You are on page 1of 1

Name: PRINCESS ANNE B.

CORTEZ

Section Code: BSED-ENGLISH 1B

“COLLAGE”

Ang Lumad ay isang pangkat ng mga katutubong tao ng katimugang Pilipinas. Ito ay salitang
Cebuano na nangangahulugang "katutubo". May 17 pangkatang mga Lumad sa Pilipinas. Sila ay ang mga
Atta, Bagobo,Banwaon,B’laan, Bukidnon, Dibabawon, Higaonon,Mamanwa, Mandaya, Manguwangan,
Manobo, Mansaka,Tagakaolo, Tasaday, Tboli, Teduray, at Ubo. Sa katunayan sila ay itinuturing na
"marurupok na pangkat" na nakatira sa mga kagubatan at mga baybayin. Ang mga mamamayan sa
Mindanao ay kilala sa kanilang makulay na sining, kultura at tradisyon. Binubuo ang lugar na ito ng mga
iba't-ibang grupo. Sakop ng kanilang kultura ang pagbuburda, pag-uukit,at paghahabi. Dahil halos lahat ng
mga tribo ay may kasanayan sa mga ganitong paglikha, ito na rin ang pinagmumulan ng kanilang
kabuhayan.Sa kanila namang literatura, napakahalaga ng simbolo ng Sarimanok. Ito ay sumasagisag sa
pagkakaibigan at pagkakasundo.Marami ring mga alamat at kwentong bayan ang mga taga-
Mindanao.Kabilang dito ang Alamat ng Perlas, Alamat ng Waling-Waling at Alamat ng Bundok Pinto.Sa
larangan naman ng musika, hindi papahuli ang mga instrumento na ginagamit ng mga mamamayan.
Maraming kultura ang mga lumad sa Pilipinas at mayaman ang mga ito dahil marami silang mga talento sa
iba’t-ibang bagay.

You might also like