You are on page 1of 30

PAGTUKOY SA

LAYUNIN NG
TEKSTO
KAHULUGAN NG
LAYUNIN NG TEKSTO
ANO ANG LAYUNIN NG ISANG
TEKSTO?
Ang mga manunulat ay kadalasang may gustong sabihin at may motibo
para sabihin ito. Ang layunin ng isang teksto ay batay sa motibo o dahilan
ng awtor sa pagsulat.

Ang isang teksto ay maaaring magkaroon ng maraming layunin tulad ng


pagbibigay-impormasyon, panghihikayat, at pagbibigay-aliw, ngunit
karaniwan, ang isa sa mga ito ay ang namumukod-tangi bilang
pangunahing layunin ng teksto.

BILANG MAMBABASA
Trabaho ng mga mambabasa na unawain ang
layunin ng teksto dahil dito niya makikita kung ano
ang punto ng binabasang teksto.
KAIL A N G A N G T ANDA
MGA AN
SA PAGTUKOY NG LAYUNIN

WIKANG ESTILO NG
GINAMIT PAGSULAT

ESTRUKTURA NG NILALAMAN AT
TEKSTO KONTEKSTO
MGA URI AT
LAYUNIN NG TESKTO
IMPORMATIBO (EKSPOSITORI)

ANO ITO? LAYUNIN


Magbigay ng bagong
Uri ng tekstong nagbibigay ng
impormasyon upang alisin at
mahahalagang impormasyon,
linawin ang mga agam-agam o
kaalaman, at kabatiran.
pagkalito ng mambabasa kaugnay

sa isang paksa
Kadalasang sinasagot nito ang Magbigay ng kongkretong
mga tanong na ano, sino, at impormasyon tungkol sa isang tao,
paano. bagay, lugar, hayop, o pangyayari
IMPORMATIBO:

HALIMBAWA
HALIMBAWA #1
Ang sakit na COVID-19 ay idinudulot ng virus na SARS-CoV-2.

HALIMBAWA #2
Ang climate change ay ang pagbabago ng klima o panahon dahil sa
pagtaas ng mga greenhouse gas na nagpapainit sa mundo. Nagdudulot ito
ng mga sakuna kagaya ng heatwave, baha, at tagtuyot na maaaring
magdulot ng pagkakasakit o pagkamatay.
IMPORMATIBO:

HALIMBAWA
DESKRIPTIBO
ANO ITO? LAYUNIN

Ito ay nagtataglay ng mga Naglalayong magsaad ng


impormasyong may kabuoang larawan ng isang
kinalaman sa pisikal na bagay o pangyayari, o
katangian ng isang tao, magbigay ng konseptong
bagay, lugar, at iba pa. biswal nito
DESKRIPTIBO:

HALIMBAWA
HALIMBAWA #1
Gumagamit ng hugis-pusong dahon ng taro sa paggawa ng TAKIP,
isang likas-kayang face mask o pantakip sa mukha.

HALIMBAWA #2
Mahalimuyak ang mga bulaklak sa hardin ni Aling Martha.
DESKRIPTIBO:

HALIMBAWA
PROSIDYURAL
ANO ITO? LAYUNIN

Layuning magpabatid
Ipinaliliwanag nito kung ng mga wastong
paano ang paggawa ng hakbang na dapat
isang bagay. isagawa upang makamit
ang inaasahang
hangganan o resulta
PROSIDYURAL:

HALIMBAWA
HALIMBAWA #1
I-anggulo ang inoculating loop sa itaas ng apoy ng bunsen burner.
Hintayin maging pula ang kawad ng inoculating loop bago ito tanggalin sa
apoy.

HALIMBAWA #2
Basain ang mga kamay gamit ang tubig. Sunod ay kuskusin ang mga
kamay gamit ang sabon. Banlawan ang mga kamay gamit ang tubig at
patuyuin ang mga kamay gamit ang malinis at tuyong punas o tela.
PROSIDYURAL:

HALIMBAWA
ARGUMENTATIBO
ANO ITO? LAYUNIN
Ito ay tekstong naglalahad ng
Layunin nitong manghikayat
proposisyon upang
sa pamamagitan ng
makahikayat at magpaliwanag.
pangangatwiran batay sa
lohika at katotohanan
Nangangailangang ipagtanggol
ng manunulat ang posisyon
gamit ang mga ebidensya.
ARGUMENTATIBO:

HALIMBAWA
HALIMBAWA #1
Kailangan nang kumilos upang pagaanin ang mga epekto ng climate
change o pagbabago ng klima dahil ayon sa World Health Organization,
ang paglala ng climate change ay may direktang kaugnayan sa kalusugan
at paggalaw ng tao.

HALIMBAWA #2
Dahil isa sa mga dahilan ng polusyon ang illegal settlers sa paligid ng mga
ilog at karagatan, kailangang paalisin ang mga nakatira dito upang
panatilihing malinis ang mga anyong tubig.
ARGUMENTATIBO:

HALIMBAWA
PERSWEYSIV
ANO ITO? LAYUNIN

Ito ay tekstong naglalahad ng Naglalayong manghikayat


mga konsepto upang ng mambabasa o mapukaw
makahikayat. ang interes ng mga tao
PERSWEYSIV:

HALIMBAWA
HALIMBAWA #1
Laking mahirap, may malasakit sa kapwa. Laging maaasahan. Iboto! Juan
dela Cruz para Mayor.

HALIMBAWA #2
Mas makapagpapaputi ng damit kaysa sa Brand X. Gumamit na ng
Tide Clean Plus. Para sa puting walang katulad.
PERSWEYSIV:

HALIMBAWA
ARGUMENTATIBO PERSWEYSIV
Layuning manghikayat Layuning manghikayat
Gumagamit ito ng mga argumento Karaniwang ginagamit upang
at mga pangangatwiran. mapukaw ang interes ng mga tao at
Suportado ito ng katotohanan o maniwala sa sinasabi nito.
facts. Nagagamit ito sa mga
Karaniwang sinasagot ng mga advertisements o mga patalastas sa
tekstong argumentatibo ang TV o radyo.
tanong na ‘bakit?’
REFERENSYAL
ANO ITO? LAYUNIN
Layuning iharap ang
Ito ay tekstong naglalahad ng impormasyong batay sa
mga tiyak na pinaghanguan ng katotohanan o kaya’y
mga inilahad na kaalaman. makabuo ng kongklusyon
batay sa katotohanang ito
Naglalayong magrekomenda
ng iba pang sanggunian
hinggil sa isang paksa
REFERENSYAL:

HALIMBAWA
Bibliyograpiya

Indeks

Notecards

PAANO MATUKOY
ANG LAYUNIN NG
ISANG TEKSTO?
PAGTUKOY SA LAYUNIN
Nagbibigay ba ang teksto ng serye ng
mga hakbang upang magawa ang
isang gawain? - Tekstong Prosidyural
Nag-aalok ba ang teksto ng isang
hanay ng mga katotohanan? -
Tekstong Ekspositori/Impormatibo
Ipinaliliwanag ba ng teksto ang isang
paksa o kung paano gumagana ang
isang bagay? - Tekstong
Ekspositori/Impormatibo
PAGTUKOY SA LAYUNIN
Ang teksto ba ay naglalarawan ng
isang bagay at nagbibigay ng
pandama na detalye upang bumuo ng
isang paglalarawan sa mambabasa? -
Tekstong Deskriptibo
Sinusubukan ba ng teksto na baguhin
ang opinyon ng mambabasa tungkol
sa isang bagay o hinihikayat ang
mambabasa na kumilos sa isang
partikular na paraan? - Tekstong
Persweysiv/Argumentatibo
SALAMAT SA
PAKIKINIG!
SANGGUNIAN
CLIMATE CHANGE. (N.D.). DEPARTMENT OF HEALTH. RETRIEVED MARCH
2, 2022, FROM HTTPS://DOH.GOV.PH/CLIMATE-CHANGE
CNN PHILIPPINES STAFF. (2021, MARCH 23). ‘TOUCHDOWN’: FILIPINO
SCIENTIST DIVES TO THIRD DEEPEST SPOT ON EARTH. CNN PHILIPPINES.
RETRIEVED MARCH 2, 2022, FROM
HTTPS://WWW.CNNPHILIPPINES.COM/NEWS/2021/3/23/EMDEN-DEEP-
EXPLORATION.HTML
ENGLISH LEVEL 2: UNDERSTANDING THE PURPOSE OF A TEXT ... WALES
ESSENTIAL SKILLS TOOLKIT. (N.D.). RETRIEVED FEBRUARY 27, 2022, FROM
HTTPS://WWW.WALESESSENTIALSKILLS.COM/REPOS/PDFS/TSL15/L2_UND
ERSTANDING_THE_PURPOSE.PDF
SANGGUNIAN
G11 Q2 FILIPINO 7.2 PAGTUKOY SA LAYUNIN SA TEKSTO - QUIZLET. QUIZLET. (2021). RETRIEVED
FEBRUARY 27, 2022, FROM HTTPS://QUIZLET.COM/556311787/G11-Q2-FILIPINO-72-PAGTUKOY-
SA-LAYUNIN-SA-TEKSTO-FLASH-CARDS/

OLIVER, R. A. (2012). PAGTUKOY SA LAYUNIN NG TEKSTO. PREZI.COM. RETRIEVED FEBRUARY


27, 2022, FROM HTTPS://PREZI.COM/2HXM6KIFSLQ6/PAGTUKOY-SA-LAYUNIN-NG-TEKSTO/

MGA URI NG TEKSTO FLASHCARDS - QUIZLET. QUIZLET. (2019). RETRIEVED FEBRUARY 27, 2022,
FROM HTTPS://QUIZLET.COM/358189877/MGA-URI-NG-TEKSTO-FLASH-CARDS/

TEKSTO. (N.D.). TAKDANG ARALIN PH. RETRIEVED MARCH 2, 2022, FROM


HTTPS://TAKDANGARALIN.PH/TEKSTO/

You might also like