Professional Documents
Culture Documents
Panalangin ng Pagsisisi
Panginoon kong Hesukristo, Diyos na totoo at tao namang totoo, gumawa at sumakop sa akin.
Pinagsisisihan kong masakit sa tanang loob ko ang lahat ng pagkakasala ko sa iyo, na Ikaw nga
ang Diyos ko, Panginoon ko at Ama ko na iniibig ko nang higit sa lahat.
Tanggapin Mo ang aming pagsisisi bilang handog upang kami'y matutong sumunod sa Iyo nang
buong puso. Walang nagtiwala sa Iyo na nabigo, simula ngayon, buong puso kaming susunod
sa Iyo sasamba at magpupuri sa Iyo. Huwag mo kaming biguin yamang Ikaw ay maamo at
mapagkalinga. Kahabagan mo kami at saklolohan. Muli mong iparanas sa amin ang Iyong
kahanga-hangang pagliligtas at sa gayo'y muling dakilain ang iyong pangalan, Panginoon.
Rosaryo ng Paghihirap
Buksan mo Panginoon ko ang aming mga labi, papag-alabin mo ang aming loob at linisin mo ang
diwa namin sa mga mahahalay at likong akala. Tanglawan mo ang aming kaisipan,
papagningasin ang aming mga puso upang sa gayon aming magunam-gunam ng buong taimtim
ang kamahal-mahalan mong hirap na pinagdadaanan at pati ng iyong mga sakit ng kamatayan.
Nais din naming gunitain ang mga kapaitang dinalita ng Iyong Mahal na Ina at dapat dinggin sa
harap ng Iyong dakilang kamahalan, ikaw na nabubuhay at naghaharing kasama ng Ama at ng
Espiritu Santo sa lahat ng panahon. Siya Nawa.
(4) Hesus ko, alang-alang sa koronang tinik na tumimo sa kabanal-banalan mong ulo.
Tugon: Kaawaan mo't patawarin ang kaluluwa ni ______________.
(5) Hesus ko, alang-alang sa paglakad mo sa lansangan ng kapaitan na ang krus ay iyong
pinapasan.
Tugon: Kaawaan mo't patawarin ang kaluluwa ni ______________.
(6) Hesus ko, alang-alang sa kabanal-banalang mukha mo na naliligo sa dugo at iyong binayaang
malarawan sa birang ni Veronica.
Tugon: Kaawaan mo't patawarin ang kaluluwa ni ______________.
(7) Hesus ko alang-alang sa damit mong natigmak ng dugo na biglang pinunit at hinubad sa
Iyong katawan ng mga tampalasan.
Tugon: Kaawaan mo't patawarin ang kaluluwa ni ______________.
(9) Hesus ko, alang-alang sa Iyong kamahal-mahalang mga paa at kamay na pinaglagusan ng
mga pakong ipinagdalita mong masakit.
Tugon: Kaawaan mo't patawarin ang kaluluwa ni ______________.
(10) Hesus ko, alang-alang sa tagiliran mong nabuksan sa saksak ng isang matalim na sibat at ito
ay binukalan ng dugo at tubig.
Tugon: Kaawaan mo't patawarin ang kaluluwa ni ______________.
(Ang Pinaka-Luwalhati)
Namumuno: Pagkalooban mo siya Panginoon ng pagpapahingang walang hanggan.
Tugon: Liwanagan mo siya nang di magmaliw mong ilaw.
Namumuno: Mapanatag nawa siya sa Kapayapaan.
Tugon: Siya Nawa.
Paghahain
Nang sumapit ang takdang panahon ikaw ay nangaral, nagpakita ng magandang halimbawa ng
pag-ibig, nagpagaling sa mga maysakit, nagpabangon ka ng mga patay, at Iyong itinuwid ang
mga maling aral sa templo, sa pagtutuwid mong ito, ikaw ay kanilang kinapootan, inalipusta ng
mga hudyo, ikaw ay napasakamay nila dahil sa pagtataksil at paghalik ni Hudas, ginapos ka ng
lubid at nilapastangan sa harap nila Anas, Pilato, Herodes at Kaypas.
Sa harap nitong mga Hukom ikaw ay niluran, sinaktan, sinampal, inalimura, tinadtad ng sugat
ang iyong banal na katawan sa hampas ng suplina, pinutungan ng koronang tinik at tinakpan
ang iyong mukha ng isang purpura, bilang pagpapalibhasa ng mga kaaway, nang sila ay
nagsawa na ng ganitong mga parusa, ikaw ay dinala sa bundok ng Golgota tulad ng isang
korderong walang sala.
Pagkatapos mong pasanin ang mabigat na krus, ikaw ay ibinayubay at ipanagitna sa dalawang
magnanakaw, upang palabasin na isa sa kanila. Nang ikaw ay mauhaw dahil sa tindi ng sugat sa
katawan, ikaw ay pinainom, ngunit ang ibinigay sa Iyo ay suka na may kahalong apdo.
Pagkaraan ng mahabang pagdurusa sa ibabaw ng krus, ikaw ay namatay. At upang matiyak na
Ikaw ay isa nang bangkay, inulos ni Longlino ang Iyong tagiliran at doon ay bumukal ang
masaganang dugo at tubig, na panghugas sa kasalanan ng sangkatauhan.
Nang dahil sa Iyong mga hirap, kamatayan at pagkabuhay na mag-uli, iligtas mo po ang
kaluluwa ni _________________ na namatay.
Papaging dapatin mo po siya sa Iyong walang hanggang kaharian at ibilang sa pulutong ng mga
banal, Ikaw na nabubuhay at naghahari ng kasama ng Ama at ng Espiritu Santo sa lahat ng
panahon. Siya Nawa.
(Magkukrus ng 3 ulit)
+ Aba anak ng Diyos Ama, Aba Ina ng Diyos Anak, Aba Esposa ng Espiritu Santo
+ Aba Simbahang mahal ng Santisima Trinidad
+ Aba Inang kalinis-linisan na ipinaglihi na di nagmana ng salang orihinal.
Sumasampalataya
Namumuno: Sagot:
Hesus, Maria, Jose, Hesus na kahanga-hanga, Mariang Ina ng Awa, Jose na mapagpala, kayo na
po ang mag-ampon at kumalinga sa alipin ninyong aba ng hindi mapasama sa impyerno.
Panalangin
Inihahabilin namin sa Iyo, o Panginoon ang kaluluwa ni ____________ na sa pagpanaw niya dito
sa lupa, iyo pong ipatawad ang kanyang buhay at alang-alang sa Iyong habag, loobin Mong
manatili siya sa Iyong banal na kaharian. Siya Nawa.
Mahal na Birhen ito pong aming hain, di man dapat ay tanggapin, ang kaluluwa namin, kaawaan
at ampunin, sa kamatayang darating, sa wakas ng buhay namin, sa langit mo po pagpalain. Siya
Nawa.
Pagpalain mo po kami't ampunin Diyos na Panginoon namin, igawad mo po sa amin ang Iyong
tulong, pagpalain ang aming bahay at kaming lahat na namamahay. Iligtas mo kami sa lakas ng
lindol, sa karahasan ng lintik, sa sunog, sa tubig, sa hangin at sa lahat ng makakasama sa amin,
alang-alang na po sa katamis-tamisan ngalan ng anak mong si Hesus. Siya Nawa.
Salamat po sa Iyo Panginon naming Diyos, kami'y sinapit mo sa mahal na hapon, sapiting muli
sa mahal mong umaga, bigyan ng buhay, lakas, kababaang-loob, pagtitiis, matutong umibig at
maglingkod sa Iyo, Panginoon naming Diyos. Siya Nawa.
Aba Po Santa Mariang Reyna, Ina ng awa, ikaw ang kabuhayan at katamisan; aba pinananaligan
ka namin. Ikaw ang tinatawag namin, pinapanaw na anak ni Eva. Ikaw rin ang
pinagbubuntuhang-hininga namin sa aming pagtangis dini sa lupang bayang kahapis-hapis. Ay
aba pintakasi ka namin, ilingon mo sa amin ang mga mata mong maawain, at saka kung matapos
yaring pagpanaw sa amin, ipakita mo sa amin ang iyong anak na si Jesus. Santa Maria Ina ng
Diyos maawain at maalam at matamis na Birhen.
Tugon: Nang kami ay maging dapat makinabang sa mga Pangako ni Kristong Panginoon. Siya
Nawa.