You are on page 1of 7

Researcher 1: Goodevening po Kapitana ise-set lang po namin yung record dahil kailangan

lang po namin sa school na nakarecord po yung interview

Barangay Official: oo, Magandang Gabi sa inyong dalwa

Researcher 2: Magandang Gabi din po

Researcher 1: So kami po ang grade 12 student galing po kami sa Saint Joseph College of
Rosario, Batangas Inc. at we are currently conducting a research capstone po and una po sa
lahat gusto po namin na mag thank you sa inyo pong paglalaan ng time para sa interview na ito,
sa pag accept niyo po sa aming request at sa pakiki cooperate niyo po sa ami... sa amin pong
project.

Barangay Official: Walang bag... walang anuman

Researcher 1: so introduce ko na din po yung aming project, so ang amin pong project ay
entitled BOTEcellular: Uitilizing Polyethylene Bottle as a Cellular Confinement System for Soil
Stabilization po. So from the title itself po, this project is u... this project aims to utilized plastic
bottles particularly yung mga Polyethylene Bottles po, yung mga high-density Polyethylene or
HDPE bottles po which are believed to be stronger than any kinds of plastic bottles and when
compared po sa other plastic bottles HDPE has proven itself at providing a strong surface
durability. so yun nga po, HDPE plastic bottles po ang gagamitin namin sa pag construct po ng
aming cellular confinement system to be able to stabilize a soil po especially sa mga slopy
areas or hilly sides katulad po ng hillside community and kami po ng mga students, we believe
po na by implementing this project sa isang hillside community kaya po namin na makapag
provide ng protection and atleast prevention po sa maaaring adverse effects ng mga landslides
or erosions kung sakali man po na mangyari sa isang community. And yung materials po na
gagamitin namin dito ay yun nga po HDPE plastic bottles and mapag coconnect po namin yung
mga bottles sa pamamagitan po ng nylon para makabuo po kami ng isang honeycomb like
structure so gagawin po namin siyang honeycomb like cells to form a compact cellular
confinement system po and yung cells po ng each bot... yung cells po ng aming BOTEcellular
confinement system will be filled with soil po para po mas matibay, hindi po siya basta papatak
dun sa lupa and may hook din po yun na ikakabit sa lupa hindi po siya basta ilalatag. Tapos po
yung the close connected in... stucture among cells po forms a compact interlocking system. So
therefore po we believed na by implementing this project or sa pagsasagawa po ng ganitong
project ay makakapag provide nga po kami ng... kaya po naming makapag prevent ng erosions
and can be applied po ito sa mga hilly areas or hillside communities para po maging prevention
kung sakali man po na magkaroon ng mga natural disasters na hindi po naten maiiwasan
katulad po ng erosion at landslides. So yun po yung aming brief description ng aming uhm
project and meron po kaming ipapakita sa inyo na 3D model ng amin pong yung structure po na
naka implement po siya sa isang hillside community.

Barangay Official: ah kagaling mo

Researcher 1: so eto po... ulitin ko lang po

Barangay Official: dalwa lang kayong magka group? ay nako Krisha: apat po, okay lang po

Barangay Official: eedit niyo pa rin yan?

Researcher 1: so eto po... so eto po yung aming representation ng BOTEcellular po namin na


naka applied po siya sa isang hillside community

Barangay Official: oo

Researcher 1: so dito po sa part na to makikita niyo po yung structure ng amin pong sinasabi na
BOTEcellular confinement system

Barangay Official: yan na yun?

Researcher 1: opo

Barangay Official: oo

Researcher 1: so mag uutilize po kami ng mga HDPE plastic bottles particularly yung mga
ketchup bottles po ganun, icu-cut po namin siya sa half tapos gagawin po namin na honeycomb
like structure. so dito po sa part na to mapapansin niyo po na wala pa po siyang laman na lupa
kase ang ipinapakita lang po namin is yung magiging structure po mismo nung aming project.
Tas ginawa po namin siyang honeycomb like structure para po mas compacted at mas matibay
po at mas magawa niya pong makapag stabilize ng soil. Dito po sa part na to mapapansin niyo
po na each bottles ay may mga holes po

Barangay Official: oo

Researcher 1: minake sure po namin na may holes siya para hindi po magkaroon ng blockage
or pagbabara...
Barangay Official: ehem ehem

Researcher 1: sa flow po ng water

Barangay Official: talagang pagkaka computerized e

Researcher 1: Dito po sa part na ‘to, dito na po namin pinakita yung may fill na po na soil yung
amin pong cellular confinement system and mapapansin niyo rin po na half lang yung
nakalagay diyan pero originally po is puno po dapat yan nirepresent lang po namin para makita
din po na amy laman po siya kaya po ganyan lang yung nakalagay po. Tas yun nga po kaya po
yan may soil para dumikit po yung amin pong cellular confinement system dun sa land na
paglalagyan po naming.

Barangay Official: hindi niyo sinubukang may laman?

Researcher 1: yun po yung may laman nga po yung ano

Barangay Official: yun na yun?

Researcher 1: opo

Barangay Official: ahhh

Researcher 1: yan po yung may laman na po yung aming cellular confinement system

Barangay Official: uhmm oo

Researcher 1: yung color brown po na

Barangay Official: ah meron sa loob

Barangay Official: oo

Researcher 1: tas dito po sa third part eto pong green na makikita niyo yan po yung
navivisualized na magiging pagdating po ng panahon ganun na po yung magiging itsura ng
cellular confinement system, parang matutubuan na po siya ng mga damo, matatabunan na po
yung aming cellular confinement system kung saan po hindi na po siya magagawang maalis pa
dun sa land kase nakabaon na po siya

Barangay Official: nakabaon na, oo

Researcher 1: atsaka yun nga po sabi ko po kanina


Barangay Official: naka-pitch na?

Researcher 1: opo, sabi ko nga po kanina is hindi po namin siya ilalatag lang ng ganun na basta
lang po nakalatag so may mga hook po na magcoconnect dun sa aming cellular confinement
system para po maiconnect po namin siya dun po sa lupa na pag lalagyan nga po namin.

Researcher 1: so yun po nakatago na po yung aming BOTEcellular

Researcher 1: yun po sa mga sides ng aming ganito maglalagay po kami ng hook para hindi po
siya bumigay

Barangay Official: pampatibay?

Researcher 1: opo

Researcher 1: so yun po yung aming naging 3D model para po irepresent po yung aming
project na naka applied po siya sa isang hillside community. so yun lang po. uhm bago po kami
mag proceed po sa aming questionnaire uhm gusto lang din po namin kayo tanungin kung may
gusto pa po kayo i-clarify po sa aming project or tanungin pa po?

Barangay Official: uhm wala na naman, okay na naman ang inyong... maganda ang inyong
pagkaka present.

Researcher 1: so yun po pwede na po kaming magtanong po ng ilang questions about po


saming project.

Barangay Official: oo

Researcher 2: so magandang gabi po Kapitana

Barangay Official: Good evening

Researcher 2: meron po kami pong questions po para po sa inyo. So ang unang question po is
“How do you ensure the safety of your community when natural disasters such as earthquakes
and typhoons may... which may lead to the occurence of landslides and erosions which are
believed to be more dangerous to the community?”

Barangay Official: ahh, Lingid sa kaalaman ng marami na bahagi ng Poblacion B., Rosario,
Batangas and burol na kung tawagin ay “TOMBOL HILL”. Bagama’t madalas itong nagiging
puntahan ng maraming mga tao lalo na sa panahon ng mga Mahal na Araw hindi maikakailang
nagdudulot din ito ng pangamba lalo’t higit sa mga residenteng nakatira malapit dito sa panahon
ng tag-ulan o di kaya naman ay sa panahon na may mga dumarating na malalakis malalakas na
bagyo sapagka’t anumang oras o pagkakataon ay maaaring magkaroon ng pagbaha at
pagguho ng lupa na makapipinsala sa buhay, kabuhayan at pamumuhay ng maraming tao.
Kaugnay nito, ang matalinong paghahanda at pag-alalay na isinasagawa ng punong barangay.
Kabilang dito ang maagap na pagbibigay ng babala na mag-ingat at agad na lumikas sa
kanilang mga tahanan bago pa man tuluyang suma... sumama ang lagay ng panahon.
Nagtalaga ang punong barangay ng mga lugar na siyang maaaring maging pansamantalang
tirahan ng mga taong nag...nagsilikas. Gayundin, sa mga panahong wala pang dumarating na
bagyo ay patuloy ang isinasagawang programa katulad ng regular na paglilinis lalo’t higit ng nga
kanal o daluyan ng tubig, pangalwa pagbili ng pag-iimbak ng mga kagamitang makatutulong
kung sakaling dumating ang sakuna, pangatlo pakikipag-ugnayan sa tanggapan at kawani ng
“Disaster Risk Reduction and Management” upang mabigyan ng iba’t ibang “drills at seminars”
ang mga residente, pang apat regular na pagpapaala-ala sa mga residente na palagiang
maging handa sa anumang sakuna, at pang lima pagbibigay alam sa mga residente ng mga
emergency numbers na maaari nilang tawagin kung sakaling may mga pangangailangan.
Kapitana: ehem excuse me

Researcher 2: so napaka ganda po ng sagot niyo kase po hindi lang po ang inaalala niyo
ahhh... inaalala niyo po talaga yung inyo pong mga kababayan at ang ganda po kase po
connected po sila po sa mga iba pong agency

Barangay Official: oo talagang kailangan e hehe

Researcher 2: opo hehe, so next question po is Do you think having a cellular confinement
system on the slope part of the hill on a community would be... would benefit the community
when sudden erosion occurs? If yes, in what way do you think it will be beneficial?

Barangay Official: Ayon sa aking pag-aaral at pagkakaunawa ay tiyak at siguradong


makakatulong ang “cellular confinement system” upang maiwasan ang matinding epekto ng
pagguho ng mga lupa sa mga lugar at residente ng komunidad na apektado ng nasabing
sakuna.

Researcher 2: yes po, and the third quescon...question po is How beneficial is having a cellular
confinement system for soil stabilization and erosion control given that...that the community is
prone to erosions and landslides due to the hill that is located in the community?
Barangay Official: Makatutulong ito upang mapagtibay at ang iba’t-ibang uri ng lupa na siyang
nagsisilbing pundasyon ng isang burol at siya ring magsisilbing pang... panggalang sa tubig na
dulot ng malakas na ulan. Sa pamamagitan nito’y maaaring maiwasan ang pagguho ng lupa
dulot ng malakas na ulan.

Researcher 2: fourth question po ay what are your perspectives and opinions about the said
project?

Barangay Official: tsk, magiging napakalaking tulong ito upang mapawi ang pangamba ng mga
residenteng nakatira malapit sa nasabing burol sa aming pamayanan. Makatutulong din ito
upang mas higit na maging kapakipakinabang ang mga lupa dahil sa pamamagitan ng cellular
confinement system ay muling mabibigyang buhay ang mga lupain hindi lamang upang
magsilbing mainam na taniman ng pangangal... pananggalang sa malalakas rin na agos ng
tubig kundi maging siya rin ang pagmumulan pa ng ibang yaman. Maaaring maglaan ng
malaking pondo ang punong barangay sa ganitong uri ng proyekto subalit tiyak na
nam...naming madudulot ng kaligtasan sa maraming mamamayan ng aming Barangay.

Researcher 2: at ang panghuli po ay, as a Brgy. Captain po

Barangay Official: hmm

Researcher 2: Will you be able to support the said project that will serve as a perspective
measure to atleast lessen the adverse effects of landslides and erosions and ensure the safety
of the community when these disasters suddenly occur?

Barangay Official: Bilang ako na naitalagang punong barangay ng aming Poblacion ay maaari
kong suportahan ang ganitong uri ng proyekto hindi man ngayon dahilan sa iba’t-ibang proyekto
pa din sa kinakailangang isaalang-alang subalit sa mga susunod na panahon ay maaari ko ring
bigyang pansin kasama ang aking mga kasama sa pagsulong at ng pagtataguyod ng kaligtasan
ng aking nasasakupan.

Researcher 2: yes po, ahh maraming salamat po sa pagsagot po ng amin pong mga questions
na ito po, Godbless po

Barangay Official: Maraming ha at pasensya na kayo


Researcher 1: may isa lang din po kami... may one last question lang din po kami. so regarding
po sa mga materials, structure po na gagawin namin is para po ba sa inyo approve po ba or
okay po yung project na ganun po?

Barangay Official: okay naman, oo approved naman, oo

Researcher 1: thank you po ulet, pasensya na po sa abala

Barangay Official: oo

Researcher 2: maraming salamat po

Barangay Official: nako okay lang

You might also like