You are on page 1of 9

Sunod ay ang, (next slide) Lobo wolf girl ng mexico

Ang kwento ay nagsimula sa (next slide) Chickamauga River sa Georgia.


At may mga tauhan dito na sina (next slide) John Dent, Will Marlo at
Mollie Pertul. Si Dent ay isang trapper na nagtatrabaho kasama ang
kanyang kapareho na si Marlo. Sina Dent at Marlo ay
nakikipagkalakalan nang maraming mga panahon at sa bawat taon na
magkasama, ay yung kanilang binebenta ay kanilang pinaghahatian
yung kita. At noong taong 1833, nakilala ni Dent si Mollie, isang anak na
babae mula sa isa sa mga kalapit na bukid, at ayun kalaunan ay nag-
ibihan sila. Sinabi ni Dent kay Marlo na hindi niya hahatiin ng kita si
ayon sa kanilang pinagkasunduan. Syempre hindi nasisiyahan si Marlo.
At pagkalipas ng mga araw nagtalo silang dalawa, at sinaksak ni Dent si
Marlo.

So ayun, tumakas si Dent papuntang kanluran kasama si Mollie, dahan-


dahan silang nagnakaw at iniwan ang kanyang magulang ni walang ni-
hay, ni-hoy. Lumipas ang mga buwan bago sumulat si Mollie sa kanyang
mga magulang, at napadala ito mula sa (next slide) Galveston noong
taglagas ng 1834.
Sinabi sa sulat, 'Mahal kong ina,

Ang Diyablo ay may isang ilog sa Texas na lahat ay kanya at ito ay


ginawa para sa mga may edad na.

Nagmamahal, Mollie.

And noong 1895, isang pangkat ng mga kolonistang Amerikano, na


pinangunahan ni (next slide) Dr. Charles Beale, ay nagkakamping sa
lawa ng (next slide) Espontosa, malapit sa (next slide) Carrizo Springs sa
timog-kanluran ng Texas. At Kalahating milya ang layo mula sa pangkat
nila Beale, ay sina Dent at ang kanyang asawang buntis na si Mollie na
nagmula naman ito sa Georgia at nagtayo ng isang brush cabin. At
dumating si Dent sa sinasabing lugar ng (next slide) Ilog ng Diyablo sa
Del Rio (next slide) na may dalang bitag na hayop at ito (next slide) yung
beaver. At dahil nga andun sila sa sinasabing ilog ng dyablo, gustong
nilang mapatunayan na maswerte sila sa kanilang piniling isang site na
malayo sa lawa. At ayun may dumating na mga (next slide) comanches,
ito yung mga india at yung pangkat nila Dr. beale yung mga kolonistang
amerikano ay pinagpapatay at itinapon yung kanilang mga katawan at
dala-dala na kartel dun sa lawa.
At yung mag-asawa naman, habang papalapit na yung
pagbubuntis ni Mollie, nag-atubili silang maglakbay sa kabila ng
panganib ng mga kaaway na India. Isang gabi noong Mayo 1835,
nagkaroon ng matinding bagyo at manganganak na si Mollie, nakikita
na nagkakaroon siya ng problema sa panganganak kaya't nagpasya si
Dent na pumunta sa kanluran para humingi ng tulong. At nakarating
siya don (next slide) sa mga nag-aalaga ng mga kambing sa Pecos
Canyon at desperadong humingi ng tulong tungkol sa kalagayan ng
kanyang asawa.

Ngunit habang inihahanda ng mga Mexikano ang kanilang mga


kabayo upang umalis ay nagkaroon ng malakas na kulog at kidlat. At
dahil nga sa sama ng panahon ay tumama ito kay Dent mula sa kanyang
kabayo na agad na ikinamatay. At sa pagkaantala, yung mga tagapag-
alaga ng kambing ay pinagpatuloy parin yung pagpunta at sumunod sa
mga yapak ni Dent. At sa wakas nakarating na sila sa pupuntahan pero
gabi na. At sa pagsikat ng umaga, nakita nila ang nakahiwalay na cabin
ni Dent. Pero ang natagpuan nila sa labas ng cabin ay si Mollie na
nakahiga, at patay na.
Maliwanag sa kanila na namatay siya sa panganganak, ngunit
walang bakas ng sanggol saanman. Ang bata ay hindi kailanman
natagpuan, ngunit mayroong mga marka ng pangil sa katawan ng
babae. At dahil maraming lobo sa lugar ay natural na ipinapalagay ng
mga tagapag-alaga ng kambing na ang sanggol ay nilamon o dinala ng
mga lobo.

Hindi pa ito nagtatapos syempre, at sampung taon na ang


lumipas, noong 1845, isang batang lalaki na naninirahan sa San Felipe
Springs sa Del Rio ay nakakita ng 'isang nilalang, na may mahabang
buhok na tumatakip sa kanyang mukha na parang isang hubad na
batang babae' na umaatake ng mga kambing. Maraming mga tao ang
hindi naniniwala sa kwento ng batang lalaki at pinagtawanan ng
marami.

Makalipas naman ng humigit kumulang isang taon pagkatapos ng


insidenteng iyon, mayroon namang isang babaeng taga-Mexico sa San
Felipe ang nagsabi na nakakita siya ng dalawang malalaking lobo at
isang walang damit na batang babae na lumalamon sa isang bagong
patay na kambing. Lumapit siya doon at pagkakita niya ay agad itong
tumakbo. Napansin ng bata na ang batang babae ay nangungunang
tumakbo sa grupo ng mga lobo at nakita na tumayo at tumakbo sa
dalawang paa. Syempre ang bata ay walang pag-aalinlangan tungkol sa
kung ano ang nakita niya, mabilis itong kumalat at yung mga tao ay
talagang bantay na bantay sa sinasabing batang babae doon sa lugar ng
Ilog ng Diyablo. Dahil may ilang parehong ulat tungkol doon at sa mga
nakikitang mga yapak ng bata. At may mga mangangaso ay nag-
organisa para makuha itong lobo o itong babae sa ilog dyablo.

Sa ikatlong araw ng pamamaril ay nakita ang hubad na batang


babae malapit sa lawa ng espontosa na tumatakbo kasama yung
dosenang mga lobo. At ayun nagwatak-watak ang mga mangagaso at
na-corner nila yung batang babae pero yung bata ay nakikipaglaban
tulad ng isang mabangis na hayop at galit na galit na nangangagat para
lamang mapanatili ang kanyang kalayaan. Ngunit nagawa pa rin ng mga
mangangaso na mahuli ito, at ng tinatali na siya ay nagsimula siyang
gumawa ng nakakatakot na mga tunog, habang umaalulong ito ay
lumitaw ang halimaw na lobo at sinugod yung mga dumakip sa kanya.
Mabilis namang dumukot ng baril yung mangangaso at binaril ito kaya
naman yung batang babae ay nahulog.
Nasuri na ngayon ng mga kalalakihan ang batang babae at
kapansin pinsan na natatakpan na ito ng kanyang buhok, at mabangis
na pag-uugali. Ang kanyang mga kamay at braso ay mamasel-masel
pero wala siyang kakayahang magsalita at gumagawa lang ng mga
ingay. Gumalaw naman ito ng maayos ngunit medyo hirap kapag
pinatayo siya ng tuwid.

Maya-maya, ang batang babae ay isinakay sa isang kabayo at


dinala sa pinakamalapit na bukid, inilagay siya sa isa sa mga silid at
walang balot. Nag-alok rin naman ang mga mangangaso ng isang takip
para sa kanyang katawan at pagkain, tubig, ngunit tumanggi ito. Iniwan
nila ang batang babae dahil gabi na pero naka-lock ito at may mga
bantay na gwardiya.

At nang gabi ding iyon, ang mga mangangaso ay nakarinig ng mga


nakakakilabot na alulong na nagmumula sa silid ng lobo na batang
babae. Biglang sumampa yung malalaking lobo sa mga kural, sinalakay
yung mga kambing, baka at kabayo. Pinagbabaril naman ito ng mga
mangngaso, nagsisigaw rin para mapaalis ito. Dahil natataranta ang
mga mangngaso ay nagawa namang makatakas ng batang babae. Hindi
nagtagal ay humupa ang mga alulong at ang mga lobo ay gumapang
pabalik. Kinabukasan ay hindi na matagpuan ang isang kahit anong
bakas ng batang babae.

At sa pangyayaring iyon, mayroong ilang mga hindi napatunayan


na ulat sa mga sumunod na mga taon tungkol sa batang babae na
mahabang buhok na kasama ang mga lobo. At wala ng nagtangka na
hanapin pa ito.

Labing-pitong taong gulang ang batang babae sa taong iyon.


Pagkatapos nito ay nawala siya sa usapin ng mga bansa
magpakailanman. At sa mga ulat noong 1850's at 1960’s mula sa mga
sundalo sa Camp Hudson sa texas na naririnig nila ang alulong at pag-
iyak sa gabi. Pero imposibleng malaman ngayon kung ano ang nangyari
sa anak na babae ni Mollie Dent.

At ang teoryang maihahambing dito ay ang teoryang innateness.


Dahil sa mga interaksyon na nagaganap sa kanyang kapaligiran. At
pagdating palang sa kilos, yung kilos na nagagawa ng lobo kung ano
yung naoobserbahan niya ay ganoorin niya rin na-aadopt sa sarili niya
at wala ein siyang kakayahang magbanggit ng mga salita dahil wala
siyang naririnig doon sa mga kasamahang lobo at ang nagagawa niya
lamang ay ang mga ingay o alulong.

You might also like