You are on page 1of 1

Kahalagahan ng Vaccine Hesitancy

Ang bakuna ay isang sustansiyang nakakapagpalakas sa sistemang imyuno ng isang tao na


nakapagpapababa ng tyansa na magkaroon ng impeksiyon sa sistema ng tao. Ipinaglalaban nito ang
sistemang imyuno natin laban sa mga bakterya na nagiging dahilan ng mga sakit. Marami ang
nagsasabing ang pagpapabakuna ay isang hakbang upang masolusyonan at malabanan ang mga sakit na
lumalaganap. Totoong ang pagiging maagap ay mas nararapat kaysa sa pag-iingat. Marami ang mga
nagpapabakuna dahil gustong makaiwas agad sa pagkakaroon ng malalang sakit. Kilala rin sa kasaysayan
ng mga sakit na marami na ang naisalbang buhay dahil sa pagpapabakuna. Ngunit dati pa man, mainit na
usapin na rin ang mga taong hadlang dito. At lalo na ngayong panahon ng pandemya, kung saan ang mga
tao, higit lalo ang mga Pilipino, ay nagiging alanganin ang desisyon sa usaping ito. Naiimpluwensyahan
ang pagtanggi sa pagbabakuna ng isang tao dahil sa kakulangan ng tiwala sa mga namumuno sa
kalusugan at minsan ay dahil sa takot sa magiging epekto nito sa kanilang katawan. Minsan ay mahalaga
ang pagkakaroon ng ganitong lebel ng hindi pag sang-ayon dahil ang kalusugan ng tao ang nakasalalay
rito. Walang makakasisi sa pagkakaroon nila ng pag-aalinlangan dahil una sa lahat, kung may maayos
lamang na pagresponde at may malinaw na aksyon at pagtugon sa krisis na ito, hindi magdadalawang
isip ang sinuman sa pagpapabakuna.

You might also like