You are on page 1of 9

PAMAGAT

Isang Pamanahong Papel na Isinumite kay

BB. MARGARITA M. JAYAG

Bilang Pangangailangan sa Kursong Fil 102

Isinumite ni

Pangalan ng Estudyante
Kurso/Seksyon

Ikalawang Semestre Taong Panuruang 2020-2021


KABANATA l
SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

PANIMULA

Sa panahon ngayon nagiging natural na sa mga tao, lalo na ng mga kabataan,


ang pagpupuyat. Sa kabila ng patuloy na paglago at pag-unlad ng teknolohiya,
nasasanay ang mga kabataan na palagiang gamitin at gawing libangan ang mga ito, at
ang mga senaryong may kaugnayan dito ang ilan sa masasabi nating dahilan ng
pagkapuyat. Ang pagpupuyat ay nagaganap kapag hindi nasunod ng isang tao ang
nirerekomendang haba ng tulog ng isang tao. Ito ay nangyayari sa patuloy ng paggawa
ng mga gawain ng lampas sa tamang oras na nakalaan para dito o kaya naman ay
kakulangan sa pagtulog. Ito ay kadalasang nakikita sa mga nagtatrabaho gayundin sa
mga mag-aaral lalo sa kolehiyo. Ayon sa Nurture SG Committee (2017), nahihirapan
ang karamihan sa mga kabataan na makakuha ng walo hanggang sampung oras ng
tulog. Naaabuso ang kalusugan ng mga kabataan dahil sa sobrang paggamit ng mga
gadyet para sa mga online games at mga social media accounts. Namamanipula nito
ang oras na dapat sana ay para sa pagtulog ng mga kabataan. Gayundin, para sa mga
mag-aaral, ang pagpupuyat ay kalimitang isinasagawa upang magtapos ng gawain o di
kaya’y mag-aral para sa mga darating na pagsusulit.

Natural na sa mga mag-aaral sa kolehiyo ang mapuyat dahil sa dami ng mga


kailangang gawin tulad ng mga takdang aralin, pagsusulit at mga proyekto. Ngunit hindi
maaaring walang epekto ang kakulangan sa tulog sa perpormans ng mga mag-aaral sa
eskwelahan. Ang pagkaantok at hindi regular na iskedyul ng pagtulog ay may mga hindi
inaasahang kahihinatnan, isa na rito ang negatibong epekto sa pagkatuto, sa kaisipan
at akademikong pagganap. Ang ilang mga mag-aaral ay maaaring magpuyat ng higit sa
dalawampung oras bago ang mga pagsusulit sa pag-asang mapabuti ang makuhang
grado. Nagmumungkahi ang panitikan na ang magdamagang pag-aaral ay maling
paraan para mas mapabuti ay grado at kaalaman. Lumabas sa pag-aaral na ang isang
mag-aaral na kulang sa pagtulog ng tatlumpong oras ay hindi nagpapakita ng
magandang pagganap maging pagkatapos magkaroon ng sumunod na dalawang araw
na pagbawi ng tulog samantalang ang isang tao na walang senyales ng pagkapuyat ay
may magandang pagganap sa sumunod na apat na araw. Sa kabilang banda naman,
ayon sa mga isinagawang pag-aaral ng mga eksperto, ang pagpupuyat ay hindi lamang
puro problema ang dala, mayroon ding itong bitbit na mga benepisyo na makatutulong
sa isang mag-aaral. May mga taong nararamdaman na mas madami silang nagagawa
at mas aktibo ang kanilang mga utak sa gabi o sa madaling araw. Napag-alaman ng
mga siyentipiko na ang kakulangan ng tulog ay may iba’t ibang epekto sa bawat tao. At
ayon nga kay Patrick (2005), ang kakulangan sa tulog ay maayroon ding mga
positibong epekto kagaya na lamang ng pagkakaroon ng ‘tireless stamina, pagiging
mas malikhain, pagtaas ng kamalayan at pagbuti ng kalagayan o ng nararamdaman.
Sinuportahan din ito ni Noval (2020) na nagmungkahing dahil sa pagpupuyat ng mga
mag-aaral sa kolehiyo ay nagagawa nilang malagpasan ang mga pagsubok na kanilang
mga pinagdadaanan na may kaugnayan sa kanilang pag-aaral. Gayunpaman,
maraming benepisyo ang makukuha ng mga tao, lalo na ng mga mag-aaral, sa
pagtulog sa tamang oras at pagkakaroon ng sapat na tulog. Ayon kay Hayaishi (2011),
ang pagtulog ay isa sa pinakamahalaga ngunit hindi pa gaanong naiintindihan na
bayolohikal na mekanismo ng utak. Dagdag pa ni Howard Baum (2014), mas
napagtitibay ng pagtulog ang ating kakayahang matuto sa loob ng isang araw. Upang
mas maging maayos at mabilis ang paggana ng utak, kailangang magkaroon ng sapat
na tulog ang isang tao. Kalimitang mapapansin sa mga taong puyat ang kawalan ng
pokus sa kanilang ginagawa, pagiging wala sa sarili at pagiging antukin na nakaaapekto
sa kanilang prodaktibiti.

Ang mga pinagsabay-sabay na mga gawain tulad ng takdang-aralin, aktibidades,


proyekto, recitation, mga babasahing leksyon o modyul at mga bidyo na panonoorin
ang sumusubok sa kakayahan ng mga mag-aaral na balansehin ang oras at maging
epektibo sa akademikong larangan. Subalit ang ganitong mga akademikong performans
ay hindi nagagampanan nang matagumpay ng lahat ng mga mag-aaral bunga ng
kanilang mga personal na buhay at mga gawain sa labas ng unibersidad. Dahil dito,
minarapat ng mga mananaliksik na magsagawa ng pag-aaral kaugnay sa epekto ng
pagpupuyat sa akademikong performans ng mga nasa Ikalawa at Ikatlong Taon sa
Kolehiyo ng Civil Technology ng CIT, BatStateU, Alangilan, Taong Panuruan 2020-
2021. Dito mabibigyang kongklusyon kung ano-ano nga ba ang masasama at
mabubuting naidudulot ng pagpupuyat para sa isang mag-aaral.

LAYUNIN

Pangungusap na naglalaman ng pangunahing layunin

Talata na naglalahad ng espisipikong layunin:

1.

2.

3.

KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK (Kanino mahalaga ang pananaliksik)

Inaasahang ang pananaliksik na ito ay makatutulong sa mga sumusunod:

Mga Mag-aaral. (paliwanag)

Mga Guro. (paliwanag)

SAKLAW AT LIMITASYON
Talatang naglalaman ng sakop/lawak ng pag-aaral at ang mga hindi sakop sa

talakayan

DEPINISYON (Alphabetized)

Terminolohiya. (Kontekstwal at Operasyunal)

KABANATA ll
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA
(5 pahina pataas)

MGA KAUGNAY NA LITERATURA

(Galing sa mga libro at mga sinulat na literatura, internet)

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL

(Thesis, Dissertations)
KABANATA III
DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Uri Ng Pananaliksik (descriptive, atbp)

Isa hanggang tatlong talatang nagpapaliwanag ng ginamit na uri ng pananaliksik

Mga Respondente

Talatang nagpapaliwanag sa bilang, edad, at iba pang impormasyon tungkol sa

mga respondente

Instrumento

Talatang naglalaman ng kasangkapan o kagamitan sa pangangalap ng datos.

(Paraan ng pananaliksik, paghahanda, pamamahagi at pangangalap ng talatanungan)


KABANATA IV
PRESENTASYON NG DATOS

Isang talatang naglalarawan ng mga datos, analisis at/o pag-susuri ng datos


KABANATA V
LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

Isa o dalawang maikling panimulang pangungusap

Lagom

Isa o dalawang maikling pangungusap na nagsasaad ng buod

Kongklusyon

Pangungusap na naglalahad ng implikasyon, interpretasyon, o pangkalahatang

pahayag batay sa datos

Rekomendasyon

Pangungusap na naglalahad ng mungkahing solusyon upang mapabuti pa ang

Pananaliksik
BIBLIYOGRAPIYA

(Alphabetized)

Halimbawa:

San Juan, D. M. et al., (2019). Saliksik: Filipino sa iba’t ibang disiplina. Malabon City:
Mutya Publishing House, Inc.
MGA ISPESIPIKASYON

Font : Aerial 12

Margin: Kaliwa 1.5


Kanan 1.5
Taas 1.5
Baba 1.0

Ang mga talata ay may indensyon, Double spacing

Paalala: Para sa dagdag na kaalaman, basahin ang mga nakahandang/inilaang mga


sanggunian sa klasrum.

Ang Kabanata l ay kailangan nang isumite sa Klasrum sa susunod na lingo.

You might also like