You are on page 1of 2

Cruzat, Zeah Viendell G.

BSAC2A

Tribong Mangyan

Nabibilang sa pangkat minorya ang tribo ng Mangyan,


Kung saan mayroon silang sariling pagkakakilanlan,
Naiiba man sa natitirang bahagi ng lipunan,
Nararapat pa ring igalang at pahalagahan.

Sila ay nakatira sa liblib na lugar ng Mindoro,


Itinuturing na isang mahiyaing tribo,
Ang katawagang Mangyan ay nagmula sa magus at majika,
Sapagkat may karunungan sila sa ilang salamangka.

Hindi lamang sa Mindoro matatagpuan ang tribo ng Mangyan,


Marami sa kanila ay sa iba’t ibang lugar naninirahan,
Tulad na lamang sa isla sa Romblon na kung tawagin ay Tablas at Sibuyan,
Mayroon rin naman sa Albay, Negros, at maging sa Palawan.
Nahahati sa pitong pangkat ang tribo ng Mangyan,
Ito ay ayon sa pananaliksik patungkol sa kanilang pinagmulan,
Sila ay pangkat ng Buhid, Bangon, Iraya, at Alangan,
Kasali rin ang Hanunuo, Ratagnon, at Tadyawan.

Maituturing na mayaman ang kanilang kultura,


Sa sining, tradisyon, at maging sa paniniwala,
Hayaan natin silang mamuhay sa komunidad ng payapa,
Bigyan ng pantay na karapatan na tulad ng sa iba.

You might also like