You are on page 1of 4

UNIVERSITY OF

PERPETUAL HELP
SYSTEM DALTA
DEPARTAMENTO NG SENIOR HIGH SCHOOL
Taong Panuruan 2022 -2023

Gawain Blg. 3: Pagbuo ng Konseptong Papel – IMRAD na pormat

Epekto ng Pagtulog ng 8 Oras sa Pag-aaral ng Basic Calculus na asignatura sa mga mag-


aaral sa Ika-11 na Baitang na kumukuha ng STEM mula sa UPHSD

I. Introduksiyon

Sa dami ng desisyon na kailangang gawin ng mga tao bawat araw ay napapagod ang utak ng

mga tao, magkasingtulad sa pagod na nararanasan ng katawan tuwing ito ay maraming

ginagawa. Kasama ng pagod ay detoryorasyon sa kakayahan ng utak na mag-isip (Guadiana et

al,. 2021). Isa sa mga epektibong paraan upang maipahinga ang utak ay tulog. Sa panahon

ngayon, karamihan sa mga tao ay may smartphones at dahil doon ay madalas nagpupuyat ang

mga mag-aaral gamit ito (Lin et al., 2022). Sa aga ng pagsimula ng klase kasabay ang pagpuyat

ay kadalasang pumapasok ang mga mag-aaral na kulang sa tulog (Hershner, 2020). Habang

lumilipas ang panahon ay mas maipapalaganap ang teknolohiya at magiging mas pangkaraniwan

ang paggamit nito, kasabay nito ay mas magiging karaniwan ang pagpuyat ng mga mag-aaral.

Nais alamin at talakayin ng mananaliksik kung mayroon at kung paano nakakaapekto ang

pagtulog sa pag-aaral ng mga estudyante.

Naipayabong ang interes ng mga mananaliksik sa paksang ito dahil ang tulog ay

kinakailangan ng lahat ng tao, at ang pagtulog ng wastong walong oras ay mayroong mga epekto

sa kakayahan ng mga tao (Guadiana et al,. 2021). Ang STEM ay isa sa mga pinakasikat at

pinakamahirap na strand para sa senior high school na edukasyon at isa sa mga pundasyon nito

upang mas matugunan ang mga mas mahihirap na asignatura ay ang Basic Calculus (O’Rourke,

2021). Nais ng mga mananaliksik na magbigay ng karagdagang impormasyon sa larangan ng

pagkaroon ng 8 oras na tulog sa pag-aaral ng Basic Calculus.

Ang impormasyon na maibibigay ng pananaliksik na ito ay mahalaga para sa mga mag-aaral,

maari nila baguhin ang kanilang mga kasanayan sa pagtulog batay sa naging resulta ng

pananaliksik na ito upang sila ay matuto sa kanilang klase ng wasto. Ito ay makakatulong sa mga
guro ng asignaturang Basic Calculus dahil maaring tiyakin kung ang kanilang mga estudyante na

nahihirapan ay dahil sa kanilang paraan ng pagturo o sa iba pang mga kadahilanan katulad ng

kakulangan sa tulog. Makikinabang ang mga mananaliksik at ang mga susunod na mga

mananaliksik dahil ito ay nakakapagbigay impormasyon at maari ring gawing basehan o RRL

para sa mga susunod na pananaliksik.

Paglalahad ng Suliranin

Nais imbestigahan ng mga mananaliksik ang relasyon at epekto ng tulog sa pag-aaral ng

Basic Calculus na signatura ng mga mag-aaral sa ika-11 na baitang na kumukuha ng STEM sa

UPHSD sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na katanungan:

1. Paano nakakaapekto ang pagkaroon ng 8 oras na tulog sa kakayahan ng mag-aaral sa

pagkatuto ng kanilang Basic Calculus na asignatura?

2. Paano nakakaapekto ang kakulangan ng 8 oras na tulog sa kakayahan ng mag-aaral sa

pagkatuto ng kanilang basic calculus na asignatura?

3. Bakit nararanasan ng mga mag-aaral ang kakulangan sa tulog?

II. Metodo

Ang mga mananaliksik ay magsasagawa ng mga interbyu gamit ang Microsoft Forms sa mga

mag-aaral sa ika-11 na baitang na kumukuha ng STEM mula sa UPHSD at ang mga tanong ay

susubukang alamin kung paano nakakaapekto ang pagtulog sa kanilang pagkatuto nila sa Basic

Calculus na asignatura.

Ang pananaliksik na ito ay isang kwalitatibong pananaliksik na kung saan ito ay

nangongolekta ng mga datos patungkol sa mga karanasan ng tao upang masagot ang mga tanong

na paano o bakit gamit ang mga open-ended na tanong. Ginamit ang pampakay sa pagsusuri o

thematic analysis para sa pananaliksik. Ang paraan ng pagsusuri na ito ay mayroong layunin na

ito ay tiyakin ang mga tema at pattern na mayroon sa kwalitatibong datos.

Napili ang mga mag-aaral sa ika-11 na baitang na kabilang sa STEM na istrand sa UPHSD

upang alamin ang tungkol sa epektibo ng 8 oras ng tulog sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa

kanilang basic calculus na asignatura.

III. Inaasahang Resulta


Natuklasan ng mga mananaliksik ang mga sumusunod matapos ang pag-aaral.

Suliranin Blg. 1 - Paano nakakaapekto ang pagkakaroon ng 8 oras na tulog sa kakayahan

ng mag-aaral sa pagkatuto ng kanilang Basic Calculus na asignatura?

Natuklasan ng mga mananaliksik na base sa pag-aaral na isinagawa nina Adelantado-Renau,

M., Díez-Fernández, A., Beltran-Valls, M. R., Soriano-Maldonado, A., & Moliner-Urdiales, D.

(2019), mayroong mga benepisyal na epekto ang pagtulog ng 8 oras ng tulog sa pagkatuto ng

mga mag-aaral sa Basic Calculus na asignatura.

Suliranin Blg. 2 - Paano nakakaapekto ang kakulangan ng 8 oras na tulog sa kakayahan ng

mag-aaral sa pagkatuto ng kanilang basic calculus na asignatura?

Natuklasan ng mga mananaliksik na base sa pag-aaral na isinagawa nina Lin, Y., & Zhou, X.

(2022), na mayroong mga epekto na nakakapahamak sa pagtulog ng 8 oras sa pagkatuto ng mga

mag-aaral sa Basic Calculus na asignatura.

Suliranin Blg. 3 - Bakit nararanasan ng mga mag-aaral ang kakulangan sa tulog?

Natuklasan ng mga mananaliksik na base sa pag-aaral na isinagawa nina Adelantado-Renau,

M., Díez-Fernández, A., Beltran-Valls, M. R., Soriano-Maldonado, A., & Moliner-Urdiales, D.

(2019), kadalasang kulang ang tulog ng mga mag-aaral dahil sa paggamit ng smartphones at

internet na nagdudulot sa pagpuyat kasabay ang aga ng simula ng kanilang mga klase.

IV. Sanggunian

Hershner, S. (2020). Sleep and academic performance: measuring the impact of sleep. Current

Opinion in Behavioral Sciences, 33, 51–56. https://doi.org/10.1016/j.cobeha.2019.11.009

Adelantado-Renau, M., Díez-Fernández, A., Beltran-Valls, M. R., Soriano-Maldonado, A., &

Moliner-Urdiales, D. (2019). The effect of sleep quality on academic performance is mediated by

Internet use time: DADOS study. Jornal De Pediatria, 95(4), 410–418.

https://doi.org/10.1016/j.jped.2018.03.006

Lin, Y., & Zhou, X. (2022). Bedtime smartphone use and academic performance: A longitudinal

analysis from the stressor-strain-outcome perspective. Computers and Education Open, 3.

https://doi.org/10.1016/j.caeo.2022.100110
O’Rourke, B. (2021, November 19). Increasing access and opportunity in STEM crucial, say

experts. Harvard Gazette. https://news.harvard.edu/gazette/story/2021/11/increasing-access-and-

opportunity-in-stem-crucial-say-experts/

Guadiana, N. P., & Okashima, T. (2021, January 1). The Effects of Sleep Deprivation on College

Students. https://doi.org/10.33015/dominican.edu/2021.nurs.st.09

Mga Miyembro: Katsuya, Marc Kevin / Isip, Paul Jericho / Pace, Kesha Raine / Mendoza, Ralph

Raven / Gonzales III, Benjamin / Sunga, Karen Andrea

You might also like