Professional Documents
Culture Documents
Rizal Sa Dapitan Movie Analysis
Rizal Sa Dapitan Movie Analysis
Rizal Sa Dapitan
Tauhan:
Albert Martinez bilang Jose Rizal - Ang pangunahing tauhan sa pelikula. Siya ay
kinulong sa Dapitan dahil sa paglaban sa mga Kastila.
Amanda Page bilang Josephine Bracken – Ang kasintahan ni Rizal na kanyang nakilala
sa Dapitan.
Roy Alvarez bilang Kapitan Ricardo Carnicero – Ang gwardyang nagbabantay kay
Rizal habang siya ay na sa Dapitan.
Cris Michelena bilang Padre Obach – Ang paring nabigo sa pagpapabalik loob ni Rizal.
Tess Dumpit bilang Narcisa Rizal – Isa sa mga babaeng kapatid ni Rizal na kanyang
nakasama sa Dapitan.
Jaime Fabrigas bilang Padre Francisco Sanchez – Ang kanyang Heswitang guro na
tumulong sa kanya sa pagpapaayos ng bayan ng Dapitan.
Paul Holmes bilang George Taufer – Ang ama ni Josephine Bracken na nagtugno kay
Rizal upang magpagamot.
Tagpuan:
Dumating sa Dapitan ang kanyang ina na si Doña Teodora kasama ang dalawa sa
kanyang mga kapatid na babae, sina Narcissa at Maria. Si Teodora sa naging isa sa mga pasyente
ni Rizal. Isa rin sa kanyang mga naging pasyente ay ang Amerikanong si George Taufer.
Dumalaw si George kay Rizal dahil sa kanyang kalagayan, ngunit ito ay hindi kaya ni Rizal.
Dito na niya nakilala si Josephine Bracken, ang anak-anakan ni George. Dahil sa hindi
kayang gamutin ni Rizal ang ama nito, nagpaalam ito at nangakong babalik. Tinupad niya ang
kanyang pangako at sila ay naging magkarelasyon ni Rizal.
Ang pelikula ay nagtapos sa pag-iwan ni Rizal kay Josephine pati na rin sa bayan ng
Dapitan. Kasabay dito ang kalungkutang bumalot sa mga mamamayan ng bayan dahil sa pag-alis
ni Rizal. Siya ay nagtungo sa Cuba kasama ang kanyang mga mahal sa buhay.
Halaga at Implikasyon
Ang pelikulang ito ay nagbibigay ng aral sa mga manunuod nito. Isa sa mga aral na ito ay
ang pagtulong sa kapwa kahit ano pa ang iyong kalagayan. Ang pagtulong ay hindi lang para sa
mga piling tao kundi ito ay para sa lahat.
Jose Rizal
Tauhan:
Cesar Montano bilang Jose Rizal – Ang pangunahing tauhan sa pelikula. Siya ang ating
pambansang bayani na ipinapatay dahil sa paglaban sa mga Kastila.
Joel Torre bilang Crisostomo Ibarra / Simoun – Ang pangunahing tauhan sa nobelang
isinulat ni Rizal. Siya ay inihalintulad ni Rizal sa kanyang sarili.
Jaime Fabrigas bilang Luis Taviel de Andrade – Ang naging tagapayo ni Rizal upang
pag-aralan ang kanyang kaso.
Gloria Diaz bilang Doña Teodora Alonzo - Ang ina at unang guro ni Rizal.
Gardo Versoza bilang Andres Bonifacio – Ang pinuno ng Katipunan na umaklas laban
sa mga Kastila.
Monique Wilson bilang Maria Clara – Ang kasintahan ni Crisostomo Ibarra sa nobelang
isinulat ni Rizal.
Chin Chin Gutierrez bilang Josephine Bracken – Ang babaeng naging kasintahan niya
ng siya ay ipatapon sa Dapitan.
Mickey Ferriols bilang Leonor Rivera – Ang pinsan ni Rizal na kanya ring naging
kasintahan.
Pen Medina bilang Paciano – Ang lalaking kapatid ni Rizal na kasapi sa kilusan.
Dennis Marasigan bilang Marcelo H. Del Pilar – Ang punong patnugot ng pahayagan sa
Espanya na La Solidaridad.
Jhong Hilario bilang Alipin – Ang alipin sa bilangguan na nagdadala ng pagkain ni Rizal.
Siya ay namangha sa katalinuhan ni Rizal noong ito’y nagkukwento.
Marco Sison bilang Dr. Pio Valenzuela – Isang doctor na kasapi ng Katipunan. Inutusan
ni Bonifacio na kausapin si Rizal noong siya ay nasa Dapitan.
Rowena Basco bilang Trinidad Rizal – Isa sa mga kapatid na babae ni Rizal. Siya lang
sa mga babae ang nakakapagsalita ng Ingles.
Tagpuan:
Ang pelikula ay naganap sa bayan ng Calamba sa probinsya ng Laguna. Ang ilang mga
eksena ay kinuhaan sa Fort Santiago kung saan siya ay nabilanggo at sa Bagumbayan na ngayon
ay mas kilala sa Rizal Park kung saan siya ay pinatay. Nagkaroon din ng mga eksena mula sa
ibang bansa tulad sa Ghent, Belgium kung saan nagsimula ang pelikula at mayroon din sa
Espanya kung saan siya nag-aral ng medisina.
Buod:
Ang pelikula ay nagsimula sa Ghent, Belgium kung saan sinimulan ni Rizal ang nobelan
El Filibusterismo. Habang si Rizal ay nagsasalaysay ay ipinakita rin dito ang mga bahagi ng
kanyang unang nobela na Noli Me Tangere. Ipinakilala dito ang pangunahing tauhan ng kanyang
nobela na si Crisostomo Ibarra na nagdalawang katauhan at naging si Simoun sa ikalawa niyang
nobela.
Kumalat sa Pilipinas ang mga nobelang isinulat ni Rizal. Ang mga nobelang ito ang nag-
udyok kay Andres Bonifacio na magsimula ng isang rebolusyon, ang Katipunan. Sa kabilang
banda’y napansin ito ng arsobispong si Archbishop Bernardo Nozaleda kung saan niya sinabi at
ipinilit na ang nagpasimula nito ay si Rizal. Binalaan ng arsobispo si Gobernador-Heneral
Blanco na kapag hindi ito nagawan ng paraan ay papapalitan ito.
Habang nagpapatuloy ang paghahanap kay Rizal, ang kanyang kapatid na si Paciano ay
nadakip ng mga Kastila. Siya ay pinahirapan at binugbog upang magsalita kung nasaan si Rizal.
Hindi siya nagsalita at nagbigay ng impormasyon tunugkol sa kanyang kapatid. Ipinagpatuloy
ang pagpapahirap sa kanya hanggang sa malaman niya na nadakip na ang kanyang kapatid.
Pinalaya rin siya at pinauwi. Umalis sina Paciano at ang kanyang ama na si Francisco sa
kanilang tirahan.
Siya Ay nakapag-aral sa isang pampublikong paaralan kung saan siya ay laging inaapi ng
kanyang mga kamag-aral at ng kanyang guro. Habang ipinagpapatuloy niya ang kanyang pag-
aaral, ang kanyang ina na si Teodora Alonzo ay dinakip ng mga gwardya dahil siya ay
napagbintangan na lumason sa kanyang kapatid. Hanggang siya ay lumipat sa Ateneo Municipal
de Manila at opisyal na niyang ginamit ang Rizal.
Habang siya ay nasa bilangguan, ikinukwento niya sa isang alipin ang mga nangyari sa
kanyang buhay. Ang alipin ay namangha sa angking talino ni Rizal. Sa bilangguan na rin niya
nakilala ang kanyang abogado o tagapayo na si Luis Taviel de Andrade. Ipinagpatuloy ni Rizal
ang pagkukwento tungkol sa kanyang buhay. Kabilang dito ang pag-aaral niya sa Unibersidad ng
Santo Tomas kung saan kasama niya ang ilang mga Pilipinong estudyante na nagkaroon ng alitan
laban sa mga estudyanteng Espanyol.
Isinaad niya rin ang kanyang relasyon kay Leonora Rivera, ang kanyang unang pag-ibig
at pinsan. Ngunit kailangan niya itong iwan dahil kanyang ipagpapatuloy ang pag-aaral sa
Madrid. Nakiusap ang kanyang kapatid na ipagpatuloy ang pag-aaral sa Madrid at kumuha ng
kursong medisina. Siya ay nag-aral sa Unibersidad Central de Madrid.
Sa kanyang pagtungo sa Madrid, ay kanyang nakilala ang mga kababayan. Kasama rito si
Marcelo Del Pilar. Itinatag nila ang La Solidaridad, sa umpisa ay nagtagumpay ito ngunit
kalaunan ay nagkagulo. Nagkaroon ng alitan sina Rizal at Marcelo at dahil sa kakulangan ng
pagkakaisa, umalis si Rizal sa Madrid at nagbalik sa Pilipinas. Sa kanyang pagbabalik ay kaagad
niyang binuo ang La Liga Filipina, ngunit ito ay mabilis na bumagsak.
Dahil dito, ipinatapon si Rizal sa Dapitan. Doon niya nakilala si Josephine Bracken.
Kahit na malayo na si Rizal, hindi pa rin nakuntento sa Archbishop Nozaledo. Napilitang
ipatapon ni Blanco sa bilangguan si Rizal matapos paniwalain na maaari siyang magtrabaho sa
Cuba bilang manggagamot. Gusto ng arsobispo na ipapatay si Rizal kaya’t pinapalitan niya si
Blanco bilang gobernador-heneral. Ang kanyang ipinalit ay si Camilo de Polavieja.
Sa huling gabi ni Rizal sa kanyang bilangguan, siya ay nakatitig sa piraso ng papel at ang
kanyang panulat sa mesa. Wala siyang maisulat para sa kanyang huling obra. Noong gabi ring
iyon ay tumakbo ang imahinsyon niya at siya ay kinumpronta ng kanyang konsensya sa katauhan
ni Simoun. Matapos ang ilang saglit, sinimulan na niya ang kanyang huling obra, ang Mi Ultimo
Adios.
Sa katapusan ng pelikula ay ipinakita ang Katipunan. Ang pag-atake nila sa mga sundalo
at ang paglusob nila sa mga simbahan. Ang mga simbahan ang sumisimbulo ng kapangyarihan
ng bansa.
Halaga at Implikasyon
Tauhan:
Ricky Davao bilang Filmmaker 1 – Siya ang gusting gumawa ng pelikula na tungkol sa
pagkabayani ni Rizal.
Joel Torre bilang Jose Rizal – Siya ang ating pambansang bayani na gustong gawan ng
pelikula ng mga film makers.
Joonee Gamboa bilang Paciano – Ang nakatatandang lalaking kaoatid ni Rizal na kasapi
sa kilusan.
Rio Locsin bilang Trinidad – Isa sa mga babaeng kapatid ni Rizal. Kasapi rin siya sa
Katipunan.
Cherry Pie Picahe bilang Narcisa – Isa sa mga babaeng kapatid ni Rizal. Siya ay
nagtiwala kay Josephine
Ed Rocha bilang Padre Balaguer – Isang prayle na nagsasabing siya ang testigo sa
retraksyon ni Rizal.
Tagpuan:
Ang kabuuhan ng pelikula ay naganap sa opisina n dalawang film makers. Ang ilang mga
eksena ay naganap sa bahy ng pamilya Rizal sa Calamba at ang ilan naman ay sa bilangguan ni
Rizal sa Fort Santiago.
Buod:
Nag-usap ang dalawa kung ano ang pwedeng nilalaman ng gagawing pelikula. Nadawit
pa rito ang kasarian ni Rizal pero ang mas kontrobersyal na kanilang naisip ay ang katotohanan
sa likod ng retraksyon nito. Ayon kay Villanueva, isa sa mga filmmaker, ito ay matagal ng
nakalimutan at tinuturing na patay na isyu, pero ipinagpatuloy pa rin nila ang paghanap ng mga
impormasyon tungkol dito. Ang pangunahin nilang suspect ay si Josephine Bracken. Siya ang
huling kasintahan ni Rizal. Upang mailigtas ang kanilang kasal kailangan ni Rizal ang
retraaksyon.
Si Teodora ang unang kinapanayaman ng unang filmmaker at ito ay naganap noong bago
ang pagpatay kay Rizal. Ayon sa kanya, siya mismo ay tutol sa ideya na si Rizal ay tutol sa
simbahan. Tutol din siya sa pagpapakasal nina Bracken at Rizal.
Kahit na marami silang nakuha sa kanilang mga panayam, hindi pa rin nasagot ang
kanilang mga tanong tungkol sa kabayanihan ni Rizal at ang kangyang mga gawa na laban sa
Simbahang Katoliko. Naisip ng ikalawang filmmaker na ang dapat na pamagat ng kanilang
gagawing pelikula ay “Bayaning Third World” matapos na basagin ng isang filmmaker ang isang
maliit na rebulto ni Rizal. Ang sabi pa nito ay marupok at nababagay sa third world.
Naiwan sa kanilang listahan ang taong hindi nila gustong makapanayam tungkol sa
usapin na ito. Siya ay si Padre Balaguer, siya ang responsable sa paglabas ng retraksyon ni Rizal.
Sinabi ng prayle na si Rizal nga ay nagbalik sa pagiging Katoliko, nangumpisal ng maraming
beses, binasa ang kanyang retraksyon sa harap ng ibang mga Heswita, humiling ng isang misa
upang makapag komunyon at pinakasalan si Josephine Bracken.
Tulad sa kanilang inaasahan, nakuha nila ang sagot na inaasahan nilang marinig mula kay
Padre Balaguer. Narinig ng dalawang filmmaker ang pag-uusap ni Trinidad at Narcisa sa
pagtingin sa lamparang ibinigay ni Rizal. Doon nila nakita ang huling tula na ginawa ni Rizal
ang “Mi Ultimo Adios.”
Biglang dumating si Josephine at sinasabing sa kanya dapat ang labi ni Rizal. Ipinahayag
niya ang pagpapakasal nila ni Rizal at dahil dito’y sinabihan siya ni Trinidad na “Hongkong
Bitch”. Muli siyang tinanong ng dalawang filmmakers, ngunit sa pagkakataong ito ay puro
personal na katanungan. Ito ay kung totoo nga bang pinagsamantalahan siya ng kanyang ama-
amahan o kung kay Rizal nga ba talaga ang dinadala niyang anak. Dahil sa sobrang kaba ni
Josephine ay hindi niya kayang patunayan ang naganap na pagpapakasal nila ni Rizal. Nasabi ng
isa sa mga filmmaker na dapat ang gawan na lang nila ng pelikula ay ang buhay ni Josephine.
Naisip nila na dapat mas bigyan nila ng tuon ang huli nilang panayam. Ang panayam sa
nag-iisang pambansang bayani, Jose Rizal. Ang kanilang mga tanong kay Rizal ay sinasagot nito
sa mga malalalim nitong mga salita. Ang panayam na ito ay imbis na maging isang
imbestigasyon ay naging labasan ng emosyon. Ang nagawang Rizal ng mga filmmaker ay halos
tulad din nila na galit, nalilito at naninigarilyo.
Ang pelikulang ito ay maaaring magbigay ng mga maling persepsyon sa kung ano talaga
ang tunay na nangyari bago mamatay si Rizal. Sa pelikulang ito ipinapakita ang mga kwento ng
iba’t ibang tauhan tungkol sa buhay ni Rizal. Kinuwestyon din dito kung bakit si Rizal ang
naging pambansang bayani.
Sa makatuwid, ang tunay na kwento sa likod ng buhay ni Rizal ay isa pa ring malaking
palaisipan. Marami pa ring mga katanungan ang hindi pa nasasagot. Hanggang ngayon ang mga
ito ay nagbibigay pa rin ng palaisipan sa mga tao.
Pamagat:
Tauhan:
Gabe Mercado boses ni Paciano – Ang nakakatandang lalaking kapatid ni Jose Rizal.
Lea Chiu boses nina Saturnina at Narcisa – Dalawa sa mga babaeng kapatid ni Jose
Rizal.
Eric Gomez boses ni Antonio Luna – Ang kababayang kaibigan na umiibig din kay
Nellie Boustead.
Rofel Brion boses ni Silvestre Ubaldo – Ang kanyang bayaw sa kanyang kapatid na si
Olimpia.
Tagpuan:
Ang unang bahagi ng dokyumentaryo ay ang “Ang batang si Moy Mercado.” Nakasaad
dito ang kwento sa pagkabata ni Rizal. Siya ay isinilang noong Hunyo 19, 1861 sa pagitan ng
alas-once at alas-dose ng gabi. Ipinakilala rin ang kanyang ina na si Teodora Alonzo na mas
kilala sa tawag na Lolay. Ayon sa kanyang mga tala, si Doña Lolay ay hindi ordinary. Ito ay
dahil mahilig ito sa literatura at magaling sa Espanyol at siya rin daw ay isang Matematika. Dahil
sa kanyang malakas na personalidad at pagsisikap, malaki ang nagawa ni Doña Lolaysa
masigasig na paghuhubog ng pagkatao ng kanyang mga anak at ng kanilang pag-ibig sa
karunungan.Tinuruan niya silang bumasa at sumulat. Sinanay sila sa pagdarasal at pagtulong sa
gawaing bahay atkabuhayan. Dahil dito, lubhang malapit si Rizal sa kanya.
Matamis ang oras sa tahanang iyon kaya mauunawaan ang lungkot na nadama ni Rizal
nang sanapakamurang gulang na 9 na taon ay nalayo siya sa kanyang pamilya upang mag-aral sa
Biñan. Sa pamamagitan ni Maestro Justiniano Cruz, namulat si Rizal sa isang paraan ng
pagtuturo nausong-uso noong panahong iyon. Babahagya lamang ang sakit na nadama ni Rizal
kung ihahambing sa mga sumunod na pangyayarina nag-iwan ng malalalim na sugat sa kanyang
ala-ala.
Sinubukan ni Doña Lolay na pagbatiin ang kanyang kapatid na si Jose Alberto at ang
pabayangasawa nito na bukod sa nakiki-apid ay iniwan pa ang kanilang mga anak. Ikinagalit ng
babae angpakikialam ni Doña Lolay at pinaratangan siyang kasabwat ni Alberto sa tangkang
lasunin siya. Sa tulong ngtiniente ng guwardiya sibil, na kaibigan pa man din ng Pamilya
Mercado, inaresto si Doña Lolay sa kanilangbahay. Tumagal ng 2½ taon ang pagkabilanggo ng
ina ni Rizal.
Ganoon na lamang ang lungkot na pinasan ni Rizal nang ihatid siya ni Paciano sa Ateneo
Municipalsa Maynila na nakatirik noon sa Intramuros. At dito’ y naranasan ng probinsyanong
taga-Calamba angtagumpay, pait, at pag-ibig sa buhay ng isang estudyanteng Maynila.
Nang bumalik si Rizal sa Calamba, umasa si Doña Lolay na tutulungan na lamang niya si
Pacianosa bukid. Pero nanghinayang si Don Kikoy sa talino ng kanyanganak kaya pinag-aral ito
ng Pilosopiya sa Unibersidad ng Sto. Tomas. Kumuha din si Rizal ng kurso sa LandSurveying o
Agrimensura sa Ateneo upang mapagbigyan ang kanyang ina. Pagkaraan ng 1 taon, nagpasiya si
Rizal na mag-aral na lamang ng Medisina matapos matuklasang nabubulag na ang kanyang ina.
Noo‟y nakilala ni Rizal ang kanyang unang pag-ibig, isang kolehiyalang kasamahan sa
dormitoryo ng kapatid niyang si Olimpia, isang binibining nagngangalang Segunda Katigbak.
Naudlot ang suyuan nang pauwiin si Segunda ng kanyang ina upang alagaan ang sanggol na
kapatid. Ilan pang mga dalagita ang pinagka-interesan o naging interesado kay Rizal bago niya
natuklasanang pag-ibig sa kaanak niyang si Leonor Rivera.
Nakasama ni Rizal ang mga Filipinong intelektwal tulad ni Graciano Lopez-Jaena, isang
datingestudyante ng Medisina na unti-unting kinikilala sa kanyang pagsusulat at pagtatalumpati
at si GregorioSanciangco, may akda ng “El Progreso de Filipinas”. Sumapi siya sa Circulo
Hispano-Filipino, isangsamahan ng mga Filipino at Español na nagtitipon sa isang bahay upang
pag-usapan ang mga bagay-bagay na may kinalaman sa Filipinas at maglabas ng isang
pahayagan o revista. Namatay ang Ciculo dahil sa kakulangan ng pondo at paglaganap ng
pulitikal na kulay na ikinailang ng matatandang Kastila. Di man nila napansin, tumatalab na ang
mga liberal na ideya sakamalayan ng mga Filipinong intelektwal, isang proseso ng pagbubukas
ng isip sa pagkakaiba ng buhay sakonserbatibong Filipinas at España kung saan napaka-liberal
ng pagpapalitan ng mga ideya.
Sa panahong ito’y tinatapos na ni Rizal ang Noli Me Tangere pero nahirapan siyang
maghanap ngpondo upang ipalimbag ito sa mga imprenta ng Berlin. Hindi pa nabebenta ang
asukal sa kamalig ng mga Rizal at mahirap ang buhay ng pamilya. Sa kabutihang palad,
nagpunta roon si Maximo Viola, isangkaibigang nakilala niya sa Barcelona. Agad na humanga si
Viola kay Rizal dahil sa talino nito at dedikasyonsa mga gawain. Dinala niya si Rizal sa isang
espesyalistang doktor na nagsabing nagkasakit ito dahil salabis na pagtitipid sa pagkain.
Inabonohan din ni Viola ang buong halaga ng pagpapalimbag ng Noli Me Tangere kahit na
noong una’y ayaw pumayag ni Rizal. Nagpasya si Rizal na bumalik sa Pilipinas, sa kabila ng
pagpigil ng lahat.
Ang sumunod na bahagi ay ang “Ang Lakbayin Patungo sa Ligalig.” Nang magbalik si
Rizal sa Pilipinas, hindi pa gaanong napag-uusapan ang Noli Me Tangere.Bukod sa kakaunti ang
kopyang nakapasok sa bansa, kasalukuyan pa lamang itong sinusuri ng mga prayle. Pero
makaraan ang tatlong linggo, nagkatotoo ang hinala ni Rizal. Pinatawag siya ng gobernador-
heneral sa Malacañang dahil sa reklamo ng mga prayle tungkol sanobela. Inilipat ng gobernador
sa Komisyon ng Sensura ang pagpapasya sa nobela at nagtalaga ng isang militar kay Rizal na di
umano‟y mangangalaga sa kanyang kaligtasan ngunit sa katotohana‟y isang bantay. Sinundan ni
Taviel de Andrade si Rizal saan man siya magpunta. Nagkasundo silang dalawa dahil siya ay
edukado at liberal.
Nagkaroon ng kaunting intriga sa pagitan nina Rizal at Del Pilar tungkol sa organisasyon
atpamamalakad ng gawain ng mga Filipino sa Madrid. Sinasabi na nagsimula lamang ito sa
palagiangpagpapayo ni Rizal tungkol sa pamamalakad ni Del Pilar ng La Solidaridad. Bukod pa
rito ang madalasniyang panunuligsa sa pagpapabaya at pambababae ng mga Filipino. Hindi niya
naisip na posibleng naliligaw siya sa teritoryo ni Del Pilar na kinikilala din ng lahat, kasama na
ni Rizal, bilang pangunahing tagapagsulong ng lahat ng gawaing pulitikal ng mga Filipino sa
Madrid mula nang umalis si Rizal.
Ganoon nga ang nadama niya nang magtungo siya sa Biarritz, isang maayang bayan sa
Francemalapit sa dagat. Biniyayaan siya ng panahon upang haluhin ang sarili, upang ayusin ang
kanyangikalawang nobela, upang umibig nang muli. Umibig siya kay Nellie Boustead na
sinusuyo ng kababayanniyang si Antonio Luna. Noong lumaon ay natanggap din ni Luna
angmga bagay-bagay bagama‟t minsan nang malasing siya ay muntik na silang mag-duwelo ni
Rizal. Nang lumao’y nagkabati rin ang dalawa at ipinaubaya ni Luna kay Rizal ang babae. Pero
hindi maaaringmagpakasal si Rizal. Nakasangla ang puso niya sa kanyang mga gawain.
Sadyang mahirap takasan ang mga kamay ng kasaysayan. Tinanggihan man ni Rizal
angplano ng mga Katipunero na itakas siya‟t gawing haligi ng himagsikan, hindi maikakaila na
malaki ang nagawa ng kanyang mga sinulat, ginawa at sinabi sa kamalayan ng mga taong
nagpasyang makibaka. Pinili niya ang kapayapaan, ang buhay na sa wakas ay tahimik, angbuhay
na sa unang pagkakataon ay kanyang-kanya. Sinunod niya ang payo ni Blumentritt na mag-
boluntaryo bilang manggagamot sa Cuba sa ngalan ng España upang mawakasan ang kanyang
pagkakatapon at kalauna/y makabalik sa kalayaan ng Europa. Malayo na siya sa Pilipinas nang
maibaba ang pasya na pabalikin siya sa Pilipinas upang humarap sa kortesa paratang na rebelyon
at pagbubuo ng mga ilegal na samahan.
Ipiniit siya sa Fort Santiago noong mga unang araw ng Nobyembre. Nilitis siya noong
ika-26 ngDisyembre. Pagkaraan ng 3 raw, binasa sa kanya ang hatol ng kamatayan. Pinaka-
unang dumalaw ang kanyang ina. Humingi si Rizal ng tawad para sa lahat ng paghihirapna
idinulot niya sa pamilya at hiniling na kunin nito ang kanyang bangkay. Gusto siyang yakapin
ngkanyang ina ngunit pinaghiwalay sila ng mga guwardiya sibil. Sumunod na dumalaw ang
kanyang mgakapatid na babae at mga pamangkin. Isa-isa niyang ipinamigay ang kanyang mga
nalalabing gamit.Ipinagbilin niya kay Trining ang isang lamparang inihandog sa kanya ng mga
Pardo de Tavera. “There is something inside,” ibinulong ni Rizal sa Ingles upang ‘di maunawaan
ng mga guwardiya. Doon niya isiniksikang kanyang huling tula.
Disyembre 30, 1896, binaril si Rizal sa Bagumbayan. Ang kanyang huling sinabi bago
siya barilin ay “Consummatum est” na ang ibig sabihin ay “Tapos na.” Nakabili ng kabaong ang
pamilya Rizal pero ipinagkait sa kanila ang bangkay.Inilibing ito ng lihim sa sementeryo ng
Paco. Walang kabaong, walang pangalan.
Halaga at Implikasyon
Tauhan:
Jim Caviezel bilang Edmond Dantes – Siya ang pangunahing tauhan sa palabas na ito kung saan
siya’y ipinabilanggo sa salang di niya ginawa. Nagdalawang tao upang siya ay
makapaghiganti.
Guy Pearce bilang Fernand Mondego – Siya ang malapit na kaibigan ni Dantes ngunit siya ay
pinagtaksilan.
Richard Harris bilang Abbe Faria – Ang kasamang bilanggo ni Dantes na nagturo sa kanya at
angsabi tungkol sa nakatagong kayamanan.
James Frain bilang J.F. Villefort – Ang taong nagpakulong kay Dantes at nagpahayag na siya ay
patay na.
Dagmara Dominczyk bilang Mercedes Iguanada – Ang babaeng inibig ni Dantes ngunit ang
pinakasalan ay si Fernand.
JB Blanc bilang Luigi Vampa – Ang pinuno ng mga kontrabando na tumulong kay Dantes.
Alex Norton bilang Napoleon Bonaparte – Ang taong nag-utos kay dantes na magpadala ng
sulat na naging mitsa ng pagkakulong nito.
Patrick Godfrey bilang Morrell – Ang taong nagmamay-ari ng isang negosyong pagpapadala sa
Marseille.
Albie Woodington bilang Danglars – Ang kasamahan nila sa barko na tumulong kay Fernand
upang ipakulong si Dantes.
Tagpuan:
Ito ay naganap sa France noong mga panahong ito’y humihiwalay sa mga kamay ni
Napoleon Bonaparte.
Buod:
Sa panahon kung saan ang Pransya ay humuhiwalay mula sa mga kamay ni Napoleon, Si
Edmond Dantes at ang kanyang matalik na kaibigan na si Fernand Mondego, ay naghangad ng
parehong bagay. Ito ang maging susunod na kapitan ng isang barko ni Morrell sa kanyang
negosyo ng pagpapadala sa Marseille at ang kamay ni Mercedes Iguanada.
Sina Dantes at Mondego ay inilihis papunta sa Elba sa isang misyon sa pagpapadala dahi
ang kanilang kapitan ay nangangailangan ng medikal na atensyon. Ang tulong ay dumating nang
hindi inaasahan, isa sa mga personal na manggagamot ng ipinatapon na si Napoleon. Kapalit ng
pagtulong ng kanyang mga doktor, kinailangan niya si Dantes upang maghatid ng sulat para sa
kanya at ang misyon na iyon at ang sulat ay panatilihing isang lihim. Lingid sa kaalaman ni
Dantes na ang liham ay naglalaman ng impormasyon para sa mga Bonapartist sa Marseille upang
mailigtas si Napoleon. Isa pa’y hindi rin niya alam na nabasa ng kanyang matalik an kaibigan na
si Fernand ang nilalaman ng liham.
Kinaibigan ni Dantes ang kasama niyang bilanggo na si Abbe Faria. Siya ay isang
magaling na mag-aaral at ang bumago kay Dantes na ginawang matalinong tao. Matanda na si
Faria, dahil dito, naisip niya na malapit na siyang mamatay. Dahil dito, sinabi niya kay Dantes
ang isang kayamanan at kung saan ito nakalibing.
Ang konde ay naging malapit kina Fernand at Mercedes, na ngayon ay mag-asawa na.
Nagawa niya ito sa pamamagitan ng pagbabayad kay Luigi Vampa na dukutin ang anak nito na
si Albert. Nagbigyan ng pagkakataon si Dantes na iligtas ang bata, kaya ngayon ang konde ay
malugod na tinanggap sa tahanan ng mag-asawa.
Dahil sa kanyang kinagawian, Gumaan ang loob ni Mercedes para sa konde sa maikling
panahon. Ngunit ang konde ay mayroon pa ring lakas ng loob upang kunin si Mercedes, kahit na
ito ay nagpakasal kaagad pagkaraan ng kanyang pagkakaaresto at nagkaanak kay Fernand
makalipas ang sandaling panahon. Ito ay tila isang palatandaan ng kanyang pagtataksil, ngunit
nalaman ng konde na ipinahayag ni Villefort na si Dantes ay namatay na makalipas ang simula
ng kanyang pagkakabilanggo. Nakipagkasundo si Fernand kay Villefort upang mapangasawa si
Mercedes kapalit ang pagpatay sa ama ni Villefort. Ngayong nalaman na napaniwala si Mercedes
na patay na si Dantes. Dahil dito bumaba ang galit niya tungkol sa pagpapakasal ni Mercedes
kay Fernand. Ngunit hindi pa rin siya makapaniwala dahil sa mabilis na pangyayari.
Ginamit niya ang yamang nahanap upang mag dalawang anyo at maghiganti. Marahil
dito ibinase ni Rizal ang katauhan ni Simoun na isang tauhan sa kanyang nobelang El
Filibusterismo. Tulad ni Edmond, si Crisostomo Ibarra ay angdalawang anyo upang makapag
higanti. Ngunit dapat nating iisipin, lalo na sa panahon ngayon, na ang batas ay hindi natin
maaring ilagay sa ating mga kamay.