You are on page 1of 15

PAGSUSURI NG

NOBELA/PELIKULA

(DEKADA
’70)
Pamagat: Dekada ‘70

Nobelista: Lualhati Bautista

Buong Pangalan: Lualhati Torres Bautista

Kapanganakan: Disyembre 2, 1946 sa Tondo, Maynila

Kasalukuyang Edad: 63 taong gulang

Ama: Esteban Bautista Sila ang naka-impluwensya kay Lualhati na maging manunulat dahil

Ina: Gloria Torres tinatangkilik nila ang composing, pagkanta at pagsulat ng mga tula.

Edukasyon: Emilio Elementary School (1958)

Torres High School (1962)

Lycum of the Philippines (1 taon lang sa kursong Journalism)

Trabaho: Nobelista; Manunulat sa pelikula at telibisyon

Karanasan: Siya ay naging bise presidente ng Screenwriters Guild of the Philippines; pinuno ng Kapisanan
ng mga Manunulat ng Nobelang Popular; chair ng University of the Philippines Creative Writing Center (1986)

Parangal: - Catholic Mass Media Award para sa Sakada (una niyang screenplay noong 1976)

- Nominasyon sa Film Academy Awards para sa Kung Mahawi Man ang Ulap (1984, ika-2 pelikula)

- Star Awards at Metro Manila Film Festival para sa Bulaklak ng City Jail (1984, pinakamahusay)

- Don Carlos Palanca Memorial Award (grand prizes) noong 1980, 1983 at 1984 para sa mga nobelang Gapo,
Dekada '70 at Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?

- Recognition Award mula sa Surian ng Wikang Pambansa noong 1987

- Ateneo Library of Women’s Writings (ALIWW) noong Marso 10, 2004 habang idinaraos ang ika-8 Tanong
Panayam sa Panitikang Isinulat ng mga Kababaihan sa Katutubong Wika

Mga Teoryang napapaloob sa Dekada 70:

1. Teoryang Pampanitikan: Para sa akin ay iba’t ibang teorya ang maaaring iugnay sa nobelang Dekada ’70 dahil na
rin sa layunin nitong unti-unting gisingin ang kamalayan at kaalaman ng mga mambabasa sa bawat kabanata na
nagpapakita ng magkakaibang katangian sa bawat isa subalit nananatiling magkakaugnay. Ang mga sumusunod
ay ilan sa mga nakita kong teoryang pampanitikan na napapaloob sa nobela:
2. Teoryang Humanismo - Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay binibigyang-tuon
ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento atbp.

3. Teoryang Realismo - Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan ng may-akda sa
kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat
isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagka-epektibo ng kanyang sinulat.

4. Teoryang Feminismo - Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at
iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang panitikan ay feminismo
sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan at ipinamamayagpag ang mabubuti at magagandang
katangian ng tauhan.

5. Teoryang Arkitaypal - Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda sa
pamamagitan ng mga simbolo. Ngunit hindi basta-basta masusuri ang mga simbolismo sa akda. Pinakamainam
na alamin muna ang kabuuang konsepto at tema ng panitikan sapagkat ang mga simbolismong napapaloob sa
akda ay magkaugnay sa isa’t isa. Ang lahat ng simbolismo ay naaayon sa tema at konseptong ipinapakilala ng
may-akda sa mga mambabasa.

6. Teoryang Saykolohikal/Sikolohikal - Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakita ng


mga salig (factor) sa pagbuo ng naturang behavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao) sa isang tauhan
sa kanyang akda. Ipinakikita sa akda na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng panibagong behavior dahil may
nag-udyok na mabago o mabuo ito.

7. Teoryang Eksistensyalismo - Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o
magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human existence).

8. Teoryang Markismo/Marxismo - Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may
sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekononiyang kahirapan at suliraning
panlipunan at pampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukan sa adka ay nagsisilbing modelo
para sa mga mambabasa.

9. Teoryang Sosyolohikal - Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang
kinabibilangan ng may-akda. Naipakikita rito ang pamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo sa suliranin o kalagayan
ng lipunan na nagsisilbing gabay sa mga mambabasa sa magpuksa sa mga katulad na suliranin.

10. Teoryang Moralistiko - Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t ibang pamantayang sumusukat sa moralidad
ng isang tao – ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad
sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan. Sa madaling sabi, ang
moralidad ay napagkakasunduan ayon na rin sa kaantasan nito.

11. Teoryang Historikal - Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang
masasalamin sa kasaysayan au bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita na ang kasaysayan ay
bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.

Talasalitaan
1. Piyudal – batay sa pagkakagamit sa nobela ni Lualhati, ito ay nangangahulugang Diyos ang kalalakihan at ang
kababaihan ay sadyang alipin niya lamang; ito ang sinabi ni Amanda na nasa dugo na ni Julian sapagkat siya ay walang
karapatang kumibo sa mga isyung pulitikal at negosyo.

2. Burgis – dahil na rin sa kawalang-katiyakan ay naisip kong sumangguni sa internet at ito ang aking nakita kong
pinakamatinong sagot – “burgis is actually bourgeois in English just spelled as it is pronounced Pinoy way. The meaning is
the same (associated with affluent middle-class people, who are often characterized as conventional, conservative or
materialistic in outlook).” Gets na?

3. Pananaw-Victorian – di ko na babanggitin ang iba pang ibig sabihin nito sapagkat ibibigay ko lang ang kahulugan nito
batay sa pagkakagamit sa akda; ang babae’y itinuturing na libangan lang o dili kaya’y pampaantok lang.

4. PR – ‘Public Relation;’ ito yung sinabi ni Pareng Daniel kay Amanda nang magtanong siya dito ukol sa anunsyong
trabaho sa diyaryo na nangangailangan ng tao sa advertising; dapat din daw ay mahusay sa Inggles; nang sabihin niya ‘to
kay Julian ay nagalit ito ng sobra, grabe.

5. Nilo Tayag – siya ang lider ng Kabataang Makabayan

6. Kabataang Makabayan - isang organisasyon ng mga estudyanteng nangangalampag laban sa patakaran ng paaralan;
nang ikulong si Nilo Tayag ay libu-libong mag-aaral ang nagmartsa sa lansangan kasabay ng sigawang humihingi ng
kalayaan nito.

7. Communist Party of the Philippines – Partido Komunista ng Pilipinas; Binuo ang partido sa isang malayong barangay
sa lungsod ng Alaminos, Pangasinan noong 26 Disyembre 1968 ni Jose Maria Sison

8. Martial Law – Idineklara ang Batas Militar noong ika-21 ng Setyembre, taong 1972 sa bisa ng Proklamasyon Blg. 1081
na nilagdaan ng dating pangulong Ferdinand Marcos. Ang hakbang na ito ay binatikos ng maraming puna at pagtuligsa
mula sa mga Pilipino at pagbabago sa estado ng Pilipinas.

9. Presidente’t Uncle Sam – Ang tinutukoy dito ay si dating Presidenteng Ferdinand Marcos at ang bansang Amerika na
noo’y may kolonya sa atin

10. PC-Metrocom – Philippine Constabulary Metropolitan; nabuo dahil sa Executive Order of the President noong Hulyo
4, 1967 na mga pulis na nagkokontrol sa nagkikilos-protesta; sila ang tagapanatili ng kaayusan sa lahat ng welga o
humaharang sa hangganan ng lugar na dapat pagdausan ng welga

11.CCP – Cultural Center of the Philippines

12. UG – Under Ground o yung sikretong tagpuan ng mga NPA, mga lugar na sila lang ang nakakaalam

13. Ang Bayan – opisyal na pahayagan ng Communist Party of the Philippines; ito yung ginawang saranggola ni Bingo na
nakuha umano niya sa kuwarto ng kanyang Kuya Jules; sa pagpapatupad ng Batas Militar, ito ay itinuturing na subersibo
kaya ikinukulong ang sinumang mahulihan nito

14. National Democratic Movement – ito ang programa ni Marcos o KBL (Kilusan ng Bagong Lipunan) na nakapaloob sa
pagpapatupad ng Batas Militar

15. Subersibo - ito ay radikal o nagpapahayag ng kasalungat na paniniwala o bagay laban sa pamahalaan

16. NPA – New People’s Army

17. PTA – Parents and Teachers Association


18. ROTC – Reserved Officers’ Training Corps

19. Writ of Habeas Corpus - Ang habeas corpus [bigkas: /hey-bi-yes kor-pus/], mula sa Latin: literal na "[Iniaatas namin]
na mapasaiyo ang katawan" o "nasa iyo ang katawan" ay isang salitang nangangahulugang atas o utos ng hukuman sa
kinauukulan na dalhin sa korte ang isang tao upang ipaliwanag kung bakit ipinipiit ang isang tao. Isa sa mga karapatan ng
isang tao ang makahingi ng tinatawag na "kasulatan ng utos ng hukuman o kinauukulan," ang writ of habeas corpus sa
Ingles, bilang pananggalang laban sa ilegal o hindi makatarungang pagkakakulong sa bilangguan. Kaya, sa larangan ng
Batas, isang kasulatan ang habeas corpus na nag-uutos sa isang opisyal upang maipakita ang dahilan kung bakit ipiniit
ang isang tao.

20. E-D, D-G, Stay-in . . . – ito ang code sa mga lugar na pinagtataguan o pinaglilipatan ng mga NPA tulad ng sa kilusan ni
Jules; ang stay-in ay maaaring sa bahay talaga nila o manatili lang sa permanenteng lugar

21. Proposed Chico Dam Project – tinututulan naman ng mga Kalinga ang pagtatayo ng Chico Dam na maglulubog sa
kanilang kabayanan at kultura. Bago pa ito, lumitaw ang mga pagtutol sa batas militar sa kampanyang “Vote NO” noong
Nobyembre 1972-Enero1973 nang paratipikahan ng gobyerno ang Konstitusyong 1973 sa mga bagong buong citizens’
assemblies sa mga barangay.

22. World Bank/International Monetary Fund – isa sa pangunahing sangay ng United Nations na siyang nangangasiwa sa
usaping salapi na maaaring magpautang sa mga bansang nakikita nitong nangangailangan ng pinansyal na tulong; nag-
utos kay Marcos na magsagawa ng Snap Election upang patunayang di pa siya isinusuka ng taong-bayan . . .

23. MNLF – Moro National Liberation Front na naghahangad magtayo ng sariling bansa sa Mindanao sa pamamagitan ng
armadong pagkilos, mga maka-kanan na grupong radikal sa simbahan, mga grupong oligarkiko, at mga dayuhang
nanghihimasok sa panloob na kalagayan ng bansa

24. Presidential Decree 823 - nagbabawal sa lahat ng welga at sa pagtulong ng ibang sektor sa mga manggagawa nang
walang pahintulot ang Department of Labor (DOL).

25. BLISS – Bagong Lipunan Indigent Settlement Services, programang pabahay ni Marcos noong Batas Militar

26. KBL – Kilusan ng Bagong Lipunan; ang partidong kinabibilangan ni Marcos

27. LABAN – Laban ng Demokratikong Pilipino; ito ang kalabang partido ni Marcos

28. Political Officer – ito ang posisyon ni Jules sa kanilang kilusan

29. NBI – National Beaurue of Investigaton

30. Masagana 99 - magkaroon ng ani na 99 kaban bawat ektarya; pagbabagong dulot ng Batas Militar

Paksa/Tema

Ang likhang-sining ni Lualhati Bautista na Dekada ’70 ay ukol sa mga tunay na pangyayari noong panahon ng
panunungkulan ni Marcos o sa kasagsagan ng Batas Militar kung saan binigyang-diin sa pamamagitan ng pamilya
Bartolome. Ipinapakita nito ang kahalagahan ng pamilya para sa ikauunlad ng isang bansa sapagkat ito ang itinuturing na
binhi ng kung anong klaseng mamamayan ang susunod na henerasyon. Sinasalamin nito ang paraan ng pagtahak ng
kanya-kanyang landas ng bawat miyembro ng pamilya, na talaga namang magkakaiba sapagkat ang bawat isa ay may
magkakaibang personalidad at paninindigan sa buhay. Ang bawat kabanata ay tumutulong sa atin upang makita ang unti-
unting pagbabagong nagaganap sa bawat tauhan, mga trahedyang nararanasan ng isang pamilya at kung paano nila
nalutas ang mga pagsubok na iyon. Ang nagkukuwento sa nobela ay isang asawa’t ina na sa una’y walang pakialam sa
kapaligiran subalit sa kadahilanang nasasangkot na ang kapakanan ng kanyang mga anak ay dahan-dahang naliwanagan
at natuto na ring maging isang babaeng marunong magsalita’t maglabas ng nadarama habang umuunawa’t nakikinig na
sa katotohanan.

Naganap man noong dekada sitenta ay madali tayong nakauugnay sapagkat ang mga kaganapan ay patuloy pa rin
na nararanasan hanggang sa ngayon. Ito ay isa lamang sa napakaraming posibleng dahilan kung bakit ipinanganak ang
obrang Dekada ’70. Kung susuriing mabuti ay mapapansing ninanais ng may-akda na gisingin ang ating diwa’t damdamin
na tila nakatulog na ng mahimbing sa paglipas ng ng panahon. Layunin din ni Lualhati na kalampagin ang ating
kasalukuyang lipunan na patuloy na kumilos at ipaglaban ang dati nang nasimulan. Mga adhikaing pinaglaban hanggang
kamatayan ng mga taong may pakialam sa kinabukasan

Tagpuan

1. Sa Bahay ng Pamilya Bartolome


a. Sa Sala - Dito naghintay si Amanda sa pagdating ni Jules minsan nang binalak niya itong kausapin.
b. Sa Kuwarto nina Amanda’t Julian - Dito nagaganap ang pribadong pag-uusap ng dalawa ukol sa kanilang mga anak.

2. Sa Presinto - Dito minsang naganap ang pagkakabugbog kay Jules nang siya’y mahuli at ditto rin naman nagapa ang
Masaya niyang pagkakalaya.

3. Sa Library - Dito sinabi ni Em kay Julian ang balitang patay na si Jason; off-limits ditto si Amanda

Mga Tauhan

1. Amanda Bartolome
- Siya ay nakatira sa isang subdibisyon ng Kamaynilaan; ina ng pamilyang nasa panggitnang uri; asawa ng isang
inhenyero; ‘mom’ ng limang anak na lalaki
- -Bukas ang isip sa mga ideyang dala ng nagbabagong panahon; isang babaeng nakatatap sa kanyang identidad
bilang indibidwal sa panahong ang lipunang kanyang kinapapalooban ay dinadaluyong ng mga pagbabago; tulad
din ng maraming ina na nakatali na ang buhay sa pag-iintindi sa buhay ng kanilang anak
- -Si Amanda ay maituturing na walang pakialam sa mga nangyayari sa kanyang kapaligiran sa unang bahagi ng
nobela subalit ‘di naglaon ay unti-unting napupukaw ang kanyang kuryosidad. Mula sa pagiging isang sunud-
sunuran at mahinhin na asawa ay natuto siyang maglabas ng nadarama at umunawa sa mga bagay-bagay.

2. Julian Bartolome Sr.


- Tunay na apo ng isang hasendero sa isang lugar sa Norte na may lahing Kastila, dugong mayaman at piyudal
- Mabuting lalaki kung ang sukatan ay ang perang idinadating niya; sitenta mil pesos (1952) ang bahay na ipinatayo
niya para sa pamilya
- Mula panganay hanggang bunsong anak, hindi niya sinubukang maglampin man lang o makipagtulungan sa mga
gawaing-bahay kahit na sa panahong nagbabawi pa ng lakas si Amanda, maid lagi ang solusyon niya o ang mama
- Kailanma’y hindi nagbuhat ng kamay kay Amanda pero wala sa kanya ang suyo; naniniwala sa kasabihang “It’s a
man’s world!”
- Mapapansin na sa umpisa ng nobela ay tila maka-gobyerno, partikular na sa Amerikano, na sa tuwina’y
kadebatehan ni Jules ukol sa panlipunang isyu sa kadahilanang pilit niyang inilalayo ang kanyang mga anak sa
mga subersibong paniniwala na maaaring makapagpahamak sa kanila
- Maprinsipyong ama at lalaki sa tuwina ngunit sa bandang huli ay nakita rin ang kanyang itinatagong kahinaan,
para sa kanya, ngunit para kay Amanda ay siya niyang tunay na kalakasan

3. Julian Bartolome Jr. (Jules)


- Dahil unang anak ay itinuring ni Julian Sr. na ekstensiyon ng kanyang sarili kaya bininyagan ng Julian sa panahon
na ang usong pangalan ay mga Michael at Lawrence at iba pang pangalang kolonyal
- Noong nasa sekundarya pa lamang ay aktibo na sa mga campus activities; kumandidato at nanalo naman bilang
president ng student council
- Mulat na ang isipan ukol sa totoong nangyayari sa lipunan kahit na sa murang edad pa lamang, halimbawa ay ang
pagsali niya sa isang protesta ng mga drayber
- Sa kanya kadalasang nagmumula ang mga isyung pulitikal at kapuna-punang siya ay may sariling paninindigan,
malakas ang loob at tunay na makabayan kahit na kadalasa’y sinasalungat niya ang mga paniniwala ng amang si
Julian

4. Isagani Bartolome (Gani)


- Bilang konsolasyon kay Amanda sa pagkabigo niya na maging babae naman ang pangalawang anak ay isinunod ni
Julian Sr. sa pangalan ng paborito niyang pinsang namatay sa tungkulin bilang pulis
- Napasali sa exchange visitors program sa pagitan ng Amerika’t Pilipinas at gumugol ng ilang buwang pag-aaral sa
California
- Maagang namulat ang isipan hindi sa kalagayan ng lipunan kundi sa mga bagay na may kaugnayan sa
pakikipagrelasyon sa ‘opposite sex’ kaya naman maituturing na mapusok at marupok si Gani sa kadahilanang di
pa man siya nakakapagtapos ng pag-aaral ay nakadisgrasya na siya. Bunga nito, kinailangan niyang pakasalan ang
babae upang di makasuhan at masabihang nang-aagrabyado.
- Kabaligtaran siya ni Jules sapagkat siya ay may kolonyal na pag-iisip, patunay na ang pagpasok niya sa US Navy at
pagka-base sa San Diego na naging dahilan ng paghihiwalay nila kaagad ni Evelyn, sanhi ng ‘long-distance
relationship;’ iniisip niya ring naroroon lang ang malaking oportuninad na umasenso na mariing kinronta ni Jules

5. Emmanuel Bartolome (Em)


- Ibig sabihin ng pangalan ay ‘tagapagligtas;’ nanalo sa spelling bee contest; nagkuwento kay Elizabeth na anak ni
Aling Dora kung paano nabuntis ang pusa na si Rose; pinakamatalino sa limang ng magkakapatid; maraming
seminar na ang nadaluhan
- Ipinapabatid lamang na siya ay may kamulatan na rin at may pagkakatulad sila ni Jules ng paniniwala sa aspetong
pulitikal subalit siya ay sa ‘paraang-Rizal’ ang ginamit na estilo samantalang si Jules ay ‘paraang-Bonifacio’

6. Jason Bartolome (Jason)


- Napalaban sa suntukan at sa isyung paano lumulundag ang tipaklong; ang kakulangan bilang estudyante ay
natatakpan ng mga katangian niya bilang anak – siya ay nang-hijack ng mga bulaklak sa bakod ng may bakod para
ialay kay Amanda isang Mother’s Day; naniniwalang pusa ang pinaka-paboritong hayop ni Amanda, samakatuwid
siya ay mapagmahal at ‘sweet’ na anak kahit na lalaki
- Siya ay maituturing na bulakbol sa pag-aaral, ‘happy-go-lucky,’ at pasaway sa limang magkakapatid, namumukod-
tangi subalit pinaka-paborito pa rin ni Julian di man niya tuwirang sabihin
- Nabarkada at katagala’y lagi nang gabi kung umuwi sa kanila; nahulihan umano ng marihuwana ng mga pulis
kaya nakulong pero di na siya nakauwi sa kanila dahil siya’y napag-alamang sinalvage na pala

7. Benjamin Bartolome (Bingo)


- Ibig sabihin ng pangalan ay ‘huling anak na lalaki’
- Malapit sa kanyang Kuya Jules ngunit katagalan ay nawalan na ito ng panahon sa kanya
- Habang lumalaki’t nagkakaisip ay nabubuksan na rin ang kamalayan sa nangyayari sa kanyang mga magulang at
kuya; pilit na inuunawa na lamang sa tahimik na pamamaraan ang mga bagay na tila banyaga pa sa kanya

8. Willy
- Siya ay matalik na kaibigan ni Jules na kapareha niya ng mga paninindigan sa buhay; pareho silang malalakas ang
loob at mga aktibista noong una at di katagalan ay sumapi na sa isang kilusan laban sa pamahalaan
- Sa kasamaang-palad ay namatay sa isang engkwentro laban sa mga military na higit na nagpasidhi sa damdaming
laban sa pamahalaan ni Jules

9. Evelyn
- Isang babaing hindi nagpapa-under sa asawa, yan si Evelyn na kabiyak ni Gani; bagama’t nasa bahay sila ng mga
Bartolome nakatira ay hindi yun naging hadlang upang kanyang salungatin si Gani sa mga ninanais nito; batid
naman nating nag-aaway sila sa tuwina na nagpapakita ng kanyang katapangan at paninindigan bilang isang
babae sa makabagong panahon
- Kaya naman, lihim siyang hinahangaan ni Amanda, sa kanyang mga pagpapasyang tila walang pag-aalinlangan, sa
kanyang pakikipaghiwalay mismo kay Gani at sa kanyang pagtatrabaho na lalong nagpapakita ng kanyang
disposisyon sa buhay

10. Anna Lissa


- Anak nina Gani at Evelyn; nagbigay kaligayahan sa tahanan ng mga Bartolome sa panandaliang pananatili niya sa
mga ito
- Kahit papaano ay siyang naghatid ng panibagong saya kay Julian nang mamatay si Jason

11. Domeng
- Siya ang tila pumalit sa puwesto ni Willy nang ito ay namatay dahil tulad nito, kasapi din siya sa kilusan at sa
pagpunta niya sa bahay nina Amanda ay naging malapit siya ditto
- Magaling magluto; tumutulong sa mga gawaing-bahay; napalapit nang husto kay Bingo o siya’y matiyaga dito;
pinakamasamang sinabi kay Bingo ay ang magpabili siya ng bike na ten-speed (‘biro’ ni Amanda)
- Sa pagkikita nina Jules at Amanda sa isang restwaran ay napag-alamang isa pala siyang ‘adyaks’ o nage-espiya
lamang sa kanilang kilusan, pakawala ng military

12. Mara
- Ang babaeng kasama ni Jules sa kilusan; siya ang tinutukoy ni Jules na naging malapit na sa kanya at may
unawaan na umano sila; isang araw ay bigla na lang ipinakilala ni Jules na buntis na at asawa na niya dahil
ikinasal na sila sa kilusan ng isang kaibigang pari
- Kung ang tatanungin ay ang kanyang mga prinsipyo sa buhay ay talaga namang pareho sila ni Jules ng paniniwala
kaya nga isang katulad niya ang pinakasalan nito upang sila ay magka-intindihan; masasabing isang babaing
malakas ang loob at isang asawang nakauunawa sa kalagayan nila Jules; halimbawa nito ay nang manganak siya
ng wala si Jules sa kanyang tabi subalit di siya nagdamdam dahil alam niyang ginagawa lang ni Jules ang
sinumpaang tungkulin sa kilusan

13. Rev
- Anak nina Jules at Mara; kailanma’y di nakita ng pamilya Bartolome dahil ito ay nasa piling ng ina na nanatili sa
kilusan kasabay ng pag-aaruga sa kanya

14. Rene
- Isang gabi ay may dinalang binatang sugatan si Jules sa kanilang tahanan at siya nga si Rene na napasabak umano
sa engkwentro sa pagitan ng militar at mga kasapi ng kilusan
- Noong una’y napagkasunduang isang linggo lang mananatili kina Amanda upang magpagaling subalit umabot ito
ng isang buwan sa kadahilanang naging malapit na siya sa pamilya higit na kay Julian na nagawa siyang kausapin,
pakinggan at pagtanungan ng mga bagay-bagay

15. Ronnie
- Ang kaibigan ni Jason na tumawag kay Amanda isang alas-tres ng umaga upang ipagtanong kung nakauwi na ba
ito mula sa presinto
- Dahil sa kanya ay nalaman ng mag-asawang Bartolome na nakulong si Jason dahil umano’y nahulihan ng
marihuwana na kinalauna’y natagpuang patay na dahil sinalvage ng hindi na nakilalang mga salarin

16. Lieutenant Liboro


- Isang militar sa detention center at itinuturing ni Amanda na mabait dahil patagong nagpapapasok pa rin ng mga
dalaw

17. Colonel Valderama


- Akala ni Amanda noong una ay maari niyang lapitan upang hingan ng tulong ukol sa kaso ni Jules dahil malapit
ang loob niya ditto at di nito nakakalimutang kamustahin si Jules
- Minsan nang magkaroon ng okasyon sa kampo ay kasama nito ang pamilya nito,nakita ni Amanda na kinarga pa
niya bunsong anak, pinunasan ang dumi sa mukha, magilw na tumawa sa kung ano mang sinabi nito; inangat
niya ang isang kamay at magiliw na inakbayan ito, larawan ng isang magandang pamilya
- Nang ikuwento ni Amanda ang mga ito kay Jules ay nalaman niyang ito pa nga ang naunang nambugbog sa kanya
at kahit na nagmamakaawa na siya ay di pa naawa; dalawang rape cases na rin ang inihain ditto ng mga babaeng
political detainees

18. Colonel Banal


- Siya ay ang isa pang may hawak sa kaso ni Jules; colonel ng Judge Advocate General’s office
- Makalipas ang dalawang taon na pagkakakulong ni Jules ay napromote si Colonel Banal; siya ang nagrekomenda
ng release paper ni Jules at isang umaga, sa pagpunta ni Amanda sa kampo ay nasorpresa siya sapagkat nakalaya
na ito na kumakanta pa ng ‘We shall overcome . . .we shall soon be free!’ kasama ang iba pang nakalaya na

19. Marela
- Siya naman ang batang iniuwi ni Em sa kanilang bahay sa bandang huli ng nobela; walong taong gulang pa
lamang at survivor sa malagim na masaker sa isang baryo sa Samar noong 1981
- Ang baryo nila ay sinona, walang awang pinagpapatay ang apatnapu’t limang naninirahan doon; siya ay iniligtas
lamang ng kanyang katalinuha’t presence of mind; nang bumuga ang mga baril ay nagpatay-patayan siya, hindi
kumilos hanggang sa mag-alisan ang mga sundalo
- Isa rin siyang maituturing na bayani dahil noong nakarinig siya ng uha ng isang sanggol ay kinuha pa niya ito at
idinala sa bahay ng kapitan sa kabilang baryo
- Masasabing may trauma sa mga nangyari sa kanya sapagkat habang nanonood sila ni Bingo ng ma-aksiyong
palabas sa telebisyon ay bigla na lamang siyang nagtitili

Banghay

1. BUOD:

Nag-umpisa ang nobela sa pagpapakilala sa mga tauhan at nabigyang-pansin na ang nagkukuwento na si Amanda
ay isang uri ng asawang alipin ng makalumang paniniwala sa tungkulin ng babae at lalaki. Una’y di niya binigyang pansin
ang mga pangyayari sa kanyang kapaligiran subalit ng magsimula nang manaig ang damdaming aktibista ni Jules at ang
pagka-mapusok ni Gani ay nabahala siya ng lubusan. Unti-unti ay nagkaroon siya ng kuryosidad kung ano nga ba ang
dahilan ng ipinaglalabang prinsipyo ni Jules na katagalan nga’y tuluyan nang sumapi sa kilusang kalaban ng pamahalaan.
Bunga nito’y nagkaroon ng lamat ang relasyonang magpapamilya. Pati na rin ang iba pang anak na sina Em, Jason at
Bingo ay nakaranas ng sulinanin bunga ng batas militar.

Kinalaunan, dumaluhong ang iba’t ibang pagsubok sa pamilya Bartolome tulad nang pagkakakulong ni Jules, pag-
aawa’t maagang paghihiwalay ni Gani at Evelyn, pagbubulakbol ni Jason sa pag-aaral, pagtatanong ni Bingo sa nagyayari
at ang pagiging mapusok manunulat ni Em. Katagalan di’y di inaasahang namatay si Jason, biktima ng salvaging kaya
nagkaroon ng pagtatalo sina Amanda at Julian na halos umabot pa sa puntong nakikipaghiwalay siya ditto. Salamat
naman at di natuloy ang binalak gawin ni Amanda at dahil doon ay patuloy na hinarap na magkasama ng mag-asawa ang
lahat ng suliraning bunga ng batas military.

Sa huli, tagumpay na nalagpasan ng pamilya Bartolome ang mga pagsubok na nananatiling buo ang ugnaya’t
samahan sa isa’t isa. Nakita natin kung gaano kahalaga ang pagiging matibay ng pundasyon ng isang pamilya upang
makayanan ang lahat ng banta ng problema. Nagsilbi ang nobela na magandanag halimbawa ng pamilyang Pinoy na
kayang lagpasan ang lahat, na atin pa ring maiuugnay sa kasalukuyang panahon kahit na nangyari ito noong Dekada ’70.

2. MAHALAGANG PANGYAYARI:

1. Pagalis ni Jules para kumilos sa rebolusyon


2. Pagiging manunulat ni Emmanuel
3. Ang mga pangyayari kina Gani at Evelyn
4. Paghuli kay Jules ng pulis
5. Pagpatay kay Jason
6. Pagalis ni Jules sa kulungan
7. Paghiwalay nina Amanda at Jules

3. ELEMENTO NG BANGHAY/PANGYAYARI

SIMULA: Nag-umpisa ang nobela sa pagpapakilala sa mga tauhan at nabigyang-pansin na ang nagkukuwento na si
Amanda ay isang uri ng asawang alipin ng makalumang paniniwala sa tungkulin ng babae at lalaki. Una’y di niya
binigyang pansin ang mga pangyayari sa kanyang kapaligiran subalit ng magsimula nang manaig ang damdaming aktibista
ni Jules at ang pagka-mapusok ni Gani ay nabahala siya ng lubusan.

PATAAS NA AKSYON: Unti-unti ay nagkaroon ng kuryosidad si Amanda kung ano nga ba ang dahilan ng ipinaglalabang
prinsipyo ni Jules na katagalan nga’y tuluyan nang sumapi sa kilusang kalaban ng pamahalaan. Bunga nito’y nagkaroon ng
lamat ang relasyonang magpapamilya. Pati na rin ang iba pang anak na sina Em, Jason at Bingo ay nakaranas ng sulinanin
bunga ng batas militar.

KASUKDULAN: Ang pagpatay kay Jason ay pampagising kay Amanda sa bagay na ayaw niya pabayaan ang mga anak nila
at ito ay nagbigay sa kanya ng lakas para kausapin si Julian sa paningin niya kay Amanda na hindi siya isang housewife
lang at gusto niya kumilos para kay Jason. Si Jules at Emmanuel ay kumilos sa kanilang paging aktibo sa rebolusyon at sa
pagsulat. Sinundan ng nobela ang mga kilos nila.

PABABANG AKSYON: Nakalaya si Jules sa kulungan. Si Amanda naman ay natamo niya ang kaganapan ng kanyang
pagkatao sa pagtulong na kanyang ginagawa sa mga sugatang kasama na dinadala ni Jules. Pagtulong na bukal sa kanyang
puso, tungkulin na hindi naman iniatas sa kanya ninuman o isang obligasyon, na kahit gaano man kapanganib ay nagawa
pa rin niyang gampanan.

WAKAS: Bumalik si Jules at kanyang asawa sa rebolusyon. Ang paghiwalay nila Julian at Amanda ay natuloy at
pinagusapan ni Amanda ang balak niya gawin at yan ay magparinig ng boses rin sa rebolusyon pagkatapos sa pagpatay
kay Ninoy. Nagsamasama rin ang buong pamilya nila para manood ang dula ni Emmanuel. Sa huli, mapapansin natin na
tila ang mga anak pa mismo nina Amanda at Julian ang nag-aakay sa dalawa upang harapin ang kanilang tungkulin bilang
isang mamamayan. Sa tindi ng paninindigan ng magkakapatid, kahit na kapus-kapalaran ang sinapit ng isa sa kanila, si
Jason, ay di pa rin sila nasisiraan ng loob na ipaglaban ang karapatan ng bawat mamaayan at ang kalayaang hinihingi ng
mga ito.

SULIRANIN

a. Maagang Pagpapakasal ni Gani

- Ito ang maituturing kong unang medyo mabigat na suliranin ng pamilya Bartolome sapagkat si Gani ay isang
lalaki, ikinokonsedarang nang-agrabyado sa kanyang kasintahan na si Evelyn at ito ang na-agrabyado, kaya’t kinakailangan
talagang panagutan niya ang kanyang kapusukan. Sa mapanuring mata ng lipunan, maaaring makasuhan si Gani sakaling
siya’y tumalikod na lang at tiyak na masisira ang magandang reputasyon ng pamilya Bartolome.

b. Pagkakasangkot ni Jules sa ‘NPA’

- Hindi man tahasang sinabi na NPA nga yun, obyus naman na sa isang kilusang laban sa pamahalaang Marcos
ang kinasangkutan ni Jules. ‘Ano naman ngayon?’ Well, dear, dahil sa sinuspende na rin ang writ of habeas corpus ay
delikado na para sa mga tulad ni Jules sapagkat mas mapapadali na ang pag-aresto sa kanila sakali mang sila’y
paghinalaan. Natural, madadamay na rin ang buong pamilya dahil concern lang naman sila sa kadugo nila, gets? Seriously
speaking, nabahala na talaga ang pamilya Bartolome higit na si Amanda dahil sa sunud-sunod na paghuli sa mga rebelde,
baka mahuli rin si Jules.

c. Paghihiwalay nina Gani at Evelyn

- Pinilit mang sagipin pa ni Amanda ang relasyon ng dalawa ay desido na talaga si Evelyn. Isa siyang babaeng di
kinatatakutan ang iisipin ng iba bagkus mas pinahahalagahan niya ang sariling kaligayahan, which is okay di ba? Kaya
ayun tuloy si Amanda, medyo nainggit sa kanyang lakas ng loob na makipaghiwalay at magtrabaho kahit na babae.

TUNGGALIAN

a. Tao Laban sa Sarili

- Ito ay kitang-kita kay Amanda na nakakulong na sa ‘tradisyon’ ng kasalukuyang panahon noon dahil kahit na may gusto
siyang iparating kay Julian o dili kaya’y gawin ay di niya maisakatuparan sa kadahilanang ‘makaluma’ rin si Julian. Isa
pang dahilan ay ang lipunang mapanghusga, bunga nito, si Amanda ay nagkakaroon ng pagtatalo sa kanyang isipan kaya
nga madalas niyang kausapin ang kanyang sarili ukol sa mga bagay-bagay na gumugulo sa kanya.

- Hindi man halata, para sa akin ay nagkaroon din ng tunggalian si Julian sa kanyang sarili at dahil di naman siya ang
nagsasalita sa nobela o persona ay kinakailangang pakasuriing mabuti ang kanyang mga salita’t kilos. Mababatid na sa
una’y animo todo ang bilib niya sa kanyang sarili bilang isang lalaki, na animo isa siyang manhid at walang damdamin na
ama’t asawa. Ngunit, habang patuloy na nararanasan nila ang mga daluhong ng buhay ay nagkaroon siya ng pagbabago.
Sige, pakaisipin mo’t makikita mo siya sa katapusan ng nobela na nabuksan na rin ang isipan.

- Maging ang limang anak ni Amanda ay masasabing nagkaroon ng kanya-kanyang tunggalian sa kanilang mga sarili. Ika
nga diba – parte yan ng paglaki ng tao, ganyan talaga ang buhay! Una, si Jules, sa kanyang pagiging simpleng aktibo sa
eskwelahan ay naging gitarista ng isang kilusang makabayan at katagala’y nagging political officer na nga.

- Sunod nama’y si Gani na naging mapusok man kaya napaaga ang pag-aasawa ay nagkaroon pa rin naman ng direksyon
sa buhay. Maituturing na kasalungat ni Jules dahil mas pinanaig niya ang praktikalidad kaysa sa pagmamahal sa bayan.
Sarili niya iyong desisyon at walang sino mang pumigil sa kanyang ninais.

- Ikatlo ay si Em na isa ring aktibista na tulad ni Jules subalit sa paraan ng pagsusulat. Ang pluma at papel ang ginawa
niyang sandata upang ipaglaban ang kanyang paninindigan.

- Ikaapat ay si Jason na malamang ay talagang nakipagtunggali sa sarili dahil tipong nagbulakbol siya hanggang sa
napabarkada at ang kinalabasan tuloy napadali ang kanyang buhay dahil sa kanyang pagiging mapusok na bata.

- Ikalima ay si Bingo na bagama’t bunso ay siyang may pinakamahirap na sitwasyon sa lima dahil siya ang bunso, siya ang
sumasalo sa lahat ng mga kabiguan ng kanyang mga kapatid. Siya na lang ang natitirang pag-asa nina Amanda’t Julian,
kaya nga siguro gagayahin na lang niya ang ama na isang inhenyero.-

b. Tao Laban sa Tao

- Ang pakikipaglaban ni Jules at ng kanyang kilusan laban sa PC-Metrocom o military ay mayroong pisikal na labanang
nagaganap tulad ng ‘encounter’ kung saan may nasugatan at namatay. Halimbawa ay ang nangyari kay Rene na
natamaan ng bala sa pakikipaglaban.
- Gayundin naman ang nangyaring pambubugbog ni Colonel Valderama kay Jules nang siya’y mahuli dahil sa pag-amin na
rin ng iba nang naunang nasukol.

c. Tao Laban sa Diyos

- Isa ito sa mga pinakasikat na parte ng nobela kaya naman pinag-aagawan ng maraming pangkat para isadula, ang
pakikipag-usap ni Amanda sa Diyos. Wow hebigat noh! Sa eksenang iyon ay nakakatuwang tila sinasagot-sagot ni
Amanda ang Diyos at supalpal talaga di ba? Alam naman nating likhang-isip niya lamang iyon subalit naroroon ang
katotohanang may punto si Amanda at totoo naman ang mga sinasabi niya eh.

Paggamit ng mga Simbolismo

1. Ang Tula ni Gibran Kahlil Gibran

Ang inyong anak ay hindi n’yo anak,

Sila’y mga anak na lalaki’t babae ng buhay!

Nagdaan sila sa inyo ngunit hindi inyo,

At bagama’t pinalaki n’yo, sila’y walang

pananagutan sa inyo . . .

- Ipinahihiwatig nito ang pagnanais ni Lualhati ma ipabatid sa ating lahat na ang sinuman ay hindi pag-aari ninuman. Sa
ngayon, dahil kaming mga kabataan ay umaasa pa lamang sa mga magulang ay maituturing na pag-aari pa rin nila ngunit
sa oras na makapagtapos na kami ng pag-aaral ay masasabi na naming nakahulagpos na kami sa kadena ng pagmamay-
ari, tulad ng mga binata ni Amanda.

2. Paghahalintulad ni Amanda sa mga Bata’t Ibon

- Noong nakita ni Amanda na tila paiyak na si Bingo dahil lumipad ang kanyang mga kalapati ay bigla na lang niyang naisip
ang pagkakatulad ng ibon at mga bata. Tulad ng mga kalapati, ninanais din nating mga kabataan ang tumuklas ng mga
bagay-bagay sa sarili nating paraan, nang walang tulong ng mga magulang. Gusto natin tayo lang, iyong walang
nakikialam, para sa atin yun ang tunay na kalayaan – ang pagtuklas sa realidad ng mundo na tayo lang talaga.

3. Pagkakaiba nina Jules at Gani ng Panig

- Parang napaka-ironic kasi si Jules NPA, makabayan at anti-government/American tapos si Gani naging US Navy,
nadestino sa ibang bansa at doon na talaga nanirahan, in short parang gatas at kape ang pagkakaibe ng kanilang mga
pninindigan. Ipinapakita lang nito na noong panahon ng batas militar ay kahit na mismong magkapatid ay nagiging
magkalaban, nagkakasakitan, nagkakaaptaayan at yan ang kinakatukan ni Amanda. Mabuti na lamang at hindi na rin
nagpulis si Bingo dahil baka maging PC-Metrocom siya at makalaban pa si Jules sa isang welga.

4. Paraan ng Pagkamatay ni Jason\Kinahinatnan

- Ang nangyaring ito kay Jason ay hango pa talaga sa totoong buhay, kay Boyet na natagpuang patay sa likod ng Ramada
Hotel – labimpito ang saksak niya, tagos sa baga ang iba, tuhog pati puso, may marka ng itinaling alambre sa pulso niya,
talop halos ang siko, tastas pati hita’t tuhod, basag pati bayag. Ipinaparating lamang nito ang napakaraming nangyayaring
kawalang-hustisya noon pa man na hanggang ngayon ay patuloy na dumarami ang biktima. Ito ay maaari na ring dahil sa
patuloy na paghihirap ng ating kalagayan sa buhay kaya maraming napipilitang kumapit sa patalim.
Paglalapat

Talaga nga namang napakaraming naiambag ng Dekada ’70 sa aking kamulatan. Nabuhay ang aking damdaming
nasyonalismo dahil sa impluwensya ni Jules na kahanga-hanga ang pagmamahal sa lipunan. Nabuhay din ang aking
pagpapahalaga sa pamilya na kahit na nga hindi ganun kaganda ang aming samahan ay kahit napapaano ay nabatid kong
kami-kami rin ang magdadamayan sa lahat ng unos ng buhay. Kami-kami rin pala ang talagang dapat na umunawa sa isa’t
isa dahil makikita dito ang klase ng lipunan ng iyong ginagalawan.

Para naman sa ating ‘Perlas ng Silanganan,’ nagsisilbi itong hamon sa tanang mamamayang Pilipino na nawa’y
huwag sayangin ang dugo’t pawis na inialay ng dating pilit na kinalaban ang mapang-abusong epekto ng masalimuot na
lipunan sa ilalim ng batas-militar.

Dugtungan

- Bilang mag-aaral sa Filipino ay napag-alaman kong hindi lamang sa Araling Panlipunan higit na mauunawaan
ang kasaysayan o mga dating pangyayari sa isang lipunan. Dahil maging ang asignaturang ito, Filipino, ay maaari rin
palang maging mas higit na kawili-wili ang dating ng kasaysayan, tulad ng Dekada ’70. Labis-labis ang naging kagalakan ko
at naabutan ko pa ang taon ng simula ng pag-aaral ng mga akda ni Lualhati Bautista, ang mapangahas na manunulat ng
Pilipinas.

- Sa nobelang ito, lalong sumidhi ang pagka-Pilipino ko dahil ipinakita ng Dekada ang mga bagay-bagay na
parehong katangi-tangi at di kaaya-aya sa ating Inang Bayan. Anupa’t mismong mga tao nito, tayong mga Pilipino ay may
paninindigang di mabibili ninuman, kahit na ang pinakamakapangyarihan sa tanang bansa na Amerika. Tandaan, ang
Pilipinas ay para sa ‘ting mga Pilipino at ang Amerika’y para sa Amerikano kaya walang silang karapatang angkinin ang
lupain ng Perlas.

- Maganda ang nobela dahil ang mga pangyayari ay batay sa totoong nangyari noong panunungkulan ni Marcos.
Ang paraan ng pagsasalaysay na ginamit ay nakakahatak ng interes upang magbasa nang magbasa at ang pagkakaayos ng
mga eksena ay mahusay na napagsunud-sunod sa tamang kalagyan upang magkaroon ng ugnayan nag bawat isa. Sa
unang basa mo pa lang ay mahahatak ka na talaga sa mundo ni Lualhati noong dekada sitenta.

Karagdagan

1. Pinaka-paboritong linya sa nobela:

“It’s a man’s world but . . .

It’s a woman’s world too!” (You know!)

2. Diyalogo

- Taglish

Aral / mensahe

Ang “Dekada 70” ay isang nobela na tunay na makabayan. Sinasalamin nito ang mga taong tumatahak sa
kanilang mga landas na may gusting patunayan. Ang mga tao sa likod nito ay may kakayahang makapagpalabas ng isang
buhay na larawan ng isang pamilyang dumanas ng mga problema. Sa mga kasuotan at mga gamit dahil ito ay naganap
noong mga 1970 naipakita ang mga kasuotan at mga gamit na talagang pang 1970.

Maganda ang kwento at nagsasabi sa atin na kailangan nating ipaglaban ang ating mga karapatan bilang isang
mamamayan sa isang malinis na paraan. Makikita na upang makalaya tayo sa pagkaalipin may mga taong nagsisikap na
mapaalis ang mga taong mapang-api gaya ni Jules at ng kaibigan niya na hinangad ang kabutihan ng isang bansa at di
lamang sa pansarili. Nakalulungkot nga lang at namatay si Jason na kapatid ni Jules dahil sa paglaban nito sa pamahalaan.
Nakaantig damdamin ang mga pinagdaanan ni Amanda bilang isang ina dahil masakit para sa kanya ang mawalan ng
anak at maghirap ang mga ito.

Sa kabuuan ng kwento, masasasabing maganda ito sapagkat naipakita at nagbigay ng aral ito sa mga manonood.
Bagamat kalunos-lunos ang nangyari sa pamilyang ito ay nakapagsimula silang muli at nagiging makabayan na. Masasabi
nating sa kasalukuyan ay maaaring mangyari ito dahil sa gulo ng ating pamahalaan. Kaya maging mapagmasid tayo sa
lahat ng oras at gawing mapayapa ang inyong gagawin. Isa lang ang tanong sa kwentong ito “Paano mo palalakihin ang
iyong mga anak sa panahon ng katiyakan.

Talaga nga namang napakaraming naiambag ng Dekada ’70 sa aking kamulatan. Nabuhay ang aking damdaming
nasyonalismo dahil sa impluwensya ni Jules na kahanga-hanga ang pagmamahal sa lipunan. Nabuhay din ang aking
pagpapahalaga sa pamilya na kahit na nga hindi ganun kaganda ang aming samahan ay kahit napapaano ay nabatid kong
kami-kami rin ang magdadamayan sa lahat ng unos ng buhay. Kami-kami rin pala ang talagang dapat na umunawa sa isa’t
isa dahil makikita dito ang klase ng lipunan ng iyong ginagalawan.

Para naman sa ating ‘Perlas ng Silanganan,’ nagsisilbi itong hamon sa tanang mamamayang Pilipino na nawa’y
huwag sayangin ang dugo’t pawis na inialay ng dating pilit na kinalaban ang mapang-abusong epekto ng masalimuot na
lipunan sa ilalim ng batas-militar.

Bilang mag-aaral sa Filipino ay napag-alaman kong hindi lamang sa Araling Panlipunan higit na mauunawaan ang
kasaysayan o mga dating pangyayari sa isang lipunan. Dahil maging ang asignaturang ito, Filipino, ay maaari rin palang
maging mas higit na kawili-wili ang dating ng kasaysayan, tulad ng Dekada ’70. Labis-labis ang naging kagalakan ko at
naabutan ko pa ang taon ng simula ng pag-aaral ng mga akda ni Lualhati Bautista, ang mapangahas na manunulat ng
Pilipinas.

- Sa nobelang ito, lalong sumidhi ang pagka-Pilipino ko dahil ipinakita ng Dekada ang mga bagay-bagay na parehong
katangi-tangi at di kaaya-aya sa ating Inang Bayan. Anupa’t mismong mga tao nito, tayong mga Pilipino ay may
paninindigang di mabibili ninuman, kahit na ang pinakamakapangyarihan sa tanang bansa na Amerika. Tandaan, ang
Pilipinas ay para sa ‘ting mga Pilipino at ang Amerika’y para sa Amerikano kaya walang silang karapatang angkinin ang
lupain ng Perlas.

- Maganda ang nobela dahil ang mga pangyayari ay batay sa totoong nangyari noong panunungkulan ni Marcos. Ang
paraan ng pagsasalaysay na ginamit ay nakakahatak ng interes upang magbasa nang magbasa at ang pagkakaayos ng mga
eksena ay mahusay na napagsunud-sunod sa tamang kalagyan upang magkaroon ng ugnayan nag bawat isa. Sa unang
basa mo pa lang ay mahahatak ka na talaga sa mundo ni Lualhati noong dekada sitenta.

Puna / suhestiyon

Dahil nga nagaganap ang istorya sa panahon ng batas militar, maaasahan nating marami sa mga tema ng pelikula
ay may bahid-pulitikal. Sa katunayan, mainam nitong isinasalarawan ang masalimuot na panahong ito sa ating
kasaysayan. Maigting na ipinapakita ang mga nag-aalab na damdamin ng mga aktibistang-estudyante sa iba’t ibang
paraan. Nariyan ang tapang nila sa harap ng karahasan ng Metrocom sa mga nagra-rally, ang pagkakasal sa isang
magkasintahan kasama sa kilusan kung saan sa halip na puting belo ay pulang bandilang komunista ang ibinabalabal at sa
halip na singsing ay kuwarenta y singkong baril ang hahawakan nila, at iba pa. Si Jules, bilang panganay at estudyanteng
kolehiyo, ang “mamumulat” sa ganitong mga pangyayari sa kanyang kapaligiran.

You might also like