You are on page 1of 8

Department of Education

Edukasyon sa
Pagpapakatao 5
Katapatan sa Pakikitungo sa
Kapwa
Supplementary Worksheets 6

Eugene P. Picazo
Manunulat

Dr. Yaledegler C. Maligaya


Dr. Liliosa B. Palce
Tagasuri

Schools Division Office – Muntinlupa City


Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City 1
(02) 8805-9935 / (02) 8805-9940
Panimulang Mensahe

Para sa mga magulang/tagapangalaga/


Tagapagturo
Ang Worksheets na ito ay ginawa upang inyong maging
gabay, mga magulang, tagapangalaga o tagapagturo ng ating mag-
aaral. Mahalagang sundin ang bawat panuto upang maging
epektibo ang pag gamit nito at maging kasiya-siya sa mga mag-
aaral ang pagkatuto. Hangarin nito na ang bawat mag-aaral ay
maabot ang pagkatuto bagama’t tayo ay humaharap sa
pandaigdigang pandemya. Kami na nasa Kagawaran ng
Edukasyon ay gumagawa ng paraan upang patuloy na maihatid
sa bawat mag-aaral ang edukasyon sa lahat ng panahon at
pagkakataon. Hangad namin ang inyong kooperasyon.

Para sa mga mag-aaral


Ang Worksheets na ito ay ginawa upang tuloy-tuloy
ang inyong pag-aaral. Bagama’t tayo ay humaharap sa
pandaigdigang pandemya hangad naming mga guro at ng
Kagawaran ng Edukasyon na ikaw ay maturuan. Ang bawat
bahagi ng gawain o pagsasanay ay dapat sagutan, pag-aralan at
ingatan.

Mga Kinakailangang Gamit sa Pag-aaral:


a. Lapis
b. Krayola
c. Activity Worksheets

2
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO – Baitang 4

Pangalan:______________________________________Paksa: __________________
Seksiyon:____________________Guro: _______________________Score ________
Layunin: Nakapagpapahayag nang may katapatan ng sariling opinyon/ideya
at saloobin tungkol sa mga sitwasyong may kinalaman sa sarili at
pamilyang kinabibilangan.
Code EsP5PKP–Ig–34

Alamin

Gawain 1: Unang Araw


Panuto: Basahin at unawain ang kwento

Karaniwan lamang ang pamumuhay ng pamilya nina Mang Lito at Aling


Linda. Sapat ang kinikita ni Mang Lito mula sa pagtatanim ng gulay para sa
kanilang pang-araw-araw na pangangailangan sa tahanan. Natutugunan rin
ng mag-asawa ang mga simpleng pangagailangan ng kanilang dalawang anak
na nag-aaral sa elementarya.
Isang araw ay masayang umuwi ang dalawa nilang anak mula sa
paaralan. Ibinalita nila sa kanilang Nanay ang gaganaping Lakbay-Aral sa
susunod na linggo. Gustong-gusto ng magkapatid na sumama upang makita
ang iba’t ibang hayop sa isang zoo na ikinuwento ng kanilang guro.
Nakangiting nakinig si Aling Linda sa mga anak subali’t sa kanyang isipan ay
naroon ang pag-aalala. Wala silang kakayahang mag-asawa na tugunan ang
ekstrang pangangailangan ng mga bata. Alam niyang masasaktan ang
kanyang mga anak kung malalaman ng dalawang bata na wala silang
maibibigay na pambayad sa Lakbay-Aral nagagawin. Pinag-iisipan niya ang
kanyang sasabihin sa mga anak nang dumating si Mang Lito
mula sa bukid. Ikinuwento ni Aling Linda ang haharapin nilang kagastusan
ng mga bata sa paaralan. Napailing si Mang Lito. Ayaw rin niyang masaktan
ang mga bata.

3
Kinabukasan ay kinausap ng mag-asawa ang mga bata. Ipinaliwanag
ni Mang Lito ang dahilan kung bakit hindi sila makasasama sa Lakbay-Aral.
Niyakap ni Aling Linda ang mga anak. Humingi siya ng pang-unawa kung
bakit wala silang maibibigay na pambayad sa paaralan. Ngumiti at tumango
ang magkapatid. Nauunawaan nila ang kalagayan ng kanilang pamilya.
Nangako sila na tutulong sa pagbebenta ng gulay at mag-iipon ng salaping
maaari nilang gamitin sa susunod na Lakbay-Aral na isasagawa ng paaralan.

Sagutin ang sumusunod na tanong:


1. Anong uri ng pamumuhay mayroon ang pamilya nina Mang Lito at
Aling Linda?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
2. Kung ikaw ay isa sa mga anak nina Mang Lito at Aling Linda,
matatanggap mo ba ang uri ng pamumuhay na ibinibigay nila bilang
magulang? Bakit?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
3. Sa iyong palagay, tama bang magsabi ang magkapatid na nais nilang
sumama sa Lakbay-Aral gayong alam nila ang tunay nilang kalagayan?
Ipaliwanag.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
4. Paano binigyang solusyon nina Mang Lito at Aling Linda ang suliranin
ng kanilang mga anak?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
5. Makatuwiran bang tinanggap ng magkapatid ang ipinaliwanag ng
kanilang mga magulang? Bakit
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
6. Kung ikaw ang magbibigay ng pamagat ng kwentong ito, anong
pamagat ang akma sa kwentong ito? ______________________________

4
Isagawa

GAWAIN 2: Ikalawang Araw


Panuto:
Narito ang ilang sitwasyon. Isulat sa ikalawang hanay ang iyong
gagawin upang maipakita ang pagiging matapat sa kapwa. Isulat sa kabilang
hanay ang iyong sagot.

Mga Sitwasyon Sagot


1. Kinuha mo nang walang paalam
ang krayola ng iyong katabi.
2. Nakakuha ka ng mataas na
marka dahil nangopya ka sa iyong
kaklase.
3. Nakita mo ang iyong kuya na
bumili ng sigarilyo sa tindahan.
4. Sinira ng alaga mong aso ang
mga bulaklak sa hardin ng inyong
kapitbahay.
5. Nasunog ang niluluto mong
sinaing dahil nakalimutan mo ito.
Nanonood ka kasi ng telenobela sa
telebisyon.

Isapuso

GAWAIN 3: Ikatlong Araw


Panuto:
Gamit ang sumusunod na sukatan, sukatin ang sariling katapatan sa
pamamagitan ng pagbibigay ng iskor sa mga gawaing nakatala:

5
1 – Hindi ko po ginagawa.
2 – Madalang ko pong ginagawa.
3 – Madalas ko pong ginagawa.

1. Sinasabi ko sa mga magulang ko ang lahat ng ginawa ko habang


wala sila.

2. Umaalis ako ng bahay kahit hindi ako pinapayagan.

3. Nagpapaalam ako kapag may pupuntahan.

4. Sasabihin ko sa kapatid ko na nawala ang hiniram kong tuwalya sa


kaniya.

5. Sasabihin ko sa aking guro kung sino ang totoong nakabasag ng


salamin ng bintana.

Tandaan

Ang pagsasabi nang tapat ay pagsasama nang maluwat.

Isabuhay

GAWAIN 4: Ikaapat na Araw


Panuto: Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Sagutin ang mga tanong
tungkol dito.
1. Nasisiyahan ka ba kapag nakakikita ka ng tao na pinagtatanungan ng
estranghero ngunit ang ibinibigay namang impormasyon ay mali at
naiiba sa totoo? Ano ang nararapat mong gawin?

6
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
2. Noong maliit ka pa, ang buong akala mo ay anak ka ng magulang
mo. Ngunit pagdating mo ng grade I, natuklasan mong ampon ka
lamang pala. Walang nakakaalam sa iyong mga kaibigan na ikaw ay
ampon lamang. Ano ang gagawin mo?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
3. May nagawa kang pagkakamali sa klase na hindi mo alam. Paulit- ulit
mo itong nagagawa hanggang kausapin ka ng isang kaibigan at
sabihin sa iyo ang iyong pagkakamali at sabihan kang huwag nang
gawin ang dati mong ginagawa. Ano ang magiging reaksiyon mo?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
4. Malakas ang loob ng isa sa iyong mga kaklase na manggulo kapag
wala ang guro. Nangunguha rin siya ng naiibigang gamit na hindi
kanya. Alam mong mali ang kanyang ginagawa ngunit takot kang
ipaalam ito sa iba. Isa ka sa pinagkakatiwalaan ng guro. Ano ang
magagawa mo para matigil na ito?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Subukin

Panuto: Iguhit ang masayang mukha kung wasto ang isinasaad ng


pangungusap, at iguhit naman ang malungkot na mukha kung ang
pangungusap ay di wasto.

__________1. Iaasa ko nalamang sa iba ang aking gawain.

__________2. Tatapusin ko ang anumang gawaing nasimulan.

7
__________3. Pagagandahin at tatapusin ko sa takdang oras ang aking

Gawain.

__________4. Gagawain ko lamang ang aking proyekto kung nakatingin ang

aking guro.

__________5. Ipapagawa ko nalamang sa aking kapatid ang aking proyekto.

B. Panuto: Bilugan ang letra ng tamang sagot.

6. Pamimintas sa ideya ng kasama


A. Tama B. Mali C. Maari D. Hindi tiyak
7. Pakikinig sa opinion ng ibang miyembro ng pangkat.
A. Tama B. Mali C. Maari D. Hindi tiyak
8. Mas gusto maglaro kaysa tumulong sa mga gawaing bahay.
A. Tama B. Mali C. Maari D. Hindi tiyak
9. Pagsunod sa lider ng pangkat
A. Tama B. Mali C. Maari D. Hindi tiyak
10. Ang pagsasabi ng katotohanan ay hindi nagdudulot ng kabutihan.
A. Tama B. Mali C. Maari D. Hindi tiyak

Sanggunian

1. Edukasyon sa Pagpapakatao 5 Kagamitan ng Mag-aaral, Kagawaran


ng Edukasyon, Pasig City

2. Edukasyon sa Pagpapakatao 5 Patnubay ng Guro,Kagawan ng


Edukasyon, Pasig City

You might also like