You are on page 1of 3

December 06, 2020

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA VALUES EDUKASYON


Inihanda ni: CHRISTIAN R. VEA
I. LAYUNIN
 Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Mauunawaan nila ang pagkakaroon ng Bunga ng Banal na Espiritu
b. Makakapagbigay ng gawain kung paano maisasabuhay ang Bunga ng Banal na
Espiritu
c. Mapapahalagahan ang pananampalataya na may kalakip na Bunga ng Banal na
Espiritu
II. PAKSANG ARALIN
a. Paksa: Ang Bunga ng Banal na Espiritu
b. Sanggunian: Galacia 5:22-23, Mga mag-aaral 1718
c. Kagamitan: Bibliya, Pantulong na Biswal, TV at Flashdrive
III. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

a. Panimulang Gawain
Pagbati - Magandang Umaga rin
- Magandang Umaga! po sir Christian!
Panalangin
- Manatiling nakatayo para sa
isang maikling panalangin. - Opo Sir.
- Matapos manalangin,
- Bago umupo paki-pulot muna
ang mga kalat sa ilalim ng inyong
mga upuan
- Ayusin ang mga sarili,
pumalakpak ng tatlong beses
- Maraming salamat, magsiupo na
lahat.
Pagtala ng lumiban

B. Panlinang na gawain

- Bago tayo tumungo sa panibago


nating aralin, atin munang
balikan ang nakaraan nating pag-
aral.
- Ano na nga ulit ang nakaraang - Sir, yong patungkol po
nating napag-aralan? sa Bunga ng Banal na
- Tama! Espiritu.
- Mayroon akong inihandang mga
larawan dito,at inyong pagsunod-
sunurin ang bawat isa at bigyan
ng paliwanag.

PAG-IBIG KAGALAK KAPAYAPA


AN AN
KATIYAGA KABAITAN KABUTIHA
HAN N
KATAPATA KAHINAHUN PAGPIPIGIL
N AN SA SARILI

- Iyong pagmamahal po
- Sa tingin ninyo ano ang sir!
pinakaimportante sa Bunga ng - Dahil iyon po ang
Banal na Espiritu? bumabalot sa lahat
- Bakit?

Pagganyak
-magpakita ng larawan kung saan
sila makakapulot ng aral sa
kuwento.

Paglalahad ng paksa
-Ilahad ang kuwento gamit ang
visual aids at props

Pagtatalakay/Pagpapahalaga
-Tingkol saan ang iyong narinig o
nakita
-sino ang nagturo
-ayon sa kanyang turo, ito ba ay
totoo
-makakatulong ba ito sa ating
buhay?
-mahalaga bang malaman ang
kuwento kung totoo o hindi
Paglalahat
- Ano ang gagawin natin sa
kwentong ating napakinggan?
* Ito ay sinusuring maigi kung
makakatulong ba ito sa atin at
makakabuti.

 Ang bunga ng Banal na Espiritu ay


tumutulong sa atin;
:para mapagtagumpayan natin ang lahat
ng ating kahinaan
: magkakaroon ng karunungan sa mga
bagy-bagay
:at upang maging katulad tayo kay
Kristo.
- Galacia 5:22-23
“Subalit ang Bunga ng Espiritu ay
pag-ibig, kagalakan, kapayapaan,
katiyagahan, kabaitan,
kabutihan, katapatan,
kahinahunan, at pagpipigil sa
sarili”.

Paglalapat
-pagpaparinigng kuwento at
pagsusur ikung ito ba ay makakabuti o hindi.

IV. EBALWASYON
- Maglabas ng ½ na papel at sagutan ang mga sumusunod na tanong.
1. Ano-ano ang siyam na Bunga ng Banal na Espiritu?
2. Saang bersikilo sa Bibliya ito matatagpuan?
V. TAKDANG ARALIN
1. Gumawa ng siyam na bilog at isulat ang siyam na Bunga ng Banal na Espiritu.
2. Pagkatapos, idikit ito sa malinis na papel at kulayan.

You might also like