You are on page 1of 16

2

ARTS
Ikatlong Markahan– Modyul 5:
Paglahok sa mga Pagdiriwang
nauukol sa Pagpapakita ng mga
Likhang - Sining
Arts – Ikalawang Baitang Alternative
Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 5: Paglahok sa mga Padiriwang nauukol sa
Pagpakita ng Likhang Sining Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may- akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim:


Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Rhea M. Llera
Patnugot ng Wika: Remedios C. Gerente, Marie Ann C. Ligsay,PhD
Tagasuri: Edquel M. Reyes, Alma T. Bautista,PhD
Marlon S. Fernandez, Remedios C. Gerente
Sonny N. De Guzman,EdD, Marie Ann C. Ligsay,PhD
Tagaguhit: Isagani D. Tique, Norman B. Cruz
Tagalapat: Armando Deogines A. Garcia, Norman B. Cruz
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong,PhD, CESO V, Ronilo Al K. Firmo,PhD, CESO V
Librada M. Rubio,PhD, Ma. Editha R. Caparas,EdD
Nestor P. Nuesca,EdD, Engr. Edgard C. Domingo,PhD, CESO V
Leondro C. Canlas,PhD, CESE, Elizabeth O. Latorilla,PhD
Sonny N. De Guzman,EdD, Remedios C. Gerente

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon-Region III Address:


Matalino St.,Diosdado Macapagal Government Center, Maimpis, City of San Fernando Telefax: (045) 598-8580
to 89
E- mail Address: region3@deped.gov.ph
2

ARTS
Ikatlong Markahan – Modyul 5:
Palahok sa mga Pagdiriwang nauukol sa
Pagpapakita ng mga Likhang - Sining

1
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang sa Arts – Baitang 2 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Pakikilahok sa mga Pagdiriwang na
nauukol sa Pagpapakita ng mga Likhang Sining.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay
at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at
oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sapaggabaysa
mag-aaral.

2
Alamin

Ang modyul na ito ay inihanda para sa iyo upang


matulungan ka na maunawaan at malinang ang iyong kakayahan
maging ang iyong pananaw batay sa pagsali sa mga patimpalak o
pagdiriwang.
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang
makapaghanda at makilahok sa mga pagdiriwang o patimpalak ng
iyong paaralan o distrito na nauukol pagpapakita ng mga likhang -
sining. (A2PR-IIIh-3)

Subukin
Bago mo pag-aralan ang modyul na ito, gawin muna
ang sumusunod na mga pagsasanay upang malaman kung
ano-ano ang iyong dating alam na tungkol sa paksa.
Gawain:
Panuto: Isulat sa ilalim ng larawan ang maaaring maranasan ng
batang tulad mo. Piliin sa kahon ang mga sagot at isulat sa hiwalay
na sagutang papel ang iyong sagot.

masaya mahiyain malakas ang loob


takot mainipin masipag malungkot matiyaga kinatutuwaan

walang tiwala sa sarili


AralinPagdiriwang nauukol sa Pagp
Paglahok sa mga
1
Ang pagguhit, pag imprenta o paglikha ng anumang
bagay na kaaya-aya sa paningin ay isang talento na nararapat na
ipagmalaki. Ang talentong ito ay regalo ng Maykapal na nararapat
mong pagyamanin, pahalagahan at ibahagi sa iba.
Hindi lahat ay magaling sa larangang ito at tanging ang mga
may pagnanais at nagsisikap na magsanay ay siguradong magiging
magaling sa larangang ito. Walang taong ipinanganak na magaling
kaagad. Ngunit, kung ikaw ay may pagnanais at may tiwala sa sarili
tiyak kong isa kang magaling sa larangan ng sining. Handa kana
ba?
Balikan

Panuto: Kulayan ng pula ang puso kung Tama ang isinasaad ng


pangungusap. Kulayan naman ng dilaw kung hindi.
Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na sagutang papel.
1. Ang coin rubbing ay nakakaaliw na likhang - sining.
2. Kailangan ang ibayong pag-iingat sa paggawa
upang maging malinis ang proyekto.
3. Ang gulay ay gawa ng tao.
4. Lahat ng gulay ay maaaring gamitin sa paglilimbag.
5. Ang paggamit ng prutas at gulay ay maaaring
gamitin upang makabuo ng ibat-ibang hugis.

Tuklasin

Dapat ba tayong magalit sa puna ng iba sa ating likhang


- sining?
Ano ang dapat gawin sa mga puna nila?
Palakpak
Si Joshua ay nag-aaral sa
ikatlong baitang sa Paaralang
Elementarya ng Dapdap. Mahilig siya
sa pagguhit ng ibat-ibang bagay ngunit
napakamahiyain.
Isang araw sa kanilang aralin
sa Arts ay tinuruan sila ng pag-
imprenta ng kanilang guro gamit ang
mga dalang pinaghiwaan ng gulay at
dahon.
Itinatago ni Joshua ang kanyang gawain sa ilalim ng desk kaya
tinanong siya ng guro. siya gumagawa

“Natatakot po akong tawanan nila ang gawa ko,” ang tugon niya. “
Ang mga puna ay dapat nating isiping katuruan sa atin, tayo ay nag-
aaral pa lamang at normal lang na may mali pero kung ang puna ay
tatandaan at lilinangin ang paggawa tiyak na magiging bihasa ka.
Tulad niyan lumampas ang guhit mo.” Suhestiyon ng guro.
“Sige po aayusin ko” sagot niya.
Pagkatapos ng ilang minuto, ipinadikit ng guro sa pisara
ang gawa ng mga bata. “Ay, ang ganda ng sa iyo Joshua, pwede mo
ba akong turuan ng ganyang disenyo?” tanong ni June.
“Oo, naman sagot ni Joshua.
Napili ng guro na isa sa magandang proyekto ang gawa ni
Joshua. Sa pagbanggit ng pangalan niya kasabay nitong
umalingawngaw sa pandinig ni Joshua ang palakpak at katuwaan ng
ina.
Simula noon ay palaging sumasali sa paligsahan sa
pagguhit si Joshua. Sinusuri nilang mabuti ang mga estilong
maaari nilang matutunan sa pagguhit at pagkulay kung kaya’t maging
sa ibang paaralan ay isinasali na rin sila ng kanilang guro.

Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na
sagutang papel.
1. Sino ang dalawang bata sa kwento?

2. Bakit itinatago ni Joshua ang kanyang gawa?

3. Ano naman ang masasabi mo sa kanyang


pagsusumikap?

4. Dapat ba tayong matakot na magkamali? Bakit

5. Ano sa tingin mo ang nagpagaling kay Joshua ?


Suriin

Ang paglahok sa mga pagdiriwang sa paaralan sa sining ay


isang paraan upang maipakita ang iyong kakayahan o nasa isip.
Maipapakita mo rito ang iyong kagalingan at maaari ka ring matuto
ng bagong kaalaman at higit na magiging malikhain ka. Ang pagsali
sa isang exhibit ay isang napakasayang pagkakataon para maibahagi
ang iyong natutunan at talento.
Mayroon ka lamang dapat tandaan, tingnan natin ang iyong sagot sa
ibaba.
Panuto: Lagyan ng tsek ✓ ang patlang kung ang pangungusap ay
nagpapakita ng tamang pag-uugali sa pagsali sa paligsahan sa
paaralan. Lagyan naman ng X kung ito ay mali. Isulat ang iyong
sagot sa hiwalay na sagutang papel.

1. Umiiyak ako kapag natatalo.


2. Patuloy akong nagsasanay may paligsahan man o
wala.
3. Nahihiya akong sumali sa mga paligsahan baka
pagtawanan ako kapag nagkamali ako.
4. Inaaway ko ang mga pumupuna ng aking proyekto.
5. Iniisip ko munang mabuti ang aking gagawin bago ko
sinisimulan ang aking proyekto.
Pagyamanin

Gawain 1
Panuto: Sundin ang mga sumusunod na hakbang.
1. Ihanda ang mga naunang gawain na iyong ginawa gaya ng
paglimbag ng mga dahon , coin rubbing cloth printing at okra
pinting.
2. Idikit ito sa pader ng inyong bahay.
3. Hingan ng suhestyon ang iyong mga kasambahay sa mga
likhang sining na iyong nagawa.
4. Isulat ang kanilang mga mungkahi sa hiwalay na sagutang
papel.
5. Kunan ito ng larawan habang nakadikit sa dingding ng inyong
bahay.
6. Ilagay sa kuwaderno para sa pagwawasto ng guro.

Gawain 2
Panuto: Kulayan ng dilaw ang masayang kha mu
o malungk ot na tumutukoy sa damdaming iyong
nadarama sa bawat sitwasyon.
1.Sinisikap kong mapaganda ang aking
likhang sining.
2.Tinatawanan ng iba ang aking
drowing.

3. Natalo ako sa patimpalak sa


paaralan.

4. Maingat ako sa pagpahid ng mga


pangkulay.

5. Tinatago ko sa iba ang mga gawa ko.

Tayahin
Panuto: Basahin at punan ng tamang sagot ang bawat patlang.
Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na sagutang papel.
1. Ang ay tumutulong para malinang ang ating
mga talento at kakayahan.
a. paaralan b. presinto c. barangay hall
2. Ang ay regalo ng Diyos na dapat linangin at
ipagmalaki.
a. Card b. talento c. krayola
3. Tinatawag na ang pagkulay gamit ang
krayola at dahon na inilalagay sa ilalim ng papel.
a. stencil b. print-making c. drowing
4. Sila ang unang nagdiriwang kung tayo ay nanalo o
nagsusumikap na umasenso.
a. lolo at lola b. magulang c. pinsan
5. Ang ating talento ay higit na kapakipakinabang kung ito
ay ating .
a. ibabahagi b. itatago c. ikakahiya
Susi sa Pagwawasto
Mga Sanggunian
➢ Ariel M. Culala, Emily R. Maninang, Noel L. Mangune, .
(2013). Music, Art, Physical Education and Health –
Ikalawang Baitang pp 76-78
➢ Copiaco, Hazel P., Jacinto Emilio S. Jr., Halinang
Umawit at Gumuhit p. 160 Vibal Inc.
➢ Deped Order No. 89 s 2020. (Most Essential Learning
Competencies (MELCS) Arts 2, 2020) p 278
➢ Tranter, Mona. (2020). What is the purpose and
importance of an Art Exhibition. Tranter-Sinni Gallery.
Retrieved from https://tranter-
sinnigallery.com/blogs/news/what-purpose-and- importance-
of-an-art-exhibition
➢ What is Exhibition. (2018-10-08). info@fgsi.co.in.
Retrieved from https://www.fgsi.co.in/blog/purpose- of-
exhibition/
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonif
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-49
Email Address: *

You might also like