You are on page 1of 2

Panliligaw Noon at Panliligaw Ngayon

Yes naranasan kunang maligawan. Kung ating alalahanin kung ano ngaba ang panililigaw
noon at panliligaw  ngayon. Talaga namang   mas nanaiisin nating  bumalik na lamang sa
panahon na uso pa ang pahirapang panliligaw  sa babae upang makuha lamang ang kanyang 
matamis na oo  dahil pahirapan ang panliligaw  noon ang lalaki ay kinakailangan dumaan muna
sa butas ng karayom upang makuha lamang ang matamis na oo ng kanyang sinsinta. Ang
panliligaw  noon ay nag sisimula lamang sa liham  sa babae na nagpapahayag ng kanyang
nararamdaman , sila ay gumagamit ng makata at matatamis  na salita  sulat ng lalaki at patungkol
sa kanyang iniibig. Hindi lamang sa  pagsulat ng liham  nagtatapos ang kanyang sinseryong 
panliligaw  kundi  idadaan din ito sa pang haharana  sa tapat ng bahay  ng babae. kadalasan
nagsasama  pa ito ng kaibigan  sa pang haharana at umaawit ng mga awitin  na nag papahayag 
ng kanyang  nararamdaman  sa babae kahit  hindi  kagandahan  ang boses. Kailangan  ding
makuha  ng lalaki hindi  lamang  ang pag ibig ng kanyang sinisinta  maging ang kanyang mga
magulang  at kailangan  ligawan  upang sumang  ayon sila sa kanyang  panliligaw . Siyempre
hindi madaling makuha ang pag sang ayon ng mga magulang dahil bago pumayag ang mga
magulang ng babae ang lalaki ay dadaan muna  sa maraming pagsubok na ipapagawa  mg
magulang katulad  na lamang ng pagsisibak mg kahoy, pag iigib ng tubig   gingawa  ito ng
magulang hindi para pahirapan ang lalaki  kundi upang  malaman , masuri at makilatis  ng mga 
magulang  kung itong si lalaki ay karapat  dapat  sa kanilang  anak na babae  sinusukat  din ito
ang dererminasyon , at katatag ng lalaki sa pamamagitan ng pag sisipag, matiyaga  at kakatagan 
ng  lalaki. Kasabay ng pag iba ng panahon o henerasyon ay napalitan nadin  maging ang paraan
ng panliligaw  na maging ang mga magulang at hindi kayang sumabay  sa uso na ginawa at 
tuluyan  ng nawala  ang sen siridad  at pag titiyaga  sa panliligaw  . Kung noon kinakailangan  pa
munang  pumunta ng lalaki sa  bahay  ng babae upang manligaw  ngayon  marami sa mga
kabataan  ang nagliligawan  nalamang sa text, call , chat at maging sa daan  hindi na
kinakailangan  ng pahintulot ng mga magulang ng babae upang makuha lamang ang matamis na
oo maging ang pag titiyaga, pag sisipag at dererminasyon sa panliligaw ay nawalan na din ng
saysay. Hindi narin uso ang pag sulat ng liham  dahil na dadaan nalamang sa unli text, unli call,
unli chat at iba pa dahil meron namang load at  wifi kahit   mag damagang  mag katawagan ay
maari munang makausap  ang sinisinta. Marami nading mga babae ang sila na mismo ang nag
bibigay  motibo o  naliligaw  sa  mga lalaki  na kanilang nagugustuhan. Ngunit dahil madali 
lamang nakuha ang gusto ngayon maging sa panliligaw  ay marami ang nag hihiwalay matapos
lamang ng ilang lingo kanilang  pagiging  mag karelasyon . Hindi narin binibigyan ngayon ang
pag sang ayon ng magulang dahil sinasabi nila na iba na henerasyon ngayon hindi na binibigay
halaga  ang payo at pahintulot ng mga magulang o nakakatanda.malaki na malaga ang pag pag
babago ngayon sa kasalukuyan  ngunit huwag  nating kalimutan  na bigyan halaga  din nating
mga kababahihan ang ating sarili huwag tayong maging easy to get hayaan muna nating nakita
na pagiging ma effort , matiyaga ng lalaki kung hanggang saan  niya kayang panindigan  ang pag
ibig niya para sayo at kayang gawin ang lahat makuha kalamang na hindi nadadaan  sa madalian.

You might also like