You are on page 1of 24

WHOLE BRAIN LEARNING SYSTEM

OUTCOME-BASED EDUCATION

FILIPINO BAITANG
5

KUWARTER 3
LEARNING
MODULE LINGGO 5

1
⚫WBLS-OBE ⚫MELC-Aligned ⚫Self-Learning Module ⚫Filipino 5
MODYUL SA
FILIPINO 5

KUWARTER 3
LINGGO 5

Naisasalaysay na Muli ang Nabasang


Teksto
Nasusuri kung ang Pahayag ay Opinyon
o Katotohanan
Development Team
Writers: Rowena S. Vinluan Rose L. Llapitan
Editors: Emiliaflor A. Lived Jonabella M. Gabat Jocelyn A.
Pascua
Reviewer: Joel M. Remigio Zorayda S. Paguyo
Illustrator: Mark Bryan Aguinaldo
Layout Artist: Jocelyn A. Pascua
Management Team: Vilma D. Eda
Arnel S. Bandiola
Lourdes B. Arucan
Zorayda S. Paguyo
Juanito V. Labao

2
⚫WBLS-OBE ⚫MELC-Aligned ⚫Self-Learning Module ⚫Filipino 5
ALAMIN

Isang masaya at maaliwalas na araw sa iyo!

Ang Modyul na ito ay masusing inihanda para sa iyong pagkatuto. Ang


mga babasahin at gawain dito ay isinaayos at pinili upang malinang ang iyong
kaalaman at kasanayan.

Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, inaasahang;

1. maisasalaysay muli ang nabasang teksto F5PS-IIIf-h-6.6

2. masusuri kung ang pahayag ay opinyon o katotohanan F5PB-IIIf-h-19

SUBUKIN

PAUNANG PAGTATAYA

Bago umpisahang pag-aralan ang modyul na ito, nais kong sukatin


muna ang iyong kaalaman tungkol sa mga aralin sa linggong ito.

A. Panuto: Basahin at unawain ang alamat. Sa iyong sagutang papel bumuo ng


limang (5) pangungusap upang isalaysay muli ang alamat ayon sa sariling pag-
unawa.

Alamat ng Makopa

Noong araw ang mga tao ay mababait at masunurin. Sila ay masipag at


madasalin. Namumuhay sila nang tahimik at maligaya sa isang nayon.

Relihiyoso ang mga taga-nayon. Sa kanilang simbahan ay may isang


gintong kampana na nagsisilbing inspirasyon sa lahat. Napakasagrado at
iniingatan ng mga mamamayan. Ang kampana ay kanilang inspirasyon
upang magsikap na mapaunlad ang kanilang kabuhayan.

3
⚫WBLS-OBE ⚫MELC-Aligned ⚫Self-Learning Module ⚫Filipino 5
Nabalitaan ng mga masasamang loob sa malayong pook ang tungkol sa
gintong kampana. Hinangad nila itong makuha upang magkaroon din ng
masaganang buhay. Lihim nilang pinag-isipan kung paano nanakawin ang
kampana.

Sa kabutihang palad ay nabalitaan ng mga pari ang balak ng mga


masasamang loob. Ibinaba nila ang kampana at ibinaon ito sa bakuran ng
simbahan. Nangako sila na ipagtatanggol nila ang kampana kahit na sila ay
mamatay.

Galit na galit ang mga masasamang loob nang dumating sa


simbahan. Hinanap nilang mabuti ang kampana ngunit hindi makita. Sa galit
ng mga masasamang loob ay pinatay nila ang lahat ng tao sa loob ng simbahan
sapagkat ayaw ituro ng mga tao ang pinagtaguan ng kampana.

Anong lungkot ng buong nayon nang malaman ang nangyari. Patay na


ang pari, mga sakristan at ilang katulong sa simbahan. Inilibing ng taong bayan
ang bangkay ng mga nasawi at pinarangalan ang mga ito. Mula noon ang
taginting ng kampana ay hindi na narinig sa nayon. Ang mga tao ay nawalan
na rin ng ganang maghanapbuhay, nawalan ng sigla at pag-asa.

Isang araw ay nagulat na lamang ang taong bayan nang makita ang isang
puno na tumubo at mabilis na lumaki sa bakuran ng simbahan. Nagbunga ito
ng marami na hugis kampana, makikislap na pula ang labas at maputing parang
bulak ang laman. Sapagkat nasa bakuran ng simbahan, ang mga bunga ay sa
gintong kopa sa simbahan naihambing ng mga tao.
Simula noon, ang puno ay nakilala sa tawag na Makopa.

Sanggunian: Aguinaldo, MM. Alamat : Kuwentong Bayan ng Pilipinas. QuezoCity: MMA Publications,
2003, pp. 27-29.

B. Panuto: Basahin ang bawat pangungusap na hango sa binasang alamat.


Isulat sa iyong sagutang papel ang O kung opinyon ang ipinapahayag ng
pangungusap at K kung katotohanan.

1. Ang mga taga-nayon ay mababait, masunurin at relihiyoso.

4
⚫WBLS-OBE ⚫MELC-Aligned ⚫Self-Learning Module ⚫Filipino 5
2. Hindi raw masama ang maghangad at magkaroon ng masaganang buhay.
3. Ipinagtanggol ng mga pari, sakristan, ilang katulong sa simbahan ang
gintong kampana laban sa mga masasamang loob.
4. Sa kanilang palagay ang kampana ay isang inspirasyon upang magsikap na
mapaunlad ang kanilang kabuhayan.
5. Napakasagrado at iniingatan ng mga mamamayan ang gintong kampana.

ARALIN Pagsasalaysay Muli ng


9 Napakinggang Teksto

BALIKAN

Panuto: Mula sa Alamat ng Makopa. Ayusin ang mga sumusunod na pangyayari


ayon sa wastong pagkasunod-sunod. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

1. Nabalitaan ng mga pari ang balak ng mga masasamang loob kaya ibinaba
ang gintong kampana at ibinaon sa bakuran ng simbahan.
2. Noong araw, ang mga tao ay relihiyoso at namumuhay nang tahimik at
maligaya sa isang nayon.
3. Isang araw ay nagulat ang taong bayan nang makita ang isang puno na
tumubo sa bakuran ng simbahan na may bungang hugis kampana.
4. Pinatay ang pari, mga sakristan, ilang katulong sa simbahan at ang lahat ng
tao sa loob ng simbahan sapagkat ayaw ituro ang pinagtaguan ng kampana.
5. Pinagplanuhang nakawin ng masasamang loob ang gintong kampana sa
paghahangad na magkaroon din ng masaganang buhay.

5
⚫WBLS-OBE ⚫MELC-Aligned ⚫Self-Learning Module ⚫Filipino 5
TUKLASIN

Ang pagsasalaysay muli sa napakinggang teksto ay basehan upang


masukat kung naunawaan o hindi ang nabasa o napakinggang teksto.
Mahalagang bigyang-pansin ang pagkakaugnay ng mga pangyayari para
tunay na buong maipakita ang wastong pagkasunud-sunod nito.
Narito ang isang alamat na iyong babasahin. Ang alamat ay isang uri ng
panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay
sa daigdig.
Ihanda ang sarili na maisalaysay muli ito. Handa ka na ba? Tara!
Simulan na!

Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan

Noong unang panahon, isang matandang mangingisda at ang kanyang


pitong anak na dalaga ang naninirahan sa isang tahanang nakaharap sa
baybayin. Araw-araw, ang pitong dalaga ay matiyaga at masipag na ginagawa ang
kanilang tungkuling-bahay. Minsan, ay matatanaw mo silang lumalangoy sa dagat,
nagtatampisaw sa dalampasigan, at naglalaro, at tila napakasaya nilang panoorin.
Maraming manliligaw ang mga dalaga, at isa sa mga kinatatakutan ng
kanilang ama ay ang balang araw ay makapangasawa sila ng lalaking maglalayo
sa kanila sa isa't-isa.
Isang araw, nang wala ang kanilang ama, may isang grupo ng mga binata
ang dumalaw at umakyat ng ligaw. Niyaya nila ang mga dalaga na umalis, sakay
sa kanilang magagara, mabibilis at mamahaling mga bangka.
Nadaan sila sa baybayin ng Guimaras, kung saan nangingisda ang kanilang
ama, at sila ay natanaw. Nakita niya ang mga bangka, sakay ang kanyang mga
anak. Sinubukan niyang sundan ang mga ito sa pamamagitan ng pagsagwan,
ngunit masyadong mabilis ang kanilang bangka para masundan ng kanilang ama.

6
⚫WBLS-OBE ⚫MELC-Aligned ⚫Self-Learning Module ⚫Filipino 5
May nadatnan ang matanda na nagkalat na parte ng mga bangka. Laking
kaba niya habang siya ay papalapit sa lugar na iyon. Tiyak siya na ito ang
bangkang sinakyan ng kanyang mga anak. Nagulat na lamang ang matanda
nang may lumitaw na mga isla. Binilang niya ito at laking gulat niyang pito ang
bilang nito. Ang kanyang mga anak ay naging isla! Pinangalanan nila itong Isla
de los Siete Pecados o "Isla ng Pitong Makasalanan

https://www.storyboardthat.com/cs/storyboards/d82768f7/alamat-ng-isla-ng-pitong-
makasalanan

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong ayon sa binasang teksto. Isulat ang
tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ilarawan ang araw-araw na pamumuhay ng mag-aama sa alamat?


2. Ano ang kinatatakutang mangyari ng ama para sa kanyang pitong anak na
dalaga?
3. Ano ang nangyari sa pitong magkakapatid na dalaga?
4. Nahanap at natulungan ba ng ama ang kanyang mga anak? Bakit?
5. Isalaysay ang mga pangyayari sa kuwento ayon sa wastong pagkasunod-sunod.

SURIIN

Paano maisasalaysay muli ang kuwento o tekstong iyong


napakinggan? Maaaring maisalaysay muli ang isang kuwento o teksto sa
pamamagitan ng mga gabay na tanong, pagkamaalam sa mga bahagi ng
kuwento o paggawa ng isang story map. Maaaring naunawaan mo ang isang
kuwento kung napagsusunod-sunod mo nang maayos ang mga pangyayari
dito. Maaalala mo ang mga mahahalagang kaganapan o pangyayari.

7
⚫WBLS-OBE ⚫MELC-Aligned ⚫Self-Learning Module ⚫Filipino 5
Isalaysay muli natin ang kuwentong “Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan”

1. Ano ang unang nangyari?

Araw-araw, ang pitong dalaga ay matiyaga at masipag na ginagawa ang


kanilang tungkuling-bahay.

2. Ano ano ang sumunod na nangyari?

May isang grupo ng mga binata ang dumalaw at umakyat ng ligaw.


Niyaya nila ang mga dalaga na umalis sakay sa kanilang magagara,
mabibilis at mamahaling mga bangka.
Nakita ng ama na nakasakay sa bangka ang kanyang mga anak.
Sinubukan ng ama na sundan ang mga ito ngunit masyadong mabilis ang
kanilang bangka.

3. Ano ang huling nangyari?

Nagulat na lamang ang matanda nang may lumitaw na pitong isla sa lugar
kung saan nakita ang nagkalat na parte ng mga bangka.

Ang unang nangyari ang tinatawag na Simula. Ang susunod na mga


pangyayari naman ay ang Gitna at ang katapusan nito ay ang Wakas ng
kuwento.

Ang simula, gitna at wakas na bahagi ng kuwento ay mahalagang


malaman upang maisalaysay muli nang buo ang napakinggang teksto.
Makatutulong din na matukoy ang mga tauhan, tagpuan at
mahahalangang pangyayari at impormasyon upang madaling maisalaysay
muli ng wasto ang isang teksto.

Mahalaga na bigyan-pansin ang pagkakaugnay ng mga


pangyayari para maipakita ang pagkasunod-sunod nito at mailahad ang tunay
na buod ng kuwento o teksto.

8
⚫WBLS-OBE ⚫MELC-Aligned ⚫Self-Learning Module ⚫Filipino 5
PAGYAMANIN

Naunawaan mo ba ang ating aralin? Ngayon, babasa ka muli ng isang


alamat. Basahin at unawaing mabuti dahil pagkatapos nito ay muli mo itong
isasalaysay.

Ang Alamat ng Rosas


Noong unang panahon sa isang malayong nayon, ay may isang dalaga na
nagngangalang Rosa na kilala dahil sa natatangi nitong ganda at dahil na rin sa
kanyang mapupulang mga pisngi, kung kaya't pinagkakaguluhan si Rosa ng mga
kalalakihan.
Isang araw nang dumating ng bahay si Rosa ay nakita niya ang isa sa
kanyang mga manliligaw na si Antonio na kausap ang kanyang mga magulang at
humihingi ng pahintulot na manligaw kay Rosa. Masaya naman siyang pinayagan
ng mga magulang at dahil na rin sa rason na si Antonio lamang ang lalaking unang
umakyat ng ligaw sa kanila. Ang kinakailangan lang naman na gawin ni Antonio ay
ang mapatunayan ang sarili kay Rosa at pasayahin ito.
Iyon ang naghimok kay Antonio, kaya naman ay pinagsilbihan niya ang
pamilya ni Rosa sa pamamagitan ng dote. Lubos namang natuwa ang mga
magulang ni Rosa, lalong-lalo na ang dalaga na unti-unti ay nahuhulog na ang loob
sa masugid na binata.
Sa araw na kung saan ay dapat sanang sasagutin ni Rosa ang kaniyang
manliligaw ay doon rin siya labis na nagtaka kung bakit wala pa ito. Doon din niya
nalaman na pinaglalaruan lang pala siya ni Antonio nang marinig niya ito habang
kausap ang kaniyang mga kaibigan. Parang pinagsakluban ng langit at lupa si
Rosa sa kaniyang narinig. Nadurog ang kaniyang puso sa kaniyang unang pag-
ibig. Hindi tumigil ang pag-iyak ni Rosa habang siya ay bumalik sa kanilang bahay.
Nag-aalala naman siyang tinanong ng kaniyang mga magulang pero hindi sumagot
ang dalaga. Kinabukasan ay hindi na nakita si Rosa at pati na rin sa susunod na
mga araw.

9
⚫WBLS-OBE ⚫MELC-Aligned ⚫Self-Learning Module ⚫Filipino 5
Isang araw, ay nabalitaan na may kakaibang halaman na tumubo sa
dapat sanang tagpuan nina Rosa at Antonio. Tinawag ang halaman na rosas
dahil ang pulang kulay ng bulaklak ay nagsisilbing paalala sa mga mapupulang
pisngi ni Rosa. Ang naiiba lamang ay ang tinik na napapalibot sa halaman na
pinapaniwalaan na si Rosa na nagsasabing walang sinuman ang makakakuha
sa magandang bulaklak na hindi nasasaktan.

https://buklat.blogspot.com/2017/10/ang-alamat-ng-rosas.html

Panuto: Isalaysay muli ang alamat sa pamamagitan ng pagsulat sa patlang ng


tamang salita para mabuo ang talata.

Si Rosa ay kilala sa nayon dahil sa natatanging ganda at (1) __________


pisngi. Nakita ni Rosa si (2) __________ sa kanilang bahay upang magpaalam sa
kaniyang magulang na (3) __________. Masigasig sa (4) __________ ng binata
ang pamilya ni Rosa kaya naman nahulog na rin ang kaniyang loob.

Ngunit nalaman niya na (5) __________ lang pala siya ni Antonio. Hindi
tumigil sa (6) __________ si Rosa. Nag-alala ang kaniyang magulang kaya (7)
__________ sila ngunit hindi sumagot si Rosa. Kinabukasan ay hindi na muling
nakita si Rosa hanggang sa nabalitaan na may kakaibang halaman na tumubo sa
(8) __________ sana nina Rosa at Antonio.
Tinawag na (9) __________ ang halaman dahil sa pulang kulay ng bulaklak.
May mga (10) __________ sa sanga ng bulaklak na tanda na walang sinuman ang
makakakuha sa magandang bulaklak na hindi nasasaktan.

ISAISIP

Ngayong naisagawa mo lahat ang mga gawain, ano ang napag-aralan mo?
Kompletuhin ang pangungusap.

10
⚫WBLS-OBE ⚫MELC-Aligned ⚫Self-Learning Module ⚫Filipino 5
Panuto: Buuin ang kaisipan. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Ang (1) __________, (2) __________ at (3) __________ na bahagi ng


kuwento ay mahalagang malaman upang maisalaysay muli nang buo ang
napakinggang teksto.

Maaaring maisalaysay muli ang isang kuwento o teksto sa pamamagitan ng


mga (4) ________, pagkamaalam sa mga (5) _________o paggawa ng isang
story map. Maaaring naunawaan mo ang isang kuwento kung napagsusunod-
sunod mo nang maayos ang mga pangyayari dito. Maaalala mo ang mga
mahahalagang kaganapan o pangyayari.

ISAGAWA

A. Panuto: Punan ng impormasyong hinihingi ng bawat kahon. Isulat ang sagot


sa sagutang papel.

Alamat ng Rosas

Tauhan Tagpuan

Simula Gitna Wakas

11
⚫WBLS-OBE ⚫MELC-Aligned ⚫Self-Learning Module ⚫Filipino 5
ARALIN Pagsusuri kung ang Pahayag
10 ay Opinyon o Katotohanan

BALIKAN

Balikan natin ang inyong napag-aralan tungkol sa piksyon at di- piksyon.


Naaalala mo pa ba? Piksyon ang tawag sa mga kuwentong kathang-isip o
sariling imbento ng manunulat tulad halimbawa ng alamat, fairy tales at mga
pabula. Samantalang ang nga babasahing may katibayan at totoong nangyari
tulad ng kuwentong pangkasaysayan, talambuhay at sariling karanasan upang
magbigay ng impormasyon ay tinatawag na di-piksyon.

Panuto: Suriin ang mga pamagat ng kuwento sa ibaba. Isulat sa sagutang papel
kung ito ay halimbawa ng piksyon o di-piksyon.

1. Ang Pagong at ang Matsing


2. Ang Talambuhay ni Dr. Jose Rizal
3. Kasaysayan ng Pilipinas
4. Ang Ibong Mandaragit
5. Bakit Yumuyuko ang Kawayan?

TUKLASIN

May mga pahayag na nagsasaad ng opinyon at katotohanan. Nararapat


lamang na maging mapanuri sa mga pahayag na nababasa o naririnig bago ito
paniwalaan.
Sinasabing ang pahayag ay katotohanan kapag ito ay may sapat na
katibayan o ito ay isang pangyayaring tunay na naganap.
Ang opinyon naman ay isang pahayag na naaayon lamang sa isip o
pinaniniwalaan ng nagsasalita. Ito ay walang sapat na katibayan.

12
⚫WBLS-OBE ⚫MELC-Aligned ⚫Self-Learning Module ⚫Filipino 5
Basahin ang talata sa ibaba.

Ang kalusugan ay kayamanan. Ngunit sa palagay ko, hindi ito gaanong


nabibigyang pansin sa ating bansa. Sa nakikita ko, isang malaking problema
ng mga Pilipino ang laganap na malnutrisyon sa bansa. Sinasabing ang isang
tao ay malnourished kung ang kanyang katawan ay walang sapat na
sustansiyang kinakailangan nito upang makaligtas sa mga sakit at mabuhay
nang malusog.
May dalawang mukha ng malnutrisyon sa bansa. Ito ay ang kakulangan
sa nutrisyon o malnuorish at ang sobra sa nutrisyon o mas kilalang obesity.
Ayon sa pinakahuling pag-aaral ng Food and Nutrition Research Institute ng
Department of Science and Technology (FNRI-DOST), ang kalagayang
pangmalnutrisyon ng mga batang Pilipinong may edad na anim hanggang
sampung taon na gulang sa timbang ay nasa 25.6 porsyento noong 2008. Ang
porsyento naman ng mga batang may edad na 0 hanggang 5 taong gulang na
sobra sa timbang o obese ay nanatili sa 2.0 porsyento mula 2003-hanggang
2008.
Halaw sa aklat na Pinagyamang Pluma 5 p, 72

Panuto: Tukuyin at isulat sa talahanayan ang mga pahayag na opinyon at


katotohanan mula sa binasa. Isulat ang tamang sagot sa iyong sagutang papel.

OPINYON KATOTOHANAN

13
⚫WBLS-OBE ⚫MELC-Aligned ⚫Self-Learning Module ⚫Filipino 5
SURIIN

Paano natin ipinapahayag ang ating saloobin? Maaari mo bang


sabihing tama ang sinasabi mo? May katotohanan ba o opinyon mo lamang
ang mga ito?

Suriin natin ang mga pahayag kung ito ay opinyon lamang o may
katotohanan.

Ano nga ba ang opinyon o katotohanan?

KATOTOHANAN ay ang mga pangyayaring umiiral o nangyari na may batayan


at tiyak.

Maaring gamitan ng mga sumusunod na salita ang katotohanan:


* batay sa, resulta ng
* mula sa, tinutukoy na/sa
* mababasa sa, pinatutunayan ni

HALIMBAWA:
1. Ang Pilipinas ay nasa Timog-Silangang Asya.
2. Ang mundo ang pangatlong planetang malapit sa araw.
3. Batay sa resulta ng pag-aaral ng mga eksperto, ang mundo ay isa sa
walong planetang umiikot sa araw.

OPINYON ay pala-palagay, kuru-kuro o haka-haka lamang ng isa o ilang tao na


hindi pa napapatunayan.

Maaring gamitan ng mga sumusunod na salita ang opinyon:


* sa pakiwari ko, kung ako ang tatanungin,
* para sa akin, sa ganang akin
* daw/raw, sa palagay ko
* sinabi, sang-ayon

14
⚫WBLS-OBE ⚫MELC-Aligned ⚫Self-Learning Module ⚫Filipino 5
HALIMBAWA:
1. Para sa akin, Bulkang Mayon ang pinakamagandang bulkan sa buong
mundo.
2. Maganda raw ang Bulkang Taal ayon kay Maxene.
3. Kung ako ang tatanungin, malaking pinsala ang naidulot nang
pagsabog ng Bulkang Pinatubo.

PAGYAMANIN

Naunawaan mo ba ang ating aralin?


Ngayon, ihanda ang sarili sa isa pang pagsasanay para lubos na
maunawaan ang aralin.

Panuto: Tukuyin kung ang pangugusap ay opinyon o katotohanan. Isulat ang


tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Sa aking palagay ang mga taong malulusog ay maraming pera.


2. Lahat daw ng batang malusog ay talagang matatalino.
3. Nakatutulong ang pag-eehersisyo upang maging masigla ang katawan.
4. Ang gulay at prutas na puno ng bitamina ay mabuti sa ating katawan.
5. Sa aking paniniwala ang pagkain nang marami kahit busog na ay
makatutulong upang maging malusog ang katawan.

ISAISIP

Ngayong naisagawa mong lahat ang mga gawain. Ano ang


napag-aralan mo? Kumpletuhin ang mga pangungusap. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

15
⚫WBLS-OBE ⚫MELC-Aligned ⚫Self-Learning Module ⚫Filipino 5
Sinasabing ang pahayag ay __________ kapag ito ay may sapat na
katibayan o ito ay isang pangyayaring tunay na naganap.

Ang _________ naman ay isang pahayag na naaayon lamang sa isip o


pinaniniwalaan ng nagsasalita. Ito ay walang sapat na katibayan.

ISAGAWA

Marami na tayong mga nababasa at naririnig tungkol sa COVID-19. Alin


sa mga ito ang sa opinyon at katotohanan?

Panuto: Sumulat ng mga pahayag na nagpapahayag ng opinyon at katotohanan


tungkol sa COVID-19. Isulat ito sa inyong sagutang papel.

Opinyon

Katotohanan

16
⚫WBLS-OBE ⚫MELC-Aligned ⚫Self-Learning Module ⚫Filipino 5
TAYAHIN

PANGWAKAS NA PAGTATAYA

Sagutin mo ang mga gawain sa ibaba para masukat natin ang


iyong kaalaman sa modyul na ito.

A. Panuto: Isalaysay muli ang isang alamat na napakinggan o nabasa. Punan ng


impormasyong hinihingi ng bawat kahon.

_________________________________
Pamagat

Simula

Gitna

Wakas

17
⚫WBLS-OBE ⚫MELC-Aligned ⚫Self-Learning Module ⚫Filipino 5
B. Panuto: Isulat ang Opinyon kung nagpapahayag ng kuro-kuro o palagay at
Katotohanan kung ang pahayag ay totoo at may basehan. Gawin ito sa sagutang
papel.
1. Para sa akin, mas masarap ang gulay kaysa sa karne.

2. Ang gulay at prutas ay mainam sa katawan.

3. Ayon sa mananaliksik, ang pagkain ng limang hain ng gulay at prutas ay

nakakatulong upang makaiwas sa sakit.

4. Mas mainam siguro kung iwasan ang pagkain ng junkfood.

5. Masarap daw sa pakiramdam ang bumangon sa umagang kompleto ang tulog.

6. Ang kalusugan ay kayamanan.

7. Sa palagay ko mahirap magtagumpay ang isang taong sakitin.

8. Ang pag-eehersisyo raw kapag inaraw-araw ay maaaring maging bisyo.

9. Nakatutulong sa ating katawan ang pag-inom ng walong basong tubig araw-

araw.

10. Marahil mabilis ang pag-unlad ng ating bansa kung lahat ng tao ay

malulusog.

18
⚫WBLS-OBE ⚫MELC-Aligned ⚫Self-Learning Module ⚫Filipino 5
KABUUANG PAGSUSURI

Written Works (Constructed Response)

Kasanayang Pampagkatuto: Maisasalaysay muli ang binasang teksto.

Sitwasyon:

Ikaw ay isang batang manunulat. Sumulat ka ng isang salaysay tungkol sa


buhay at mga ginawa ng isa sa mga itinuturing na bagong bayani ng ating bansa.
Gawin ito upang makapagbigay impormasyon at inspirasyon sa sinumang
makababasa nito.

Mga dapat isaalang-alang:

1. Kompletong naipahayag ang mahahalagang impormasyon sa


pagsasalaysay
2. Tama ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa salaysay.
3. Nailarawan ang tao, lugar at panahon ng may tiyak na pangyayari.
4. Wasto ang pagkakagamit ng malaking titik, bantas at balarila.

19
⚫WBLS-OBE ⚫MELC-Aligned ⚫Self-Learning Module ⚫Filipino 5
SAMPLE PROMPTS/OUTLINE

______________________________
(Pamagat)

Isa sa mga itinuturing natin na bagong bayani sa bansa ngayon ay si


_______._________________________________________________________
________________________________________________________________
_______

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

___________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
__________________________________________________________

Rubrik sa Pagsasalaysay

Marka Pamatayan

Kompleto at wasto ang lahat ng sagot ng mag-aaral. Ang ideya ay may


kaugnayan sa nililinang na kasanayan.

Wasto ang sagot ng mag-aaral ngunit hindi ito kompleto. Ang ideya ay may
kaugnayan sa nililinang na kasanayan.

May mga kamalian ang sagot ng mag-aaral at hindi ito kompleto.

Walang sagot ang mag-aaral o walang kaugnayan ang sagot sa nililinang


na kasanayan.

4-Napakahusay 3- Mahusay 2- Di-Gaanong Mahusay 1- Magsanay Pa

20
⚫WBLS-OBE ⚫MELC-Aligned ⚫Self-Learning Module ⚫Filipino 5
⚫Filipino 5 ⚫Self-Learning Module ⚫MELC-Aligned ⚫WBLS-OBE
21
SUBUKIN (p. 3)
A. Magkakaiba ang maaaring sagot ng mga bata
B
1. K
2. O
3. K
4. O
5. K
.
Aralin 9:
BALIKAN (p. 5)
3,1,5,4,2
TUKLASIN (p. 6)
1. magkakaiba ang maaaring sagot ng mga bata
2. makapag-asawa ang kanyang mga anak ng lalaking
paglalayo sa kanila
3 -5 Magkakaiba ang maaaring sagot ng mga bata
PAGYAMANIN(p. 9-10)
1. mapupulang 6. pag-iyak
2. Antonio 7. nagtanong
3. nanligaw 8. tagpuan
4. panliligaw 9. rosas
5. niloloko 10. tinik
ISAISIP (p. 9)
1. simula
2. gitna
3. wakas
4. tanong
5. bahagi ng kuwento
ISAGAWA (p.11)
Magkakaiba ang maaaring sagot ng mga bata
SUSI SA PAGWAWASTO
⚫Filipino 5 ⚫Self-Learning Module ⚫MELC-Aligned ⚫WBLS-OBE
22
Aralin 10
.
BALIKAN
1. piksyon
2. di-piksyon
3. di-piksyon
4. piksyon
5. piksyon
TUKLASIN (p. 12-13)
Ang kalusugan ay kayamanan. Ngunit sa palagay ko, hindi ito gaanong
nabibigyang pansin sa ating bansa. Sa nakikita ko, isang malaking problema ng
mga Pilipino ang laganap na malnutrisyon sa bansa. Sinasabing ang isang tao
ay malnourished kung ang kanyang katawan ay walang sapat na sustansyang
kinakailangan nito upang makaligtas sa mga sakit at mabuhay nang malusog.
May dalawang mukha ng malnutrisyon sa bansa. Ito ay ang kakulangan
sa nutrisyon o malnurish at ang sobra sa nutrisyon o mas kilalang obesity. Ayon
sa pinakahuling pag-aaral ng Food and Nutrition Research Institute ng
Department of Science and Technology (FNRI-DOST), ang kalagayang
pangmalnutrisyon ng mga batang Pilipinong may edad na anim hanggang
sampung taon na gulang sa timbang ay nasa 25.6 porsyento noong 2008. Ang
porsyento naman ng mga batang may edad na 0 hanggang 5 taong gulang na
sobra sa timbang o obese ay nanatili sa 2.0 porsyento mula 2003-hanggang
2008.
Asul-katotohanan pula- opinion
PAGYAMANIN (p.15)
1. opinyon
2. opinyon
3. katotohanan
4. katotohanan
5. opinyon
ISAISIP (p. 16)
1. katotohanan
2. opinyon
ISAGAWA (p. 17)
Magkakaiba ang maaaring sagot ng mga bata
TAYAHIN (p. 18)
A. Magkakaiba ang maaaring sagot ng mga bata
B.
1. opinyon 6. katotohanan
2. katotohanan 7. opinyon
3. katotohanan 8. opinyon
4. opinyon 9. katotohanan
5. opinyon 10. opinyon
SANGGUNIAN:

AKLAT:

Baisa-Julian, Aileen, G. 2019. Pinagyamang Pluma 5, Wika at Pagbasa para sa


Elementarya. Ikalawang Edisyon. Quezon City: Phoenix Publishing House.

Gabot, Filipinas D., et al., Pagdiriwang ng Wikang Filipino Wika at Pagbasa 5,


Diwa Karapang Ari @1999 Scolastic Press Inc.

Agarrado, Patricia Jo C., et. al., Alab Filipino 5 Batayang Aklat, ISBN 978-971-07-
3886-1, Karapatang-sipi @ 2016 ng Vibal Group, Inc., Inilathala sa
Pilipinas ng Vibal Group, Inc. na may tanggapan sa 1253 Gregorio
Araneta Ave., Quezon City, Philippines.

ELECTRONIC:

https://buklat.blogspot.com/2017/10/ang-alamat-ng-rosas.html

https://www.slideshare.net/divinabumacas98/pagkilala-sa-mga-opinyon-o-
katotohanan

https://teacherguro.weebly.com/blog/katotohanan-o-opinion

https://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of-legends-mga-alamat-
ang-alamat-ng-makopa_281.html

23
⚫WBLS-OBE ⚫MELC-Aligned ⚫Self-Learning Module ⚫Filipino 5
For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education-Schools Division of Laoag City
Curriculum Implementation Division (CID)
Brgy. 23 San Matias, Laoag City 2900
Contact Number: (077)771-3678
Email Address:laoagcity@deped.gov.ph

24
⚫WBLS-OBE ⚫MELC-Aligned ⚫Self-Learning Module ⚫Filipino 5

You might also like