Professional Documents
Culture Documents
Kaarawan
ni
Bebang
Focus letter: Bb
Focus Number: 5 five (lima)
2
Treasury of Storybooks
_________________________________
Pursuant to the Intellectual Property Code of the Philippines, no copyright shall subsist in this work of
Government of the Philippines. However, prior approval of the Department of Education shall be
necessary for exploitation of such work for profit. DepEd may, among other things, impose as a
condition that payment of royalties. No prior approval or conditions shall be required for the use for any
purpose of statues, rules and regulations, and speeches, lectures, sermons, addresses, and
dissertations, pronounced, read or rendered in courts of justice, before administrative agencies, in
deliberative assemblies and in meetings of public character.
Murcia, Felisima G., Ang Kaarawan ni Bebang. DepEd-Division of Puerto Princesa City, 2020
4
Isang mangingisda si Tatay Berting
na may alagang bangus sa
palaisdaan. May maliit na tindahan
naman si Nanay Bani.
5
Pinagkalooban sila
ng limang anak - sina Bokbok,
Bimbo, Binoy, Boboy, at Bebang.
6
Tuwing kaarawan ng mga anak,
ang mag-asawa ay naghahanda
para sa isang salu-salo.
7
Araw ng Sabado, naging abala
ang bawat isa sa kaarawan ng
kanilang nag-iisang anak na
babae.
8
Ipinagdiriwang ni Bebang ang
kaniyang kaarawan tuwing ikalima
ng Disyembre.
9
Tulong-tulong sa paghahanda ang
mag-anak.
“Ako ang magluluto ng biko,” ani
Bimbo.
“Mag-iihaw ako ng barbecue,”
tugon ni Boboy.
10
“Sige po, Inay, ako ang bahalang
mag-ayos ng bulwagan,” wika ni
Binoy.
11
May handang limang galon ng
sorbetes, limang kahon ng buko
juice, limang bilaong pansit, at
limang mangkok ng buko salad.
12
May mga regalong natanggap si
Bebang. Limang keyk mula sa
ninong at berdeng bestida mula sa
ninang.
13
“Inay, kumain lang po tayo ng
tamang dami ng mga pagkain,”
paalala ni Bokbok.
14
“Tama! Kailangan nating kumain
nang sapat lamang. Maaari
tayong magkasakit. Ganoon pa
man, kumain na tayo ng handa
kasi minsan lang ito sa isang taon,”
tugon ng kanilang nanay.
15
Kaarawan ni Bebang
16
Isang Public Schools District Supervisor ng
Sangay ng Lungsod Puerto Princesa si Dr.
Felisima G. Murcia. Hilig ni Dr. Fely bumasa ng
mga kuwentong pambata at ang Kaarawan ni
Bebang ang kauna-unahang kuwentong likha
niya.
Inspirasyon ni Dr. Fely sa kuwentong likha
May Akda
ang kanyang bunsong anak na babae. Kagaya ni
Bebang, malusog, maganda, at masayahing bata
ang kanyang bunsong anak.
17
Tuwing may kaarawan,
sari-saring putahe at inumin
ang iyong matitikman.
Hinay-hinay sa pagsubo,
tikim-tikim lamang dahil baka
kapag nasobrahan, maging
banta ito sa iyong kalusugan.
18