You are on page 1of 6

Sosyedad at Literatura

PAGSUSURING PAMPANITIKAN
“TATLONG KUWENTO SA BUHAY NI JUAN CANDELABRA”
ni Lualhati Bautista
A. Talambuhay
Ni Lualhati Bautista

Si Lualhati Bautista ay isa sa pinakatanyag na Filipinong nobelista. Kadalasan, ang


mga akda niya ay nasa anyong nobela o maikling kuwento, pero nakalikha na rin
siya ng ilang akdang-pampelikula. Ilan sa kanyang mga akda ay Dekada 70, Bata,
Bata Paano ka Ginawa? At Gapo.

Si Bautista ay ipinanganak sa Tondo Manila noong ika-2 ng Disyembre 1945.


Nakapagtapos siya ng elementary sa Emilio Jacinto Elementary School noong 1958
at sekondarya sa Torres High School noong 1962. Siya ay pumasok sa Lyceum
University of the Philippines sa kursong journalism ngunit nag-drop bago pa man
matapos ang kanyang unang taon.

Bagamat kulang sa pormal na pagsasanay, si Bautista ay naging kilala sa kanyang


makatotohanan at matapang na paghayag sa mga isyung kinasasangkutan ng mga
babaeng Filipino at sa kanyang makabagbag damdamin na pagpapakita sa babae
na may mahirap na sitwasyon sa bahay at sa trabaho.

Natanggap niya ang Palanca Awards (1980, 1983, 1984) para sa nobelang Gapo,
Dekada 70 at Bata, Bata Paano ka Ginawa?, mga nobelang naglalarawan nang
kaapihan ng mga kababaihan noong panahon ni Marcos.

Dalawa sa maikling kuwento ni Bautista ay nagkamit din ng Palanca Awards ang


“Tatlong Kuwento ng Buhay ni Juan Candelabra” (unang gantimpala, 1982) at
“Buwan, Buwan, Hulugan mo Akong Sundang” (ikatlong gantimpala, 1983)

Hindi rin matatawaran ang kanyang husay sa pagiging script writer. Ang kanyang
unang screenplay ay ang Sakada, 196 na nagpapakita ng kalagayan ng mga
magtutubo. Ang kanyang ikalawang pelikula ay ang “Kung Mahawi Man ang Ulap”
noong 1984 na nominado sa Film Academy. Ginawa rin niya ang Bulaklak ng City
Jail base sa kanyang nobela tungkol sa mga kababaihang nakulong. Nahakot nito
halos lahat ng gantimpala sa Star Awards at Metro Manila Film Festival.
Sosyedad at Literatura
Kabilang siya sa University of the Philippines Creative Writing Center noong 1986,
nagsilbing bise-presidente ng Screenwriters Guild of the Philippines at pinuno ng
Kapisanan ng mga Manunulat ng Nobelang Popular. Siya lang ang natatanging
Filipino na kasama sa libro ng International Women Writers na nilimbag sa Japan.

B. Buod ng kwento
“TATLONG KUWENTO SA BUHAY NI JUAN CANDELABRA”
ni Lualhati Bautista

Siya, si Juan Candelabra, ay anak ng isang mag-asawang bagama’t mahirap, kung


ipagsabi nga ng tatay niya, ay nabubuhay nang “marangal”. Gano’n man ay
maagang natutunan ni Juan na mahirap mabuhay nang marangal kung gutom ka, o,
sa kaso niya bilang isang bata, kung marami kang kailangan na hindi mo mabili.
Samantalang mapera ang kalaro mong si Bong at pinakikitaan ka ng cash ng ina
nitong si Aling Sandra.

Totoo, mas mabuti nang di-hamak si Aling Sandra kung ihahambing sa iba pa nilang
kapitbahay. No’ng mga panahong ‘yon na kokonti pa lang ang may tv, hindi iya
puwedeng sumilip-silip sa bintana ng iba para manood ng Popeye o ano pa man.
Paniguradong magsasara ng bintana ang iba! Pero pinatutuloy siya ni Aling Sandra,
pinauupo sa tabi ni Bong, at pinapayagang manood hanggang sa oras na talaga
patayin nito ang tv. Kung sabagay, nauutus-utusan siya ni Aling Sandra. Pero
makatarungan si Aling Sandra kahit sa pag-uutos nito. Kadalasang binibigyan siya
nito ng pabuyang singko o diyes sa bawa’t ipagawa a kanyang maliit na bagay.

Siguro, dahil kaibigan siya ni Bong kaya magiliw sa kanya si Aling Sandra. Tingin
niya, gusto ni Aling Sandra basta mga kalarong hindi nakakagalit ni Bong. Anu’t
anuman, kahit may lakad si Aling Sandra, iiwan nito sa bahay si Bong basta kasama
siya. Kahit magka-edad lang halos sila ni Bong, itinuring na siya ni Aling Sandra
bilang isang mapagkakatiwalaang taong-bahay.

Mag-isa siya sa sala samantalang si Aling Sandra ay maaaring may ginagawa sa


silid at si Bong ay nasa labas sandal. At ando’n lang, buas, ang platerang
pinaglalagyan nito ng pitaka. Siguro’y may kausap sa labas si Aling Sandra at nasa
Sosyedad at Literatura
toilet sandal si Bong, at nag-iisa siya a sala malapit sa bukas na platerang
kinalalagyan ng pitaka ni Aling Sandra. Ilang pgakakataon nang nangyayari iyon at
tantiyado na niya, na maaari siyang maiwan sa loob nang may sapat na sandal para
makasalisi a platera, makahugot sa pitaka ni Alig Sandra at makabalik a
kinaroroonan niya na para bang hindi kumilos, walang ginagawang masama, at
mag-anyo ng isang nagpapakabait.

Gustong-gusto niyang makabili ng mga sisiw na aalagaan niya’t palalakihin para


manok na bago mag-bertdey ang tatay niya, para may maihanda ito nang hindi
naman nakakantiyawan ng mga kumpare. Pero walang-wala siya, walang-wala siya
samantalang ando’n lang, at kadalasang hindi bilang, ang pera ni Aling Sandra.

Hindi lang nila alam kung pa’no lumilindol ang dibdib niya nang gawin iyon. Hindi
lang nila alam kung ga’no kadesperado ang pagtawag niya sa Diyos. Pero may
ugaling magbingi-bingihan ang Diyos kung minsan. Aktong ibinabali niya sa lugar
ang pitaka ni Aling Sandra nang bigla itong pumasok. At namakas sa mukha nito
ang pagkagulat, na may halong pagkagalit.

Tinutulungan niya si Aling Connie sa tuwing may kailangan ang matanda. Nagbihis
si Aling Connie ng maikli at pinalapit sa Julian. Natukso si Julian ng pangaakit ni
Aling Connie. Hinanap ni Mang Felix si Julian. Nahanap ni Mang Felix si Julian at
tinangkang patayin. Nagtrabaho si Julian sa isang magarang Hotel-Restaurant.
Nahuli siyang kumakain kahit hindi pa oras ng break sa trabaho, nagalit sakanya ang
supervisor, pinapapirmahan siya ng termination paper. Nandilim ang isip ni Julian at
napatay niya ang kanyang supervisor.

C. Mga Elemento
1. Paksa: Tatlong Kuwento ng Buhay Ni Julian Candelabra ni Lualhati Bautista
2. Tagpuan/Panahon:
 Tirahan ni Aling Sandra
 Tirahan ni Aling Connie
 Tirahan ni Julian
 Prima-klaseng Hotel
Sosyedad at Literatura

3. Tauhan:
 Julian Candelabra- pangunahing tauhan. Anak ng mag-asawa na bagama’y
mahirap ay mabuhay ng marangal. Siya ay mahina pag dating sa tukso.
 Bong- kababata ni Julian at kalaro.
 Aling Sandra- nanay ni Bong, siya ang nag papatuloy ay Julian tuwing
gusto nitong makinuod ng palabas sa telebisyon.
 Aling Connie- asawa ni mang Felix, siya ay may lihim na pagnanasa kay
Julian.
4. Banghay:
i. Panimula – Paglalahad sa tagpuan at kwento.
ii. Saglit na Kakintalan - Gustong-gusto niyang makabili ng mga sisiw na
aalagaan niya’t palalakihin para manok na bago mag-bertdey ang tatay
niya, para may maihanda ito nang hindi naman nakakantiyawan ng
mga kumpare.
iii. Papataas na Aksyon - Tinutulungan niya si Aling Connie sa tuwing may
kailangan ang matanda. Nagbihis si Aling Connie ng maikli at pinalapit
sa Julian. Natukso si Julian ng pangaakit.
 Nahuli siyang kumakain kahit hindi pa oras ng break sa trabaho.
iv. Kasukdulan – Gulong-gulo na ang isipan ni Julian at hindi niya na alam
kung ano ang tamang dapat gawin. May halong kalungkutan at galit
ang kanyang isipan ng maalala niya ang mga salita ng kanyang ama
tungkol sa pagka-wala ng dangal. Sawang-sawa na siya sa mga
kamalasan ng kanyang buhay. Gusto na niyang umiyak dahil
kinasusuklaman niya ang mga ginawa niya. Hindi niya ginusto ito, pero
wala siyang magawa. Tinimbang niya sa kaniyang isipan ang usapan
nila ng kanyang tatay, pero hindi na talaga siya makatiis. Nang naubos
na ang kanyang pasensya, parang biglang nagdilim ang kanyang
paningin at nawala na siya sa kanyang sarili.
v. Pababang Aksyon – Hindi na napigilan ni Julian ang sarili. Nagdilim na
ang paningin niya at hindi na niya namalayan na may hawak na siyang
kuwelyo. Ginamit niya ito at ginawa ang maitim niyang balak at di
nagtagal ay hindi na humihingi ang kanyang supervisor.
Sosyedad at Literatura
vi. Wakas – Napatay ni Julian ang kanyang amo kaya’t siya’y ipinakulong
hanggang sa kamatayan. Ang tanging nasabi niya lamang sa hukom
ay “hindi lang napigilan ang aking sarili”.
vii. Tunggalian – Tao laban sa tao "Natukso lang po ako, hindi ko po
napigilan ang sarili ko..." Kalaban ni Julian ang kanyang sarili sa
kwento. Ang paggawa niya ng mga maling bagay ay dahil ito sa
kanyang sariling mga desisyon, gusto man niya ito o hindi. Ipinakita na
si Julian ay madaling matukso at may kahinaan sa pagkilatis kung ano
ang nakabubuti at nakasasama sa kanya. Siya ay nagnakaw, nagka-
relasyon sa asawa ng iba at nakapatay ng tao, lahat to ay resulta ng
kanyang pagka-tukso at dahil hindi niya daw napigilan ang sarili.
viii. Paningin – Ang Paningin sa kwento ay third person.

D. Teoryang Pampanitikan: Teoryang Eksistensyalismo


 Ang Tatlong Kuwento ng Buhay ni Julian Candelabra ni Lualhati Bautista ay
napapalooban ng teoryang Eksistensyalismo sapagkat naging malaya si Julian sa
pagpili ng desisyon sa kanyang buhay na immoral sa mga mata ng tao. Sa kwento,
mas namayani sa kanya ang paggawa ng hindi mabuti. Madali siyang natukso at
nagging mahina siya sa pagkilatis sa ung ano ang nakabubuti at nakasasama sa
kanya dahil na rin sa kahirapan ng buhay at sa mga taong nakapalibot sa kanya
kaya nagging bukambibig na niya ang salitang di niya raw napigilan ang sarili.
 Teorayang Imahismo- Ang imahen sa mailing kuwento ay ang pahayag palagi ni
Julian sa bawat kamaliang kanyang nagawa na natukso lamang siya na
nagpapahayag ng kanyang pagiging marupok dahil madali siyang matukso sa bugso
ng kanyang damdamin. Hindi niya napipigilan ang kanyang sarili at nakagagawa siya
ng mga bagay na immoral sa paningin ng mga tao.

E. Reaksyon
Sa mga panahon ng pagsubok, kinakailangan nating maging matatag at alalahaning
gawin lamang ang mga nararapat at mabuti. Marapat lang na matanto natin ang
ating mga pagkakamali. Ngunit sa kabila nito’y hindi dapat natin habang buhay na
sisihin ang ating sarili, kinakailangan natin matuto sa mga ito. Dapat na maging
matatag tayo sa mga tukso, alaming mabuti ang mga kilos at desisyong makabubuti
Sosyedad at Literatura
at makakasama sa iyo, at layuan ang anumang uri ng kasalanan. Huwag tayong
maging mapanghusga sa ibang tao, huwag din tayong magtanim ng galit o sama ng
loob sa ating kapwa, matutong magpatawad. Sa kabila ng pagkabigo sa buhay,
matutong bumangon at magsimula muli. Higit sa lahat huwag kalimutang andiyan
ang Panginoon tutulungan at gagabayan ka sa ano mang bagay na makakabuti
sayo, sa pamilya mo at sa kapwa mo.

You might also like