You are on page 1of 12

Big book

Kasaysayan ng wikang Pambansa


Ipinasa ni;
Ipinasa kay:
KOMPAN PROJECT

Panahon ng Kastila

Dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas noong 1521. Ang layunin nila’y hindi
lamang pananakop bagkus mapalaganap ang Kristiyanismo sa mga unang Pilipino.
Ito ang dahilan kung bakit kasama ng mga conquistador ang mga prayleng
misyonerong dumating sa Pilipinas. Ang mga paring ito’y nag-aral ng mga wikain
sa Pilipinas na naging daan ng mabilis na pagsakop sa puso’t isipan ng mga
Pilipino. Ginamit ng mga Espanyol sa panulat ang alpabetong Romano bilang
kapalit ng baybayin. Nagdulot ito ng mabilis na pagkatuto ng mga katutubo na
bumasa’t sumulat sa mga wikain ng Pilipinas at sa Espanyol dahil na rin sa
pagkakatatag ng ilang paaralang Katoliko sa Maynila, sa Visayas, at sa Luzon.

Panahon ng Amerikano

anahon ng Amerikano)Sa pag-ungkit ko sa nakaraan ng Pilipinas sa panahon ng


Amerikano, ngayon ko maslubos maunawanaan kung bakit ang iilan sa mga
Pilipino ay hindi marunong magsalita atsumulat sa wikang Filipino. Oo, nararapat
tayong magpasalamat dahil sa laki ang naitulong ngmga Amerikano sa kasarinlan
ng bansang Pilipinas at sa pagbangon nito mula sa mga Kastilasubalit sa kabila ng
lahat ng kanilang naitulong, hindi ko maiwasang sisihin sila kung bakit
hinditinatangkilik at pinapahalagahan ng mga Pilipino ang sariling wikang
pambansa. Isa sa mga benepesyong natanggap ng mga Pilipino mula sa mga
Amerikano ay anglibreng edukasyon para sa lahat. Nabanggit ni Dr. Felina P.
Espique sa kanyang aklat na“Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino” na natuklasan ni Schurman, angnamuno sa isang lupon na ipinadala ni
Pangulong McKinley upang pag-aralan ang pangunahingpangangailangan ng
Pilipinas.

Panahon ng Hapon

Noong Panahon ng mga Hapones napansin ang pagtuturo ng wikangpambansa,


ngunit pagkaraan ng Hulyo 4, 1946 noong nagkaroon tayo ng kalayaan, ang
suliranin tungkol sa paggamit ng wikang pambansa at wikang Ingles ay hindi na
gaanong pinansin dahil sa mga suliranin pang-ekonomiya na dapat munang
asikasuhin ng pamahalaan lalo na at katatapos lamang ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.

Ang kainitan ng panitikang Pilipino mula noong 1935-1941 ay biglang nanlamig sa


pagdating ng mga Hapones. Ang kalayaan sa pagsulat ay nahalinhan ng takot. Sino
ang makasusulat o magsusulat sa panahong ang hanap ng mga tao’y kaligtasan sa
kamay ng mga Hapones na balita sa kalupitan? Nagsara ang mga palimbagan
maging Ingles at Tagalog. Subalit pagkalipas ng ilang buwan, pagkatapos pumasok
ng mga Hapones, pinahintulutan ding buksang muli ang lingguhang magasing
Liwayway sa pangangasiwa ni Kin-ichi Ishikawa, isang Hapones na may malawak
na kabatiran sa layunin at tunguhin ng panitikan.

Sumunod na ring binuksan ang pahayagang Taliba sa labis na kagalakan ng mga


manunulat. Ang panulaan sa panahong ito’y nagkaroon ng karagdagang anyo–ang
malayang taludturan o free verse. Lumabas rin ang ilang tulang Tagalog na
nahahawig sa haiku o hokku ng mga Hapones. Umunlad ang wikang Tagalog sa
panahong ito dahil napilitan ang mga manunulat lalo na iyong mga nagsusulat dati
sa Ingles, na magsulat sa Tagalog dahil nga ipinagbawal ng mga Hapones ang
paggamit ng wikang Ingles.

Manuel L Quezon

Si Pangulong Manuel L. Quezon ang namahala ng Pamahalaang Komonwelt. Ang


ilan sa mga naiambag ni Manuel L. Quezon ay ang pagtatatag ng pambansang
wika, pagkakaroon ng Women's Suffrage Act, pagkakaroon ng kalayaang panloob
at National Defense Act. Bukod dito, napasigla rin niya ang ekonomiya sa
pamamagitan ng Minimum Wage Law, Eight-Hour Labor Law at Tenant Act.
Kaugnay nito, ang karagdagang detalye tungkol sa mga naiambag ni Manuel L.
Quezon ay nasa ibaba.

Mga Detalye Tungkol sa mga Naiambag ni Manuel L. Quezon sa Ilalim ng


Pamahalaang Komonwelt

Si Manuel L. Quezon ang tinaguriang "Ama ng Wikang Pambansa" dahil sa ilalim


ng kanyang pamamahala, nakapagtatag ng pambansang wika sa Pilipinas. Ito ay
dahil na rin sa pagbuo ng pamahalaan ng Surian ng Wikang Pambansa na
responsable sa pag-aaral ng pagkakaroon ng pambansang wika.
Sa ilalim din ng pamamahala niya, naitatag ang Women's Suffrage Act na
nagbigay ng pantay na karapatan sa mga kababaihan na bumoto at tumakbo para sa
pampublikong posisyon.

Dahil din kay Manuel L. Quezon, nagkaroon ng kalayaang panloob at napatibay


ang National Defense Act. Sa ilalim ng National Defense Act, bumuo ng hukbong
sandatahan ang Pilipinas para masigurado ang seguridad sa bansa.

Sa ilalim din ng Pamahalaang Komonwelt, sumigla ang ekonomiya at paggawa


dahil sa Minimum Wage Law, Eight-Hour Labor Law, Tenant Act, at iba pang
mga batas at alituntunin.

Lingo ng Wika
Ito ay iniusog sa ika-29 ng Marso hanggang ika-4 ng Abril ni Pangulong Ramon
Magsaysay noong 1954. Sa sumunod na taon, noong 1955, inilipat ni Pangulong
Magsaysay ang selebrasyon sa ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto, sa pamamagitan
ng Proklamasyon Bilang 186.

You might also like