You are on page 1of 18

11

Filipino
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino
Modyul 9: Pananaw mo, Ibahagi mo!
Filipino –SHS Baitang 11
Komunikasyon – Modyul 9: Pananaw mo, Ibahagi mo!

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Panrehiyong Direktor: Gilbert T. Sadsad


Kawaksing Panrehiyong Direktor: Jessie L. Amin

Mga Bumuo ng Modyul

Manunulat: Cierel G. Edma


Editor: Dorothy H. Gabion Emma D. Gonzales
Daryl R. Orenciada Mary Ann Rimpola
Tagasuri: Nora J. Laguda Sharon A. Vito
Maria Ana B. Gojar Imelda G. Narvadez
Tagaguhit: Jotham D. Balonzo
Tagalapat: Rey Antoni S. Malate; Jotham D. Balonzo; Maryianne Hapa; Brian Navarro

2
Paunang Salita

Bilang tugon sa makabagong tunguhin sa pagkatuto ay binuo ang serye ng


modyul na ito. Nilalaman nito ang mga lubhang mahahalagang kasanayang
pampagkatuto o Most Essential Learning Competencies (MELC) sa ilalim ng
kasalukuyang kalagayan ng edukasyon. Upang matugunan ang hamong
kinakaharap sa edukasyon, kalusugan at kaligtasan malaking tulong ang modyul na
ito sa patuloy na pag-aaral ng kabataan sa loob at labas ng paaralan sa
pakikipagtulungan ng mga magulang at tagagabay
Inaasahan na ang modyul na ito ay higit na makatutulong sa paglinang ng
kasanayan at kakayahan ng mga mag-aaral.

Para sa Tagagabay:
Upang lalong kagiliwan ng mag-aaral at maging kapaki-pakinabang ang
modyul na ito, tiyaking makapagbigay ng oryentasyon sa mga mag-aaral,
magulang, o sinomang miyembro ng pamilya kung paano gagamitin at iingatan
ang modyul na ito.
Ipabatid na kailangang magkaroon ng sariling sagutang papel ang bawat
mag-aaral para sa paunang pagsubok, mga gawain sa bawat bahagi at panapos
na pagsubok. Kung tapos nang sagutin ang modyul na ito, ipaalala sa mag-aaral
na kaagad itong ibalik sa guro para sa kaukulang tunguhin.

Para sa mag-aaral:
Inihanda ang modyul na ito para sa iyo.
Kailangan mong sundin at saguting mag-isa ang
mga gawaing nasa loob nito. Huwag kang mag-
alala, kayang-kaya mo ito. Tiniyak kong
matutuwa ka habang natututo.
Ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mong
susulatan at iwasang mapunit ang mga pahina.
Gumamit ka ng sagutang papel o ang iyong
kuwaderno. Sige, simulan na natin!

ii3
Pananaw mo, Ibahagi mo!

Panimula:
Mahalaga ang tunay na pagpapaunlad ng wikang
pambansa upang mapabilis ang kolektibong partisipasyon ng sambayanang Pilipino
sa sosyo-ekonomikong pag-unlad at pagbuo ng nasyon.(Wilfredo Villacorte).

Beshie kumusta? Balita ko nagustuhan mo ang nakaraang modyul?


Natutuwa naman ako at marami kang natutunan.
Inaabangan mo na ba itong kasunod? Halika na at mag-aral tayo.

Sa modyul na ito, ikaw


ay inaasahang nakapagbibigay
ng opinyon o pananaw
kaugnay sa mga napakinggang
pagtalakay sa wikang
pambansa.

Layunin

4
1
Ito ang mga bagong salita na dapat mong kilalanin para
sa araling ito. Basahin mo sa susunod na pahina.

Talasalitaan

Basahin natin.

Ano ba ang ibig sabihin ng


salitang Filipino?

Fipilino ang Wikang


Pambansa ng Pilipinas

Ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng


paglinang sa pamamagitan ng
panghihiram sa mga wika sa Pilipinas at
di Katutubong wika.

Katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas


bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong
grupo.

Ang wikang Filipino ay buhay at


dahil nga buhay, ito ay dinamiko.

5
2
Ano ba ang alam mo na sa ating aralin,
subukin mo nga?

Panimulang Gawain

Basahin ang nasa loob at isulat ang sagot sa katabi nito. Ang batayan ng pagmamarka ay
nakabase sa rubrik na makikita sa ibaba.

Ano ang
kahulugan ng wika _____________________________________________
para sa iyo? _____________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_____________________________________________
Paano nililinang at
_____________________________________________ napapaunlad ang
_________________________________________________________________
wika
_________________________________________________________________
________________________________________________
Gaano kahalaga ang ______________________________________________
wika para sa iyo? ______________________________________________
________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
____________________________________________________
___________________________________________________ Paano mo
paninindigan ang
___________________________________________________
sarili mong wika?
______________________________________________________
___________________________________________________________________
_________________________________________________________________
______________________________________________
Ano ang maiaabag mo ____________________________________________
para sa patuloy na ___________________________________________
pagyaman at paglago ___________________________________________
ng ating wika? ______________________________________________
___________________________________________________________________

6
3
RUBRIK SA PAGSULAT NG OPINYON
Nilalaman 5 4 3 2 1

Pagsunod sa uri ng anyong hinihingi


Lawak at lalim ng pagtalakay
Bararila

Wastong gamit ng wika


Paglimita sa paggamit ng mga salitang hiram
Hikayat

Paraan ng pagtalakay sa paksa


Pagsunod sa tiyak na panutong ibinigay ng guro kaugnay
na gawain

5 – Pinakamahusay 2 - Mapaghuhusay
4 – Mahusay 1 – Nangangailangan pa ng mahusay na pagsasanay
3 – Katanggap- tanggap

Binabati kita. Natapos mo ang unang pagsubok.


Alamin natin sa pahina 13 ang wastong sagot sa mga tanong.
Saang antas ka nabibilang?
5 tamang sagot – NAPAKAHUSAY
3-4 tamang Sagot – MAGALING
1-2 tamang sagot – PAGBUBUTIHAN PA
0 tamang sagot – KAYA MO YAN

O, ‘di ba kayang-kaya mong sagutan ang mga


katanungan.

Halika, may inihanda pa akong babasahin para sa


iyo.

(Iakma sa araling
tinatalakay)

74
Mga Gawain sa Pagkatuto:

Itinuturig itong Ito’y sibulan ng


mabisang bigkis sa damdamin ng
pagkakaisa at pagkakaisa
pagkakaunawaan

Gaano kahalaga ang


Pambansang Wika sa
isang bansa?

Ito ay isang sagisag


Ito ang nag- sa pagtatag ng isang
uugnay ng Pambansang
sambayanan pamahalaan.

Ipagpatuloy mo ang
pagbasa at sagutin ang mga tanong.

Linawin natin ang Probisyong Pangwika sa ating konstitusyon. sa


Artikulo XVI, Seksyon 6.

Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang


nililinang, ito ay dapat pagyabungin at pagyamanin pa salig sa mga
umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.

85
Malinaw kung ano ang
tinatawag na Wikang Pambansa Ito ay ang umiiral na
at ito ay Filipino. wika sa ating bansa o
ang mga dayalek.
Ito ang wikang nasa proseso pa
rin ng paglilinang.

Ang iba pang mga wika o


May dalawang saligan ng ang mga wikang dayuhan
pagpapayabong at na nakakaimpluwensya
pagpapayaman sa wikang ito. sa ating kabihasnan tulad
ng Ingles, Kastila, Intsik at
iba pa.

Ngunit ano ba ang pormal na deskripsiyon ng Filipino bilang


wikang pambansa?

HALIKA !Muli nating balikan ang Resolusyon 96-1 ng


Komisyon ng Wikang Pilipino

Ang Filipino ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika
ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang
Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng panghihiram sa
mga wika sa Pilipinas at mga di-katutubong wika at ebolusyon ng iba’t ibang barayti
ng wika para sa iba’t ibang saligang sosyal at para sa mga paksa ng talakayan ay
iskolarling na pagpapahayag

Ipagpatuloy mo.
Ano ang deskripsyon ng Filipino ayon sa KWF sa Resolusyon 96-1?
Ipinagdidiinan na ang wikang Filipino ay buhay at dahil nga
buhay, ito ay dinamiko o nagbabago.

96
Ngunit pansinin natin ang
proseso ng paglinang dito.Bigyan
diin natin ang pariralang. Sa
pamamagitan ng panghihiram sa
mga wika sa Pilipinas at mga di
katutubong wika. Ano ang nais
ipabatid nito?
Totoong namang
nanghihiram ang wika natin sa
mga di-katutubong wika o mga
wikang dayuhan lalo na sa mga
konseptong walang direktang
katumbas sa ating wika.

Ngunit kaiba sa karaniwang panghihiram ng mga


bagay, sa panghihiram ng wika ay inaari na rin
Hiram sa Ingles ang salitang nating atin ang salitang ating hiniram na maaari
computer, taxi, fax, cellphone at nang walang pagbabago o may pagbabago sa
iba pa ngunit Filipino na rin ang baybay.May naiisip ka bang halimbawa?
mga ito. Gayundin ang tsuper na
mula sa pranses, pansit, siopao na
mula sa Intsik.

Ngunit mapupuna sa Resolusyon ng KWF ang


sinasabing panghihiram bilang proseso ng
paglinang sa mga salitang ito na mula sa mga
wika sa iba’t ibang panig ng ating bansa.Hindi
natin hiniram ang bagay na atin naman.kaya
mas akmang gamitin ang salitang pag-aambag
Sa halip na panghihiram.

Yehey! Nakapagbigay ka na ng sarili mong pananaw batay sa talata na


iyong binasa, maaari mo nang gawin ang sumusunod na mga
pagsasanay.

Ano’ng mahahalagang impormasyon ang iyong nalaman?

Makatutulong kaya ang mga ito sa iyong pag-aaral?

Markahan sa ibaba ang antas ng iyong pagkaunawa:

Lubos na naunawaan
Naunawaan
Naguluhan

10
7
Simulan mo na ang iba’t ibang gawain.
Basahing mabuti ang mga pangungusap sa ibaba. Pagsasanay 1
___________________________________
Panuto: Ilahad ang sarili mong opinyon o pananaw kaugnay
sa nabasa mo hinggil sa wikang pambansa. Ito ay buuin mo sa tatlong talata.Isulat
mo ang iyong sagot sa malinis na papel.

RUBRIK SA PAGSULAT NG OPINYON

Nilalaman 5 4 3 2 1

Pagsunod sa uri ng anyong hinihingi


Lawak at lalim ng pagtalakay
Balarila

Wastong gamit ng wika


Paglimita sa paggamit ng mga salitang hiram
Hikayat

Paraan ng pagtalakay sa paksa


Pagsunod sa tiyak na panutong ibibigay ng guro kaugnay ng gawain

5- Pinakamahusay 4- Mahusay 3- Katangap-tangap


2- Mapaghuhusay 1- Nangangailangan pa ng mga pantulong na pansanay

Kamusta ang unang pagsasanay? MADALI ba o MAHIRAP?


Tingnan ang sagot sa pahina 13.
Nakuha mo bang lahat ng wastong sagot sa pagsasanay 1?
Kung nakuha mo nang lahat, ikaw ay MAHUSAY!
Maaari mo nang gawin ang Pagsasanay 2.
Kung mababa sa 3, balikan mong muli ang hindi mo nakuha at pag-aralang muli at
pagkatapos, magpatuloy na sa pagsasanay 2.

11
8
Pagsasanay 2 Dahil madali mo lang nasagutan ang
unang pagsasanay, heto pa ang isa pang gawaing
magpapatibay ng iyong kaalaman.

Panuto: Isulat ang iyong sariling opinyon batay sa pahayag sa bawat bilang.

1. Ang wikang pambansa ay tinaguriang pambansang sagisag ng ating


pambansang pamahalaan. Pangatwiranan ang iyong sagot.
______________________________________________________________
______________________________________________________________
_____________________________
2. Sa papaanong paraan nagiging bigkis ng pagkakaisa nating mga tao ang
wika? Ipaliwanag.
______________________________________________________________
______________________________________________________________
_____________________________
3. Gaano kahalaga ang mga itinalagang batas upang mapaunlad at
mapagyaman ang wikang pambansa?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
_____________________________
4. Ano-ano ang dahilan kung bakit pinagsumikapan ng ating mga ninuno na
magkaroon tayo ng sariling wika? Pangatwiranan ang iyong sagot.
______________________________________________________________
______________________________________________________________
_____________________________
5. Gaano kahalaga ang gampanin ng Surian ng Wikang Pambansa sa ating
wika? Ano ang kanilang maiaambag upang mapanatili at mapaunlad ang
wikang pambansa?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
_____________________________

Ang galing-galing mo! Natapos mo ang Pagsasanay 2.

Saang pagsasanay ka nahirapan? Pagsasanay 1 Pagsasanay 2

Gayunpaman binabati kita sa iyong tagumpay.

12
9
Balikan ang mga natutuhan sa naunang mga gawain
upang masagutan ang sumusunod na pagsasanay.
Pagsasanay 3

Panuto: Makinig sa radyo o kaya ay manood sa telebisyon


ng mga programa na tumatalakay patungkol sa Wikang
Filipino, Gumawa ng isang TULA batay sa iyong napakinggan o napanood.

RUBRIK SA PAGSULAT NG TULA

Pamantayan 3 2 1
Organisasyon Mahusay ang May lohikal ang Hindi masyado ang
organisasyon at organisasyon ngunit organisasyon ng mga
pagkasunod-sunod ng hindi masyado mabisa ideya/pangyayari,walang
tula ang pagkakasunod- angkop na panimula at
sunod ng tula wakas.
Orihinalidad Ang tula na ginawa ay Mahusay dahil hindi Masyado ng gasgas at
naaayon sa makabago masyadong karaniwan. karaniwan ang
at natatanging paksa konsepto.
hindi gasgas ang
konsepto.
Gamit ng salita Wasto ang gamit ng Wasto ang salita Maraming kamalian sa
salita, tamang bantas ngunit kulang ang diwa gamit ng salita at
at buo ang diwa. pangungusap.

Bilib na talaga ako sa iyo. Nasagutan mo lahat na pagsasanay.


Iwasto mo ang iyong mga kasagutan sa pahina 13.
Anong naramdaman mo matapos malaman ang
resulta ng iyong pagsisikap?

 ☺ 

13
10
Ang bahaging ito ng modyul ay susukat sa mga natutuhan
mo sa loob ng aralin. Huwag kang matakot dahil alam kong
kayang-kaya mo ito. Huling pagsubok na lamang ito na
kailangan mong sagutin.

Panapos na Pagsubok

Panuto: Sumulat ng isang talumpati hingil sa sitwasyon ng ating wika sa panahon


ng Pandemic may epekto ba ito sa pag-unlad ng Wikang Pambansa?
Gamitin ang Rubrik na ito sa pagsulat ng iyong talumpati.

Kategorya Napakahusay Mahusay Kasiya-siya Kulang sa Iskor


5 4 3 kasanayan
2
Nilalaman Lubhang malinaw Malinaw ang Sapat lamang Hindi sapat ang
,mapanghikayat at ginawang ang ginawang ginawang
komprehensibo ang pagtalakay sa pagtalakay sa pagtalakay sa
ginawang pagtalakay paksa sa paksa upang paksa may
sa paksa. pamamagitan matugunan kakulangan sa
ng kompletong ang mga hinihinging
paglalahad ng inaasahang impormasyon.
mga impormasyon.
kailangang
impormasyon.
Organisasyon Napakaayos ng Buo at maayos Ang mga Kulang ang mga
paglalahad at Buo ang ang pahayag bahagi ng bahagi ng
diwa at maayos ang ng pangungusap pangungusap
pahayag ng bawat pangungusap upang mabuo upang mabuo ang
pangungusap. ang pahayag pahayag

Yehey!
Malapit mo nang matapos ang araling ito. Iwasto ang
iyong mga sagot sa pahina 13.
Ilang bituin kaya ang iyong matatanggap? Suriin sa ibaba.

 nagawa lahat  1 hindi nagawa


 2 hindi nagawa  3 pataas hindi nagawa

14
11
Ang ganda ng aralin natin.
Ang dami kong natutuhan.
Na-enjoy ko rin ang mga gawain at
pagsasanay.

Karagdagang Gawain

Panuto: Ibigay ang sarili mong opinyon o pananaw sa Artikulo XVI, Seksyon 6 ng
Konstitusyon. Sumangguni sa rubrik na nasa unang pagsubok.

Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.Samantalang nililinang, ito ay


dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at sa
iba pang mga wika.

Sa wakas ay narating mo ang dulo ng aralin.


Ang saya-saya ko at napagtagumpayan mo
ang mga pagsasanay at gawain.

Ang husay mo kid!

15
12
Susi sa Pagwawasto

Panimulang Pagsubok

Panimulang Pagsubok Gamitin ang rubric sa pagwawasto

Pagsasanay 1 Gamitin ang rubrik sa pagwawasto


Pagsasanay 2 Gamitin ang rubrik sa pagwawasto
Pagsasanay 3 Gamitin ang rubrik sa pagwawasto
Panapos na Pagsubok Gamitin ang rubrik sa pagwawasto

16
13
MGA SANGGUNIAN

Website:
https://www.academia.edu/8824762/Kasaysayan_ng_Wikang_Pambansa
https://www.pressreader.com/philippines/balita/20160822/281736973865201
https://www.scribd.com/doc/235739106/Rubrik-Sa-Filipino

Aklat :

Aggabao, Teresa R. et al.Sining ng Komunikasyon para sa mga kolehiyo at


Pamantasan.Ferprint Manila Philippines,1999

Bernales, Rolando A. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino.Malabon City, Mutya Publishing house Inc.,2016.

3
14
Para sa iba pang tanong at puna, maaaring sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500

Mobile Phone: 0917 1781288

Email Address: region5@deped.gov.ph

You might also like