You are on page 1of 2

Ang Higanteng si Diana

Noong unang panahon nung magkasama pa ang mga tao at mga ibang nilalang sa iisang mundo, may
isang angkan ng mga mandirigma na namumuno sa kalupaan, ang tawag sa kanila ay ang Angkan ng mga
Higante. Kilala ang mga ito bilang mga malalakas na mandirigma at mayroon ding kakayahan ang mga
miyembro ng angkan na ito na kontrolin ang kahit na anong klaseng anyong lupa. Mga bata pa lamang sa
kanila ay tinuturuan na ng mga paraan sa pakikilaglaban at kabilang sa mga ito ay ang isang higanteng
bata na si Diana.

Noong bata pa lamang si Diana, nahalata na ng mga nasa mataas na posesyon na si Diana ay isang
espesyal na higante dahil kakaiba ang lakas nito kahit sa murang edad pa lamang. Ngunit habang
lumalaki si Diana, hindi naging masaya ang mga heneral sa pagkat nakita nila na si Diana pala ay hindi
sang-ayon sa karahasan. Naging problema ito sa mga heneral dahil baka masira ang kalagayan ng kanila
ng angkan kapag si Diana ay magiging pinuno sa huli.

Isang umaga, may isang heneral na may sinabi na napanaginipan daw nito na may malaking trahedya na
mangyayari sa mundo at magiging duguan daw ito. Nabigla ang lahat ng higante sa kanilang angkan at
nangkaroon ng kaguluhan.

Dumaan ang ilang taon at habang tumatagal, nahahalata ng mga higante ang senyales ng paparating na
trahedya. Agad-agad na nagsihanda ang mga mandirigma at pumili din sila ng isang pinuno na tinuturing
na pinakamalakas sa kanilang lahat. At dahil walang magawa si Diana dahil siya ang pinakamalakas, siya
ay sapilitang ginawang pinuno para pamunuan ang kanilang angkan sa paparating na digmaan.

Hindi namalayan ng mga ito na nasira pala ang selyo kung saan dito nakakulong ang mga marahas na
mga nilalang na kung tawagin ay ang Angkan ng mga Demonyo. Ang Angkan ng mga Demonyo ay
kinulong ng Angkan ng mga Diyos dahil sa karumaldumal na ugali nito, ngunit sa pagdaan ng panahon ay
humina ang selyo at ngayon ay nasira na. Inaatake ng mga ito kung ano ang kanilang makikita at walang
awang pinapatay ng mga ito.

At dahil si Diana ay hindi sang-ayon sa karahasan, gumawa siya ng paraan upang magkasundo ang
Angkan ng mga Higante at ang Angkan ng mga Demonyo. Pumayag ang mga ito sa pag-aalyansa at
nakipagsundo ang dalawang grupo.

Ngunit isang araw, laging gulat at sakit ang naramdaman ni Diana nang makita niya ang kanyang mga
kasama na duguan at walang buhay. Lahat ng mga ito ay walang awang pinatay ng Angkan ng mga
Demonyo dahil sa kasakiman nito. Sinira nila ang kanilang ugnayan at trinaydor ang mga higante. Sobra
ang pagsisisi ni Diana sa kanyang sarili, nang dahil sa desisyon niya ay naubos at pinatay ang kanyang
mga kasama. Napagtanto niya sa kaniyang sarili na kahit ano man ang kaniyang gawin, nakatakda na na
siya ay kailangang lumaban sa ayaw at sa gusto niya.

Naglakas loob si Diana, baon ang buhay at paghihirap ng kanyang nasawing kasama. Sinugod ni Diana
ang kuta ng mga demonyo at nilabanan ang mga ito. Nagpatuloy ang digmaan ng tatlong araw at tatlong
gabi at sa wakas ay natapos din ito ngunit sa duguang paraan. Nagtagumpay si Diana laban sa Angkan ng
mga Demonyo at umuwi ito ng duguan at matagumpay ngunit, nag iisa. Bumalik si Diana sa lupa kung
saan siya isinilang at pinalaki at kahit gaano man karaming digmaan ang iyong mapanalunan, hindi parin
ito sapat kumpara sa buhay ng iyong minamahal.

Likha ng Grade 9 ORION:

Kyle Michael Radan

Mark Daryl Barcon

Nic Angelo Maru

Carlo Miguel Macariola

Peter Lawrence Lipaopao

You might also like