You are on page 1of 1

Cruzat, Zeah Viendell G.

Activity in NSTP2
BSAC2A
Proseso ng Pamumuno
Pamumuno — salitang maraming pakahulugan,
Nakabatay sa lider na itinalaga,
Sa kung papaano ang grupo ay pamumunuan,
Sa sistemang nais isagawa.

Pamumuno ay hindi isang biro,


Mga desisyon sayo ay ihahain,
Marapat pakinggan ang mga miyembro,
Suhestiyon ay dapat bigyang-pansin.

Pamumuno ay di magiging epektibo,


Kung pamamalakad ay walang saysay,
Tiwala ng miyembro ay dapat matamo,
Sama-sama tungo sa layunin at tagumpay.

Pamumuno minsan ay natural na nasasaiyo,


Kadalasan ay maaring matutunan,
Lahat ng tao ay may kapasidad mamuno,
Basta taglay ang nararapat na katangian.

Pamumuno ay bagay na pinagtutulungan,


Lahat ay may kanya-kanyang tungkulin,
Paunlarin ang potensyal at kakayahan,
Pagkakaisa ay sikaping pairalin.

Pamumuno ay isang mahabang proseso,


Ngunit isang bagay lamang ang dapat pakatandaan,
Kapakanan ng lahat ay laging isama sa plano,
Dahil ito ang tamang gawin at pasyang may katwiran.

You might also like