You are on page 1of 9

MODYUL PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK

KABANATA 6:
TEKSTONG EKSPOSITORI

Layunin:

a.) Natutukoy ang mga tekstong ekspositori.


b.) Nalalaman ang iba’t ibang hulwaran ng mga organisasyon ng
teksto.
c.) Nagagamit ang iba’t ibang hulwaran sa pagbasa ng teksto

Tekstong Ekspositori

Ang tekstong ekspositori ay bunga ng pagpapahayag na ang layunin ay gumawa


ng malinaw, sapat at walang kinikilingang pagpapaliwanag sa ano mang bagay na
nasasaklaw ang isip ng tao.

Sinasaklaw ng tekstong ekspositori ang pinakamalaking bahagi ng binabasa at


sinusulat ng tao.

Katangian ng Tekstong Ekspositori

a. Obhetibo ang pagtalakay sa paksa.


b. Sapat na mga kaalamang ilalahad;
c. Malilinaw ang pagkakahanay sa mga ideya; at
d. Analitiko ang pagsusuri ng mga kaisipan at datos.

Hulwaran ng mga Organisasyon ng Teksto

1. Depenisyon

- Pagbibigay sa kahulugan ng salita sa pamamagitan ng iba't-ibang pananaw o


maaring sa pagbibigay ng mga kasingkahulugan.

- Isang uri ng diskursong ekspositori na pinakamadalas gamitin. Maaring maibigay


ang kahulugan ng isang bagay o salita sa tulong ng ibang salitang
kasingkahulugan nito.

Halimbawa:

PAHINA 78
MODYUL PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK

Itim = pagdadalamhati
Pula = katapangan
Luha = kasayahan o kalungkutan

- Maaari ring magbigay-kahulugan sa isang salita tulad ng: pagbibigay ng pangkat


nito at ang ipinagkaiba nito sa mga kasamahan sa pangkat na kinabibilangan,
maaari ring sundan ito ng mga halimbawa.

Halimbawa:

Ano ang paglalahad ?

Ang paglalahad ay isang anyo ng pagpapahayag, pasalita man o pasulat,


na nagpapaliwanag. Ilang uri ng paglalahad ay tala, balita, pitak, editorial, panuto
at sanaysay.

- Sa pagbibigay ng depinisyon, tinatalakay din ang isang bagay o paksa, kasama


ang mga pagkakatulad o pagkakaiba nito sa ibang bagay.

Maaaring ito ay pormal o di-pormal

1. Pormal o Maanyo – kapapansinin ng tatlong bahagi.


a. salita o katawan (term)
b. pangkat na kinabibilangan o kaurian (genre)
c. kaibahan (difference)

Halimbawa:

Ang kasal (salita) ay isang sakramentong (kaurian) nagbubuklod sa dalawang


pusong nagmamahalan. (kaibahan)

2. Di-pormal o Malaya – nagbibigay kahulugan sa paggamit ng mga salitang


nakapukaw ng damdamin at hindi tuwirang sumusnod sa kaayusan ng
pangungusap sa pormal na pamaraan.

Halimbawa:

Ang kasal ay bunga ng pagmamahalan ng dalawang pusong umiibig sa isa’t


isa na dumaan sa maraming oras ng pagliligawan bilang pangako ng lalaki sa
babae.

May dalawang dimensyon ang depinisyon:


1. Denotasyon
2. Konotasyon

PAHINA 79
MODYUL PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK

2. Enumerasyon o Paglilista

- Pag-aayos ng detalye ayon sa pagkakasunud-sunod, mula simula hanggang huli.

- Ang hulwarang ito ay maaring maglahad ng mga halimbawa na nabibilang sa isang


uri o klasipikasyon.

Halimbawa:

Mga hakbang sa Pagbasa ayon kay Gray


1.Rekognisyon
2.Komprehensyon
3.Reaksyon
4.Aplikasyon

- Sa mga ibinibigay na pagsusulit sa klase lalo na kung ito ay objektiv, madalas na


gamitin ang pag-iisa-isa kapag hakbang o proseso ang aytem.

- Tiyakin kung dapat na magkakasunod ayon sa inilalahad na aytem o maaari


naming hindi magkakasunod kung hindi naman ito isang proseso.

3. Pagsusunod-sunod

- Nagpapakita ito ng serye ng mga pangyayari na maaring humantong sa isang


kongklusyon o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.

- Sa hulwarang ito ng mga organisasyon ng teksto, nabibigyan ng pagtataya o


ebalwasyon ng isang mambabasa kung alam niya kung papaano pagsusunud-
sunurin ang mahahalagang pangyayari sa isang kwento

May tatlong uri ng pagsusunod-sunod na hulwaran ng teksto


1.Sekwensyal
2.Kronolohikal
3.Prosedyural

a. Sekwensyal
- ang mga serye ng mga pangyayari na patungo sa kongklusyon o ang
sekwens ng mga pangyayari na may kaugnayan sa partikular na pangyayari
gaya ng sa kwento nobela, talambuhay, dula, balita, atbp.

- karaniwang ginagamitan ito ng mga salitang una, pangalawa, pangatlo,


susunod atbp.

PAHINA 80
MODYUL PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK

Halimbawa: Maikling Kwento, “Ang Kalupi” ni Benjamin Pascual

Tunghayan ang story ladder na ilalahad, sekwensyal ang pagkakasunod-


sunod ng mga pangyayari sa nasabing maikling kwento.

Mapapansin na sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ay mahahalagang


aksyon lamang ng pinagsusunod-sunod. Kailangang magkakaugnay ang bawat
pangyayari upang malinaw na masundan ito ng isang mambabasa.

b. Kronolohikal

a. inaayos ng manunulat sa kronolohikal na kaayusan ang materyales, inililista


niya ang hakbang o pangyayari ayon sa pagkakapangyari ng kasaysayan,
kwento o iba pa.

b. payak na halimbawa nito ang kasaysayan ng isang bansa o mahahalagang


pangyayari sa mundo

c. Karaniwang ito ay may petsa gaya ng tiyak na araw at taon upang malaman
kung kalian nangyari ang kasaysayan.

Halimbawa:

PAHINA 81
MODYUL PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK

Talaan ng mga naging Pangulo ng Plipinas

1.Emilio Aguinaldo1898 - 1901


2. Manuel L. Quezon1935 - 1944
3. Jose P. Laurel1943 - 1945
4. Sergio Osmeña1944 - 1946
5.Manuel Roxas 1946 - 1948
6. Elpidio Quirino1948 - 1953
7. Ramon Magsaysay1953 - 1957
8. Carlos P. Garcia 1957 - 1961
9. Diosdado Macapagal 1961 – 1965
10. Ferdinand E. Marcos 1965 - 1973, 1973-1981,at 1981 - 1986
11. Corazon C. Aquino 1986 - 1992
12. Fidel V. Ramos 1992 - 1998
13. Joseph Ejercito Estrada 1998 - 2001
14. Gloria Macapagal Arroyo 2001 - 2004, at 2004 - 2010
15. Benigno Aquino III 2010 - 2016,
16. Rodrigo Duterte 2016 – kasalukuyan

c. Prosedyural

d. Kapag nagpapaliwanag ng isang proseso ang manunulat, ang hakbang ay


kailangang ayusin din.

e. Maaring ito ay kung paano gawin ang isang bagay, pagluluto at pagsunod
sa direksyon.

Halimbawa

PAHINA 82
MODYUL PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK

Pagluto ng Sinigang na Baboy

Sangkap;

f. 1 kilo laman ng baboy


g. 1 tasa suka (paumbong)
h. ½ kutsarita asukal
i. 4 piraso mais (buo lamang)
j. 1 tali talong
k. 1 tali kangkong, pinutol sa 2" ang haba
l. 1 tali okra
m.1 tali sigarilyas, pinutol sa 1" ang haba
n. 1/4 na baboy na ;laman

Paraan ng pagluto:

1. Pakuluin ang karne.


2. Pakuluan sa aparteng kalderong may kaunting tubig,ilagay ang
nahiwa na kamatis at sampalok.
3. Kapag lumambot na ang karne ay ilagay ang buong gabi.
4. Kapag malambot na ang gabi ay isabay ang sitaw, kangkong,
sigarilyas at okra.
5. Haluin at ilagay ang nilagang kamatis sa pinggan at hiwain ng
naayon sa laki at ihulog sa sabaw ng sinigang.
6. Haluin ang sampalok at ligisin ito sa pinaglagaang tubig at salain
bago itimpla sa sabaw ng sinigang.
7. Isama ang asin ayon sa alat at asim.

Malinaw na inilahad sa bawat hakbang ang proseso na dapat gawin


nang sunod-sunod. Kailangang sundin ang bawat hakbang upang maayos
na maisagawa ang bagay na gagawin.

4. Paghahambing at Pagkokontrast

- Sa paghahambing, ipinapaliwanag ng manunulat ang pagkakatulad sa pagitan


ng dalawa o higit pang ideya, tao, lugar, pangyayar, bagay at iba pa. Samantalang
sa pagkokontrast, ipinapaliwanag naman ang pagkakaiba.

PAHINA 83
MODYUL PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK

Halimbawa: Ang lumang bersyon ng Panatang Makabayan at ang Bagong


Bersyon ng Panatang Makabayan.

Sa binasang dalawang teksto, maaring makabuo ng paghahambing at


pagkokontrast kahit simple lamang. Maaaring sa paghahambing at pagkokontrast ay
payak lamang na impresyon ng bumabasa ang inilalahad.

Sa hulwarang ito, maaaring gumamit ng mga graphic organizer tulad ng mga


sumusunod.

PAHINA 84
MODYUL PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK

5. Problema at Solusyon

- Paglalahad ito ng mga suliranin at paglalapat ng kaukulang solusyon.


- Sa pagbasa ng mga akdang pampanitikan, umiikot ang kwento sa tinatawag na
tungkulin o suliranin patungo sa resolusyon o kakalasan kung saan binibigyan ng
kalutasan ang naging problema sa kwento.

Halimbawa:

Problema sa pera, kailangan nating magsumikap at magtrabaho ng


maayos. Kung walang trabaho,kailangan maghanap. Maraming paraan kung
gugustuhin lang natin tulad ng paghahanap sa Dyaryo at humingi ng tulong sa
mga kakilala.

6. Sanhi at Bunga

- Nagpapakita ito ng mga kadahilanan ng isang bagay o pangyayari at ang kaugnay


na epekto nito.
- Ang sanhi ay isang ideya o pangyayari na maaaring humantong sa isang bunga.

Halimbawa:
Narinig mo ang sirena ng isang ambulansya.
Ano ang maaaring bunga ng sirenang ito.

Isang bagay na maaaring mangyari ay ikagulat at ikabahala mo ang sirenang


narinig. Maaaring natakot ka rin. Kaya ang naging bunga ng sirena sa iyo ay
nagulat, nabahala, at natakot ka.

PAHINA 85
MODYUL PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK

Tulong upang mas madaling maunawaan ang talakayan buksan ang link na ito:
https://prezi.com/nmuo8sy_s100/ang-tekstong-ekspositori/

Tulong upang mas madaling maunawaan ang talakayan, buksan ang link na ito:
https://www.youtube.com/watch?v=ecPZ8w_uXNA

Tulong upang mas madaling maunawaan ang talakayan, buksan ang link na ito:
https://www.youtube.com/watch?v=9MnKAepqa_c

Eriberto Astorga Jr.et.al,Pagbasa, Pagsulat at Pananaliksik, Mindshaper Co. Inc; 2013


Cynthia B. Cruz et. al, Pagbasa at Pagsulat sa Masining na Pananaliksik, Mindshaper Co. Inc;2013
Magdalena O. Jocson et. al., Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik, Lorimar Publishing Inc. 2005

PAHINA 86

You might also like