You are on page 1of 25

1

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 1:
Batayang Impormasyon Tungkol sa
Sarili
Araling Panlipunan – Unang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Batayang Impormasyon Tungkol sa Sarili
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Prescila A. Ascuna
Editor: Amalia C. Solis
Tagasuri: Myrna G. Soriano
Tagaguhit: Name
Tagalapat: Name
Tagapamahala: Malcolm S. Garma, Regional Director
Genia V. Santos, CLMD Chief
Dennis M. Mendoza, EPS In Charge of LRMS
Regional ADM Coordinator
Maria Magdalena M. Lim, CESO V, Schools Division Superintendent
Aida H. Rondilla, CID Chief
Lucky S. Carpio, EPS In Charge of LRMS
Division ADM Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – National Capital Region

Office Address: ____________________________________________


Telefax: ____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
1

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 1:
Batayang Impormasyon Tungkol sa
Sarili
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang (Araling Panlipunan
Baitang 1) ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa
araling Batayang Impormasyon Tungkol sa Sarili !
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri
ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral
sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita
ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na
ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa (Araling Panlipunan at Baitang
1) ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa (
Batayang Impormasyon Tungkol sa Sarili ) !
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo


ang mga dapat mong matutuhan
sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin


kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-


aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong


aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

iii
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para


sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga


katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong


matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

iv
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa
Gawain
iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman
o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang


sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng


modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

v
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa
modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha
ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

vi
Alamin

Gusto mo bang malaman kung paano mo ipakikilala ang


iyong sarili sa iyong katabi o sa iyong kaibigan?

Sa araling ito ay makikilala mo ang iyong sarili sa tulong ng


mga impormasyong tatalakayin.

Ang modyul na ito ay nahahati sa dalawang aralin, gaya ng


sumusunod:
• Aralin 1 – Ang Aking Sarili
• Aralin 2 – Iba pang Pagkakakilanlan at mga Katangian
bilang Pilipino

Pagkatapos ng aralin sa modyul na ito, ang mag-aaral ay


inaasahang:
1. Nasasabi ang batayang impormasyon tungkol sa sariling
pangalan, pangalan ng magulang, kapanganakan, edad,
lugar ng tirahan at pangalan ng paaralan ( AP1NAT-Ia-1)
2. Nasasabi ang batayang impormasyon tungkol sa iba pang
pagkakakilalnlan at mga katangian bilang Pilipino( AP1NAT-
Ia-2, AP1NAT-Ib-3 );

Subukin

Bilang isang mag-aaral sa unang baitang. paano mo


ipakikilala ang iyong sarili sa iyong katabi?

1
Aralin

1 Ang Aking Sarili

Unang araw ng pasukan. Ang lahat ng mag-aaral ay


binibigyan ng pagkakataon na maipakilala ang kaniyang sarili sa
harap ng kaniyang guro, mga kaklase at bagong kaibigan.

Balikan

Sagutin ang mga tanong:


1. Kilala mo ba ang iyong katabi?

_____________________________________________________

2. Ano kaya ang mga batayang impormasyon tungkol sa


kanya?
_____________________________________________________

3. Paano mo kaya siya makikilala ng lubusan?


______________________________________________________

4. Paano ka naman makikilala ng iyong katabi?

______________________________________________________

2
Mga Tala para sa Guro
Pangunahing layunin ng modyul na ito na
matutuhan at maunawaan ng mga mag-aaral ang
mahahalagang kasanayan sa pagkatuto. ito ay
may katulad na aralin online. Bilang
tagapagpadaloy ng modyul na ito, inaasahang:
1. Magsagawa nang masusing pagsubaybay sa
progreso ng mga mag-aaral sa bawat Gawain.
2. Magbigay ng feedback sa bawat lingo sa
gawa ng mag-aaral.
3. Magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa
magulang/ guardian upang matiyak na
magagawa ng mga mag-aaral ang mga
gawaing itinakda sa modyul.
4. Maisakatuparan nang maayos ang mga
gawain sa pamamagitan ng pagbibigay nang
malinaw na instruksiyon sa pagkatuto.

3
Tuklasin

Gawain 1: Halina at Magpakilala tayo!


Sa inyong klase, itanong mo sa iyong katabi ang batayang
impormasyon tungkol sa kaniyang sarili tulad ng kaniyang
pangalan, pangalan ng magulang, kaarawan, edad, lokasyon ng
tirahan, pangalan ng paaralan. Pagkatapos ay sabihin mo rin
ang iyong batayang impormasyon sa iyong katabi.
1. Anong impormasyon tungkol sa sarili ang iyong ibinahagi sa
iyong katabi?

________________________________________________________
2. Anong impormasyon ang ibinahagi ng iyong katabi sa iyo?

_________________________________________________________

Suriin

Alam mo bang maari mong maipakilala ang iyong sarili


gamit ang mga batayang impormasyon ng iyong
pagkakakilanlan tulad ng pangalan, magulang, kaarawqn, edad,
tirahan, paaralan at iba pang pagkakakilanlan at mga katangian
bilang Pilipino. Ito ay magiging gabay mo upang lubos na
maipakilala ang iyong sarili sa iyong guro, kamag-aral, mga
kalaro at sa iba pang tao.
Halika, tingnan natin kung paano ipinakilala nina Darwin at
Princess ang kanilang sarili sa isa’t isa.

4
Pakinggan muna natin si Darwin.

Ako si Darwin A. Porto.


Ang aking mga
magulang ay sina Efren
G. Porto at Lina A. Porto.
Ipinanganak ako noong
Hunyo 9, 2014. Ako ay
anim na taong gulang.
Ako ay nakatira sa 143
Roxas St. Tundo,
Maynila. Ako ay nag-
aaral sa Paaralang
Amado Lim.

Pakinggan naman natin ngayon si Princess.

Ako si Princess P. Aguado.


Ang aking mga magulang ay
sina Donnie E. Aguado at
Celia P. Aguado. Ipinanganak
ako noong Hulyo 1, 2014. Ako
ay anim na taong gulang. Ako
ay nakatira sa 365 Jacinto St.
Tundo, Maynila. Ako ay nag-
aaral sa Paaralang Vicente
Hernandez.

5
Kaya mo rin ba ang ginawa nina Darwin at Princess na
pagpapakilala ng kanilang sarili? Ikaw naman ngayon ang
magpakilala ng iyong sarili.

Pagyamanin

Gawain 2: Bakit ito ang Pangalan ko?

Subuking tanungin ang iyong magulang o tagapag-alaga


kung bakit ito ang ibinigay nilang pangalan sa iyo. Isulat sa loob
ng bituin ang iyong unang pangalan. Isulat naman sa loob ng
bilog ang dahilan kung bakit ito ang ibinigay sa iyong pangalan.

Nagawa mo ba ang gawain tungkol sa iyong pangalan?


Magaling !!!
Binabati kita!!!

6
Ngayon ay tingnan natin kung gaano mo kakilala ang iyong
mga magulang.
Handa ka na ba sa sunod na gawain ng ating aralin? Kung
handa ka na, halina at sagutin natin ang susunod na pagsasanay
na lubos na magpapakilala sa iyong sarili at sa iyong pamilya.
Gawain 3 : Ang Aking Pamilya!
1. Subuking tanungin ang iyong nanay at tatay kung ano ang
pangalan nila.
2. Magpatulong na iguhit sa loob ng bahay ng inyong pamilya.
Pagkatapos ay isulat ang hinihinging impormasyon sa
patlang.

Ito ang pamilya _________________________________.


Ang aking ama ay si _____________________________.
Ang aking ina ay si ______________________________.
Ano ang naramdaman mo ngayong alam mo na ang
pangalan ng iyong mga magulang ? Sa susunod na gawain ay
aalamin natin kung alam mong sabihin ang iyong edad.

7
Gawain 4 : Ilan taon ka na?

Sa tulong ng iyong magulang o nakatatanda sa iyo, gumuhit


ng kandila ayon sa iyong edad sa ibabaw ng keyk. Kulayan ito .

https://pixabay.com/vectors/cake-birthday-sugar-icing -party-307465

Nakaguhit ka ba ng kandila sa ibabaw ng keyk ayon sa


iyong edad? Ano ang iyong naramdaman habang ginagawa mo
ang gawain?

Sa ating talakayan ay natutuhan mo rin ang aralin tungkol


sa tirahan at paaralan. Ang susunod na gawain ay tungkol sa
lokasyon ng iyong sariling tahanan at pangalan ng paaralan.
Kaya mo pa kayang gawin ang susunod na gawain tungkol
dito? Handa ka na ba?

Gawain 5 : Ang Tahanan ko at Paaralan !


Sa tulong ng iyong magulang o nakatatanda sa iyo, punan
ang patlang ng mga hinihinging impormasyon.
Ako ay nakatira sa _____________________________________________
_______________________________________________________________.
Ako ay nag-aaral sa _________________________________________
____________________________________________________________.
Magaling!!!
Naisagawa mo nang buong husay ang mga gawain tungkol
sa iyong pagkakakilanlan.

8
Aralin
Iba pang
Pagkakakilanlan at mga
2 Katangian bilang Pilipino

Bukod sa mga nabanggit, may iba pang batayang


impormasyon tungkol isang batang tulad mo ang maaring
pagkakilanlan. Tulad ng mga pisikal na katangian at iba’t ibang
kakayahan. Kilalanin pa natin ng lubos sina Darwin at Princess.

Ako si Darwin. Tuwid ang aking buhok.


Bilugan ang aking mga mata.
Katamtaman ang tangos ng aking ilong.
Kulay kayumanggi ang aking balat.
Mahilig akong maglaro ng basketbol.
Bago maglaro, ay tumutulong muna ako
sa gawaing bahay. Kaya masasabi kong
ako ay isang batang masipag.

Ako si Princess. Tuwid ang aking


buhok. Singkit ang aking mga
mata. Matangos ang aking ilong.
Maputi ang aking balat. Magaling
akong gumuhit at magkulay.
Inililigpit at inaayos ko ang aking
mga gamit pagkatapos ko itong
gamitin. Masasabi kong ako’y
isang batang masinop.

9
Ikaw, kaya mo bang ilarawan ang iyong pisikal na
katangian? Kaya mo bang sabihin kung ano- ano ang mga
bagay na kaya mong gawin? Subukan mong sagutin ang
kasunod na gawain.

Pagyamanin

Gawain 6 : Ang mga Katangian ko!


Magdikit ng iyong larawan sa loob ng kahon. Bilugan ang mga
salitang naglalarawan sa iyong katangian.

Mata
singkit
mabilog

Buhok
tuwid
kulot

Kulay ng balat
maputi
kayumanggi

10
Isaisip

Mahalagang malaman mo ang iyong iyong pangalan, mga


magulang, kaarawan, edad, at tirahan, paaralan at iba pang
katangian bilang Pilipino.
Magagamit mo ang mga ito sa pagpapakilala sa mga
bagong kaibigan, kaklase, at kalaro.

Isagawa

1. Bakit mahalagang malaman mo ang mga batayang


impormasyon tungkol sa iyong sarili?
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
_________________________________________________________

_________________________________________________________

11
Tayahin

A. Basahin ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Unang araw ng pasukan. Gusto mong magpakilala sa iyong


mga kaklase. Ano ang sasabihin mo?
A. Ako ay anim na taong gulang.
B. Ako ay si Ana G. dela Cruz.
C. Ako ay nakatira sa Tundo, Maynila.
D. Ako ay nasa unang baitang.

2. Galing ka sa palaruan. Naliligaw ka. May nakita kang pulis.


Ano ang sasabihin mo?
A. Ako ay si Ana G. dela Cruz.
B. Ako ay anim na taong gulang.
C. Ako ay nakatira sa 143 Jacinto St. Tundo, Maynila.
D. Ako ay ipinanganak noong Hunyo 6, 2014.

3. Itinanong ng guro kung kailan ka ipinanganak. Ano ang


iyong sasabihin?
A. Ako ay si Ana G. dela Cruz.
B. Ako ay anim na taong gulang.
C. Ako ay nakatira sa 143 Jacinto St. Tundo, Maynila.
D. Ako ay ipinanganak noong Hunyo 6, 2014.

4. Kaarawan mo. Tinanong ka ng iyong kaklase kung ilang


taon ka na. Ano ang sasabihin mo?
A. Ako ay anim na taong gulang.
B. Ako ay si Pamela.
C. Ako ay nakatira sa Maynila.
D. Ako ay nasa unang baitang.

12
5. May bago kang kaibigan. Itinanong niya kung saan ka nag-
aaral. Ano ang sasabihin mo?
A. Ako ay nasa unang baitang.
B. Ako ay nag-aaral sa Paaralang Quezon.
C. Ako ay anim na taong gulang.
D. Ako ay may dalawang kapatid.

B. Iguhit ang kung tama ang sinasabi ng pangungusap


at kung mali ang sinasabi ng pangungusap.

_________6. Iba-iba ang anyo ng mga Pilipino.

_________7. Kulay kayumanggi ang kulay ng karamihan sa


mga Pilipino.

_________8. Lahat ng Pilipino ay may matangos na ilong.

_________9. Katamtaman ang laki ng mata ng karaniwang


Pilipino.

_________10. Tuwid ang buhok ng mga Pilipino.

13
Karagdagang Gawain

Isulat sa patlang ng mga batayang impormasyon tungkol sa


iyong sarili. Magdikit ng larawan ayon sa hugis nito.

___________________________

Paaralan
______________________________
____________________________

_____________________________

Tirahan

______________________________ ____________________________
Pangalan Pangalan ng Ama
_____________________________

Baitang at Seksyon ____________________________

Pangalan ng Ina
__________________________

Petsa ng kapanganakan/Edad

14
15
Pagyamanin
Gawain 2: Bakit ito ang Pangalan ko?
Tingnan kung naisulat ng mag-aaral ang kanyang pangalan sa loob ng
bituin at sa bilog ang dahilan kung bakit ito ang ibinigay sa kanya na pangalan.
Gawain 3 : Ang Aking Pamilya!
Tingnan kung naisulat ng mag-aaral hinihinging impormasyon tungkol sa
kaniyang pamilya.
Gawain 4 : Ilang Taon Ka na?
Bilangin kung tama ang dami ng kandilang iginuhit ayon sa edad ng mga
mag-aaral.
Gawain 5 : Ang Tahanan ko at Paaralan !
Bigyang puntos kung naisulat nang wasto ng mag-aaral ang hinihinging
impormasyon tungkol sa lugar ng tirahan at pangalan ng paaralan.
Gawain 6 : Ang mga Katangian ko!
Tingnan ng personal kung tama ang paglalarawan ng bata sa kanyang
sarili.
Subukin Tuklasin :
Tawagin ang ilang Gawain 1:
mag-aaral at hayaang
Pakinggan ang mag-
ipakilala ang kanilang
aaral kong
sarili sa mga kamag-
nakapagbahagi ito sa
aral.
kaniyang katabi ng
batayang
impormasyon tungkol
sa sarili
Susi sa Pagwawasto
patlang
10. 5. B pagsagot sa inilaang
pamamagitan ng
9. 4. A
sa kanilang sarili sa
8. 3. D impormasyon tungkol
sagot sa tanong. hinihinging
wasto ang hinihinging 7. 2. C mag-aaral ang
naisulat o nasabi ng naisulat nang wasto ng
6. 1. B
Bigyang puntos kong Bigyang puntos kung
Isagawa Tayahin Karagdagang gawain

Sanggunian

Ascuna, P.A. & Salangsang, S. M. (2019). Isang Bansa Isang


Lahi.Vibal Group Inc. Quezon City.

Miranda, N. P. et.al. (2017). Araling Panlipunan, Kagamitan ng


Mag-aaral. DepEd-BLR. DepEd Complex, Pasig City.

Araling Panlipunan Grade 1 Learner’s Materials Quarter1 &


Quarter 2. DepEd Complex. Pasig City.
Araling Panlipunan Teacher’s Guide Quarter 1 & Quarter 2. DepEd
Complex. Pasig City.

https://pixabay.com/vectors/cake-birthday-sugar-icing -party-
307465

16

You might also like