You are on page 1of 2

Grade Level: 7

Subject: Filipino
Most Essential Learning Competencies:
Naisasalaysay nang maayos at wasto ang buod, pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari sa kuwento, mito/alamat/kuwentong-bayan.

PAMAGAT: Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan

Gawain 1. Pagtataya: (MAKE IT!)


Ang mga mag-aaral ay magsasagawa ng pagtataya mula sa Make It! Application.

1. baybayin – dalampasigan
2. humagulgol – umiyak
3. lulan – sakay
4. nimpa – diwata
5. naghahangad – umaasa
6. pumalaot – namangka

1. Ang pitong dalaga’y tila mga ___________ dahil sa taglay nilang kagandahang
hinahangaan ng madla. (diwata)
2. Ang mga binata ay dumating ____________ ng malalaking bangka. (sakay)
3. Ang bawat isa sa kanila’y _________ na ibigin din ng napupusuang dalaga.
(umaasa)
4. __________ nang malakas ang kanilang ama dahil sa galit at lungkot sa
pagsuway ng kanyang mga anak. (umiyak)
5. Kinabukasan ay maagang _________ ang matanda upang hanapin sa karagatan
ang kanyang mga anak. (namangka)

Gawain 2. Pagsasalaysay ng Alamat.


Gawain 2.1. Tatawag ng mag-aaral upang magbuod ng Alamat.

Gawain 3: Mr. Quarantino & Ms. Quarantina


Ang mga mag-aaral ay gaganap na mga kalahok sa isang patimpalak. Bawat isa ay
pipili ng numero at kung sino ang nakatala na pangalan ay siyang magtatanong.
Panuto:
1. Malaya silang pumili ng kanilang kasuotan na makukuha sa kanilang tahanan.
2. Sila ay rarampa at magpapakilala.
3. Bago simulan ang kanilang pagsagot ay kinakailangan muna nilang sabihin ang
pahayag na “I Believe” at magtatapos ito sa salitang “And I Thank You”.

MGA KATANUNGAN:
1. Sa iyong palagay, paano maiiwasan ng pamilya ang mga sitwasyong maaaring
humantong sa pagsuway ng anak sa kanilang magulang?
2. Kung ikaw ang isa sa mga dalaga o binata, susunod ka ba o susuway sa iyong
ama?
3. Kung ikaw naman ang ama, ano ang maaari mo sanang ginawa para ang hindi
ninyo pagkakaunawaan ay hindi na sana humantong sa pagtakas ng iyong mga
anak?
4. Makatwiran ba ang hindi pagpayag ng ama sa kagustuhan ng kanyang mga
anak?
5. Ano ang napulot mong aral mula sa Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan?
6. Bakit kailangang igalang at sundin ang payo ng ating mga magulang?
7. Paano mo magagamit ang aral na taglay ng alamat nito sa pang-araw-araw mong
pamumuhay?
8. Sa iyong palagay, ang pagsuway mo ba sa iyong magulang ay mayroong
magandang dulot sa iyo?
9. Ano ang pagsuway na iyong nagawa na pinagsisisihan mo sa buong buhay mo?
10. Bilang isa sa mga kapatid, susuway ka rin ba sa magulang mo tulad ng ginawa
ng iyong kapatid?

Educator Tribe:
Balanac, Nicole
Cosico, Kea
Diomano, Mikka
Esquibel, Airen
Pedrezuela, Mary Rose

You might also like