You are on page 1of 15

Filipino sa Piling

( Akademik )
Katitikan ng Pulong

JENNIFER V. MARANGI
TAYTAY SENIOR HIGH SCHOOL

1
Alamin

Bahagi na ng kahit na anong propesyon ang pagkakaroon ng organisasyon. Ang


bawat organisayon ay may pangangailangan na magkaroon ng pulong ito ay upang
mapag-usapan ang mga mahahalagang bagay o pangyayari.

Sa sinumang bahagi ng isang organisasyon o kompanya, ang pag-upo sa pulong ay


bahagi ng pakikiisa hindi lamang sa usapin ng pakikipag-ugnayan, maging sa
pakikisangkot sa iba’t ibang mga usapin ng mga katrabaho at ng misong
organisasyon o kompanya. Mahalagang matutunan kung paano sasalaain ang lahat
ng mga pinag-usapan sa isang maikli at malinaw na paraan.

Sa ganitong pagtingin, mauunawang mabigat ang kahalagahan at responsibilidad


ng gumagawa ng katitikan sapagkat nasa kaniyang atentibong pakikinig at pagsulat
ang muling pag-uulat ng esensya ng anumang pulong: ginawang mga desisyon, mga
gagawing plano, at pagtiyak sa mga aksyon na nabuo. Sa pamamagitan ng isang
mahusay na pagsulat ng katitikan ng pulong, magsisilbi itong pormal na rekord sa
pulong na ginawa ng mga dumalong indibidwal, at impormatibong dokumento sa
mga hindi nakadalo.

Ang modyul na ito ay sadyang binuo para sa iyo upang maunawaan at malaman
kung paano gumawa ng katitikan ng puong at matamo pinakamahalagang
kasanayan sa pampagkatuto na:

Natutukoy ang mahahalagang impormasyon sa isang pulong upang makabuo


ng sintesis sa napag-usapan. CS_FA11/12PN-J-Oj-1-92
Pagkatapos ng mga gawain ay inaasahang makamit mo ang mga sumusunod na
layunin:
1. Natutukoy ang mahahalagang impormasyong napakinggan
upang makabuo ng katitikan ng pulong.
2. Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsusulat
ng mga piniling akademikong sulatin.
3. Nakasusulat ng isang katitikan ng pulong batay sa inilaang
sitwasyon.

2
Subukin

Basahin ang mga kasunod na pahayag at tukuyin ang salita o konseptong


inilalarawan ng bawat isa. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. May mga mahahalagang bahagi ang katitikan ng pulong ito ay ang :


a. Introduksiyon, Katawan, Konklusyon, Pagpapalawig, Kasunduan
b. Unahan , Gitna, Wakas, Lagda, Kalahok
c. Heading, Kalahok, Pagtatapos, Iskedyul ng Susunod na Pulong, Lagda
2. Ito ay isang napakahalagang dokumentong nagtatala ng diskusyon at
desisyon sa isang pagpupulong.
a. Adyenda
b. Posisyong Papel
c. Katitikan ng Pulong
3. Itinatala sa bahaging ito kung kalian at saan gaganapin ang susunod na
pagpupulong.
a. Iskedyul ng susunod na pagpupulong
b. Action Items o Usaping Napagkasunduan
c. Heading
4. Dito sa bahaging ito nakalagay ang mahahalagang tala hinggil sa paksang
tinalakay, maging ang mga hindi natapos o nagawang proyekto ng
nagdaang pulong.
a. Iskedyul ng susunod na pagpupulong
b. Action Items o Usaping Napagkasunduan
c. Heading
5. Siya ang madalas na nagsisilbing tagasulat ng katitikan ng pulong.
a. Presiding Officer
b. Kalihim
c. Ingat Yaman

3
Balikan

Sagutan ang grapikong pantulong sa ibaba.

ADYENDA

Mga Dapat Tandaan


sa Pagsulat ng
Adyenda

Mga Tala para sa Guro

Tandaan : Tiyaking nauunawaan at masunod ng mga mag-aaral ang


mga panuto sa pagsasagot. Makatutulonh kung basahin munang
mabuti ng mga mag-aaral ang lahat ng bahagi at panuto bago ito
simulant. Ipinaaalala rin ng guro ang pagpapahalaga sa katapatan
sa pagsasagot at pagwawasto nito.

4
Tuklasin

Sa abot ng iyong makakaya, tugunan ang mga sumusunod na katanungan.

1. Bakit mahalaga ang pagpupulong o pag-uusap-usap ng bawat grupo o


organisasyon?
2. Sa iyong palagay, paano kaya malalaman ang pinag-usapan sa pulong ng mga
miyembrong hindi nakarating sa pulong?
3. Kailangan pa bang malaman ng lahat ng miyembro ng organisasyon ang
napag-usapan sa pulong? Bakit?
4. Suriin ang halimbawa ng katitikan ng Pulong sa ibaba, matutukoy mo ba
kung ano-ano ang mga bahagi nito? Ipaliwanag ang bawat isa.

Saint Bernard Catholic School


Senior High School Department
0212 F. Silbano St. Brgy. Pinagpala Binangonan, Rizal

Buwanang Pagpupulong ng mga Tagapanguna ng Bawat Kagawaran


Nobyembre 7, 2020
Library, Saint Bernard Catholic High School

Bilang ng mga Dumalo: 9/11


Mga Dumalo: Romulo Enriquez, Alexandra Timbol, Kate Gomez, Richard
Lumpao, Gloria Mendoze, April June, Joel Arena, Goerge Hill
at Hilario Macario

Mga Liban: Julia Bontoc at Lailani Katwil

I. Call to Order
Sa ganap na 10:00 n.u. ay pinasimulan ni G. Enriquez ang pulong sa
pamamagitan ng pagbibigay ng isang salawikain.
II. Panalangin
Ang panalangin ay pinangunahan ni Binibining Luwalhati B. Gamboa.

5
III. Pananalita ng Pagtanggap
Ang bawat dumalo sa pagpupulong ay malugod na tinanggap ni G. Romulo G.
Enriquez bilang tagapanguna ng pulong.
IV. Pagbasa at Pagpapatibay ng Nagdaang Katitikan ng Pulong
Ang nagdaang katitikan ng pulong na ginawa noong Nobyembre 4, 2020 ay
binasa ni Gng. Alexandra Timbol. Ang mosyon ng pagpapatibay ay
pinangunahan ni Gng. Kate Gomez at ito ay sinang-ayunan ni G. Richard
Lumpao.
V. Pagtalakay sa Adyenda ng Pulong
Ang sumusunod ay ang mga adyenda ng paksang tinalakay sa pulong.

PAKSA TALAKAYAN AKSIYON TAONG


MAGSASAGAWA
Mga Problemang Tinalakay ni Gng. Magsasagawa ng pulong G. Romulo G.
Inilatag ng mga Lorna Ulik ang sa pagitan ng GPTA Enriquez.
Magulang mga hinaing ng Officers at ng
mga magulang Administrasyon upang
mabigyang solusyon ang
mga problema.
Income Generating Inilatag ng mga Napagkasunduan na Pamumunuan ni Bb.
Project para sa guro ang iba’t pagbobotohan sa Luzviminda Efraim
pagpapatayo ng ibang Gawain na susunod na pagpupulong ang gagawing
Audio Visual maaring ang lahat ng Gawain na botohan.
Room pagkakitaan upang naibigay.
maging pondo para
sa pagpapatayo ng
AVR.
Iba pang mga Napag-usapan sa Mahigpit na ipapatupad Pamumunuan ng
bagay na pulong ang mga ang pagbabawas sa Administrasyon
tinalakay problema sa ilang sweldo sa mga araw na
guro batay sa liban ang guro at ang
madalas na pagbibigay ng memo sa
pagliban, mga gurong hindi
pagpasok ng huli tutupad ng maayos sa
at ang ilan ay kanilang tungkulin.
hindi nagtuturo
ng maayos sa
klase.

6
VI. Pagtatapos ng Pulong
Nang wala ng anumang paksa na tatalakayin at napagkasunduan na ang mga
dapat gawin sa bawat adyenda, ang pulong ay tinapos sa ganap na 1:00 n.t.

VII. Iskedyul ng Susunod na Pulong


Nobyembre 27, 2020 sa Library ng Saint Bernard Catholic School, 9:00 nu.

Inihanda ni:

MEVPolicarpio
Maria Elizabeth V. Policarpio
Science Coordinator

Suriin

KATITIKAN NG PULONG ( Minutes of the Meeting )


Ang katitikan ng pulong ay isang dokumentong nagtatala ng diskusyon at
desisyon sa isang pagpupulong. Ito ay nakabatay sa adyendang inihanda ng
Tagapangulo ng lupon. Ito ay dapat na organisado ayon sa pagkakasunud-sunod ng
mga puntong napag-usapan at makatotohanan.
Ang katitikan ng pulong ay mahalaga sa isang organisasyon dahil nagsisilbi
itong tala upang maging batayan at sanggunian.

Mahalagang Bahagi ng Katitikan ng Pulong


1. Heading – pangalan ng kompanya, samahan, organisasyon, o kagawaran.
Makikita rin dito ang petsa, lokasyon at maging ang oras ng pagsisimula ng
pulong.

7
2. Mga Kalahok o Dumalo – Nakalagay ang kabuuang bilang ng mga dumalo,
pangalan ng lahat ng dumalo maging ang mga liban.

3. Action Items o Usaping Napagkasunduan – Mahahalagang tala hinggil sa


paksang tinalakay, maging ang mga hindi natapos o nagawang proyekto.

4. Pagtatapos – Inilalagay sa bahaging ito kung anong oras nagwakas ang


pulong.

8
5. Iskedyul ng Susunod na Pulong – Itinatala sa bahaging ito kung kalian at
saan gaganapin ang kasunod na pulong.

6. Lagda – Mahalagang sa bahaging ito ang pangalan ng taong kumuha o


gumawa ng katitikan ng pulong, karaniwang kalihim ito, nakalagay din ditto
kung kalian ito naisumite.

Gabay sa Pagsulat ng Katitikan ng Pulong

Bago Magsimula ang Habang Nagpupulong Pagkatapos ng


Pagpupulong Pagpupulong

Ihanda ang sarili bilang Itala ang aksiyon habang Basahin muli ang isinulat.
tagatala. nangyayari ang mga ito, Tignan kung may mga
Gumawa ng template para hindi pagkatapos. tinalakay na hindi naisama.
mapadali ang pagsulat.
Magpokus sa pang-unawa Kapag may mga bagay o
Basahin ang ihinandang sa pinag-uusapan at sa tinalakay na hindi naisama
adyenda upang madaling pagtala ng mga desisyon o o hindi naunawaan,
sundan ang daloy ng rekomendasyon. tanungin agad ang
pulong. namamahala ng pulong o
Tandaan. Hindi kailangan ang iba pang dumalo.
Maaring gumamit ng lapis o isulat ang bawat salitang
bolpen, at papel, laptop o maririnig sa pulong. Nararapat na lagyan ng
tape recorder. Balangkas lamang ng numero ang bawat linya at
pulong ang ilalagay, hindi pahina ng katitikan ng
Mangalap na rin ng mga ang record ng sasabihin ng pulong upag madali itong
impormasyon tungkol sa bawat kalahok. masuri sa mga susunod
mga layunin ng pulong, sino pang pulong.
na ang dumating, at iba pa.

9
Pagyamanin

Sa pamamagitan ng pagsasatao sa isang pagpupulong. Bumuo kayo ng pangkat na


may 7-8 miyembro, na magpupulong via google meet hinggil sa problema o isyu na
kinakaharap ng inyong barangay. Ang bawat miyembro ay kikilos, magsasalita , at
mag-iisip bilang isang tunay na indibidwal na kalahok sa pagpupulong.

Batay sa ginawang pagpupulong, kailangang makabuo ng Katitikan ng pulong ang


bawat grupo.

“ Ang grado ay
Isaisip hindi basehan ng
talino. Ang
mahalaga ay ang
naiwan sa ulo.”

Punan ng tamang sagot ang bawat bahagi ng grapikong pantulong sa ibaba.

KATITIKAN NG PULONG

Mga Bahagi
Gabay sa Pagsulat

10
Isagawa

Ipagpalagay na ikaw ay naatasan ng iyong guro na magtala ng lahat


ng pinag-usapan sa oras ng inyong klase sa Filipino. Sumulat ng katitikan ng pulong
batay sa naganap o napag-usapan sa nasabing klase.

Isaalang-alang ang pamantayan sa pagsulat na nasa ibaba.


PAMANTAYAN PUNTOS
Nakasusulat ng organisado, at may kumpletong detalye na katitikan ng 10
pulong.
Nakasusulat ng katitikan ng pulong batay sa maingat, wasto at angkop 10
na paggamit ng wika.
Nasasalamin sa kabuuan ng sulatin ang tamang bahagi batay sa 10
natalakay.
KABUUANG PUNTOS 30

Tayahin

A. Basahin ang mga kasunod na pahayag at tukuyin ang salita o konseptong


inilalarawan ng bawat isa. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Dito sa bahaging ito nakalagay ang mahahalagang tala hinggil sa paksang
tinalakay, maging ang mga hindi natapos o nagawang proyekto ng nagdaang
pulong.
a. Iskedyul ng susunod na pagpupulong
b. Action Items o Usaping Napagkasunduan
c. Heading
2. Ito ay isang napakahalagang dokumentong nagtatala ng diskusyon at
desisyon sa isang pagpupulong.
a. Adyenda
b. Posisyong Papel
c. Katitikan ng Pulong

11
3. Siya ang madalas na nagsisilbing tagasulat ng katitikan ng pulong.
a. Presiding Officer
b. Kalihim
c. Ingat Yaman
4. Itinatala sa bahaging ito kung kailan at saan gaganapin ang susunod na
pagpupulong.
a. Iskedyul ng susunod na pagpupulong
b. Action Items o Usaping Napagkasunduan
c. Heading

5. May mga mahahalagang bahagi ang katitikan ng pulong ito ay ang :


a. Introduksiyon, Katawan, Konklusyon, Pagpapalawig, Kasunduan
b. Unahan , Gitna, Wakas, Lagda, Kalahok
c. Heading, Kalahok, Pagtatapos, Iskedyul ng Susunod na Pulong,
Lagda

B. Basahin at unawain ang mga kasunod na pahayag at tukuyin kung TAMA o


MALI ang bawat isa. Titik T ang isulat kung ito ay tama. Kung ito naman ay
mali, isulat ang salita o grupo ng mga salita na nakapagpamali dito.
_____ 1. Sa pagsulat ng katitikan ng pulong, mas mainam na ang presiding officer
ang gumawa nito, sapagkat siya ang higit na nakakaalam sa mga nangyayari sa
pagpupulong.
_____ 2. Ang katitikan ng pulong ay mahalaga sa isang organisasyon dahil
nagsisilbi itong tala upang maging batayan at sanggunian.
_____ 3. Mas nararapat na isulat ng sabay ang adyenda at katitikan ng pulong.
_____ 4. Ang katitikan ng pulong ay dapat lagdaan ng kalihim o sino mang
indibidwal na sumulat nito.
_____ 5. Habang nagpupulong, marapat na gumawa ng template para mapadali
ang pagsulat. Basahin ang inihandang adyenda upang madaling sundan ang
daloy ng pulong.

12
Karagdagang Gawain

Magsaliksik sa internet ng isang bidyo ng may nagaganap na pagpupulong ng


samahan, organisasyon o grupo. I-save / I-download ang nasabing bidyo. Sumulat
ng Katitikan ng Pulong batay sa nilalaman ng nasabing bidyo.

Isaalang-alang ang pamantayan sa ibaba.


PAMANTAYAN PUNTOS
Nakasusulat ng organisado, at may kumpletong detalye na katitikan ng 10
pulong.
Nakasusulat ng katitikan ng pulong batay sa maingat, wasto at angkop 10
na paggamit ng wika.
Nasasalamin sa kabuuan ng sulatin ang tamang bahagi batay sa 10
natalakay.
KABUUANG PUNTOS 30

13
14
Tayahin
A B
1. A 1. Presiding Officer
2. C 2. T
3. B 3. Isulat ng Sabay
4. A 4. T
5. C 5. Habang
Nagpupulong
Subukin
1. C
2. C
3. A
4. B
5. B
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Filipino sa Piling Larang- Akademik Patnubay ng Guro Unang Limbag 2016

Bernales, R., et al., 2017. Filipino sa Larangang AKADEMIKO. Malabon, City :


Mutya Publishing House, Inc

15

You might also like