
upang maging mabuting ehemplo sa
kanilang lahat. Kahit mahirap,
ginagawa ko ito upang sila ay
makakuha ng matataas na marka sa
mga pagsusulit nila upang lahat kami
ABRAM KARLISLE R. SANTOS
ay maka akyat sa susunod na baitang.
5- MANOBO
MATTHAN HERNANDEZ
5-TAGBANWA Ngayong panahon ng pandemya
marami tayong pinagdaraanan. Subalit,
hindi ito hadlang upang maging pinuno
ng aking klase. Kahit online class ang
pamamaraan ng aming pag-aaral sa
kasalukuyan, nagagampanan ko ang
pagiging pangulo ko sa pamamagitan
ng pag-aalaga at pag-aasikaso sa
aking mga kaklase. Kahit mahirap ang
panahon ngayon, dapat ay positibo
lamang tayo.
PAHINA 31

MGA TAGAPAMAHALA

Bb. Ariette L. Pacle G. Allan Rey M. Teh

Layout ni: Gng. Ruby N. Punay

You might also like