You are on page 1of 1

John Mark A.

Timon
BSIT 1-A

GOMBURZA
Ang GOMBURZA ay tumutukoy sa tatlong paring martir na sina Mariano Gomez, Jose
Burgos at Jacinto Zamora. Sila ay binatay ng mga kastila dahil sa paratang nang
nangyaring rebelyon sa Cavite noong taong 1872. Nag dala ng panganib sa mga kastila
ang lumalaganap na katanyagan ng mga paring Pilipino at ang banta na dala nila sa
espanya. Si padre Mariano Gomez ay ipinanganak noong August 2, 1799 sa Santa Cruz
Manila nina Alejandro Francisco Gomez at Martina Custodia siya ay nag aral sa Colegio de
San Juan de Letran, at nag tapos ng Theology sa Unibersidad ng Santo Tomas. Nag silbi
siyang Kura Paroko sa Bacoor Cavite matapos ang kanyang pag aaral, Nagtatag siya ng
pahayagan na ang pangalan ay La Verdad ipinapakita ditto ang hindi magandang
kalagayan ng bansa sa panahon ng pananakop ng mga kastila. Si padre Jose Burgos
naman ay isang Insulares na ipinanganak noong February 9, 1837 sa Vigan Ilocos Sur ng
kastilang si Jose Tiburcio Burgos at Florencia Garcia, siya ay naiiba sa kanilang tatlo dahil
sa natamo niyang degree at nakapag tapos ng dalawang titulo sa pagka doctor mula sa
Colegio de San Juan de Letran at Unibersidad ng Santo Tomas. Siya naman ang Kura
Paroko ng Manila Cathedral. August 14, 1835 naman ipinangak si Padre Jacinto Zamora sa
Pandacan Manila nina Venancio Zamora at Hilaria del Rosario. Nagtapos siya ng Bachelor
of Canon and Civil Law’s sa Unibersidad ng Santo Tomas at nag sili bilang kura paroko sa
Marikina. Idinawit siya sa rebelyon dahil sa mga ebidensiyang nakalap ng mga kastila mula
sa imbitasyon na may nakalagay na “magdala ng bala at pulbura”. Ang GOMBURZA ay
pinatawan ng kamatayan sa bagumbayan sa pamamagitan ng garrote noong February 17,
1872. Dahil sa kanilang hindi makatarungang kamtayan nahimok si Jose Rizal na isulat ang
kanyang obra na El Felibusterismo.

You might also like