You are on page 1of 1

Mangyan

Ang mga Mangyan ay isang pangkat etniko ng mga Pilipino sa Pilipinas. Ang katawagan sa kanila
na Mangyan ay may kaugnayan sa salitang magus at majika dahil may karunungan sila tungkol sa
ilang salamangka gaya ng lumay at kulam. Naninirahan sila sa mga liblib na pook ng Mindoro.
Itinuturing silang isa sa mga "mahiyaing tribo."Kayumanggi ang kanilang kulay, itim ang buhok, may
maamong mata at katamtaman ang tangkad. May ibat ibang tribu ng Mangyan. Tinatawag na
Hanunuo ang isang grupo ng Mangyan na ang ibig sabihin, sila ang tunay na Mangyan. Kumukuha
sila ng ikinabubuhay sa mga kagubatan, pangisdaan at kalakalan sa Mindoro. Sa kasalukuyan,
sinauna pang alpabeto ang gamit sa pagsulat ng mga pagpapantig. Ang ambahan ang kanilang
natatanging panitikan na kanilang napanatili sa pamamagitan ng pag-ukit nito sa mga kutsilyo, mga
kagamitan at sa mga lukas o lalagyan ng nganga. Ang mga Alangan o Mangyan sa hilaga ang
purong Mangyan. Mayroon silang tipong Negrito. Sa mga kasukalan ng Mindoro sila nananahanan
at kamote ang kanilang pangunahing pagkain.
Ang salitang "Mangyan" ay tumutukoy sa walong pangkat etnolinggwistiko na may ugat na Proto-Malay. Sila
ang isa sa mga grupong orihinal na naninirahan sa Mindoro, na pampito sa pinakamalaking isla sa Pilipinas.
Nagsimulang nanirahan ang mga Mangyan sa may pampang ng isla ng Mindoro simula pa noong 600
hanggang 700 taon na ang nakalilipas. Pinaniniwalang lumakbay sila patungo dito mula sa timog na bahagi ng
kapuluan

Ifugao

You might also like