You are on page 1of 62

8

Edukasyon
Sa Pagpapakatao
Quarter 2 - Module 5
(Ang Pakikipagkapwa)
ESP Grade 8 First Edition
Alternative Delivery Mode
Quarter 2 – Module : ANG PAKIKIPAGKAPWA
First Edition 2020
Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist
in any work of the Government of the Philippines. However, prior approval of
the government agency or office wherein the work is created shall be necessary
for exploitation of such work for profit. Such agency or office may, among other
things, impose as a condition the payment of royalty.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand


names, trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective
copyright holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission
to use these materials from their respective copyright owners. The publisher
and authors do not represent nor claim ownership over them.

Published by the Department of Education – Division of Gingoog City


Division Superintendent: Jesnar Dems S. Torres, PhD, CESO VI

Development Team of the Module


Author/s: Darlene D. Villegas
Reviewers: Pablito B. Altubar,CID Chief
Himaya B. Sinata,LRMDS Manager

Illustrator and Layout Artists) : Joemar Valdevilla


Management Team
Chairperson: Jesnar Dems S. Torres,Phd,CESO VI
Schools Division Superintendent

Co-Chairpersons: Conniebel C. Nistal, PhD.


Assistant Schools Division Superintendent

Pablito B. Altubar
Chief Curriculum Implementation Division

Members : Rodrigande J. Miole,EPS-ESP


Catalina P. Rubin,PSDS
Himaya B. Sinatao, LRMS Manager
Jay Michael A. Calipusan, PDO II
Mercy M. Caharian, Librarian II
Printed in the Philippines by
Department of Education – Division of Gingoog City
Office Address: Brgy. 23,National Highway,Gingoog City
Telefax: 088 328 0108/ 088328 0118
E-mail Address: gingoog.city@deped.gov.ph
Junior High School

ESP 8
Quarter 2 - Module 1

Ang Pakikipagkapwa
TALAAN NG NILALAMAN

Paunang Salita .................................................................................................................................. 1-2


Alamin ............................................................................................................................................. 2
Layunin ............................................................................................................................................ 3

Pangkalahatang Panuto ................................................................................................................... 3

ARALIN 1:
Kailangan Kita…Kailangan Mo Ako…Kapwa-Tao Tayo…
• Ang Tao Bilang P[Anlipunang Nilalang
• Ang Pakikipagkapwa At Ang Golden Rule
Alamin ........................................................................................................................... 3-4

Subukin ....................................................................................................................... 5-8

Tuklasin ......................................................................................................................... 9-11

Suriin ............................................................................................................................. 12-6

Pagyamanin ................................................................................................................... 17

Isaisip ............................................................................................................................. 18

Isagawa .......................................................................................................................... 19

Pagtatasa ……………………………………………………………………………….20-21

Karagdagang Gawain ………………………………………………………………… 22

ARALIN 2:
• “Mag-Usap Tayo’: Ang Kahalagahan Ng Diyalogo/Pagkakaisa,Komunikasyon At
Pagtutulungan/Pagbiuo At Pagsali Sa Samahan
• Pakikipagkapwa-Tao:Kalakasan At Kahinaan Ng Pilipino
Alamin ........................................................................................................................... 25
Subukin .......................................................................................................................... 26
Balikan ......................................................................................................................... 27
Tuklasin ....................................................................................................................... 28
Suriin ………………………………………………………………………………… 29-32
Pagyamanin………………….………………………………………………………… 33
Isaisip .......................................................................................................................... 34

Isagawa………………………………………………………………………………... 35

Pagtatasa………………………………………………………………………………36-37

Karagdagang Gawain………………………………………………………………… 38
ARALIN 3

• Mga katangian ng makabuluhan at mabuting pakikipag-ugnayan sa kapwa


• Mga prinsipyo sa pagpapaunlad ng pakikipag-ugnayan sa kapwa
Alamin ........................................................................................................................... 41

Subukin ....................................................................................................................... 42

Balikan ........................................................................................................................... 42

Tuklasin ......................................................................................................................... 43

Suriin………………………………………………………………………………......44-46

Pagyamanin .................................................................................................................. 47

Isaisip …………………………………………………………………………………47-48

Isagawa ......................................................................................................................... 49

Pagtatasa …………………………………………………………………………...... 49-50

Karagdagang Gawain …………………………………………………………………50

Susi ng kasagutan................................................................................................................... --51

Buod…………………………………………………………………………………………...53-54

Sanggunian ............................................................................................................................. 55
Paunang Salita

Ang modyul na Edukasyon sa Pagpapakatao ay inilimbag upang matugunan


ang hangarin ng mga mag-aaral ayon sa kanilang pangangailangan tungo sa isang
matagumpay na edukasyon.Ito ay lilinang sa kakayahan upang mahasa ang galing ng
bawat kabataan at ang mabuting kaugalian na kailangang matutunan lalo na sa
larangan ng Pakikipagkapwa.
Ang bawat aralin , babasahin, Gawain at mga pagsasanay sa bawat serye ay
iniangkop ayon sa kakayahan at inters ng mga kabatan upang matuto sa isang
makabuluhan, magkaroon ng analitikal, kritikal at mapanuring isip upang magiging
handa sa pagharap ng mga hamon sa totoong buhay.
Para mabigyan ka ng pangkalahatang ideya hinggil sa kursong ito, narito ang
mga aralin sa pakikipagkapwa na tatalakayin sa kabuoan ng iyong pag-aaral.

Narito ang mga aralin sa Modyul 5:


1.Kailangan kita…Kailangan mo ako…Kapwa –tao tayo…
2.Ang tao bilang Panlipunang Nilalang
3. Ang pakikipagkapwa at ang Golden Rule
4. “Mag-usap tayo”: Ang Kahalagahan ng Diyalogo
5. Ang Kahalagahan ng Pagkakaisa, Komunikasyon, at Pagtutulungan
6. Ang Kahalagahan ng Pagbubuo at Pagsali sa mga Samahan
7. Pakikipagkapwa-tao: Kalakasan at Kahinaan ng Pilipino
8. Mga Katangian ng Makabuluhan at Mabuting Pakikipag-ugnayan sa Kapwa
9. Mga Prinsipyo sa Pagpapaunlad ng Pakikipag-ugnayan sa Kapwa

Mga Icon ng Modyul na ito

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo
Subukin ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


Balikan matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo


Tuklasin sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin,
tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa
Suriin aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan
ang bagong konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong
Pagyamanin pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari
mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit
ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang


Isaisip patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo


Isagawa upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa
tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

1
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang
Pagtatasa antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.

Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga


Pagwasto gawain sa modyul.
2
MODYUL 5
• Kailangan Kita…Kailangan Mo Ako…Kapwa-
Tao Tayo
• Ang Tao Bilang Panlipunang Nilalang
• Ang Pakikipagkapwa At Ang Golden Rule
ARALIN

1
Alamin

Sa modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang sumusunod na


kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:
a. Natutukoy ang mga taong itinuturing na kapwa at ang kahalagahan
ng pakikipagkapwa,
b. Nasusuri ang mga impluwensya ng kapwa sa aspektong intelektwal,
panlipunan, pangkabuhayan, at political,
c. Naipaliliwanag ang Batayang Konsepto ng aralin, at
d. Naisasagawa ang isang gawaing tutugon sa pangangailangan ng
mga mag-aaral o kabataan sa paaralan o pamayanan sa aspektong intelektwal,
panlipunan, pangkabuhayan, at political.
Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng awtput mo sa titik d:
1. Malinaw at makatotohanan ang pagkakagawa ng plano (action plan),
2. Naisagawa ang gawain ayon sa plano,
3. May mga patunay ng pagsasagawa, at
4. May kalakip na pagninilay tungkol sa iyong karanasan at epekto ng
gawain sa iyong pagkatao at pakikipagkapwa.

3
PANGKALAHATANG PANUTO
Ngayong hawak mo na ang Modyul na ito,gawin ang mga sumusunod:
1. Basahin at sundin ang panuto sa bawat paksa.
2. Itala ang mga kaukulang punto na nangangailangan ng masusing
kasagutan.
3. Gawin ang mga Gawain sa Modyul nang may pag-unawa
4. Sagutin ang lahat ng mga katanungan sa bawat gawain.

Para sa Guro
1. Ilahad at ipaunawa sa mag-aaral ang bawat paksa sa Modyul. Ipagawa
sa mga mag-aaral ang mga Gawain nang may tiwala sa sarili.
2. Bigyan ng tuntunin ang mga mag-aaral na sagutin ang mga Gawain sa
alamin upang suriin ang kanilang kaalaman sa paksang tatalakayin.
3. Ipagawa ang gawaing Tuklasin para sa masusing pag-unawa ng mga
mag-aaral sa kahalagahan ng pag-aaral sa paksa.
4. Ipabasa sa mga mag-aaral ang Suriin, hayaan silang tukl;asin ng may
pag-unawa ang mag paksang tatalakayin sa modyul.
5. Ipasagot ang Pagyamanin.Suriing mabuti kung lubos na nauunawaan ng
mga mag-aaral ang paksang tinalakay, Palalimin ang kanilang
pagunawa sa pamamagitan ng mga pagsagot sa mga katanungang
nasa Isaisip.
6. Ipagawa ang gawaing Isagawa bilang bahagi ng pagsasakatuparan at
aplikasyon sa pangkalahatang pagkatuto mula sa mga paksang
natutunan sa modyul na magagamit sa pang-araw-araw na Gawain.

4
Subukin

GAWAIN 1
Upang magkaroon ng hamon sa sarili ay subukin mo muna ang iyong
sarili. Ang paunang pagtataya sa modyul na ito ay mayroong dalawang bahagi:
ang unang bahagi ay susukat ng dati mong kaalaman sa konseptong pag-
aaralan at ang ikalawang bahagi ay susukat ng iyong kasalukuyang
kakayahan sa pakikipagkapwa.
Mahalaga ring maunawaan mo na kung anuman ang maging resulta ng
paunang pagtatayang ito, hindi ito magiging bahagi ng pagbibigay sa iyo ng
marka, kundi isang mahalagang pagbabatayan ng iyong pag-unlad.
Unang Bahagi: Paunang Pagtataya ng Kaalaman sa mga Konsepto ng
Pakikipagkapwa
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Bilugan ang letra ng
pinakatamang sagot.
1. Alin sa mga pahayag ang isa sa mga indikasyon na ang tao ay likas na
panlipunang nilalang?
a. Ang tao ay may kakayahang tugunan ang kaniyang sariling pangangailangan
b. Ang tao ay may inklinasyon na maging mapag-isa.
c. Ang tao ay may kakayahang lumikha ng masasaya at makabuluhang alaala.
d. Ang tao ay may kakayahang maipahayag ang kaniyang pangangailangan.
2. Ang marapat na pakikitungo sa kapwa ay ________
a. nakabatay sa estado ng tao sa lipunan.
b. nakasalalay sa kalagayang pang-ekonomiya.
c. pagtrato sa kaniya nang may paggalang at dignidad.
d. pagkakaroon ng inklinasyon na maging mapag-isa.
3. Maipakikita ang makabuluhang pakikipagkapwa sa pamamagitan ng
sumusunod maliban sa _______________.
a. kakayahan ng taong umunawa
b. pagmamalasakit sa kapakanan ng may kapansanan
c. espesyal na pagkagiliw sa nakaaangat sa lipunan
d. pagtulong at pakikiramay sa kapwa

5
4. Ang pagkakaroon ng iba’t ibang samahan sa lipunan ay inaasahang magtataguyod
ng ________ bilang paglilingkod sa kapwa at sa kabutihang panlahat.
a. hanapbuhay b. libangan c. pagtutulungan d. kultura
5. Aling aspeto ng pagkatao ang higit na napauunlad sa pamamagitan ng
paghahanapbuhay?
a. Panlipunan b. Pangkabuhayan c. Politikal d. Intelektwal
6. Nalilinang ng tao ang kaniyang ________ sa pamamagitan ng kaniyang pakikiisa
at pakikibahagi sa mga samahan.
a. kusa at pananagutan
b. sipag at tiyaga
c. talino at kakayahan
d. tungkulin at karapatan
7. Nagiging kahinaan ng mga Pilipino ang pakikipagkapwa dahil sa ________.
a. kakayahan nilang umunawa sa damdamin ng iba
b. kakayahan nilang makiramdam
c. kanilang pagtanaw ng utang na loob
d. kanilang pagiging emosyonal sa pakikisangkot
8. Ano ang nakahahadlang sa makabuluhang pakikipag-ugnayan sa kapwa?
a. Kakayahan ng taong makibahagi sa mga gawaing panlipunan
b. Kakayahang tugunan ang pangangailangan ng kapwa
c. Pagkilala sa sarili na mas matalino siya kaysa ibang tao
d. Pagkikitungo sa iba sa paraang gusto mo ring pakitunguhan ka
9. Ang sumusunod na pahayag ay totoo tungkol sa diyalogo, maliban sa:
a. Naipakikita ang kakayahang makipag-diyalogo sa pamamagitan ng wika.
b. Umiiral ang diyalogo sa sariling pagsasaliksik ng kasanayan.
c. Nagkakaroon ng pagkakataon ang taong makipag-ugnayan sa kapwa.
d. Naipahahayag ng tao sa kaniyang kapwa ang tunay na pagkalinga.
10. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng mabuting pakikipagugnayan
sa kapwa?
a. “Bakit ba nahuli ka na naman?”
b. “Pilit kong inuunawa kung bakit ka nahuli, pero sana umalis ka ng bahay nang mas
maaga.”
c. “Sana sa susunod hindi ka na huli sa usapan natin.”
d. “Tatlumpung minuto na akong naghihintay sa iyo.”

6
Ikalawang bahagi: Paunang Pagtataya sa Kasalukuyang Kakayahan sa
pakikipagkapwa
Panuto: Sagutin nang buong katapatan ang bawat pahayag upang masukat ang
kakayahang maisakatuparan ang isang makabuluhan at mabuting
pakikipagkapwa. Suriin at tayahin ang sariling kakayahan kung ang mga
pahayag ay ginagawa mo Palagi, Madalas, Paminsan-minsan, o Hindi
Kailanman. .
Kopyahin sa kuwaderno ang talaan at isulat ang iyong sagot batay sa kasalukuyang
kalagayan ng iyong kakayahan sa pakikipagkapwa. Ang sagot ay makikita sa kahon
na ito.
Palagi, Madalas, Paminsan-minsan o Hindi Kailanman

_______1. Malaya kong naipahahayag ang aking nadarama, naiisip at


pangangailangan sa aking kapwa nang walang panghuhusga, pagpuna, o
pagpapawalang-halaga.
_______ 2. Sa aking pakikipagkapwa, napananatili ko ang aking kakanyahan
(individuality) at pagiging bukod-tangi.
_______3. Gumagamit ako ng epektibong kasanayan sa komunikasyon, upang
mapanatili ang kapayapaan at maiwasan ang di pagkakasundo.
_______ 4. Nagbabahagi ako ng aking mga pagpapahalaga at paniniwala upang
mapalalim ang aking pakikipag-ugnayan.
_______5. Pantay ang aking pagtingin sa kapwa at tanggap ko ang pagkabukod-tangi
ng bawat tao.
_______6. Naniniwala akong may kakayahan ang bawat isa na lutasin ang di
pagkakasundo at mga suliraning kinakaharap.
_______7. May oras ako para maglibang at magsaya kasama ang aking kapwa.
_______ 8. Sa pakikipag-ugnayan ko sa iba, kaya kong balansehin ang kakayahan
kong magbigay at tumanggap.
_______9. Mayroon akong panahon at kakayahang magkaroon ng iba pang
makabuluhang pakikipag-ugnayan sa iba.
_______10. Natutugunan ko ang pangangailangan ng aking kapwa.

✓ Bilangin ang iyong mga sagot sa bawat tugon ng pangungusap.


✓ Pagkatapos ay sundin ang interpretasyon ng iyong kabuuang iskor.

7
Interpretasyon ng kabuuang iskor
26 – 30 A. Wala nang hahanapin pa. Maaari kang makatulong upang maging gabay at
mapagsanggunian ng iba sa kanilang paglinang ng kasanayan sa pakikipagkapwa.
Ang iyong kakayahan sa pakikipagkapwa ay kahanga-hanga at dapat tularan!

16 – 25 B. Kinakikitaan ka ng pagsusumikap na mapanatili ang isang makabuluhan at


mabuting pakikipagkapwa. Maaaring ibahagi ang kasanayan. Ipagpatuloy ang
pagbabahagi ng sarili sa kapwa! Ipagpatuloy.

6 – 15 C. Mas malilinang ang kakayahang makipag-ugnayan kung magiging bukas


ang puso sa paglilingkod. Sumangguni sa taong maaaring makatulong sa iyo.

5 pababa D. Kailangang magsikap na paunlarin ang iyong pakikipagkapwa.


Sumangguni sa taong maaaring makatulong sa iyo upang mapaunlad ang iyong
kakayahan sa pakikipagkapwa.

8
TUKLASIN

GAWAIN 2
Panuto: Hanapin at tukuyin ang sampung tao na maituturing mong kapwa gamit
ang puzzle. Maaaring ang mga titik ng salita ay pahalang, patayo, pabalik, o
padayagonal. Isulat ang sagot sa kuwaderno.

G X R E R S H J K L Q O
F G N A G I B I A K D E
J M R K U C Y U O A P R
L S G R R H A I R A P R
U D H D O K T O R W W Y
O I J D P M A M I A C F
D T P Y N T T U J Y P U
X A K A E S A L K A K I
R P N H J H V D F S R E
M A L I K R X F H R R A
Y K R O L E B D S B L Y

Doktor Kaibigan Kaklase Kapatid Nanay

Kaaway Tatay Guro Pari

Google.com/search?q=images

9
GAWAIN 2.1

Panuto:
1. Marami kang taong nakakasalamuha sa iyong buhay. Gabay ang Worksheet 1 isulat ang
pangalan ng mga taong itinuturing mong kapwa. Isulat ang mga ito sa bawat mukha na
nakasakay sa dyip.
2. Lagyan ng larawan at kulayan. Maaari ding gumuhit ng karagdagang kasama sa dyip .
Worksheet 1
Tayo na !sakay tayo.

Google.com/search?q=images

Worksheet 2: Ipinakikilala ko sina …


1. Matapos gawin ito, punan ang tsart ayon sa sumusunod:
Pangalan Isulat ang pangalan ng kapwa ayon sa
kaniyang bilang sa Worksheet 1

Siya ay aking Isulat ang kaniyang kaugnayan sa iyo.

Natulungan ko siya sa Itala ang mga bagay na nagawa o


naitulong mo sa kaniya

Tinulungan niya ako sa Itala ang mga bagay na nagawa o


naitulong niya sa iyo.

10
Narito ang halimbawa
Ipinakikilala ko sina:
Pangalan Siya ay aking Natulungan ko siya Tinulungan niya
sa: ako sa
1. Nanay Lolit Nanay Gawaing bahay Pagiging masinop
at matipid
. 2.Tatay Darwin Tatay Panghahalaman Paggawa ng
proyekto sa TLE
3. Kuya Kim Kuya Pag-aayos n g Pagkokompyuter
bisekleta ng proyekto
4.Benjie Kaibigan/kaklase Pagsasanay sa pag- Pagkakaroon ng
aawit tiwala sa sarili
5.Grace Pinsan/kaklse Science Pangangampanya
sa SSG
6.Mr.Peter Kakilala sa Bangko Kaniyang Hanapbuhay Pagbubukas ng
savings account
7.Ms. liberty guro Pagbuhat ng gamit Pagkatuto ng
niya Math
8.Edward Kaibigan/Pinsan Pagpunta sa Mall Paglalaro ng
Chess
9.Dr, Santyos Doktor Kanyang hanapbuhay Pagpapagaling
mula sa sakit
10.Mang Andy Kakilalal/janitor Paglilinis ng paaralan Paghahanap ng
gamit ko

2. Dito ikaw naman ang sasagot!

Ipinakikilala ko sina:
Pangalan Siya ay aking Natulungan ko siya Tinulungan niya
sa ako sa
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.

11
Pagkatapo maibahagi sa itaas kung sino ang iyong mga kapwa, sagutan naman ang
mga sumusunod na mga tanong tungkol sa mga bahaging ginagampanan ng iyong
kapwa:
a. Sinu-sino ang itinuturing mong kapwa? Gaano sila kahalaga at ano ang
bahaging ginagampanan nila sa iyong buhay?
b. Kaya mo bang mabuhay ng walang kapwa? Sang-ayon ka ba sa pahayag na
“NO MAN IS AN ISLAND?” Sa pandemia ngayon na ang taong mahawaan
ng virus na Covid 19 ay ma isolate ng 14 days, paano kaya nila
mapaninindigan ang kasabihang ito? Ipaliwanag.

Suriin

Basahin natin:

“Kaya kong mabuhay nang nag-iisa!” pahayag ng isang magaaral na sanay


mapag-isa. May mga pagkakataon naman daw na naiiwan siyang mag-isa sa bahay
at nakakaya niyang mabuhay dahil marunong siya sa mga gawaing-bahay.
Ipinaunawa ng kaniyang mga kaklase na kahit nag-iisa siya, kailangan
Pa rin niya ang ibang tao at naiimpluwensyahan pa rin siya ng iba.
Katwiran nila, bumibili daw siya sa tindahan at palengke,
nanonood siya ng palabas sa telebisyon,mayroon siyang damit GOOGLE.COM/search?q-images

na isinusuot na gawa ng ibang tao, nagbabasa siya ng aklat,


at mayroon siyang cellphone at computer na maaari siyang makipag-chat. Kaya, hindi
siya tunay na nag-iisa.
Ano kaya ang mararamdaman mo kung sa loob ng 48 oras, mag-isa kang
nakakulong sa silid na madilim at sobrang tahimik?
Isang dokumentaryo ang ipinalabas sa British Broadcasting Corporation
(BBC) noong Enero, 2008 (http://documentarystorm.com/total-isolation/) na may
pamagat na “Total Isolation” ang nagpakita ng naging kalagayan at kinahantungan ng
mga tao na nakakulong sa loob ng 48 oras nang nag-iisa at walang kahit munting sinag
ng liwanag.

12
Ang tatlo sa anim na nagboluntaryo ay iniwan sa madilim na silid na hindi
pinapasok ng anumang ingay, samantalang ang tatlo pang iba ay binigyan ng madilim
na ‘goggles’ at pantakip sa tainga na ang kanilang tanging naririnig ay ‘white noise’.
Bago simulan ang eksperimento, binigyan muna sila ng paunang pagsusulit
sa sumusunod na aspekto: visual memory, information processing, verbal fluency at
suggestibility. Pagkatapos ng 2 gabi at 2 araw, nakaranas ng guni-guni (hallucinations)
ang tatlo sa kanila; ang paniwala naman ng isa sa kanila, basa ang kanilang higaan at
dalawa sa kanila ang maayos na napagtagumpayan ang sitwasyon. Upang malaman
kung may epekto, binigyan muli sila ng pagsusulit sa mga naunang nabanggit na
aspekto. Batay sa resulta, bumaba at humina ang kakayahan nila sa pagkumpleto ng
simple at payak na mga Gawain.

Ang memorya ng isa sa kanila ay bumaba ng 36% at lahat sa kanila ay


nagkaroon ng suliranin sa pagtatantya ng oras at pag-iisip ng mga salita, lalo na ng
mga salitang nagsisimula sa titik “F.” Tumaas naman ang suggestibility ng apat na
lalaking nagboluntaryo.
Ayon sa isang nagboluntaryo, mahirap talagang gumana ang isip kung
walang liwanag. Naramdaman niyang blangko at ayaw ng gumana ang kaniyang isip
(Total Isolation, 2008).
Ano kaya ang ipinakita ng eksperimento? Tama ka! Kailangan ng ating utak
ang regular na istimulasyon. Makakamit lamang ito ng isang tao kung magkakaroon
siya ng ugnayan sa ibang tao at sa kaniyang kapaligiran. Ang pangmatagalang
pagkakait ng pagkakataon sa isang tao na makipag-ugnayan ay may negatibo at
masamang epekto sa kaniyang pagkatao. Mahirap para sa tao ang mabuhay nang
normal kung ang kakayahan niyang makipag-ugnayan ay ipagkakait sa kaniya. Ang
resulta ng eksperimento ay isa lamang sa maraming pagpapatunay na ang tao ay
isang panlipunang nilalang.
Hindi ba’t likas sa tao na tugunan ang mga pangangailangang
makapagbibigay sa kaniya ng kasiyahan? Halimbawa, kumakain ka ng karne ng
hayop at iba May Mga Pangangailangan
pang produkto nito; sumasakay ka sa iba’t ibang Ka Na Maaari Lamang Na
Matugunan Sa
uri ng transportasyon upang marating mo ang iyong
Pamamagitan Ng Pakikipag-
destinasyon; ginagamit mo ang halaman, puno, at bunga
Ugnayan Mo Sa Iyong
nito; at nakikinabang ka sa marami pang mga bagay Kapwa.
upang mapunan ang iyong kakulangan sa ibang aspekto.

13
May mga pangangailangan ka na matugunan sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan
mo sa iyong kapwa.
Nararapat na may lakip na paggalang at pagmamahal ang pakikipagugnayan
natin sa ating kapwa (Agapay, 1991). Inaasahan na matutugunan mo ang iyong
sariling pangangailangan sa abot ng iyong makakaya. Maunawaan mo at kilalanin na
ikaw rin ay may pananagutang magbahagi ng iyong kaalaman at kakayahan sa iyong
kapwa na gagawin mo nang may kalayaan, pananagutan, at pagmamahal.

ANG TAO BILANG PANLIPUNANG NILALANG

Ang kakayahan ng tao na mamuhay sa lipunan


at maging bahagi nito ay isang likas na katangian na
ikinaiba ng tao sa ibang nilalang. Nilikha ang taoayon
sa larawan at wangis ng Diyos; binigyansiya ng
kapamahalaan sa ibang nilalang; atbinigyan siya ng taong
makakasama atmakakatulong. Niloob ng Diyos na angtao https://www.google.com/sear
ch?q=images+pakikipagkapwa
ay mamuhay nang may kasama atmaging panlipunang
nilalang o social being at hindi ang mamuhay nang nag-iisa o solitary being. Kaya’t
ang panlipunang aspekto ng pagkatao at ang kakayahan ng tao na makipag-ugnayan
sa kaniyang kapwa ay likas sa kaniyang pagkatao o social nature of human beings
(Pontifical Council for Justice and Peace, 2004).

Ang Pakikipagkapwa at ang Golden Rule

Makakamit ng tao ang kaniyang kaganapan sa Ang makabuluhang


pakikipagkapwa ay
pamamagitan ng makabuluhan at mabuting pakikipagkapwa. pagtugon sa
pangangailangan ng iba
Sa buong mundo, kinikilala ang kahalagahan ng mabuting
nang maypaggalang at
pakikitungo sa kapwa (Golden Rule). Marami sa mga relihiyon pagmamahal.
sa buong mundo ang naniniwala sa kahalagahan ng
mabuting pagtrato at pakikitungo sa kapwa – “Huwag mong gawin sa kapwa mo ang
ayaw mong gawin sa iyo”; “Mahalin mo ang kapwa mo gaya ng pagmamahal mo sa
iyong sarili”; Makitungo sa kapwa sa paraang gusto mo ring pakitunguhan ka.”
Naipakita rin sa Parabula ng Mabuting Samaritano.

14
GoodSamaritan) kung sino ang ating kapwa at kung paano tayo dapat makitungo sa
ating kapwa: ang makabuluhang pakikipagkapwa ay pagtugon sa pangangailangan
ng iba nang may paggalang at pagmamahal.
Ang mga birtud ng katarungan (justice) at pagmamahal (charity) ay kailangan
sa pagpapatatag ng pakikipagkapwa.
Kaya nga,una munang kailangang matu Ang Pakikipagkapwa Ay Napatatag Ng Mga
Birtud Ng Katarungan At Pagmamahal
gunan ang pagbigay ng nararapat sa
kapwa.Kailangan ang katarungan
upang maibigay ang nararapat, na walang iba kundi ang paggalang sa kaniyang
dignidad. Subalit mayroong mga bagay na maaari nating ibigay nang higit pa sa
itinatakda ng karapatan at katarungan, ito ay ang mga bagay na ayon sa ating
pagmamalasakit at pagmamahal sa kapwa (Dy, 2012).

Narito ang ilang mga halimbawa.

Bawat bagay na materyal ay may katumbas na halaga,


kaya’t makatarungan lang na kung aariin natin ang isang
bagay ito ay ating babayaran ng katumbas na halaga. Subalit kung
ang isang bagay ay ibinigay mo nang walang hinihinging kapalit, tulad
ng regalo, ito ay pagpapakita ng pagmamalasakit o pagmamahal.

Dahil nais mong mapanatili ang kalinisan sa inyong lugar at makaiwas sa


dengue, ikaw at ang iyong mga kaibigan ay nagkusang maglinis. Kahit may mga taga-
linis ang barangay, hindi ninyo iniaasa lamang sa mga taga-linis ang responsibilidad
na ito - ang iyong paglilingkod ay nagpapakita ng pagmamahal.
May isa kang kaklase na nahihirapan sa Math. Ikinuha siya ng kaniyang
magulang ng tutor.Pagkatapos ng pagtuturo, binabayaran ang tutor nang ayon sa
haba ng oras ng kaniyang pagtuturo. Makatarungan iyon dahil hanapbuhay niya iyon

15
bilang tutor. Subalit kung tinutulungan mo ang iyong
kaklase sa pag-unawa sa asignaturang kaya mong

ituro nang walang anumang kapalit na materyal na


bagay, halaga man o pabor, ang ginagawa mo ay
isang paglilingkod sa kapwa, isang pagpapakita ng
pagmamalasakit at pagmamahal.
Google.com/image of pakikipagkapwa

Maraming naapektuhan ng mga nagdaang bagyo at kalamidad. Nagpakita


ka ba ng pagmamalasakit at pagmamahal? Nagbigay ka ba ng donasyon o
nagboluntaryong naglingkod sa mga nangailangan ng tulong?
Sa paglalahat, kung ang pagkikipag-ugnayan mo sa iba ay nag-uudyok sa iyo
upang ikaw ay maglingkod sa kapwa nang walang hinihintay na kapalit at nakahanda
kang ibahagi ang sarili sa iba, ito ay pagpapakita ng pagmamalasakit at pagmamahal.
Ang mabuting bagay na ginawa mo sa iyong kapwa ay may katumbas na mabuti.
Laging tandaan na naapektuhan ng mga ginagawa natin ang mga tao sa ating paligid;
gayundin naman, tayo ay naaapektuhan nila, dahil tayo ay magkakaugnay. Kaya
bilang paggalang at pagmamahal sa kapwa, bago magpasiya, magsalita o kumilos,
mahalagang itanong mo sa iyong sarili: Ano ang mararamdaman ko kung ako ang
nasa lugar niya?

Kung ang pakikipag-ugnayan mo sa iba ay naguudyok sa iyo upang ikaw ay


maglingkod sa kapwa nang walang hinihintay na kapalit at nahahanda kang
ibahagi ang sarili sa iba, ito ay pagpapakita ng pagmamalasakit at pagmamahal.

16
Pagyamanin

GAWAIN 3

1. Sagutin ang mga tanong sa isang buong papel:


a. Ano ang iyong nararamdaman kapag tinulungan ka ng iba sa iyong
pangangailangan? Ano ang iyong nararamdaman kapag nakatutulong ka sa
iba?
b. Maliban sa mga taong isinulat mo sa Worksheet 2, sino pa ang itinuturing
mong kapwa at paano mo paglilingkuran sila?
c. Sa panahon ng pandemia, lalo na sa sitwasyon ng ating lipunan na may hindi
basta-bastang virus na Covid 19, sino ang maari mong lapitan na makakatulong
sa iyo na matatawag mong kapwa? Ipaliwanag.

GAWAIN 3.1
✓ Sa pamamagitan ng Flower Graphic Organizer ay mapagyaman ng mga
kabataan ang kanilang naiintindihan sa araling ito:
✓ Gumawa ng Flower Graphic Organizer at isulat ang mga taong itinuring
mong kapwa at kung paano ito nagbibigay ng kahalagahan sa iyo.
.

17
Isaisip

GAWAIN 4

Pag-iisipan ang puntong ito (REFLECTION):

1. Pagnilayan: “Kaya ba ng tao na mabuhay nang nag-iisa?” Tumawag o kaya ay


magchat o magtext ng ilang mga kaibigan upang magbahagi ng kanilang pananaw.
.

GAWAIN 4.1: Lumikha ng isang Graphic Organizer batay sa nalalaman mong


desinyo at isulat ang mga taong natutukoy na kapwa at kung anong tulong ang
nagawa sa iyo at ang nagagawa mo para sa kanila.

GAWAIN 4.2: Sagutan ang mga tanong gamit ang VISUAL INTELLIGENCE at
bigyan ng limang minuto sa pag-iisip ng paliwanag.
➢ Nagpakita ka ba ng pagmamalasakit at pagmamahal? Sa paanong paraan ?
➢ Nagbigay ka ba ng donasyon o nagpakita ng kagustuhan maglingkod sa mga
nangailangan ng tulong lalo na sa Frontliners o sa mismong nagkasakit dahil
sa COVID 19? Anong pakikipagkapwa ang mapapatunayan mo sa sitwasyong
ito?
➢ Sa anong paraan nakakaimpluwensiya ang kapwa tao sa aspektong
Intelektwal, Panlipunan, Pangkabuhayan at Pulitikal? Ipaliwanag.

18
Isagawa

GAWAIN 5

PAGSASABUHAY:

➢ Gumawa ng journal tungkol sa pakikipagkapwa sa mga taong malalapit o sa


taong nagbibigay ng sakit sa iyong kalooban. Ito ay magpapatunay na ang
pakikipagkapwa tao ay hindi namimili ng pakitutunguhan.
➢ Pumili ng aspektong nakapag-impluwensiya sa iyo sa aspektong imtelektwal.
Panlipunan, Pangkabuhayan at pulitikal.
➢ Kailangang mailalahad ang paggalang at pagmamahal na isang birtud sa
pakikipagkapwa .
➢ May rubrics na nagpapatunay ng iyong kahusayan sa paggawa ng konsepto
sa pagsulat nito.
RUBRIK :

KRAYTERIA KRITIKAL NA KAHUSAYAN SA (30%)KALINISAN


PAG-IISIP(30%) KONSEPTO (40 %) SA JOURNAL

19
PAGTATASA
GAWAIN 6

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Bilugan ang titik ng
pinakatamang sagot.
1. . Ang marapat na pakikitungo sa kapwa ay ________
a. nakabatay sa estado ng tao sa lipunan.
b. nakasalalay sa kalagayang pang-ekonomiya.
c. pagtrato sa kaniya nang may paggalang at dignidad.
d. pagkakaroon ng inklinasyon na maging mapag-isa

2. Alin sa mga pahayag ang isa sa mga indikasyon na ang tao ay likas na
panlipunang nilalang?
a. Ang tao ay may kakayahang tugunan ang kaniyang sariling pangangailangan
. b. Ang tao ay may inklinasyon na maging mapag-isa.
c. Ang tao ay may kakayahang lumikha ng masasaya at makabuluhang alaala.
d. Ang tao ay may kakayahang maipahayag ang kaniyang pangangailangan

3. Ang pagkakaroon ng iba’t ibang samahan sa lipunan ay inaasahang


magtataguyod ng ________ bilang paglilingkod sa kapwa at sa kabutihang
panlahat.
a. hanapbuhay b. libangan c. pagtutulungan d. kultura

4.Maipakikita ang makabuluhang pakikipagkapwa sa pamamagitan ng


sumusunod maliban sa _______________.
a. kakayahan ng taong umunawa
b. pagmamalasakit sa kapakanan ng may kapansanan
c. espesyal na pagkagiliw sa nakaaangat sa lipunan
d. pagtulong at pakikiramay sa kapwa

5. . Nalilinang ng tao ang kaniyang ________ sa pamamagitan ng kaniyang


pakikiisa at pakikibahagi sa mga samahan.

20
a. kusa at pananagutan
b. sipag at tiyaga
c. talino at kakayahan
d. tungkulin at karapatan
6. Aling aspeto ng pagkatao ang higit na napauunlad sa pamamagitan ng
paghahanapbuhay?
a. Panlipunan b. Pangkabuhayan c. Politikal d. Intelektwal
7. Nagiging kahinaan ng mga Pilipino ang pakikipagkapwa dahil sa ________.
a. kakayahan nilang umunawa sa damdamin ng iba
b. kakayahan nilang makiramdam
c. kanilang pagtanaw ng utang na loob
d. kanilang pagiging emosyonal sa pakikisangkot
8. Ano ang nakahahadlang sa makabuluhang pakikipag-ugnayan sa kapwa?
a. Kakayahan ng taong makibahagi sa mga gawaing panlipunan
b. Kakayahang tugunan ang pangangailangan ng kapwa
c. Pagkilala sa sarili na mas matalino siya kaysa ibang tao
d. Pagkikitungo sa iba sa paraang gusto mo ring pakitunguhan ka
9. Ang sumusunod na pahayag ay totoo tungkol sa diyalogo, maliban sa:
a. Naipakikita ang kakayahang makipag-diyalogo sa pamamagitan ng wika.
b. Umiiral ang diyalogo sa sariling pagsasaliksik ng kasanayan.
c. Nagkakaroon ng pagkakataon ang taong makipag-ugnayan sa kapwa.
d. Naipahahayag ng tao sa kaniyang kapwa ang tunay na pagkalinga.
10. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng mabuting pakikipagugnayan
sa kapwa?
a. “Bakit ba nahuli ka na naman?”
b. “Pilit kong inuunawa kung bakit ka nahuli, pero sana umalis ka ng bahay nang mas
maaga.”
c. “Sana sa susunod hindi ka na huli sa usapan natin.”
d. “Tatlumpung minuto na akong naghihintay sa iyo.”

21
Karagdagang Gawain
GAWAIN 7
Panuto: Pagnilayan ang aralin na natutunan ngayon. Humanap ng mga magandang
paglalarawan sa mga taong natutukoy mong kapwa. Sa larawan ng Pinya na nasa
ibaba, isulat ang isang paglalarawan sa iyong mga kapwa sa bawat balat ng pinya.
Hal: Pagmamahal- Mahalin mo ang iyong sarili tulad ng pagmamahal mo sa iyong
kapwa.

Gawin ninyo:

22
Pagtatasa

1.C

2.A

3.C

4.C

5.A

6.B

7.A

8.C

9.B

10.C

Karagdagang Gawain

(Ito ay malayang sasagutin ng mga mag-aaral)

23
Susi ng Kasagutan sa mga Gawain(ARALIN 1)
Gawain 1 Unang bahagi

Subukin 1.A 2. C 3. C 4. C 5. B 6. A 7. A 8. C 9.B 10 C


Gawain 1.2 Ikalawang bahagi
Malayang sasagutin ng mga Mag-aaral ang nasa gawaing ito

Tuklasin(Gawain 2)Puzzle
G X R E R S H J K L Q O
F G N A G I B I A K D E
J M R K U C Y U O A P R
L S G R R H A I R A P R
U D H D O K T O R W W Y
O I J D P M A M I A C F
D T P Y N T T U J Y P U
X A K A E S A L K A K I
R P N H J H V D F S R E
M A L I K R X F H R R A
Y K R O L E B D S B L Y

Gawain 2.1 Worksheet 1 Tayo na! sakay tayo


Ito ay malayang kasagutan ng mga mag-aaral

Worksheet 2 Ipinakilala ko sina (Malayang kasagutan ng mga mag-aaral)

PAGYAMANIN

Gawain 3/3.1 (Ito ay malayang kasagutan ng mga mag-aaral)

ISAISIP

Gawain 4 /4.1-4.2 (Malayang kasagutan ng mga mag-aaral)

ISAGAWA

Gawain 5 Pangkatin ang mga mag-aaral at matataya ang kanilang


kakayahan sa pag-arte gamt angi Rubrics

24
“Mag-usap tayo”:ang kahalagahan ng
• Dialogo
• Pagkakaisa,komunikasyon at
pagtutulungan
• Pagbuo at pagsali sa mga kasamahan
• Pakikipagkapwa-TAO:Kalakasan at
kahinaan ng Pilipino
ARALIN 2

‘/

Alamin

• Naisasagawa ang isang gawain


tutugon sa pangangailangan ng
KASANAYANG mga mag-aaral o kabataan sa
PAMPAGKATUTO paaralan o pamayanan sa
aspektong intelektwal,
panlipunan, pangkabuhayan at
politikal .

25
Subukin

GAWAIN 1

Panuto: Pag-isipan kung ang pahayag ay tama o mali. Isulat ang titik A kung
ang pahayag ay tama, at titk B naman kung ito ay mali.

___________ 1. Ang diyalogo ay umiiral sa isang ugnayang interpersonal sa


pagitan ng dalawa o higit pang tao.

___________ 2 Sa pamamagitan ng diyalogo, nagkakaroon ang tao ng


pagkakataon na makapagbahagi sa kaniyang kapwa ng mga bagay na
kaniyang kailangan (hal. materyal na bagay, kaalaman, kasanayan at pati na
ng kaniyang sarili).

___________3 Ayon kay Licuanan (1992), ang pakikipagkapwa-tao ay isa sa


mga kalakasan ng mga Pilipino.

___________4. kasapi ng isang pamilya at lipunan na kung saan inaasahan


siyang makikibahagi sa pagtatakda ng mga layunin nito at sa pagkamit ng
kabutihang panlahat;

___________5. Ang labis na personalismo (extreme personalism) o labis at di


makatwirang pakikisama ay maaaring magdulot ng katiwalian at kabulukan
(graft and corruption) sa lipunan.

26
Balikan

Sa nakaraang aralin 1 ay natutunghayan natin ang mga taong itinutiring


nating kapwa.Nararapat na may lakip na paggalang at pagmamahal ang
pakikipagugnayan natin sa ating kapwa (Agapay, 1991). Inaasahan na
matutugunan mo ang iyong sariling pangangailangan sa abot ng iyong
makakaya. Maunawaan mo at kilalanin na ikaw rin ay may pananagutang
magbahagi ng iyong kaalaman at kakayahan sa iyong kapwa na gagawin mo
nang may kalayaan, pananagutan, at pagmamahal.

27
Tuklasin

GAWAIN 2
Panuto: Basahin nang mabuti ang sumusunod na tula na nagpapakita ng
kahalagahan ng makabuluhang pakikipagkapwa.

ANG PAKIKIPAGKAPWA

Ang tao’y likas na panlipunang Pakikipagkapwa’y linangin nang


nilalang Pakikipagkapwa-tao’y may pagmamalasakit Laging isipin
dapat na malinang; Aspektong na kapwa’y kapantay, katulad din
intelektwal, politikal, panlipuna’t natin Sa bawat salita’t kilos,
pangkabuhayan Lubhang iwasang makasakit Nakabubuti sa
mapagyayaman sa atin, sa kapwa’y gawin din.
pakikipagugnayan.
Kung ang kapwa ay minamahal
Pangangailanga’y madaling nang lubusan Sa bawat
matugunan Sa pagkakaroo’t pagkakataon, tunay siyang
pagiging bahagi ng mga samahan paglingkuran Ibahagi ang sarili,
Nalilinang ating kusa’t pagiging makipagugnayan nang
mapanagutan Pati na ang makabuluhan Kapanatagan,
pagtataguyod sa ating karapatan. kaligayahan, at kaganapan, ating
ngang makakamtan.
Paano pakisamahan ang taong
mapagmalaki? Ayaw makiisa, -ecm

lubha pang makasarili? Huwag


magpaapekto at magpakagalit
Kabutihang panlahat ang atin
laging isaisip.

google.com/image of Pakikipagkapwa

28
Sagutan ang mga sumusunod na tanong matapos na basahin ang tula.
1. Ano-anong aspekto ng pagkatao ang malilinang sa pakikipag-ugnayan sa
kapwa? Ipaliwanag ang bawat isa.
2. Ano ang kabutihang naidudulot ng pagiging bahagi ng mga samahan?
Magbigay ng halimbawa.
3. Paano mo pakikitunguhan ang taong ayaw makiisa at makibahagi sa mga
gawain ng pangkat?
4. Ano ang maaaring gawin upang maipakita ang pagmamalasakit sa kapwa?
5. Makakamtan ba natin ang kaganapan ng ating pagkatao sa pamamagitan
ng pakikipagkapwa? Ipaliwanag

Suriin

“Mag-usap tayo”: Ang Kahalagahan ng Diyalogo

Ano ang iyong mararamdaman kung hindi mo maipahayag ang iyong


mga ninanais at nararamdaman? Ano ang mararamdaman mo kung hindi mo
matugunan ang iyong mga pangangailangan dahil sa kawalan ng pakikipag-
ugnayan sa kapwa?
Isang mahalagang patunay na ang tao ay panlipunang nilalang
ay ang kaniyang kakayahan sa komunikasyon o diyalogo (dialogue)
upang maipahayag ang kaniyang pangangailangan, ninanais at
nararamdaman. Tulad ng binanggit sa
Modyul 3, ang diyalogo ay umiiral sa
isang ugnayang interpersonal sa
pagitan ng dalawa o higit pang tao: may magsasalita at may makikinig. Ang
kondisyong ito ay naipakikita ng tao sa pamamagitan ng wika, na

https://www.google.com/search?q=communication+images

29
maaaring pasalita (pasalita at pasulat) at di-pasalita (kilos, gawi, senyas, atbp.). Kung
kaya’t ang pagiral ng wika na ginagamit sa diyalogo ang nagpapakita at nagpapatunay
na ang tao ay isang panlipunang nilalang. Sa pamamagitan ng diyalogo, nagkakaroon
ang tao ng pagkakataon na makapagbahagi sa kaniyang kapwa ng mga bagay na
kaniyang kailangan (hal. materyal na bagay, kaalaman, kasanayan at pati na ng
kaniyang sarili). Kung malilinang ang kakayahan ng taong makipag-diyalogo nang may
kalakip na pagmamahal, makakamit ng tao ang kaniyang kaganapan (Bondal, 2002).

Ang Kahalagahan ng Pagkakaisa, Komunikasyon, at Pagtutulungan

Naranasan mo na bang magkaroon ng kasama na hindi mo makasundo? Maaaring


dahil mayabang siya o makasarili, na iniisip niya na siya’y mas magaling, mas matalino
o mas mataas siya kaysa sa iyo? Paano mo siya pakikisamahan?
May mga pagkakataon na kahit likas sa tao ang makipag-ugnayan sa iba,
humahantong ang ugnayan o samahan sa di pagkakasundo. Dahil
dito, sinisikap ng lipunan na sa pamamagitan ng iba't ibang
samahan o organisasyon nito, na makamit ang kabutihang
panlahat sa pamamagitan ng pagtataguyod ng ugnayang
may pagkakaisa (solidarity), komunikasyon o diyalogo, at
kooperasyon o pagtutulungan .
Ang pagmamalasakit sa ikabubuti ng sarili
at ng kapwa ang nagiging dahilan ng pagkakaisa upang
makamit ang kabutihang panlahat. Kung mayroong google.com/search?=images
hidwaan at di pagkakasundo, nilalayon ng pangkat na
matulungan ang mga kasangkot upang mapanumbalik ang maayos na samahan.
Halimbawa sa klase, mayroon kang nakasamaan ng loob na kasama mo sa pangkat.
Dahil sa sitwasyon, hindi nagkakaroon ng maayos na output ang inyong pangkat.
Makatutulong ang ibang kasapi ng pangkat upang kayo ay magkaayos, dahil
nalalaman nila na naaapektuhan ang inyong gawain dahil sa hindi ninyo
pagkakaunawaan. Kung isasaalang-alang ang pagpapahalaga sa kabutihang
panlahat, maaaring isakripisyo ang pansariling damdamin o pangangailangan,
magkakaroon ng pagkakaisa at kapayapaan.

30
Ang iba’t ibang samahan o organisasyon sa lipunan ay inaasahang
makapagtataguyod ng ugnayang may pagkakaisa (solidarity), komunikasyon o
diyalogo, at kooperasyon o pagtutulungan, bilang paglilingkod sa kapwa at sa
pagsasaalang-alang ng kabutihang panlahat.

Ang Kahalagahan ng Pagbubuo at Pagsali sa mga Samahan

Naipahahayag ng tao sa iba’t ibang paraan ang panlipunang aspekto ng


kaniyang pagkatao. Ang kabutihang panlahat ay nakasalalay sa pagkakaisa at
pagkakasundo ng iba’t ibang yunit ng lipunan, na kung saan kayang pamahalaan at
pag-ingatan ng bawat yunit ang sariling pagkakakilanlan at kasarinlan nito. Ang mga
yunit, katulad ng pamilya, samahan ng mga laiko at relihiyoso, ay dagling tumutugon
sa pangangailangan ng tao, samantalang tumutugon naman ang ibang yunit sa
pamamagitan ng bolunterismo katulad ng Red Cross at mga pribadong organisasyon
(NGOs).
Ang pagtataguyod ng mga boluntaryong samahan at institusyon sa loob at
labas ng bansa ay kailangan upang mas maraming tao ang makibahagi at makiisa sa
mga gawaing panlipunan na tutugon sa pagkamit ng mga layuning pangkabuhayan at
panlipunan, pangkultural at panglibangan, pampalakasan isports, panghanapbuhay,
at pangpolitikal (halimbawa, samahan ng mga Overseas Filipino Workers,Partylists,)
Sa pamamagitan ng mga ganitong samahan, natutugunan ang ibang
mahahalagang pangangailangan ng tao, na hindi niya makakamit kung siya ay nagiisa.
Dahil sa pakikiisa at pakikibahagi ng tao sa mga ganitong samahan, nalilinang ang
kaniyang pagkatao, lalo na ang pagkakaroon niya ng kusa at pananagutan.
Nakatutulong din ito sa pagtataguyod ng kaniyang mga karapatan.

Kaya, bilang panlipunang nilalang, ang tao ay –


1. kasapi ng isang pamilya at lipunan na kung saan inaasahan siyang makikibahagi sa
pagtatakda ng mga layunin nito at sa pagkamit ng kabutihang panlahat;

31
2. kabilang sa mga gawaing pangkabuhayan, produksyon, at pagkunsumo, na
tumutugon sa aspektong pangkabuhayan; at
3. isang mamamayan na inaasahang makikibahagi sa pagkamit ng panlipunang
pag-unlad (social progress), na tumutugon sa aspektong politikal.

Pakikipagkapwa-tao: Kalakasan at Kahinaan ng Pilipino

Ayon kay Licuanan (1992), ang


pakikipagkapwa-tao ay isa sa mga kalakasan ng
mga Pilipino. Naipakikita ito ng mga Pilipino sa
pamamagitan ng pagmamalasakit sa kapwa,
kakayahang umunawa sa damdamin ng iba
(empathy), pagtulong at pakikiramay, bayanihan, google,com/image of pakikipagkapwa

at sa pagiging mapagpatuloy (hospitable).


May kakayahan ang mga Pilipino na makiramdam, magtiwala at tumanaw ng utang na
loob. Sensitibo sila sa uri ng pakikipag-ugnayang kanilang nabuo at dito nakabatay
ang kanilang kaligayahan at kapanatagan.Dahil nagdudulot ng pagkakalapit-lapit ang
pakikipagkapwa-tao, ito ay nagiging saligan ng pagkakaisa at katarungang
panlipunan.
Ngunit ang labis na pagpapahalaga sa personal na ugnayan ay nagdudulot
ng kawalan ng malinaw na paghihiwalay sa obhektibong gawain at emosyonal na
pakikisangkot.Dahil dito, hindi nagiging madali ang pagsunod at pagpapasunod sa
mga patakaran, dahil ang lahat ay nagiging impersonal. Hindi rin maiiwasan ang
pagtanggap ng pabor at ang pagtatanggi sa mga kamag-anak at kaibigan sa
pagbibigay ng trabaho, paghahatid ng serbisyo, pati na sa pagboto. Ang labis na
personalismo (extreme personalism) o labis at di makatwirang pakikisama ay
maaaring magdulot ng katiwalian at kabulukan (graft and corruption) sa lipunan.

32
Pagyamanin

GAWAIN 3
Panuto:
➢ May mga larawan ng pakikipagkapwa tao at ang mga kabataan ay magbigay
ng deskripsiyon kung anong birtud ang nagpatatag ng pakikipagkapwa tao
at paano tayo nagiging ganap na tao.
➢ Sa pamamagitan ng larawan ay mabigyan ang mga kabataan ng
masinsinang pagkakaintindi ng batayang Konsepto sa aralin.

1. 2.

3. 4.

https://www.google.com/search?q=images+pakikipagkapwa

33
Isaisip

GAWAIN 4 (PAGNINILAY)

PANUTO: Sagutan ang mga tanong sa ibaba:

1. Ano ang iyong mararamdaman kung hindi mo maipahayag ang


iyong mga ninanais at nararamdaman?
2. Ano ang mararamdaman mo kung hindi mo matugunan ang iyong
mga pangangailangan dahil sa kawalan ng pakikipag-ugnayan sa
kapwa? Ipaliwanag.
3. Naranasan mo na bang magkaroon ng kasama na hindi mo
makasundo? Maaaring dahil mayabang siya o makasarili, na iniisip
niya na siya’y mas magaling, mas matalino o mas mataas siya
kaysa sa iyo? Paano mo siya pakikisamahan?

34
Isagawa

GAWAIN 5

PAGSASABUHAY:

✓ Balikan ang tula na PAKIKIPAGKAPWA at mag-isip ng konseptong


maisabuhay mo. Pumili ng dalawang salita na sa tingin mo ay
napakahalaga at ipaliwanag ito na mauugnay sa nangyaring Pandemia
na COVID.
✓ May rubrik na batayan sa pagganap nito.
Krayteria

Mahusay na
paglalahad ng
konsepto (50%)
Kritikal na pag-
iisip (50%)
Total

35
Pagtatasa

GAWAIN 6:

PANUTO: Basahin at unawain ng mabuti ang mga sumusunod at bilugan ang wastong
titik sa napiling sagot

1. Ang pagmamalasakit sa ikabubuti ng sarili at ng kapwa ang nagiging dahilan ng


pagkakaisa upang makamit ang __________.
A.kabutihang panlahat B. sarili C. kapwa D. Doktor

2.. Ang iba’t ibang samahan o organisasyon sa lipunan ay inaasahang


makapagtataguyod ng ugnayang may __________ bilang paglilingkod sa kapwa at sa
pagsasaalang-alang ng kabutihang panlahat.
A.pagkakaisa (solidarity)
B. komunikasyon o diyalogo
C. at kooperasyon o pagtutulungan
D. Lahat ng nabanggit

3. Sa pamamagitan ng mga ganitong samahan, natutugunan ang ibang


mahahalagang pangangailangan ng ____________ , na hindi niya makakamit kung
siya ay nagiisa.
A. tao B.Kaaway C.Kapatid D.Kaibigan

4. Ang labis na pagpapahalaga sa personal na ugnayan ay nagdudulot ng


__________ sa obhektibong gawain at emosyonal na pakikisangkot
A. kawalan
B.Kaagapay
C.kakilala
D.kasama ng malinaw na paghihiwalay

36
5. Isang mahalagang patunay na ang tao ay __________ ay ang kaniyang kakayahan sa
komunikasyon o diyalogo (dialogue) upang maipahayag ang kaniyang pangangailangan.
A. panlipunang nilalang
B. kasama
C. Mangangalakal
D. lipunan
6. Ang kabutihang panlahat ay nakasalalay sa __________ ng iba’t ibang yunit ng lipunan, na
kung saan kayang pamahalaan at pag-ingatan ng bawat yunit ang sariling pagkakakilanlan at
kasarinlan nito.
A. pagkakaisa
B. Pagtutulungan
C. Pag iibigan
D. Pag-aaway at pagkakasundo
7. Ang tao ay dapat maging mabuti sa iba upang sa ganoon ay ___________.
A.Masusuklian ng kabutihan
B. Humihimgi ng kapalit
C. Magkarooni ng utang na looob
D. Mabayaran ang utang
8. Kapag nasaktan mo ang isang tao dapat ay humingi ng:
A. Pera B. Kapatawaran C. Payo D. Panyo
9. Ang pakikipagkapwa ay isang mabuting pakikitungo sa kapwa para sa ______.
A.Kalinisan B. Kapayapaan C.Pagpapasensiya D.Kabutihang panlahat
10. May kakayahan ang mga Pilipino na makiramdam, magtiwala at tumanaw ng _____.
A. utang na loob. B.Pagmamahal C. pagtitiwala D. pagsisi

37
Karagdagang Gawain

GAWAIN 7:

✓ Sa tulang PAKIKIPAGKAPWA , kumuha ng linya sa tula na sa palagay mo


ay nagbibigay ng mabuting inspirasyon sa iyong buhay bilang mag-aaral o
bahagi ng pamilya / lipunan.
✓ Ipaliwanag ito na may kalakip na pagguhit sa mga simbolong tutugma sa linya
na napili. Bigyan ng pahayag ang simbolo kung bakit ito ang ginuhit na
nauugnay mo doon.
.

38
PAGTATASA

1.A

2.D

3.A

4. A

5. A

6.A

7. A

8.B

9.D

10.A

Karagdagang Gawain

(Ito ay malayang sasagutin ng mga mag-aaral)

39
Susi sa kasagutan(Aralin 2)

SUBUKIN (Gawain 1)

1. Tama 2. Tama 3. Tama 4. Tama 5. Tama


TUKLASIN(GAWAIN 2)
( Ito ay malayang sasagutin ng mga mag-aaral)
PAGYAMANIN(GAWAIN 3)
(Ito ay malayang sasagutin ng mga mag-aaral)
ISAISIP (GAWAIN 4)REFLECTION
(Malayang sasagutin ng mga mag-aaral upang masanay ang kanilang kritokal na pag-
iisip)
ISAGAWA(GAWAIN 5)
Ito ay gagamitan ng rubriks na maging batayan sa kanilang pagganap

40
Mga Katangian Ng Makabuluhan At Mabuting
Pakikipag-Ugnayan Sa Kapwa
ARALIN
Mga Prinsipyo Sa Pagpapaunlad Ng
3 Pakikipag-Ugnayan Sa Kapwa

ALAMIN

Naisasagawa ang isang gawain


tutugon sa pangangailangan ng mga
mag-aaral o kabataan sa paaralan o
Kasanayang
pamayanan sa aspektong intelektwal,
Pampagkatuto
panlipunan, pangkabuhayan at
politikal.

41
Subukin

GAWAIN 1

Panuto: Sagutin ang mga tanong sa kuwaderno

1. Paano mo malalaman kung ang pakikipag-ugnayan mo ay


makabuluhan at mabuti? Paano mo ito mapauunlad?
2. Makakaya mo bang mapaunlad ang mga aspektong Intelektwal,
Panlipunan, Pangkabuhayan at politikal kung walang tutulong sa
iyo? Pangatwiranan.

BALIKAN

Nalalaman natin na sa nagdaang aralin ayang iba’t ibang samahan


o organisasyon sa lipunan ay inaasahang makapagtataguyod ng ugnayang
may pagkakaisa (solidarity), komunikasyon o diyalogo, at kooperasyon o
pagtutulungan, bilang paglilingkod sa kapwa at sa pagsasaalang-alang ng
kabutihang panlahat.
Ang pagtataguyod ng mga boluntaryong samahan at institusyon sa
loob at labas ng bansa ay kailangan upang mas maraming tao ang makibahagi
at makiisa sa mga gawaing panlipunan na tutugon sa pagkamit ng mga
layuning pangkabuhayan at panlipunan, pangkultural at panglibangan,
pampalakasan oisports, panghanapbuhay, at pangpolitikal (halimbawa,
samahan ng mga Overseas Filipino,Workers Partylists.

42
TUKLASIN
GAWAIN 2
Panuto: Gamit Ang Graphic Organizer Sa Ibaba. Ipahayag Ang
naiintindihan Sa Batayang Konsepto Sa Pakikipagkapwa.

Ang tao ay likas


na-------------

nilalang

Kaya’t
nakikipagugnayan At sa
kapwa
siya upang malinang pamamagitan Nakakamit
sa mga aspektong
ng--------------- ng tao ang
Ako kanyang---
Sa kapwa na
--------------
indikasyon
ng--------------
-------------------------

43
BATAYANG KONSEPTO

Pagkatapos maunawaan ang batayang konsepto ng aralin, mahalaga na


maiuugnay ito sa pag-unlad mo bilang tao.Sagutin ang sumusunod na
tanong.

1. Ano ang kabuluhan ng batayang konsepto sa aking pag-unlad


bilang tao?

2. Ano-ano ang maaari kong gawin upang mailapat ang aking mga
pagkatuto sa modyul na ito?

Suriin

Mga Katangian ng Makabuluhan at Mabuting Pakikipag- ugnayan sa Kapwa

Ang isang makabuluhan at mabuting pakikipag-ugnayan sa kapwa ay


nagbibigay ng kaligayahan at kapanatagan sa tao. Napatunayan sa mga pag-aaral na
ang isang taong may matatag na samahan ng magkakaibigan ay madalang
magkasakit, madaling gumaling, mahaba ang buhay, at may kaaya-ayang disposisyon
sa buhay. Kaya lahat ng pakikipag-ugnayan ay nangangailangan ng pagsisikap upang
ito ay mabuo, mapatatag, at mapanatiling makabuluhan at mabuti. Nakasalalay ang
tagumpay nito sa kakayahan ng taong ibahagi ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng
paglilingkod sa kapwa.

Mga Prinsipyo sa Pagpapaunlad ng Pakikipag-ugnayan sa Kapwa


Paano mo malalaman kung ang pakikipag-ugnayan mo ay makabuluhan at
mabuti? Paano mo ito mapauunlad?

44
Isaalang-alang ang sumusunod na prinsipyo sa pagpapaunlad ng
pakikipagugnayan sa kapwa (batay sa Gabay sa Kurikulum ng Edukasyong Sekondari
ng 2010 para sa Edukasyon sa Pagpapahalaga sa Ikalawang Taon ph. 54-55):

1. Paggalang sa pagiging indibidwal ng kapwa. Bawat tao ay bukod-tangi at may


kakayahan.

Nararapat lamang na igalang ang kaniyang pagkatao at maging sensitibo sa kaniyang


mga pangangailangan.
Mahalagang tandaan na hindi lahat ng nais mo at kaya mong gawin ay nais at kaya
ring gawin ng iba. Maaari mong mapaunlad ang prinsipyong ito
sa pamamagitan ng:
pakikinig at pagsagot nang ayon sa sinasabi ng iyong kausap
pagpapakita ng empathy o ng kakayahang ilagay ang sarili
sa sitwasyon ng taong kausap, upang maramdaman ang kaniyang
nararamdaman at maunawaan ang ibig niyang sabihin
pagmamalasakit at pagiging maalalahanin
pagsusumikap na mapanatili ang kapayapaan at kasiyahan; at pag-iwas sa mga
sitwasyong magbubunga ng di pagkakasundo o pagtatalo.
2. Pagpapahayag ng mga damdamin. Susi sa isang maayos na pakikipag-ugnayan
ang pagkakaroon ng malaya at mapanagutang pagpapahayag ng damdamin, ideya at
pangangailangan sa isa’t isa nang hindi nangangamba na huhusgahan. Maraming
ugnayan ang nasira dahil sa pagtatago at pagkimkim ng tunay na nararamdaman na
nagiging sanhi ng pagkakaroon ng agwat sa ugnayan, na kapag tumagal ay
kadalasang nauuwi sa paghihiwalay. Maiiwasan ang mga di magagandang karanasan
kung (a) mapaghahandaan ang pagkakaroon ng diyalogo, na ang layunin ay ang
pagkakasundo ng bawat panig, (b) gagamit ng epektibong kasanayan sa
pakikipagtalastasan, at (c) matamang makinig sa kausap (Attentive Listening) at
maging laging handa sa pag-unawa.

https://www.google.com/search?q=images+pakikipagkapwa

45
Narito ang mga dapat tandaan:
a. Simulan ang pagkikipag-usap sa isang positibong paraan.
b. Ilahad ang problema sa paraang makahihikayat ng kooperasyon at solusyon.
Halimbawa, sa halip na sabihing, “Ang aksaya mo naman!” sabihin na, “Paano kaya tayo
makakatipid?” c. Gumamit ng “I - statements” at iwasan ang mapagparatang
na “YOU-statements.” Halimbawa, sa halip na sabihing,
“Lagi ka na lang late!” sabihin na, “30 minuto na akong
naghihintay.” d. Ang pag-uusap ay gawing may pokus, maikli
at malinaw.Iwasan ang magpaligoy-ligoy. e. Magtanong
kung kailangan ng paglilinaw. Iwasang isipin na nababasa ng kausap mo ang iyong iniisip.
f. Laging isaalang-alang ang pagkakasundo sa mga bagay-bagay. Maghanap ng
kalutasan sa mga suliraning kinakaharap. g. Pakitunguhan ang bawat isa nang may
paggalang at kabutihan sa lahat ng pagkakataon.

3. Pagtanggap sa kapwa. Bahagi ng paggalang sa dignidad ng tao ang pagtanggap sa


kaniyang pagkatao – sa kaniyang kalakasan, pati na kahinaan. Di dapat husgahan ang
kapwa batay lamang sa pansariling pamantayan. Lalawak ang iyong pag-unawa kung
iiwasan ang panghuhusga at ang pagpupumilit na ipasunod sa iba ang pansarili mong
pamantayan at pananaw. Nagsisimula ang mapanagutang pagtanggap sa kapwa kung
ikaw ay nagkaroon na ng pagtanggap sa iyong sarili. Sa pamamagitan ng pagninilay,
mapauunlad mo ang kamalayang pansarili na makatutulong sa iyo upang matanggap mo
ang iyong kapwa.

4. Pag-iingat sa mga bagay na ibinahagi ng kapwa (confidences). Isang napakalaking


karangalan ang mapagkatiwalaan ka ng mga sensitibo at personal na impormasyon ng
iyong kapwa. Bilang paggalang, tungkulin mo na ingatan ang mga ito sa pamamagitan ng
di pagbabahagi o di pagkukuwento sa iba. Maraming tao na ang napahamak at mga
ugnayang nasira dahil sa paglabag sa prinsipyong ito. Maging maingat sa pagbabahagi
sa iba at iwasan ang tsismis. Pagsumikapan mong maingatan ang anumang bagay na
ipinagkatiwala sa iyo ng iyong kapwa lalo na ang mga bagay na personal at sensitibo na
maaaring maglagay sa kaniya sa kapahamakan.
Ikaw ay may gampaning maglingkod sa iyong kapwa. Upang mapanatili ang
isang makabuluhan at matatag na pakikipagkapwa, kailangan ang pagsasabuhay ng
paggalang, katarungan, at pagmamahal sa kapwa. Kaya mo itong maipakita sa
pamamagitan ng paglilingkod. Oo, kaya mo.

46
Huwag kang mawalan ng pag-asa kung nararamdaman mo na parang kulang pa ang
kasanayan mo sa pakikipagkapwa. Sa halip, tukuyin at pagsumikapang paunlarin pa
ang mga kailangang kasanayan dahil mas magiging makabuluhan ang iyong buhay at
pakikipagkapwa habang lumalalim at nalilinang ang mga kasanayang ito.

Pagyamanin

GAWAIN 3
Panuto: Pumili ng dalawang tanong sa ibaba at sagutan ang mga ito.
1. Gaano kahalaga ang pagtulong ng kapwa mo sa paghubog at pag-unlad ng iyong
pagkatao? Ipaliwanag.
2. Ano ang maaari mong gawin upang makatulong o makapaglingkod ka sa mga taong
tumulong sa iyo? Ilawaran.
3. Ano ang maaaring mangyari sa iyo kung hindi mo matututuhang makipagugnayan
nang maayos sa iyong kapwa? Ilarawan.

Isaisip

GAWAIN 4
Panuto : Tukuyin ang mga taong nakatulong sa iyo sa paghubog at pagpapalago ng mga
aspektong Intelektwqal, Panlipunan, pangkabuhayan at Politikal ito. Gawin ito sa iyong
kuwaderno. Ipabasa at palagdaan sa isa sa mga taong tumulong sa iyo sa bawat aspekto.
Aspektong Intelektwal

(Karagdagang kaalaman, kakayahan, pagpapaunlad ng kakayahang mag-isip nang


mapanuri at malikhain, at mangatwiran)
Nakaranas ako ng pagbabago sa: Tinulungan ako ni:
Halimbawa: Sa EsP, nadagdagan Ms. Liberty (guro) Kuya Grace (kaklase ko
ang aking kaalaman at kakayahan sa
pagpapasiyang moral.

Lagda:__________________ Petsa:___________

47
Aspektong Pangkabuhayan

(Kaalaman at kakayahang matugunan ang mga pangangailangan ng sarili at ng


kapwa)
Nakaranas ako ng pagbabago sa: Tinulungan ako ni
Halimbawa: Kakayahan kong magtipid Nanay Mr. Peter (Teller sa bangko)
Benjie (kaibigan ko)

Lagda Petsa

Aspektong Politikal
(Kaalaman at kakayahang makibahagi sa pagbuo at pagtamo ng makatao at
makatarungang lipunan)
Nakaranas ako ng pagbabago sa: Tinulungan ako ni:
Halimbawa: Kakayahan kong pumili ng Nanay at Tatay Mrs. Santos (gurong
lider na tutugon sa mga pangangailangan tagapayo) Traffic enforcer Opisyal ng
ng mga mamamayan at sumunod sa batas barangay
at ordinansa ng lungsod, hal., bawal mag-
jaywalk

Lagda Petsa

48
Isagawa

GAWAIN 5

PAGSASABUHAY:
✓ Gumawa ng Poster na makikita ang aspektong
nakakaimpluwensiya sa tao sa pakikipagkapwa: Ang aspektong
Intelektwal , Panlipunan, Pangkabuhayan at Pulitikal.
✓ Ilagay sa ¼ cartolina o kahit anumang cardboard na magamit ang
likuran nito.

Pagtatasa

GAWAIN 6
Panuto: Basahing mabuti at dugtungan ng sagot upang mabuo ang bawat
pangungusap.
1. Ang isang makabuluhan at mabuting pakikipag-ugnayan sa kapwa ay nagbibigay ng
A. kaligayahan at kapanatagan sa tao B. Kasanayan C. Katatagan D. Kaligayahan
2. Simulan ang pagkikipag-usap sa isang positibong :
A. Pag-alala B. Panalangin C. Paraan D. Pasasalamat
3. Pakitunguhan ang bawat isa nang may paggalang at kabutihan sa lahat ng
A. pagkakataon B. Pagdadalamhati C. Pakikitungo D. kaarawan
4. Hindi dapat husgahan ang kapwa batay lamang sa
A. pansariling pamantayan. B. pansaring kabutuhan C. pansariling aliw D. sama
5. Isang napakalaking karangalan ang ______ ka ng mga sensitibo at personal na
impormasyon ng iyong kapwa.
A. Mapagkatiwalaan B.Mapagiwanan C.Maligawan D. Maging Santo
6. Kung may kaibigan kang humingi ng tulong .Siya ay iyong:
A. Pakinggan B.pagalitan C. Palayasin D. Ipauwi
7. Nagsisimula ang mapanagutang pagtanggap sa kapwa kung ikaw ay nagkaroon na ng
pagtanggap sa iyong sarili.
A. Mali B. Tama C. Pwede D. hindi kailangan

49
8. Ang pakikipagkapwa ay pakikitungo ng may:
A. Pagsisi
B. Paggalang at pagmamahal
C.Paglalaban
D.Paglilibang
9. Ang pakikipagkapwa ay para sa lahat ng tao
A. Mayaman B. Mahirap C. Mahirap at Mayaman D.OFW
10. Ang pagtanaw ng utang na loob ay isang paraan ng :
A. pakikipagkapwa
B.paghanap ng kakampi
C.Paglalambing
D.Pagtitiis
Karagdagang Gawain
GAWAIN 7
Panuto: Sa inyong kuwaderno ay isulat ang iba’t-ibang nagagawa mong
pakikipagkapwa sa iyong kaibigan, pamilya o sa paaralan na masasabi mo sa iyong
sarili na nagampanan mo ang mabuting pakikitungo sa kapwa para sa kabutihang
panlahat.

Google.com/search?q=images

50
PAGTATASA

1.A

2.B

3.A

4.A

5.A

6.A

7.B

8.B

9.C

10.A

KARAGDAGANG GAWAIN

(Ito ay malayang sasagutin ng mga mag-aaral)

51
SUSI NG PAGWAWASTO

SUBUKIN(Gawain 1)

(Ito ay malayang sasagutin ng mga mag-aaral)

TUKLASIN(Gawain 2)

Intelektwal
Panlipunanng Pakikipag- Kaganapan
Nilalang
Panlipunan
Ugnayan
Pangkabuhayan
Pakikipagkapwa
Politikal

PAGYAMANIN(GAWAIN 3)

(Gamit ang Kritikal na kaisipan sasagutin ng mga mag-aaral ang Gawain)

ISAISIP(GAWAIN 4)

(Ito ay malayang sasagutin ng mga mag-aaral)

52
BUOD

https://www.google.com/search?q=summary+clipart+images

May mga pangangailangan ka na maaari lamang na matugunan sa


pamamagitan ng pakikipag-ugnayan mo sa iyong kapwa. Ang makabuluhang
pakikipagkapwa ay pagtugon sa pangangailangan ng iba nang may paggalang at
pagmamahal.

Ang pakikipagkapwa ay napatatatag ng mga birtud ng katarungan at


pagmamahal. Kung ang pakikipag-ugnayan mo sa iba ay naguudyok sa iyo upang
ikaw ay maglingkod sa kapwa nang walang hinihintay na kapalit at nahahanda kang
ibahagi ang sarili sa iba, ito ay pagpapakita ng pagmamalasakit at pagmamahal.

Ayon kay Licuanan (1992), ang pakikipagkapwa-tao ay isa sa mga kalakasan


ng mga Pilipino. Naipakikita ito ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagmamalasakit
sa kapwa, kakayahang umunawa sa damdamin ng iba (empathy), pagtulong at
pakikiramay, bayanihan, at sa pagiging mapagpatuloy (hospitable). May kakayahan
ang mga Pilipino na makiramdam, magtiwala at tumanaw ng utang na loob. Sensitibo
sila sa uri ng pakikipag-ugnayang kanilang nabuo at dito nakabatay ang kanilang
kaligayahan at kapanatagan. Dahil nagdudulot ng pagkakalapit-lapit ang
pakikipagkapwa-tao, ito ay nagiging saligan ng pagkakaisa at katarungang
panlipunan.

Mga Prinsipyo sa Pagpapaunlad ng Pakikipag-ugnayan sa Kapwa


1. Paggalang sa pagiging indibidwal ng kapwa
2. Pagpapahayag ng mga damdamin
3. Pagtanggap sa kapwa. Bahagi ng paggalang sa dignidad ng tao ang pagtanggap
sa kaniyang pagkatao –Pag-iingat sa mga bagay na ibinahagi ng kapwa (confidences).

53
Ikaw ay may gampaning maglingkod sa iyong kapwa. Upang mapanatili ang isang
makabuluhan at matatag na pakikipagkapwa, kailangan ang pagsasabuhay ng
paggalang, katarungan, at pagmamahal sa kapwa. Kaya mo itong maipakita sa
pamamagitan ng paglilingkod. Oo, kaya mo. Huwag kang mawalan ng pag-asa kung
nararamdaman mo na parang kulang pa ang kasanayan mo sa pakikipagkapwa. Sa
halip, tukuyin at pagsumikapang paunlarin pa ang mga kailangang kasanayan dahil
mas magiging makabuluhan ang iyong buhay at pakikipagkapwa habang lumalalim at
nalilinang ang mga kasanayang ito.

MAGALING ! DAHIL NATAPOS MO ANG MODYUL NA ITO, BINABATI


KITA, NAWA’Y PATNUBAYAN KA SANA NG PANGINOON,SANA
MAGPAPATULOY KA PA SA SUSUNOD NA ARALIN UPANG MATUKLASAN
AT MAPAUNLAD ANG IYONG NALALAMAN AT KAILANGANG MALAMAN
SA BUHAY.
PAGPALAIN KA NG PUONG MAYKAPAL!

54
SANGGUNIAN/ Internet sites

• google.com/image of Pakikipagkapwa
• google.com/search?q=images
• google.com/search?q=animated+picture of a student
•Slideshare.net/nicogranada31/k-to-12g8ESP-Learner’s module
•Slideshare,net/joensherbie/ESP grade8 teacher’s guide
vectorstock.com/royalty.free vectors

55
For Inquiries or feedback, please write or
call:
Department of Education – Division of
Gingoog City
Office Address: Brgy 23, National Highway,
Gingoog City
Telefax: 088 328 0108/ 088328 0118
E-mail Address: gingoog.city@deped.gov.ph

You might also like