Hannah

You might also like

You are on page 1of 1

Isa sa mga pinakamakahulugan at pinakamasayang pangyayari na dapat maranasan ng isang

indibidwal ay ang makapaglakabay sa iba’t-ibang lugar. Ito ay isang gawain na kung saan ay
napapahalagahan mo ang ganda ng kalikasan, mga nagtataasang mga anyong lupa, bughaw na dagat na
napapaligiran ng malanyebeng butil ng buhangin, at buhay na ekosistema ng kapaligiran. Marahil sa iba
ito ay pampalipas oras at gastos lamang ang paglalakbay, para sa akin ito ay isang aktibidad na kung
saan ikaw ay nagkakaroon ng “peace of mind”, nakakalimutan ang mga negatibo o mga hindi
magagandang karanasan sa lugar na kinalakihan mo.

Ang Biyahe ni Drew ay isang programa sa GMA-7 na kung saan ay itinatampok niya ang ganda ng
tanawin, mga masasarap na pagkain, at ang tradisyon at kultura ng komunidad na kanyang
pinupuntahan. Si G. Drew Arellano ang host na nasabing palabas at mahigit na 8 taon na itong umeere
sa telebisyon.

You might also like